Saturday, April 7, 2012

Will You Wait For Me? (Part 10)

Tulad ng ipinangako, ngayong Sabado ko i-popost ang Part 10. Pinaaga ko na para makabawi naman sa hindi ko pagpost kahapon. Kamusta ang Byernes Santo nyo? Dito madugo eh, literal, ma-pako pa. /heh

Anyway, may mga kuro-kuro akong nabasa sa mga puna sa nakaraang bahagi ng kwento at masasabi kong inaasahan na nila ang tagpong inyong mababasa sa bahaging ito. Gayun pa man, panandalian ko munang puputulin ang tagpo sa nakaraang bahagi upang silipin ang nakaraan sa pananaw ng iba nating karakter. Tulad ng pangalan ng blog ko, Threads of Fate, uusisain natin ang isa pang sinulid na bumuhol sa sinulid ni Gian upang malinawan tayo sa bawat pagbubuhol ng kanilang mga sinulid.

Revelations!!! Sana ma-enjoy niyo ito. /no1


Will You Wait For Me? (Part 10)
Cover Photo by Makki



*JAYSON MALIWAT JR*

“Hello? Sino po ito?” bungad ko sa tumawag sa cellphone ko. Unknown number kasi.

“Hello Jayson. Si Diana ‘to.” Ikinagulat ko ang pagtawag niya. Bakit tumawag ‘to?

“Ah hi Diana. Napatawag ka? Hinahanap mo ba si Gian? ‘Di ko siya kasama ngayon eh, busy sa studio nya. Alam mo na yun, pag may ginagawa todo focus, ayaw ma-abala.” Sagot ko.

“Ganun ba? Okay lang, ikaw naman talaga ang gusto kong makausap eh.” Huh? Ako daw? Bakit kaya?

“Ako? Bakit gusto mo ‘kong makausap?”

“Wala lang. Gusto kasi kitang makilala ng lubusan. Alam mo na, best friend ka ng boyfriend ko eh. Siguro dapat maging close din tayo.”

“Ah ganun ba? Okay lang sa’kin, I think matutuwa si Moy pag naging close din tayo.” Sagot ko.

Pinilit kong makipag-close sa kanya para kay Gian. Marami din kasi akong kilala na ‘selos’ ang nagiging sanhi ng alitan sa pagitan ng best friend at syota, ayokong mangyari sa’min yun, mahirapan si Moy, dahil mahalaga siya sa’kin.

Isang araw habang magkasama kami ni Gian dahil makikitulog ako sa kanila, May tampuhan kami nun dahil sa ginawa ko kanina. Yun yung araw na may sinamahan akong sexyng babae na nagngangalang Eve. Tinitignan ko kung pipigilan ako ni Gian nuon pero nagkamali ako. Sumama ako sa babae sa pag-asang susundan kami ni Gian, humahanap ako ng sign na nagseselos siya subalit bigo ako. Lungkot na lungkot ako nuon. Inaya ako ni Eve sa motel pero hindi na ako tumuloy, ayoko naman talaga kasing may mangyari sa’min. Yun din yung araw na ‘di ko na napigilan ang sarili ko. Miss na miss ko nang maramdaman ang pagmamahal ni Gian, hinalikan ko siya, mapusok, na ikinagalit niya.

Hindi ko alam paano ako hihingi ng tawad sa ginawa ko dahil sinadya ko naman talagang halikan siya. Pinagsabihan pa kami ni nanay na kung may alitan kami’y kailangan maayos bago pa man lumubog ang araw. Gabi na nun kaya nakalubog na talaga ang araw kung kaya naisip kong humingi ng tawad bago kami matulog. Naliligo si Gian nun kaya hinintay ko nalang siya sa kuwarto niya. Nakikipag-text ako sa mga girl friend ko nang makareceive ako ng text mula kay Diana.

“Hi jyson m22log nba u?”

Nireplyan ko naman siya ng maayos. “M22log na nian. Kaw bat gcng kpa?”

“Di kc me mk2log eh, iniicp kc kta.” Nagtaka ako sa reply niya dahil dun.

“Aq? Bkit mko iniicp?”

“I think mahal na kita more than I love Gian.” Nagitla ako sa sinabi niya, wala naman akong ginawa para mahulog siya sa’kin eh.

“Infatuation lng yan cguro. Wag m na icpn pa yan, mhal ka ng bestfrnd ko.”

“Mahal mo naman ang best frnd mo?” reply niya na lalu kong ikinagulat. Napansin ba niya ang espesyal na pakikitungo ko kay Gian?

“Oo naman mhal ko, bestfrnd ko nga db?”

“Bestfrnd lng? Cgurado ka?”

“Anu bng ibg mong sbihin?” pilit kong itinanggi sa kanya ang nararamdaman ko dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni Gian. May amnesia siya sa ngayon at ‘di na niya natatandaan ang nakaraan namin. Baka pag naalala niya ay pandirihan niya ako’t layuan ako. Yun ang ayaw na ayaw kong mangyari.

