Friday, April 27, 2012

Against All Odds 02


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



_____________________________
Against All Odds 02
by: Migs




Marahan kong pinahiran ang luhang tumulo mula sa aking kaliwang mata. Naguguluhan parin ako sa nangyayari samin ni Jase. Ibinubugaw niya ako, Oo, matagal ko ng natanggap yun, di na issue sakin iyon, pero sana sa kabila noon ay pinapahalagahan niya parin ako. Alam kong ginagawa niya ito para sakin dahil nga kailangan ko ng pera, di naman niya ako inuutakan sa hatian ng aking kinikita pero ang hiling ko lang naman ay mas maging boyfriend ko siya kesa sa maging bugaw o manager ko, mas mahalin niya ako dahil lover niya ako di dahil isa akong business. Isang pagkakakitaan.




Agad akong naglakad pabalik sa back stage at nagpasyang pumunta na sa booking na inihanda sakin ni Jase ng biglang may lalaking humarang sa aking dadaanan, ito yung photographer na sunod ng sunod sakin kanina sa runway, bigla itong lumuhod at inilabas ang isang kamera, isang flash ang pinakawalan noon. Pansamatalang nilayo ng lalaki ang kamera sa mukha niya at tinignan ang litrato sa maliit na screen ng camera. Nang makita niya sigurong OK na ang litratong iyon ay agad itong tumunghay at tumingin sakin saka ngumiti.



Nathan?” tawag ko dito.




Pero iba na ang Nathan na nasa harapan ko ngayon, mas naging makisig ito, maikli na ang buhok na naka style na ma-hawk, nandun parin ang makakapal na kilay pero wala na ang hikaw sa kaliwang kilay nito, mapupungay parin ang mga mata, matangos ang ilong at mapula parin ang mga labi. Iba narin ito manamit. Sa sobrang dami ng nagiba dito ay nagdalawang isip pa ako kung si Nate nga ang nasaharapan ko ngayon.



Musta, kiddo?” tanong nito sakin.




Ngayon, lahat ng pagaalangan ko tungkol sa lalaking asa aking harapan ay nabura na.




Si Nate nga ito, ang Nate ko.” sabi ko sa sarili ko. Agad kong inayos ang sarili ko at nilampasan na ito.




Di na ako nito hinabol pa. Ni hindi na ako nito pinigilang maglakad pabalik sa backstage.



Bakit ka pa bumalik, Nate?” tanong ko sa sarili ko.



000ooo000



I can't do the booking.” sabi ko kay Jase nang sagutin nito agad ang kaniyang telepono. Tuloy tuloy lang sa pagpatak ang luha ko habang nakasakay sa taxi.




What are you talking about?! Andun na yung kliyente! Pag nagalit yun---!” bulyaw sakin ni Jase. Nagbuntong hininga ako at hindi na siya pinatapos pa sa kaniyang balak sabihin sakin.



I'm not feeling well.” sabi ko dito sabay baba ng telepono at pinatay ito.



000ooo000




Mabagal akong naglalakad sa isang eskinita papasok sa aking nirerentahang kwarto, di makapaniwala sa pagkikita ulit namin ni Nate. Six years ang lumipas pero ni isang sulat, text, tawag, email o comment manlang sa friendster o facebook wala siyang iniwan. Bigla siyang nawala, nawala nung panahong kailangang kailangan ko siya. Nung panahong tinalikuran ko ang lahat para sa kaniya.




Iniangat ko ang aking mukha, tumingala at sinubukang pigilin ang luha sa pagtulo, nakita ko direkta sa ibabaw ng aking kinalalagyan ang buwan. Maliwanag ito at buong buo, mula sa aking kinatatayuan ay parang abot kamay ko lang ito sa lapit, kitang kita ang mga craters sa ibabaw nito.



The moon is beautiful tonight kaya ng mapadaan ako dito agad akong bumaba para i-paint ito.”



Naalala ko bigla ang gabi kung saan kami unang nagkakilala ni Nathan.



Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago ipihit ang doorknob ng aking nirerentahang kwarto. Dito parin ako nangungupahan sa apartment na inuupahan namin ni Nathan noon.



Ewan ko, pakiramdam ko kasi sa loob ng anim na taon na iyon ay babalik si Nathan at sa oras na mangyari yun ay nandun lang ako sa aming apartment, nagiintay pero alam kong malabo na iyon. Ngayong bumalik na si Nathan, di naman siya bumalik dito sa apartment para makipagayos sakin.



Aksidente lang na nagkita kami kanina sa runway. Aksidente lang.” sabi ko sa aking sarili, natigilan ako nang makapasok ako sa aking inuupahan, naramdaman kong may mali.



