Tuesday, April 17, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 45 & 46)


By: FUGI

--->Una nais kong pasalamatan ang nakaintindi kung bakit ako hindi nakapag-update sa mga nagdaang araw, salamat po talaga at to give you an updates about may kaka, ahm namaalam na po sya, hindi nya na po kinaya, sobra na po kasi syang nahihirapan sa sakit niyang iyon, though malungkot iyon para sa amin, masaya pa rin ako in away kasi tahimik na syang makakapagpahinga, hindi na sya maghihirap pa at alam ko masaya na ang kaka ko at kasama na nya ang ating panginoon:’(

---> nais ko ding magpasalamat sa pagsama sa kanya sa inyong mga dalangin, thank you po sa inyong lahat....

At tulad nang naipangako ko ay ito na po, sana ay magustuhan nyo!

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento






Agad kong tinungo ang parking lot kung nasaan pinarada ko si drey (motor ko) para makaalis na, makaiwas pa at makalayo sa lugar na iyonna kinaganapan ng napakaraming pangyayari sa araw lang na ito

Nang makarating na ay mabilisan kong inilagay si pareng helmet, habang sumasakay na kay drey at agad agad ini-start ito, pakatapos ay wala na akong inaksayang oras at pinaandar na ito

Habang papalayo na ako sa university ay pinilit kong mag-isip ng lugar na pwedeng mapuntahan, lugar na kung saan mawawala kahit panandalian ang nararamdaman ko, kahit sandali lang, kahit ngayon lang, ang sakit kasi, sobrang sakit na, na sa bawatpaggalaw ko, na sa bawat paghinga ko at lalong lalo na, na sa bawat pag....pagtibok nito, nitong puso ko ay lalong nakaka-aggravate, na mas lalong tumitindi at bumibigat ang nararamdaman ko, na para bang hindi ko na kakayanin, parang hindi ko na kaya:’(

Bakit kasi walang subject about love o kahit tutorials man lang na para kahit papaano naging handa ako, na para bang may baon baon na akong first aid kit, na pangunang lunas pag naipasa ko na ang program na iyon, para naman hindi ako ganito ngayon, na sobrang nasasaktan, na kahit papaano, kahit konti lang ay ay may lakas akong paghuhugutan, na pagkukunan para harapin ang mga ganitong pangyayari na hatid ng ng ng PAG-IBIG............ na masasabi ko sa sarili ko na “NAPAG-ARALAN KO YAN” na “ALAM KO NA ANG GAGAWIN KO” (nagiti man sa naisip pero ang bigat pa rin dito, dito sa dibdib ko), pero wala, walang kasing ganoon, kaya sa puntong ito hindi ko alam ang gagawin ko, na sobrang nahihirapan ako:’(

Patuloy lang ako sa pagmomotor dahil hanggang sa ngayon walng pumapasok sa akin na pwedeng mapuntahan na na matatangay ang aking mga dalahin at dinadamdam. Pero maya maya ay namalayan ko na lang na tinatahak ko na pala ang daan, ang daan pauwi ng bahay, parang may humihila sa akin at kay drey para tahakin ang daang iyon, may kung anong enerhiya na parang humihigop at nagtutulak sa amin para iyon ay tunguhin, kaya naman nakiayon na lang ako pati si drey at nagpatangay na lamang

Naging mabilis ang takbo ni drey kaya ay agad akong nakarating sa tapat ng bahay namin, bumaba ako na ako kasabay ng pag-aalis ng helmet at pasandal na umupo kay drey paharap sa bahay namin, tiningnan ko ito, ang bawat bahagi nito habang nag-iisip ng pwedeng idahilan bakit napa-uwi ako ng maaga, kasabay noon ay inayos ko din ang aking sarili, pilit pinasaya ang aura at at nagplaster na din ng ngiti, ng isang pekeng ngiti:)

Nang sa tingin ko ay naayos ko na ang sarili ko, na ok na ako at lalong higit ay nakaisip na ng maidadahilan sa pag-uwi ng maaga ay agad ko nang tinahak ang gate, dahan dahan kong binuksan para hindi makagawa ng ingay, naging maingat din ako sa pagpasok, na para bang natatakot mahuli