Nakareceive ako ng MMS galing kay Diana. “Gs2 m bang mkita ng BEST FRIEND mo yan?” Nagulat ako dahil pagbukas ko’y picture namin ni Gian, nung hinalikan ko siya habang tulog. Nakatago ito sa cellphone ko, paano nakuha ni Diana ‘to?

“PNU MO NKUHA 2?! PNKIALAMAN MO CP KO?!” galit kong reply sa kanya.

“Well yes, ngulat nga ako nung nkita ko yan. Kya nagblutut me.”

“Anu bng gs2 m?!”

“Be mine & nothng wil be revealed to ur BEST FRIEND. :)”

“Eh kung d ako pumayag?”

“Eh d mkikita ni gummy bear bukas na bukas din :)”

Naiinis ako. Ayokong pagtaksilan si Moy pero… Mas masakit sa’kin kung layuan ako ni Gian at pandirihan. Hindi ko kakayanin yun. “Cge pyag aq, peo itago ntin to ky gian, at wg ka mkikipaghwalay skania. Pls?”

“It’s ok with me.”

Pumasok si Gian sa mga oras na yun kaya binitawan ko agad ang cellphone ko. Nagtanggal na ako ng damit dahil ganuon ang getup ko kapag natutulog. Gusto kong damahin ng hubad kong katawan ang init ng katawan ni Gian. Sa mga nakalipas na taon ay ito lang ang paraan ko upang kahit papaano’t maramdaman ko siya dahil hindi na nga niya naaalala ang ginagawa namin nuon upang iparamdam sa isa’t isa ang pagmamahalan namin. Kahit sa ganitong paraan lang ay kuntento na ako.

“Gian…” mahinang pagtawag ko sa kanya.

“Hmm?” tamad niyang sagot.

“Gising ka pa?”

“Hayan ka na naman eh! Sasagot ba ‘ko kung tulog na ’ko?!” may bahid ng pagkayamot niyang tugon.

“Sorry… ‘Di kasi ako makatulog eh…” paglalambing ko, umaasang bumigay siya.

Tulad ng nakasanayan, iniunat niya ang kamay niya, umunan ako sa bisig nya. Natuwa ako dahil kahit may tampo siya’y hinayaan niya ako sa ganuong posisyon. Yumakap ako sa kanya, dinama ko ang init ng katawan niya. Inamoy-amoy ko ang kilikili niya, ewan ko pero gusto ko ang amoy nun. Kasama yun sa paglalambing ko sa kanya.

Tumingin ako sa mukha niya. Naaaninag ko sa malalmlam na liwanag na nagmumula sa labas ang maamo niyang mukha. “Moy…” Muli kong pagtawag sa kanya.

“Oh bakit na naman?!” nakukulitan na siguro siya sa’kin pero gusto ko talagang magkaayos na kami.

“Galit ka pa rin ba?”

“Di naman nakakatuwa yung ginawa mo eh!”

“Sorry na…” sabi ko… Naiiyak na’ko dahil ayoko talagang nagagalit siya sa’kin.

“Haay… Oo na! Sige na, pinapatawad na kita… baka umiyak ka pa diyan marinig pa ni nanay, mapagalitan pa tayo.”

Natuwa ako pero hindi lubos na tuwa dahil parang napilitan siya. Gusto kong maramdamang napatawad na niya talaga ako. “Yakapin mo nga ako kung talagang okay na tayo?”

Niyakap niya ako nang mahigpit. “Oh ayan, matigil ka lang… Happy?”

“Very much! Salamat Moy.” Tuwang tuwa ako. Hindi na nga siya galit.

Matapos ng ilang sandali ay nagsalita siya. “Anong nangyari sa inyo nung sexyng babae?”

“Ah yun ba? Wala…” walang gana kong sagot.

“Anong wala?”

“Walang nangyari.” Payak kong sagot.

“Ha? Akala ko ba game siya?”

Gusto ko sanang sabihing pinagseselos ko lang siya pero wag na, kakabati lang namin, ayokong magalit siya ulit. “Oo nga game siya, pero ako hindi.”

“Bakit?”

“Basta! Wag mo nang itanong, ayokong pag-usapan.” Pag-iwas ko, baka ‘di na naman ako makapagpigil ay maipagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko.

“Kaw bahala...”

“Moy…” muli kong pagtawag. Naisip ko kasi yung napag-usapan namin ni Diana.

“Oh?”

“Pag ba may nagawa akong mabigat na kasalanan mapapatawad mo ba ‘ko?” tanong ko. Nais kong malaman kung kaya ba niya akong mapatawad sa pagkakataong ito.

“Anong mabigat na kasalanan?”

“Basta! Example lang may nagawa akong malaking kasalanan sa’yo… Papatawarin mo ba ‘ko?”