Ano nanamang pumasok sa kokote mo?!” bulyaw sakin ni Jase. Tumayo ito at sinimulan na ako hatakin palabas ng kwarto.




Ayoko na.” sabi ko dito, napatigil saglit si Jase.



Ano kamo?” tanong niya.



Ayoko ng gawin to. Ayaw ko ng magbooking.” sagot ko.



Bakit?” malamig na sabi nito.



Anong bakit?! Ni hindi mo na nga ako hinahalikan, ni wala na akong mukhang maiharap sa mga tao, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko pagtinignan ko ang sarili sa salamin.” sabi ko dito, habang nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko.



Tigilan mo ako. Nung una pa lang ikaw na ang may gusto niyan.” Natigilan ako sa sinabi nito.



Tama siya, ako ang may gusto nito, ako ang nagpumilit na siya ang maghandle ng booking ko nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa aking isa pang trabaho, di ako pumayag sa gusto nito nung una na itigil ko na ang pagbu-booking at modeling na lang ang aking gawing pangsuporta sa med school at residency, tinanggihan ko ito. Alam ko kasing kailangan kong gawin ito para rin sa sarili ko, alam kong hindi ako mapapalagay lalo na kung sa iba ako aasa.




Jase, please.” bulong ko dito, natigilan siya saglit, naramdaman kong medyo nabawasan ang higpit ng kaniyang pagkakahawak sakin. Alam kong nagalangan ito saglit.




Jase, mahal mo pa ba ako?” tanong ko dito, di parin ito makaharap sakin.



Tahimik.



Halika na, kanina pa nagiintay yung kliyente---” hinawi ko ang kamay nito mula sa pagkakakapit niya sa aking braso. Napaharap siya sakin, malungkot ang mga mata.



Tinatanong kita, Jase.”



Tahimik.



Saka na natin ito pagusapan.” sabi nito sabay hawak ulit sa aking braso at hinila ulit ako palabas ng eskinita. Miya mo may isang daang punyal ang tumarak sa aking puso. Hindi matatawarana ng sakit na aking nararamdaman mula sa mga sinabi nito. Hindi ako makapaniwala na ganun-ganun na lang ako nito balewalain.



Tinulak niya ako papasok sa loob ng sasakyan. Nagtaka naman ako kung bakit sa backseat ako nito tinulak, nang makaayos na lang ako ng upo saka ko napansing may kasama siya. Isang babae, magandang babae na may balingkinitang katawan, mahabang buhok at maamong mukha. Tinapunan ko ng tingin si Jase. Di nito magawang ibalik sakin ang tingin.




Ito ba ang dahilan kung bakit di niya masagot ang aking tanong? Dahil may iba na? Dahil di na niya ako mahal?” tanong ko sa sarili ko habang iniisip kung ano pang pananakit ang ibabato sakin ni Jase.



Di mapakali si Jase, halatang di siya kumportable sa mga nangyayari. Ibinaling ko ang tingin sa babae at humarap ito sakin, natigilan naman si Jase, miya mo naging plywood sa pagiging stiff sa harapan ng manibela, di alam kung uumpisahan na bang magmaneho.



Hi, I'm Sandra. Bagong secretary ni boss Jase.” pakilala nito sakin. Tinignan ko ito pero hindi ko na nagawang abutin ang kamay nito at ipakilala rin ang sarili tulad ng ginawa niya.



Sekretarya, kasama sa loob ng sasakyan? Mag aala una na ng umaga, sekretarya parin? Magkasama sila habang ako iniwan ni Jase sa fashion show? Anong trabaho ang nangangailangan ng sekretarya sa madaling araw?” sunod sunod kong tanong sa sarili ko. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.



So, kaano ano ka ni boss Jase?” tanong sakin ni Sandra, gusto kong ibaling kay Jase ang aking tingin pero alam kong masasaktan lang ako sa makikitang reaksyon nito, nasaktan na nga ako sa tinanong ni Sandra eh, sasaktan ko pa ba ang sarili ko pag nakitang walang reaksyon ang mukha ni Jase.



Binigyan ko ng isang ngiti si Sandra.



Talent. I'm one of Jase's talent.” pahayag ko dito, mukhang di naman ito kumbinsido at tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa, miya mo ako kinikilatis.



Yun lang?” follow up question ni Sandra. Di na ako nagpatalo sa nangingilatis na tingin ni Sandra.



Oo yun lang.” sabi ko kay Sandra, bahagya naman itong natigilan.



Ikaw? What sort of business have you been settling with your boss? Magaalauna na ng madaling araw, super urgent ba ng pangangailangan ni Jase ng sekretarya ngayon?.” natameme naman si Sandra at tumingin kay Jase na miya mo humihingi ng backup.



Tama na.” mahinahong sabi ni Jase.



