Tuesday, April 10, 2012

Part Of Me Chapter 01



by: Apollo22


Another new story to look forward to written by Apollo22. Sana ay magustohan niyo ang kwentong gawa niya at sana huwag niyo ring kalimutang magiwan ng komento para mas lalong ganahan ang ating mga authors.


Enjoy reading guys and keep the damn comments coming! AHAHAHA





Start palang ng klase nang 4th year ay talaga namang excited na excited akong makita ang mga kaibigan ko sa pag-asang classmate ko pa ang mga ito, ngunit sa kasamaang palad ni isa sa kanila ay hindi ko classmate, nalipat kasi sila sa ibang section at ang iba ay nag transfer na.


Lungkot na lungkot ako kasi bagong pakikisama na naman ang gagawin natin since bago ang mga kaklase kailangan maging maayos ang pakikitungo ko sa kanila, pero sabi ng mga kaibigan ko ako raw ang pinaka mahirap lapitan sa lahat kasi ang akala nila suplado raw ako at mukhang kakain ng tao pag pinansin mo.


Sabagay ganun talaga ang personality ko ang sabi ng classmate ko ng 3rd year nung una nya akong makita eh crush niya na ako kasi ang gwapo gwapo ko raw, ang cute daw ng dimples ko at ang chinito kong mata para daw akong artista na naligaw lang sa eskwela nila, diniscribe nya ako na maputi maganda ang pangangatawan at matangos ang ilong at ang pinaka na attract daw sya sakin ay sa high ko pero hindi ko na pinansin yun at nag paka humble nalang.


Sa totoo lang hindi naman ako matalino masipag lang, pinag hihirapan ko ang bawat score ko sa mga quiz at exam lalo pa’t hindi ako matandain sa mga bagay bagay kaya kailangan kung mag laan ng oras sa pag aaral at syempre dahil doon ay impress sakin ang mga girls at todo kilig pa tuwing dadaan ako, pero parang wala lang sakin ewan ko ba kung bakit.


Habang nag mamasid ako sa kapaligiran at bago kung mga kamag aral ay nakita kong classmate ko pala ang mga sikat na tao sa eskwela gaya ni…..


Anny na kilala sa mga In na looks nito kasi pag nanuod ka ng palabas sa America Hollywood kung baga asahan mo kinabukas kung ano ang suot nila doon, yun din ang suot nya pag pasok.


Isang pa si Gary isang player ng basketball at isang magaling swimmer marami rin ang nahuhumaling sa kanya dahil sa taglay na kagwapuha at kakisigan


Si Nina yang simpleng babae na mukhang nabuhay sa katauhan nya si Maria Clara ubod ng talino yung tipong kahit di mag review ay makaka kuha ng mataas na iskor.


Paktay mukang wala nakong pag asang maging first sa klase. Sabi ko sa sarili ko pero ok lang alam ko naman na deserve nya yun eh.


Si Mimi na alam ang lahat ng nangyayari sa loob ng buong campus ng St. Mark University di to sa Pampanga.


At ang pinaka sa lahat ng pinaka mayayabang, chickboy at badboy ay si Sedrick na kamalas malasan naging classmate ko ngayong school year sa mukha nya na makisig, gwapo at mukhang opo lang ng opo ay nagkatago ang isang BADBOY na pagkatao ang huling binugbug nya ay nasa hospital pa hanggang ngayon.


Yan ang  mga naririnig kong chismisan dati at ang iba ay na papatunayan ko naman sa pag mamasid lang at dahil dyan isang malalim na buntong hininga lang ang naging reaksyon ko sa kanila sabay bulong


“Prince Jade mukhang magiging mahaba at magulo ang 4th year mo”


Mukhang hindi ko napansin na sa pagiisip ko ay uwian na pala at wala naman kaming masyadong ginawa ngayon kung hindi paulit ulit na mag pakilala sa harapan na halos mamemorize ko na ang bawat pangalan ng mga classmate ko kaya naman nag handa na ako para sa uwian.


Malamig ang panahon noon kasi umuulan ng sobrang malakas, e wala pa naman akong dalang payong ka ginamit ko nalang yung folder ko pang sangga sa ulan ng maka limang hakbang patakbo nako ay naalala ko tung tumbler ko naiwan ko sa ilalim ng upuan kaya naman bumalik rin ako patakbo pero, pag talikod ko may tao pala sa likod ko nagkabungguan kami ng sobrang lakas, sa sobrang lakas ay napaupo pa ako sa may putikan.


“ARAY!” sabay namin nasabi, ng makita ko na si Sedrick pala yung naka banggaan ko.


Nako! Lagot, patay ako nito sa lahat ng mabubunggo ko si Sedrick pa sabi ko sa sarili ko.


Kaya agad agad akong tumayo, “Ok ka lang Sedrick? Nasaktan ka ba? Sorry ahh hindi ko sinasadya?” ang sabi ko na may pag aalala na baka bigla na lang ako nitong sapakin.


