Sunday, April 15, 2012
Part Of Me Chapter 03
by: Apollo22
Agad-agad akong yumuko at baka kung ano pa ang sabihin nito sa harap ko, ewan ko ba na troma na ata ako sa ginawa nya sakin noong isang araw hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng sinabi nya sakin, masakit pero kaylangan ko nalang tanggapin marahil kasalanan ko rin naman.
Nagulat ako ng iabot nya ang bida at softdrink na dala nya.
“Gusto mo?” ang sabi ni Sedrick na tila nang aalok.
“Hindi sige”ang matipid kung tugon.
“Ok” ang walang kibit balikat nitong pagsang-ayon
Hindi ko alam kung maiinis ako kasi parang kung pansinin nya ako ngayon ay parang wala lang syang sinabing masasakit na salita sa akin, matutuwa kasi parang sa tono nya ay binaliwala nya nalang ang mga nasabi ko sakanya.
“Sedrick ok lang?” ang pagpuna sa akin ni Gary bakas ang pag-aalala
“ahh oo naman!” mabilis kung tugon.
At nakita kong ngumisi ang mayabang na si Sedrick na parang nahuhulaan ang nasa isip ko.
Nag salubong ang aming mga tingin at alam ko rin na namula ako dahil sa kanyang mga titig na nakakadala ng emusyon, aamining kong kahit nasaktan ako sa mga sinabi ni Sedrick ngunit hindi parin mawala ang kabog ng puso ko ‘pag naaalala ang nangyari saamin sa banyo.
Hindi paman ako tapos mag-isip ay dumating na ang kolokoy naming guro si Mr. Garcia agad nag balikan ang mga kaklase ko sa upuan, ako naman ay katabi ko lang ang upuan ko kaya mabilis akong nakabalik pero nabigla ako ng umupo sa tabi ko si Sedrick, siguro dahil malayu-layo ang upuan nya sa kinatatayuan nya at wala rin akong katabi kaya umupo na ito sa tabi ko.
“Good morning sir” ang tugon ng lahat maliban kay Sedrick na halatang pikon sa teacher na to kasi lagi syang pinag iinitan.
“Good morning class! Aba Mr. Sedrick Del fuente pa iba-iba ka ata ng upuan?” ang tanong ng guro namin.
“Dito nalang po ako sa tabi ng bestfriend ko Ma’am este Sir” ang pang-iinis ni Sedrick sa aming dalawa ni Sir at nagtawanan ang mga classmate namin marahil alam nila na ang bangayan namin sa isat-isa.
“Hindi Sir babalik din yan dyan sa dati nyang pwesto” ang tugon ko na medyo naiinis.
“Diba Sir dito na ako” sabay kindat sa Sir namin
“O sige mabuting d’yan kana nga lang Mr. Del fuante para mabantayan ka ni Prince” ang sabi ng guro ko habang naka ngisi.
“ok ayokong magpaligoy ligoy pa mag kakaroon kayo ng play next week, short play lang naman at hindi mahirap, kayo mismo ang gagawa ng script at mag-aact ok” ang tugon ng teacher ko.
“Sir kami pa po ang gagawa ng script?” reklamo ng isa kong kaklase.
“ay hinde! Ako! Ako ang gagawa ng script, gusto nyo ako narin ang mag act? nakakahiya naman kasi sainyo” ang biro ng guro ko at napakamot nalang ang classmate ko na nagtanong.
Biglang napa lakas ang bulungan ng klase dahil napaka dami naming gagawin for this week at hindi naka tiis ang isa naming classmate sa pagtatanong.
“Sir ang dami na po naming gagawin for this week pwede extend hanggang next next week?” ang reklamo ng isa kong classmate.
“pwede sige, gusto mo next next month pa o kaya dahil nakakahiya naman sayo next year nalang, at para lalong masaya ikaw narin ang teacher at estudyante” ang pagbibirong muli ng guro ko.
Napakamot muli ang estudyante sa pagtatanong at tawanan nalang kami.
“ok class meet your new partner sa play, your seat mate” ang wika ng teacher ko na tila sinadya nya atang magkagrupo kami ni Sedrick.
“ok class wala daw ka grupo si Gary sino gustong umampon dito” ang tanong ng teacher ko.
Agad ko naman tinaas ang kamay ko para maging ka grupo ko sya, wala kasi akong tiwala kay Sedrick at baka hindi makipagcooperate ang mokong, kahit iba na ang tingin ko kay Sedrick ay gusto ko paring makasigurado na magagawa ko ng maaayos ang play na ‘to.
“ O sige doon kana kina Sedrick at Prince”
Tuwang tuwa naman ako kasi makakasama ko si Gary hindi ko maipaliwanag ang saya sa puso at isipan ko may kung anong kumikiliti sa aking buong katawan para akong baliw na pangiti-ngiti
“Baliw!” ang pabulong na sabi sakin ni Sedrick nahuli ata ako nitong napapangiti.
“Ewan ko sayo” ang tugon ko lang sabay dilat na parang bata.