Nang mapatapat na ako sa screen na pintuan namin ay sinilip ko muna kung sino ang nandodoon  sa may sala na sya agad mabubungaran sa kinatatayuan kung iyon. Naabutan ko ang napakalapit at tutuk na tutok sa panonood ng tv sa palabas na Tom & Jerry ang aking paboritong pamangkin na si angel, pinagmasdan ko muna ito mula sa kinatatayuan ko, sa pagmamasid kong iyon ay hindi ko na namalayan na napapangiti na pala ako sa mga ginagawa nitong reaksyon sa pinapanood nyang iyon na sobrang saya ni angel, tumatawa ito sa mga pakakataon na naiisahan ni jerry si tom at may pakakataon naman na napapaangat pa ito sa kinauupuan at umiimik pa ng “lis le lis!” (bilis jerry bilis! Sabi nya, nga pala bulol pa sya sa R kaya ang R nya ay L at ang L nya ay L parin hehe), pag hinahabol na ni tom si jerry para makaganti at napapasigaw na ito sa puntong mahuhuli na si jerry , nakakawili syang panoodin, sobrang inosente, na parang halos wala syang kaproble-problema, masaya lang (nakakainggit tuloy!)

Sana, sana bata na lang ulit ako, na sa mga ganoong palabas lang ang sasaya na ulit ako, na sa isang kendi, tsokolate o ano mang suhol mapapatahan na ako mula sa pag-iyak, na sa mga laruan lang tulad ng complete set ng power ranger (any edition), solve na ako, na unti-unti nang mawawala ang dinaramdam ko, na......... na.... na lahat madaling nasu-solusyunan, na lahat may paraan,,,, hindi tulad ngayon na,,, na,,, na ang hirap, ang hirap na sobra dahil napaka-KOMPLIKADO na, na sa ganitong punto ng buhay ko.... hindi na ako pwedeng magsumbong nang “mama ko, papa ko ni-a-away nya po ako” [nangiti na lang ako sa huling naisip kong iyon pero kahit magkaganoon kabaliktaran naman ang emosyon sa loob loob ko, na sinang-ayunan naman agad ng mga mata ko dahilan para magpakawala ito ng mga mumunting luha, hindi kinaya ang kasinungalingang mababakas sa mga labi ko:’(..........]

Sa mga sandaling iyon ay hindi ko namalayan na may nakamasid din pala sa akin habang patuloy lang akong nakatingin kay angel. Nakita nito lahat, lahat lahat ng mga emosyong hindi ko napigilang maipalabas dahil sa mga naiisip ko na sumasakto sa nararamdaman ko
Ilang sandali pa ang lumipas ng mapagpasyahan ko na sanang pumasok nang biglang mapaling ang tingin ko sa may entrada papasok sa sa aming dining area, agad nagtagpo ang aming tingin ni mama, mata sa mata at sa puntong iyon gulat at pagkabigla ang namayani sa akin dahil mababakas sa itsura ng mukha ni mama ang labis na pag-aalala, natigilan ako, hindi ko alam ang gagawin ko, magpapaliwag ba, magdadahilan o magsusumbong na “mama, sobrang sakit po” pero ni isa sa mga iyon ay hindi magawa ng katawan ko, hindi masabi ng bibig ko

Napaatras na lang ako at nagbitaw na sa titigan na iyon at napatungo na lamang kasabay ang mabilisang pagtalikod, nahiya ako sa itsura kong iyon. Mabilisan kong pinahidan ang mga bahid ng luha sa pisngi ko ganoon din ang mga nagbabadya pang mga butil ng tubig na nais kumawala pa sa aking mga mata, dalian ko ding iniayos ang sarili ko

Maya maya pay narinig ko ang pagbukas ng screen, alam kong si mama iyon kaya naman.....
Ako: ah eh ma, ano kasi (panimula ko na hindi man lang sya nililingon), sakit po ng tiyan ko kaya po ay napauwi ako ng maaga, hindi ko na po kaya ih (hahaha, pilit na pinapasigla ang aking tono), at.......... (hindi ko na natapos nang maramdaman ko ang pagyakap ni mama sa likuran ko)

“Nandito na si mama” biglang naisatinig ni mama habang patuloy na humihigpit ang yakap ni mama sa akin

Sa sinabi at sa yakap na iyon ni mama ay hindi na nagpapigil pa ang aking emosyon, ang bigat ng aking damdamin at ang sakit na aking nararamdaman, unti-unting nang nagpumiglas ang mga ito, na naging dahilan na ng aking paghikbi na kalaunan ay naging mahinang paghagulgol:’(

Sa puntong iyon ay naging tahimik lang si mama, naramdaman ko na lang ang pagkalas sa pagkakayakap nito sa akin pagkatapos ay dahan dahan nya akong minaniobra paharap sa kanya, kasabay ang pagsalubong ni mama ng kanyang mga bisig at bigay ulit ng yakap, yakap na mapagkalinga, na sa yakap na iyon pinaparamdam ni mama na.......”wala na makakapanakit sayo anak, dito na si mama, poprotektahan ka ni mama at mahal na mahal ka ni mama”

Yumakap na din ako kay mama ng sobrang higpit sapagkat sa puntong iyon yun ang ang kailangan ko, siya ang kailangan ko, ang aking mama...