“Hahaha talagang ikaw pa ang nangungumusta sa lagay mong yan” nangiinis na sabi nya, “Bata sa susunod kung babalik ka tignan mo muna kung may tao sa likod mo at wag kang basta basta babalik” dagdag pa nya.


Sa sobrang taranta……


“Opo” ang sabi ko nalang at dalidaling bumalik sa classroom upang balikan ang naiwan kung tumbler ng makita ko ang sarili ko sa salamin ng aming kwarto na para akong basang sisiw na nilalamig at naisip ko na oo nga sa itsura ko ngayon ako pang may ganang mangumusta sa mayabang na yun.


Sabay lumapit si Mimi “oh may panyo ako dito mag punas kanga kawawa ka naman, takot na takot ka pa kay Sedrick kanina” sabi nya na naka ngisi pa.


Shitt!!! Pano nya nalaman yun???!  Sabi ko sa sarili ko


“Halata ka kasi hahaha, sige mauna nako” dagdag pa nya pero ngiti lang ang sagot ko sa kanya.


Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o maiinis sa sinabi ni Mimi, kalalaki kong tao ehh wala pang ginagawa sa akin si Sedrick ay tumiklop na agad ako.
Naiinis ako sa mga panahong iyon hanggang sa pag uwi ko nakaligo nako’t lahat lahat iniisip ko parin ang nakakahiyang ginawa ko, naisip ko tuloy na parang syang hari sa palasyo at alila ako na hindi sinasadyang matamaan ko ang mahal na hari.


Nakakinis talaga!! Ang sabi ko sa isip ko habang nakahiga sa kama at nag takip ng unan sa ulo.


Nang biglang may kumatok sa pituan ng kwarto ko.
“Anak andyan ka ba?” boses ni mama ko.


“Opo ma, pasok ma” ang sagot ko sa kanya.


“O anak kumusta ang first day sa school? Ok ba nakahanap ka ba ng bagong kaibigan?” tanong agad ni Mama.


“Ma ok lang po, wala pa akong masyadong kakilala kasi first day pa lang naman eh” sagot ko sa kanya ng nakangiti.


“Ahh ganun ba anak basta maging mabait ka lang anak ahh at ‘wag kang papasok sa gulo” payo ni Mama habang hinihimas ang buhok ko na parang bata.


“Mmm si Mama naman ginawa akong bata ang tanda kuna 17 nako pero parang bata parin ako sa paningin mo noh.” Nagsisimangot-simangot kung sabi sa kanya.


“Nako nakakatuwa naman ‘tong anak ko matandan na raw oh, pero sige na nga isa ng gentleman ang anak ko kaya tatratuhin na kitang isang true grown up man” ang pang iinis ni Mama.


“Oo na Mama, matutulog na ako dahil pagod na pagod ako galing school” ang sabi ko.


“Sige na anak matulog ka na” sabay patay ni Mama sa ilaw ng kwarto at umalis.


Natutuwa ako na kahit sa sobrang busy ni Mama ay hindi nya pa rin nakalimutang kumustahin ang pag aaral ko, kaya para sa akin sya ang the best mom para sakin ganun din naman sa Dad ko kaso mamaya pa ang uwi nun galing work, at sa pag iisip ko ay unti unti na ako ng inantok at nakatulog.


Kinabukasan mga 7 palang gising na ako dahil ayokong mahuli sa pag pasok sa school mahirap na baka maka tatlo akong late at equivalent ‘yun sa 1 absent.


Pagbaba ko sa bahay ay nakita ko agad ang isa naming helper na nagluluto ng kakainin ko para sa almusal at lunch ko sa school.


“Hi manang Good morning! Anong ulam?”  Masigla kong bati kay manang.


“Good morning din Prince eto para sa almusal ham at sa lunch mo kare kare” Pag mamalaki ni Manang Judith.


“Wow naman mukhang masarap talaga yan! Eh si Mama tulog pa?” Tanong ko agad kay Manang.


“Nako hindi kanina pang 5am umalis binilinan nga akong pagluto ka” sagot ni Manang.


“Ay ganun po ba? Sige kain na po tayo” Halatang disappointed kasi hindi na naman nakasabay si Mama.


After ng 30 mins ay umakyat uli ako para mag ready for school naligo, nagbihis nag ayos at iba pa mga 1 hour at pag baba ko nakita ko si Manang.


“Gwapo talaga ng alaga ko” proud nyang sabi.


“Talaga po manang? Salamat!” ang sagot ko naman at akamang umalis ng bahay.


Tutal malapit lang naman ang school ko sa subdivision namin ay nilakad ko na lang exercise narin sakin ‘to.


Pag dating ko sa school ay agad akong naupo at nanahimik kasi kasunod ko na yung teacher kong si Ms. Alexandra Capungay.


