by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Joed – Ito na
ang pinangako ko sayo na babatiin kita sa chapter na ito. Hehehehe hello sayo
at happy reading :
Sa mga taong hindi pa nalalagi sa blogsite ni Migoy ini-re-recommend ko po sa inyo na basahin niyo rin ang mga estoryang gawa niya. 100% sure po ako na magugustohan niyo ang kwento niya. Ito po Click Here!
Natutuwa po ako sa patuloy na pagbibigay niyo nang suporta sa
estoryang ito. Hindi kasi nasasasayang ang pinaghirapan ko kaya maraming maraming
salamat sa inyong lahat lalo na sa mga nag-co-comment. Ang target Chapter ko po
sa kwentong ito ay hanggang Chapter 17 which is hindi na possible sa ngayon
since may idinagdag akong scene sa original plan ko. So, aabutin po ata ang
kwentong ito nang Chapter 20. Sorry po.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Hindi ko
alam na may ganito palang bar dito.” Ang may pagka-groogy nang wika ko kay
Nhad. Dinala ako nito sa isang bar matapos ang eksena sa apartment kanina. “I’m
really not that fond of mixed drinks before. Mabilis kasi akong patumbahin ng
mga hinayupak na ‘to. But this one is great.” Dagdag wika ko pa rito habang
nakaupo kami pareho sa bar counter.
Kahit halata na sa mukha nito ang pag-aalala sa akin ay ngumiti pa
rin ito. Marahil ay hinahayaan lang nitong mailabas ko ang sama ng loob ko.
Nhad is very observant and sensitive sa mga taong nasa paligid niya, malamang
alam na nitong may mali sa mga ikinikilos ko.
“One of the best kasi ang bartender nila rito, at dito na rin ang
naging tambayan ko kapag gusto kong mag-unwind at mapag-isa. For some odd
reason nakakahanap ako ng katahimikan sa bar na ito.”
Inilibot ko naman ang aking tingin sa naturang bar. The ambiance
is good, walang duda ‘yon. May kalakihan iyon at halos lahat ng customers na
naroon ay mga yuppies. Mga ka-edad namin na mas pinili ang tahimik at relaxing
na bar na iyon.
“You’re right.” Pagsang-ayon ko rito. “One more piñacolada,
please.” Baling ko naman sa bartender na abalang pinupunasan ang mga shot glass
at iba pang mga parapernalya sa bar na iyon.
“Hindi ko akalain na malakas ka palang uminom Ken.” Wika ni Nhad
ngunit hindi naman ako nito pinigilan. “At napapansin ko rin na medyo nag-iba
ang mood mo nang makaalis tayo sa apartment niyo. Galit ka ba dahil sa ginawang
motel ng bestfriend mo ang apartment niyo?”
Dahil sa sinabi nito ay muli ko tuloy naalala ang nangyari
kani-kanina lang sa apartment namin ni Martin. Agad na nawala ang tama ng alak
sa katawan ko nang muli kong maramdaman ang kakaibang kirot sa puso ko. Alam kong
wala akong karapatang magalit sa pagdadala ni Martin sa mga katrabaho niya roon
lalong-lalo na ang ginawang kahalayan nito dahil wala namang namamagitan sa
amin. Ang hindi ko lang matanggap ay ang ipinakita nitong ugali sa akin kanina
na para bang wala kaming pinagsamahan.
Hindi naman sa nagbibilang ako sa mga naitulong ko sa kanya. Ang
sa ‘kin lang ay sana man lang kinunsidera niya ang pagkakaibigan namin lalo
pa’t alam niya ang nararamdaman ko sa kanya. Bakit kailangan pang harap-harapan
niya akong saktan ng gano’n.
“Wala akong karapatang magalit. Magkahati kami sa upa ng bahay na
iyon kaya p’wede niyang gawin ang lahat ng gusto niya.” Kapag kuwan ay sagot ko
naman dito at inisang lagok ang kabibigay lang na inumin. “Wala bang mas
matapang pa rito? Parang hindi naman ako nalalasing sa inuming ito.” Baling
kong muli sa nakamasid na bartender.
Batid kong may gusto pa sanang sabihin si Nhad ngunit pinili na lang
nitong manahimik at binalingan ang waiter.
“Bigyan mo nga kami ng mas malakas na inumin. Yung tipong sa isang
lagukan lang titirik ang mata namin.” Halatang gusto lang nitong magpatawa at
hindi naman ito nabigo dahil ngumiti sa kanya ang bartender.
