Sunday, April 8, 2012

Will You Wait For Me? (Part 11)

Nakakatuwa, iba-iba ang reaction ninyo sa Part 10 natin. Pero iisa lang ang pinagkapareho, lahat galit kay Diana hahaha /heh

Alright, alright, nakita na natin ang sinulid ni Jayson. At sa bahaging ito naman ay ang sinulid naman ng isa pa nating karakter ang ating sisilipin. Sa susunod na bahagi na natin itutuloy kung anu man ang eksenang naudlot sa Part 9.
Inagahan ko na ang pagpost nito dahil natuwa talaga ako sa mga komento ninyo. /no1

Note: Mula sa bahaging ito ay may mga nadagdag na eksena na wala sa orihinal. Yan ang dahilan kung kaya mula sa 13 na bahagi, naging 14 na ito.

Will You Wait For Me? (Part 11)
Cover Photo by Makki



*MARCUS V. PINEDA*

“Thank you po mom!” tuwang tuwa kong nasabi’t hinalikan sa pisngi si mommy. Niregaluhan niya ako ng bagong model na phone na WiFi capable.

“Masaya ako’t nagustuhan mo anak. Happy birthday ulit.” Sabit niya.

“♪ Happy birthday Makki… You belong to the zoo… With the monkey and the donkey and the big kangaroo…♫” sabay-sabay na kanta ng fraternal twins kong pamangkin na sina Jay at Clyde tinatawag kong Shiro at Kuro na anak ng kuya kong si Ledominus o Dom-dom for short. Kasama nila ang mga kalaro nilang sina Ramona at Rexy na kambal na anak ng best friend ni kuya.

“Ala! Ginawa niyo pa akong animal.” Natatawa kong bulyaw sa kanila. Tumawa naman sila ng tumawa dahil dun.

“Oh tama na muna yan, kumain na kayo.” Sabad naman ni Mommy. Pinagsaluhan naming anim ang mga niluto niya para sa kaarawan ko.

Excited akong inactivate ang router ko, agad kong tinesting yung bagong phone ko. Matagal na akong hindi nakakapag-browse sa WAP kaya binuksan ko agad yung mga wapsites na pinupuntahan ko dati.

Sinubukan ko ang dragonorb.wen.ru kung saan ako laging nagdodownload ng mga Java at Symbian applications dati. Not Found daw. Expired na siguro yung WAP site.

Sinubukan ko naman yung en.wapchat.net o Live Chat World. Wala na yung Philippine portal. Sayang naman.

Sunod naman yung Mocospace. Wiped out ang friends ko. Walang natira kahit isa. Anu ba yan, kung kelan pwede na akong mag-browse ulit nang ‘di na kailangang i-hack ang network, dun pa nawala ang mga gusto kong WAP sites.

Bigla kong naalala yung WAP community site na tambayan ng mga pinoy wappers. Tinype ko ang pinoywap.net, nag-log-in. Hayun pumasok! Buti pa ito buhay pa. Agad kong tinignan ang messages ko. Wala kahit isang nag-message sa’kin, kahit yung inbox ko naubusan ng message. Napansin kong empty na din ang friend list ko. Tinignan ko kung ilan ang online. Mahigit 100, active na active pa nga. Pumunta ako sa games page. Natuwa ako dahil nandoon pa yung mga games duon. Jack en Poy, Spin for Plus, Pinoy RPG, at may bagong game pa, ang Pinoy Poker. Tinignan ko agad ang profile ko, 2000 mahigit pa ang plusses ko. Ang plusses kasi ang importante sa site na ‘to, yun ang pinaka money dito upang makabili ng downloads at yun din ang ginagamit na bet sa games. Inipon ko yun sa pag-post ng replies sa mga forums pati na rin sa paglalaro.

Pumasok ako sa Jack en Poy chatroom. Buhay na buhay pa nga ang chatroom nito, angbilis ng mga message. Biglang may nag-po up. “You have a new Jak en Poy challenge for 520 plusses.” Inaccept ko yung challenge at pinili ko ang scissors. Natalo ako. Tinignan ko kung sino ang nag-challenge sa’kin. Cryptic_Moon daw.

Parang pamilyar ang username na yun. Bigla kong naalala yung sa LCW. Nag-send agad ako ng private message sa kanya. “Hello, kaw dn ba ung sa LCW dti?”

Nagreply naman agad siya. “Yep! Ako nga. Hindi mo na pla ko natatandaan?”

Nireplyan ko siya agad. Natuwa ako dahil nakikilala pa niya ako. “Kua Crypt! Buti kilala m pa ko? Musta na? Bkit nawala ang LCW?”

“Mtagal ng wla un. Ok lang ako, kaw ba musta na?”

“Ok lang dn po kua.”

“Nga pla, db my alam ka sa photography?”

“Nku mhilig lang ako tumingin at kumuha ng pictures kua peo d ako mgling.”

“Ah gnun ba? Punta ka na dn sa site ng Reverie, my studio na kmi. Tgnan m sa profile ko ung url.”

