by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Tulad ng ipinangako ko sinisikap ko na pong ibalik ang
posting schedule ko na every other day kaya heto na naman ako at ang aking
Chapter 13. Hihihihi Sana ay ma-enjoy niyo itong chapter na ito tulad ko na
walang humapay sa kakatawa habang ginagawa ito. Umandar na naman kasi ang
pagiging Adik ko.
Gusto rin po sanang sabihin na malapit na po tayo sa
Prologue ng estoryang ito kaya sana ay hanggang sa ma post ko ang karugtong
niyon ay nariyan parin kayo.
Randy – Na isa na
namang Silent reader na lumabas sa kanyang lungga. Hihihi Salamat naman iho at
nagpakilala ka na sa amin at nagparamdam kana. Welcome aboard and enjoy
reading! Ingatz!
Jeh, --ANDY, frontier, Yume, --Makki--, Raymund Of Bacolod,
Kristoff Shaun, Gerald, <07> (Kung di ako nagkakamali nag-comment karin
sa chances ko.), Randy, Jiru, -Drew-, Pangz, Jay-Ar, Russ, Edrich, =Dereck=.
Robert_Mendoza94@yahoo.com, Jazz0903, Master_lee#27, Brent_Angelo, at ang bunso
kong si Eusethadeus.
– Salamat guys sa comment niyo sa chapter 12 ko. Hihihi
nakakatuwang ang iba sa inyo ay muli nang nagbabalik na mag-comment. Keep it
up! LOL
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Kinabukasan, nauna akong nagising kay Martin. Agad na
gumuhit ang magandang ngiti sa mukha ko nang makita ang posisyon naming dalawa
habang natutulog. Nakadantay ang isang
kamay ni Martin sa akin habang ang ulo nito ay nagsusumiksik sa aking balikat.
Ilang minuto ko munang hinayaan ang sarili kong magsawa sa
posisyon namin. Hindi ko pa rin maiwasang pamulhan nang maalala ko ang
kahihiyang sinapit ko kagabi nang marinig nito ang mga papuri ko sa kanya.
Maingat akong tumayo sa kama para hindi ko maabala ang mahimbing pa rin nitong
tulog.
“Kulit mong gunggong
ka. Naisahan mo na naman ako kagabi.” Wika ko nang iayos ko ang kumot sa kanya.
Nakakatuwang pakinggan ang mahihina nitong hilik.
Muling gumuhit ang isang ngiti sa aking mukha.
“Thanks for taking good care of me Matt.” Pabulong kong wika
at nagpasya nang bumangon.
Gusto kong kahit papaano ay maibalik kay Martin ang ginawa
nitong pagbabantay sa akin kahapon. Alam kong ilang minuto lang ay gigising na
ito para pumasok sa kanyang trabaho kaya naman agad na akong dumiretso sa
kusina.
Nagsimula akong maghanda ng agahan para sa aming tatlo.
Minabuti kong hindi pakialaman ang mga pinamili ng mama nito at baka malintikan
pa ako. I was about to go open the can of beef loaf when I heard her mom.
“Ibinaba ko na kagabi mula sa freezer ang Hot Dogs at
Tocino. Kunin mo diyan sa may chiller.”
Walang imik na sinunod ko naman ito hindi pa rin mapuknat
ang saya sa mga mata ko. Hindi maaapektuhan ng mga pagtataray nito sa akin ang
napakagandang mood ko ngayong araw.
“Magkape na muna ho kayo.” Wika ko sabay abot sa kanya ng
isang tasa ng kape. “Kayo na ho ang bahalang maglagay ng asukal at coffee
mate.”
“Hindi ko pa nakitang mag-alala nang gano’n ang anak ko, ni
hindi nito nagawang kumain sa sobrang pag-aalala sa ‘yo kahapon.” Ang malumanay
na wika nito dahilan para mapalingon ako sa kanya. Jealous? Tama ba ang
nakikita ko sa mga mata nito?
Nagseselos ang ina
niya sa akin?
“I’m jealous.” Kapag kuwan ay wika nito na animo'y nabasa
nito ang tumakbong katanungan sa isip ko. “Ni minsan ay hindi ko nakitaan ng
gano’ng pag-aalala ang anak ko para sa akin… sa amin ng Papa niya. He hated us
for being a control freak parent to him.” Bakas ang lungkot sa boses at mga
mata nito.
