Heto na, narito na! Part 14 na tayo, ang pagwawakas. Muli, nais kong pasalamatan ang mga nagbigay ng kanilang komento sa kuwentong ito. Nakakaaliw basahin ang mga kuro-kuro ninyo, may mga tumama, may mga dumaplis lang hehe... Hayaan nyong sa huling pagkakataon ay laruin ko ang inyong guni-guni.
Will You Wait For Me? (Part 14)
Will You Wait For Me? (Part 14)
![]() |
Cover Photo by Makki |
Moy…
Moy…
Moy gising…
Gumising ako sa aking pagkakahimlay dahil sa pagtawag ng boses na musika sa aking pandinig…
“Tagal mo namang gumising…”
“Gising na’ko, huwag ka nang sumimangot diyan…” sagot ko naman sa nakasimangot na si Jayson.
“Eh kasi naman kanina pa kita hinihintay gumising, naiinip na ‘ko.” Sagot naman niya.
“Sus!
Tampo-tampo… ‘Di bagay.” Sagot ko naman at ninakawan siya ng halik sa
labi. ‘Di naman ako nabigo dahil yun ang nagbura ng simangot niyang
labi, napalitan ng matamis na ngiti.
“Kaw ha, nananyansing ka. Bad yun!”
“Weh? Yun nga ang gusto mo eh.” Sagot ko naman.
“’Di rin.”
“Okay, kung hindi na eh di hindi.” Sagot ko’t bumangon na ako mula sa mga damong kinahihigaan ko.
“Teka lang…” sambit niya’t pinigilan ako sa pagtayo. Naupo nalang ako’t humarap sa kanya.
“Bakit?”
“Uhmm… Pwede isa pa?” nahihiya niyang sagot.
“Kala ko ba ayaw mo?”
“Kanina yun, ngayon gusto ko na.”
“Palusot! Hump!” gigil kong sagot at hinalikan nga siya sa labi.
“Talap talap naman.” Parang bata niyang wika matapos ko siyang bigyan ng halik.
“Naman! Madalas mo ngang nakawin ang halik ko nuon eh.”
“Hindi rin.”
“Hindi daw. Mamatay na ang sinungaling.” Sagot ko.
“Hahaha patawa ka talaga Moy.”
---==O==---
“Ji-ji… Gising Ji-ji…”
Iminulat ko ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang nakikita ko pero naaninag ko agad ang mukha ng mapagmahal kong nanay.
“Nananaginip ka yata Ji-ji? Ang ganda ng ngiti mo eh.” agad niyang tanong sa’kin.
Bigla kong naalala si Jayson. Napabalikwas ako’t agad na kinamusta ang lagay niya.“Ay nay! Si Jayson po?! Kamusta na siya?”
Napabuntong hininga si nanay. “Okay na ang lagay niya anak pero—— Wala pa kaming nakikitang donor.”
Awang
awa ako sa kalagayan ni Jayson. Ilang linggo na rin ang nakakaraan mula
nang maaksidente siya. Magpasahanggang ngayon ay wala pa rin silang
makitang donor. “Eh nay, nandiyan ba sina ninong at ninang? Gusto ko
silang makausap eh.” Tanong ko sa kanya.
“Nasa
kabilang kuwarto sila, kay Jayson. Tungkol saan ba ang gusto mong
pag-usapan nyo ng ninong Jayson at ninang Trisha mo?” nagtatakang tanong
naman ni nanay.
“G-gusto ko po kasing—” hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sa pagbukas ng pinto.
“Oh hayan na pala sila eh.”
Halatang nagtaka sina ninong at ninang nang marinig ang sinabi ni nanay. “Bakit?” ang sabay nilang naitanong.
“Gusto kasi kayong kausapin netong si Ji-ji. May sasabihin daw.” Sagot naman ni nanay.
“Tungkol saan ba anak?” tanong ni ninong sa’kin sabay upo sa tabi ko.
