Tuesday, April 24, 2012

Make Believe Chapter 14


by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories


Author's Note:

Alam ko pong iba sa inyo ay alam na ang blog ni Migs kaya po sa mga taong hindi pa nasusubukang magbasa sa mga gawa niya I strongly recommend na basahin niyo ang mga akda ni Migoy. Click Here! Si Migs po ang isa sa mga idol ko kaya naman para masaya suportahan niyo rin po siya.

Dedicated ang Chapter 14 na ito kay Eusthadeus na nag-celebrate nang kanyang birthday kahapon. Happy Birthday bunso!!! Dalaga kana at ngayon pwedi kanang maghanap ng kaulayaw mo. HAHAHA

Charlettte Paul – Isa na naman sa mga silent readers na sinuportahan ang lahat ng gawa ko. Maraming maraming salamat sa suporta!

Kristoff Shaun, AkosiChristian, Yume, Andy, Charlette Paul, --Makki--, Master_lee#27, Drich, Randy, Ras, Jeh, Kiero143, Russ, #28, <07>, Lexin, -Drew-, Jazz0903, Brent_Angelo, at Lawfer. –Salamat guys sa comment niyo sa Chapter 13 naway hindi kayo magsawa. Pati rin sa mga Anonymous na hindi nagbigay ng kanilang pangalan.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




“Hi Ken, I’ll see you at Juliu’s Restaurant 7pm.”Ito ang text na natanggap ko galing kay Nhad pagkagising ko. Araw ng Sabado, rest day ko at naimbitahan ako nitong lumabas kaninang aksidente namin itong makasabay ng mag-lunch break kami ng mga kasamahan ko sa trabaho.


Restaurant? Ang naitanong ko sa aking isip na parang di makapaniwala. Nakakahiya mang aminin pero sa edad ko ngayon na 23, ito ang unang makikipag dinner ako sa labas lalo na sa isang lalaki. Maski no’ng college pa kami, kahit may mga babae nang nagpapakita ng interes sa akin ay wala kahit isa sa kanila ang niyaya o sinamahan kong makipag dinner.


Napapailing na lang akong bumangon at sinimulang ayusin ang kama.


“Kahit kailan pahamak talaga sa akin ang dalawang babae na iyon.” Pabulong kong sabi patukoy sa dalawang kasamahan ko sa trabaho na hindi lang ubod ng daldal kung hindi malakas rin ang mga sayad sa ulo at may pagka-pakialamera din.


“Anong binubulong-bulong mo diyan?”


Muntik na akong mapatalon sa gulat ng bigla itong magsalita. Nakatayo ito sa may pintuan ng aming k’warto. Wala itong pang-itaas at kita ang butil-butil ng pawis sa well built na katawan na ito.


“Huwag ka ngang biglaang susulpot, papatayin mo ako sa gulat eh.” Ang may bahid ng inis kong wika para lang maiwaksi ko sa aking isip ang half-naked nitong katawan.


“Sorry naman.” Ang wika nito na halatang nagpipigil itong mapabungisngis.


Ngali-ngaling hampasin ko ito ng hawak kong unan pero, hindi ko pa rin maikakaila ang kakaibang saya na nararamdaman ko sa nakikita kong mga pagbabago sa mga ikinikilos nito. Kung noon ay lalo pa ako nitong aasarin kapag nakita niyang hindi na maganda ang tabas ng mukha ko, ngayon, ay bigla na itong titigil na para bang iniiwasan nito na tuluyan akong mainis sa kanya.


“General Cleaning ang trip ko ngayon at tapos ko nang gawin ang sala, kusina, banyo, at ang kabilang k’warto. Kanina pa sana kita balak gisingin para malinisan ko na rin itong k’warto natin kaso sobrang himbing pa ng tulog mo at mukhang nananaginip ka pa, kaya hinihintay na lang kitang magising.” He said mischievously.


“Kanina ka pa nakatayo diyan sa may pintuan?” Hindi ko na pinansin ang pasimpleng pang-aasar nito. Mas nakuha na kasi ng pansin ko ang apat na huling salita nitong sinabi.


“Hindi naman, mga...” Nagbilang pa ito gamit ang kanyang mga daliri. “Mga 10 minutes pa lang.” Wika nito sabay ngisi. Kakaiba na talaga ang pinapakita nitong kagiliwan at ang kakaibang kislap ng mga mata nito na matagal ko nang hindi nakikita sa kanya simula no’ng itakwil ito ng kanyang mga magulang.