Ako: m.....ma (nasabi ko sa pagitan ng aking pag-iyak)

Mas lalo kong isiniksikang sarili ko kay mama habang si mama ay mabining hinahapos ang likuran ko bilang pag-aalo sa akin pero hinahayan lang din niya ako sa pag-iyak na sa puntong iyon ay medyo lumalakas na, siguro ay para mailabas ko lahat, lahat lahat ng nararamdaman nito, nitong puso ko na nagcompensate na sa buong sistema ko, na syang taging paraan para gumaan ang kalooban ko, na para kahit papaano mabawasan ang bigat ng dalahin ko

Maya maya ay naramdaman akong mga mumunting bisig na yumakap sa aking hita at hapos ng maliliit na kamay sa bahagi ding iyon kasabay noon ay ang malakas nitong pag-iyak

Napukaw ang aking emosyon at agad na ninakaw nito ang aking atensyon. Napatunghay ako at nagkatinginan kami ni mama at sa puntong iyon ay inginuso nito ang na si si angel na nagngangangawa na din sa hindi ko malaman na dahilan

Agad na naming tiningnan ito ni mama na nakatingala’t nakatingin sa direksyon sa direksyon namin ni mama. Napangiti ako bigla sa itsura nito basang basa na ang mukha nito ng pinaghalong luha at sipon, sipon na lumulubo pa (pasensya na kung kumakain kayo habang binabasa ang part na ito, pero kasi pag sa bata naman hindi naman nakakadiring pagusapan, kasi sobrang inosente nila.. hehe), na parang plasik balloon na lumulobo tas biglang puputok pagnakaabot na sa maximum size nito o kaya ay paghinahabol na ni angel ang paghinga nya dahil sa malakas na pag-iyak

Kumalas na ako kay mama at agad kung binuhay si angel

Ako: ba-kit u-mi-i-yak ang ba-by na-min (bay talk ko dito sabay pahid ng sipon nito gamit ang panyo ko kasunod ang mga luha nito), si-no nag-a-way? Sa-bi sa ni-nong (pag-aalo ko)
Pinilit ni angel magsalita

Angel: si...si.. nig (sinok) ko (sinok) to nong (sinok) i.............yak (sinok) i..........yak (“kasi, kasi narinig ko tito ninong iyak iyak” sabi ni angel, O-HA! Pati ekspresyon ko ginaya na din ni angel)

Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ni angel at agad ko itong niyakap, ilang sandali pa ay umimik ulit ito kaya iniharap ko ito sa akin....

Angel: w..wag (sinok) na i...yak (sinok) to nong (”huwag na iyak tito ninong” sabay lapat nitong maliliit nitong kamay sa pisngi ko at pinahidan ang mga bakas ng luha na naiwan doon), sa.....sa...it lo mo? (sinok) Ya ka yak, i..i..ot ko (“sakit sakit ulo mo? Kaya ka iyak, hihilot ko” yan po yung sabi nya, sabay padaos-dos ng kamay niya sa  noo ko na parang hinimas lang pero yun ang paraan nya ng paghihilot)

Niyakap ko na lang ulit ito at sa pagkakayakap ko iyon ay hindi ko mapagsidlan ang ngiting idinulot ni angel sa akin, sobra inosente nya na, sobrang gumaan ang pakiramdaman ko sa ginawa niyang iyon. Sa puntong iyon ay nagtama ulit ang mga mata namin ni mama at nakangiti itong nakatingin sa amin ni angel, napansin kong panatag na ito

Ako: sa-la-mat angel ko

Angel: la na sa..it lo mo to nong? (“wala na sakit ulo mo tito ninong”) 

Hiniharap ko ulit ito sa akin at sinalubong ng masayang ngiti na idinulot niya sa akin at...