“Mamaya
na yan. Kumain ka na muna Gian para lumakas ka. Ito talagang ninong mo
hindi marunong mag-alaga, ‘di ka man lang muna kinamusta.” Sabad naman
ni ninang na inilapag ang dala niyang basket ng prutas sa mesa. Kumuha
siya ng orange at binalatan ito.
“Ako na naman ang nakita mo. Ikaw talaga Trisha… Kung ‘di lang kita mahal eh—” Sagot naman ni ninong sabay bitin ng sinasabi.
“Kung ‘di mo lang ako mahal, ano?” sumusubok na tanong ni ninang.
Hinawakan
ni ninong ang kamay ni ninang at hinila siya palapit at pinaupo sa tabi
niya. “Wala. Halika nga dito hon. May sasabihin daw ang anak nating si
Gian eh.” Paglalambing nito. Panakaw na hinalikan ni ninong si ninang
sa labi. Namula ang mukha ni ninang at halatang kinilig.
“Nananadya ba kayong dalawa?” parinig naman ni nanay na naka-upo naman sa kabilang gilid ng kamang kinahihigaan ko.
“Hay naku! Sorry Emily. Heto kasing kumpare mo eh.” Sagot naman ni ninang at pinalo si ninong sa balikat.
Natawa
ako sa kanilang tatlo. Kahit may edad na’y sweet pa rin sina ninong at
ninang, marahil ay naiinggit si nanay sa nakikita. Kung buhay pa kaya si
tatay ganito din kaya sila ni nanay ka-sweet?
“Heto
anak, kainin mo muna ito.” Si ninang sabay abot ng binalatan niyang
prutas. Inalalayan naman ako ni ninong upang maka-upo ako ng maayos.
“Salamat po ninang, ninong.” Sagot ko naman.
“Ano ba yung sasabihin mo anak?” muling tanong ni ninong.
“Lalabas na muna ako para makapag-usap kayo.” Sabi naman ni nanay na akmang tatayo na upang lumabas.
“Nay dito lang po kayo. Gusto ko ring marinig niyo ang sasabihin ko.” Pagpigil ko sa kanya.
Nagtinginan silang tatlo. Matapos ay tinignan nila ako. “Seryoso ata yan anak ha. Ano ba yun?” si ninang.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. “Gusto ko pong magpa-test. Gusto ko pong maging donor ni Jayson.”
Halatang
nabigla sila sa aking ipinahayag base na rin sa paglaki ng kanilang mga
mata’t tila natulala. ‘Di nila inaasahan ang aking sinabi. “S-sigurado
ka ba anak?” tanong ni ninong samantalang si nanay ay naluha sa sinabi
ko. Si ninang naman ay yumuko’t ikinubli ang mukha sa balikat ni ninong,
marahil ay umiiyak din siya. Pinatahan siya ni ninong sa pamamagitan ng
pag-akbay at pagsubsob sa mukha ni ninang sa kaniyang dibdib.
“Sigurado po ako ninong. Matagal ko na pong napag-isipan ito.” Sagot kong puno ng paninindigan.
---==O==---
“Hindi ba malalim yan?” tanong niya’t mahigpit na nakahawak sa braso ko.
“Hindi, tignan mo.” Sagot ko
at lumusong ako. Hanggang baywang ko lang naman ang tubig doon kapag
puno, pero dahil kakabukas lang ng patubig ay hanggang binti ko pa lang.
“Wala bang piranha diyan?” tanong pa niya, nagdadalawang isip.
Natawa ako sa tanong niya,
alam ko lang sa panahon na yun ang mga piranha ay makikita sa Super
Mario games. “Wala no! Hali ka na, malamig yung tubig masarap maligo!”
pagpilit ko sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi
ang lumusong sa tubig. ‘Di nagtagal ay nagustuhan na niya at halatang
aliw na aliw na siya sa mga buteteng lumalangoy. Nagtampisaw kami nang
nagtampisaw, tawanan, habulan.