What? She can ask questions and I can't?” baling ko dito, natahimik naman si Jase.




000ooo000




Room 205.” malamig na sabi sakin ni Jase nang makababa na ako sa harapan ng hotel kung saan gaganapin ang booking. Di ko na sila hinarap pa. Narinig kong humarurot ang kotse ni Jase sa likod ko.



Sakto ng tignan ko ang sasakyan palabas ng driveway ng hotel ay nakita ko si Jase at Sandra na magkaharap at miya mo nagtatalo. Dun na mas tumibay ang kutob ko na may relasyon nga ang dalawa at hindi lang sekretarya si Sandra kay Jase.



Meron ba namang sekretarya na nakikipagtalo sa kaniyang boss sa loob ng sasakyan nito ng ala una ng madaling araw?” tanong ko sa sarili ko, nakaramdam nanaman ako ng pamimigat sa aking dibdib.



Talagang di ko mapapansin dahil ilang taon na rin bang malamig ang pakikitungo sakin ni Jase. Sa sobrang tagal na ay ni hindi ko na maalala kung kailan iyon nagsimula. Paano ko mapapansin na kinakaliwa na pala ako?” tanong ko sa sarili ko habang iniintay na makarating ang elevator ng groundfloor kung saan ako nandun.




Itutuloy ko pa ba ito?” tanong ko sa sarili ko.




Dalawa ang tinutumbok ng tanong na iyon. Kung itutuloy ko pa ba ang kung ano mang meron samin ni Jase o ang pagpunta sa kwarto ng i-binook sakin ni Jase.



Gusto ko ng itigil ito.” sabi ko sa sarili ko. Dalawa parin ang tinutumbok ng statement na iyon. Gusto ko ng itigil ang pagpuputa pati narin ang kung ano mang meron samin ni Jase. Nagkakasakitan lang kami. Pero naisip ko nanaman ang malaking utang na loob ko dito.



Pwede ko parin naman siyang maging manager, pero hanggang mga fashion show lang ang i-bu-book niya.” sabi ko sa sarili ko at alam kong buo na ang desisyon ko.



Pagkatapos na pagkatapos nitong booking na ito, sasabihin ko kay Jase na ayaw ko ng magputa at hanggang mag manager na lang ang pwede naming maging relasyon. Tama. Yun nga ang sasabihin ko.” sabi ko sa sarili ko habang pinaplano ang magandang paraan ng pamamaalam kay Jase.




Nagbuntong hininga ako.




Pinindot ko ulit ang arrow up na botton, di parin kasi bumababa ang lift na may ilang minuto ko naring iniintay and then a realization hit me.




Paano na lang kung di pumayag si Jase?” tanong ko sa sarili ko, kilala ko kasi ito, siya ang tipo ng tao na maipilit at ito rin ang tipo ng tao na kung hindi niya gusto ang mga nangyayari ay nagwawala ito.



But it's worth the try.” sabi ko ulit sa sarili ko.



Is it?” di siguradong tanong sa sarili ko.




At bumukas na ang double door ng elevator.



000ooo000



Nasa labas na ako ngayon ng room 205, di ko magawang kumatok. Parang tulad din ng mga nauna at iba ko pang booking. Laging sa unahan ng pinto ang huling pagdadalawang isip kung itutuloy ko nga ba o hindi ang booking na iyon.




Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na hininga at kumatok na ako. Kumatok sa isang malaking piraso ng kahoy na naghihiwalay sakin sa isang taong sasaid nanaman sa aking pagkatao, lakas at kung ano pang natititirang dignidad meron ako.



Di ko na inintay na papasukin ako, alam kong bukas ang pinto na yun. At tama ako.




Walang magnanakaw sa baklang uhaw.” napangisi kong sabi sa sarili nang malamang sa ika ilangdaang pagkakataon ay napatunayan kong di nagla-lock ng pinto ang aking mga kliente.




Iginala ko ang aking tingin sa malaking kwarto, maganda ito. Iginala ko ulit ang aking tingin sa buong kwarto at hinanap ang aking kliyente.



Akala ko di ka na dadating.” sabi nito at tumayo mula sa isang upuan na nakatalikod sa pintuang kinatatayuan ko.


Pwede ko na bang i-lock ang pinto?” tanong ko dito.






Itutuloy...

4 comments:

RGEE said...

feeling ko si nathan yun

Anonymous said...

Si Nate kaya yun?

roman ( roohmen ) said...

Such a nice story. kakatapos ko lang 'tong basahin kagabi :)
Mr. author email mo po? may concern lang kasi ako.

roman ( roohmen ) said...

Such a nice story, kakatapos ko lang 'tong basahin kagabi. Mr Author email mo po, may concern lang kasi ako.

Post a Comment