“Ginising mo na lang sana ako para natulungan kita sa paglilinis.”


“Alam kong pagod ka sa trabaho kaya hinayaan na lang kita. Besides, part na ito ng exercise ko, nang hindi naman tuluyang masira ang napakaganda kong katawan.” May kayabangan nitong sabi na sinamahan pa ng pag-flex ng muscle niya.


“Pakipatay ng electric fan.” Ang wika ko sa kanya na ipinagtaka naman nito dahil naka-off naman ang electric fan namin sa k’warto.


“Tulog pa ba ang diwa mo? Naka-off na kaya ang electric fan.”


“Ang electric fan sa katawan mo ang tinutukoy ko, masyado ka kasing mahangin.” Wika ko sa kanya sabay labas ng kwarto. Hindi nakatakas ang panlalaking amoy nito sa aking ilong nang bahagya kaming magkadikit nang lampasan ko siya sa may pintuan. Narinig ko rin ang paghagikhik nito.


“Asus! Kunyari ka pa. Alam ko namang pinagnanasaan mo ang mura kong katawan eh.”


Hindi na lang ako sumagot rito. Ngingiti-ngiting tinungo ko ang lababo para makapagsipilyo at makapaghilamos. Hindi matatawaran ang kakaibang saya ngayon sa akin sa mga nangyayari sa amin ni Martin. Parang muling bumalik ang sigla ng pagsasamahan namin na medyo nawala na no’ng pareho kaming mag-focus sa pagtratrabaho.






Tulad ng napagkasunduan naming oras at lugar ni Nhad, dumating ako sa Julius' Restaurant sa tamang oras. Agad ko naman itong nakita na nakaupo isa sa mga mesa doon. He was patiently waiting for me at nang makita ako nito ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mukha.


“Pasensiya na kung medyo nahuli ako ng dating. Nahirapan kasi akong makahanap ng sasakyan puro puno kasi ang mga jeep. “ I said apologetically. “Kanina ka pa ba?”


“Ayos lang iyon.” Buhay na buhay ang aura nito at hindi rin pahuhuli pagdating sa pormahan. He’s wearing a navy blue polo paired with a black pants and a black leather pointed shoes. Kung tutuusin ay simple lang ng porma nito ngayon ngunit, dahil na rin sa magandang tindig at pagdadala nito ay lalong itong gumuwapo.


Paniguradong kapag nakita ito ngayon ni Chelsea baka tuluyan na itong molestyahin. With that thought, ay napangiti ako na hindi naman nakatakas sa kanya.


“You have a great smile.” Komento nito. “Dapat ay lagi ka lang nakangiti.”


Na-conscious naman ako sa papuring ibinigay nito lalo na sa nakikita kong amusement sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.


“Ah.. Eh.. Salamat.”


Nagsimula na kaming umorder at dahil ito naman ang nakakakilala sa mga pagkain ng restaurant na iyon ay siya na ang pina-order ko. Mukhang enjoy naman itong ibigay ang mga napili niyang pagkain sa waiter.


“Hindi ka magsisisi kapag natikman mo ang Chopsuey nila dito.” Wika nito nang tuluyan nang maibigay nito sa waiter ang mga orders namin.


“Parang ang dami mo naman atang in-oder. Baka hindi natin maubos mga ‘yon.”


“Okey na ‘yon para mas marami pa tayong mapag-usapan habang kumakain.” Nakangiti na naman nitong tugon.


“Ikaw ang bahala.” Wika ko naman na sinamahan ko rin ng isang ngiti. Nakakadala rin kasi ang magandang aura nito.


“Kamusta na pala ang mga kaibigan mo.” He’s trying to open up a conversation. “Nakakatuwa talaga sila ang sarap nilang kasama.”


“Muntik ka nang ma-rape ni Chelsea natutuwa ka pa sa kanila.” Pabiro kong sabi.


Tumawa ito habang napapailing.


“It was my first time meeting a woman like Chelsea.” Tatawa-tawa nitong wika. “And I admit medyo natakot ako sa ginawa niya.”


“Natural lang ‘yon. Kahit sinong lalaki ay matatakot kung may isang baliw na babae ang bigla na lang amoy-amuyin siya.” Pareho kaming napatawa.