“Bakit ganyan ang mata mo? Pusa ka ba?” bigla niyang tanong sa’kin.
“Hindi! Sabi ni nanay nakuha ko kay tatay ito. Pareho kami ng mata!” sagot ko naman.
“Pwede din ba akong humingi sa tatay mo ng mata? Sana bigyan din niya ako.” nakangiti niyang sabi.
“Sige sabihin mo kay tatay
mamaya, isasama kita sa bahay.” Sagot ko naman. Nakakatawa lang kasi
kapwa kami inosente sa mga panahong yun, akala ko din nilagay ni tatay
yung mata sa’kin kaya kakaiba ang mata ko.
---==O==---
Naalala
ko ang unang araw na nagkakilala kami ni Moy… Aliw na aliw siya sa
pagtingin sa mga mata ko. “Bata pa lang po kami nagustuhan na ni Moy ang
mata ko, matutuwa po siya kapag ibinigay ko ang mga mata ko kay
Jayson.”
Tumingin si ninong kay nanay. Iyak pa rin siya ng iyak. “K-kung yan ang desisyon mo, anak, hindi ako tumututol.”
“Salamat po nanay.”
“Kailan mo gustong magpa-test?” tanong ni ninong.
“Ngayon na po sana kung pwede. Gusto ko pong malaman kung match kami.” Sagot ko naman.
“Sige.
Sasabihan ko yung doktor para maisagawa na ang test sa’yo.” Sagot naman
ni ninong. Tumayo siya’t lumabas upang puntahan ang doktor ni Jayson.
Naiwan kami nina ninong at nanay. Kapwa sila hindi makatingin sa akin.
Pilit nilang ikinukubli ang kanilang kalungkutan.
’Di
naman nagtagal ay pumasok na yung doktor na tinawag ni ninong, kasama
ang dalawang nurse na mag-aassist. Kinausap niya ako’t tinanong ng mga
bagay-bagay habang kinukuhanan ako ng sample ng nurse na kasama niya.
“Doc, kung pwede po sana, kunin na ninyo ang mga mata ko sa lalong madaling panahon.” Sabi ko sa doktor.
“Anak?!”
biglang sambit ni nanay na may kataasan ang boses nang marinig ang
sinabi ko. “Buhay ka pa naman, bakit gusto mong mawalan ng paningin?
Ayaw mo na ba talagang makakita?!” at muli, siyang naiyak.
“Nanay…
‘Di na rin naman po ako magtatagal at tanggap ko na po yun. Ang gusto
ko lang po ay makakitang muli si Jayson bago pa ako pumanaw. Gusto ko
pong i-describe niya sa’kin ang mga bagay sa paligid niya, gusto ko po
siyang marinig na tumawa dahil sa mga nakikita niya. Nay, mahalaga sa
akin si Jayson, alam niyo yan. Sana’y maintindihan po niyo ako.”
Paliwanag ko kay nanay.
Patuloy lang siya sa pag-iyak na parang hindi narinig ang mga sinabi ko. “Nay…” muli kong pagtawag ko sa kanya.
Nagpunas naman siya ng luha at nakita kong pinilit niyang magpakatatag. “I-ikaw ang bahala.”
“Salamat nay.”
Natapos
ang test at nag-match nga kami. Agad nilang isinagawa ang operasyon
upang kunin ang ang mga mata ko na ililipat nila kay Jayson. Kinakabahan
ako nang dinala ako sa operating room. Natatakot ako. Maraming
katanungan ang tumatakbo sa aking isip; Paano kung hindi maging
matagumpay ang operasyon? Paano kung ‘di tinanggap ng katawan ni Jayson
ang mata ko? Natatakot akong masayang ito. Pero kailangan kong tatagan
ang loob ko. Hindi makakatulong kung negative ang iniisip ko.
