Tuesday, April 24, 2012

Part Of Me Chapter 08


by: Apollo22

At sabay-sabay na naging maganda ang aming araw, kahit may pasok kami ay lubos ang aming nararamdamang kasiyahan at alam kong hindi lang sila napipilitan para sa aming dalawa ni Sedrick.


Sa chocolate na ibinigay ni Sedrick ay may naka singit palang mangilangilang notes sa loob at nagulat ako nang malaglag, kulay pula ang mga ito ay may design pa, halatang may effort sa pagkakagawa, syempre patago ko itong binasa habang nasa canteen kami at ito ang nakasulat.


Prince thank you for making my life complete, thank you for always there for me, I know that someday we will be together until we die and in the near future we will see each other in heaven, but for now let us enjoy every  seconds that we are together happy and inlovel, I hope you liked my simple present happy monthsary from your loving mahal Sedrick to my mahal Prince.




Maybe in the future there are problems, struggles and challenges that we may encounter so please be patient and kind and thank you so so so much ILOVEYOU MAHAL ♥


Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, mix emotion sabi nga nila, naluluha akong lumapit ako kay Sedrick at yinakap sya sa canteen, nagulat naman ito at napalingalinga pa sa mga kabarkada namin.


“salamat Sedrick, salamat” ang pasasalamat ko habang gumagaralgal ang boses ko.


Tumango naman ito na wari’y na gets na kung bakit ako nag papasalamat, inalis nya ang pagkakayakap at hinawakan ang dalawa kong braso at ngumiti.


“alam mo mahal ang sabi mo nga “hindi mo kailangan magpasalamat, kasi kagaya rin ng sinabi mo ginagawa ko rin ito dahil gusto ko at hindi dahil hiniling mo” at muli itong ngumiti ng napaka tamis at hinalikan ako sa pisngi.


Nay ko po! buti nalang walang nakakita maliban sa barkada namin, kung hindi maiiskandalo kami ang sabi ko nalang sa sarili ko.


“nako tama nanga yang kasweetan nyong dalawang magsyota, ang kati nyo” ang inis naman sabi ni Gary.


“pare kung ganito asawa mo talagang hindi ka magsasawang romansahin ito” ang pag sakay naman ni Sedrick kay Gary.


“asawa agad? Hindi ba pwedeng girlfriend muna?” ang sabat naman ni Mimi.


“aba at ako pa ang girlfriend ngayon ahh” ang inis inisan ko ng sabi.
“sige na sige na boyfriend na para walang away” ang paglalambing naman ni Sedrick at tumingin na parang bata sabay kutot ng bahagya ang pisngi ko.


“ehh ikaw?” ang tanong ko naman.


“poging boyfriend mo rin” ang sabi pa nito at na pose na parang superman.


“nakakatawa talaga kayo”  ang wika naman ni Gary.
“pero pare ready kana pala para mamaya?” ang dagdag na tanong nito.


“ready para saan?” ang balik na tanong ni Sedrick.


“diba liga mamaya sa lugar nyo” ang sagot naman ni Gary.


“ay! Oo nga pala, nakalimutan ko, monthsary kasi namin ng mahal ko ngayon, Oo ready na ako pare” ang pagmamayabang nito.


“talaga? hindi ba kami pwedeng manuod?” ang sabi naman ni Mimi.


“sa isang kundisyon, kaylangan kasama si Prince mahal” ang wika naman ni Sedrick
“ano sama ka” sabay lingon sa akin.


“Oo naman sino ba naman ako para humindi” ang tugon ko naman dito.


At bumalik na kami sa aming klase halata ang saya ni Sedrick at Gary  sa mukha nila, excited sa pagbabasket ball at parang engot lang na nagbabasket ball sa loob ng canteen kahit walang bola at court, nakakatuwa silang tignan parang mga bata,


after ng class ay umuwi muna kami sa aming kanya-kanyang bahay para magpahinga dahil mamaya pa namang 8 p.m ang liga sa court nila Sedrick.


Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako dahil nahiga ako sa kama ko habang nagpapahinga marahil sa sobrang pagod na rin.