Tulad ng una ko itong makausap, madaling napagaan nito ang loob ko. Nawala ang kaninang pag-aalinlangan ko sa kanya. Sa mga makakakita sa amin ngayon walang mag-aakalang ito palang ang pangatlong beses na nakusap ko ito, para na kasi kaming matagal na magkakilala sa ginawa naming biruan at tawanan.


“Kakaiba talaga ang kaibigan mong iyon. She even said she wanted to court me. Wala pa akong babaeng nakilala na tulad niya.”


“Rare kasi ang lahi ni Chelsea.”


“Ano ba ang lahi niya?” Curious naman nitong tanong.


“Nagmula siya sa lahi ng mga baliw.” At muli kaming napahagalpak ng tawa.


Naputol lang ang masayang usapan namin ni Nhad nang i-serve na ng waiter ang mga in-oder namin. Hindi nga ito nagbibiro nang sinabi nitong masarap ang mga putahe sa naturang restaurant na iyon, amoy pa lang ay talagang nagpapakalam na nang sikmura.


“How was it?” Wika nito, na ang tinutukoy ay ang Chopsuey na pinagyayabang nito sa akin kanina.


“Masarap nga.” Tugon ko naman. “Ang galing ng chef nila dito, saktong-sakto lang ang pagkakaluto.”


“Iyan din ang nagustuhan ko sa Chopsuey nila dito. Hindi over-cooked ang pagkakaluto, kaya bawat nguya mo namnam mo ang sarap.”


“Bago lang ba ang restaurant na ito?”


“Yep! Two months pa lang ata ito.” He said at muli itong sumandok ng kanin. Nakakahawa ang pagiging magana nitong kumain.


“Mabuti naman at na-discover mo itong restaurant na ito.”


“Actually, it was my cousin. Sinama lang niya ako rito no’ng opening ng restaurant na ito. Kaibigan niya kasi ang may-ari na isa ring Chef. Honestly, you remind me of him.” Ani nito.


“Who? Yung pinsan mo?” Takang tanong ko naman dito.


“Nope. You remind me of Lawrence Samaniego, the owner of this restaurant. Maganda rin kasing ngumiti yon at napakabait pa. Kaya siguro nabihag niya ang puso ng pinsan ko at ang kapatid nito.”


“Hindi naman siguro nagpropose agad nang panliligaw ang dalawang pinsan mong ‘yon tulad ng ginawa ni Chelsea noh?” Pabiro kong wika.


“Worst pa doon.” Biglang sumeryoso ang mukha nito. “Alfie committed suicide 8 years ago while Kuya Pat is now a loner man. Both of them fell In love with Lawrence, magkaiba nga lang ng time frame.”


“I-I’m sorry.” Ang naitugon ko sa likod ng pagkabigla sa mga nalaman. Ang akala ko kasi ay babae ang tinutukoy nitong mga pinsan pero mali pala ako.


Gumuhit ulit ang ngiti sa mukha nito.


“Okey lang iyon.”


Sa unang pagkakataon ay namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Nhad. Nauwi kasi ako sa pag-iisip sa mga nalaman ko tungkol sa mga pinsan nito. Nakaramdam ako ng takot at lungkot


Ganito ba talaga ka-komplikado ang pinili kong buhay? Ang hindi ko maiwasang maitanong sa aking sarili.


“Huwag mo nang masyadong isipin ang bagay na iyon Ken.” Basag ni Nhad sa katahimikang namuo sa amin. “Natural lang sa nagmamahal ang nabibigo. Parte iyon ng buhay.”


Kung may bagay man akong nagustuhan kay Nhad, ito ay ang pagiging sensitive at pagiging observant nito. Pilit kong iwinaksi ang mga agam-agam na naglalaro sa isip ko.


“You’re right.” Nakangiti kong sagot sa kanya. “Lantakan na lang natin itong mga pagkain na in-order mo bago pa lumamig.”


Natapos ang dinner namin ni Nhad na puno ng tawanan, biruan at kung anu-ano pang kabalbalan. Hindi nga ako nagkamali ng assessment sa kanya, napakamasayahin nitong tao at maraming alam na kalokohan na tuluyang nagtanggal sa mga alalahanin ko sa mundo.