Nararamdaman
ko na ang pagtalab ng pampatulog na itinurok nila sa’kin. Napapadasal
ako ng putol-putol. Kinakabahan ako. Unti-unti ay bumibigat ang mga mata
ko. Unti-unti ay nahulog na ako sa malalim na pagkakahimlay. This is
it!
Makalipas ng dalawang buwan…
“Jayson!
Jayson bumaba ka na riyan!” sigaw ni ninang na parang taong bundok.
“Antayin mo lang Gian, anak ha? Alam mo naman yang batang yan,
napakakupad.” Dugtong pa niya na sinagot ko naman ng ngiti.
“Nariyan
na po!” sigaw na sagot naman ni Jayson. Kasunod nuon ang tunog ng
pagsara ng pinto. Dinig na dinig ko ang mabibilis niyang yabag. Patakbo
siyang bumaba ng hagdan.
“Ang tagal mo naman. Ikaw talagang bata ka, manang mana ka sa daddy mo!” sambit ni ninang.
“Ehh
ayoko pong pumunta ng sementeryo. Pinipilit nyo pa ako.” sagot niya.
Natitiyak kong nagkakamot siya ng ulo dahil nakagawian na niya yun kapag
napagsasabihan ni ninang.
“Okay
na po ninang, ang importante nandito na siya.” Pag-awat ko kay ninang.
“Tara alis na tayo. Dadalawin lang natin ang daddy mo para batiin siya
sa birthday niya tapos mamamasyal tayo.” Sabi ko’t inilahad ko ang kamay
ko. Naramdaman ko naman ang mainit na palad ni Jayson na humawak sa
kamay ko, mahigpit. Napangiti ako.
“Tayo
na po nay.” Sabi ko kay nanay na siyang tumutulak sa wheel chair na
sinasakyan ko. “Ninang alis na po kami. Sigurado po kayong hindi na kayo
sasama?”
“Hindi na. Umuwi kayo agad ha? Magluluto ako ng spaghetti at pansit.”
“Opo.” Sagot ko naman.
“Sige
na Trisha, aalis na kami para makauwi kami agad.” Naramdaman ko na ang
pagtulak ni nanay ng wheel chair. Hindi naman bumitaw si Jayson sa
paghawak sa kamay ko kahit nasa sasakyan na kami.
Pagdating ng sementeryo ay pinuntahan namin agad ang puntod ng daddy ni Jayson.
“Iwan ko muna kayo dito. Puntahan ko lang ang puntod ng tatay mo.” Paalam ni nanay.
“Opo
nay.” Sagot ko. “Dito ka lang. Samahan mo ako.” sabi ko naman kay
Jayson. Natuwa naman ako dahil hindi nga siya bumitaw sa’kin. Narinig ko
na ang tunog mg mga paa ni nanay na papalayo.
“Happy
Birthday, daddy. Sana po masaya kayo diyan. Wag po kayong mag-alala
okay lang po kami dito.” Dinig kong sabi ni Jayson, nakikipag-usap siya
sa daddy nya. Napangiti ako. Pinisil ko ang kamay ni Jayson.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago simulan ang sasabihin. “Happy birthday… Moy.”
---==O==---
“A-ako
naman ang pumrotekta sa’yo this time Moy… M-masaya na a-ako.” sabi niya
na may pilit na ngiti. May naramdaman akong mainit na likido sa may
hita ko. Pagtingin ko’y dugo. Nagulat ako. Tinamaan siguro si Jayson
kanina. Bakit hindi niya sinabi?
Binuhat
ko siya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas upang buhatin
siya. Hindi ko na yun inintindi dahil na rin sa pagkatarantang aking
nararamdaman. “Tuloooong!” Tulongan nyo kameee!” sigaw ko sa mga taong
nanonood sa’min. Mabuti nalang at may dumaang trike, isinakay ko si
Jayson at sinabihan ang driver na dalhin kami sa pinakamalapit na
ospital.
