Thursday, April 5, 2012

Will You Wait For Me? (Part 09)

Kahapon, nagkaroon tayo ng ideya kung ano ang pangalan nung bagong karakter. Dito sa bahaging ito ay papasok na siya ng tuluyan sa buhay ng ating bida. Sa paanong paraan? Basahin nyo nalang.

Hindi po pala ako mag-popost bukas, Good Friday, upang makapagnilay naman tayo. Ang part 10 ay i-popost ko sa susunod na araw, Black Saturday. Have a Blessed Holy Week sa inyong lahat.


Will You Wait For Me? (Part 9)
Cover Photo by Makki



“So anong next plan mo Gian?” sabay abot nito ng basong nilamnan niya ng Red Horse. Kinuha ko naman agad yun at tinungga.

“Ewan ko… ‘Di ako makaisip ng matinong plano.” Sagot ko dito bago isinubo ang binali kong chitsaron na isinawsaw ko sa sukang puno ng sibuyas, bawang at paminta.

“Ewan ko ba sa’yo, lagi nalang palpak ang mga plano mo.” Sambit nito’t nag-indian sit sa sahig na inuupuan niya. Nilagyan niya ulit ng alak ang baso’t siya naman ang tumungga.

“’Di naman papalpak ang mga yun kung hindi ka pumaplak sa pag-execute eh. Tulad nung plano nating kunan ang pag-sesex nila, maling kuwarto ang ibinigay mo sa’kin!” depensa’t reklamo ko sa kanya.

“Aba malay ko bang lilipat sila ng kuwarto nun? ‘Di ko kasalanan yun!”

“’Di daw kasalanan. Kung nakunan lang natin yun isang upload lang sa internet sira ang reputasyon nila. Sigaradong kick out sila sa university! Ikaw ang palpak, hindi ako!” inis kong tugon.

“Oh sige sige, kasalanan ko na, matigil ka lang. So anu nga ang next plan?” Muli niyang ibinigay ang baso sa’kin. Mataman kong tinignan yun. “Nangangawit ako, kunin mo na.” sabi pa niya nang magtagal ang pagtitig ko dito.

“May naisip na ’ko.” Sabi ko sa kanya bago kinuha ang basong iniaabot niya. Evil laugh ang drama ko, parang tumawa lang si Paquito Diaz sa mga pelikula niya bilang kontra-bida.

“Sige… Ikwento mo.” Sagot naman niya.

Mag-iisang buwan na din kaming magkasama ni MVP sa pagpaplano ng mga gagawin namin laban sa mga ahas na nagngangalang Diana at Jayson. Nagumpisa yun isang araw…




Isang linggo mula nung mahuli ko sina Jayson at Diana na nagtatalik sa bahay nina Diana, nakasampa ako sa isang puno sa kabilang kalsada sa tapat ng kuwarto niya. Tangan-tangan ang camera ko, inaabangan ko siyang magbihis. Lagi naman kasing nakabukas ang kurtina sa kuwarto niya dahil gusto niyang natural daylight ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto. Ito ang naisip kong paghihiganti sa babaeng pinaglaruan ako, magkakalat ako ng eskandalosong larawan niya.

Matagal-tagal na rin akong nag-aabang nang makita ko na siyang pumasok ng kuwarto niya. Tanging twalya lang ang bumabalot sa katawan niya kaya kitang kita ko ang makinis at magandang hubog ng katawan niya. Halos pumutok na ang malulusog na dibdib niya mula sa nakayakap na twalya sa katawan niya.

Inihanda ko na ang camera ko. Naka-focus na sa kanya ang lente. Ang hinihintay ko nalang ay tanggalin niya ang twalya. Init at pagnanasa, pananabik sa paghihiganti, galit, yan ang magkakahalong nararamdaman ko sa mga sandaling yun. Sa wakas, hinawakan na niya ang nakaipit na dulo ng tuwalya, tatanggalin na niya. Nang pipindutin ko na ang shutter release button ay biglang…

“Uy sorry! Sorry talaga!”