Naririnig kong tumutunog ang cellphone ko at hapong hapo ko itong inabot sa may ilalim ng unan ko, nanlaki ang mata ko ng Makita kong 50 messeges na pala ang nasa inbox ko at puro si Sedrick.


“HOY!! Wer kna??” ang text nito na parang galit, agad naman akong nag reply dahil ayaw ko itong magalit ‘pagkat monthsary namin.


“sorry po qaqagsing q lng po” ang reply ko rito.


“ano kba pnagusapn natn magkkta tayo ng 5 tapos hndi  sumipot, tpos ngayon late ka?! 8 na ahh!” magssmula na!” ang mabilis naman nitong reply.


“o cge pappnta nko” ang sagot ko nalang
At patakbo akong tumungo sa banyo upang maghilamos halos madulas-dulas ako banyo sa kakamadali, pinagmadali ko pa yung driver namin para lang makaabot ng hindi late, kahit nga malapit lang ay nagsasakyan pa ako para lang hindi ma-late ng todo kaya 8:30 ay andon nako.


Nang makarating sa court ng subdivision nila Sedrick ay namangha ako sa laki nito parang Araneta o talagang O.A lang ako? agad ko nang hinanap ang mga barkada ko at baka malagot na talaga ako kay Sedrick, syempre hindi naman ako nahirapang hanapin sila dahil malayo palang ata ay alam ko na ang tindig at mukha ni Sedrick kahit nga nakatalikod ay alam ko na sya ito eh.


“oi andito lang pala kayo, bakit hindi pa naguumpisa? Sabi nyo nag-uumpisa na” ang tanong ko kay Sedrick.


“buti dumating ka pa, mukha bang nagsisimula na kami?!” ang pilosopo nitong sabi sa akin sabay alis ang tingin nito.


“Prince, malapit nang magsimula nyan, alam mo namang hindi agad nagsisimula ang mga ganitong event dami pang chechebureche” ang pampaluwag loob na sabi ni Gary
At tumango nalang ako at itinuon muli ang tingin ko kay Sedrick.


“uy Sedrick sorry  na?” ang nag susumamo kong sabi ngunit parang wala syang naririnig
“uy sorry na please” ang muli kong pagsusumamo.


Lumingon ito ng walang emusyon
“wag mo akong kausapin! At ayaw ko munang marinig ang boses mo” ang sabi nito sa akin na ikinadurog ng puso ko dahil ngayon ko lang sya nakitang  nagalit ng ganyan.


“Sedrick!!” ang pagsaway naman ni Mimi sa kanya.


“oh bakit?! Kakampihan nyo pa yan?! Monthsary na monthsary namin hindi sumipot ni hindi man lang nag text na hindi makakarating” ang inis pa rin nitong sabi


“diba naka tulog nga ako?” ang mahinahon ko pa ring sabi.
“sorry na kasi” ang tugon ko na parang naiiyak na.


At habang nasa ganon kaming sitwasyon ay may lumapit na babae sa akin.


“hi kuya?” ang bati nito sa akin.


“hi din” at nagbigay na pilit na ngiti


“pwede daw pong makuha ang number mo? Pinapakuha po kasi ng kaybigan ko” sabay turo sa bandang kanan at nakita kong isang gwapong lalaki ang tinuro nya.


“sorry miss, wala akong phone eh” ang palusot ko nalang rito at nakita kong lalong naiinis ang mukha ni Sedrick at waring pati ang babae at gusto nyang sapakin.
“ay ganon po ba, sige salamat nalang” ang sabi nito at sabay umalis.


“Sedrick! Sorry na please” ang pilit ko rito at hinawakan ang braso nito.


“dun ka nalang sa humihingi ng number mo!” ang inis nito na parang pinamimigay lang ako.


“ayaw ko yun! Gusto ko ikaw” parang bata kong sabi.


“ewan ko sayo” ang tugon nito na parang nabawasan na rin ang inis sa sinabi ko.