Nagsimula ngang maghalo nang inumin ang bartender. Iba’t ibang uri
ng alak ang ginamit nito, mukhang sineryoso nga niya ang sinabi ni Nhad habang
kami naman ay tahimik lang na nakamasid sa kanya. I wanted to forget
everything, gusto kong magsaya tulad ng ginagawa ngayon ni Martin sa apartment
pero kahit anong pagpapakalunod ko sa alak ay hindi pa rin nawawala ang sakit
na dulot ng mga nasaksihan ko kanina.
Gusto kong lumaban dahil pakiramdam ko ay naaapi ako. Pakiramdam
ko ay natapakan ang pagkatao ko sa uri ng pakikitungo sa akin ni Martin kanina.
Gusto kong bumalik doon at magwala pero naisip ko rin na gagawin ko lang mas
kaawa-awa ang sarili ko.
Kung ito
ang paraan mo para ipakita sa akin na wala akong aasahan sa ‘yo `pwes sinusumpa
kong hinding-hindi ko na ipipilit ang nararamdaman ko sa ‘yo. Ang wika
ko sa aking isipan. Ramdam ko ang muling pagsikdo ng galit sa loob ko.
Nang i-serve na sa amin ni Nhad ang bagong inumin na ginawa ng
magaling na bartender ay pareho ang naging reaksyon ng mukha namin nang
matikman iyon.
“Ang tapang nga!” Ang nangungunot pang sabi ni Nhad. “Hindi ba
masusunog ang baga ko sa inumin na ‘to?”
Sa di malamang kadahilanan ay natawa ako ng bahagya sa naging
komento nito at pansamantalang nakalimutan ng puso ko ang galit. Kakaiba talaga
ang kagiliwan nito na talagang nakakahawa.
“Iyan na ang pinakamatapang na inumin na kaya kong gawin sir.” Ani
naman ng bartender. “Wala pang customer na nakakalampas ng limang shots sa
inumin na ‘yan na hindi umuuwing gumegewang-gewang kaya kung ako ho sa inyo,
dahan-dahan lang sa pag-inom at baka di na kayo makauwi.” Nakangiti pa nitong
dagdag.
Doon ko lang napagtuunan ng pansin ang bartender na iyon. Hindi
malayo ang edad nito sa edad namin ni Nhad base sa hitsura nito and he’s quite
good looking too. Makakapal ang kilay nito na binabagayan ng dalawang pares ng
mapupungay na mata.
“Ganun ito katapang?” Ani naman ni Nhad na sinipat-sipat pa ang
hawak na inumin. “Hindi naman siguro kami babawian ng buhay nito noh?”
Muling napangiti ang bartender. Halatang enjoy na enjoy ito sa mga
patawang kalbo ni Nhad. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa isang ito na maski
ako na may dinaramdam sa mga oras na iyon ay nagawa nitong pangitiin.
“Hindi naman siguro sir.” Pasakay nito sa biro ni Nhad. “Nagawa pa
naman nilang makabalik dito. Ang kaso nga lang iniwasan na nilang matikman ulit
ang Darkest Doom ko.”
“Darkest Doom?” Nagtatakang wika ni Nhad.
“Iyan po ang ipinangalan ko sa inuming iyan.” May pagmamalaki
nitong sabi. Mukhang proud ito sa nagawang inumin.
“Iyon pala ang pangalan nito? Nakakatakot naman.” Parang ewan
namang sagot ni Nhad. “Narinig mo sinabi niya Ken? Hinay-hinay lang sa paginom
nitong Darkest Doom ni pareng bartender at baka sa kadiliman tayo nito dalhin.”
Parehong napatingin kami rito ng bartender. Medyo may ibang dating
kasi ang mga huling hirit nitong sinabi.
“What?” Takang tanong naman nito sa aming dalawa.
Nagbigay ng alanganing ngiti ang bartender at napailing na para
bang nahiya sa kung anumang pumasok na ideya sa utak nito. Muli nitong binalikan
ang mga shot glass na pinupunasan niya habang ako naman ay natatawang ibinalik
ang atensyon sa aking inumin.
“Baka sa kadimilan…” Ang narinig kong mahinang wika ni Nhad. “Ay!
Hindi iyon ang ibig kong sabihin promise!” Wika nito nang marahil ay mapagtanto
ang double meaning na sinabi niya.