Natahimik siya, nag-iisip siguro. “Syempre naman. Para na tayong magkapatid no.” sagot niya.

“Promise?”

“Opo. Ba’t ang kulit mo ngayong gabi? Wala ka bang balak matulog?” tanong niya.

Okay na sa’kin yung sinabi niya pero gusto kong magkaroon ng proof. “Paano ko malalaman pag pinatawad mo talaga ako?”

Sinabunutan niya ako gamit ang kamay na ipinangkakamot niya sa’kin. “Anu ba?! Eh di sasabihin ko sa’yo na pinapatawad na kita.”

“Aray ku! Nagtatanong lang eh… Ayoko ng sasabihin mo lang…”

“Eh anong gusto mo?”

“Pag talagang pinatawad mo na ‘ko… Bigyan mo ako ng bagay na mahalaga sa’yo.”

“Oh siya siya, bibigyan na kita. Matulog na tayo, antok na antok na talaga ako.”

Sana nga Moy mapatawad mo ako sa isang ito… Mahal na mahal kita, ayokong lumayo ka sa’kin… “Sige… Good night Moy.”

“Good night…”

Naging panatag ako sa usapan naming yun. Naging mas sweet ako sa kanya upang iparamdam ang pasasalamat at pagmamahal ko sa kanya. Masaya ako dahil sa kabila ng lahat, nandito pa rin siya lagi para sa’kin.

Lumipas ang ilang araw, kinukulit na ako ni Diana. Nais niyang hiwalayan ko ang tatlong girl friend ko dahil gusto niyang kanya lang daw ako. Kaya ko namang ibigay ang demand niya dahil hindi ko naman mahal ang mga girl friend ko. Niligawan ko lang sila para walang magbigay ng malisya sa closeness namin ni Gian, yun ang alam kong paraan para protektahan siya. Isa pa, gusto ko ring makita kung magseselos siya sa mga babaeng yun, ang malungkot lang dun ay naging supportive pa siya, wala kahit katiting na selos. Hiniwalayan ko sina Dina, Tess at Marie, wala naman silang tutol dahil parang wala daw silang boy friend sa’kin dahil lagi akong wala para sa kanila.

Isang araw, nagpaalam si Gian na bibili ng regalo para sa birthday at monthsary nila ni Diana. Sinamahan ko siya dahil ayoko ring malayo sa kanya, para hindi ako makulit ni Diana. Ngunit sa araw na yun ay may hindi ako inaasahang mangyari. Yun yung araw na nasaksak siya dahil sa pagprotekta niya sa akin. Limot niya ang nakaraan namin subalit naroon pa rin yung urge niya upang ipagtanggol ako. Sa kabila ng matipuno at astigin kong pangangatawan, siya pa na geeky ang may lakas ng loob sa’ming dalawa. Nakakahiya ako…

Matapos ng insidenteng yun, ipinagtaka ko ang pagbabago niya. Ayaw na niyang nagpapakita ako ng sweetness. Natakot ako. Sinabi na ba ni Diana ang mayroon kaming dalawa? Pero hindi eh, mahal na mahal ni Gian si Diana, kung malaman niyang may iba na si Diana siguradong magwawala yun. Kahit pinagbabawalan niya ako, itinutuloy ko pa rin ang nakagawian ko.

Kinausap ko si Diana, napagkasunduan naming maging cold sa isa’t isa kapag nariyan si Gian para hindi mahalata ang namamagitan sa’ming dalawa. Pumayag siya sa kundisyong susunduin ko siya araw-araw. Pumayag ako.

Susunduin ko sana si Gian sa bahay nila upang yayain na sunduin si Diana. Yun ang paraang alam ko upang tumupad sa usapan namin na hindi ko kailangang maging sweet sa kanya. Sa totoo lang ay ayoko kay Diana, pero wala akong choice eh. Pagdating ko sa bahay nina Gian, sinabi ni ninang sa akin na nauna na siya upang sunduin si Diana. Nalungkot ako kaya tinext ko agad siya. Hindi naman siya nagreply. Kaya umalis na din ako upang pumunta ng university, dala ko ang camera niya upang mapilitan siyang samahan ako mamaya paglabas. Nagtext din si Diana sa’kin upang ipaalam na hihintayin nalang niya ako sa university dahil may kailangan siyang i-research sa library kaya napaaga ang punta niya.

Pagdating ko ng university ay pumunta agad ako sa library upang makipagkita kay Diana. Sinabi niyang magkita kami sa may mga kubo ng university sa first break nila mamaya dahil may sasabihin siya. Matapos ng maikling pag-uusap ay lumabas na rin ako agad upang hintayin si Gian sa labas. ‘Di naman ako nabigo dahil paglabas ko’y nakita ko agad siya. Sinabi ko sa kanya kung bakit ko dinala ang camera niya, pumayag naman siya.