“Sorry sorry ka dyan, tulungan mo kaya ako?!” galit kong sigaw sa kanya.

“Hahaha ba’t ka kasi nakasabit dyan?” tawa-tawang tanong nito.

“Kanina hindi ako nakasabit, nagulat ako kaya ako nagkaganito! Tulungan mo na ‘ko nangangawit na’ko!” sagot ko sa kanya. Nagulat kasi ako nang tamaan ako ng bola ng tennis sa balikat. Hindi naman masakit pero nagulat talaga ako, alam mo yung nakafocus ka sa isang bagay tapos ay magugulat ka, mahuhulog sana ako mabuti’t nakayakap ako sa sanga ng puno. Nakakatawa tuloy ang hitsura ko, para akong sloth na nakasabit sa puno. Mabuti nalang at nakasabit sa leeg ko yung strap ng camera ko, kung hindi ay siguradong wasak na ‘to pagbagsak.

“Takaw aksidente ka ‘no? Pangatlo na ‘to.” Sabi niya habang tinutulungan niya akong bumaba. Matangkad naman siya kaya madali lang para sa kanya ang alalayan ako.

“Pangatlo? Pangalawa pa lang ah!” angal ko sa kanya.

“Pangatlo na! Yung una nung nabangga mo ako sa daan, tapos yung pangalawa nung tinamaan ka ng basketball ball.” Paglilinaw niya nang makababa na ako ng maayos.

“Basketball ball talaga? Basketball na nga ball pa, paulit ulit unli?” natatawa kong tugon. “Ikaw pala yung nabangga ko nun?” tanong ko pa.

“Ah hindi mo pala ako namukhaan nun? Hahaha… Ako nga yun. Sorry nasigawan kita nun, bad trip kasi ako sa mga oras na yun.” Nakangiti pa siya habang humihingi ng paumanhin.

“Oo eh. Sorry din, di kasi ako nakatingin sa daan nun.”

“MVP pare.” Sabi niya’t inilahad ang kamay.

“Gian pare… Sabi nung captain nyo siya ang MVP ng varsity team ah.” sabi ko sa kanya. Hinawakan ko na rin ang kamay niya’t nakipagkamay sa kanya.

“Hahaha! Si captain Martinez talaga ang MVP namin, ako nakiki-MVP lang kasi yun ang nickname ko. Marcus Villaruel Pineda kasi ang full name ko, MVP for short.” Pagpapakilala niya.

Natawa ako sa narinig dahil inakala ko talagang MVP sya as in most valuable player ng basketball varsity team. “Ahh… Bilib na sana ‘ko sa’yo, fake MVP ka naman pala.”

“Hahaha pwede din, malay mo this year ako na ang maging MVP ng team bukod sa pangalan ko.”

“Ewan ko nalang kung magiging MVP ka ng basketball, pero sigurado akong walang nagiging MVP sa patagalan ng hand shake.” Pabiro kong sabi dito dahil hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko’t patuloy ang pag-shake nya.

Bumitaw naman siya’t tumawa. “Pasensya ka na ulit ha? Nakikipaglaro kasi ako ng touching ball sa mga pamangkin ko, napalakas ang paghagis ko.”

“Okay lang yun, ‘di naman ako nasaktan. Nagulat lang talaga ako.”

“Eh anu bang ginagawa mo sa puno? Siguro…” ‘di na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa pagtawag ng dalawang bata sa kanya.

“Tito Makki! Nakita mo na po ba yung bola?” tanung nung isa. Napansin kong magkamukha sila ni MVP, parang magkapatid lang.

“Ay oo nga pala. Sandali hahanapin ko lang…” sagot naman nito.

“Tito hayun po oh!” sabi naman nung isa pang bata. Itinuro niya yung bola na nasa  gitna ng kalsada. Tumakbo naman si MVP para kunin ito. Pagbalik niya’y dala na niya yung bola.