Pareho kaming napahagikhik ng Bartender sa kalokohan ni Nhad. Nang mapatingin ako sa
kanya ay sa akin na ito nakatingin at bakas na naman ang amusement sa mga mata
nito.
“Napatawa na ulit kita ng totoo.” Nakangiting wika nito.
“Yeah, ang adik mo kasing makahirit.” Tugon ko naman sa kanya na
sinabayan ko rin ng isang ngiti.
“Mas maganda kasi kung nakangiti ka lang. Hindi kasi bagay sa ‘yo
ang seryoso masyado.”
“Thanks.” Ang naiwika ko na lang sa kanya sabay lagok ng
ipinagmamalaking inumin ng bartender.
Nagsisisi ako kung bakit ko pa naisipang hamunin ang magaling na
bartender na iyon na bigyan ako nang matapang na alak. Ramdam ko ang sobrang
pagkahilo nang makalimang shot ako ng ginawa nitong inumin.
“Ayos ka lang ba?” Ang tanong ni Nhad sa akin. Nakapatong na ang ulo ko sa bar counter at ginawang unan ang mga braso ko. “Hindi ka naman
kasi nakinig sa paalala ni pareng bartender eh.”
“Hayos lang ahko! Hanglakahs pala nitong Dharkesh Doom. Isha pa
nga!” Tugon ko naman rito na sinamahan ko pa ng pagtaas ko nang isa kong kamay
at ikinampay-kampay iyon.
Hindi ko na ito narinig pang nagsalita hanggang sa maramdaman ko
na lang ang pagsuporta nito sa akin para makatayo.
“Hanoba! Mamaya na tayo humuwi. Mashakit pa ulo ko.”
“Umuwi na tayo Ken, lasing ka na.”
Dala marahil nang sobrang kalasingan ko ay hindi ko na nagawang
makipagtalo pa rito ni hindi ko na nga magawang maimulat ang mga mata ko sa sobrang
pagkahilo.
“Ingat ho kayo sir.” Ang narinig ko pang wika ng bartender bago
kami tuluyang nakalabas ng bar na iyon.
Nang marating namin ang sasakyan nito ay agad ako nitong iniupo sa
passenger seat. Ine-recline nito ang upuan para siguro maging komportable ako. Kasabay
ng pagkabuhay ng makina ng sasakyan ay ang pagbuga nang malamig na hangin mula
sa aircon. Nabawasan ang init na hatid ng alak sa katawan ko ngunit hindi ko pa
rin magawang makatulog sa sobrang pagkahilo.
“May dala ka bang susi ng apartment niyo Ken?” Wika ni Nhad.
Sa pagkakabanggit nito sa apartment namin ay muling bumalik sa
akin ang dahilan ng paglalasing ko sa gabing iyon na kanina ko pa gustong ayaw
maalala – ang mga nasaksihan ko sa apartment at ang ipinakitang pakikitungo ni
Martin sa akin.
Bakit
kailangan mo akong saktan ng ganito Matt? Dala marahil ng tama ng alak ay
tuluyan ng umapaw ang emosyon ko.
Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Mabuti na lang at
nakapaling ang ulo ko paharap sa bintana ng sasakyan.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala talaga nagagawa ng alak na
tuluyan kang makalimot sa sakit na gusto mong iwasan. Dahil kong totoo iyon
bakit nararamdaman ko pa ang kirot sa puso ko na ayaw kong maramdaman sa mga
oras na iyon?
“Ken?” Tawag ni Nhad sa akin ngunit hindi ko na ito sinagot pa.
Nagkunwari na lang akong tulog at hinayaan ito kung ano ang balak niya. Masyado
nang okupado ang isip at puso ko para magawa ko pa itong sagutin.
Nagsimulang umandar ang sasakyan at inisip kong sa aming apartment
ako dadalhin ni Nhad. Ayaw ko pa sanang umuwi doon dahil hindi pa ako handang
harapin ulit si Martin o mas tamang sabihin hindi pa ako handa sa mga p’wede ko
ulit abutan sa apartment namin. Hindi ko naman magawang sabihin iyon kay Nhad
at baka maghinala pa ito. Ipinikit ko na lang ang aking mata at pilit na
isinarado ang aking isip hanggang sa makatulog na rin ako sa wakas.
Nagising ako sa marahang mga tapik at ang pagtawag ni Nhad sa pangalan
ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakakatulog o kung isang oras na ba
iyon. Agad kong naramdaman ang pagkirot ng aking sintido nang maimulat ko ng
bahagya ang aking mga mata.
