Thursday, April 12, 2012

Part Of Me Chapter 02


by: Apollo22

Ito ang Chapter 02 ng Part Of Me. Sana ay magustohan niyo ang chapter na ito.








Dahil nakita ko syang lumabas sa isa sa mga cubicle sa banyo namin, hindi ko alam ang gagawin ko kung mamamatay na talaga ako o mag mamakaawa para hindi nya ako saktan.


Nakangisi syang lumapit sa akin…….


“Tignan mo nga naman kung sino ang kaharap ko ngayon hehe” ang sabi nya habang papalapit sa akin.


Lumapit talaga sya sakin ang tinukod nya ang kamay nya sa pader na right side ng ulo ko at pumukit ako sa pag aakalang susuntukin na nya pero nagulat ako ng pinatong nya ang kamay nya sa ulo ko na parang mama ko at sabi…


“Ganun na ba ako nakakatakot sayo? Sa pogi kong ‘to natatakot ka? Ahaha” ang inis nya sa akin.


“Ahh ehh.. Sorry nga pala sa pag tawa ko kanina ng malakas ahh? Hindi ko sinasadya” Ang paghingi ko ng pumanhin sa kanya.


“Yun lang ba? Apology accepted, ikaw pa lang ang nag patawa sa akin ng ganon sa loob ng cubicle habang nag dadrama ka sa labas, baby ka pa nga hehe” pang iinis nya sakin sabay gulo sa buhok ko.


Nag taka naman ako kasi mag kaedad lang naman kami tapos baby pako ko o sadyang iniinis lang ako ng mayabang na yun.


Nakangiti syang lumabas ng banyo at pa sipol sipol pa, ako naman ay parang nabunutan ng tinik ng balyena sa lalamuna at sobrang nakahinga na maluwang.


Lumipas ang mga araw na iniisip ko parin ang mga nangyari sa C.R at satuwing binabalikan ko ay bumibils ang tibok ng puso ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, lagi kong nakikita ang mga mata nya sa mga oras nayon pati ang mapula nyang labi ayaw kong isipin yon pero kusang bumabalik.


Habang nasa room ay kinakausap ko parin ang sarili ko


Tumigil kanga ano kaba gusto mo naba si Sedrick ?? lalake kayo parehas diba?? O  bakit mu sya laging iniisip? Ang pagtataka kong sa bi sa loob loob ko


Hindi ko nalang pinansin ang mga nanggugulo sa loob loob ko bagkus ay nag pokus ako sa pag aaral pero pumangatlo lang ako sa klase nuong unang markahan satisfied narin ako dun kahit papano kasi nga gumugulo saking isipan si Sedrick.
Ano ba ang pinakain sakin ng mayabang na yon at ginugulo nya ang pagka tao ko
Inis kong sabi sa sarili


Nagsimula na ang pangalawang markahan at gusto kong masungkit ang ikalawang pwesto kaya gusto kung pagbutihan ang aking pag aaral.  Kaya naman nang mag bigay ang guro naming ng isang project sa math, physics, Filipino at English, oo sa lahat ng subject na yon nag bigay ang mga guro naming baka pinag usap usapan nila ito para pahirapan kami, kaya naman  hindi ako mag kanda ugaga sa pag isip ng gagawin ko sa project ko.


“ok class,  dahil lahat kami na mga guro ninyo ay nag bigay ng mahihirap na projects ay minabuti naming mag usap usap at napag desisyonan naming isa itong group project” ang sabi ng guro ko sa Filipino


Nagulat ako sa aking narinig kasi akala ko ay one by one project pero ngayon naman ay naging group project pero naisip kong ok narin yun para hindi ako mag rush pag dating ng submission ganon kasi ako ehh kung next week na ang submission ay ngayon palang ako nag sisimula, eh ang dami pa naman non kaya pumanatag na ang loob ko sa narinig.