Ako: wa-la na ga-ling ga-ling ng gey-gey mag-hi-lot ih!, (at pinaulanan ko ito ng mga halik sa pisngi, sa leeg, sa noo sa ilong na ikinatawa nito ng malakas dahil sa kiliti siguro at dahil doon ay nahawa na din kami ni mama:)

Siguro kaya pilit na may nag-uudyok sa akin na tahakin ang daan pauwi, kasi andito yung mga tao na makakaalis ng lahat ng nararamdaman ko, na kayang pagaanin ang kalooban ko, na magbibigay sa akin ng panibagong lakas na harapin ang mga bagay bagay at mga problema na akala ko hindi ko makakaya, pero dahil ipinaparamdam niya na nandyan sya, na handang umalalay, gumabay at higit sa lahat ang mahalin ako ng MAS HIGIT sa nang kayang ibigay ng mga taong magiging bahagi ng buhay ko, sa puntong ito, alam ko sa sarili ko makakaya ko ito, kakayanin ko ito at malalampasan ko ito:)

Pumasok na nga kami sa loob ng bahay, hindi na inalam pa ni mama ang dahilan kaya ako nagkaganoon, siguro alam nya na, dahil minsan sa buhay namin naging isa kami, na sa kanya ako nagmula, na kilalang kilala nya na ako at buong pagkatao ko kasama na rin doon ang tinatawag nilang mother’s instinct kaya siguro ganoon at ang sinabi nalang ni mama sa akin ay maglaan ako ng oras sa sarili ko. Siguro kaya nya nasabi iyon para makapag-isip ako, makapagreflect, na sa pamamagitan noon makakapagdesisyon ako ng tama
I love my MAMA:)

---0o0o0---0o0o0---0o0o0---




I was such a fool
I couldn't see it
Just how good you were to me
You confessed your love
Undying devotion
I confessed my need to be free
And now I'm left
With all this pain
I've only got myself to blame
I lie awake
I drive myself crazy
Drive myself crazy
Thinking of you
Made a mistake
When I let you go baby
I drive myself crazy
Wanting you the way that I do (wanting you the way that I do)

*******

Gustong gusto ko nang makita, mahagkan, angkinin muli at iparamdam ang pagmamahal ko, ang tunay kong nararamdaman para kay fugi, sobrang miss na miss na miss na miss ko na siya at sa mga na nagdaang araw na hindi ko sya nakikita mas tumitindi ang, ang LOVE, ang PAG-IBIG, ang PAMAMAHAL KO sa KANYA, na halos mabali-baliw na ako:(

Magkaganoon man ay labis  labis din na kalungkutan, guilt at pag-aalala ang lumalamon sa akin dahil sa nagawa at nasabi ko sa kanya, nagawa at nasabi na mali, hindi ko man  intensyon ang saktan sya at iyon din ang pinangako ko sa kanya, pero hindi ko natupad, nagawa ko pa din na saktan sya, nagawa ko yung isang bagay na hindi nya deserve, kasi sya yung taong worthy sa lahat ng mga pangako, pangakong tutuparin ko dapat para sa kanya ang kaso lang gago ako, sobrang tanga ko
Pero yun lang ang option na meron ako, I was caught off guard nang..............


--------->flashback 

Maaga akong nagising kahit ako naninibago dahil hindi ko naman talaga ugali ang magising ng maaga siguro dahil gustong gusto ko na nang makita ang taong nagpapasaya sa akin, yung mga ngiting ng papagaan at nagpapaaliwalas ng araw ko ang maamong mukha ni fugi na laging laman ng isipan ko at sa puntong iyon ay isang ngiti na lang ang sumilay sa labi ko bago ako tuluyang bumangon para maghanda sa pagpasok:]

Agad kung tinungo ang banyo para maligo na, pagkatapos ay agad na akong nagbihis ng aking uniporme at humarap sa salamin para magpagwapo, magpagwapo kasi alam ko at nararamdaman kong kahit akin na sya may mga epal lang na ayaw patalo
“Pero handa ako sa kanilang lahat” sabay pogi sign sa tapat ng salamin at nagiti ako sa kayabangan kong iyon:]

Nang maramdaman kong sobrang gwapo ko na (mga pipz si fugi po ito, totoo pong sobrang pinagpala sya kaya wag kayo mayabangan... hehe pinagtanggol hehe) ay agad ko nang ihihanda ang gamit ko pagkatapos ay agad na akong bumaba para mag-almusal
Nang makarating ako sa dining area ay hindi nakaligtas kay mama ang kung anong kakaiba sa akin sa araw na iyon

“Mukhang may pinaghandaan ka ngayon anak ah!” sabay lapit ni mama sa akin lagay kanang kamay nya sa parteng baba ko at.. “ang gwapo gwapo mo ngayon anak” nakangiting sabi ni mama

