Monday, April 23, 2012
Part Of Me Chapter 07
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga panahon na iyon kaya ngumiti nalang ako at tumango, gulat na gulat at hindi pa rin makapag salita ang lahat habang si Sedrick naman ay patuloy sa pag-akbay sa akin.
“ANO!! Paki ulit ang sinabi nyo!!” ang sabi ni Mimi nang maka recover sa pagkabigla.
“sabi ko kami na ni baby bro ko” ang pag-uulit ni Sedrick.
“anong nangyari??!! Pano nangyari ??!! saan nangyari?!!” ang sunodsunod a tanong ni Nina at halos napalingon ang mga katabi naming kumakain sa pagsigaw nito.
“hindi ko rin alam ehh basta tumibok nalang ang puso ko kay baby bro ko” at tumingin sa’kin na wari’y nagpapacute
Huminga ng malalim si Gary at nagtanong ng hindi inaasahan.
“sigurado na ba kayo sa naging desisyon nyo na magkaroon ng relasyon” na parang matured na kung magsalita pero nakatingin ito sa akin na parang may pagtataka
“oo naman!! Siguradong sigurado na” ang sagot ni Sedick na nagmamalaki
“teka teka!! Hindi ba kayo masaya sa amin ni baby bro ko?” ang dagdag ni Sedrick.
“hindi naman sa ganon pare, syempre medyo nagulat kami sa mga inamin nyo ngayon” ang dipensa naman ni Gary.
“oo nga! Hindi ko ito ma keri may gosh! Crush paman din kita dati Sedrick at Prince ngayon pala kayo ang magkakatuluyan” ang nasambit nalang ni Nina.
Muli nakarinig ako ng malalim na pag buntong hininga nanggaling kay Mimi
“alam nyo guys, kung saan kayo masaya susuportahan namin kayo ng walang alinlangan” ang wika ni Mimi na ikinatuwa ko.
“salamat Mimi, alam kong maiintindihan mo kami” ang pagpapasalamat ko.
Tinignan naman ni Mimi si Nina na wari’y sinasabi nito na sumang-ayon
“oo na sige na, alam ko na dyan kayo masaya kaya susuportahan namin kayo” ang pagsang ayon ni Nina at pati narin si Gary ay tumango..
Sumaya at nagliwanag ang mukha namin ni Sedrick at hindi mag kanda ugaga sa pagyakap sa mga barkada
“salamat guys salamat…” ang sambit ni Sedrick ng paulit-ulit
“ano panghinihintay natin inuman na!” ang masayang sambit ni Gary at umorder ng sangkatutak na beer.
Habang tinitignan ko sila ay walang bahid ng panliliit o pandidiri ang nakikita ko, ang nakikita ko lang ay masaya silang lahat para sa aming pag-amin.
“CHEERS!! Para sa bagong magkasintahan” at sabay taas ng beer ni Mimi
“CHEERS!!” Ang sabay-sabay naman naming sabi at itinaas ang beer na hawak
Nag tagal ang aming inuman dahil sa kakatanong nila kung pano naging kami at ano ang madalas naming ginagawa.
Syempre di mawala na tuksuhin kami na parang hindi nila iniisip na parehas kaming lalaki.
“ano pare magaling ba?” ang tanong ni Gary at may pa kindat-kindat pa.
“oo nga, ibang level ba yang si Prince kung magperform?” ang pang-iinis pa ni Nina.
“pare, hanep!” ang tugon naman ni Sedrick at tatawa-tawa.
“mga adik tigilan nyo nga ako ahh, mga baliw” ang tugon ko rito na nag iinis-inisan.
“oh tigil na raw sabi ni baby bro ko, kawawa naman ehh” ang wika ni Sedrick na parang isip bata.
Muli isang masayang gabi ang pinag saluhan naming lahat, nagtawanan at inisan, maraming pagkakaparehas ang buong barkadahan at kahit ilang buwan palang kaming magkakakilala ay talagang papatay ang isa’t isa para sa amin sa oras ng kagipitan.
Lasing na lasing ang lahat na umuwi pero dahil malapit lang sa bahay nila Mimi ang carnival ay tumuloy na nalang kami sa kanila hanggang mag-umaga at ang loko-loko namang si Sedrick nag request pa kay Mimi na kung pwede daw ay sa ibang kwarto kami matulog na dalawa, wala namang reklamo si Mimi kasi malaki naman ang bahay nila at maraming bakanting kwarto, kung hindi ako nagkakamali ay tatlo pa ang bakanting kwarto, pwera pa ang guess room at sala sa itaas, ganon sila kayaman kahit hindi halata sa kanya dahil hindi ito masyadong fasionista.
