Thursday, April 19, 2012

Part Of Me Chapter 05


by: Apollo22



Lumabas ako upang makalanghap ng sariwang hangin at makapagisip-isip sa nangyari kagabi, sisiryosohin ko ba ito o baka sa sobrang kalasingan ay nagawa nya iyon nakakainis talaga yung mayabang na yon!  Ang nasabi ko nalang ng pabulong.


At habang nag iisip ako ay biglang bumukas ang screendoor ng bahay.


Nakita ako ni Sedrick na naka upo sa may garden nila Mimi at tumabi ito sakin pero umusog ako ng kaunti palayo sa kanya para ipaalam ko na inis pa ako rito.


“uy.. sorry na” ang nag susumamong sabi nito


“saan? sa pang iinis mo sa akin? o sa pagbalibag mo sa akin kagabi?” ang sarkastiko kong tanong.


“ sa parehas, hindi ko naman sinasadya eh” halatang nag susumamo si mokong ahh
“kasi naman hindi mo ko pinapansin kanina eh” ang dagdag pa nito.


“at talagang ako pa ang may kasalanan ngayon?” ang tanong ko rito.


“kaya nga sorry na eh” ang sabi nito na parang bata.


Naawa naman ako at na cute-an at the same time, first time ko lang kasi tong makitang ganyan.


“o sige. Pero pag-inuulit mo pa yan hindi kita papatawarin ok” ang sabi ko rito na nag-iinis-inisan pero naka ngisi na.


“yes baby bro! hinding-hindi na ito mauulit, promise” at tinaas pa nito ang kanang kamay na animo’y nanunumpa.


“tara na sa loob, at ayokong nagugutom si baby bro” ang masaya nitong pang-anyaya


Tumango nalang ako sabay ngiti at tumungo nanga kami ni Sedrick sa may hapag kainan.


“uyyyyyyy bati na sila” ang pang-aasar ni Nina


“oo nga bati na si Sedrick at “baby bro”” ang gatong naman ni Gary


“ops! Gawa kayo ng sarili nyong itatawag kay baby bro akin lang yung tawag na yon” ang pagsabat naman ni Sedrick.


“ay TARAY!! Bongga!! Parang nabili mo ang baby bro na tawagan nyo ahh” ang nasambit ni Nina.


“talaga!” ang pagmamalaki ni Sedrick sabay akbay sa akin.


“alam nyo ganyan nakatuluyan ang lolo’t lola ko promise” ang gatong pa ni Mimi.


“nako tigilan nyo nanga kami at kumain na kayo dyan” ang pagputol ko sa pang-aasar sa’min at baka san pa mauwi ang biruan na yun.


Masaya ang naging usapan naming at halatang nag-eenjoy kami sa isa’t isa, muli, tawanan, halakhakan at inisan ang nangyari sa’min at na consider na rin namin ang isa’t-isa na mag babarkada.


Ilang lingo ang makalipas ay talaga namang naging solid ang samahan namin at wari’y walang makakaputol ng samahan namin.


Nakasanayan naman namin ni Sedrick na magtabi tuwing klase at laging mag sama since na mag ka grupo kami sa play kaya madalas kaming nagpapractice, madalas rin kaming kumakain ng sabay sa iba’t ibang kainan gaya ng Mcdo, jollibee, Max at kung saan-saan pa, lagi kaming masaya, minsan nga kahit sa mall naghaharutan kaming dalawa at di alintana sa mga taong nakakakita.


Kaya minsan naiisip ko na ang pinaka sikat na lalake sa buong campus ay nakakasama ko ng madalasan  at talaga namang napapasalamat ako sa Diyos dahil naisipan nyang regalo sa akin si Sedrick ng biglaan.


“so tara kain ulit tayo sa labas” ang paanyanya sa akin ni Sedrick at inakbayan ako nito  habang papa uwi


“hindi kaba nagsasawa sa kakakain natin sa labas?” ang taka kung tanong.


“hindi ahh!! Basta si baby bro ang kasama ko hinding-hindi ako magsasawa” ang nakangiti nitong sagot.


Ang sarap sa tenga na marinig ang mga katagang yon lalo na galing  sa crush na bayan.


