Followers

Friday, May 17, 2013

The Devil Beside Me Chapter 18




Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Ang iba sa inyo ay alam kung nagtatampo na sa akin sa sobrang tagal kong mag-update at humihingi ako ng paumanhin. Hindi na kasi gano’n kadali ang buhay para sa akin. HAHAHA May mga obligasyon na akong nanganga-ilangan ng maraming atensyon at medyo pumupurol na rin ang utak ko sa pagsusulat. Pero worry not mga paps. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko na makapag-update at hindi kayo iwan.


Tulad ng sabi ko, tatapusin ko ang k’wentong ito. Sisikapin ko ring makapag-update ng mas mabilis para ma-feel niyo ang climax ng k’wentong ito. Oo mga paps, climax na! Ang pinakahihintay niyong conflict ay nandito na. Kaya sana, ay hanggang sa huli ay nariyan pa rin kayo.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 04



Written by: TZEKAI
NOTE:


fb: http://www.facebook.com/granddiosa
wattpad: http://www.wattpad.com/user/yortzekai
email: balasonilo@gmail.com

NOTA NOTE: Utang na loob magbasa kayo ng Note haha! XD Thanks po ulit sa mga nagbabasa at nagkocomment :)

Thanks ulit kay kuya Zeke at pumayag syang gamitin ko ang name na Popoy at Janssen :P

HAPPY READING PO :)




Monday, May 13, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 03




Written by: TZEKAI
NOTE:

Alam ko madami nagtataka bakit magkaiba yung chaptering ng Mamaw dito at sa MSOB,sa MSOB 2 chapters per post ang ginagawa ko,pero dito ginawa naming 1 chapter ni kuya Zeke ang dalawang chapter. So dito after ng Chapter5 ay mahahaba na ang chapters at sa MSOB after chapter11 naman magiging mahaba xD Pasensya sa pagkalito.

Again MARAMING MARAMING SALAMAT kuya Zeke sa Chance at Opportunity na binigay mo,Maraming salamat din sa mga readers at commentators :)

ENJOY READING PO :3


Saturday, May 11, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 02



Written by: Tzekai



NOTE:


HELLO Po! Humihingi po ako ng pasensya sa maraming typo error, wrong spellings at lalo na sa mga details regarding College,wala talaga ako idea sa College life kaya pagpasensyahan nyo na,but Im trying my best para mapaganda ang kwento.



Ikalawa,pasensya na po kung maikli ang bawat chapters,ganyan po talaga yan,pero tulad ng sabi ko,after ng CHAPTER11 ay magiging mahaba na po ang mga susunod na chapters.



Ikatlo,huwag po kayong magtaka kung mabasa nyo ang name na POPOY at JANSSEN,hiniram ko name nila kay kuya Zeke at pumayag sya.



Ika-apat,huwag po sana kayong maguluhan sa dami ng characters na lalabas,yung iba ay Cameo roles lang at galing po sila sa mga nauna kong stories na naka post na sa wattpad,Sequel po kase ang ginawa ko at itong AMSL ang pinaka latest sa mga stories ko,para hindi kayo maguluhan,pwede nyo po mabasa ang mga yon sa wattpad,nasa taas ang profile ko dun.



May dalawa din po akong kwento na hawig sa mga story ni Kenji Oya at kuya Zeke,ang Inlove with you at After All,nahihiya ako ipost dahil baka laitin ng ibang members kasi parang plagiarism na din yon,medyo may ginaya ako pero hindi lahat,kaya sorry po Kenji-chan at kuya Zeke :/ at may isa pa na CHANCES ang title,may part dun na inspired sa Palitan ng puso ni Sir Mike, yung tatlong yan po eh kasama sa sequel ng mga stories ko.



Ayun lang po,nilahat ko na ang paliwanag hehe,pasensya na po :3



HAPPY READING :)


Thursday, May 9, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 01



Written by: Tzekai


Another story to look forward to. Enjoy na lang kayo guys at sana magustohan niyo itong kwentong gawa ni Tzekai.