Malalim na ang gabi at kami nalang ata ni Sedrick ang hindi tulog, nakahiga lang kami ng tuwid sa kama at nakatingin parehas sa may dingding.
“mahal, salamat ah” ang sinserong wika nito.
“salamat saan?” tanong ko.
“salamat sa lahat, sa pagpapasaya mo sa’kin, sa pagbibigay mo lagi sa akin, sa pagmamahal, sa pasensya, sa paglalambing sa lahat” ang muli nitong sabi,
Nagalak naman ako sa mga sinabi nito hindi ko alam ang sasagot ko umaapaw ang kaligayahan ko na hindi ko ma wari.
“alam mo, hindi mo kailangan magpasalamat, kasi hindi ko yon tulong sayo, kusa kong ginagawa lahat to para sayo, kasi mahalaga ka sa akin, kasi mahal kita at hindi kita kayang ipagpalit sa iba” ang bawi ko upang sya naman ang matuwa at hindi ko mapigilang hindi lumuha sa kaligayahan.
“alam mo ba nuong unang klase palang ay nakaramdam na’ko ng kakaiba sayo” ang wika pa nito.
“ano naman yon?” halatang interesado sa topic.
“basta nakaramdam ako ng kakaiba, yung hindi ko pa naramdaman sa ibang babae, pero natawa ako ng magkabungguan tayo, halatang takot na takot ka sa akin” ang wika nito na natatawa.
Agad ko namang pinunusan ang luha ko at nag salita.
“ako?? Takot sayo? Hindi ahh” ang maang-maangang kong tugon
“wushuuuu….. hindi daw ohh, e namutla ka pa nung Makita mo ko ehh” ang pangiinis nito “wag kanang mag kaila, halata eh” ang dagdag pa nito.
“oo na sige na! namutla na kung namutla ehh pano kaya lahat ata ng maka bungguan mo inaaway mo nuon, binubugbug mo, ang babaw-babaw lang ng dahilan, war freak ka kasi” balik na pang-iinis sa kanya.
“nagbago nako para sayo mahal ko” ang tugon nito sabay akap sa akin.
At nakatulog kami sa ganoong posisyon.
Maraming buwan ang dumaan at talagang naging stick ang barkada sa isa’t-isa,sabay-sabay kaming lahat kumakain sabay-sabay mag mall, sabay-sabay mag arcade sabay-sabay gumagawa ng mga assignment at kung ano-ano pa na pwedeng pagsabayin.
Kami naman ni Sedrick ay naging malapit pa lalo sa isa’t-isa at alam kong minamahal ko na sya ang todo, alam kong hindi rin ito infatuation dahil iisiping kulang na mawawala ito ay para akong tanga na mamumuo ang luha sa mata at magiging emosyonal.
Parang hindi nako mabubuhay ng wala sya, bukod sa gwapo at hindi mo pagsasawaan ang mukha nito ay talaga namang maalaga, maaruga at masayahin , sa bawat pagdaan ng buwan o monthsary namin ay marami itong pakulong naiisip, meron yung nagbigay ito ng life size na teddy bear, nagbigay ito ng ring, ng couple shirt, nang ambush din sya ng di ko kilalang estudyante at pinabigyan ako ng maraming letters, chocolates at flowers meron ding binili nya kaming dalawa ng ticket na sikat na banda sa ibang bansa nuong magconcert sila dito sa Pilipinas, hindi ko na talaga mabilang ang mga pakulo nitong mayabang na ito, minsan nga nahihiya na ako kaya ako naman ang nagreregalo na para sa akin kailangan kong gawin dahil para makabawi rin sa mga ginagawa nya.
Kinikilig naman ang barkada sa mga inaasta ni Sedrick dahil ako daw ang nagpabago sa badboy ng school naging anghel daw ang isang demonyo ang dagdag pa nila na lihim kong ikinatutuwa.
At ngayon ang pang pitong buwan naming magkasama ni Sedrick at hindi pa rin nawawala ang busilak na pagmamahal ko rito.
Yes! Monthsary namin ni Sedrick ngayon, ka excite naman! Oras na para ako naman ang ma pasaya ngayon sa kanya ang sabi ko pa sa sarili ko at bumangon ng masaya, hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mata at labi.
Dali dali akong nagbihis at nagpapogi para sa mahal kong si Sedrick todo pabango pa ako para malayo palang ay maamoy na ako ng mahal ko, pasayaw-sayaw pa ako sa pagbibihis pasipolsipol pa.