“wow naman ang sweeeeet” ang tugon naman ni Nina na sumulpot lang sa likod namin.
“sama ako” dagdag nito na parang bata.


“ayaw ko nga! Kami lang ni baby bro ang kakain sa labas no! tsaka may sasabihin ako sa kanya” pagtanggi ni Sedrick.


At kumain nga kami sa labas ni Sedrick sa mang inasal libre nito lagi, lagi rin naman akong nabibilib sa tikas at tindig nito habang nag oorder ang gwapo nya talagang tignan lalo na pag may request ito sa mga crew parang senyorito lang kung mag-utos.


“ok kalang?” ang tanong ni Sedrick habang sumusubo ng pagkain nya.


“ah eh oo naman” ang tugon ko rito at uminom
“sya nga pala ano yung sasabihin mo sa akin” ang tanong ko rito.


“ah eh….. ano kasi ehh”  natataranta nitong tugon.


“ano nga yun” ang pagkulit ko na natatawa na sa nagiging reaksyon nito na parang kinakabahan ito na ewan.


“ano kasi ehh” hindi parin makasagot.


“ano nga” ang pag kulit ko
“uy ano na”


“GUSTO KITA!!” ang sagot ni Sedrick na may diin dahilan para mapansin kami ng kapwa naming kumakain.


Literal na nanlaki ang aking mga mata  at namula ako sa sinabi ni Sedrick.


“ah eh” ngayon ako naman ang nauutal.


“ohh ano nagulat ka?” ang mahina nitong sabi  na nahihiya pa rin.


“hindi ko inaasahang sasabihin mo iyon, hindi ko alam ang sasabihin ko Sedrick” ang tugon ko na nahihiya pa rin.


“hindi mo ba ako gusto?” ang pag-aalala nitong tanong


“ano kasi ehh” ang tugon ko.


“hindi mo nga ako gusto” at na lungkot ang mukha nito


Ayaw ko namang isipin nya yon kasi matagal ko na itong gusto, kaya naman umamin na rin ako.


“Sedrick??” tinignan nya lang ako
“gusto rin kita, noon pa” at alam kong namula ako sa harap nito.


Nag liwanag ang mukha ni Sedrick nawala ang lungkot nito.


“talaga!!” ang tanong nito na parang na excite.
“oo nga!!” ang sabi ko rito na nahihiya at hindi makatingin sa kanya ng diretso.


“ang saya!! Wohhhhhhhooooo!!” ang sigaw nito at tumayo pa, hindi na nya alintana kung may nakatingin sa amin.


Hinawakan ko ang kanang braso nito para hilain pababa dahil nahiya ako sa naging reaksyon nito “uy! Maupo kanga” ang sabi ko rito at luminga-linga na wari’y nahihiya, umupo naman to habang nakatitig sa’kin.


“alam mo? Ang saya ko” ang tugon nito.


“oo na sige na masaya na kung masaya, wag kalang maiingay kasi panagtitignan na tayo” ang nahihiya kong tugon.


“ehhh ano naman ngayon, at least hindi na baby bro ang sasabihin ko kung hindi baby bro KO ang sasabihin ko” ang masaya parin nitong sambit.
“so ano tayo na??” ang tanong nito sa akin.


“ah eh ano kasi ehh” ang nasabi ko lang at nagsalita ito.


“wala ng ano-ano tayo na, wala ng bawian, umamin kana so tayo na” ang sabay belat nito sa akin na para itong bata.


“ok,ok sige ang highblood ahh” ang tugon ko rito sabay taas ng dalawang kamay na animo’y natalo sa laban.


Kumain kami ni Sedrick ng masaya at after no’n ay ipinasyal nya ako sa ibat-ibang lugar na paborito nito bakas sa mukha nito ang pagiging masaya parang bata itong  kumakapit sa akin, sa tuwing hahawakan nya naman ang kamay ko ay hinahayaan ko nalang ito, pero inaalis ko rin ito na kunwari’y may kukunin sa bag para hindi kami pagfiestahan ng mga tao sa paligid.