Ako: noon pa naman ma (nakangiti ko din sagot dito)

“at mukhang umubos ka ng isang boteng pabango, para ipaligo sa katawan mo” sabay lapit ng ilong ni mama sa bandang dibdib ko at inamoy amoy

Nangiti na lang ako sa pagbisto ni mama:]

Ako: ma, kain na tayo (pag-iiba ko baka mangulit pa si mama at agad na akong tinungo ang table at naupo na para mag-agahan

Habang kumakain ay hindi naman napigilan ni mama ang mag-usisa, pero imbes na sagutin sya ay masuyong mga ngiti lang ang itinugon ko sa kanya

”Ian anak, natutuwa ako kasi na nakikikita ko na ulit yang mga ngiti mong iyan, na masaya ka na ulit kaya kung sino man yang dahilan niyan wag mong hayang mawala sya sayo” ang medyo naluluhang pahayag ni mama

Ako: hinding hindi po (tanging naging sagot ko kasabay pakawala ng masuyong ngiti)

Agad na din akong nagpaalam kay mama nang matapos na ako sa lahat dahil may usapan kami ni fugi na sabay papasok at sya ang susundo sa akin ngayon gamit si drey (motor nya) bilang hiling nito na sa huling pagkakataon ay maiangkas niya ako doon sapagkat napagkasunduan namin... ahm actually ipinilit ko na wag na nya nang gagamitin sa pagpasok ang motor nya dahil ayaw kong tsaka lang sya pagbawalan pag may nangyari nang masama sa kanya, maingat sya oo pero hindi sapat yun kasi kahit anong ingat nya kung yung mga kasabayan nya sa kalsada ay hindi wala rin, iniingatan ko lamang sya

Bilang kapalit noon ako na ang susundo at maghahatid sa kanya, way ko na rin ito para mamanduhan ko ang mga UMEEPAL na wala na silang magagawa:)

Mabilis kong narating ang kanto kung saan ko sya iintayin, wala pang sampong minuto ay bigla bigla nalang may humintong pamilyar na kotse sa harapan ko

Sa pagbaba ng binta sa tapat ko ay bumungad sa akin ang seryosong si anthony

“Ian pwede ba tayong pag-usap” may tono sa pagsasalita nito pero bilang hindi naman ako pinalaking bastos ay...

Ako: pasensya na may usapan kasi kami ni.... (hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla na lang itong sumingit)

Anthony: tungkol ito kay fugi (kasabay noon ay binuksan nito ang pinto ng sa may passenger’s area kung saan nagpapahiwatig na sumakay na lang ako)

Sa mga huling sinabi nito, pati na rin sa itsura nito at kinikilos alam ko na ang patutunguhan ng usapan na iyon, para matapos na rin ay at makalinawan na rin ay pinaunlakan ko na ang imbitasyon nito, sumakay na ako, pagpapaliwanagan ko na lang si fugi mamaya pag nagkita kami sa campus sa biglaan kong pagkawala

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni anthony sa mga sandaling iyon, nagpapakiramdaman, habang seryoso pa rin syang nagmamaheno ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa daan at napuna kong tinatahak na namin ang daan papuntang university

Mabilis kaming nakarating, nang makapasok at makapagpark sya ay ganoon pa rin kami, walang imikan hanggang sya na din ang unang bumasag doon

“Gustong gusto ko si fugi kaya naman sana....” paglalahad sana ni anthony ng kanyang nararamdaman pero pinutol ko na dahil alam kong may kung anong hihilingin ito sa akin
Ako: Pare, kung hihilingin mo na layuan ko si fugi para mag give way dyan sa nararamdaman mo, hindi ako papayag, alam mong ako ang mahal ni fugi at mahal ko din sya at............. (ako naman ang pinutol nito)

Anthony: mahal mo sya ng higit sa girlfriend mo? Paano kung isang bumalik na sya? (hindi ako nakasagot sa mga tanong na iyon ni anthony), Sinong MAS pipiliin mo? Panakip butas lang ba si Fugi ha!? (dagdag nito na mahahalata na ang galit sa tono nito)

At sa puntong iyon natahimik ako, pati ako naguluhan, wala akong makuhang sagot sa utak ko na makakapagpaliwanag sa mga tanoong na iyon