To All My Readers and Supporters



Author's Note:



    Hello sa mga readers ko at sa mga taong naghihintay ng kasunod ng TDBM. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyong lahat sa sobrang delay ng pag-post ko sa kasunod na chapter. Pero, pinapangako ko po sa inyong lahat na hindi ko kayo iiwan sa ere. Tatapusin ko ang TDBM ko kapag nagkaroon na ako ng pagkakataon. Basta, huwag niyong iisipin, na basta ko nalamang kayong bibitawan.



Sana maintindihan niyo ako. At sana, sa pagbabalik ko ay nariyan pa rin kayo upang suportahan ang mga estoryang gagawin ko. Maraming salamat at pasensiya na po sa inyo.




ZILDJIAN

Saturday, February 23, 2013

The Devil Beside Me Chapter 17




Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:

HAMBAK EARTHLINGS!


Alam kung sobrang napakalaki na ng utang ko sa inyong lahat sa tagal ba naman bago ko na sundan ang chapter 16. Sadya lamang talaga na na-busy ako sa buhay ko kaya hindi ako nakahanap ng pagkakataong makapagsulat. Sana ay maintindihan niyo ako.


Nasabi ko rin sa Chapter 16 note ko na magiging mabilis na ang phasing ng story. In short, isa-isa ko nang ilalantad ang mga twist sa k'wentong ito. So abangan ang pagpapalit ko ng POV. ^__^


At syempre, salamat sa inspiration ko na ubod ng kulit at palaging ginugulo ang pagsusulat ko. HAHAHA (Mao-Mao The Amao!)



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Sunday, January 6, 2013

Anino Ng Kahapon 21




Photo by: Justyn Shawn


Kahit late na babati pa rin ako sa inyo ng isang Manigong Bagong Taon!


Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.  Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat.  Sana po ay naintindihan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:




_____


Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!

Thursday, December 27, 2012

Anino Ng Kahapon 20




Photo by: Justyn Shawn



Kahit late na babati pa rin ako sa inyo ng isang Maligayang Pasko!


Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.  Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat.  Sana po ay naintindihan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:




_____


Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!

Tuesday, December 25, 2012

Piso [9]



Kaba
by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com



“Joseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!...” pagtawag niya sa pangalan ko. 

Ang hindi alam ni Jay na sumunod ako sa kanyang paglabas. Kita ko mula sa aking kinatatayuan ang pagkabigla sa kanyang nakita sa loob ng banyo. Sa nasaksihan ko, gumuhit muli ang ngiti sa aking mga labi sa kanyang naging reaksyon. 

Iba na talaga ang tama ko sa kanya. Alam ko meron ng puwang si Jay dito sa puso ko. Inlove na nga talaga ako sa kanya. Ngunit bakit ngayon ko lang ito naramdaman sa tagal ng panahong ninais niya ng pagmamahal ko? Bakit ngayon ko lang nakita ang mga bagay na ipinapakita niya sa akin ng kay tagal na? Bakit ngayon ko lang naramdaman ang dapat sana noon ko pa dapat nadama? Kung sana dati ko pa pinakawalan ang damdamin ko para kay Zaldy at pinapasok sa puso ko si Jay, hindi na sana ganito ang kabang nararamdaman ko. Hindi na sana ako nagmumukhang tanga sa pinaggagagawa ko para maramdaman din niyang mahal ko na siya. 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nasa likuran na niya ako. Ngunit tila hindi niya alam na andon lang ako dahil nananatili siyang tila isang estatwang tulalang nakatingin lang sa loob ng banyo. 

“Hindi mo ba nagustuhan?,” marahan kong bulong sa kanyang tenga. 

“Ay ano ba?!” 

“Ipaliwanag mo nga sa akin kung kailan pa nalipat ang garden sa loob ng banyo?,” tanong niya sa akin. Ramdam ko ang bahid ng pagkainis sa tanong niyang iyon. 