Hindi ko alam kung tama ang pinasok ko na relasyon , hindi ko alam kung ano ang mga kapalit ng pagsagot ko rito at hindi ko alam kung totoo lahat ng  ito, basta ang alam ko ay tuluyan nakong nahulog sa pagmamahal ni Sedrick dahil kung tutuusin ay hindi ko magagawa ang mga ginagawa nya sa akin gaya ng pagiging malambing at pagiging open sa akin, shy type kasi ako ehh at hindi basta-basta nag-oopen ng mga personal na bagay.


Pero dahil kami nanga ni Sedrick ay pinili ko nang mag-open ng mga bagay na bumabagabag sa akin at mga mapapait kong nakaraan, gaya ng namatay kong kuya na na hit and run, yung pagbagsak ng negosyo ng magulang ko noon at kung papaano kami nakabangon. Halos abutin kami ng gabi sa kakakwento at hindi ko napansin ang oras pero ayus lang dahil sya naman ang kasama ko.


Inihatid ako ni Sedrick sa bahay para daw makauwi ako ng safe


“halika pasok ka” ang ang paanyanya ko sakanya bago pumasok.


“wag na nakakahiya naman” ang sagot ni mayabang.


“sige na pasok kana please” ang pag susumamo ko.


“hindi ba nakakahiya sa mga magulang mo?” ang tanong nito.


“hindi yan, mababait sila, yung ngang huli kong bisita at fractured lang sa likod ang inabot after paluin ni papa ng baseball bat” ang pangloloko ko sakanya.


“ah eh may gagawin pa pala ako sa bahay diba may assignment tayo, sige una nako” ang pagpapalusot nito halatang takot.


Hindi ko mapigilan ang tawa at humagikgik ako sa harap nya.


“ang cute mo palang matakot” ang tatawa-tawa kong sabi
“joke lang yun, mabait ang tatay ko lalo na si mama kaya pumasok kana” ang dagdag ko pa.


“sige nanga” ang pagpayag nito.


Pumasok kami na halata kay yabang na natatakot pa rin.


“hi ma, musta work” ang bungad ko kay mama.


“o anak ang late na ahhh eleven na ng gabi bakit ngayon kalang?” ang tanong ni mama at napatingin sa likod ko at nakita si Sedrick “pakilala mo naman kami sa poging bisita mo anak”


“ahh kasi kumain nalang kami nitong  classmate ko sa labas si Sedrick” ang tugon ko sabay turo kay Sedrick


“anak sino yang bisita mo?” ang tugon ni papa na kalalabas lang ng banyo.


“Pa si Sedrick po, classmate ko at groupmate ko” ang tugon ko rito.


“good evening po tita, tito” sabay beso sa Mama ko at shakehands naman sa Papa.


“good evening din Sedrick, gusto nyo bang kumain ulit? May ulam tayo dyan sa ref. wait lang kukunin ko.


“wag na po tita” ang pagtanggi nito pero kinontra ko ito.


“nako ma sige, paghanda nyo na’to nahihiya lang yan, para ngang kargador kung kumain yan eh” ang pangiinis ko at napakamot lang ito sa ulo.
Dumaretso kami sa may sala kasama sina mama at papa  natawa ako kasi parang alam na nilang mag kasintahan kami  samantalang hindi panga nila alam na malambot pala ang puso ko na kahit ako ay kelan ko lang nalaman, nagpaalam ako kay Sedrick na magbibihis muna ako sa taas ng kwarto at halatang ayaw nitong magpaiwan dahil nahihiya itong si mama at papa lang ang kasama.


Habang nagbibihis ako ka kwarto ay nangingiti ako ng sobra, kasi ang sarap inisin ni Sedrick hindi man ito pikon sa iba pero pagdating sa akin ay parang batang tumitiklop, after kung mag-bihis ay bumaba na ako na may maloko paring ngisi sa akin.


Napawi ang maloko kong ngisi nang bumaba ako at marinig ko ang tawanan ng tatlo
abat! Mukhang nadala na si mama at papa sa charming ni Sedrick ah ang nasabi ko sa sarili ko.


nang Makita ako ni mama na pababa


“anak dito nalang matutulog si Sedrick, dahil masyado nang malalim ang gabi” ang tugon naman ni mama na ikinagulat ko.


Nakatingin naman sa akin si Sedrick sa akin at may malokong ngiti at patangotango pa halatang may iniisip na kalokohan ang mayabang.