“Tara Gian sama ka muna sa’min para magmeriyenda.” Pag-aaya nito sa’kin.

“Ay huwag na, nakakahiya naman sa inyo. Tsaka busog pa ‘ko.” Sagot ko dito.

“Masama ang tumanggi sa grasya.” Sambit nito’t inakbayan ako para isama ako kung saan.

Nakabuntot lang kami sa dalawang batang naghahabulan. Ilang hakbang pa ay nakarating kami sa harap ng isang bahay na may malaking gate. Mataas ang bakod kaya hindi ko maaninag ang nasa loob. Nag-door bell yung isang bata at ilang saglit lang ay may guard na nagbukas ng pinto.

“Tara pasok. Pasensya ka na sa bahay namin ha?” pag-aaya ni MVP sa’kin.

Pagpasok ng gate ay sobrang namangha ako sa lawak ng bakuran nila. Maganda ang garden nilang puno ng magagandang halaman at bulaklak. May gazebo sa tabi ng pool na nasa kaliwang bahagi ng hardin. Sa gitna ng hardin ay may magarang cherubim statue na may hawak na jar kung saan tumutulo ang tubig. Sa kanan naman ay mapapansin ang tatlong magagarang kotse. Ang bahay naman nila ay malapalasyo sa laki, tatlong palapag ito. “Ang laki at ang ganda ng bahay nyo!” ang naibulalas ko sa pagkamangha.

“Hindi naman…” sagot nito. “Tara na, gumawa ng cheesecake si mommy. Tiyak kong magugustuhan mo yun.”

“Wow cheesecake!” natuwa ako. Basta sa matatamis nawawala ang hiya ko.

Pumasok kami ng bahay. Mas lalo akong namangha sa loob nito dagil sa high ceiling kung saan nakasabit ang isang malaking chandelier, sa mga pader ay may nakadikit na candelabra, ang sahig ay carpeted, ang mga bintana ay may mahahabang layered na kurtina na abot hanggang sahig, at may isang grandfather clock sa dingding. Wala akong makitang appliance sa sala, tanging magagarang upuan at mesa lang, ngunit ang mas nakakaagaw ng pansin ay may parang mini stage sa isang sulok kung saan naroon ang isang grand piano.

“Kailangan talaga nakanganga?” natatawang sabi ni MVP. Dun lang ako nakabawi sa pagkamangha. Naramdaman kong nahiya ako sa ‘di sinasadyang pagnganga ko.

“Sorry, ganda kasi ng bahay nyo. ‘Di ko mapigilang mamangha.” Sagot ko sa kanya.

“Salamat. Tara na sa kitchen, nandun na yung mga pamangkin ko.” Pumunta kami ng kusina nila. Duon ay nadatnan namin ang nanay ni MVP na hinihiwa yung cake.

“Good afternoon po ma’am.” Bati ko. Ngumiti naman siya sa’kin, tinitignan niya ako, marahil ay nag-iisip kung sino ako.

“Mom, si Gian pala, schoolmate ko.” Pakilala naman ni MVP sa’kin.

“Hello Gian. Welcome to our humble home.” Napakalumanay ng boses nya, alam mong may breeding talaga.

“Salamat po. I’m pleased to meet you.” Nahihiya ko namang sagot.

“Huwag kang mahiya. Upo ka na dito, kain na tayo.” Hinila ni MVP yung upuan para sa’kin. Lalu naman akong nahiya dahil dun.

“Kasali ka ba sa varsity team Gian?” tanong ng mommy niya.

“Naku hindi po. Wala po akong sinalihan, studies lang po ang focus ko.” Sagot ko naman.

“You’re not a geek, aren’t you?” nasamid ako sa tinuran ng ginang. Oo pala-aral ako pero ayoko namang matawag na geek.

“Mom… Photographer siya. Siya yung kumuha nung pictures ng dance troupe na school magazine. Yung pinakita ko sa’yo.” Sabad naman ni MVP.