Pinili kong hindi magkomento hindi sa takot ako rito kung
hindi gusto kong mailabas nito ang lahat ng dinaramdam nito.
“I’m one of the few women who has the difficulty of bearing
a child kaya naman sobrang natuwa kami noon ng Papa niya nang sa wakas ay
makabuo kami.” Wika nito habang nasa tasa ng kape nitong hawak ang kanyang
atensyon. “We treated Martin as if he was the most valuable treasure we have.
Nag-iisang anak lang namin siya, kaya naman sobra ang proteksyon na ginawa
namin ng Papa niya sa kanya.”
“Hindi ko alam kung saan kami nagkamali ng papa niya.
Ibinigay naman namin lahat ng p’wedeng maibigay ng mga magulang sa kanilang
anak. Car, credit card, magagandang damit, magandang bahay, pagkain… Everything
this world could offer pero imbes na mahalin kami ng anak namin ay napalayo pa
ang loob niya.”
“Dahil wala ho sa mga ibinigay niyo ang gusto ni Matt. Alam
ko ho iyon dahil simula pa no’ng nagkolehiyo kami, ako na ang naging sumbungan
niya.” Walang kagatul-gatol kong sabi.
Napatingin ito sa akin ng may pagtataka.
“Simula pa noon, gusto lang ni Matt na makuha ang suporta
niyo sa mga bagay na gusto niyang gawin. Nawalan siya ng tiwala sa sarili niya
noon kaya siya naging rebelde. Inisip niyang wala siyang kakayahang gawin ang
mga bagay-bagay kaya hindi niyo siya hinahayaang magdesisyon sa sarili niya.”
Para itong nauwi sa malalim na pag-iisip sa hitsura nito,
marahil ay pina-process nito sa kanyang isipan ang mga sinabi ko.
“Siguro nga tama ka.” Kapag kuwan ay wika nito. “Masyado kaming
nabulag sa kagustuhan naming mapaganda ang buhay ng anak namin dahilan para
hindi namin maipakita sa kanya ang pinakaimportanteng bagay na dapat ginagawa ng
isang magulang - ang suportahan ang
kanilang anak. I guess Martin was right. Hindi nga kami naging mabuting
magulang sa kanya.”
“Tao lang ho tayo na nagkakamali. Tila hindi lang ho
nagtugma pareho ang inyong mga inaasahan sa isa’t isa, kung kaya para kay Matt
parang kulang ang naipakita n’yong pagmamahal sa kanya, na wala naman talaga
kayong ibang intensyon kung hindi ang mapabuti siya. Hindi pa ho huli ang lahat
para kayo’y makabawi.”
“Huli na siguro kami.” Ani nitong bakas ang kawalang pag-asa
sa kanyang mga mata at hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot. Hindi ko
kayang makita sa ganitong ayos ang kahit na sinumang magulang na walang ibang
ginusto kung hindi ang maibigay ang lahat sa kanilang mga anak.
“Huwag ho kayong mawalan ng pag-asa. Walang anak ang kayang
tiisin ang kanilang mga magulang.” Hindi ko alam kung bakit wala akong makapang
kahit na anong pagtatampo sa puso ko para sa kanya kahit na hindi naging
maganda ang trato nito sa akin.
Muli ako nitong matamang tinitigan. Nakakailang ang ginagawa
nitong pagtitig sa akin na para bang inaarok nito kung totoo ba sa puso ko ang
mga pinakita’t sinasabi ko sa kanya. Pero sa halip na bumawi ng tingin ay
binigyan ko siya ng isang nang-uunawang ngiti.
“Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit gano’n nalang mag-aalala
ang anak ko sa ‘yo.” Wika nito na sinamahan pa nito nang isang ngiti. “Thank
you iho.”
Pinagtulungan namin ng ina ni Martin ang paghahanda ng
agahan na iyon. Kahit anong pangungumbinsi ko sa kanya na maupo na lang at
i-enjoy ang kape nito ay nagpumilit pa rin itong tulungan ako.
“Sa tingin ko hindi maganda ang bigas na nabili niyo.” Ani
nito habang nagsasandok ng kanin.