“Baka kaya mo lang nasabi na mahal mo si fugi kasi sya yung laging nandyan sayo, naumaalalay sayo, at aaminin ko hindi mahirap ang mahulog ang loob sa kanya pero hindi mo rin ba naisip na kaya na sasabi mo lang mahal mo sya dahil kailangan mo lang na may mapupuno nang naiwan ng girlfriend mo habang wala sya, ang sama mo naman tol, hindi deserve ni fugi ang pagmamahal na sinasabi mo na yan” mahabang naibulalas ni anthony, mahinahon man ang pagsasalita nito pero sobra makaapekto sa akin, parang nasapol ako sa mga salitang iyon

“Hindi mo alam ang nararamdam ko” ang nasabi ko na lang at akmang aalis na nang bigla nagsalita na ulit siya

“bakit? Ano ba talagang nararamdaman mo? Kasi ako alam ko mahal na mahal ko si fugi at kaya kong ibigay ang puso ko ng buong buo sa kanya, walang kahati, walang pag-aalinlangan” si anthony 

At natigilan ako sa mga sinabi nito, ayaw ko man amin pero pero tama sya at napapikit na lang ako at sa pagpikit kong iyon miya parang automatic na lumabas ang pigura nina sarah at fugi sa aking isipan na lalong nagpalito sa aking, na kahit sarili ko nang nararamdam pinangdududahan ko na rin

Nahila lang ako pabalik sa realidad ng bigla ulit nagsalita si anthony

Ako: kaya kung sasaktan mo lang si fugi mabuti pa tapusin mo na ang pagpapaasa sa kanya habang maaga pa, hangga’t hindi pa ganoong kalalim ang nararamdaman nya, dahil kahit sa man tingnan si fugi ang talo sa sinasabi mong pagmamahalan ninyo

At tuluiyan na akong napipi, hindi nakapagsalita, naduwag. Paulit ulit tumatakbo ang... ang mga binitawang salita ni anthony sa aking utak, na kahit anong tanggi ng isang bahagi ng utak ko na hindi totoo ang mga sinabi nya, pinapanigan naman ito ng isa pang bahagi ng utak ko, kaya galit sa sarili ang nagingibabaw sa akin sa mga sandaling iyon

Wala sa sarili ako, hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid ko at kahit nang makapasok na ako sa room kung saan gaganapin ang unang subject nami ay naglalakbay ang utak ko sa malayo

Maya maya ay napukaw ang atensyon ko ng biglang iniluwa ng pintuan si fugi at nagflashback lahat ng kabutihang ginawa nito sa akin, lahat lahat, pati ang magaganda nitong ngiti nagusto nya na laging makita, ang maamo nitong mukha at ang busilak nitong pag-ugali na nagpatibay sa aking desisyon na gawin ang sa tingin ko ay ang makakabuti sa lahat

Naramdaman ko ang mga tinging iyon galing kay fugi kahit sobrang labag sa loob ko ito ang tama kaya imbes na tingin sya pabalik ay umiwas na ako at hindi naglabas ng emosyon para maitago ang totoo kong nararamdam

Nang makaupo na si fugi sa kanya upuan at tanging likod na lang nito ang nakikita ko halos panghinaan na ako kasi kahit ako nasasaktan sa ginawa ko at gagawin ko:(
“Sorry fugi...” nasabi ko na lang sa sarili ko:[

Nang mapapasin kong igagalaw ni fugi ang ulo nya, alam kong sa direksyon ko ay agad ko inilalabas ang aking maskara, alam kong nagtataka na ito sa ikinikilos ko kaya naman  nang matapos na ang subject naming iyon ay alam kong agad ako nitong pupuntahan pero mas naging maagap ako at agad nakalabas

Magkaganoon man alam ko na sinundan ako nito, at nangyari na nga ang ayaw kong mangyari...............


Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para masabi ang mga salitang ito sa kanya.....

 “itigil na natin ito” panimula ko 

Fugi: a...ano? (nauutal nating naisatinig at mababakas ang pagkabigla sa kanya)

ako: itigil na natin ang kahibangan ito fugi! (pag-uulit ko na may diin na ang pagkakasabi nito), wala lang pala ito...... (dagdag ko at ngapakawala ng ngiti, pekeng ngiti para lang maging epektib ang aking pagsisinungaling), siguro nga malungkot lang ako at naghahanap ng makakaintindi sa akin, at sa mga oras ikaw lang yung nagtiyaga sa akin, nakinig at (sabay pakawalang ng mapait na tawa), at kaya siguro nakuha mo ang loob ko, pero mali pala, wala naman palang espesyal na nararamdaman ito (sabay turo ko sa dibdib ko), kaya yung nasabi ko sayo kahapon at noong mga nagdaang araw ay..... (hindi ko natapos dahil sumabat na si fugi)