“Ah siya ba yung sinasabi mo Makki?” Bumaling ang tingin ng ginang sa’kin. “Magaling ka hijo. May party ako next week, pwede bang ikaw ang maging photographer ko for the event?”

“Ah… Ehh…” nag-aalangan ako. Hindi pa ‘ko sumubok na maging photographer sa isang party o event, baka pumalpak ako’t mapahiya lang.

“Payag yan mom, close kami neto eh.” Singit ulit ni MVP at inakbayan pa ‘ko.

“Talaga? Payag ka na Gian ha? Don’t worry, I’ll give you a handsome reward.” At hayun nga, hindi na ako nakatanggi pa.

“S-sige po. Pero isasama ko na rin po ang mentor ko, para may back-up.” Sagot ko.

“Great! Sa Sunday yung party ko. Formal occasion yun so I expect you to wear a coat and tie.”

“Ahmm… Ma’am…” nahihiya ako, paano ko sasabihing wala akong maisosoot sa piging? Nalintikan na.

“Ako’ng bahala sa’yo. Pahihiramin kita.” Bulong ni MVP sa’kin. Nabasa siguro niya ang nasa isip ko.

“Something wrong?” tanong ng ginang sa’min.

“Wala mom, may sinabi lang ako.” si MVP ulit.

“Oh okay. Kainin mo na yan Gian. Huwag kang mahihiya, welcome na welcome ka dito. Ituring mo kaming pamilya. Okay?” sambit ng mommy niya. Napakabait niya sa’kin kahit ngayon pa lang niya ako nakita.

“Salamat po.”




Matapos ng merienda ay pinatulog muna yung mga bata ng mommy ni MVP. Ako naman ay inaya niya sa gazebo nila sa hardin. Naaaliw ako sa hardin nila, maganda talaga. Siguro umupa pa sila ng landscape architect para lang dun. At yung pool, parang ang sarap magswimming dun, kung may dala lang siguro akong pamalit maliligo ako dun sa mga oras na yun.

“Gian.” Pagtawag sa’kin ni MVP na humila sa akin mula sa pag-iisip.

“Bakit?” takang tanong ko dahil seryoso ang mukha niya.

“Bakit mo kinukunan si Diana?” Nagitla ako sa tanong niyang yun. Hindi ko inaasahang alam pala niya.

“Ah… Hindi naman eh. Kinukunan ko yung paru-paro sa puno.” Palusot ko.

“Paru-parong may buhok at umiihi? Maloloko mo ang lahat, pero ako hindi. Nakita ko siyang bagong ligo nang dumungaw siya ng bintana kaya sabihin mo na kung bakit mo kinukunan si Diana habang nagbibihis.” Nakakatakot. Very intimidating ang aura nya ngayon, parang ibang tao.

“H-hindi ko alam ang pinagsasasabi mo MV…” naputol ang sinasabi ko nang bigla siyang tumayo’t tumalikod sa’kin.

Naglakad siya papunta sa tabi ng pool. “Minahal ko siya… Si Diana lang ang babaeng minahal ko mula pa nung kinder kami. Tuwang tuwa ako nung naging kami nung high school… Pero pinaglaruan lang niya ‘ko…” Lumingon siya paharap sa’kin, kitang kita kong puno ng galit ang mga mata niya. “Gusto kong mapahiya si Diana. Gusto ko siyang manliit sa hiya… Tulad ng ginawa niyang panghihiya sa’kin noon!”

“Bakit? Ano bang ginawa niya sa’yo?” tanong ko dahil na rin sa pagtataka. Bakit ganuon nalang ang galit niya?

“Pinagpustahan lang pala nila ako. Ginawa niya akong utusan, alipin, tsimoy na laging nakabuntot sa kanya. Akala ko’y pinagmamalaki niya ako bilang boyfriend niya… Yun pala ipinapakita niya sa mga tao kung gaano ako katanga.” natigil ang paglalahad niya ng kuwento sandali. Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina.