“Hindi mo ba nagustuhan?” nakayuko kong tanong. Hindi ko mawari kung bakit nasasaktan ako dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit nanlulumo akong hindi niya pinapansin ang ginagawa ko para sa kanya. Masakit pala. Masakit palang ignorahin ang mga bagay na ginagawa mo para sa mahal mo. Ngayon, ramdam ko na kung ano ang nararamdaman niya dati nung siya ang nagpapakita sa akin ng kanyang nararamdaman. 

“Nagustuhan ko. Kaya lang…” hindi pa man s’ya tapos sa sasabihin n’ya ay pinutol ko agad. 

“Nagustuhan mo naman pala. Anong problema?” ang may tinig ng pagtatampo sabay tingin sa mga mata niya na tila nagpapaawa. 

“Ang problema mukhang naubos na yung tanim na Santan at Gumamela sa likod bahay. Halos punuin mo ang banyo ng bulaklak. Ano bang meron?,” matigas na sagot ni Jay ngunit nakapagpangiti naman sa akin. 

“Naguguluhan na ako sa ‘yo. Hindi ma-absorb ng utak ko ang nangyayari simula pa kanina. Hindi ko naman birthday. Wala namang okasyon. Bakit ba ganito ang set-up ng bahay ngayon? May sakit ka ba? Ano ba talaga Jose?,” dagdag pa niya habang tinitingnan ko sa kanyang mga mata. Napakasarap tingnan nito. Kinikilig ako na ewan. 

“Hindi ba niya naintindihan ‘yung sinabi ko kanina o talagang hindi niya inintindi?” bulong ng aking isipan. “Ano kasi Jay, sabihin na lang nating paraan ko ito ng pagpapasalamat. Pagpapasalamat sa lahat ng bagay na nagawa mo sa akin. Pagpapasalamat sa panahong hindi mo ko pinabayaan lalo na noong panahong nasa pinakamamababa akong parte ng aking buhay…,” sabi ko sa kanyang naguguluhan din sa mga tinuran. Bakit ba ito ang sinabi ko? Tama ba ang mga pinagsasabi ko? Ganito ba talaga ‘pag inlove ka sa isang tao, umuurong ang dila mo para sabihin ang totoo mong nararamdaman? Sunud-sunod ang mga tanong na pumasok sa isip ko matapos kong masabi ang unang pahayag kay Jay. 

Nakatitig lang sa akin si Jay habang ako ay nagpapaliwanag na lalong nagpadagdag sa aking kaba. Nang mga sandaling iyon, kahit hindi maalinsangan ang panahon ay bigla akong pinagpawisan na halos mabasa ang damit kong suot. Sabayan pa ng panginginig ng katawan ko ng dahil sa pagkabog ng aking dibdib. Hindi ako mapakali sa mga titig ni Jay. 

“Simpleng salamat lang naman. Okay na yun.” Sabay bigay muli ng napakagandang ngiti. 

“Kaya lalo akong nahuhulog eh. Dahil d’yan sa mga ngiti na yan,” hindi mapigilang sabat ng aking isipan. 

“Nakakahiyang gamitin ang banyo, sobrang linis at ang mga bulaklak para lang akong nasa five-star hotel kahit pa Santan at Gumamela lang. Ahahahahahaha.” Pagkasabi nito ay humagalpak na kami ng tawa. Kasabay naman nito’y pagkatanggal ng kabang nararamdaman ko kanina pa. Nakakagaan ng pakiramdam na masilayan ang kanyang mga ngiti. Ang kanyang mga titig ay nagpapakilig sa akin lalo. 

Mahaba pa ang magiging araw naming dalawa, halos magtatanghalian pa lang. May ilang oras pa kaming bubunuin para matapos ang araw na ‘to. “Tutal naumpisahan ko na bakit hindi ko na lang ituluy-tuloy ang pagbibigay ng espesyal na araw kay Jay?” Suhestiyon ng isipan kong kanina pa walang patid sa panghihimasok. Kung sabagay tama naman ang ideya na binigay ng utak ko kaya naman inistorbo ko na muna ang panonood ng telebisyon ni Jay. 