“Moy huwag kang bibitaw… Please… Malapit na tayo sa ospital.” Naiiyak kong bulong sa kanya habang yakap ko siya sa trike.
“’Di
k-ko na k-aya Moy… H-hihintayin nalang kita—— Duon—” tugon niya.
Halatang hirap na siyang huminga. Parang dinudurog ang puso ko sa
nakikita at naririnig ko sa kanya.
“Huwag
kang ganyan! Moy Huwag ka namang sumuko oh. Ipangako mong hindi ka
bibitaw Moy. Mahal kita Moy, huwag mo akong iwan!” ‘Di ko na napigilan
pa ang pagtulo ng luha kong kanina ko pa pinipigilan.
“Anong
nangyari?!” bungad ni nanay nang makita niya ako sa harap ng emergency
room ng ospital. Napatayo ako’t sinalubong siya ng yakap.
“Tinamaan po siya ng ligaw na bala nay.” Umiiyak kong tugon.
“Ano?! Alam na ba yan ng ninong mo?” gulat na gulat si nanay.
“Hindi pa po.” Sagot ko naman.
“Sige dito ka lang. Tatawagin ko lang sila.”
Dumating silang tatlo sa kinaroroonan ko.
“Kamusta na si Jayson?” agad na tanong sa’kin ni ninong. Bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala.
“Hindi pa po lumalabas ang doktor.” Sagot ko naman.
“Anu bang nangyayari? Bakit sabay-sabay naman.” Naiyak na wika ni ninang.
“Kamusta po si Diana?” bigla kong naitanong kay ninang, nakaligtaan ko na ang tungkol sa kanya dahil sa pag-aalala kay Jayson.
“Masama.
Sabi ng doktor kailangan naming mamili kung sino ang isasalba, kung si
Diana ba o yung anak nila.” Nabigla din ako sa balita. Bakit nangyayari
sa’min ang ganito?
Sa
tagpong iyon ay dumating ang nanay ni Diana. Mugto ang mga mata, dahil
siguro nabalitaan na din niya kung ano ang nangyari sa anak niya.
“Nasaan ang anak ko?” bungad niya sa’min. Inakay naman siya ni ninong
papunta sa kinaroroonan ni Diana.
Lumabas
ang doktor mula sa emergency room. Sinalubong naman agad siya nina
ninang at nanay habang ako naman ay nanatili sa kinatatayuan ko. Parang
ayokong marinig ang sasabihin ng doktor base na rin sa malungkot na
mukha nito.
“Doc kamusta ang anak ko?”
“I’m sorry misis, ginawa namin ang lahat…”
“A-anong
ibig mong sabihin? Anong ginawa niyo ang lahat?! Sabihin mo doktor na
buhay ang anak ko! Sabihin mong buhay si Jayson!” pagsisigaw ni ninang
na napakapit sa doktor at napaluhod na wari’y nagmamakaawa.
“I’m sorry po, hindi namin siya nagawang isalba. Wala na po siya.”
Para
akong pinukpok ng kawali sa ulo sa narinig. Hindi ako makapaniwala.
Kanina lang masaya pa kaming magkasama, kanina lang buhay na buhay
siya’t nangungulit, kanina lang masaya kami. “Hindi… Sino ka sa akala mo
para sabihing wala na si Moy?! Hindi ka Diyos para sabihing patay na
siya!” ang sigaw ko na ikinagulat naman nila. “Buhay si Moy… Buhay si
Jayson!!!” sa puntong iyon ay nilapitan ako nina nanay at ninang at
niyakap ako upang patahanin.
“Nay
sinungaling siya! Buhay si Moy eh… Masaya pa kami kanina eh. Magiging
tatay na siya ‘di ba? Hindi niya iiwan ang anak niya— Hindi niya kami
iiwan! Sinungaling ang doktor na yan!” sigaw ko.
“I’m really sorry.” Ang tanging isinagot ng doktor at tuluyan nang umalis.