Fugi: i....ian! (pinilit nitong magpakatatag), tama na ang joke time oh! (at pinilit itong ngumiti pero nagbabadya na ang mga luha nito sa paglabas na talaga naman nagbibigay sakit sa akin, gustong gusto ko syang yakapin pero kailangan ko ding magpakatatag), pinagtitripan mo na naman ako, sorry....... (sabay yakap nito sa likod kasabay ang pagpatak na nang mga luha nito na halos ikahina ko, gustong gusto ko ang yakap niyang iyon at sobrang mamimiss ko iyon, buti at hindi niya nakita ang mga luhang hindi na rin nagpapigil dahil sa bigat ng sitwasyon naming iyon)

Nilakasan ko na lang ulit ang loob ko at agad na ikinalas siya sa pagkakayakap sa akin dahil kung magtatagal pa iyon alam kong hindi ko na kakayanin

Ako: makinig ka fugi (matigas kong sabi), mali lahat nang nangyari sa atin, mali ito, at mahal na mahal ko si sarah (tumigil muna ako at huminga ng malalim para kumuha ng panibagong lakas), ......at ikaw............ wala akong nararamdaman sayo! (bigla na akong tumalikod sa kanya pagkasabi noon dahil kahit ako nasasaktan ng sobra sobra sa kasinunglingan iyon at naglakad na palayo sa kanya)

Narinig ko ang mga hikbi nito, hikbi niyang mahina pero parang malakas na hagulgol  sa tenga ko

“Sorry fugi, sorry.....” ang nasabi ko na lang sa sarili ko at hindi ko na napigilang mapaiyak, tahimik na umiyak habang naglalakad palayo sa kanya

Fugi: a..aka..akala ko ba ma...mahal mo a..ako (nasabi nito sa pagitan ng paghikbi nya na nagpatigil sa akin at sa puntong iyon gustong gusto kong sabihin sa kanya na “mahal na mahal kita” pero hindi iyon ang sinambit ng aking bibig...................)

Ako: Yun din ang akala ko, pero hindi pala (pilit itinago sa kanya ang emosyong nagpapatotoo sa tunay kung nararamdam)

At nang makalabas na ako ay agad akong napasandal sa pintuan ng cr na iyon sobra akong nasasaktan sa nagawa ko sa kanya, sobra akong nagagalit sa sarili ko at sa puntong iyon hindi ko na napigilan ang umiyak at maya maya pa ay may naglahad ng panyo sa akin at nang iangat ko ang tingin ko sa kanya si.....si anthony pala iyon at hindi ko napigilan ang aking sariling sisihin sya

Ako: ano masaya ka na ba?? (halos pasigaw kong nasabi sa kanya sabay tabig sa kamay niyang may hawak ng panyo at patakbong nilisan ang lugar na iyon......

------> end of flashback

---0o0o0---0o0o0---0o0o0---

Itutuloy...................

23 comments:

milan said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

Una sa lahat, welcome back Fugi. Second, condolence sa iyong kaka. We all know na nasa mas mmagandang lugar na siya ngayon. :) Pangatlo, this chapter is worth the wait. Yun pala ang reason kung bakit nakipagbreak si Ian kay Fugi.. Hmm, basta IA-GI pa rin ako kahit na anong mangyari. :))))

PAUL FABIAN

ChuChi said...

hahaha!!!

WE WON THE WAR SARAH!!

WE WON!!!

WAHAHAHAHAHAHAHA!!!

miss you fugi!!

welcome back!

- ChuChi -

rascal said...

condolence sa kaka mo................hmmmmm kya mo yan fuji...lahat nmn tau pinagdada anan yan...basta tuloy lng ang buhay

rascal said...

condolence.........d ko gusto ung gnawa ni anthony.....makasarili ung asta nya......

Anonymous said...

ahhhh! my goodness! sa tinagal tagal na paghihintay ko ito na! wohooo! tnx FUGI! my Condolences din Pala.

-lei

--makki-- said...

Condolence Fugi..

----

Hala ang Manok ko.. marumi na maglaro.. ayayyay.. sana nga lang may magandang kahahantungan yan..

----

May linaw na kung bakit nagawa ni Ian yun.. hays.. pag-ibig nga naman.. minsan saya ang dulot minsan naman ay pait at pighati.. hehehe naks! seryoso ah!

Anonymous said...