“Jay, may lakad ka ba ngayon?” bungad kong tanong. 

“Wala naman. Bakit?” habang hindi mapatid ang mata sa panonood n’ya. 

“Tara gala tayo. ‘Wag kang mag-alala sagot ko,” pagmamayabang ko pa. 

Tumingin lang ito sa akin ng tila may katanungan sa kanyang isipan. Tila binabasa kung ano ang nasa isipan ko. “Sana mabasa niya ang nasa isip ko…na siya ang laman nito,” hirit na naman ng aking isip. 

“Ah… eh… ‘yun ay kung okay lang naman sa ‘yo,” ang taranta kong pagbawi ng aking sinabi na lalong nagpakunot ng noo ni Jay. 

Hindi siya agad sumagot. Batay sa kanyang mga titig, tila wala siyang ganang lumabas ng bahay. Tila mali ang naisip kong ideya. “S-sige.. baka naiistorbo na kita balik na ako sa kwarto…” patalikod na sana ako ng tawagin niya ako. 

“Jose, okay ka lang ba? Ang weird mo talaga ngayong araw na ‘to. Sandali lang maliligo lang ako at mag-aayos ng sarili. Basta sagot mo ha. Ikaw ang nag-aya sa akin.” At muli ko na namang nasilayan ang ngiting hindi pumapalya sa pagpapatuliro ng nararamdaman ko. Alam kong namumula ang mga pisngi ko ng oras na iyon dahilang dama ko ang init nito. Kahit na kinakain ako ng aking pagkataranta ay pinilit kong maging normal ang kilos ko sa harapan niya. 

“O-oo ba… ako ang taya. S-sige ligo ka na… P-para pagkatapos mo… A-ako naman ang makapag-ayos.” Sa tono ng sagot ko sa kanya hindi mo maikakailang kinakabahan ako dahil sa pautal-utal kong pagsasalita. 

Dadaan sa harapan ko si Jay papuntang kwarto at sa kanyang pagtapat sa akin ay hinawakan ko ang kanyang kamay. “Maraming salamat ha.” Hilam sa mata kong na wika dito. Katulad na ng inaasahan ko ang ngiting kumakalaykay sa aking katauhan ay muling nagpakita at dumiretso na ito ng kwarto upang kumuha ng tuwalya at naligo. 

“Ano bang meron kay Jay upang makaramdam ako ng ganito. Natuturete ako sa tuwing makikita ko ang kanyang napaka-gandang mga ngiti. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa kanya dati. Kahit pa ilang beses siyang ngumiti wala lang sa akin. Pero ngayon, ngiti pa lang ang ginagawa nya nanginginig na ang buo kong katawan, at ang puso ko ay halos tumalon sa kaba. Mahal na nga yata talaga kita Jay. Mahal na kita.” 

“ Nababaliw na yata ako, kinakausap ko na ang sarili ko,” bulong ko sa sarili. 

Hindi ko na namalayan na tapos na palang makapaligo si Jay kung hindi pa ibinalibag ang tuwalya sa akin. 

“Jose, maligo ka na para makaalis na tayo o baka naman gusto mo paliguan pa kita?,” pangungulit pa nito sa akin. Tila nakakain ko ng madaming sili sa kanyang mga sinabi na dahilan ng pag-iinit ng aking katawan. 

“Bakit hindi mo na lang ako isinabay sa pagligo mo kung papaliguan mo rin lang ako.” Pabulong ko sagot. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko 

“Huh, ano yung sinasabi mo di ko maintindihan.” Kunot noo nitong tanong. Napangiti na lang ako. Isang pilyong ngiti ang sinagot ko sa kanya. 