Hindi
ko matanggap. Nagngangawa ako dun na parang wala nang bukas. Gumuho ang
mundo ko. “Gusto ko siyang makita… Nay, puntahan natin si Jayson nay…
Hinihintay niya ako.” sabi ko.
“Huwag muna anak, hindi makakabuti sa’yo ang makita siya ngayon.” Sagot naman ni nanay.
“Hindi
nay, gusto ko siyang makita. Nay tignan natin siya!” pagpupumilit ko.
Wala nang nagawa sina ninang at nanay kundi ang samahan ako.
Hinawakan
ko ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Nanginginig ang kamay ko,
parang ayokong hilahin ang kapirasong tela na hawak ko. Lumunok ako,
huminga ng malalim. Unti-unti ay hinila ko ang kumot. Unti-unti ay
bumungad sa akin ang mukha ni Jayson. Muli akong napahagulgol.
“Moy!!!
Bakit ganyan ka?! ‘Di ba sabi ko huwag kang bibitaw? Moy napakadaya mo
naman eh!!!” Hindi ko pa rin matanggap. Bakit ganun? Bakit sa paglisan
niya nagawa pa niyang ngumiti? Nananadya ba siya?! Nakangiti siya sa
kabila ng pighating aking nararamdaman. Nakangiti siya sa kabila ng mga
luhang hindi mapatid ang pagdaloy sa aking pisngi.
Ilang
oras na akong nakaupo, ilang oras na akong tulala. Nagluluksa ang
puso’t isip ko sa ‘di ko inaasahang pangyayari. Napaka-unfair ng
tadhana. Kung kailan handa na ako— Kung kailan inamin ko na sa kanya ang
tunay kong nararamdaman— Kung kailan tanggap ko na ang damdaming ito—
Saka pa siya mawawala.
Biglang
may umupo sa aking tabi sabay tapik sa aking balikat. Tinignan ko siya,
si ninong. “Gian, anak. Alam kong masakit para sa’yo ang mga nangyari.
Alam ko ang nararamdaman mo at naiintindihan kita dahil ganyan na ganyan
din ang naramdaman ko nang mawala ang tatay mo.”
“Ninong masakit kasi eh. Bakit kailangan niyang mawala? Bakit kailangan niya tayong iwan?”
“Ang
paglisan ng isang mahal sa buhay—— Sa mga naiwan, ang sugat ay palalim
nang palalim. Ang mga naiwan ay pahina nang pahina ang kalooban, isang
paghihirap na walang kapares, mga puso’y nakagapos. Sino nga ba ang mga
naiwan? At sino tunay na lumisan?”
Napatingin
ako kay ninong. Kitang kita ko ang kalungkutan at pagluluksa sa mukha
niya. Duon lang ako natauhan. Hindi lang ako ang naiwan, hindi lang ako
ang naulila ni Jayson. Napakamakasarili ko. “Ninong Jayson…” lang ang
aking naitugon… hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang kalungkutang
nararamdaman niya na kung tutuusin ay mas higit silang nakakaramdam ng
pangungulila.
“Pero
magkaganun pa man, tuloy ang buhay. Ang bawat kalungkutan ay may
katapat na ligaya. Ang bawat pangungulila ay masusuklian ng pagmamahal
ng mga naiwan. Ang pagluluksa ay magwawakas din— mapapalitan ng
kagalakan.” Makahulugang wika ni ninong.
“Tama
po kayo. Hindi matutuwa si Jayson pag nakita niya tayong nalulungkot.”
Ang sabi ko. Isang pilit na ngiti ang ipinakita ni ninong sa’kin.
Pinilit ko ring ngumiti. Pinilit naming magpakatatag. Naalala ko ang
sinabi ni Jayson kanina lang... 'Hihintayin nalang kita duon...'
Moy... Hintayin mo ako... Ipagpapatuloy ko ang buhay para sa'yo. Mahal na mahal kita Moy. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Kaya't hintayin mo lang ako, magkakasama din tayo.