“Diyan lang ho namin kasi binili ‘yan sa kalapit na
tindahan.”
“Samahan mo ako mamaya’t tuturuan kita kung paano pumili ng
magandang bigas.”
“Sige po.”
“Wala rin akong nakitang water dispenser dito kaya mamaya
bibili ako. Hindi kayo dapat basta-basta umiinom ng tubig na galing sa gripo.”
Tango’t ngiti na lang ang itinugon ko rito. Kahit papaano
kasi ay naalala ko ang pagiging praning ni mama pagdating sa kalusugan namin ng
nakababata kong kapatid.
“Hindi ‘ata ako sanay na maingay ang bahay na ito.” Ang biglang
pagsulpot ni Martin.
Parehong nabaling ang atensyon namin ng kanyang ina sa
kanya. Kahit bagong gising ay
napakagwapo pa rin nitong tingnan.
“Good morning anak. Tamang-tama, katatapos lang naming
makapaghanda ng agahan para sa atin.” Magiliw na bati ng ina nito.
“Magkatulong kayong naghanda ng pagkain?” Ang tila hindi
makapaniwalang tanong nito sa akin.
“Yep!” Nakangiti kong sagot. “Kaya halika na nang hindi ka
ma-late sa trabaho mo.”
Kahit bakas pa rin ang pagkalito’t pagtataka sa mga mata
nito ay naupo na rin ito sa hapag. Panaka-naka itong sumusulyap sa akin na para
bang may gusto itong sabihin.
Naging masaya naman ang agahan naming tatlo. Hindi katulad
kahapon na halos walang mamutawing usapan sa mag-ina ngayon ay napapansin kong
unti-unti na ring nawawala ang harang na ginawa ni Martin sa kanyang ina at
natutuwa ako sa mga nangyayari.
Matapos makapag-agahan at makapagbihis ay agad na umalis si
Martin para pumasok. Hindi naman nagtagal ay sumunod na rin ang mama nitong
umalis para dumalo sa isang meeting sa bagong investor ng negosyo ng mga ito.
Napag-alaman ko rin na nagpla-plano na ang mga magulang nito na mag-expand ng
negosyo nila sa lugar na iyon na unti-unti nang umaangat.
Ilang araw ang lumipas at simula nang makapag-usap kami ng
mama ni Martin ay unti-unti nang nawala ang tensyon sa loob ng apartment namin.
Muli kong nakitaan ng pag-asa ang ina nitong maaayos pa niya ang samahan nila ng
kanyang anak. Nabawasan rin ang panlalamig ni Martin sa kanyang ina marahil ay
nakita nito ang effort ng kanyang ina na maibalik sa dati ang respeto’t
pagmamahal ng kanyang anak.
Naging masaya ang loob ng bahay namin habang dumadaan ang
mga araw. Katumbas ng saya na nakikita ko sa mga mata ng ina ni Martin ang
nararamdaman ko. Matapos akong alagaan ni Martin no’ng magkasakit ako ay naging
kakaiba na ang mga ikinikilos nito. Mas lalo na itong naging praning sa
kalusugan ko. Ang natural na pagiging maalalahanin nito ay lalo pang dumoble sa
mga nagdaang araw na nagpapalito sa akin ng husto. Lagi na rin itong nagtetext
tuwing lunch break namin sa opisina. Mga bagay na kahit anong pilit kong
mabigyan ng paliwanag ay hindi ko magawa at tila napakailap ng mga kasagutan.
Ilang araw pa ang lumipas at bumalik na ang ina nito sa
kanila. Ang buong akala ko ay babalik na sa normal ang lahat sa amin ni Martin
dahil wala nang rason para ipagpatuloy pa namin ang pagpapanggap ngunit wala
akong nakitang pagbabago sa pakikitungo nito sa akin. Nariyan pa rin ang
pagiging malambing, maalalahanin, at ang mga text nito kahit madaling araw na.
Hindi na rin ito bumalik pa sa k’warto niya na lalo kong ipinagtataka. Ayaw ko
naman itong tanungin kung bakit, at baka isipin pa nitong itinataboy ko siya.