“Wala, sabi ko maliligo na ako.” Agad akong tumayo at tumungo sa banyo upang makaligo. 

Ilang minuto din ang itinagal ko sa paliligo. “Ito ang magiging kauna-unahang date namin ni Jay. Dapat maging memorable ito hindi lang sa akin dapat pati sa kanya.” Ang sabi ng napakataba kong utak. Dahil sa maghapon na ‘to halos ito ang maraming sinabi kaysa sa bibig ko. 

Pagbalik ko ng kwarto ay bihis na si Jay. Hindi ko namalayan na nakatitig na lang pala ako sa kanya. Ang gwapo n’yang tignan sa napakasimple niyang ayos. Eto na naman ang kabang pilit na rumaragasa sa tuwing nakikita ko siya. Kabang nakakapagpatuliro sa akin dahil sa kanyanmg presensya. 

“Jose, ano bang nangyayari sa ‘yo kanina ka pang ganyan? Bigla ka na lang natatahimik. May problema ka ba? May dinaramdam ka ba? Lagi ka kasing lutang ngayon.” Biglang balik ako sa aking katinuan. 

“Ha… W-wala akong problema… O-okay lang ako…” sabay punta sa aparador upang bumunot ng masusuot na damit. Hugot dito, hugot doon na lang ang ginawa ko. Matapos kong makapag pantalon ay agad kong isinuot ang t-shirt ko. 

“Wala ka talaga sa sarili mo,” Iiling-iling na pahayag ni Jay. 

“Huh?!,” takang tanong ko. 

Bigla itong lumapit sa akin at nagulat na lang ako sa kanyang ginawa. Hinubad nito ang aking damit. Halos maglapat ang aming mga labi ng matanggal niya ito. Halos tumigil ang mundo ko sa tagpong iyon. Pinakatitigan ko ang mukha ni Jay na sobrang lapit sa akin. Tila kinakabisado ko ang bawat detalye nito. Walang kurap-mata akong nakipagtitigan at gayon din siya sa akin. Ibayong kaba ang nangibabaw sa aking sestema. Kaba dahil sa pagnanasang mailapat ko ang aking mga labi sa kanya. Napalunok ako ng sarili kong laway. 

“B-baliktad kasi ang t-shirt mo.” Sabay bawi ng tingin at iniabot nito sa akin ang damit ko. 

“S-s-salamat…” ang tanging nasambit ko. Agad kong isinuot ang damit. 

“Hintayin na lang kita sa sala,” pamamaalam nito. 

Agad akong napaupo sa kama at sinapo ko ang mukha ko ng aking kamay. 

“Hays… Ano bang nangyayari sa ‘yo Jose? Bakit ba ganyan ka? Natotorpe ka ba? Ano?,” pagkausap ko sa sarili. Tumayo ako at huminga ng malalim upang medyo kumalma ako. Tumingin ako sa salamin ng tukador. “Kalma ka lang Jose. ‘Wag ka masyadong mapapahalata. Kaya mo ‘yan.” Sabay pikit ng mga mata na tila naka-inom ng suka ang ekpresyon na aking ginawa. “Nakakatawa ka naman hindi ka naman naging ganito kay Zaldy. Bakit kay Jay sobrang natutupi ka, sobrang natotorpe ka. Ano bang meron sa kanya?,” bida na naman ng utak ko. 

Matapos ang sandaling pakikipag-usap ko sa aking sarili ay agad kong inayos ang sarili at nilabas na si Jay. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. 

“Ready ka na ba?” tanong ko sa kanya. 

“Kung ready ka na, of course ready na ako. Mas nauna kaya akong nakatapos mag-ayos sa ‘yo.” Pagbibiro nito sa akin. 

“Sabi ko nga. Tara na.” 