Dumating ang first break, nagpunta nga ako sa kubo. Nang makita ko siyang paparating ay sinalubong ko siya. Babalik sana kami ng kubo subalit may ibang tao doon at ayaw niyang may ibang makarinig sa pag-uusapan namin. Kilala kasi kaming dalawa ni Gian sa university. Ako bilang leader ng dance troupe, siya bilang sikat na independent photographer. Baka nga naman isipin ng iba na inaahas ko ang syota ng best friend ko… Na totoo naman subalit hindi ko ginusto.

“Punta ka sa bahay mamaya, ipagluluto kita.” Sabi ni Diana habang nasa likod kami ng isang puno.

“Ayoko, magkasama kami ni Gian mamaya eh.” Pagdadahilan ko.

“Cancel mo na muna yun, sa bahay ka na matulog. Wala si mommy today, pwede nating gawin ang lahat ng gusto natin.” Alam ko na ang nais niyang mangyari. Ayoko, alam kong masasaktan ko ng labis si Gian pag pumayag ako sa gusto ni Diana.

“Ayoko! Eh kung mabuntis kita?”

“Eh ano naman? Eh ‘di pakasalan mo’ko!”

“Nababaliw ka na ba?!” pigil ngunit madiin ang pagsasalita ko, ayoko kasing may makarinig.

“Okay… Ipapakita ko kay Gian yung picture.” Sabi niya’t tumalikod. Parang sasabog ako sa galit sa mga oras na yun.

Hinablot ko ang braso niya’t iniharap ko siya sa’kin. “Don’t you dare! Mapapatay kita! Sinasabi ko na sa’yo mapapatay kita!” galit kong banta sa kanya.

Nakita niya marahil na kaya kong totohanin ang banta ko. Kitang kita ko sa mukha niya ang takot. “S-s-orry. H-hindi ko na gagawin yun.”

Binitawan ko siya. “Kapag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede!” sabi ko sa kanya’t tumalikod na ‘ko upang makalayo.

Lunch break. Inabangan ko sila sa harap ng canteen. Masama ang tingin ko kay Diana subalit siniguro kong hindi yun mapapansin ni Gian. Dahil siguro natatakot siya sa’kin ay nagpasya siyang maghanap nalang ng table na pupuwestuhan namin. Umorder kami nina Gian at ng dalawang kaibigan ni Diana ng makakain namin. Humirit pa yung dalawa na ilibre ko sila pero nandun si Gian upang saluhin ako. Kapal naman kasi ng mukha nilang dalawa, ‘di ako nagtataka kung bakit sila ang kaibigan ni Diana. Birds of the same feathers bitch together.

Napansin siguro ni Gian ang malamig na pakikitungo ko sa syota niya kaya bigla niyang pinansin ang pananahimik namin. “Oh ba’t nanahimik kayo? Nakakapanibago ah.”

“Nakakapanibago nga, nagsalita ka habang kumakain!” tanong nung Romel. Mabuti na rin at kasama namin yung dalawang ‘Extra’ kaya nakaisip ako ng palusot.

“Oo nga gummy bear, himala nagsalita ka habang kumakain. Nakakadaldal ba yang kinakain mo?” si Diana.

“Baka naman may gayumang pampadaldal ang juice.” Panggagatong ko naman.

“Ewan ko sainyo.” Inis na tugon ni gian at nagpatuloy na siya sa pagkain.

Matapos ng klase, inipon ko ang grupo ko sa gym. Habang wala pa si Gian ay hinayaan ko na muna silang manood ng practice ng basketball varsity team. Isa doon sa mga naglalaro ay pamilyar sa’kin. Yun yung nagtransfer sa school namin nung fourth year high school kami. Siya yung parang laging nagmamasid sa’min ni Gian dati na parang gustong makipagkaibigan pero halata namang mahiyain siya nun. Malaki ang ipinagbago niya, dati payat lang siya’t mukang lampa, ngayon buffed, matangkad at may confidence na. Ano kaya ang ginawa niyang work-out?

Nasa ganoon akong pag-iisip nang mapalingon ako sa entrance ng gym. Masaya akong tumayo upang salubungin si Gian. “Moy! Akala ko ‘di ka na darating eh.”

Bumuntong hininga siya’t sumagot. “Wala naman akong choice ‘di ba?”

“Kaya mahal kita Moy eh.” Wika ko’t inakbayan siya.

“Moy…”

“Hayaan mo na Moy… Tara na, mag-uumpisa na kami.” Sabi ko’t naglakad na kami papunta sa mga upuan. “Diyan ka lang Moy ha?” Kinindatan ko siya’t nakita ko siyang ngumiti ng pagil.

“Start na tayo guys!” sigaw ko’t inaya na sila.

Hindi muna ako sumali sa una upang siguruhing alam nila ang mga steps. Nang wala na akong nakikitang nagkakamali ay sumali na rin ako. Todo pakitang gilas ko kay Gian dahil alam kong gusto niyang napapanood ang galaw ko. Itinatanggi man niya’y nakikita ko sa mga ngiti niyang nag-eenjoy siya. Magkahalong saya at kilig ang nararamdaman ko sa tuwing napapangiti siya sa tuwing sumasayaw ako. Naka-focus ako sa sayaw nang nagulat nalang ako sa isang sigaw.