Uhm sinong kaka po?

Master_lee#027 said...

A very very beautiful come back to you pareng fugi:):):)
Awwwwwwwwww ang sakit nun para sa side ni ian pero ANG DUWAG NIYA AH ,walang siyang paninindigan hmmph, for anthony spell M.A.N.G.A.A.G.A.W. And S.E.L.F.I.S.H tsk ...you don't deserves the love and trust of fugi........ And for fugi i know you can understand all what happened but for the mean time you can move on and be happy :):):):)

And pareng fugi condolense sayo at sa family kdahil sa pagpanaw ng kaka mo ,i know pare kakayanin mo yan ,be happy for your kaka ah? Kasi atleast nakapagpahinga na siya ah.....:):):)
And I REALLY REALLY MISS YOU :P aha
And more updates coming:)

kevinblues said...

aist ang sakit nman ng chapter na to...may point rin nman kasi si anthony eh...kaso lang mahal tlga ni ian si fugi eh...sayang nman kung sa gnaito lang din matatapos ang lovestory nila...haist kawawang fugi...ang epal nman kasi ni anthony eh...sana pinabayaan na lang nya sina ian at fugi...haist next chapter na ngalang wahahaha

Swagger09 said...

condolence po!!

kaya pala ang tagal mong nawala....kala ko hindi mo na itutuloy to..

been waiting for this chapter for a long time :D

love your work!! keep it up

:D

Jace said...

First... Condolences po sa iyo Fugi at sa Family nyo... kaya mo po yan... nand2 lang naman po kaming mga readers mo kung sakaling di mo kaya... :)
---
second... welcome back!! :)
---
third... very very nice chapter... nalinawan na din kung bakit nagawa ni Ian yun... tsk tsk tsk!! Ian-Fugi pa rin ako... hahaha... :))

darklord said...

condolences po
..,

and welcome back po.,

Yume said...

Condolence po Fugi-chan

huhuhuuh
wawa fugi
galing galing ni angel! :)

nice comeback
:)

two thumbs up! :)
at hands down na ako :)

aja!

foxriver said...

I know that your Kaka is safe and happy in heaven and your kaka will be your angel. Welcome back Fugi the Great, everyday I am checking this to see if your back and this day made my day hehehe. I was crying while i was reading the Fugi-mama-angel scene, that's powerful and very touching. I was right that Ian was forced to do that and i understand anthony, but he's not playing it right. I hope it won't backfire. As always good job!!!! Welcomeback. Can you add me in FB?foxriver0226@yahoo.com, that's my fb account, hehehe kasi i am considering u my friend na. Thank you.

Jamespottt said...

COndolence kababayan.

Nice comeback fugi.

Anonymous said...

Condolence po kabayan Fuji

Nice chapter. yun maka anthony dyan wahahaha :))

next chapter pls.

Jekjec https://www.facebook.com/eugene.delcarmen

James Chill said...

My sincere condolences...


Anyway about the story! I was right... Kasalanan tong lahat ni anthony!!! Ibitin patiwarik... Wawa naman fugi... Hmp..

It was a nice chapter.. Thanks...

Unknown said...

my condolences..

fingers-crossed.. c fugi at ian pa rin yan.. :p

anthony did not played it fair.. hmft!

Anonymous said...

...hmmm, sa katoxic'an sa work.. Ndi na ako nakakapagcomment..
Mantakin mu, malelate na ako kninang umaga, pero pinilit kong basahin 2ng post mu.. Ndi pa pala kta nakontak pareng fugi..

.my deepest condolences pla..

.ang pagibig, minsan gngawa kang duwag. Duwag sa kadahilanang ndi pa buo minsan ang pasya mu, o mahirap magpasya sa dillemang hinaharap mu..
.ang pagibig gngwa ka ding, makasarili.
.ang masakit lng ang pagibig minsan ang dahilan ng iyong pagdurusa..


-nurse_mark..

Lawfer said...

now now, d mganda mglaro c anton peo... aq man cguro gnun gagawn q... bt q ibibigay ang mahal q sa isang taong d dn alam kng mpaninindigan nga nya ito?

nice nice... at my condolences fudge, sna d ka panghinaan ng loob

DownDLine said...

FUGI!!!!(wit authority and conviction ang pagtawag )pwede sa next chapters..patayin mo si anthony????? nang matuwa ulit ako.. ahaha..niways I miss you.. welcome back!

edzzz said...

nice story talaga.. my kurot sa puso ng reader.. IDOL fuji.

Post a Comment