Nasa ganoong lagay kami ni ninong nang makita namin si ninang na humahangos. Patakbo siyang lumapit sa’min. “Hon, nakapanganak na siya!” ang balita niya nang makaipon ng hininga.
Moy... Hintayin mo ako... Ipagpapatuloy ko ang buhay para sa'yo. Mahal na mahal kita Moy. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Kaya't hintayin mo lang ako, magkakasama din tayo.
Nasa ganoong lagay kami ni ninong nang makita namin si ninang na humahangos. Patakbo siyang lumapit sa’min. “Hon, nakapanganak na siya!” ang balita niya nang makaipon ng hininga.
Nagkatinginan
kami ni ninong. Ang kaninang kalungkutan ay biglang napalitan ng tuwa.
Agad kaming tumayo upang tignan ang bata sa nursery. Kinatok ni ninang
yung glass window at may ipinakita siyang papel. Binuhat nung nurse yung
bata upang makita namin. Nangilid ang luha ko——
“Si Jayson.” Ang nasabi ko dahil kamukhang kamukha niya ang anak niya, ni wala kang makikitang pinagmanahan niya kay Diana.
“Oo anak, si Jayson— Siya si Jayson.” Sambit ni ninong.
Pumanaw
si Diana matapos niya ipinanganak ang sanggol… Alam kong mahirap para
sa nanay niya ang naging desisyon niya pero, alam niyang mas makakabuti
kung ang bata ang isalba. Naging pabaya si Diana habang nagbubuntis.
Umiinom, naninigarilyo, at nung minsan nga ay nahuli pa siyang
humihithit ng damo. Nakakaawa nga lang dahil pati ang bata ay
naapektuhan ng ginagawa niya.
Napansin
naming wala yatang sense of direction ang bata dahil hindi siya
tumitingin sa’min. Tinanong namin ang doktor, nalaman naming ipinanganak
na bulag pala ang bata. Naawa ako subalit wala kaming makitang donor
para sa bata. Magkaganuon man, naging mabuti naman ang paglaki niya
maliban sa pasumpong-sumpong na hika.
Babang
luksa nuon ni Moy nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Nung unang
nagpa-chekup ako’y sinabi ng doktor na anemic ako kaya hindi ako
nag-alala. Ngunit sa paglipas ng mga araw, napapadalas ang pagkahilo
ko’t pagkahimatay. Nang magpa-chekup ako’y nagitla ako sa sinabi ng
doktor, may leukemia daw ako.
Nung
una’y hindi ko matanggap. Inilihim ko ito kay nanay, pati na rin kina
ninong at ninang dahil ayoko silang mag-alala. Sa paglipas ng mga araw,
linggo, buwan, taon— hindi ko na nagawang itago pa ito. Nabigla din sila
nang ang doktor mismo ang nagsabi sa kanila nang dalhin nila ako sa
ospital nang himatayin ako kasabay ng pagkakaaksidente ng musmos na si
Jayson Maliwat III o Third. Hinihintay namin si ninang nuon sa harap ng
bahay nila nang himatayin ako’t nabitawan si Third. Kasunod nuon ay
nasagasaan ang bata dahil hindi nga niya nakikita ang nilalakaran niya.
---==O==---
“Pitong
taon na din ang nakaraan Moy… Pasensya ka na kung pinaghintay kita ng
matagal ha? Malapit na kitang makita ulit. Nga pala, ibinigay ko kay
Third ang mga mata ko. Hindi ba gusto mo rin ng mata ko nuon? Hindi nga
lang kasama yung kulay pero mata ko pa din yun. Nakakatuwang isipin na
ang batang kamukhang kamukha mo’y taglay ngayon ang aking mga mata.
Parang anak ko na rin siya... Anak natin Moy.”