At sabay alis nila kasi tinatawag na sila ng couch nila para simulan na ang laro, pero hindi pa rin ako pinansin ni Sedrick kahit nakikita nitong halos maluha-luha na akong nagmamakaawa sa kanya, kaya maski ako ay nainis na rin sa pagiging matigas nya sa akin.


Habang naglalaro sila, lahat ay nag chi-cheer habang ako parang sirang nakatunganga at pinagmamasdan si Sedrick mula sa kinauupuan ko at tumitingin din sya kahit hingal na hingal na, bakas sa mga mata nito ang pagka awa sa akin habang nakikita nyang lahat ay nagsasaya ako lang ang nagdadrama.


Kainis naman si Sedrick bakit ganyan sya bakit para sa maliit na bagay ay aawayin nya ako ng ganito, ganoon naba sya ka babaw?!  Ang pabulong kong sabi na hindi ko alam na narinig pala ni Mimi.


“nako Sedrick, ganyan talaga ‘pag nagmamahal, syempre monthsary nyo kaya itinuturing nya itong isa sa mga pinaka mahahalagang araw ng buhay nya, tapos dumagdag pa yung nanghihingi nga number mo” ang payo naman ni Mimi.


“eh bakit nagpapasorry na’ko ayaw nya pa rin tanggapin” ang tanong ko naman rito.


“ang pride kaya ng taong sinagot mo” ang sagot naman ni Mimi.


Napa buntong hininga nalang ako at tumango.


Natapos ang basketball, nanalo sina Sedrick sa score na 100- 80 halos tambak ang mga kalaban at gigil na gigil ang mga ka team mates ni Sedrick mas lalo naman sya, gigil na gigil sa akin.


Nagbihis na ito at naligo tapos bumalik para manuod ng Mr. ang Ms. Kapampangan.


“ano ayaw mo talaga akong patawarin?” ang tanong ko rito pero, ni hindi man lang ito tumingin sa akin.


“uy ayaw mo talaga?” ang dagdag ko pa dito.


Humarap ito sa akin at nag nakaw ng halik, mabilis pa sa alas kwatro ang mokong kung humalik sabay balik sa panunuod.


“ih! Ano galit ka pa?” ang tanong ko.


Tumingin muli ito
“oo galit pa ako” ang sabi nito na nagiinis-inisan.


“uyyyyyy magbabati na yan” ang sabi naman ni Gary.


“uyyyyyyy oo nga magbabati na kami” ang panunukso ko rito sabay kiliti ko sa tagiliran nya.


Pinipigilan nito ang tawa, pero sa lakas ng mangingiliti ko ay hindi na nya mapigilan ang humagikgik sa tawa.


“oo na sige na!!” ang sabi nito habang tumatawa pa.


“yes!” ang sabi ko naman at nagliwanag ang paligid ko.


“pero ‘pag inulit mo ‘yon lagot ka talaga sa akin” ang inis-inisan nitong sabi.


“oo na po promise!” sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa.


“good” ang sabi naman nito at binigyan ako ng matamis na ngiti.
“nag alala kasi ako sayo eh” at nagsiryoso.


“bakit ka naman  mag-aalala sa akin” ang tanong ko rito.


“syempre baka kung ano na ang nangyari sayo” ang pag-aalala nitong sabi.


“bakit hindi moko pinuntahan” ang tanong ko.


“oo pinuntahan kita sa inyo, tapos sabi ni manang Judith ang himbing daw ng tulog mo kaya umalis ako kasi napikon ako, kunwari pa akong nag-aalala sayo tapos tulog kalang pala kaya sa inis ko tinambakan kita ng messages” ang sabi nito at sumimangot na parang bata.


“o sige na, eto nanga nagsosorry na diba? Sorry na” ang muli kong sabi.


“oo na po hindi naman kita matitiis eh” ang tugon nito at ngumiti na.


“ganon? Kaya pala hindi moko pinapansin hanggang matapos yung game nyo” ang inis inisan kong sabi.


“oo na… sorry na rin mahal hindi na rin po mauulit” ang sabi nito.