Dahil doon ay nagsimula na naman akong umasa na pwede akong
ibigin ng bestfriend ko; na pweding higit pa sa magkaibigan ang maging relasyon
naming dalawa. Hindi ko rin maikakailang sa bawat tingin nito sa akin ay may
nakikini-kinita akong kakaibang kislap sa mga mata nito as if he was staring to
the person who owns his heart.
“Napapansin kong nagiging masayahin ka ngayon Ken, ah.” Ang
wika ni Jay. “At sino ba iyang ka-text mo? Madaling araw na may ka-text ka pa rin?”
“Malamang kuwago iyang ka-text niya.” Singit naman ni
Chelsa.
“Malamang may lovelife na si Ken.” Ani naman ni Rachalet at
umugong ang kanya-kanya nilang panunukso sa akin.
“Bakit ba ako na naman ang nakita niyo?” Ang tatawa-tawa
kong sabi.
Huli na para mapigilan ko si Chelsa na maagaw ang cellphone
na hawak ko.
“Hoy! Akin na ‘yan!” Ang pagtatangka kong pagbawi ng cell
phone ko sa kanya ngunit mabilis lang niya itong nailayo sa akin.
“Stay put ka lang diyan, titingnan ko lang naman kung sino
itong ka-text mo.” Wika nito’t kinalikot na ang cell phone ko. “Matt? Sino si
Matt? Babae ba to?”
Nang makakita ng pagkakataon ay muli kong binawi ito sa
kanya at di naman ako nabigo. Mabilis ko itong ibinalik sa aking bulsa.
“Who’s Matt, Ken? Siya ba ang misteryosang girlfriend mo?”
Si Rachalet.
“He’s not a She. Bestfriend ko si Matt.” Simpleng sagot ko
sa mga ito, at muling ibinalik ang aking atensyon sa aking pagkain.
“Bestfriend? Bakit hindi mo siya naikuk’wento sa amin?”
Nagsimula na naman ang pagiging mausisa ni Chelsa at paniguradong kung walang
pinagkakaabalahan si Rachalet ay baka nagdouble team pa ang mga ito.
“I don’t think it was necessary. Besides, hindi niyo naman
kilala ng personal ‘yong tao.”
“Is he cute? May asawa na ba? May girlfriend? Pakilala mo
naman sa akin please.”
“Girl, define desperada?” Basag ni Rachalet dito na
ikinatawa naming lahat maliban kay Chelsa na sambakol na ang mukha.
“Desperada na kung desperada basta kailangan ko na ng Papa.
So Ken, taken na ba ang bestfriend mo na
‘yan? Baka pwede mo naman akong ilakad sa kanya. Promise, pagsisilbihan ko siya
mula ulo hanggang sa ulo ulit… sa baba?”
“Girl! Ang baboy mo! Polluted na talaga iyang utak mo!”
Lalong lumakas ang tawanan sa mesa naming iyon habang kumakain pero ako, hindi
ko nagawang matawa sa birong iyon ni Chelsa. Iniisip ko pa lang kasi na may
ibang taong handang pagsilbihan si Martin hindi ko mapigilang hindi makaramdam
ng kirot sa aking puso.
“Kumain na nga lang tayo bago pa mawala ang gana ni Ken
kumain.” Biglang wika ni Jay at nang mapatingin ako dito ay binigyan lang ulit
ako nito ng isang ngiti.
“Mukhang may naamoy ako dito ah.” Wika naman ni Rachalet. “OMG!
Could it be? Kenneth is–– .”
Hindi na nito natuloy pa ang sasabihin niya nang palsakan ni
Rex ng hambuger ang bibig ng girlfriend nito.
“Kumain ka na lang ng marami sweety para madagdagan ang
energy mo mamaya. Nakakagutom pa naman ang masigaw-sigawan ng customer.”
Muli pa sana itong magsasalita, nang bigla itong matigilan.
“Oh! It’s you.” Wika nito sa kung sino mang taong nasa
likuran ko. And when I turn around to check kung sino iyon ay ang nakangiting
si Nhad ang sumalubong sa akin. He’s wearing an all white uniform na lalo lang
nagpakisig sa kanya.
“Yeah, it’s me. Fancy meeting you guys here.” Tugon naman
nito kay Rachalet. “Hi Ken.” Baling nito sa akin.