“naku! Baka hanapin yan sakanila” ang di ko pinahalatang di pagsang ayon.


“hindi ok lang po tita, tutal na text ko na po ang mga magulang ko” ang tugon nito na nakatingin parin sa akin at may malokong ngiti.


“osya, anak iakyat mo na si Sedrick sa kwarto mo tutal ayaw nya ring kumain at pahiram mo nalang ng damit mo at  bagong biling brief mo” ang tugon naman ni mama sabay pasok sa kwarto nila ni papa.


At kami rin naman,


pagpasok namin sa kwarto.


“wow ang laki naman ng kwarto mo baby bro!” ang pagpuri nito sa kwarto ko.


Tumango lang ako at tumungo sa cabinet para maghanap ng papahiram sa kanya halata ang pagkakilig at pagkatuwa pero kung wari ay naiinis ako.


Binato ko yung mga damit at twalya na papahiram ko sa kanya, alerto naman ito dahil nasalo nya naman ito kahit nag mamasid-masid sa silid ko at nakaupo.


“sige na, maligo kana! At ang baho muna” ang sambit ko rito pero ang tutuo ay kahit hindi na ito maligo ay mabango at gwapo pa rin itong tignan.


Tumayo naman ito at dinaanan nya ako papuntang banyo


“lagot ka sa akin mamaya” ang pabulong nitong sabi sa akin gamit ang nangaakit na boses sabay karipas sa banyo.


Hindi ko alam kung ano ang gusto nitong ituran pero kinabahan ako bigla, naging balisa ako sa binulong nya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paikot-ikot ako hanggang sa maupo ako sa may kama at nag iisip makalipas ang ilang minuto.


Narinig kong biglang bumukas ang banyo sa may kwarto ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng Makita ko si Sedrick.







Itutuloy...

12 comments:

Anonymous said...

first! astig ng chapter na to!

Anonymous said...

mabilis ang mga kaganapan peo iteresting every chapter haha nakaka2wa c sedrick agresibo at mablis dumiskarte!

Empire027

Anonymous said...

mukhang magiging matagal ang magiging seryoso nilang away, nasesense ko na hmmmm

Coffee Prince said...

lecheeeeeee , . . ,
hahahahahah! XD

kilig MUCH! =">
ikaw na! ikaw na ang gusto RIN ng crush mo . .

ayoko sanang maging KJ .. pero . . totoo kaya ang mga ipinapakita ni Sedrick . .
ang sikat na bully sa scul, titiklop at magkakagusto sa kapwa nya lalaki ? . .

hmmmmmm . . .

Thanks kuya Polo ~
#i love it

Anonymous said...

may naamoy akong malaking lihim tungkol sa pamilya ni sedrick na may kinalaman sa pamilya ni prince... humanda kana prince hehe =dereck=

--makki-- said...

mukhang may something itong si Sedrick ah? hmmm.. maxadong mabilis ang mga pangyayayari eh... ano kaya plano nito? ayayyayay! huwg nman sana.. :D

robert_mendoza94@yahoo.com said...

naku! naku ! aman. he he he he

Anonymous said...

Kkkilig.... Interesting....at scary s mga ssunod n chapters..... D pdng wlng conflict at puro saya..... Nice apol...nxt chap na! :)




-drew-

Anonymous said...

ang daming prediction ahh..... >.<
pero tignan nalang natin... basta support my Story =D

thanks coffee P. at sa lahat ng nagbabasa nito... hope you liked it...

=apollo22 at your service! =D

DownDLine said...

anak ng tokwa't baboy oo..

hahaha...kinikilig si ako...LOL...

prince..you already!

Anonymous said...

Something's wrong...parang mabilis ata si sedric...princr wag mu ibaba guard mo...be attentive and alert...wag tatangatanga...

teddyRICHIE

Anonymous said...

fastest courtship ever!!...
i mean hindi mn Lng ngpa.kipot...
pra nman may thriLL...
hehehe...
but nice story though...

i have to agree wid my feLLow readers...
there's sumthng fishy about sedrick...
he's too fast...
i mean reaLLy fast...
hehehe...
can't wait nah for the next chapter...
keep up the good work author!!... :)



- edrich

Post a Comment