Matalinong tao si Nhad, iyon ang agad kong napansin sa kanya habang tumatagal ang aming usapan. Gustong-gusto ko ang mga ideya nito na idinadaan sa biro. Bawat mga sagot nito ay talagang mapapaisip ka at sa huli masasabi mo sa sarili mo, that he’s making sense.


Hindi ako nagsisisi na pumayag akong paunlakan ang imbitasyon niya, dahil kung no’ng sa cell phone lang kami nag-uusap ay marami akong natutunan sa kanya lalo pa ngayon. Napag-alaman ko rin, na sa lola niya ito lumaki at ito na rin ang tumayong magulang nito. Nasa abroad daw ang mga magulang nito at doon na namamalagi kasama ang dalawa niyang kapatid habang siya ay nagpaiwan sa lola niya para alagaan ito.


“Grabe, ang takaw natin.” Wika ko, nang maubos naming ang lahat ng pagkain na in-oder namin.


“Hindi naman siguro.” Nakangiti nitong sabi. “Napasarap lang ang kwentuhan natin kaya hindi na natin napansin na napaparami na pala tayo nang subo.”


Tinawag nito ang pansin ng isang waiter at nagsenyas ng bill. Kukunin ko na sana ang wallet ko nang pigilan ako nito.


“It’s my treat.”


“Hati tayo. Masyadong marami itong in-order natin baka mapasubo ka.” Nakangiti kong wika.


“’Wag makulit.” Ani nito at agad na naglabas ng kanyang wallet at naglabas doon ng isang libo. “Payday namin kahapon kaya I have enough money here.”


Hinayaan ko na lang ang pinapakitang generosity nito at baka masira pa nito ang magandang samahan na nabuo namin ni Nhad sa loob lamang ng ilang minutong pananatili sa restaurant na iyon.






“So, kasama mo ang bestfriend mo sa apartment na inuupahan niyo?”


Kasalukuyan naming binabagtas ni Nhad ang daan papunta sa apartment namin. Kahit anong pagtanggi ang ginawa ko kanina ay napilit pa rin ako nitong maihatid niya.


“Yeah, pareho kaming dayo rito.”


“I see.” Tatango-tango nitong sabi. “And your bestfriend is working as a call center agent also?”


“Hindi. Sa isang private company siya nagtratrabaho. Hindi niya kasi trip ang mga call center company.”


Muli itong napatango na para bang may iniisip.


“How long have you been together? I mean, ilang taon na kayong magkaibigan?” Kapag kuwan ay muling tanong nito.


“Since college.” Simpleng tugon ko rito.


“May katagalan na rin pala. Does he know?”


Napalingon ako rito na may pagtataka.


“Alin?”


“Your sexual preference.”


Hindi na ako nabigla sa sinabi nito. I know from the start na may idea na ito sa pagkatao ko. Alam ko rin na isa rin ito sa amin ni Jay though, mas lalaking-lalaki itong tingnan mula sa built nito hanggang sa kanyang tindig at hitsura.


Hindi muna agad ako nakasagot. Pinag-isipan kong mabuti kung dapat ko bang ipaalam sa kanya ang ginawa kong pag-amin kay Martin and I opted not to tell him.


“Nope.” Pagsisinungaling ko. “Malaking gulo kapag nalaman niya ang pagkatao ko.”


Hindi ko alam kung tama bang ang narinig ko na napasinghap ito. Nang ibaling ko ang aking tingin sa kanya ay nakaplastar na ang magandang ngiti nito.


“Ang weird mo talaga minsan.” Wika ko na lang na napapangiti na rin. “Bigla-bigla ka na lang ngumingiti kahit wala namang dahilan. Siguro kalahi mo rin si Chelsea noh?”


“Masama bang ngumiti?” Tanong naman nito sa akin.


“Masama kung wala naman dahilan. Baliw na kasi ang tawag do’n.” At napuno ang loob ng kotseng iyon ng tawanan namin.


Ilang minuto pa ay masayang narating namin ni Nhad ang apartment namin ni Martin. Inihinto ni Nhad ang sasakyan niya sa tapat.


“Ang ini-imagine ko kanina nang sabihin mong nangungupahan lang kayo sa isang apartment ay isang malaking bahay na maraming k’warto. Bahay pala talaga ang inuupahan ninyo.” Wika nito.


“Swerte lang na nakahanap kami ng ganito.”


“Akala ko ba kayo lang ng bestfriend mo ang nakatira diyan? Bakit ang dami ‘atang tao sa loob? Tumatanggap ba kayo ng bisita?”


