Monday, April 23, 2012

Against All Odds 01

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


___________________________
Against All Odds
by: Migs


Bumagsak sa kama ang lalaking aking pinagserbisyuhan, humihingal parin ito sa aking ginawang pagpapasarap sa kaniya. May ibang ngiti na tumatak sa kaniyang mukha. Alam ko ang ngiti na iyon, ngiti iyon ng isang customer na nasiyahan. Bahagya itong umayos sa pagkakahiga at inabot ang isang bagay sa side table. Singsing. Singsing pangkasal ang inabot nito, nang maabot na ito ay saka niya sinuot sa kaniyang palasingsingan. Napangisi na lang ako sa napansin kong iyon.



Marahan kong inalis ang goma na sinasabing pumuprotekta sa mga katulad naming pumapasok sa ganitong kalakaran. Hubo't hubad parin akong naglakad papunta sa banyo, di na ako nagabala pang saran ang pinto nito. Wala ng mawawala sakin, kahit pa makita niya ang lahat sakin.



Sumulyap ako sa lalaking kanina lang ay kaniig ko na ngayon ay nakahiga sa kama at may tinetext. Humarap ako sa salamin at tinignan ko ulit ang sarili kong repleksyon. Biente siete anyos na ako, matangkad at may kagandahan ang katawan, maputi at masasabi rin na may itsura ako na siya namang naging sandata ko sa mga ganitong kalakaran.


Hustler, Escort, Callboy, Lalaking pokpok, makasalanan at madumi. Yan ang mga madalas na tawag sa akin. Pera, yan ang aking dahilan tulad ng dahilan ng maraming lalaking pumapasok sa ganitong tarbaho. Tulad din ng mga katulad kong lalaki na mababa ang lipad, nangarap din akong makawala sa ganitong uri ng trabaho.



Ilang buwan na lang tapos na ako sa aking residency at pagkatapos ng qualifying exams para maging ganap na Internist, makakawala narin ako sa madumi at mabahong mundo na ito. Agad kong binawi ang aking tingin sa salamin at nagsimula ng humakbang papuntang shower, isinara ko ang transparent na pinto nito at sinimulan ng padaluyin ang pinaghalong malamig at maligamgam na tubig sa aking balat.




Agad kong kinuwa ang sabon at sinimulan nang kuskusin ang aking sarili. Nagbabakasakaling matanggal ang dumi at pakiramdam ng pagkakababoy sa aking pagkatao. Nagbabakasakaling maibabalik ang nawalang dignidad.




Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata habang patuloy parin sa pagkuskos. Lahat ng parte ng aking katawan, pinadampian ko na ng sabon pero alam ko wala nang magbabago sa nararamdaman kong pagkababoy ng aking pagkatao. Anim na taong pagkababoy, di na ako umaasa pang mabura iyon sa aking pagkatao.



Nagiwan na ako ng pera sa may lamesa at nabayaran ko nadin itong kwarto.” sabi ng matabang lalaki sa akin, hinarap ko ito.




Ayaw mong magsecond round?” tanong ko dito.



Hindi na bago sakin ang mga ganitong customer, mga pamilyadong lalaki na may tinatagong lihim na pagkatao. Mga matatandang nagsasawa paminsan minsan sa kanilang piniling buhay. Mga lalaking tinulak ng komunidad na puno ng mga taong may makikitid na utak na gumawa ng buhay na hindi nila gusto. At dahil sa hindi narin naman bago sakin ang mga ganito ay kabisado ko na ang kanilang gusto. Gusto nila ng panandaliang pagmamahal mula sa kapwa lalaki, ang haplos na hindi maibibigay ng kanilang mga asawa.




Second round? Third round? Minsan hanggang fourth round papayag ang mga yan, maramdaman lang nila ang pagmamamahal sa mga lalaking tulad ko na kanila lamang na pinangarap makasama. Tutal wala narin namang magbabago sa aking lugmok na lugmok ng pagkatao at sa tingin ko naman ay wala ng mawawala pa sakin ay lulubuslubusin ko na lang itong pagkakakitaan ko.