“Ok class the faculty members have a meeting today so hindi ko muna kayo ma mimeet ngayon si Mimi na muna ang mag tatake charge sainyo sana makinig kayo sakanya ok mag iiwan ako ng activity and don’t  worry about lang to on how you present your self base sa isusulat nyo sa 1 whole sheet of paper, ok Mimi dito ka sa harap at bawalan mo ang mga maiingay, good day class”


“GOOD DAY MA’AM” sabi ng lahat.


Nako ang saya saya ng iba wala si Ma’am lalo na kaming mga boys pero kahit ganun pala ay ginawa namin yung pinapagawa ni Ma’am ng tahimik, after siguro ng 15mins ng katahimikan ay may biglang dalawang babaing 3rd year na pumasok sa room namin at guess what kung ano ang ginawa,


Dumeretso sila sa kinaroroonan ni Sedrick nagulat kaming lahat ng samapalin sya ng dalawang ‘yun.


PAK!! PAK!! Kami ang napa aray sa sakit ng ginawa ng dalawa tapos lumabas lang sila na parang walang nangyari.


Biglang sabi ng kabarkada ni Serdrick na bumasag sa katahimikan “ang babaero mo kasi sira ulo!”


Nagtawanan ang lahat maski na ako todo tawa pa, talaga namang bagay sa mga katulad nya ang masampal ng ganoon kalakas para mag tanda! At parang nakaganti narin ako sa ginawa nyang pang iinsulto sakin kahapon kaya ang lakas lakas ng tawa ko eh at hindi ko namalayan sa sobrang lakas at haba ng tawa ko ay nakatingin na pala lahat sakin lalo na si Sedrick na hindi maipinta ang mukha.


SHIT!! Sabi ko sa sarili ko at umikot ang mata ko sa mga classmate ko.


Hindi ko alam ang gagawin, parang gusto kong mag laho sa kinauupuan ko nakakahiya ang ganawa ko, kaya nag palusot na nasamid lang at uminom ng tubig sa dala kung tumbler pero halata naman na palusot yon.


Tumayo si Sedrick sabay sa pag tayo nya ang pag tadyak sa upuan kung saan nakapatong ang paa niya at lumabas na nakatingin sakin.


Patay!! Patay!! Patay!! ako nito as in literal akong mamamatay pag binugbog nako ni Sedrick! Ang takot kong pangungusap sa sarili.


Recess naming at lumabas ako pero bago lumabas ay tumingin muna sa paligid at baka nakaabang na si Sedrick ng makitang wala na sya ay mabilis akong nag tungo sa banyo para umihi kasi wala talaga akong balak na lumabas at magpabugbog kay Sedrick


After kong umihi ay nag hugas ako ng kamay sa may bowl sa harap ng salamin.


“Ahhh!! Nakakainis ka talaga Prince bakit ka pa kasi tumawa ng ganun kalakas? Ahh?? Bakit bakit ?? hindi mo ba alam na ang buhay mo ang kapalit sa pag tawa mo ng malakas kanina?? Hindi kana natakot kay Sedrick at tinodo mo pa ang tawa mo, ngayon dahil dyan humanda ka bugbug sarado ka kay Sedrick” ang sabi ko sa harap ng salamin.


At nanlaki ng sobra ang mga mata ko at para na talaga akong bibitayin dahil….





Itutuloy:

15 comments:

Chris said...

hahaha!! pumasok si Sedrick sa CR! hahaha!! nice one! can't wait sa nxt update!

foxriver said...

promising story i like the charater names, Prince and Sedrick. Another story to follow.

Anonymous said...

gooood story :]
nice start... sana maipost na ung update
hahaha [atat talaga eh]
-jmy

Lawfer said...

ceddie! lolz

Gerald said...

Good start. Nakakaaliw si Prince. Bagets na bagets ang dating. Next na po.

Coffee Prince said...

ahahaha ..
NICE START! .. XD

actually .. blessing in disguise nga yung pagkakarinig ni Sedrick sayo ee .. ahahaha!

Thanks kuya Polo ~

Anonymous said...

yun oh sobrang nkarelate nman ako dito. aabangan ko toh plagi. slamat author.

#kyle
@clark angeles

--makki-- said...

ayos to ah! astig!

Anonymous said...

salamat :)

Mr. Brickwall said...

Ang gulo! medyo magulo yung sequence ng pangyayari at pag-uusap. di po ako expert, di rin aq critic, ngbibigay opinyon lang po. :)

nice intro.

Anonymous said...

salamat po mga kuya.. =D apollo po at your service po.. ahaha

Master_lee#027 said...

Hmm kapampangan kapala author? Ehe nice:):) keep more updates coming :):)

roman ( roohmen ) said...

Nice pilot po.. Keep on writing po mr author

Anonymous said...

Kapatad, paki bilis ing update. Masanting ya ing intro sana tuloy2 ne.

Anonymous said...

hehe.. na update kuna wait nyo nalang.. hindi kasi ako ung nag popost...

APOLLO22

Post a Comment