Natawa naman ito sa inasta ko at ginaya pa ako.
At natapos ang klase na kinukulit lang ako at nagkokwento na parang close na close na talaga kami, salita sya ng salita na hindi alintana ang ginawa sakin nuong nakaraang araw, hinayaan ko lang na magkwento ito at hindi ko napansin na napapatitig ako sa mga mata nyang masaya.
Nang bigla itong napatigil sa kakasalita.
“Bakit?” ang tanong nito sakin.
“May dumi bako sa mukha? Bat ganyan ka makatitig?”
Paktay!! Nahuli akong nak titig at napapangiti
“wala! Diba nag kokwento ka kaya nakikinig ako” dipensa ko na alam kung namula sa sinabi nya.
“hhmmm?? Sige nga kung nakikinig ka ano ang sinasabi ko?” ang pagtatanong ng nakangisi.
“ah ehh…. Ano kasi ehh….. hindi kita masyado narinig kasi ang ingay” palusot ko.
“Ganun ba?” at biglang nagseryoso ang muka nito
“sorry pla ahh” dagdag nito.
“sorry saan?” ang pagtatakang tanong ko
“Sorry sa ginawa ko sayo noong isang araw, galit na galit kasi ako noon ehh kaya ko nasabi ang mga bagay na ‘yon” ang paliwanag nya.
Nako kanina kapa daldal ng daldal dyan ngayon mo lang naisipang magpasorry ang nasabi ko nalang sa sarili pero bumakas parin naman sa mukha ko ang sobrang pagkatuwa dahil sa wakas nagpasorry rin ang mokong na’to.
“Nako ok lang yun, sorry rin sa mga sinasabi ko ahh” ang dugtong ko pa.
“ok lang yun sige, bestfriend na tayo ok?” ang tanong nito na kinagulat ko.
Totoo ba to ang sigang si Sedrick nakikipag bestfriend sa mahinang katulad ko.
“Sige ok lang kung ayaw mo, ayaw mo naman talaga sakin diba?” lungkot-lungkutan nito.
“Sige na sige na” ang sagot ko na pinipigilan ang tawa
“sige sabay tayong umuwi ah? Para makabawi ako sayo” sabi pa nito at tumango nalang ako.
After ng class napag-usapan namin ng mga kagrupo ko na hindi na muna kami gagawa ng projects kung hindi bukas nalang kasi pagod kami sa P.E namin ngayon.
Nang makalabas na ako ng gate naramdaman kung may humila sakin at kinakaladkad ako.
“ano ba! Sedrick” ang sabi ko sakanya at pumiglas sa pag kakahawak.
“tara kain tayo?” ang sabi nito ng nakangiti pa.
“Sige, pero hindi mo naman dapat ako kaladkarin pa” ang sabi ko ng may inis sa mukha.
“arte mo parang hindi ka lalake” ang inis pa nito sakin.
“ewan ko sayo! San ba tayo kakain” ang pag-iba ko ng usapan naiilang kasi ako ‘pag lagi nyang sinasabi yun ehh.
“D’yan lang sa may Mcdo, tara na! dami mo pang satsat” sabay hablot ulit sa kamay ko at kinaladkad nanaman ako sa mcdo malapit sa school.
Aminado ako masakit sya kumaladkad kasi pagkatapos nyang bitawan ang kamay ko ay imbis na mamula ay nangitim at nagpasa pero parang hindi ko ito alintana kasi hindi parin ako makapaniwala na kinakaibigan ako ng mokong, ang bilis naman magbago ng ihip ng hangin parang kahapon lang gusto akong patayin nito ah.
“hoy ano order mo?” ang tanong nya sakin
“ahh ehh… wala kasi akong dalang pera dito eh ikaw nalang mag-order” ang walang atubili kung sinabi.
“ok lang treat ko ngayon best” ang sabi nito.
“best ka dyan! Kahit ano sige” inis-inisan kunware.
Umalis to at pumila sa may counter habang tinititigan ko sya ay panay ang lingon nito sakin at kaway ng kaway.
Naisip ko tuloy ang gwapo nya talaga, sino ba namang babae ang hindi mag kakagusto sa mokong na ito matangkad, maputi at ang amo ng mukha napangiti tuloy ako sa iniisip ko at hindi ko napansin na nasa upuan na pala sya.
In-order niya ako ng large fries, burger, coke at isang chicken with rice nagulat naman ako sa dami.
“may iba tayong kasama?” ang tanong ko sakanya na nangiinis.
“oo multo pero ayaw nyang kainin eh kaya sayo nalang daw sabi nya” pangiinis ding sabi sakin.
Napaismid lang ako sa kanya at kumain na kami, tumagal ang kwentuhan namin puro tawanan at kulitan lang ang nangyari at napansin ko rin na madaldal talaga si Sedrick parang hindi na kami magkikita bukas kung magkwento.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko abot langit ang saya dahil napaka bait pala ni Sedrick napalitan ang inis ko sa kanya ng hindi ko maipaliwanang na pakiramdam at hiling ko na hindi na matapos ito.