Magkano dagdag?” tanong nito. Ngumisi ulit ako nang mapansing hinuhubad niya ulit ang wedding ring niya.




000ooo000




Tinanguan lang ako ng lalaki sa reception area, marahil ay alam niya na tiba tiba ako ngayong gabi kaya't kung makangiti ito sakin ay inam na. Tinanguan ko lang din ito sabay abot ng tip.




Next time ulit ah.” bulong ko dito, tumango lang ito.



Pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto ng hotel na iyon ay agad kong inilabas ang isang kaha ng sigarilyo sa aking bulsa sabay sindi. Pumara ako ng isang taxi. Ibinaba ng driver ang bintana sa may passenger seat saka tinanong kung saan ako.




Ortigas.” sabi ko. Tumango lang ang driver bilang pagsangayon. Agad kong tinapon ang aking kasisindi lang na sigarilyo.




Habang binabagtas ng taxi ang daan papuntang Ortigas di ko mapigilang mapansin ang mga nagkalat na tao sa may bangkenta sa kahabaan ng EDSA. Babae, lalaki bakla at tomboy, matanda o bata nagkalat doon.



Tinignan ko ang aking relos, magaalas dose na ng madaling araw pero marami paring tao, pero di na ako nagtataka. Ayon sa survey mas maraming tao ang naghihirap ngayon, mas marami ang di nakakapagaral at mas marami ang walang trabaho.



Alam ko kung bakit nandun parin ang mga taong yun sa kabila ng malalim na ang gabi. Nandun sila para maghanap buhay. Sabi nga nila...



Takes one to know one.” bulong ko sa sarili ko.



Napatingin ako sa rearview mirror ng taxi at napansing nasulyap sulyap sakin ang driver. Marahil nakikilala ako nito, marahil ay nasakyan ko na ang taxi nito noon na may kasamang customer. Alam ko kasi ang tingin na iyon. Nangingilatis, nangingilala.



Manong may problema ba tayo?” tanong ko dito ng hindi ko na matiis ang kaniyang tingin.




Sir, artista ba kayo?” nahihiyang tanong nito. Napangiti lang ako.




000ooo000



San ka galing?! Kanina pa kita tinawagan ah?!” bulyaw sakin ng isang lalaki.




Si Jase manager ko, isa siyang former model, maganda rin ang katawan nito at may itsura din, isa siya sa most sought after model nung kasikatan niya pero dahil wala masyadong kita ay napagpasyahan niyang mag manage na lang ng mga kagaya ko at ipagpalit ang kasikatan na iyon.




Dapat alam mo kung san ako galing. Ikaw tong nagbook sakin diba?” malamig kong sagot.




Lumapit ito sa pinto at isinara iyon sunod ay lumapit ito sa aking kinatatayuan. Akala ko ay ilalapat nito ang kaniyang labi sa aking mga labi, sinubukan kong abutin iyon pero iniwas niya lang ito. Napahiya nanaman ako.



Di ka nga pala humahalik sakin pagkatapos ng booking. Heck, ni di ka na nga pala humahalik sakin, nagbooking man o hindi.” malungkot kong sabi dito. Iniwas ko na ang aking tingin pero hinawakan niya ang aking baba at pinaharap ulit ako sa kaniya. Hindi pagtangis at pagkasabik ang nakikita ko sa kaniya na karaniwang nakikita sa mga magboyfriend matapos magkahiwalay ng buong araw. Ang tangi kong nakikita sa kaniya ay ang tingin na para bang iniinspeksyon ako, kinikilatis.



Si Jase, hindi lang siya manager sakin, siya rin ang aking boyfriend. Siya ang nagpakilala sakin sa mga top designers at nag introduce sakin sa mundo ng modeling at siya rin ang nag promote sakin mula sa isang pipityuging pokpok papunta sa isang high class hustler na kinalalagyan ko ngayon.




I'm more of an asset, a property than a lover.” bulong ko sa sarili ko. Yan ang nararamdaman ko sa aming relasyon na iyon ni Jase. Hindi bilang boyfriend kundi bilang pinagkakakitaan ang role ko sa buhay niya.