Halos pagtinginan kami ng mga katabi namin sa sobrang kasweetan namin, ang iba’y kinikilig at ang iba naman ay nagtataka, ikaw ba naman ang makakita ng dalawang lalaking naglalampungan sa kalagitnaan ng question and answer ng mga contestant ay talaga namang maiistorbo sila.


“nako bati na ulit sila!” ang wika ni Nina.


“oo nga eh… ang sweet nila no?” ang tanong naman ni Mimi.


“My gosh SOBRA!! Daig panga nila yung mga teleserye sa T.V…sobra sa  harutan” ang sabi ni Nina.


“oo na maharut na kung maharot, basta sa mahal ko haharutin ko ng sooooooobra at walang sawa” ang sabi naman ni Sedrick at inakbayan naman ako, alam kong namula ako sa ginawa nya.


Ang bango nya talaga, lalaking lalaki ang amo’y yung bang mga pabangong masarap sa ilong, sus ang gwapo at macho pa, ang bilis ng tibok ng puso ko at alam kong mamamhalin ko ito habang buhay at walang kasawaan.


Natapos ang 7th monthsary namin ng masaya kahit may problema alam kong masosolve namin tong dalawa sa sobrang mapag pasensya namin sa isa’t isa, ewan ko ba nag bago nanga si Sedrick noong naging kami, hindi na ito pala away hindi na rin ito mainitin ang ulo at gusto nya lagi kaming magkasama na pabor naman sa akin.


Hinatid ko sya sa dorm, kahit gusto nya akong ihatid ay tumanggi na ako dahil gusto ko namang makabawi sa araw-araw nyang pag hatid sa akin at gusto kong ma experience nya naman ang inihahatid ng taong nagmamahal sa kanya.


Habang nasa gate kami ay nagnakaw  ito ng halik sa pisngi at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit parang wala ng bukas kung makayakap syempre naman  gumanti ako hinalikan ko naman ito sa lips na ikinagulat nya dahil madalas ay sya ang gumagawa noon, pero ng maka bawi sa pagkakabigla ay natawa ito ng malakas, konting kwentuhan lang sa harap ng bahay nila habang nakatingala sa mga bitwin at pinagmamasdan ang magandang pagkinang ng mga ito, pinag-usapan rin namin ang mga pangarap namin na kasama pala kami sa aming mga pangarap na ikinatutuwa ko, dahil sa lahat daw ng mangyayari sa buhay nya ay baliwala akung wala ako at yun lang ang naganap.


pinauwi nya na ako dahil gabi na at walang maghahatid sa akin.





Itutuloy:

11 comments:

JMtheWriter said...

I always look forward to this story!
i hope laging may update agad... :]

Anonymous said...

I really like the story. From the beginning na hook na ako kaya everyday ngnenet ako para lang macheck if my new posted chapter. I hope the next chapter will immeditely be posted. Thanks author :)

--makki-- said...

tingling! ayiie!

kiero143 said...

heheh kau na ang sweet sedrick and prince....kakilig nman kasi tlga ginagawa ni sedrick...wahahaha...tapos nag.inis inisan pa..ang cute...hehhe next na mr.author...hehehe

Master_lee#027 said...

Ang ganda at puro cheesy moments ung kwento hindi nakaksawa ang magbasa ng story mo kabalen..eheh.good job keka kabalen ,and sana akilala dakayu adwa sedrick ehe taga pampanga ku din eh

robert_mendoza94@yahoo.com said...

KAKAINGGIT AMAN ANG KASWEETAN NILA. HE HE HE

Anonymous said...

di malayong mangyari yon... ahaha =D salamat salamat

-apollo22

Anonymous said...

At ng pag-uwi ko may sumaksak sakin. Tapos patay na ako. Haha

Anonymous said...

bka ma-rape c prince nung kumukuha ng number nya.. hihi

hay nako prince ang haba ng hair mo..

Anonymous said...

paikli ng paikli......................hehehehe.....ang tgal ng test sa love nila........................................ras

DownDLine said...

natatawa ako na kinikilig...ahaha

Post a Comment