“H-Hi.” Bahagya pa akong nagulat. Ibang-iba ang dating nito
ngayon kumpara no’ng una ko itong makilala and he looked good and charming with
his uniform.
“Hi Nhad!” Ang biglang singit ni Chelsa sabay pulupot nito
sa braso nang nabiglang si Nhad. “Kaya ka ba nandito dahil nasilayan mo ang
kagandahan ko?”
“Ah.. Eh.. Ano kasi.” Ang napapakamot sa ulo nitong sabi.
Halata na rin ang pagiging uneasy nito.
Rinig ko pang napahagikhik ang ibang costumer na malapit sa
amin sa narinig na kalokohan ni Chelsa. Wala talagang pinapalampas na lugar ang
isang ito kapag tinamaan ng kabaliwan.
“Girl, lumayo ka nga diyan.” Saway naman ni Rachalet ng
mapansin marahil na hindi na komportable si Nhad. “Tinatakot mo na ang tao sa
ginagawa mo.”
“Ayaw ko! Dito lang ako sa tabi ni Nhad.” Wika naman nito na
sinamahan pa nang pagsinghot-singhot sa uniporme ni Nhad. “God! Ang bango-bango
niya girl grabe! Want to try?”
Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya sa ginagawang
kahalayan este kalokohan ni Chelsa kay Nhad. Rinig kong napabungisngis sina Rex
at Jay, halatang enjoy na enjoy sa ginagawang kalokohan ni Chelsa.
Marahil ay tuluyan ng nahiya si Rachalet sa ginagawa nang
kasama namin kaya napatayo na ito’t inalayo si Chelsa kay Nhad.
“Maupo ka riyan!” May diin nitong wika sabay ng pwersahang
pagpapaupo nito kay Chelsa. “Pagpasensiyan mo na itong kasama namin. Nawawala
talaga ito sa tamang huwisyo kapag nakakakita nang lalaki.”
“Nasa tamang––”
“Shutup!” Pagputol nito sa iba pang sasabihin ni Chelsa.
“I-zipper mo iyang bibig mo Chelsa kung ayaw mong ipamigay ka namin sa mga
taong grasa.”
“Okey.”
“Pasensiya na ulit.” Hinging paumanhin ulit ni Rachalet.
“Wala iyon.” Ang nakangiti nitong sabi. Mukhang nakabawi na
ito sa ginawang pangmomolestiya sa kanya nang sira ulong si Chelsa.
“Anyway, what brought you here? Duty mo palang?” I know
Rachalet is trying to return the situation to normal.
“Actually tapos na. Nakaramdam lang ako nang gutom kaya
dumaan ako rito at nakita kayo.”
“Join us then. Tutal kasisimula palang naman namin.”
“Okey lang ba? Hindi ba nakakahiya?” Ang napapakamot nito sa
ulong sabi. Ewan ko ba pero hindi ko maiwasang maisip na parang iyon naman
talaga ang gusto nito kaya ito lumapit sa amin.
“Hindi, basta sa akin ka tatabi ha. Para naman masimulan na
kitang ligawan.”
Muli na namang nagbungisbungisan sina Rex at Jay, ako man ay
lihim ding natawa sa straight to the point approach na ginagawa ni Chelsa sa
kawawang nurse. Si Nhad naman ay
napakamot lang ulit sa kanyang ulo na animo'y ito pa ang nahiya.
“Girl, behave.” Saway ulit ni Rachalet sa aming kasama. “Okey
lang Nhad, mas maganda nga kung dito ka na lang sa amin umupo para naman may iba
akong makausap. Nakakasawa na kasing mga kausap ang mga kurimaw na to eh.”
“Pinagsasawaan mo na ako sweety?” Tila nagtatampo namang
wika ni Rex.
“Sila lang sweety hindi ka kasama.”
Nag-oder na nga si Nhad at nang matapos ay sa lamesa na
namin ito dumeretso. Tulad ng inaasahan ay nagsimula nang magtanong ang
dalawang pinaka intregerang tao na nakilala ko. Puro tungkol sa paborito, mga
hilig at kung anu-ano pang mga tanong na halos makikita na sa slam book ang mga
binabato ng mga ito kay Nhad at ang nakakatuwa pa ay sinasagot naman ni Nhad
ang mga tanong ng maayos.