Sa pinakamalapit na mall sa may bayan kami nagtungo ni Jay at dahil medyo nagutom sa biyahe ay agad kaming nagtungo sa food court. Pinahanap ko na lang ng pwesto si Jay samantalang ako ay pumila na upang makabili ng pagkain. Paminsan-minsa’y sinusulyapan ko ang pwesto kung nasaan nakakuha ng upuan si Jay at madalas makita kong nakatingin din s’ya sa akin. Tuwing nakikita kong nakatingin din s’ya sa akin hindi ko talaga maiwasang hindi mataranta. Kaya naman muntik ng magkamali-mali ang pag-order ko sa counter. 

Nang makabalik ako sa mesa ay dala ko na ang pagkain namin ni Jay. Halos laging may mga panakaw akong tingin sa kanya na hindi ko talaga maiwasan. Alam kong mahigit na sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahigit pa sa naramdaman ko noon kay Zaldy. Dahil sa pagkakataong ito hindi na bumalik pa sa ala-ala ko ang mga nagdaan sa amin ng yumao kong nobyo. Wala ng bakas ng pait ang nararamdaman ko sa aking puso. Bagkus, napalitan na ito ng ibayong saya at pagkakumpleto. Napunan na ang puwang na iniwan ni Zaldy at ito ay sa katauhan ni Jay. 

“May dumi ba ako sa mukha?” mahinang tanong ni Jay. 

“Huh?!” nakangangang tanong ko sa kanya. 

“Sabi ko may dumi ba ako sa mukha?,” sabay bigay ng pampatureteng ngiti. 

“W-w-wala…” utal-utal kong tugon. “Kain na lang tayo. Gutom pa ako eh,” dagdag ko pang palusot. 

Matapos makakain ay nagpahinga lang kami ng kaunti at inaya ko muna s’yang mag-ikot ikot. Pasok dito, pasok doon ang ginawa namin sa mga stall sa loob ng mall. Tingin dito, tingin doon ng mga bagay na pinaplano naming bilhin pagdating ng sweldo. 

“Jay, punta tayo ng amusement,” pag-aya ko dito. 

Pagdating namin ay agad akong bumili ng token. Parang mga bata kaming naglalaro sa arcade. Pansamantalang naging kalmante ang pakiramdam ko. Pero hindi pa rin naalis ang paminsan-minsang pagsulyap at pag-ngiti ko kay Jay. Gusto kong sulitin ang araw na ito na kasama ang taong nagpapasaya at kumukumpleto ng araw ko. Gusto ko ng siguraduhin sa sarili ko kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Ito ang tumatakbo sa isip ko habang nakatitig ako sa kanya ng walang kakurap-kurap ng bigla itong tumingin sa akin at ipinakita na naman sa akin ang mala-anghel na ngiti. Napangiti na lang ako at bumalik sa paglalaro. 

“Sobrang nag-enjoy ako sa arcade. Salamat Jose,” biglang pagyakap sa akin matapos magpasalamat. 

“W-w-wala yun..” ang halos hindi lumabas na tugon mula sa bibig ko dahil sa sobrang kaba. Ngunit dinama ko ang higpit ng kanyang mga yakap na gusting-gusto ko naman. 

Tinignan ko ang oras. Hapon pa lang kinalkula ko kung pupwede pang makapanood ng sine. Pwede pa, agad kong hinablot ang kamay ni Jay papunta naman ng sinehan. Nagpatianod lang naman ito kung saan ko siya gusting dalhin. 

“Anong gagawin natin dito?” takang tanong ni Jay. 

“Maglalaro… Ano bang dapat gawin ‘pag pupunta ng sinehan? ‘edi syempre manonood ng sine.” Pagbibiro ko. 

“Aba Jose, may pera ka pa ba at kung maka-gastos ka wagas?” ang panenermon nito sa akin. Ngumiti na lang ako. 

“Meron pa naman... Hindi naman kita aayain kung wala akong pera, isa pa bihira na nga lang tayong magkasama. Kaya lulubusin ko tong araw na ‘to para sa atin,” pagkasabi ko’y kinindatan ko siya. 