“Aray…” Ang naiwika ko at napahawak sa aking ulo.
“’Wag ka munang gumalaw para hindi ka mahilo.” Ani nito na bakas sa
boses ang pag-aalala. Napatutok tuloy ako sa mukha nito. Biglang rumihestro sa
utak ko ang imahe ni Martin –ang mga pag-aalala nito sa akin noong magkasakit
ako. Ang mga kakaibang tingin nito sa akin tuwing magsasalubong ang aming
tingin. Marahan kong ipiniling ang aking ulo para maiwaksi ang lahat ng iyon.
Bakit
hindi kita matanggal sa isip ko Matt. Piping sambit ko sa aking isipan.
“I hope you don’t mind na dito na lang kita sa bahay dinala Ken. Hindi
kasi ako sigurado kung bukas pa ang apartment niyo baka kasi tulog na rin sa
kalasingan ang mga tao doon. Tara sa loob para makapagpahinga ka na.” Muli ako
nitong inalalayang makatayo hinayaan ko naman ito dahil na rin hanggang sa mga
oras na iyon ay hindi pa rin mawala ang pagkahilo ko.
Laking pasasalamat ko nang hindi ako nito iniuwi sa apartment
namin kahit pa man medyo nakakahiya rin na sa bahay pa talaga ako nito mismo
dinala. Kinapalan ko na lang ang mukha ko sa mga oras na iyon, importante
pansamantalang makakalayo ako kay Martin.
Dire-diretso kami sa k’warto na nasa ikalawang palapag ng bahay.
Maingat ako nitong inaalalayan para makatayo at makapaglakad ng tuwid.
“Pasensiya ka na Nhad.” Ang wika ko nang marating namin ang k’warto
nito at maiupo ako nito sa kanyang kama.
“Wala iyon.” Nakangiti naman nitong tugon. “Gusto mo bang maligo
muna para mabawasan ang pagkahilo mo? May sarili akong banyo dito sa kwarto ko,
pahihiramin na lang kita ng pamalit.”
Ikinunsidera ko naman ang alok nito para mabawasan ang tama ng alak
sa akin. Inabutan ako nito ng tuwalya at pumasok na ako sa banyo. Sa sobrang okupado
na ang isip ko sa mga nangyari sa araw na iyon dahilan para hindi na ako
makapag-isip ng kung anu-ano pa. Isa lang ang alam ko, kailangan ko ng
masasandalan ngayon at si Nhad ang taong iyon dahil bukod sa hindi nito
inuungkat ang mga napapansin nitong pagbabago sa akin ay magaan ang loob ko rito.
Lahat naman siguro ng tao ay naghahanap ng masasandalan lalo na sa
mga oras na wala na silang mahanap na kakampi. Itinuon ko ang buong atensyon ko
kay Martin na bestfriend ko at siya lang ang nag-iisang taong lagi kong
nasasandalan sa tuwing magkakaproblema ako. Pero ngayon, wala ng Martin, wala
na ang bestfriend ko at mag-isa na lang ako.
Habang nakatapat sa dutsa ay hinayaan kong kumawala ang mga luhang
kanina ko pa pinipigilan. Sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay hinayaan kong
tuluyang umagos ang emosyon sa buo kung katawan.
Kung tutuusin ay matagal ko
nang pinaghandaan ang ganitong pangyayari sa amin noong iniisip ko pa lang na
ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko. Pero sadya nga ‘atang kahit na anong
klaseng paghahanda ang gawin natin ay iba pa rin ang dating kapag nasa
sitwasyon ka na. Ayos na sana eh, tanggap ko ng hindi niya ako magagawang
mahalin. Pero hindi, pinakitaan niya ako ng pag-asa no’ng mga panahon na handa
na akong kalimutan ang lahat, at ako naman si tanga ay pinaniwalaan ang lahat
ng ipinakita niyang pagpapahalaga sa akin at inisip na lahat ng iyon ay totoo.
“Hindi ko
dapat sinasaktan ang isang taong dinamayan ako sa lahat ng bagay. Malaki ang
utang na loob ko sa ‘yo Ken. Hindi ko maatim na saktan ka.”
Those were the words of Martin. Ang pangako niyang hindi niya
nagawang tuparin.