“ok class mag count down na kayo 1 to 5” sabi ng guro ko


“ 1 2 3 4 5 ……..” ang bilang ng klase


“tumayo lahat ng number1….. number2…. number3… number 4”


At dahil number 4 ako ay tumayo ako ng magulat ako sa mga kagrupo ko


Si Mimi,  Nina , Gary at ang Mayabang na si Sedrick gusto kumang sumaya dahil ka grupo ko ang hinahangaan ko ng si Gary pero may pumipigil sa kasiyahang yon, si Sedrick na minsan kunang makabungguan sa klase at pakiwari kung naawa lang sakin kaya hindi ako ginulpi


Pero excited parin ako kasi alam kong  kagrupo namin si Gary kasi talaga namang lubos ang pag hanga ko sakanya, sa maamo at gwapo nitong mukha, sa katawan nyang mala Adonis ang hugis at ang mabait nitong pakikitungo nito sa bawat isa sa amin.


Alam kong lalaki ako pero sa tuwing nakikita ko si Gary ay nakakalimuta ko ito para bang nagiging ibang tao ako, naalala ko pa noong araw na una nya ako e approach sa may canteen nag sasalin ako ng tubig sa may tumbler ko at lumapit sya at sinabing pasalin din daw at napa tunganga naman ako ng Makita ko sya, kaya umapaw ang tubig sa may tumbler ko at hindi alam ang Idadahilan sa nangyaring iyon.


Sa pag tawa ko hindi ko alam na nasa harap ko na silang apat.


“uy! Ok kalang?” ang tanong ng nakangiting si Serdrick


“oo nga para kang baliw, nandyan ka paman din sa sulok”  ang dagdag pa ni Mimi


“ ay oo ok lang ako” sabay ngiti sakanila


“so san tayo nito?” tanong ni Gary na ubod parin ng gwapo


“anong saan?” ang tanong ko naman


“kung saan natin pag uusapan ang MGA project natin” ang sabat naman ni Nina.


“My Gosh!! Ang dami ahhh” dagdag pa nito


“sa amin nalang” ang pag piprisinta ni Mimi  at sumang ayon naman kaming lahat


Pag dating naming sa bahay nya ay nagulat kami sa laki nito


“ano to palasyo?” ang sabi ni Sedrick


“oo nga?!” ang sabi naman ni Gary


“nako ah ang uO.A nyo ahh tara nanga pasok na tayo” ang ngiting sagot lang ni Mimi


Kahit sa loob ay ang gaganda at mukhang mamahalin ang mga nwebles, may mga automatic at may mga mukhang antique parang pnag sama ba.


“MANANG??!! Asan  na kayo? PAG HANDA NYO PO KAMI NG MAKAKAIN!!” ang sigaw ni Mimi


Nagulat naman ako sa pag sigaw ni Mimi kasi ang huling pag kakaalam ko maganda at mabait hindi parang donya kung umasta


“hindi ka naman galit sa katulong nyo nyan??” ang tugon naman ni Nina


“ay nako hindi, ganun talaga yun kaylangan pang sigawan para marinig nya ng maiigi medyo bingi kasi eh” ang dipensa naman ni Mimi at napa tango nalang kami na wari’y naintindihan sya


Dumateso kami sa taas upang doon pag-usapan ang projects naming, habang nag uusap kami  ay nakikita ko na seryoso ang lahat maliban kay Sedrick na kung ano-ano ang ginagawa habang naka headset na naririnig namin hanggang sa kinauupuan namin ang tunog at kung saan saan nag pupupunta at kung ano-ano ang kunakalikot, hindi ko alam kung bakit napansin ko sya habang ang iba ay patay malisya lang sakanya, marahil alam na nila ang ugali nito na hindi naman tutulong sa projects naming


“ano batong Sedrick na to kung ano ano ang ginagawa parang batang ngayon lang nakakita ng malaking bahay, wala namang naitutulong sa atin” ang tugon ko na hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyo
Biglang lumingon lahat saakin