“Prom namin nuon, sinabihan niya akong ako ang date niya. Syempre tuwang tuwa ako. Iniabot niya ang isang paper bag sa’kin, yun daw ang isuot ko. Pagtingin ko sa damit, full costume ni Tuxedo Mask. Ang isusuot daw kasi niya yung katulad ng damit ni Princess Serenity para match kami. Syempre gusto kong partner kami kaya yun nga ang isinoot ko…” Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya ngunit pilit niyang pinigilan. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa kuwento niya habang ako nama’y nakikinig lang.

“Susunduin ko sana siya sa gabi ng prom kasi nga ako ang date niya, kaso hindi na siya nagpasundo dahil ihahatid daw siya ng mom niya. Pagdating sa prom, marami nang tumatawa sa pagkakita sa’kin. Sino ba namang hindi matatawa pag nakakita ka ng nakasoot na ganun, tuxedo nga, naka kapa naman, complete with mask at hat pa. Pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil nga partner kami ni Diana… Nakita ko siya sa isang table, iba ang soot niyang gown. Lumapit ako’t naupo sa tabi niya… Nagulat nalang ako nang hinila ako ng isang lalaki tapos ay itinulak ako sa gitna. Sinabi ko na date ako ni Diana pero itinanggi niya yun. Yung lalaki daw na tumulak sa’kin ang date niya…” Nagulat ako sa ikinuwento niya. Nakakahiya nga naman yun…

“Bakit nagawa ni Diana yun?” nasambit ko, hindi ako makapaniwala.

“Syempre nagtaka din ako nun. Sabi ko boyfriend ako ni Diana pero itinanggi ni Diana yun. Yung lalaking yun daw ang boyfriend niya. Ang daming bulung-bulungan akong narinig. Na feeling daw ako, na matayog daw ang pangarap ko, na nag-iilusyon ako… Aminado naman akong hindi ako gwapo nun… Payatot, lampa, puno ng tagihyawat, baduy manamit. Hiyang hiya ako sa nangyari, wala akong nagawa kundi ang umuwi nalang. Wala din akong mukhang maihaharap sa mga nakakita kaya nag-drop ako.” Naawa ako ng sobra sa kanya sa inilahad niyang kuwento. Manloloko pala talaga si Diana… Naiinis akong isiping naloko din ako ng babaeng yun.

“Kaya gusto kong maghiganti sa kanya. Kaya sabihin mo sa’kin, bakit mo siya kinukunan kanina?” Nakatingin siya sa mga mata ko, tila nakikiusap…

“Niloko din niya ako. Gusto ko ding gumanti kaya ko ginawa yun.” Sagot ko sa kanya.

“Iisa lang pala ang gusto nating mangyari. Magtulungan tayo laban sa kanya. Ikaw at ako, pabagsakin natin siya… Pag nagtulungan tayo magagawa natin siyang ipahiya tulad ng nais kong mangyari, o kahit ano mang gusto mong mangyari sa kanya!” May paninindigan niyang wika, kinukumbinsi ako.

“Teka, paano? Anong balak mo?”

“Gawan natin siya ng scandal. Ikalat natin sa mga cellphone at internet.”

Ganuon din ang iniisip kong gawin kanina kaya pumayag ako. Duon nag-umpisa ang pagsasanib ng puwersa namin laban sa babaeng pinaglaruan kami. Alam kong hindi mabuti ang paghihiganti subalit masisisi nyo ba kami?




“Ji-ji! Ji-ji may bisita ka!” sigaw ni nanay habang kumakatok sa pintuan ng kuwarto ko.

“Sandali lang MVP, diyan ka lang.” paalam ko sa kanya’t tumayo na ako’t naglakad upang buksan ang pinto.

“Umiinom na naman kayo?” agad na tanong ni nanay pagkabukas ko ng pinto, marahil ay naamoy niya ako.

“Konti lang nay. Sino pong bisita? Gabi na ah…” sagot ko naman.

“Ikaw na ang tumingin sa sala, maliligo na ‘ko, inaantok na’ko eh.” Sagot ni nanay at tumalikod na upang pumunta ng kuwarto niya.