True enough. Doon ko lang napansin na medyo maingay nga sa loob ng bahay. Rinig ko ang halakhakan ng mga lalaki at babae sa loob na para bang nagkakasayahan ang mga ito.


Agad akong bumaba ng kotse nito at tinungo ang pintuan ng apartment namin at talagang nabigla ako nang makita ang nagkalat na bote ng alak sa sala, mga lalaki at babae na hindi ko kilala at ang masama pa ay nasa mga kandungan na ng mga lalaki nakaupo ang mga babae.


What the hell is going on here? Ang naitanong ko sa aking sarili.


Hinanap ko sa mga ito ang imahe ni Martin pero wala ito sa kumpol ng mga unknown visitors namin. Isa sa mga babae ang nakapansin sa akin.


“Sino ka?” Doon na ako napansin ng iba pa nitong kainuman or should I say kaharutan.


“Sino kayo?” Ang naitanong ko naman sa kanila. “Apartment namin ‘to di ba?” Maski ako ay hindi na alam kung tamang apartment ba ang napuntahan ko.


“Oh, sino ang susu–– Ken.” It was Martin. Kalalabas lang nito sa kanyang dating kwarto at wala itong pang-itaas na damit. Halatang lasing na rin ito pero ang ikinabigla ko pa ay ang paglabas rin ng babae mula sa kwarto nito na hindi pa tuluyang naisusuot ang damit.


“That was hot Mart–– Sino siya?” Tukoy nito sa akin.


“A-Anong nangyayari dito?” Sa mga oras na iyon hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Namanhid na ang buo kong katawan sa nasaksihan ko. I was not stupid, katatapos lang gumawa ng kahalayan nina Martin at ng babaeng nakalingkis dito.


“Ang aga mo namang umuwi. Mga katrabaho ko nga pala. Guys, si Ken, kasamahan ko dito sa bahay.”


Aaminin ko nasaktan ako sa mga nakita ko pero ang mas masakit ay ang uri ng pagpapakilala nito sa akin sa mga katrabaho niya na para bang isa lang akong simpleng kasamahan niya sa bahay na kahati niya sa bayad ng upa.


“May kasama ka pala.” Wika pa nito. Doon ko lang napansin si Nhad. Sumunod pala ito sa akin.


“N-Nhad.” Ang tangi kong nasabi. Nakaramdam ako ng panghihina at ibayong kirot sa aking puso. Gusto ko nang maluha sa mga oras na iyon pero tinatagan ko ang aking loob. Ayaw kong magmukhang kahiya-hiya sa mga katrabaho nito at sa harap ni Nhad.


“Pasok ka pare.” Wika nito at binalingan ang tingin sa mga katrabaho niya. “May alak pa ba?”


Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Kanina lang ay ang ganda pa ng samahan namin na halos nagawa pa naming magbiruan, ito pa ang naglinis at nagluto para sa tanghalian namin.


What happened?


“Ken, hindi mo ba papapasukin ang bisita mo?” Kahit sa pananalita nito ay ramdam ko ang panlalamig niya.


Napatingin ako rito. Nasa mga kainuman na niya ang kanyang atensyon. Nakikipagtawanan at nakikipagharutan.


Is this your way of setting boundaries for both of us Matt? Pakuns’welo lang ba lahat ng mga ipinakita mo sa akin noon dahil tinulungan kitang muling makalusot sa magulang mo at ngayong hindi mo na ako kailangan ay basta-basta mo na lang akong itatapon?


Unti-unti nang umapaw ang galit sa akin. Feeling ko ay nagamit ako, naisahan, trinaydor at higit sa lahat iniwan. Iniwan ng isang tao na ang buong akala ko ay isang kaibigan ang turing sa akin. I was so stupid to think na balang araw ay magagawa rin nitong suklian ang nararamdaman ko.


“Nhad, pasok ka.” Ang wika ko sabay bigay ng isang pilit na ngiti.


Nakapagdesisyon na ako. Hindi ako patatalo sa nararamdaman ko, tama nang nasaktan niya ako ngayon. Hinding-hindi ko na hahayaan na masaktan pa ulit niya ako. Everything na pinakita nito sa akin ay isang ilusyon lang, isang pagpapanggap. And I was fool enough to make believe that it was all for real.