“ano kaba hayaan muna baka ikaw ang pag buntungan nga galit nyan, na sampal nanaman kanina ng girls yan” ang paalala ni Nina


“nako ganun ba? Bagay lang yun sa mga gaya nay babaero kasi atsaka  sino naman ang natakot dyan? Maliliit lang naman ang pinapatulan nyan eh palibhasay bato bato ang katawan kaya malakas ang loob” ang dagdag kupa


“uy! Tumigil kana baka marinig kapa nyan” babala ni Mimi


“pano ako maririnig nyan eh ang lakas lakas ng patugtog sa ipod nia” ang sabi ko naman


“guys sino may charger ng ipod?” ang tanong ni Sedrick


“NALOWBAT tung ipod ko ehh, pahiram naman” ang sabi habang nakatingin sakin


Natulala ako sa ballpen at papel na hawak ko hindi ko alam kung narinig nya ang mga sinabi ko pero nag panggap ako na nagsusulat,


“kanina paba lowbat yang ipod mo?” tanong ni Mimi na tila nabasa ata ang nasa isip ko


“oo kanina pa pag dating dito sinuot kulang tong headset kasi hindi kasya sa bag ko” ang tilang sadyang pag diditalye ni Sedrick at may gustong ipabatid


“ay!! may gulay! nakalimutan kong e-off tung ipod ko kanina pa pala tumututog” ang wika ni Nina na tila pinagpawisan ako ng malamig sa narinig


“prince may sinasabi ka?” ang tanong nya sakin habang naka kunot ang kilay


“ahh ehh… ano kasi ehh…”  hindi paman ako tapos ay inalis na ni Sedrick ang tingin sa akin at lumapit kay Mimi para tumulong sa projects naming


Nagi-guilty ako sa ginawa kong pang mamata sakanya at alam ko na kahit tigasin tung si Sedrick ay naapektuhan sya sa sinabi ko, lahat kinausap nya pwera sakin halatang nang gigigil saakin ang mayabang nato.


Kaya naman ng matapos na kami at lumabas sa gate nila Mimi ay nag hiwahiwalay na kami ng landas, si  Gary at Nina sa kaliwang bahagi ng kalsada ako at si Sedrick ay sa kanang bahagi ng kalsada. Patay! Kami pa ang mag kasabay


Nauna ito ng ilang hakbang sakin bago ako sumunod habang nag lalakad dama ko ang pang gigigil sakin dahil tinatadyakan nya ang bato ng napakalakas na ikinatakot ko naman pero hindi ko ito inisip at gustong gusto ko syang kausapin


“Sedrick!! Sedrick!! Dun sa nasabi ko….”  ang pag kuha ng atensyon niya


Pero imbis na hayaanng akong mag pasorry ay agad itong bumalik  papunta sa akin sa mabilis nitong hakbang


“Hoy Ikaw!! ayaw lang kitang patulan kasi sabi nila mabait ka pero di naman pala, Lalaki kaba talaga! Natatakot kasi ako na baka pag sinapak kita ay mamatay ka at makulong pa ako ng dahil kagaguhan mo” ang sigaw ni to habang dinuduro ng may diin ang dibdib ko


Hindi ako maka kibo sa lahat ng sinabi nya nanlumo ako dahil ang sasakit ng mga sinabi nito, dahilan upang mapa yuko nalang ako ng sobra sa kahihiyan sa mga taong dumadaan at pinag titinginan kami hindi parin ito natinag sa kaka salita at kakasigaw, siniguro nya na sa mga sinabi nya ay madadapa ako at hindi na muling makakabangon pa.


“sorry” ang nasabi ko lang pagkatapos nitong mag sisigaw


“sorry ?? eh gago ka pala eh kala mo  madadala mo ko sa sorry mo? Ano ako sira ulo??” gigil parin nitong sabi
 “ano ba nag gusto mo ahh!!” sabay tulak sa akin dahilan upang mapaupo ako sa may simento


“sorry talaga” ang sinserong sabi ko parin sakanya sabay ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.