Agad kong tinignan yung URL na sinabi niya. Binuksan ko yun sa laptop ko. Labis akong namangha sa mga naka-post na pictures sa website nila. Ngunit may isang picture doon na nakapukaw ng aking pansin. Letrato ng schoolmate namin dati. Tinignan ko kung sino ang photographer nun——— Gian Carlo Bernal.

Medyo nagulat ako nang mabasa ko ang pangalang yun. Siya yung interesanteng schoolmate ko nung high school. Siya yung matapang na lalaki sa kabila ng pagmumukha niyang lampa. Siya yung may kakaibang kulay ang mata. Napabilib niya ako nung nakipag-debate siya sa adviser namin tungkol sa mga nagpapakita ng intimacy in public.

“Kayo siguro ma’am hindi pa hinawakan ng asawa ninyo ang kamay ninyo in public. Hindi ba kayo napa-isip? Baka ikinahihiya niya kayo?” yan ang matapang niyang sagot na ‘di ko makakalimutan. Pinatawag siya sa Principal’s Office dahil dun subalit buo talaga ang loob niya. Nadepensahan niya ang sarili niya. Kasalanan naman talaga ng adviser ko yun, bitter kasi.

Napag-alaman kong pareho pala ang university na pinapasukan namin. Duon ako nag-enroll upang ipakita sana sa ex ko ang pagbabago ko, sabi nga nila; “Maglaway ka!”. Bonus pa pala na nandoon din ang hinahangaan kong estudyante.

Baka hindi na nila ako makilala dahil napakalaki ng ipinagbago ko. Tumangkad agad ako, nagpalaki ng katawan, sumali sa sports clinic, nagpapa-derma na din ako’t may sariling stylist at fashion consultant. Vain na kung vain, basta gusto kong magbago. Gusto kong pagsisihan ng ex ko ang ginawa niya sa’kin dati. Isa akong ugly duckling dati, ngayon isa na akong agilang handang mandagit sa babaeng umapi sa akin.

Isang araw, Christmas Vacation na namin. Umalis si Mommy kasama ang mga pamangkin ko. Magpapasko sila sa U.S. kasama sina daddy at kuya. Nagpaiwan ako dahil ayoko ng klima doon. Nangako naman silang tatawagan ako sa pasko, okay na sa’kin yun. Dahil nga mag-isa lang ako, nagpasya akong maki-noche buena sa bahay ng best friend ko nung High School, si Lyron. Tulad ng inaasahan, welcome ako sa bahay nila. Tumulong ako sa pagluluto, ako ang taga-ihaw. Habang nag-iihaw ako sa labas ay nakita ko si Diana, kasama si Gian. Nagulat ako kung kaya nagtago agad ako. Sinundan ko sila ng tingin. Pumasok sila sa bahay malapit sa bahay nina Lyron.

“Huy! Anong ginagawa mo diyan?” panggulat sa’kin ni Lyron.

“Makapanggulat ka naman! Wala, may nakita lang akong kakilala.” Sagot ko naman.

“Ganun ba? ‘Di pa ba sunog yung iniihaw mo?” tanong niya. Bigla akong napatakbo sa kinaroroonan ng grill dahil may naaamoy na nga akong nasusunog. Tinawanan nalang ako ni Lyron.

Kinagabihan, matapos naming magsimba’t kumain, nagpaalam ako upang maglakad-lakad. Nanood ako ng mga nagpapaputok sa kalsada. Napadaan ako sa bahay kung saan pumasok sina Diana kanina. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko, umakyat ako sa puno sa tabi ng bahay na yun. Nagmasid ako. Nakita kong hindi gaanong sarado ang bintana doon. Sumilip ako. Nanikip ang dibdib ko nang makita si Gian na nakahiga habang subo-subo ni Diana ang alaga niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit. Ibayong galit na higit pa sa dati.

Dali-dali akong bumaba. Nasabit ang kuwintas ko sa sanga. Pinilit kong hilahin yun subalit sadyang mahigpit ang pagkakasabito nito. Lumikha ng ingay ang sangang dumidikit sa bintana ang paggalaw ko. Nakarinig ako ng mga yabag. Nataranta ako, hindi ko na pinansin yung kwintas ko, hinila ko nalang yun at tumalon agad. Medyo na-sprain pa ang paa ko sa pagbagsak ko pero nagawa ko pang makapagtago.

Bumukas yung bintana’t dumungaw si Gian. Hinahanap siguro niya ang lumikha ng ingay. Mabuti nalang at nakapagtago agad ako. Nakita kong may kinuha siya sa sanga. Tinignan ko ang hawak kong kuwintas, wala na yung pendant ko. Kinabahan tuloy ako, palatandaan ng pamilya namin yung white gold pendant na yun. Kailangan ko iyong mabawi! Pero hindi ngayon, mahahalata ako… Umalis na ako’t pinag-isipan kung paano mababawi ang pendant.

Isang araw nagpasya akong maglakad-lakad bago pumasok ng school. Nakita ko si Diana, ang ex ko. Sinundan ko siya upang magpapansin. ‘Di naman ako nabigo dahil nakita niya ako’t binati.