“Ilag!!!”

Tinamaan ng bola sa ulo si Gian at natumba. Gulat na gulat ako sa pangyayari kaya automatic na nakaramdam ako ng galit. “Okay ka lang?” tanong nung pamilyar na player at inalalayan siyang tumayo.

“Tanga ka ba?! Tinamaan nga ng bola tapos itatanong mo kung nasaktan siya? Kung ikaw kaya ang hampasin ko ng bola sa ulo mag-enjoy ka kaya?!” sarkastiko kong sabi lalu na’t nakaramdam ako ng selos sa paghawak niya kay Gian.

“Sorry, ‘di ko naman sinasadya eh.” Paliwanag nung lalaki.

“Hinde, okay lang.” sagot naman ni Gian na lalu kong ikinainis, bakit ba ganun ang reaksiyon niya, dati naman nagagalit siya pag may nanakit sa kanya. Bakit sa lalaking ito hindi? Magkakilala ba sila?

“Hindi okay yun Moy! Gagu kasi, ‘di nag-iingat!” pagpaparinig ko.

“Nag-sorry na ako ah. Tsaka bakit apektado ka?! Angas mo ah!” sagot nung lalaki na halatang nag-iinit na din.

“Talaga namang gago ka eh! Ano?!” sagot ko naman at itinulak ko siya gamit ang malaya kong kamay habang ang isa naman ay naka-akbay kay Gian.

“Jayson, okay na nga ano ka ba?!” Pag-awat ni Gian sa’kin subalit hindi ako nakinig.

“Hindi Moy eh, kailangang turuan ng leksyon ‘to.” Sagot ko naman habang hindi ako bumitaw sa matalim na titig ko sa lalaki.

“Ano bang gusto mo?! Papalag ka ba?!” inis na tugon nung lalaki’t binangga ako sa dibdib.

“Game, 1 on 1 tayo!” hamon ko.

“Game!” sagot nung lalaki’t ibinato sa’kin ang bola na sinalo ko naman.

“Dito ka lang Moy, pakakainin ko ng alikabok ang bakulaw.” Bumitaw ako kay Gian at dinribble ko yung bola. Sumunod naman yung lalaki.

Naglaro kami’t masasabi kong magaling siya subalit hindi ako magpapahuli. Hindi porket matangkad siya sa’kin ay lamang na siya. Mahigit kinse minutos kami naglaro’t nagpakitang gilas kay Gian. Tulad ng inaasahan ko, ako ang nanalo.

Nakipagkamay naman yung lalaki sa’min ni Gian at nag-sorry ulit siya. Inaya pa niya akong sumali sa team nila pero wala akong balak na sumali, ayokong mabawasan ang oras ko kay Gian. Pero dahil ayoko siyang ipahiya’t magmukang masama ako kay Gian, sinabi ko nalang na pag-iisipan ko.

Paguwi namin ay ‘di na nakapaghintay si Gian na i-print ang mga pictures. Isa yun sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanya, napakasipag. Kung kayang gawin ngayon, hindi na niya ipagpapabukas pa.

Nang matapos siyang magprint ay tinignan ko agad yung mga pictures. Nagitla ako nang makita ko yung picture nung lalaki kanina. Bakit niya kinunan yung lalaking yun? Magkakilala nga kaya sila? Ipinaliwanag ni Gian kung bakit may picture siya nung lalaki, hindi pala siya ang kumuha nun. Naniwala naman ako dahil hindi naman marunong magsinungaling si Gian sa’kin.

Mula nung araw na yun, napansin kong bumalik yung pagiging mapagmasid nung lalaki sa’min ni Gian. Pero nagkamali ako, si Gian lang pala ang pinagmamasdan niya. Para na ngang stalker. Lalu akong nainis sa lalaking yun. Problema ko na nga si Diana, nadagdagan pa ng isa!

Isang araw, summer vacation yun. Nagtext sa’kin si Diana, pinapapunta niya ako sa bahay nila. Umayaw ako tulad ng dati pero nagbanta siya muli na ipapakita yung picture kay Gian. Sinubukan kong bantaan siya ulit tulad ng dati subalit hindi na siya kumagat. Ang sabi niya’y wala naman kaming gagawing labag sa loob ko, simpleng tanghalian lang daw. Pumayag na ako.

Pumunta ako sa bahay nila, pinagbuksan naman ako ng pinto ni Diana. Manonood daw kami ng DVD sa kuwarto niya kaya tinulungan ko siyang dalhin ang mga pagkain sa kuwarto. Tutok na tutok ako sa pinapanuod namin habang kumakain. Ni hindi ko nga siya sinasagot kapag nagsasalita siya eh.

Bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo. Tinignan ko si Diana’t nakangising aso siya. “You’re mine babe…” ang huling naaalala kong sinabi niya bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Nang magkamalay ako’y nakahubad na ako. nakatali ang mga kamay at paa ko sa kama, hindi ako makagalaw.

“Gising ka na pala…” sabi ni Diana kaya napalingon ako sa kinaroroonan niya.

“Anong gagawin mo?!” inis na sabi ko.

“I’ll let you have a taste of heaven…” sabi niya sa mapang-akit na boses. Hinubad niya ang shorts at panty niya. Kitang kita ko ang hiyas niyang na-wax ata dahil walang buhok. Nakakatukso.

“S-sandali lang Diana! Pakawalan mo’ko. Gusto ko ako ang maghubad sa’yo.”

“Nope… You won't fool me baby…” sabi niya’t sumampa sa kama. Umupo siya sa pelvic area ko't itinaas ang blouse nia. Wala siyang bra kaya kitang kita ko ang malulusog niyang dibdib. Tinatablan na’ko.

“Ohhh I see your member’s enjoying the view.” Sambit niya nang maramdaman niya ang paggising ng alaga ko.

“Oo, pakawalan mo na’ko please? ‘Di ko na matiis.” Sambit ko, baka maniwala siya. Pag pinakawalan niya ako’y makakatakas na ‘ko.

“Nah-ahhh… It’ll be female superior baby…” sambit niya’t yumuko upang dilaan ang kaliwang nipple ko.

Masarap ang ginagawa niya subalit nagmamaktol ang puso ko. Ayaw ko nito, hati sa tatlo ang nararamdaman ko. Ang utak ko’y nagsasabing kataksilan kay Gian ito. Ang puso ko naman sinasabing ayaw ko kay Diana. Ang alaga ko naman ay sinasabing one time lang naman. Nakakainis!

“Ready babe?” tanong niya’t hinawakan ang alaga ko. Itinutok niya yun sa lagusan niya. Napakasarap sa pakiramdam ng lagusan niya. Madulas, mainit, may rhythm ang pagluwag at pagsikip.

“Ahhhh… Ang laki mo babe…” sambit niya habang magkahalong hirap at sarap ang nakapinta sa kanyang mukha. Ako naman ay pilit na nagpupumiglas.

Biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Gian. Natigilan ako sa pagkabigla. Siya rin ay nabigla’t nabitawan ang kahon na dala niya.

“Moy it’s not what you think!” sigaw ko subalit huli na. tumakbo siya paalis.

“Shut up!” sabi naman ni Diana’t ibinusal sa bunganga ko ang panty niyang hinubad niya kanina. Ipinagpatuloy niya ang pag-indayog sa ibabaw ko.

Umiyak ako. Pakiramdam ko’y pinagsukluban ako ng langit at karagatan sa mga oras na yun. Wala akong nagawa. Naramdaman ko nalang ang pag-iinit ang alaga ko kung kaya nagawang magtaksil ng katawan ko sa'kin. Kusa itong bumayo ng bumayo hanggang sa labasan ako.

“Whew! That was intense!” sabi ni Diana.

“Pakawalan mo na ‘ko!!!” sigaw ko nang alisin niya ang nakabusal sa bibig ko.

“Not just yet. May round two pa tayo.” Sabi niya’t pilit niyang binuhay ang alaga ko gamit ang palad at bibig niya. Sa ikalawang pagkakataon ay nilabasan ulit ako, this time sa mukha ng babaeng kinasusuklaman ko na.

Pinakawalan niya ako. Lupaypay na ako’t nananakit ang bahagi sa gitna ng bayag at anus ko. Limang beses niya ‘ko pinilit labasan. Magiging anim pa sana subalit sumuko na din si junjun, ayaw nang tumayo.

“Hina mo pala.” Sambit pa niya. Pinulot niya yung kahong dala ni Gian kanina. Kumuha siya ng dalawang slice. “Tamang tama ‘to, napagod ako. Para may energy ako. Ikaw gusto mo? Pangbawi ng lakas.” sabi pa niya habang nilalantakan ang cake. Kapal talaga ng muka niya, matapos ng nangyari nagawa pa niyang kainin ang dala ni Moy.

Hindi ko na siya pinansin. Nagbihis ako’t tuluyan ng lumabas. Narinig ko pa siyang tumawa nang nakakaloko paglabas ko ng kuwarto niya.

Nasalubong ko pa sa daan ang nanay niya. “Oh Jayson, si Gian?” tanong nito.

“Nauna na pong umalis eh. Una na po ako.” Sabi ko nalang.

Napadaan ako sa bahay nina Gian. Nakatayo ako sa harap ng gate nila. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako. Gusto kong magpaliwanag upang linawin ang lahat. Pero natatakot ako… Naduduwag akong aminin sa kanya na nagpahulog ako sa bitag ng babaeng yun. Hindi ko rin alam kung paniniwalaan niya ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang babaeng yun.