“ehh nag gagaguhan lang pala tayo dito ehh” sabay alis sa mabilis nitong hakbang


Makalipas ang ilang minuto ay tumayo nako sa kinauupuan ko para umuwi, hinintay ko muna itong makalayo para wala ng gulo


Siguro nga tama si Mimi ako nga ang napag buntungan ng galit ni Sedrick dahil sa nangyari kanya kanina sa school, pero sapat naba yon para sabihan nya ako ng masasakit na salita? Ganon bat alga sya magalit sa ibang tao pag mali ang nasabi? Sa pagiisip habang nag lalakad ay nakarating ako sa bahay ng hindi ko namamalayan


Kahit nakapasok nako sa bahay naming ay bakas parin sa mukha ko ang pag kalungkot at tako sa nakita kay Sedrick, tama ng ang sabi nila pag si Sedrick ang binangga mo ay hindi ka nito sasantohin at hindi ka nya titigilan hanggang hindi ka malulugmok sa putikan


Iniisip ko ngayong kung papano ko sya haharapin gayong may kasalanan ako sakanya at galit rin naman ako saginawa nya saakin naparang trinato nya ko nahayop at hindi tao, masakit talaga ang loob ko kasi akala ko ay nag kamali lang ang mga tao sa interpretation sa pagkatao ni Sedrick at pilit ko syang pinag tatanggol sa mga nag sasabi noon.


Pinag tatanggol in a sense na hindi ako sumasang ayon sa pag bato nila ng masasakit paratang sakanya, kesho hindi dapat pakisamahan ang mga ganyang tao, problema daw yan sa eskwela at kung ano ano pa


Sorry ka nalang princ etama sila, sayang lang ang pag hanga mo sakanyang maamong mukha kung ang nasaloob nito ay demonyo ang sabi ko sa sarili ko


Kinabikasan ay ni ayaw kong Makita ang anino ni Sedrick sapagkat magkahalong guilt at galit ang nararamdaman ko sa kanya pero umaasa parin ako na mag kakabati na kami


“ayos kalang prince” tugon ni Gary na may pag aalala
nag liwanag ang mukha ko ng Makita ang gwapong si Gary.


“ahh Oo ok lang ako” ang tugon ko sakanya sabay ngiti


“pansin ko kasi ay kanina kapa balisa” puna naman nya


“hindi ok lang talaga ako” at sinabayan pa ng isang matamis na ngiti.


Nang pag lingon ko ay nakita ko si Sedrick na papalapit sa amin, at ng maka lapit ito





Itutuloy:

10 comments:

Anonymous said...

pasaway ka kc prince

Gerald said...

Weeeh... Next na po. BTW, buti d2 ka nagpopost at di dun sa B*L? Na daming pending stories pero nasubmit na pala. Hahaha wla lang.

Chris said...

bitin kuya! hahaha! nxt na pls!! ang ganda!

Anonymous said...

Another stories na kaabang abang :D Goodjob Author :) I'll wait for your next update. =) - Phantom

Anonymous said...

Nice stories kakarelate aq sarap balikan din ung nakaraaan....hmmmm cant wait for next part...post it now....;-}

Coffee Prince said...

preno preno rin ng bibig nxt tym ..
yan tuloy ..
nagalit tuloy si kuya Sed ..

anyway ---
Prince nga pala name ko in ryl lyf .. share lang .. XD

Thanks kuya Polo ~

Anonymous said...

Kasi si Prince parang timang! Parang may galit eh.

Anonymous said...

ahaha ganon ba? nice name... im sure matalino ka..

Apollo22

kevinblues said...

next na poh mr.author..hehehe

DownDLine said...

ang tabil kasi masyado ng dila ni prince ehh..ahaha.. ayan tuloy!

Post a Comment