Pati kami ay nadamay sa trip ng dawalang baliw naming kasama
na lalo lang nagpapasaya sa lunch break naming iyon.
“So, favorite color mo pala ay Red Ken.” Ang wika ni Nhad.
“At idol mo rin pala si Doreamon. Pareho pala tayo.”
Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig sa Doreamon,
iyon lang ang unang pumasok sa akin kanina kaya iyon ang naisagot ko.
“Paborito ko rin iyan.” Singit naman ni Chelsa. “Di ba siya
yung bilog na bagay na kapag nababasa nang tubig ay nagiging papel?”
“Si Mojacko ang tinutukoy mo iha hindi si Doreamon.” Basag
naman ni Rachalet dito. “Eepal ka na nga lang mali-mali pa.”
Muling umugong ang tawanan sa mesa naming iyon sa kalokohan
ng dalawa. I must admit na kahit mga intregera at ubod ng daldal ang dalawang
kasama namin ay sila naman ang laging nagpapasaya sa grupo.
“Ay, magkaiba ba yon? Kala ko kasi magkapareho lang sila.”
“Magkaiba sila Chelsa, wag mo nang i-insist. Next time ka
nalang magpa-impress kong alam mo na ang pinaguusapan.”
“Nakakatuwa talaga kayong kasama, walang dull moment.” Ang
tatawa-tawang wika ni Nhad.
“Masanay ka na sa kabaliwan ng dalawang iyan Nhad.” Ani naman
ni Jay na nakatanggap ng nilamukos na tissue galing sa dalawang hitad.
“Almost time na pala.” Ang pagsingit ko nang mapansin ko ang
oras. “Kailangan na nating bumalik.”
“Ay!” Magkasabay na wika nang dalawang babae at
nagkanya-kanya na ito nang re-touch.
“Ikaw Nhad?” Baling ko naman rito.
“Uuwi na rin ako para makapagpahinga.” Parang may nahimigan
akong disappointment sa boses nito.
Magkakasama kaming lumabas sa food chain na iyon. Matapos
magpaalamanan ay tinungo na namin ang sasakyan ni Jay na sa unang pagkakataon
nitong dinala. Marahil ay nagsawa na ito sa trip niyang pagpapaka low profile
habang si Nhad naman ay pinuntahan na rin ang kanyang dalang sasakyan.
Papasok na sana ako nang sasakyan ng marinig ko ang pagtawag
sa akin ni Nhad. Napalingon naman ako dito at nakita itong papalapit sa akin.
“Oh, Nhad.”
“May gagawin ka ba bukas Ken?” Wika nito. “Uhmmm.. Off ko
kasi bukas baka pweding yayain kitang lumabas. You know, for old time sake?”
Old time sake?
“Wala siyang gagawin bukas. Rest day niya.” Ang singit ni
Rachalet. Nang mapalingon ako dito ay doon ko lang napagtanto kung bakit
kailangang may ganong linya si Nhad. Umandar na naman kasi ang pagiging
tsismosa nang dalawa na ngayon ay parehong nakalabas na ang mga ulo sa bintana
nang sasakyan at nakikinig sa aming usapan. Ang alam ng mga ito ay dati kong
kaklase si Nhad.
Mabilis talagang
mag-isip ang isang ito.
“So?” Bakas pa ang pakikiusap sa mga mata nito.
“Ano kasi Nhad, may pupun––”
“Please?” Wika pa nito na sinamahan pa nang kanyang
pag-beautiful eyes. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa.
“Okey sige.” Pagpayag ko. Meron din naman kasi akong utang sa
kanya no’ng sa Videoke bar. “Text mo nalang ako kung anong oras at kung saan
tayo magkikita.”
“Great! I’ll see you tomorrow then.”
tutuloy:
26 comments:
waaaah finally naka gising pa ako! habol muna sa basa si lolo mo.. morning papang!
andami kong tawa ke rach at chelsa.. :p
putakte!
bitin..
mukang mahaba habang chapters pa eto ah! :D
hahahahahahhaha
nakakaintriga na eto
I love Chelsa!! Haha!
Zeke! Akin na lang si Chelsa! Akin na lang sya!!! Hahaha!