“Oh Je-je, anong ginagawa mo diyan sa labas? Halika, pasok. Nasa taas si Ji-ji.” Paanyaya ni ninang Emily nang makita niya ako. Galing siguro ng tindahan dahil na rin sa supot na dala niya.

“Hindi na po ninang. Uuwi na po ako.” sabi ko nalang tapos ay nagmano ako at tuluyan nang umalis. Alam kong nagtataka si ninang sa ikinilos ko subalit natatakot ako. Baka pag malaman niya ang mga nangyari ay magalit din siya sa’kin. Ayokong mangyari yun.

Ilang araw na ang nakakalipas, nakita ko si Moy sa mall. Mag-isa lang siya. Lalapitan ko sana siya nang makita niya ako, umiwas siya. Hinabol ko siya, yun lang ang nakita kong pagkakataon upang magkausap kami. Nang maabutan ko siya’y sinapak niya ako. Walang sabi-sabi, umalis siya, iniwan niya akong nakaupo sa sahig ng mall.

“Anong nangyayari dito?” tanong nung guard ng botique na lumapit sa’kin.

“W-wala po. May misunderstanding lang.” sabi ko’t umalis na rin sa mall na yun dahil na rin sa hiya sa mga taong nakatingin.

Wala akong nagawa sa mga sumunod na araw kundi ang pagmasdan nalang siya mula sa malayo. Napakalalim na guilt ang nararamdaman ako. Ayaw akong kausapin ng taong pinakamahalaga sa’kin, sunod sa mga magulang ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Depressed ako. Nagmumuka na nga akong taong grasa dahil ni pagligo’y kinakatamaran ko na. Kaya nagpakalbo ako, para kahit walang ligo hindi ako magmukang gusgusin.

Ang balita ko naman kay Gian, sa tulong na din ng mga kapit bahay nila, madalas daw na may kasamang lalaki si Gian. Bagong best friend daw yata. Binigay nila ang description nung lalaki, akmang akma dun sa basketball player sa university. Ipinagpalit na pala niya ako, at sa lalaking yun pa. Masakit. Pero alam ko namang kasalanan ko ‘to. Ngunit ang mas nakasakit sa akin ay nung sabihin nilang madalas daw silang bumili ng alak. Umiinom na pala si Gian. Naiinis ako dahil masamang impluwensiya pa ang ipinalit niya sa’kin. Naiinis ako!

Kanina, nakita ni mommy sa kalsada si Gian. Binati siya ni mommy, tinanong kung bakit hindi na siya dumadalaw sa bahay. Ang masakit ay ang isinagot niya ayon kay mommy; “Sorry po, ayoko lang makita ang anak ninyo. Malas ka lang ninang kasi nagkaroon ka ng anak na ahas at walang kuwenta.”

Nasaktan ako dun subalit mas nasaktan si mommy. Umuwi si mommy na umiiyak matapos nung engkuwentrong yun. Nagalit ako, bakit kailangan niyang bastusin si mommy? Alam kong galit siya sa’kin pero bakit dinadamay niya si mommy?

Matapos magkuwento ni mommy ay sumugod ako sa bahay nina Gian kahit hating gabi na. Pinapa-akyat ako ni nanay sa kuwarto niya pero tumanggi ako. Sabi ko’y hihintayin ko nalang siya sa salas. Habang hinihintay siya’y lumabas muna ‘ko ng garden upang mag-ipon ng lakas ng loob.

“Sino ka?” Napalingon ako sa kanya. Amoy alak siya’t mukhang tumataba siya ng husto. Hiyang ata siya sa bagong kaibigan niya.

“Moy ayoko na ng mga ginagawa mo. Mag-usap tayo.” Sabi ko. Kitang kita kong nabigla siya pagkakita sa’kin. Marahil ay dahil sa pamamayat ko, pati na rin ang pagpapakalbo ko.




Itutuloy…

35 comments:

seph said...

Kaabang-abang. Can't wait for the next chapter. :)

Jm_virgin2009 said...

e2 pala ung buong storya!!!

ang sama nman ni gian, nd nia pinakikinggan ung side ni jayson,. c jayson nman ay isang biktama ni diana..

will..wil.. will.... may naamoy akong mangyayaring masama between jayson and gian...



kilan kaya ang next chapter? sana nd na mag tagal. tnx author.

Anonymous said...

Sana magkabati na sila :-/ and sana sabihin na ni jayson ang totoo. The truth shall set him free. Pero still wondering kung bakit will you wait for me yung title :-)

Lawfer said...

salamat po :)

Lawfer said...

bukas po nang gabi ang posting ng kasunod :)

Lawfer said...

wag mo po munang isipin ang title, masasagot dn po yan tutal 3 parts nalang ang natitira :)

Anonymous said...