“Bahala ka nga!” hindi nakaligtas sa aking mata ang nakita kong pamumula ng pisngi ni Jay na aking ikinatuwa. Ngunit tila may gumugulo sa kanyang isipan. Tila may lungkot akong naaaninag sa kanyang mga mata. “Kalungkutan nga ba iyon o dahil sa kasayahang nadarama?,” pagsingit pa ng aking isipan. 

Pumili ako ng movie na tiyak parehas naming magugustuhan. Nang makapili ay agad akong bumili ng tiket. Bumili rin ako ng popcorn at softdrinks para may mangunguya naman kami habang nanonood. Ito ang mga bagay na hindi ko nagawa noon kay Zaldy na pinapangarap kong gawin. At ngayon nagagawa ko na pero sa ibang tao na. Sa isang taong nagbalik ng kulay sa mundo ko. Sa isang taong nagbalik ng ngiti sa mga labi ko.  Si Jay. 

Sa totoo lang hindi ko naintindihan ang pinapanood namin. Hindi dahil hindi ako makaintindi, kung hindi dahil si Jay ang pinapanood ko. Tinitignan ko kung gaano siyang kaseryoso sa pinapanood ng palabas, ang pagsubo niya ng popcorn, ang pagsipsip niya ng softdrinks. Ang lahat ng bagay na ginagawa niya sa loob ng sinehan habang nanonood. Dahil dito sa dilim ko lang siya mapagmamasdan ng hindi niya masyadong nahahalata. Mahuli man niya akong nakatingin sa kanya ay hindi n’ya makikita ang pamumula ng pisngi ko. Ang ng pakiramdam ko, halos ang tinik sa dibdib ko ay tuluyan ng nabunot. Masasabi ko na nga na nagmamahal na ako. Handa na akong muling umibig at ito ay sa katauhan ni Jay. 

Seryoso siyang nanonood ng biglang may nagtext sa kanya. Tiningnan niya kung sino ito. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa cellphone ngunit iyon ang dahilan ng saglitang pag-iiba niya ng mood. Hinayaan ko na lang ito. Hindi ko na lang pinag-ukulan pa ng pansin. Dahil gusto ko sulitin ang araw na ito. May mga plano pa ako para sa araw na ito at gusto kong maging masaya siya. 

Pagkalabas namin ng sinehan ay halos ikuwento ni Jay ang nangyari sa pinanood namin. Para namang hindi ako ang kasama n’yang nanood. Pero okay na rin ‘yun at least medyo naintindinhan ko rin kahit konti sa pagpapaliwanag niya ng pelikulang pinanood namin. Hindi maalis sa aking mga labi ang ngiti habang nagkukwento s’ya. Tila isang bata na nagbibida sa kanyang mga kaibigan na hindi nakapanood ang inasta niya. Lubos nagdala sa akin ng kasiyahan. 

Halos mag-ga-gabi na rin ng makalabas kami ng mall ni Jay dahil bumili pa kami ng makakain para sa aming hapunan. 

“Nag-enjoy ka ba?” bungad kong tanong kay Jay. 

“Oo, salamat,” tipid niyang sagot. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nagreply muli sa nagtext sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi alamin kong sino iyon. 

“Sino ka text mo?,” tanong kong nahihiya dahil sa iniasta. 

“Ahh..iyon ba? Ka-trabaho ko,” tipid niyang sagot na tila kinakabahan sa kanyang mga sinabi at agad na nagsilay ng mga ngiti na nakakapagpaturete sa akin. 

“Hindi pa tapos ang araw natin. Bago tayo umuwi samahan mo muna ako.” Pag-iiba ko ng paksa namin habang nagpapa-cute. 

“Tigilan mo nga ako sa mga pa-tweetums mo. Tara kung saan man yang lugar na yan.” 

Nagtatakbo ako pababa ng hagdan ng mall. 

“Hoy Jose, sandali!” ang sigaw ni Jay habang habul-habol ako.






Itutuloy…