--ANDY
I've been reading your stories from the start as in mula TRT, AA, 9 Mornings, Chances and this. Wala lang, napagtripan ko lang magcomment ngayon. Haha. Feeling ko, nafo-fall na si Matt kay Ken, pero feeling ko lang yun. Nakakatuwa lang kasi naaalala ko si Angela kay Chelsa. Namiss ko tuloy yung mga owners ng Seventh Bar. Haaay. Hula ko lang, makikita siguro ni Matt sina Nhad and Ken na nagdedate sila tapos magseselos siya noh? Hula lang naman po. Haha. Anyway, I love this chapter (as always). Keep up the good work. :)
:D
ang taray
Yeahhhhh.......
Ang ganda ng flow ng story
Pagdating talaga sa drama,kilig and lovw story affair zild your the BEST among the rest;););)
Kuya Z, nagpalit ka po ng no. ? ano na po bago mo? :(
-drich here.
Wow! Nagulat ako... Ako pa ung first mong na greet! Flattering ; ),,, thanks! And thanks din for the new post!! Kahapon q p hinihintay haha Kaht tumaas ang bill ng post paid q,, I still check on ur page every now then... Kulang ang Araw q pag Hindi q nababSa story Nina khenotzzzz!!!
More power to you !
RANDY
Wala akong cellphone ngayon Drich eh hawak ng mom ko. Na wala kasi ang phone nia kaya yung sa akin nalang muna ang pinahiram ko mas importante kasi sa kanya yon. Baka next week my cp na ulit ako. :) ehehehe
my aning yta c shelsa huh!!!!!!!!!!pano na c sy naku..................................ras
hahahahahah.. ang saya kasama nina rachalet at chelsa. san ba sila tumatambay mapuntahan nga :D
buti naman at umayos na rin ang pakikitungo ng mama ni matt kung hindi susugod na ko sa kanya wahahahahah
nice chapter...next na poh...hehehe
hahahaha oo natatawa talga ako sa dalawang babae sa grupo na hanip gumawa ng eksena lalo na si chelsea..
nice nice nice...no dull moment ika nga..
author..ummm si nhad na ba ang 3rd party between kenots and martin?
mukang eto na magkakatoon ng drama sa pag ibig ng mga bida...
cant wait for the next chap.....
#28
sna tuloy-tuloy na ang pagiging sweet ni matt kay ken... i like the attitude nung dalawang friend na girl ni ken,ganun ung mga tipo na masarap kasama,ang dami ko tawa sa kanila... more twist pa po author..
<07>
eto naman talagang story na to ang lagi ko inaantay, palagi ako nabibitin sa ganda ng story... can't wait for the next chapter..
Hmmmmm, jz hope, tunay yan mader! Bk isa lng yng kaorocan! Il be watching u! Hehehe
Wahahahahaha Panalo k Chelsa! Panalo ang pagging lukaret mo! Muaah Muaah Muaah!
Z Z Z ANG GALEEEENG MO TLGA! CLAP CLAP CLAP! ui ung requet k, natayang ung tisyu at dyaryu! Hihihi enjoy ur vacay(adv lng, bk d mkpgol ng 4days)! Hope to see u&conzul & piktur-piktur! Hihihi
Ingat lgi! :)
-DREW-
Na touch naman ako na ito talaga ang inaabangan mo :) salamat salamat... :)
Sa totoo lang drew drew drew wala akong masyadong naintindihan sa mga sinabi mo LOL. Ano'ng Language ba yan? Hihihi
Saka ko na pagiisipan ang scene na hinihingi mo't di pa umaandar ang pagiging polluted ko. WAHAHAHA
Thank you for supporting my stories. :) ingat!
me eentra sa eksena...amoy tampuhan next chapter
hahahahahhahaha
jazz0903/ras
haha.. Matt's affection for Kenotz is for real.. Wala ng halong pagkukunwari lahat ng concern na pinakikita nya.. More exciting scenes Zildjian.. :D
owkhei, nkapili nq ng manok q... nhad galingan mong kumag ka!
tingin q nahuhulog na si matt ke ken!^^
at itong c nhad obvious!!hahaha...
Buti nmn lumambot na ang mommy ni matt!susme lang..haha
-monty
Post a Comment