“Oy MVP! Musta?”

“Eto okay lang.” malamig kong tugon.

“Ang laki ng ipinagbago mo ha? Hindi halatang muka kang tanga dati.” Panunuya niya.

“Oh? Talaga lang ha?”

“Talagang talaga. Okay na hitsura mo ngayon pero I doubt na may utak ka na.” Huling sabi niya bago sumakay ng jeep. Narinig ko pa siyang tumawa nang makasakay na siya.

Inis na inis ako sa mga sandaling yun. Kesa siya ang mainis, nagawa niyang baligtarin ang sitwasyon. Buwisit na buwisit akong naglakad pauwi. Dahil dun ay ‘di ko napansing may mababangga pala ako.

“Aray!” reklamo ko.

“S-sorry.” Sabi ng nakabangga sa’kin.

“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” inis kong wika. Nang lingunin siya’y natuwa ako dahil si Gian pala yun. Mag-sosorry sana ako subalit nakaalis na ito. ‘Di bale, hahanapin ko nalang siya sa university.

Kinahapunan, may practice kami sa gym. Kasali kasi ako sa varsity team. Nang ipasa ko ang bola sa team mate ko’y hindi niya yun nasalo.

“Ilag!” sigaw ko subalit hindi nagawang umiwas nung lalaki dahil nakatalikod ito. Agad akong tumakbo upang i-check kung okay lang ba ang lagay niya. “Okay ka lang?” tanong ko habang inaalalayan siya. Tinignan niya ako. Para akong nakaramdam ng mahinang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang hawakan ko siya. Para talaga kaming pinagtatagpo ng kapalaran.

“Tanga ka ba?! Tinamaan nga ng bola tapos itatanong mo kung nasaktan siya? Kung ikaw kaya ang hampasin ko ng bola sa ulo mag-enjoy ka kaya?!” pang-eepal nung isang lalaki’t tinanggal ang kamay kong nakahawak kay Gian.

“Sorry, ‘di ko naman sinasadya eh.” Katuwiran ko.

“Hinde, okay lang.” sagot naman ni Gian.

“Hindi okay yun Moy! Gagu kasi, ‘di nag-iingat!” muling sabad nung lalaking kasama niya.

Nag-init ang tenga ko sa tono niya. “Nag-sorry na ako ah. Tsaka bakit apektado ka?! Angas mo ah!”

“Talaga namang gago ka eh! Ano?!” sagot niya’t itinulak ako sa dibdib.

“Jayson, okay na nga ano ka ba?!” awat ni Gian, pakiramdam ko’y naiinis na siya.

“Hindi Moy eh, kailangang turuan ng leksyon ‘to.” Hindi bumitaw ng masamang tingin ang lalaki, wari’y naghahamon talaga.

Naangasan na talaga ako sa kanya kung kaya binangga ko ang dibdib niya. ‘Di na nga katangkaran, angtapang pa ng loko. “Ano bang gusto mo?! Papalag ka ba?!”

“Game, 1 on 1 tayo!” paghamon niya. Parang gagu talaga.

“Game!” pagtanggap ko sa hamon niya. Kinuha ko yung bola sa kasamahan ko’t ibinato ko ang bola sa kanya.

“Dito ka lang Moy, pakakainin ko ng alikabok ang bakulaw.” Dinig kong paalam niya kay Gian.

Nagpakitang gilas ako sa laro subalit may ibubuga din pala ang lalaking ito.

“Magaling ka, ba’t ‘di ka sumali sa’min?” tanong ko sa kanya.

“Ayoko, mas gusto kong sumayaw kesa maglaro eh.” Sagot naman nito.

“Sayang ang galing mo, pero mas magaling ako sa’yo.” Sagot ko naman. Kapwa na kami hinihingal sa mga sandaling yun. Sinubuhan kong i-steal ang bola subalit nakaiwas siya’t tumalon.

“Mukha mo!” sambit niya bago pinitik ang bola. Tumalon ako upang i-block yun subalit talagang pagod na ako, hindi ako umabot. Umikot-ikot pa ang bola sa ring bago tuluyang pumasok.

“Maliwat three points! Wooooooh!!!” sigaw ng kasama niya sa dance troupe.

Kahit papaano’y natuwa ako sa ipinakita niyang galing. Nakakahanga. Nilapitan ko siya’t nakipagkamay bilang pagtanggap ng pagkatalo. “Galing mo! Sigurado kang ayaw mong sumali sa team?”

“Okay na ako sa dance troupe. Pero pag-iisipan ko pare.” Sagot nito’t kinamayan din ako.

Nilapitan ko naman si Gian at kinamayan din siya. “Sorry ulit kanina ha?”

“Okay lang sabi yun, ‘di naman ako gaanong nasaktan.” Sagot naman niya’t inabot ang kamay ko. Muli kong naramdaman yung kuryente kanina. Malambot at mainit ang kamay niya, masarap hawakan. Hindi ko alam kung na-gets niya ang pangalawang sorry ko. Sasabihin ko sana ang dahilan ng pangalawang sorry pero umepal na naman yung lalaking kasama niya.