Pumunta ka na sa backstage at magpa makeup ka na. Show starts in an hour.” sabi nito sakin. Sanay na ako sa ganitong klase ng treatment mula sa kaniya.


Nagkakagulo na sa likod ng stage, andun na ang mga designers and junior designers na pinagmamadali na ang mga models na magsuot ng kanilang mga nilikhang designs. Nagsisimula naring magtakbuhan ang mga event coordinators na may suot suot na headphones with mic na halatang nakikipagusap sa iba pang mga event coordinators sa iba pang lugar. Nagsisimula ng magpanic ang mga make up artist sa pagtatago ng mga blemishes and minor imperfections ng mga model.




Aaron? Ito ang isusuot mo.” sabi ng isang junior designer sakin sabay wagayway ng isang skimpy brief, tinignan ko ito at napailing na lang.




Di ako makapagreklamo. Ito ang isa sa “No” sa listahan ng mga rules ng nagsisimulang model. “You don't say no.” ayon kay Jase, yun ay para sa mga batikan lang na mga model. Agad kong hinubad ang aking suot na t-shirt at pantalon sunod ang underwear at agad na sinuot ang kapiranggot na tela na aking ipapakita sa mga manunuod.




Nice.” sabi ng event coordinator at itinuro na ako sa isang make up table.



Nagmamadaling inayos ng make up artist ang aking mukha. Pahid dito, pahid doon. Nagsisimula na akong antukin at mawalan ng gana.



Ok ka lang?” tanong ng make up artist sakin.



Oo, medyo pagod lang.” sagot ko, inabot niya ang aking dibdib at naglagay ng foundation malapit sa isa sa aking mga utong.



Akala ko hindi advisable na makipag sex before a big show?” tanong nito sakin. Nagtaka naman ako kung pano niya nalaman. Inginuso lang nito ang isang namumulang kissmark malapit sa utong na nilalagyan niya ng foundation.




Swerte mo kaya pa ng foundation, kundi nako, pagpipiyestahan ka ng mga kapwa mo model.” sabi nito. Ngumiti lang ako.



So who's the lucky girl?” tanong nito. Ngumiti lang ulit ako. Sasagot pa sana ako ng biglang pumalakpak ang event coordinator. Hudyat na malapit ng magsimula ang show. Kinindatan ko na lang ang make up artist at tumayo na papunta sa bungad ng runway kung saan nakapila na ang mga kapwa ko model. Tinapunan ko ng tingin ang make up artist at nakitang nakanganga parin itong nakatingin sakin. Napangisi na lang ako.



Isang event coordinator ang humatak ng aking kamay. Nagtaka naman ako.




Aren't I suppose to walk after Nick?” tanong ko sa coordinator. Umiling lang ito at tinignan ulit ang kaniyang iPad.



No, you're walking after everyone else.” napangiti naman ako sa sinabing yun.



Wow.” sabi ko sa sarili ko.


000ooo000



Isang tao nalang ang nasa pagitan ko at ng runway, wala masyadong pagkakaiba ito sa mga runway na nagawa ko na, mahaba at maluwag para sa dalawang tao. Maganda ang lighting sa buong lugar at punong puno ang mga upuan sa magkabilang parte ng runway. Malalakas din ang sounds ng buong lugar na talaga namang mapapaindak kahit sino man ang lalakad sa runway.




Ikaw na.” sabi ng event coordinator.



Di ko inasahan na magiging model ako, ni wala sa hinuna ko ang magmodel, maglakad ng halos hubo't hubad sa harap ng ibang tao at kuwanan ng litrato habang naglalakad kung saan lahat ng pwedeng bumakat ay nabakat na, pero malaking tulong din ito sa aking pagaaral. Sa mga panahong mahina ang booking sa pagmomodelo ako naasa at vice versa, pero minsan nakakapagod narin, 4 days straight sa ospital at three days straight naman sa booking and modeling for stills and runways. Kung hindi ko nga lang ba kailangan ng pera, hindi ko pagsasabaysabayin ang mga ito eh. At lalong di ako magpuputa.