“good morning manang Judith!!” ang pasigaw ko pang sabi kay manang.
“hindi ka naman masyadong na eexcite nyan no?” ang tuwang sabi ni manang
“excite na excite nga ako ehh” ang masaya ko ring sabi.
“bakit naman sir?” ang tanong nito.
“manang mahal na mahal ko na kasi ang taong mahal ko ngayon” ang tugon ko rito.
“talaga sir? Mabuti yan makatutulong yan sayo sir” sabi ni manang na tinanguan ko nalang at ngumiti.
“sige manang una na’ko, late na kasi ako eh” ang pahabol kong sabi at kinuha ang sandwich na nakalagay sa ref sabay labas.
Napapatingin pa ang mga girls tuwing dumadaan ako na ikintawa ko ops para sa mahal ko na ito ang pabulong kong sabi habang naglalakad at nangingisingisi pa.
Habang papalapit ako sa room namin ay lalong tumitindi ang pananabik ko na ibigay ang regalo ko kay Sedrick at bigyan siya ng isang matamis na pagbati excited na rin akong malaman ang magiging reaction nito sa pagsupresa ko sa kanya.
“good morning mahal” ang pagbati ko ng may sigla kasi konti palang pala ang tao sa room namin, kasi wala daw palang first subject
“good morning din mahal ko” ang matamis din nitong wika.
“happy monthsary!” ang pagbati kong muli dito
“happy monthsary rin mahal ko” ang wika nito at sinamahan pa ng nag-uumapaw na yakap.
Nang bumitiw ito sa pag kakayakap.
“may regalo ako sayo mahal ko” ang sabi nito na may ngiti sa labi tumango nalang ako at ngumiti sabay sabing
“ako rin”
Iniabot nya ang isang box ng chocolate na alam kong mamahalin at tatlong roses, ibinigay ko naman sa kanya ang regalo ko.
“wow! mahal to ahh, eto yung sinabi kong gusto kong bilhin sa mall” ang pagkabigla nito “nako sana hindi mo ito binili 5,000 pesos tong relo na’to diba?” halata ang panghihinayang sa mukha nito.
“nako ikaw pa e pinaringgan mo lang naman ako noon para ibili kita” ang pangiinis ko rito.
“wag mo akong itulad sa iba Prince, kahit wala ka pang gift ngayon ehh hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo” ang tugon nito sabay ngiti sa akin
“UTANG NA LOOB !! ang kati kati dito sa room ang daming langgam, mga echusero! Kalalaki nyong tao mas sweet pa kayo sa mga babae!” ang sabat ni Nina kasama nya si Mimi na kararating lang.
Tawanan naman kaming lahat, ako man ay natutuwa sa ugali ni Nina na madakdak at parang bading kung mag salita.
“eh ano naman ngayon sayo, gwapo pa rin naman kami kahit sweet sa isa’t-isa ah” ang pagtutol ni Sedrick sa sinabi ni Nina.
“ay ewan ko sainyo! Mga haliparot” ang inisinsan ni Nina.
“paano kasi tatlong beses ng iniwan ng boyfriend, pano ba naman kahit maganda eh kung magsalita naman ay parang bading” ang gatong pa ni Gary na kadarating lang rin.
“uy mga tol happy monthsary sainyo” ang bati sa amin ni Gary.
“salamat tol inuman tayo mamaya ok?” ang tanong ni Sedrick.
“sige ba” at sumang ayon ang lahat
“guys happy monthsary Sedrick at Prince, ang hiling ko ay sana mag tagal kayo, wag na kayong mag-aaway naaapektuhan din kasi kami eh, at Sedrick bawas-bawasan mo na rin ang pangiinis kay Prince at sa akin humuhingi ng advice, NBSB pa naman ako” ang payo at bati sa ‘amin ni Mimi.
“eto nga pala cake para sainyo” dagdag nito sabay abot sa’kin.
“wow! Salamat Mimi” ang pasasalamant ko rito.
“your all welcome” ang tugon naman nito.
Itutuloy:
6 comments:
wow, ang ganda nman nito, puro sweet at happy moment
hehehe.........eniexpect ko d2 ung twist na magaganap...ung mkapagbabago sa relasyon nila.............................................ras
ayyiieee...ang ganda tlga ng story..hahaist...next chapter na poh...hehehe
Cguro next chaptr magaaway sila...and gary to the rescue...
Next na poh...
teddyRICHIE
sweet!
hmmm nice ang pagkabitin..di mo alam kung anong mangyayari sa next chapter...
Post a Comment