“Sigurado ka? Baka pagod ka na.” Ang nag-aalangang tanong ni Nhad.


“S’yempre naman. Bakit, ayaw mo ba dito? Okey lang sa akin kung gusto mong sa ibang lugar na lang tayo mag-inuman. Teka lang magpapalit lang ako ng damit para presko.”


Hindi ko na ito hinintay pang makasagot. Agad akong nagtungo sa kwarto namin ni Martin at nagpalit ng damit. Galit, himutok at pagkabigo ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.


Nang matapos akong makapagpalit ng damit ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita kong tinatagayan si Nhad ng isang katrabaho ni Martin. Agad ko ito kinuha sa kamay niya at ibinalik sa taong tumagay rito.


“Aalis muna kami.” Wika ko na ang tingin ay na kay Martin. Tumango lang ito bilang pagtugon na lalo lang nagpabigat sa nararamdaman ko. Nagpatiuna na akong lumabas ng apartment.


“Sigurado ka bang gusto mo pang lumabas?” Ang tanong ni Nhad nang makasunod ito sa akin.


“Yep.” Tugon ko sa kanya. “Ikaw ba, wala kang lakad bukas? Ayos lang kung hindi mo ako masasamahan.”


Napatitig lang ito sa akin na para bang inaarok ang mga tumatakbo sa isipan ko. Nang siguro ay wala itong makuha ay nagkabit-balikat na lang ito at ngumiti.


“Let’s go.” Magiliw nitong sabi.







Itutuloy:

41 comments:

Jeh said...

nakakaasar!!! bakit ba naman kasi biglang naging ganun si Matt! ang ayos ayos na nila tapos biglang nagkaganyan!!

Nakakagigil talaga! bwisit!!

hahahahaha sobrang affected :))

kiero143 said...

ang sakit nman nun...huhuhu...sana naman kasi ng isip si martin na bahay rin yun ni ken...hahaist ken buhay mo nga nman..heheh...next chpater na mr. author...hehehe

Anonymous said...

ito ang matagal ko ng inaabangan na eksena...


pangz

Zildjian said...

Oo nga bakit parang apekted ka naman ata masyado bayaw :)) magagalit si daddy god sayo :D

Anonymous said...

Ito ang hinihintay ko na part, yung magkakagalit yung dalawang bida. Haha! Please zeke next na!!! kung ako kay Ken eh lalayasan ko na si Matt. Haha! Next na! Next na! Next na!

--ANDY

Anonymous said...

Malamang nagalit si Matt sa pakikipagdate ni kenotzzz....
Na miss ko to! Hehehe
Tnx

Randy

Anonymous said...

ohh ehm gee, an sakeet. !~!
acala koo matututunan din mahalin ni matin si kenotz
.. butii nlang andun si nhad kun hindii,. hays

-- nakaka sama ng loob si mat
aahahahhahahahha ka join sa story

-- go kenotz .. bakit ba ayaw mo pa kasi itigil ka baliwan mo keii matt. nahahawa kana ata keii chelsea..

juskoo nakaka dala tlga GALING NG AUTHOR

<--- DEMURE

--makki-- said...

when there is two waves in one go! they both come in the exact same time and hit you twice as hard! ouch! supah dupah ouch!

Master_lee#027 said...

Nakakagigil,nakakainis yan ang nararamdaman ko eh .......tsk bakit ganun si mat?ano ba nangyari? Haysss ok na sana eh ,,,....

Skipper said...

OMG!!! Sobra din akong affected. Na-sad ako after reading it. :(

As always maganda ang pagkakasulat. Can't wait for the next chapter.

Lexin said...

sa tagal ko na pagbabasa nitone story na to, dito sa isang ito ako talaga na excite.. can't wait for the next chapter...

Lexin said...

sa tagal ko na pagbabasa nitone story na to, dito sa isang ito ako talaga na excite.. can't wait for the next chapter...

Anonymous said...

Ang galing.. Love it.. Bert

kristoff shaun said...

hep kaloka tong si matt paki update na nga nang mabilis hahahaha!!! i love you! :))

kristoff shaun said...

parang di ko talaga ma take ha kaya pakibilis na yung update mabababliw ata ako nito...

Jay-Ar said...

Pambihira naman talaga yang si Martin oh oh! Wawa tuloy si Ken. Go Nhad!