“Akala ko ba hindi mo ako kayang saktan? Bakit nagawa mo sa akin
ito?” Pabulong kong sabi na lalo lang nagpabigat ng pakiramdam ko. “Hindi na
dapat kita minahal at hindi na dapat ako umasang mamahalin mo rin ako. How can
I be that fool and made believe that everything was real? Ngayon, pati
pagkakaibigan natin ay nasira dahil sa lintik na damdamin kong ito.”
“Ken?” Ang narinig kong pagtawag sa akin ni Nhad mula sa labas ng
pintuan ng banyo. “Ken, ayos ka lang ba diyan?”
Agad kong pinatay ang shower at iniabot ang nakasabit na tuwalya
malapit sa may pintuan.
“Tapos na ako.” Wika ko nang pagbuksan ko ang pintuan. Halatang
nabigla ito pero agad din namang nakabawi at muli ko na namang nakita ang
amusement sa mga mata nito.
“Heto na ang pamalit mo. Hindi ka na ba nahihilo?” Wika nitong
tutok na tutok sa akin. Sa di malamang dahilan hindi ako naasiwa sa ginawa nitong
pagtitig sa akin. Sa uri ng tingin nito sa akin para itong nakatingin sa
pinakamagandang tanawin sa tanang buhay niya.
“Konti na lang. Salamat.” Wika ko na sinamahan ko pa ng isang
ngiti.
“M-Mabuti naman. Sige magbihis ka na bago ka pa lamigin.” Akmang
tatalikod na ito sa akin pero agad ding napatigil ng marahil ay may maalala
itong sasabihin. “Ken, would you mind if I kiss you?” At walang anu-ano nitong
kinabig ang batok ko at nagsalubong ang aming mga labi. Sa sobrang pagkabigla
ay hindi ko na nagawang pumalag. Mabilis lang ang ginawang paghalik nito sa
akin at nang maghiwalay ang aming mga labi ay pareho ang ekspresyon ng mukha
namin – pagkagulat.
“S-Sorry.” At dali-dali itong lumabas ng kanyang kwarto at naiwan
akong tulala pa rin sa mga nangyari.
What was
that for? Ang naitanong ko sa aking sarili.
Nakapagbihis na ako’t lahat-lahat ay hindi pa rin mawala sa isip
ko ang nangyari sa amin ni Nhad. Nabigla ako sa ginawa nito pero kahit anong
gawin ko wala akong makapang galit sa ginawa nito o marahil ay hindi na kayang
i-accommodate pa ng puso ko ang kahit na ano mang galit sa mga oras na iyon.
I was silently sitting on the edge side of his bed nang muli itong
pumasok sa kanyang k’warto. Halatang nakapaghimalos at presko na ang dating
nito. Nang mapatingin ako sa kanya ay mabilis itong nagbawi ng tingin na para
bang nahihiya ito.
“Nhad ––” “I’m sorry Ken.” Ang magkasabay naming wika.
Muling namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko alam kung
ano ang mga tumatakbo sa isipan nito basta ako, ang laman ng utak ko sa mga
oras na iyon ay ang ginawang paghalik nito sa akin.
“I’m sorry Ken kung nabigla kita kanina but I’m not sorry na
hinalikan kita.” Kapag kuwan ay wika nito.
Sinalubong ako nito ng tingin. Wala nga akong makitang pagsisisi
sa mga mata nito sa ginawa niya pero halata pa rin ang discomfort sa mukha
nito.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kita Ken and I tend to
court you, kung papayagan mo lang ako… No, kahit hindi mo ako payagan liligawan
pa rin kita.”
Mukhang nakahiligan na talaga nitong manggulat at heto na naman
ang pangalawang round ng kanyang mga shocking behavior.
“Alam kong wala ako sa tamang timing ngayon na sabihin ang lahat
ng ito, but who cares about right timing? Una pa lang kitang makita doon sa
videoke bar ay gusto na kita. Nasa likod mo lang ako noon at matiyaga kang
tinitingnan, and when I got the chance to introduce myself to you ginawa ko
agad. Hindi ako naniniwala noon sa love at first sight pero nang makita kita
nagbago iyon. I like you Ken and I want to keep you and make you happy.”
Gusto ng sumabog ng utak ko sa mga narinig sa kanya. Literal akong
napanganga sa mga ipinagtapat nito sa akin. Ang bilis, ito pa nga lang ang
pinakamatagal na nagkasama kami, ni hindi pa nga kami umaabot ng 24 hours gano’n
na agad ang mga nasabi niya.