“Ahem! Tara meriyenda muna tayo Moy, napagod ako.” pag-aaya niya kay Gian at inakbayan ito. Tinignan niya ako sa maangas na paraan. “Meriyenda muna kami pare.”

Hindi na nila inantay ang sagot ko, tumalikod sila at umalis na. Ganun pa man, masaya ako dahil kay Gian. Nakalimutan ko na nga ang tungkol sa pendant ko. ‘Di bale, may ibang pagkakataon naman. Pag-iisipan ko muna kung anong idadahilan ko kung bakit nasa puno yung pendant ko nuong gabing iyon.

Kinabukasan, nakita ko ulit si Gian habang papasok ako ng school. “Uy nandito ka pala? Nasan yung kasama mo kahapon?” bati ko sa kanya.

“Ah si Jayson? Pumasok na.” sagot niya. Jayson pala ang pangalan ng maangas na yun. Napalingon ako sa babaeng katabi niya, dun ko lang napansin na si Diana pala yun. Nakatalikod siya kanina kaya hindi ko namukhaan.

“Ah ganun ba? Sige papasok na rin ako. See you around.” Pagpapaalam ko. Iniiwasan ko rin ang engkuwentro namin ni Diana, hindi ko rin kasi alam kung paano ko siya mapapataob. Magaling kasing magbaligtad ng sitwasyon ang babaeng yun. Kailangan talagang pagplanuhan ang mga hakbang ko laban sa kanya.

Bago tuluyang pumasok sa gate at muli ko silang nilingon. Duon ko naisip na maaaring si Gian ang makatulong sa akin sa kagustuhan kong makapaghiganti sa babaeng humiya sa akin. Kailangan ko siyang maka-close. Pero— Yun nga ba ang dahilan kung bakit ko siya gustong maka-close o may iba pa? Napangiti nalang ako sa naisip ko. Inaamin ko, may ibang dahilan pa nga. Pumasok na ako’t dumeretso sa klase ko sa umagang yun.

Isang araw, habang nakikipaglaro ako kina Shiro at Kuro sa labas, may nakita akong umakyat ng puno sa tapat ng bahay nina Diana sa kabilang kalsada. Nagtaka ako kung anong gagawin niya kung kaya sinulyap-sulyapan ko. Inaya ko ang mga bata malapit dun sa puno. Nakikilala ko yung lalaki, parang si Gian yun ah. Anong ginagawa niya dun?

Hinayaan kong maglaro ang kambal habang pinapanood ko si Gian. Natutuwa akong pagmasdan siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya, ang alam ko lang gusto ko na siyang makilala nung high school pa lang pero nahihiya ako. Bakit naman ako makikipagkilala ‘di ba? Baka kung ano pa ang isipin niya at ng ibang tao.

“Kuro, peram muna ng bola.” Sabi ko sa pamangkin ko. Binigay naman niya ito. May naisip kasi ako para mapansin ako ni Gian, babatuhin ko siya kunwari’y ‘di ko sinasadya.

Magpapapansin ako? Bakit?

Ewan ko, bahala na! Ibinato ko ang bola sa kanya. Tinamaan siya sa balikat. Nagulat ako nang makita kong mahuhulog siya. Mabuti nalang at nakakapit siya sa sangang tinutungtungan niya kanina.

Tumakbo ako palapit sa kanya. “Uy sorry! Sorry talaga!”

“Sorry sorry ka dyan, tulungan mo kaya ako?!” sigaw niya.

“Hahaha ba’t ka kasi nakasabit dyan?” tanong ko habang tumatawa. Nakakatawa kasi ang hitsura niya.

“Kanina hindi ako nakasabit, nagulat ako kaya ako nagkaganito! Tulungan mo na ‘ko nangangawit na’ko!” pakiusap niya. Para siyang koala na nakayakap sa sanga.

“Takaw aksidente ka ‘no? Pangatlo na ‘to.” Sambit ko habang inaalalayan ko siya. Napalingon ako kina Diana. Napansin kong bagong ligo lang ito base na rin sa basa nitong buhok.

“Pangatlo? Pangalawa pa lang ah!” sagot naman ni Gian. Muli akong napalingon sa kanya, natawa ako.

“Pangatlo na! Yung una nung nabangga mo ako sa daan, tapos yung pangalawa nung tinamaan ka ng basketball ball.” Biro ko sa kanya.

“Basketball ball talaga? Basketball na nga ball pa, paulit ulit unli? Ikaw pala yung nabangga ko nun?” Hindi pala niya talaga ‘ko nakilala nun.

“Ah hindi mo pala ako namukhaan nun? Hahaha… Ako nga yun. Sorry nasigawan kita nun, bad trip kasi ako sa mga oras na yun.” Paumanhin ko.

“Oo eh. Sorry din, di kasi ako nakatingin sa daan nun.”

“MVP pare.” Pagpapakilala ko’t inilahad ang kamay ko. Sa wakas ay nakapagpakilala na ako ng maayos. Sana ito na ang simula.