Anonymous said...

bakit biglang naging ganun.. nakakainis ang ginawa ni martin, kya pla sya naglinis e may mga bisita sya, dapat sinabihan nya man lng c ken.. tama lang ang ginawa mo ken, cge go magpakasaya ka sa piling ni nhadz, mas ok kung di ka uuwi ngaung gabi, or mas mabuti lumipat ka na ng ibang apartment, di na uso ang martir ngaun.. lolz , im so much affected, cge pa author sna madami pang twist.

<07>

Anonymous said...

Wag sisihin si matt hahaha malay natin yung pagpapakita niya ng ganung bagay kay ken ay paraan lamang niya upang magpasalamat sa kaibigan besides wala namang binitawang pangako na mamahalin din si ken. As for ken masyado lang kasi siyang assuming at nag-expect.

-Pepzi

Anonymous said...

Hay naku kung ako kay ken di ako aalis dun with nhad! makikipag landian din ako kay nhad! grabe naman tong si martin walang pagmamahal kundi gamitan lang!!!! sana bukas may kasunod na! ahahahahaha

Nice work author!

-vash18-

Anonymous said...

kudos to the author...first time ko lang mag-comment sa blog mo pero matagal na akong nagbabasa ng mga akda mo...though may mas magagaling pa sa iyo pero isa ka naman sa mga mababait na author na mapag-unawa at marunong magpasaya ng mga readers...isa ka sa mga inaasahan kong author at talagang hindi mo ako binibigo...sana nababasa mo ito mr. author...wag ka sanang tumulad sa mga ibang author na sobra kung magpaasa ng mga readers nila at iyong mga masyadong paimportansya na mga author na maraming kondisyon na ibinibigay bago sila mag-update ng mga istorya nila...at mas lalong ayoko talaga sa mga author na masyadong mayabang na akala mo laging tama sila at sobrang aarte at balat sibuyas na mga author na di marunong tumanggap ng mga comments na against sa kanila...iyon bang minasama na nila kaagad ang isang comment na di naman talagang intensyon na saktan sila...sobrang nakakadisappoint at nakakasama ng loob ang mga ganung mga tipo na mga author...pasensya na kung nadadala ako sa emosyon ko pero kaunti na lamang talaga kayong mga author na mapagkumbaba at marunong umunawa na mga readers nila at isa ka dun...sana wag kang magbago dahil ikaw na lang talaga ang inaasahan ng marami dito na makakapagpasaya sa kanila...hanggang dito na lang muna at maraming salamat...god bless at more power for you

Anonymous said...

ouch!!!...
y matt??...
y??... :'(


i was caught offguard...
ddnt xpect dat something bad wiLL happen...
sana sinabihan moh kami kuya Z...
pra nkapg.handa kami...
hehehe...
but stiLL a very good chapter...
so excited for the nxt chapter...



- edrich

Anonymous said...

NExt na agad pre...hehehe

-hans

DownDLine said...

hahaha...kaya pala naglinis ng bahay may bisita!!! ahaha... kenotz... kay martin ka a din ha! wag ka kay nhad!

Zildjian said...

Thank you anonymous na tats naman ako sa sinabi mo hehehe sa hinaba-haba nang comment mo puro papuri ayieee! :D Ingatz

Anonymous said...

Hi author!! Ang ganda ng chapter na to.. haha... nakakaexcite tsaka di na ako makapaghintay sa susunod na mangyayari... anyway, may request lang ako.. sana sa mga susunod na chapter maging mas maganda yung development ng character ni kenotz.. yung tipong hindi na sya masyadong martyr, kasi parang bigay lang sya ng bigay.. Wala lang.. naaawa kasi ako sa kanya.. hahahaha...

apektado naman ako masyado.. but in the end sana sila pa din ni martin...

goodluck sa mga next chapter at agree ako dun kay anonymous.. date ang daming blogs na nakabookmark sakin.. ngayon, blog mo nalang.. hahaha.. :) silent_al

Anonymous said...

hehehe...ur welcome basta ikaw...sensya na kung masyado akong nadala sa emosyon ko...wala na kasi talaga akong makitang matino na blog site bukod sa blog site mo...talagang sinusubaybayan ko talaga ung part of me, ikaw ang aking pangarap at syempre ung make believe...hehe next na po

marL said...

ka bwisit nmn c matt, anung nangyari? Bket bigla nagbago ung swing ng mood nya, bigla nwala ung sweetness 'kuno' nya kay ken haist...

pero salamat na rin kay nhad at nanjan sya para kay ken.

pero still matt and ken love theme pa rin ako hehehe :))

Brent_angelo said...