“Gusto
na kitang makausap Moy, miss na miss na kita… Miss ko na ang nakaraang
pinagsaluhan natin… Kung alam ko lang na mawawala ka sa’kin nuon eh ‘di
sana hindi ako nagpadala sa takot ko… Nagsisisi ako dahil sa pagbale
wala ko sa ipinaparamdam mong pagmamahal… Lahat ng paghihirap sa
nagdaan, pati ang pangungulila ko sa pagkawala mo, kinaya ko dahil sa
pangako mong binitawan nuon——— Ang pangakong hihintayin mo ako.”
“Ninong sino pong kausap mo?” biglang tanong ni Third sa’kin.
“Ang daddy mo.”
“Nasaan po siya?” inosente niyang tanong sa’kin.
“Nasa langit.”
“Ninong kailan ko po siya makikita?”
“Matagal pa yun Third. Pero hayaan mo, pag nagkita na kami sasabihin ko miss na miss mo na siya.”
“Hmmm… Ninong.”
“Bakit?”
“Thank you po…”
Naramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi. Napangiti ako.
“Alagaan mo sina lolo at lola mo ha? Pati si lola ninang mo.” Habilin ko sa kanya.
“Opo ninong.”
Ngumiti ulit ako.
Nakaramdam
ako ng malamig na hanging dumampi sa aking balat. “Moy? Naiinip ka na
ba talaga?” ang naitanong ko. “Hintayin mo lang ako Moy… Nariyan na
ako….”
Iminulat
ko ang aking mga mata. Nasilaw ako sa labis na liwanag na bumungad sa
akin. Unti-unti ay nasanay ang aking paningin sa liwanag. Tinignan ko
ang buong paligid. Isang malawak na hardin ang kinaroroonan ko.
Nakaramdam ako ng pagod kung kaya muli akong nahiga. Para akong
naglakbay nang napakalayo.
Moy…
Moy…
Moy gising…
Isang
pamilyar na tinig ang aking narinig. Dahan-dahan kong iminulat muli ang
aking mga mata. Bumungad sa akin ang mukha ng lalaking aking minamahal.
Napangiti ako.
“Tagal mo namang gumising…”
“Gising na’ko, huwag ka nang sumimangot diyan…” sagot ko naman sa nakasimangot na si Jayson.
“Eh kasi naman angtagal kitang hinihintay, nainip na ‘ko.” Sagot naman niya.
“Nandito na ‘ko, bakit nakasimangot ka pa din?” tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot, bagkus ay tumingin siya sa malayo. Bahagya siyang ngumuso na parang bata.
“Sus yun lang pala ang gusto!” sabi ko’t ninakawan siya ng halik sa labi.
“Kaw ha, nananyansing ka. Bad yun!”
“Weh? Yun ang ang gusto mo eh.”
“’Di rin.”
“Okay, kung hindi na eh di hindi.” Sagot ko’t bumangon na ako mula sa mga damong kinahihigaan ko.
“Teka lang…” sambit niya’t pinigilan ako sa pagtayo. Naupo nalang ako’t humarap sa kanya.
“Bakit?”
“Uhmm… Pwede isa pa?” nahihiya niyang sagot.
“Kala ko ba ayaw mo?”
“Kanina yun, ngayon gusto ko na.”
“Palusot! Hump!” gigil kong sagot at hinalikan nga siya sa labi.
“Talap talap naman.” Parang bata niyang wika matapos ko siyang bigyan ng halik.
“Naman! Madalas mo ngang nakawin ang halik ko nuon eh.”
“Hindi rin.”
“Hindi daw. Mamatay na ang sinungaling.” Sagot ko.
“Hahaha patawa ka talaga Moy. Patay na talaga tayo no!”
“Pero ikaw patay talaga… Patay na patay sa’kin.” Sagot ko naman.
“Ang kapal!”
“Mahal mo naman!”
Ngumiti siya.
“I love you Moy…”
“I love you too… Moy”
“True love doesn't have a happy ending —
because true love never ends.”
-WAKAS-