“Gian pare… Sabi nung captain nyo siya ang MVP ng varsity team ah.” hinawakan niya ang kamay ko. Muli, naramdaman ko ang mainit niyang palad na nagbibigay ng mahinang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Nakakatuwa.

“Hahaha! Si captain Martinez talaga ang MVP namin, ako nakiki-MVP lang kasi yun ang nickname ko. Marcus Villaruel Pineda dasi ang full name ko, MVP for short.” Paglilinaw ko.

 “Ahh… Bilib na sana ‘ko sa’yo, fake MVP ka naman pala.”

“Hahaha pwede din, malay mo this year ako na ang maging MVP ng team bukod sa pangalan ko.”

“Ewan ko nalang kung magiging MVP ka ng basketball, pero sigurado akong walang nagiging MVP sa patagalan ng hand shake.” Nahiya ako bigla. Matagal ko na palang hinahawakan ang kamay niya, nadala ako sa nararamdaman ko.

“Pasensya ka na ulit ha? Nakikipaglaro kasi ako ng touching ball sa mga pamangkin ko, napalakas ang paghagis ko.” Pagpapalusot ko. Alangan namang sabihin kong nagpapapansin ako ‘di ba?

“Okay lang yun, ‘di naman ako nasaktan. Nagulat lang talaga ako.”

“Eh anu bang ginagawa mo sa puno? Siguro…” ‘di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa pagsabad ng pamangkin kong si Kuro.

“Tito Makki! Nakita mo na po ba yung bola?”

“Ay oo nga pala. Sandali hahanapin ko lang…” sagot ko naman.

“Tito hayun po oh!” sigaw ni Shiro’t itinuro yung bola sa kalsada. Patakbo kong kinuha yun. Pagbalik ko’y inaya ko si Gian para magmeriyenda.

“Tara Gian sama ka muna sa’min para magmeriyenda.”

“Ay huwag na, nakakahiya naman sa inyo. Tsaka busog pa ‘ko.”

“Masama ang tumanggi sa grasya.” Sagot ko naman sabay akbay sa kanya upang hindi na makatanggi.

Isinama ko siya sa bahay at ipinakilala kay mommy. Natuwa naman si mommy nang malaman niyang siya yung ipinagmamalaki kong schoolmate ko na magaling sa photography. Inalok siya ni mommy na maging photographer sa birthday niya sa Linggo.

Naitanong ko sa kanya kung ano ang ginagawa niya sa puno kanina. May ideya na ako subalit ayaw niyang umamin. Naikwento ko sa kanya ang nakaraan ko with Diana. Dahil sa naikuwento ko’y sinabi na rin niya ang totoo. Nagkasundo kaming magsanib upang paghigantihan ang babaeng nanloko sa amin. ‘Twas like hitting two birds with a single stone, makakapaghiganti na ako, makaka-close ko pa siya. What more can I ask for?

Dumating ang araw ng Linggo. Tanghali pa lang ay pinapunta ko na si Gian sa bahay upang makapili ng damit na isusuot. Ipinakita ko sa kanya ang closet ko na puno ng coat.

“Wow! Gara ng mga gamit mo!” mangha niyang papuri.

“Hindi naman. Padala lang yan ni daddy para sa’kin. Hindi ko pa nga nasuot ang iba diyan dahil hindi ako mahilig sa mga sosyal na party. Pili ka nalang diyan ng kakasya sa’yo.”

“Ganun ba? Nakakatuwa.” Sabi niya’t kumuha ng isa. “Sukat ko.” Sabi niyang nakangiti, nanghihingi ng pahintulot.

“Okay.” Sagot ko naman. Umupo ako sa kama habang pinagmamasdan siya.

“Labas ka muna.”

“Bakit?” natawa kong tanong.

“Nahihiya ako eh.” Sagot niya na halata nga dahil sa pamumula ng mukha niya. Ang cute niyang pagmasdan.

“Huwag ka nang mahiya, meron din naman ako ng kung ano mang tinatago mo eh. Okay lang yan.”

Wala na siyang nagawa kundi ang magbihis. Nakakatawa pa dahil tumalikod ito’t pilit ikinubli ang kahubaran niya.

“Hmm… Subukan mo naman yung gray.” Sabi ko.

“Hindi ba bagay?”

“Okay lang siya pero tignan mo, medyo lampas sa balikat mo.” Sagot ko’t hinawakan ang damit sa balikat niya.

“Ahh ganun ba? Sige.” Hinubad niya yung suot niya’t isinukat nga yung itinuro ko.

“Yan, mas bagay.” Wika ko. Nakakatuwa kasi bumagay sa kanya yung coat. “Subukan mo nga ‘to.” Sabay abot ng neck tie.

“Hindi ako marunong.” Sagot niya.