Sakit nman sa dibdibb nito part na to Z!
I guess, nabasa or nalaman ni Matt that Kenotz is dating someone or lalabas sila for that matter. That made Matt's decision na gumawa ng bagay na alam nya na masasaktan nya si Kenotz. The feeling is mutual bet the 2 of them. Only, it wouldn't be easy to accept on Matt's part because d nya sinasadya maramdaman yun ganun feeling towards his bestfriend. Yay, pede nb ko magsulat ZIldjian? hehehhee

Thanks sa mabilis na update. Keep it up ^^

russ said...

ganito ang nangyari guys for your information..nakita kasi ni matt ang phone ni kenots habang siya ay nagsisipilyo na may mensahe si nhad ung invitation sa dinner so para ma prove ni matt na kung totoo ba eh sinundan nya ito..at boom un nga nkita ni matt si kenots na masaya sa restaurant with nhad..hayun nagalit ang lolo nyo nagselos kaya nagwarak..

oh author si madam auring na ako ngayon hehehehehe.hehehhe.. joke lang un guys..thank you mr.zildjian...the best ka..

Anonymous said...

nakakainis na ewan, hai. Naapektohan ako, pero i know martin has a reason kung bakit niya nagawa yun... Ano kaya? mmmm, siguro nga ay tama si russ, heheheheh, parang may point siya. Pero kung jealousy man ang reason ni Matt. it's wrong na mag(sorry for the term)tarantado agad siya ng ganun ganun nalang. At sa loob pa ng bahay nila ni Kennots. hai. Pero Martin Kennots pa din ako. hihihihi....


Thanks daddy zeke. Next na agad...



-eusethadeus-

Anonymous said...

...huh, nagulat ako dun...

Z pwde hingi ng favor?

Wag mong tagalan ang pg'update ha...?

Di na kasi ako nagbabasa sa ibang blog hehehe

thanks


silent_boracay

Unknown said...

mr, author.. mei tanong lang ako.. :p

mei starring role na ba sa mga kwento nio c jay..?? tama ba ang tanda ko? c jay ay barkada nila renzell dave at brian..?? or mali ako? if mali ako bigyan mo nman aq ng characterization ni jay.. hehee thanks much!!!!!!

Anonymous said...

hfmmmf...yan ang dulot ng sakit ng ulo mo MR.Z
..KASI ...ahhmfff....GULO TO NEXT TIME

jazz0903/ras

Lawfer said...

hmmm emo naman, oa mkpgreact, mag-anu b cla ni matt? -_-
go nhad :)) pgkakataon ng manok q ayii :3

Anonymous said...

haisst ate ken mabuti nga yan habang maaga alm mo ung nangyayari sa paligid mo...hwag mo kc iikot uing mundo mo sa iisang tao.........dont fell na niluko ka kc para nmng hindi base sa pagkakaintindi ko here.....ikaw lng kc ngaasuming na my gusto sau c matt....................lumabas kau ni nhad uminom.then punta kau sa biglang liko....or sa sogo hotel,magpakarami kau.....hehehehe kinabukasan KAYO NA........o di ba masya...tpos lumipat kna ng boarding hause magsama kau ni nhad.....heheheheheheheh...............malay mo c nhad n UNG TRUE LOVE MO....................................ras

Zildjian said...

Yep meron na po Christian. Hindi po siya barkada ni Renzell Dave nor ni Brian. Si jay ay isa sa apat na barkada ni Alexis sa Chances. Siya yung nagpapaka low profile hahaha :))

Zildjian said...

At bakit naman si Nhad ang naging manok mo? Dapat pro Matt tayo wag tayo kay Nhad. HAHAHA

Unknown said...

ahh, kajoin sa barkadahan ng laging nagaaway sa pusa..?? hehe.. ano title ng story ni jay??

Anonymous said...

ouch...

Anonymous said...

oh-ow...kakagulat nmn un...wawa nmn c kenotz..akala q p nmn may something na ke martin...hhmmm...

-monty

Anonymous said...

Inasahan ko na ang pangyayari.. I know something will change and alam ko na nakita ni Martin ang text or nakita nya ang dinner date ng dalawa... LOL..

Post a Comment