Natapos kami ng masaya at nagkukulitan pa hanggang magpaalam na kami sa isat-isa
Hanggang sa bahay hindi maitago ang saya na nadarama ko gulat na gulat sila mama at papa sa inaasta ko, pa sipol sipol pa kasi ako at pa talon talon pagpasok at wari’y ganigawang piko ang ang tiles ng bahay.
“O Anak ang saya mo ata ngayon” ang tanong ni Daddy
“Hindi naman po Dad” sabay ngiti sakanya at umakyat sa kwarto ko
Nag dive ako sa kama ko na parang tanga lang saka inalala ang ngiti at mga nakakalusaw na tingin ni Sedrick, hindi ko mapigilan na hindi magtakip ng unan sa mukha at paulit-ulit na inaalala ang lahat hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ay nag madali akong pumasok sa school upang Makitang muli si Sedrick, hindi nga ako nag kamali nakita ko itong nakasanadal sa may pintuan at tila hinihintay ako, dali dali naman akong lumapit sakanya at nag pa goodmorning.
“Goodmorning!!” ang tugon ko rito na may ngiti sa labi.
“Goodmorning din best ” sagot naman nito na abot tenga ang ngiti.
“aba!! Ano itong nakikita ko? Totoo ba ito? Prince, bestfriend na ang turing mo kay Sedrick?” pagtatakang wika ni Mimi
“Oo naman!!” pagmamalaking sabi namin sabay tawa.
“Diba bestfriend?” tanong ni Sedrick.
“Oo naman bestfriend” ang wika ko naman sabay tawanan kaming lahat.
Hindi namin napansin na malapit na pala ang Terror naming guro, si Mr. Somar
Dali-dali akong pumasok sa silid at nanahimik, tumabi naman si Sedrick sakin na tila walang takot sa Guro namin.
“Goodmorning class!” ang bati nya sa’min na siryoso ang mukha nito.
“Goodmorning sir” ang bati naman naming lahat
“ Ok paki labas ang book na pinahiram ko sainyo gagamitin natin yan ngayon
at alam nyo na ang mangyayari ‘pag hindi nyo dala ang book”
Oo, may mangyayari ‘pag hindi dala ang book na pinahiram nya, pupunta ka sa harap at papaluin ang palad mo ng stick nang sobrang sakit dahil catholic school ito ay talagang pinapalaganap ang pagiging disiplinado si Sedrick lang talaga ang hindi.
Panatag naman ako dahil dala ko ang librong sinasabi nya.
Pero nakita kong walang inilabas na libro si Sedrick at parang walang pakialam sa mundo samantalang malapit na ang guro namin sa amin.
Ipinatong ko ang librong dala ko sa may arm chair nya at laking gulat nya sa ginawa ko napatitig lang ito sa akin ng may pagtataka at napangiti lang ako sakanya.
“O Mr. Prince mukhang kay bata bata natin makakalimutin na tayo, alam muna ang gagawin” ang wika ng teacher ko sa akin.
Pumunta ako sa harapan at humarap sa mga kaklase ko, nahihiya man ay pinilit ko paring humarap.
“Mr. Prince hindi ko inaasahang ikaw pa na isang matalinong estudyante ay makakalimot sa librong pinahiram ko”
Hindi nalang ako nakakibo dahil kagustuhan ko rin yun, marahil dahil narin gusto kong suklian ang kabaitan na pinakikita ni Sedrick sa’kin ay nagawa kung pagtakpan sya.
Kita ko sa mukha ni Sedrick ang magkahalong guilt at awa habang pinapanuod akong paluin sa kamay.
Sampong beses na malalakas na palo ang naririnig ko. Masakit pero kaylangan kong tiiisin para sa matalik kong kaybigan.
Itutuloy……..
8 comments:
dilat? kapampangan na kapampangan ah xD
anyway, weird... isang sigang studyante nkpgclose sa geeky? cgurado aq my blak yang c sed -_-
ayt .. lande .. chos .. ahahahaha!
KINILIG naman ako run .. XD
kaso naawa ako kay pareng Prince .. ARAY! -_-
kayo na ang magbestfriend Prince at Sedrick .. :)
simula na ng pagiging exciting ng story ..
Thanks kuya Polo ~
:)
tama.. :P
ok lang yan, hndi naman ako purong kapampangan, nagkamali lang siguro ako,tagalog kaya ako, pasensya na nakasanayan lang.
APOLLO22
Hmmm magsisimula na ang kaibigan story of prince and sedrick:):) aabangan ko to ...
exciting na ang kwento, sna mas madaming twist
Ang ganda ng story! Ang siga ng school, magkakagusto sa isang geek na katulad ni prince. Interesting Story :D. I have a feeling there will be a love triangle between Prince, Sedrick and Gary. But who knows :P. I'll wait for the next chapter :) - Phantom
ganda ng story lalo estudyante pa ang mga bida exited nako sa play nila. ita ng tutuki hehe=dereck=
Post a Comment