Natawa ako. Kung sa bagay, hindi nga naman pala siya nagsosoot nun kaya siguro hindi pa niya natutunan magsoot ng tie. “Sige, tuturuan kita.” Sabi ko naman at inikot ko ang tie sa may leeg niya. May kapilyuhang pumasok sa isip ko sa mga sandaling yun. Bigla ko siyang niyakap. Hindi siya umimik. Dahil dun ay hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Ang sarap niyang yakapin. Mainit-init ang katawn niya na nagbibigay ng calm feeling sa kaibuturan ko.

“Part-time necktie ka pala?” bigla niyang tanong.

“Bakit?” naguluhan kong tanong.

“Feeling mo kasi neck tie ka, yumayakap sa leeg ko.” Sagot naman niya’t tumawa. Natawa na rin ako sa sinabi niya.

“Ganun talaga.” Sabi ko’t itinuloy ko na ang pagtali ng tie.

Nang bumaba kami sa sala, natawa ako dahil head-turner talaga si Gian. Lahat ng nasa party ay napalingon sa kanya. Akala pa ng ibang bisita ay magkapatid kami.

“Naku hindi po, kinuha lang po akong photographer ni Mrs. Pineda.” Ang lagi niyang sagot sa mga nagtatanong.

“Sana sinakyan mo nalang. Tignan mo si mommy tuwang tuwa din dahil sa naiisip ng mga bisita. Nalahian kami ng mestiso.” Pabirong bulong ko pa sa kanya. “Tara sa garden, masyadong maraming tao dito.” Pag-aya ko sa kanya.

“Eh may mga kukuhanan pa ‘ko eh.” Pagtanggi niya.

“Hayaan mo na si kuya Vampy dito, kaya na niya yan.” Sagot ko naman.

“Kuya Vampy?” tanong niya. Hindi siguro niya alam ang dating chat name ni kuya Hiro.

“Si Kuya Hiro yun. Teka diyan ka lang. ipagpapaalam kita.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na makasagot, tinungo ko agad ang kinaroroonan ni kuya Hiro. Buti nalang at pumayag naman si kuya Hiro, siya na daw ang bahala.

Binalikan ko si Gian at inakay siya sa garden. Umupo kami sa mga silya sa gazebo namin sa tabi ng pool.

“Nakita mo ba ang reaksiyon ng mga bisita ni mommy? Humahanga sila sa’yo.” Wika ko.

“Hindi naman.”

“Totoo kaya! Sino bang hindi hahanga sa’yo? Sino bang hindi mapapalingon sa maganda mong mata? You’re one interesting person Gian.” Ewan ko kung nakuha niya ang ibig kong sabihin.

“Weh? So interesado ka sa’kin?” tawa-tawa niyang tugon.

“What if the answer is yes? What will you do?” nanunubok kong tanong. Nais ko rin namang malaman kung sakali ngang sagutin ko nang seryoso ang tanong niya.

“Loko! Tara na nga, kumain muna tayo. Gutom lang yan.” Ang isinagot niya’t bumalik na siya sa loob. Natatawa akong sumunod nalang sa kanya.

Habang kumukuha ako ng pagkain, bigla akong kinalabit ni kuya Hiro. “Ano na ang status nyo?” maloko niyang tanong.

“Anong status ang sinasabi mo kuya? Hindi ko getz.”

“It takes one to know one Makki. Alam kong may gusto ka sa trainee ko, halata ko yun.” Sagot niya.

“Ano ako, bakla? Kuya talaga.” Tawa-tawa kong sagot.

“Sus! Bahala ka nga kung ayaw mong umamin. Naiintindihan ko naman dahil ganyan din kami ni Jethro dati.” Makahulugang sambit niya.

Nagitla ako sa narinig. “You mean…”

“Hahaha hindi mo alam? Akala ko alam mo.” Sagot naman niya’t tinalikuran ako na hindi malinaw ang kaniyang sagot.

Napa-isip ako bigla. Oo interesado ako kay Gian pero… In love nga ba talaga ako sa kanya?

“Anong pinag-usapan nyo ni sir Hiro?” tanong ni Gian na humila sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

“W-wala. Tara dun tayo.” Pag-iwas ko sa paksa.

Bawat araw na nagdaraan ay lalung lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong masyadong mabilis, hindi ko inasahan ito, subalit mukhang tama nga si kuya Hiro… I think I’m in love with Gian.

Madalas kaming magkasama, nagpa-plano kung paano namin isasagawa ang binabalak naming ‘scandal’ ni Diana. Naka-ilang attempt kami sa plano namin laban kay Diana subalit laging nabubulilyaso. Dahil nga malas kami, laging umiinom si Gian upang maibsan ang inis niya. Natuto pa akong uminom nang dahil sa kanya. Ayoko namang matawag na Kill Joy kung kaya sinasamahan ko siyang uminom sa bahay nila. Duon niya ako pimapatulog dahil medyo may kalayuan ang bahay namin sa kanila.

Isang gabi, habang nag-iinuman kami, “Gian talaga bang gusto mo pang ituloy ang paghihiganti?” ang naitanong ko.

“Bakit mo naitanong yan?”