Oh no! Sana walang mamatay sa kanila or something :-( no to sad endings :-((

Anonymous said...

grabe itong chapter na ito. ayan maxado na akong nalinawan. talaga pa lang manggagamit si diana. nakakainis pero parang masarap yung rape scene nila. harharhar. galing galing mo talaga mr.author. keep it up. laging madaming panggulat factors. harharhar

Anonymous said...

BITIN po.. :(

Chris said...

ahhhh un paa ung ginawa nya. nice medyo naiyak ako. sana magbati na sila. sana mamatay na si Diana. hahaha! feeling ko may magiging twist pa eh bago sila magbati. hehe. salamat po sa mablis na update at sa magandang kwento. haha!

Lawfer said...

salamat po sa pagtangkilik :)

Lawfer said...

hayaan mo po, mabilis naman ako mag-update

Lawfer said...

walang anu man po at maraming salamat din sa'yo :)

Master_lee#027 said...

Ahhhhh kaya pala ganun,may pang black mail ung babaeng un kaya nagawa ni jayson ung ganun eh....ang sama ng babae ah ,dapat talaga ginagantihan yan eh para maturuan nang leksyon ...very nice ung twists ng mga story ,kaabang abang din ung next nito....can't wait for tommorow ehe thumbs up!!

Coffee Prince said...

I knew it ..
sabi na nga ba ee .. yung HALIPAROT na babaeng yun ang puno't dulo ng lahat ..

kuya Law .. let me give that WHORE a taste of hell ..

nainis din ako kay Gian ..
how unethical!
napakasama ng mga sinabi nya sa mom ni Jayson .. that's beyond the extremes ..

hoping na magkaayos pa rin sina Jayson at Gian .. at marealize ni Gian pagkakamali nya .

Thanks kuya Law ~

Anonymous said...

wew, kahit saan tignan kasalanan parin ni jayson..

Anonymous said...

hayst, sa 22o lng ayq magbasa ng paputol2 pero diq alm s sarli ko kng bkt bnasa ko parn to, kaasar kc naeexcite aq ng sobra. Ahahaha anu2 pa ung mga story mu?

bluenight2922

Anonymous said...

haiiiiiisssssssssstttttttttt..........no douth na c jiji prin at c jayson sa bandang huli.........give n take lng yan.....................................................................................................................................................ras

Lawfer said...

hahaha salamat :)

Lawfer said...

Easy lang, puso mo... baka malaglag yan :P

Lawfer said...

silang lahat naman may kasalanan eh... ang importante matanggap nila ang pagkakamali nila :)

Lawfer said...

konti lang po stories ko, ung isa nasa MSOB, ung isa short story na nauna nang na-post d2

Lawfer said...

salamat sa komento hehe

russ said...

galing naman...ng kwento..di ko na hate siya...may pinagdaanan pala talga.siya

Anonymous said...

asan ung next chapter?? sorri solent reader ako eh:]] sana mabilis update dito super nice kasi ung story haha

Anonymous said...

Ok....so hindi ko na macontain.....



I so hate this story na....




Pwede ba makuha address nung bitch na yun? Gusto ko tortyurin pekpek niya...gusto ko ipasok yung mga metal na nangangalawang sa mabaho niyang puk-e!!! >:(

She wants big d i cks?

I will give her long, hard metal pipes for her to enjoy.....ipapasok ko yung isang 1 feet na meral pipe sa bwisit na vag i na niya para magsawa siya. Sh i t!!!!!


Nang-gigigil talaga ako sa galit ngayon p u tang inaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!


-cnjsaa15-
(kung ako si jayson.....minurder ko na puke ng putang inang babaeng yan nung pinakawalan na niya ako...SHIT!!!)

Lawfer said...

everyday naman po posting ko neto o.o except nung good friday

Lawfer said...

kea nga po ngplit tau ng pov sa part na to para malinawan tayo :)

Lawfer said...

wow! naaliw aq sa reaction m sir! hahaha x3

relax lng po... hayaan m po, my pglalagyan c diana :))

Anonymous said...

bro kelan mu ipo2st ung part 11 nito?

bluenight2922

Gerald said...

Kakainis ka...lawfer...Grrrr... Sbi ko wait lang thur ko bsahin to sa blog mo tpos ayun wala na. Sayang may ending pa naman duon. Kaya eto ako ngayn naiinis dhil sobrang bitin waaahhh... Post na pls...

Lawfer said...

mamayang gabi po sir

Lawfer said...

lol dun wori po, nirevise ko ang last parts... kung dati 13 parts lang, ngaun 14 na :)

Coffee Prince said...

ahahaha!

Anonymous said...

kakalungkot nmn :( sa chapter na to.
jayson is unbelievable, nakuha pa nyang tigasan at maground5 sa malanding diane!! nahuli na nga!!
im sure marami p pwede mangyari hehe..xcited tlaga ako wlang 2lugan!!
nakaka-adik magbasa tol

AtSea

Post a Comment