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba upang tignan kung sino daw ang bisita. Nang makababa ako ay wala namang tao kaya tinignan ko sa kusina, baka nakiinom lang, pero walang tao dun. Napakamot ako. Babalik na sana ako ng kuwarto nang mapansin kong medyo bukas ang front door namin. Baka lumabas yung bisita kaya minabuti kong tignan na rin sa harap. Nakakita ako ng kalbong lalaki na nakatalikod sa’kin.

“Sino ka?” tanong ko dito.

Humarap siya sa’kin na ikinagulat ko. “Moy ayoko na ng mga ginagawa mo. Mag-usap tayo.”




Itutuloy.

15 comments:

ChuChi said...

here we go!!

PAY BACK TIME!!

:)

- ChuChi -

russ said...

nagpakalbo pa siya talaga..ummmm ano yan..guilty

kevinblues88 said...

next chapter na poh...hehehe

Anonymous said...

ANG KAPAL NAMAN NG MUKA NI JAYSON NA MAGPAKITA PA KAY GIAN!!!! GRABE TALAGA!!!! PARANG WALANG PINAG-ARALAN KUNG UMASTA!!! NAKAKAINIS!!!!! SO, GANUN GANUN NALANG?? MATAPOS NILANG SAKTAN SI GIAN, SA SIMPLENG SORRY, MAKUKUHA NA ANG LAHAT???!!!!!


"PARA SAAN PA ANG PARAK, KUNG NAKUKUHA DIN SA PASENSYA ANG LAHAT!!!!!!!!"


SA PULIS KA MAGPALIWANAG JAYSON!!!!!


-EUSETHADEUS-

Anonymous said...

This just makes me feel sad..... :'(

Chris said...

paano nalaman ni Jayson ung mga ginagawa ni Gian? Bakit kalbo si Jayson? Medyo magulo kuya. hehe. sana maliwanagan ako sa nxt chapter o kaya paki explain sa unang part ng post mo bago ung story mismo. salamat kuya. hehe.

Master_lee#027 said...

Very interesting angbnext chapter eh ,medyo magulo pa ng konti dito pero parang mas pabor na ako sa loveteam nina mvp at gian eheh

Coffee Prince said...

How could you Jayson? -_- :(

anong pumasok sa kukote mo para gawin yun?
sabi na nga ba .. walang hiya yung Diana na yun ..

they'll reap just what they sow. >.<

what's the story behind the sex scene between Jayson and Diana? a sort of frame-up? o ginusto talaga nilang dalawa?
kasi based on my analysis .. Jayson feels something more than friendship to Gian ..
hmmmmmmm ..

Thanks kuya Lawfer ~
details .. details .. . XD

Anonymous said...

i think niloloko lang talaga ni diana si Gian to begin with and ito yung part na since mahal ni Gian si Diana and ayaw ni Jayson na masaktan si Gian pag hiniwalayan siya ni Diana kaya pumayag si Jayson sa gusto ni Diana :) just a theory :D

Anonymous said...

baka tinakot lang sya nung babae nasi diana hihiwalayan si gian kaya sya nagpagamit...

Anonymous said...

parehas tayo ng theory hehhehe

foxriver said...

i agree with Chris...i'm baffled with this chapter, hehehe.maybe the next one will clear this one for me.

Anonymous said...

hayyyyyy...............naku.....khit anong gawin ni jiji kay jayson cla prin hanggng huli...........kung makatuluyan cla ni mvp.......okie n rin....................................................................................ras

Anonymous said...

kahit antok na ko binasa ko pa din, i cant help but reading it... hehe, ndi na ko makaphintay ng bukas.. haha... sobrang ganda kc ng story, cge pa author mas madaming twist pa! :)

j20green said...

nice just read chap 1 to 9. galing author. payback time. dpt pagrapn mbuti c jayson n diana. sana magkatuluyn c mvp n gian. thsnks excitexld nko sa chap 10:-)

Post a Comment