“Kasi…” hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin. Parang ayaw ko nang ituloy ang paghihiganti. Nais kong maghiganti dati dahil sa nasaktan ako sa ginawa ni Diana. Pero parang natabunan ng nararamdaman ko para kay Gian ang hatred na yun. Parang na-extinguish na ang alab ng pagnanais kong makaganti. Natatakot naman akong ipahayag sa kanya ang nararamdaman ko dahil baka layuan niya ako. Wala kasi akong makitang sign na pumapatol siya sa kapwa lalaki.

“Kasi?” balik-tanong niya sa’kin.

“Wala, kalimutan mo na.” sagot ko dahil pinangunahan ako ng takot at hiya. Pinilit ko nalang ibahin ang uasapan. “So anong next plan mo Gian?”

“Ewan ko… ‘Di ako makaisip ng matinong plano.”

“Ewan ko ba sa’yo, lagi nalang palpak ang mga plano mo.” Sagot ko naman subalit ang totoo’y may tuwa sa puso ko sa pagpalpak ng mga plano namin. Una na doon ang matagal na pagsasama namin, pagpaplano. Pangalawa ay ayokong mabuhay siya sa paghihiganti. Uunti-untiin ko siyang kukumbinsihin na kalimutan na ang galit. Ang nararamdaman kong espesyal para sa kanya ang gagamitin ko upang maibaon na niya sa limot ang galit.

“’Di naman papalpak ang mga yun kung hindi ka pumaplak sa pag-execute eh. Tulad nung plano nating kunan ang pag-sesex nila, maling kuwarto ang ibinigay mo sa’kin!”

“Aba malay ko bang lilipat sila ng kuwarto nun? ‘Di ko kasalanan yun!”

“’Di daw kasalanan. Kung nakunan lang natin yun isang upload lang sa internet sira ang reputasyon nila. Sigaradong kick out sila sa university! Ikaw ang palpak, hindi ako!”

“Oh sige sige, kasalanan ko na, matigil ka lang. So anu nga ang next plan?” tanong ko’t iniabot sa kanya ang baso ng alak. “Nangangawit ako, kunin mo na.” reklamo ko nang ilang segundo siyang natulala, nakatitig lang siya sa baso.

“May naisip na ’ko.” Sagot niya’t tumawa nang tumawa bago uminom.

“Sige… Ikwento mo.” Sagot ko.

Biglang may kumatok sa pinto na ikinagulat ko. “Ji-ji! Ji-ji may bisita ka!” sigaw ng nanay ni Gian.

“Sandali lang MVP, diyan ka lang.” tumayo si Gian upang buksan ang pinto. Narinig kong tinanong ng nanay niya kung umiinom na naman kami. Nahiya ako. Baka isipin nilang masamang impluwensya ako kay Gian gayung si Gian naman ang laging nag-aaya ng inuman. Matapos ng maikling pag-uusap nila ng nanay niya’y binalikan na niya ako.

“MVP dito ka lang muna ha? May titignan lang ako sa baba.” Paalam niya’t sinagot ko naman ng isang tango.

Naisipan kong bumaba upang kumuha ng yelo, masama kasi sa panlasa ko ang alak kapag hindi malamig na malamig. Pagbaba ko ng hagdan, tangan tangan ang bowl, narinig kong parang may kausap si Gian. Minabuti kong magtago sa likod ng pinto upang umusisa.

“Sino ka?” boses ni Gian.

“Moy ayoko na ng mga ginagawa mo. Mag-usap tayo.” Sagot ng kausap niya. Pamilyar ang boses… Parang boses nung Jayson na kasama niya lagi nuon.




Itutuloy...

40 comments:

Anonymous said...

Ohmygash!!!!

Next please.. :)


May sakit ako. Hindi muna ako magcomment ng uber haba. :)

-cnjsaa15-

Anonymous said...

Ayan na, nag-meet na lahat ng points of view! Baka naman bukas pati point of view ni Diana ha! Hahahaha joke lang. Minsan lang ako makacomment author. Thank you nga pala sa everyday update!

Chris said...

tama! lahat kmi gusto mamatay sya. pede b pong mngyar un? gusto ko mahihirapan sya tulad ng pagpapahirap nya sa ibang tao. BWAHAHAHA!! SALAMAT KUYA SA UPDATE! SOBRAG GANDA PA RN PO :) BUKAS ULIT!

Master_lee#027 said...

Hmmm yesssss!!! Sana si mvp at gian nalang ang magkatuluyan eh ,mas gusto ko sila kesa dun kay jayson eh

Anonymous said...

next na pls. Wala masyado thrill yung last 3 chapters, tig-iisang POV kasi si makki, gian, at jayson, replay ba, re-telling naiba lang sa ibang part. Lahat kasi natapos sa part na nasa may labas ng house nila gian ang kalbong si jayson.