“N-Nhad….” Wala akong maisip na salitang sasabihin sa kanya.
“Please don’t say no.” Wika nito na halata sa boses ang
pagsusumamo.
“M-Masyado naman ‘atang mabilis Nhad, ni hindi pa nga natin kilala
ang isa’t isa.” I was searching for the right words to say para tanggihan ito.
“Hindi ko naman sinasabi ang lahat ng ito sa ‘yo ngayon para
sagutin mo ako agad. Sinabi ko lang ang totoong intensyon ko sa ‘yo, that you
may be aware of my feelings. Handa akong maghintay at suyuin ka, ‘wag mo lang
akong tanggihan ngayon. Pinapangako kong gagawin ko ang lahat para mahalin mo
ako.”
Somehow nakita ko ang sarili ko sa kanya. Gano’n din ang ginawa ko
noon at alam kong hindi madali ang magtapat ng tunay na nararamdaman. Ibinigay ko rin ang lahat ng pagmamahal ko
para lang mahalin ako ng taong pinili ng puso ko at alam ko kung gaano kasakit
ang matanggihan at pagkaitan ng pagkakataong maipadama ito.
“I-I can’t promise you anything Nhad. Hindi pa ‘ata ako handa sa
ganito.”
Agad na nagliwanag ang mga mata nito, as if nakakuha siya ng isang
positibong sagot.
“You don’t have to promise anything.” Wika nito na ngayon ay
nagniningning na ang mga mata. “Because I will do everything to make things
possible for us.”
Itutuloy:
34 comments:
buti naman at nagtapat na si Nhad kay Ken. at least ngaun kahit papano may masasabi na syang nagmamahal talaga sa kanya.
kinakawawa nya lang kasi sarili nya parang naghihintay lang sya na maambutan ng pagmamahal ni Matt. Sana magtuloy tuloy na ang maayos na simula nila.
si Matt pa rin ang gusto ko para kay Ken. meron naman na siyang nararamdaman para dito eh pinipigilan lang niya. pero ngayong nasa eksena na si Nhad, jan na ang selos selos. at yan ang gusto ko, nakikiliti ako pag may ganyang factor. hahaha. basta sila ang gusto kong magkatuluyan. author please... sila na lang.
Haha.. sa tingin ko ken and matt pa din to.. Hula lang, pero parang si nhad tsaka si mr. Bartender ang magiging bida sa isa sa mga future stories mo...
Anyway, good job mr author.. sana soobrang magselos si matt.. hahahaha... excited na ako sa next update.. galing mo! :) silent_al
siguradong si pareng bartender at nhad to, siguradong darkest doom ang hahanapin ni nhad kpg isa na sya sawi.
--ANDY
ang galing ng story..sana matt at ken parin...PASELOSIN si matt...
like ko si nhad dahil totoo siya..di gaya ng iba dyan..kaya ngayon..kay nhad na tayo...hahahahahah.. ganda nito " because i will everything to make it possible for us... kakainlove
Nice story zild...ang ganda .....i like nhad from the very first time he appeared in the story...."he always save ken in down moments" sana si nhad nalang ken pagbigyan mo siya...
Good job. Nakakakilig si nhad. Sana maging cla no nhad... Pakta ni ken na hindi lng c matt ang lalaki sa mundo. Selosan n to. Lookng 4wd for d nxt chap:-)
feeling k ginawa ni matt un kc bka sinundan nya si ken tas nakita nya nakikipagdate kay nhad.. ayun nagselos.. bat nman kc ang landi ni ken. andyan na nga si matt e.. di pa ba sapat ung ginagawa ni matt para sa kanya? badtrip si ken. naawa ako para kay matt
Kenotz and Matt parin ako.. hihihi
waley!!
Yan right! cnktn ni mat c kenotz, ang sakt nun dude. . . Tpos ipacckan u lng sarili mo s kna? Wg na kay nads kna lng. . . Pero kung gusto ka ni mat, sori cya. . It should not be too late.
gosh! kinikilig ako kay nhad, parang gusto ko na c nhad and ken magkatuluyan kc naiinis pa rin ako kay matt.. hihi
<07>
Excited for the next one.
Tama...may pagkakataon talaga na akala mo kaya mo. pero kapag andun ka na sa sitwasyon n un???? wah! ang hirap lng pag wala kang masasandalan o kakapitan....nakikieksena lng! hahahaha! Martin! anu na???