Maliliwanag ang mga ilaw na halos nakatapat sa bawat bahagi ng katawan naming mga modelo kada lakad namin sa runway. Andyan din ang mga tahimik na manonood sa kaliwa at kanan ko, di ko na halos makita ang dulo ng mga manonood, wala ni isa akong makilala sa mga manonood, para silang mga anino sa likod ng mga nakakasilaw na ilaw.




Sa dulo ng mahabang runway ang ang nagkikislapang mga flash na galing sa mga kamera ng mga fashion photographers at event photographers.




Daretso lang ako sa paglalakad at tumitigil sa mga tamang lugar para magpose. Pabalik na ako sa backstage at nilalakad na lang ang natitirang hakbang bago makabalik ng backstage ng mapansing sinusundan ako ng isang photographer. Di ko na ito pinansin at tuoy tuloy ng naglaho sa lokod ng tela na naghihiwalay sa backstage at ang runway.




Next line.” sabi sakin ng coordinator at itinuro ako sa hilera ng mga damit na susunod ko namang i-mo-model.




Nagsimula ng maglakad pabalik sa runway ang mga modelong asa aking unahan, nang tawagin naman ako ng event coordinator ay saktong katatapos ko lang suotin ang damit na irarampa ko. Laking pasasalamat ko na boardshorts, sando at isang sumbrero na ang suot ko at hindi kakapiranggot na brief.




Nagsimula na akong maglakad sa runway ng mapansing sinusundan parin ng photographer ang bawat lakad ko, napansin ko rin may lumapit ng event coordinator dito at muli di ko na ito pinansin pa. Sa mga susunod na lakad ko ay di ko na napansing sinusundan ako ng photographer.




000ooo000




Final walk people!We're clapping!” sigaw ng coordinator.



Aaron sa tabi ka ng designer.” sabi sakin ng coordinator. Nagulat naman ako sa sinabi niyang yun.



Ito na ba yung sinasabi ni Jase na simula ng magagandang bagay sakin?” tanong ko sa sarili ko. Alam ko kasing mga top models lang ang karaniwang naglalakad sa tabi ng designers. Malamang nakausap na ni Jase ang designer.



Nang matapos ang fashion show ay agad kong hinanap si Jase pero di ko ito makita, tinext ko ito at nagreply naman pero di nito sinagot ang tanong ko kung asan siya.



Booking after fashion show. Room 205, hyatt.” nanlumo ako sa nabasa.



Business lang talaga ako para sayo.” wala sa sarili kong sabi.


Tila ba nawalan ng kulay ang buong paligid. Parang TV show noong black and white pa ang TV. Binalot nanaman ako ng kalungkutan.



Bakit nga ba hindi ko hiwalayan si Jase?” tanong ko sa sarili ko.



Mahal ko siya.” sabi ko ulit sa sarili ko, sinagot ang nauna kong tanong sa sarili. Wala sa sarili akong lumabas sa papunta sa runway na ngayon ay nililinis na ng mga maintenaince ng event. Nakabukas parin ang mga nakakasilaw na ilaw, pero wala na ang mga manunood at ang mga photographers.



Mahal ko nga ba siya o mahal na ang utang na loob ko sa kaniya?” tanong ko sa sarili ko at isang matabang luha ang bumagsak sa aking pisngi.



Itutuloy...





7 comments:

kaizer002 said...

yun may update na!! basa basa muna.. ^^

kaizer said...

an interesting story..very close to reality...

*clap *clap

kiero143 said...

aist...ang lungkot nman ng story na to...parang wala na atang kasiyahan para kay aaron...next chapter na poh mr.author..hehehe

Lexin said...

mukhang itutuloy tuloy ko na pagsubaybay dito sa story na to, prolouge palang ang ganda na, thumbs up for this one..

Queckenstedt said...

Nabasa ko na ito... Maganda ang story na ito...

Anonymous said...

... nakakaiyak :(
pero ang gandaa super interesting
aat super ganda


-demure

Anonymous said...

I love your story, I felt *goosebump* when I finished reading the whole story, Yes, I finish already reading all the chapters! you did a great job migs :)

Post a Comment