Pero ok naman yung story, nakuha nya yung atensyon ko, mejo mabagal lang yung flow ng story. But overall, okay sya. :)

--ANDY

Anonymous said...

ahm pwd b mgkarun to ng series?ung book 2 nya e ung story naman ni MVP. Mas ok kc ang magbasa ng mga gan2ng kwento kung puro series xa. Wel, bkt naman panggulo pa c mvp, ahaha.. Every other day ba ang pagpopost mu ng mga chapter? Hnd b pwd minsanan? Ahaha goodjob

marky
bluenight2922

Lawfer said...

okay lang po... pagaling ka :)

Lawfer said...

walang anu man po... salamat dn sa pagbasa :)

Lawfer said...

well auq muna sagutin yan hahaha
opo, bukas po ulit... salamat :)

Lawfer said...

ahh bkit po, anu pong ayaw m ky jayson?

Lawfer said...

well kung wla pong POV cna jayson at mvp maintindihan nyo kya ung mga butas sa isinalaysay ni gian?

mbagal po ba? hayaan m po patapos na dn nman to eh... salamat po sa pagpuna :)

Lawfer said...

actualy po 2nd book na po to ng reverie at may inumpisahan na akong 3rd na ky MVP nga po pero pinull out ko muna... gs2 q kc mging solid dn un tulad neto, lalu na iba ung style nun... ung unang book kc d gaanong nkakuha ng pansin.

about sa posting... everyday nman po posting eh, kulang pa po ba un? o.o

Anonymous said...

ahmm uu, ahaha mejo bitin kc ako. Nyahahaha.. Sa 22ong buhai meron bng gan2 ang love story? Parang wala.

Marky

russ said...

very interesting na ang kwento..swakto sa panlasa namin

Anonymous said...

Akala ko pa naman mguusap n un mgbf wla pa pla.

Lawfer said...

karaniwan na ang best friends na nagkakagustuhan
karaniwan din ang mga napipikot ng babae
karaniwan din ang love triangle
higit sa lahat naglipana ang m2m relationship
wla aqng mkitang kakaiba sa kwento sir o.o

Lawfer said...

salamat russ :)

Lawfer said...

patapos na po ang kwento kung kaya tinatapalan ko na lahat ng butas, sinasagot ang mga natitirang tanong... kung tatapusin ko po ito na maraming nkabin bin na tanong, masasatisfy po kaya ang nagbabasa? :)

Anonymous said...

agree ako kay Master Lee. Ewan ko lang, pero ayoko din kay Jayson. Haha! mas gusto ko din si MVP.

Parang tanda ko yung Reverie. Sino yung mga bida dun?

--ANDY

Lawfer said...

lol gs2 q dn c MVP eh...ung MVP in real life hahaha
reverie po ang bida si Hiroki/Bayani, Hiro for short

DownDLine said...

MVP-GCB! 4 the win...whooo next chp na... ahm pwde magrequest..pede bang mamatay si diana dito gusto ko morbid if ever! ahaha

Lawfer said...

lol patayin tlaga c diana? xD tgnan po ntin kung maisisingit yan hehe

--makki-- said...

padaan! padaan lng! LOL

Lawfer said...

arekup!
binangga m naman aq weh x.x

Anonymous said...

Excited na ko sa next part :-) ok na rin to para malinaw ang lahat. At least mas nakilala natin si mvp

Coffee Prince said...

nice kuya .. bilis ng update aa ..
excited much na ko sa mga mangyayari ..

what will be Gian's reaction seeing Jayson in front of him and on that appearance?

abangan .. :)

--makki-- said...

di ka ksi tumitingin sa daan eh.. LOL

Gerald said...

Next pls.

Lawfer said...

salamat po at naintindihan m :)

Lawfer said...

MVP-Gian banggaan scene lang? :P

Lawfer said...

mamayang gabi malalaman na ang sagot dyan :))
salamat sa walang sawa mong komento heheh

Lawfer said...

mamayang gabi na po ang kasunod :)

--makki-- said...

si MVP ang pison! LOL

Jm_virgin2009 said...

Very nice story Mr. Author, klarong-klaro ang mga detalye ng bawat chapter.. i love so much poooooo



bakit parang c MR. MVP ang makakatuluyan ni GIAN, wag nman po sana MR. AUTHOR., nd ko gus2 xia gus2 para kay MR. GIAN,


jAYSON at GIAN pa rin ako, sila pa rin ang love team, hahahahaha..


jAYSON + GIAN = JAYSIAN.. MAKA GAWA LNG parang ako ung author... <3 jejejejeje



MR. AUTHOR SANA GAWAN MO PO NA IYAKAN PORTION ANG SUSUNOD NA CHAPTER, GUS2 KO PO UMIIYAK EH, KATULAD NG REVERIE, jejejejejeje,


NEXT NA PO AGAD.. <3

Lawfer said...

hala alam m na pla ung reverie :o
salamat sa pagtangkilik mo :)

Lawfer said...

ahh bsta c mvp, kahit tangke pa xang sumasabog mgpapabangga aq :)

DownDLine said...

oo patayin talaga!!! ahaha

haayyy0016 said...

hi poh kpwap ! ganda poh ng story moh !! ano poh un moh s pwap ??




hayy016

Lawfer said...

dragonorb po un q sa pwap sir :)

ChuChi said...

saan ka sa valenzuela coffee prince?

Post a Comment