OMGosh!!!! Bakit hindi na lang si nhad ang minahal mo kung di k naman pa lang kayang mahalin ni matt sa mga pinapakita nito... Hahay.. Kawawang nhad... Hehe..
Great chapter... Its worth the wait..
hahaist...go nhad....hehehe sagutin mo na kasi ken si nhad..haha ang bilis...parang ginawa ko nmang panakip butas si nhad nun kung sinagot agad ni ken si nhad....wahaha....aist ewan...basta pahalagahan mo nlang si nhad, ken...and magagawa mo rin syang mahalin...wag ka nang umasa pa kay martin...wala syang kwentang kaibigan alam na nga nyang, may nararamdaman ka sa kanya yun pa ginawa nya...hahaist...next chapter na pmr.author...^^
a standing ovation for nhad to do something Lyk dat...
khit sino nman mabibigLa sah sinabi nya...
at hindi pah tama ang situation...
pro "who cares about right timing" ryt??..
hehehe...
not so much highLight except for the kiss which is unexpected...
but good chapter nonetheLess...
baka sah nxt chapter nah ung highLight nah gusto ko...
hehehe...
- edrich
Sana mapost mo na yung story kong Til' I Met You.
- Zach
Mr. Z Sana maipost mo na yung Til' I Met You. Excited na akong makita story ko. :)
-Zach
uhmmm.. nhad umamin ka...san ka pinaglihi??? sa gulat ba??? shocker ka ehh! ahaha... nice chapter...atleast di uuwing luhaan si kenotz
Nhad is sweet and very honest, pero masyado kasi akong nahook sa love team ni mat at Ken, ewan ko ba, there is something in me na gustong gusto yung ganong set up, maybe kasi sobrang nakakarelate ako. Pero pwede din namang ayoko lang talagang maging panakip butas si Nhad, dahil kahit naman si Ken siguro ay aminado na magiging panakip butas lang si nhad if ever. And I know naman that matt has a reason sa ginawa niya, hindi naman unreasonable na tao si Matt, lahat naman siguro ng ginagawa nito'y may dahilan. hehehehe.
Love the chapter daddy zeke, next na agad!!!!
-eusethadeus-
nakakabitin, excited na ako sa next update., ken at matt pa rin ako.. dapat selos to da max si matt.. sana update na agad
hay sana mangyari dn to saken
ayos lang kahit nadagdagan ang chapter maganda ang story na ito mr otor. tuloys lang ng pagsulat at pagpost ng mga story nyo.
---januard
Wow ngayon lng me nakahabol sa bgong story na i2 paspasang basa for 2 days hehe busy kc eh may semplang sa skul kaya kelangan ayusin(anung connect hehehe)
anyways wala ka parin kupas kuya z kaw na talaga pasensya n po ngayon lng uli nkadalaw bwiset kc yung prof ko hehe -_- ,next chapter n kuya! hula ko sa seventh bar cla tumambay hehe and si mr. Bartender at nhad ang meant to be hehe hula lng naman ^_^v
-darwin19
excited na excited na ako sa next chapter. tama sa thadeus very reasonable si matt at ginawa niya ito kay ken dahil may nagsumbong sa kanya at yan ay ang kayang ina. o di ba may business deal si mommy niya kuno. baka si nhad yon. di kaya binayaran niy si nhad? wawa naman si ken at matt. sensiya na eto kasi ang naiisip ko dahil nanggigigil ako kay matt. next chapter na please gusto ko nang kinikilig na ako sa magiging paguusap nina matt at ken.
this is it.
go nhad!!!!
:)
#28
kuya zildjian thanks sa pagmention saken natuwa naman ako dun..hahaha..
ngayon pa lang ako magbabasa ng mga post stories sa blog mo :)
yan ang manok q! x3 wahaha gling gling ni nhad, mblis peo swabe! wahaha
ang galing talaga ng kwento na to,gusto ko si martin, kasi feeling ko may nararamdaman di siya kay ken, lito pa nga lang siya sa kanyang damdamin.... hehehehe
hehe update mo na zild wait ko bago ako mtulog hehe
-emman =)
umpisa na ang labanan matt vs nhadz
goodluck sa kanila akin ka na lang kenotz
:)
#28
wag ka ngang ganyan nhad!...pinapakilig mko eh!haha..hay,,kelan kaya darating ang nhad ng buhay ko??isama mo nrn c red at dave!hihihi...
-monty
Post a Comment