Wednesday, April 4, 2012

Will You Wait For Me? (Part 08)

Tulad ng inaasahan, marami ang na-curious kung sino nga ba yung bagong karakter natin sa nakaraang bahagi. Part 8 na tayo't sa bahaging ito natin makikilala kung ano ang pangalan niya. Muli, maraming salamat sa pagtangkilik at sa mga komento ninyo. Nakakataba ng puso ang mga ipinapahayag ninyo.
/kis

Binabalaan ko po kayo, kung may sakit kayong magugulatin, uminom muna kayo ng gamot dahil tiyak kong hindi inaasahan ng karamihan ang mangyayari sa bahaging ito. Siya, siya, tama na ang dada ng may-akda, basa na.
Enjoy! /no1


Will You Wait For Me? (Part 8)
Cover Photo by Makki



“Tapos ka na ba Moy? Patingin!” tanong niya’t kinuha yung mga pictures na hawak ko. Biglang sumeryoso ang mukha niya nang makita niya yung letrato nung lalaking nakalaban niya kanina.

Tinapik ko ang balikat niya. “Oh Moy, para kang natuklaw ng ahas diyan.”

“Bakit may picture ka nung lalaking yun?! Bakit mo siya kinunan?!” malamig niyang tanong sa’kin.

“Hindi naman ako ang kumuha niyan eh…” depensa ko.

“Sinong pwedeng kumuha nito? Ako nga hindi mo pinapahiram niyan.” ‘Di na maipinta ang mukha niya, mukha siyang galit. Pero sa anong dahilan?

“Hindi naman kasi hiniram sa’kin, inagaw sa’kin ni Theressa. Wala naman na akong nagawa. Ayoko namang isipin nilang madamot ako, alam mo na Moy, baka siraan nila ako kay Diana.” Paliwanag ko. Mukha namang tinanggap niya ang paliwanag ko dahil sa pag-aliwalas ng mukha niya.

“Akala ko kasi ikaw kumuha. Pasensya na Moy.”

“Anong akala mo sa’kin? Mahilig sa gwapo?”

“So nagugwapuhan ka sa kanya kaysa sa’kin?”

Inakbayan ko siya. “Anong pinagsasasabi mo Moy?! Syempre mas gwapo tayung dalawa kaysa diyan. Insecure ka?”

“Hindi ah! Bakit ako maiinsecure diyan?! Wala ngang binatbat sa’kin yan.” Natatawa niyang sagot. Nakitawa na rin ako. Ibinalik na niya ang letrato sa’kin.

“Tara na nga, kunin ko lang gamit ko para ‘di na ‘ko umuwi bukas para magbihis.”

Umakyat muna ako ng kwarto ko upang kumuha ng damit, pati na rin ang mga notes ko para sa subjects ko bukas. Isinilid ko ang mga yun sa bag ko. Muli kong tinignan ang mga letrato para i-double check. Tinignan ko mabuti yung letratong kinunan nina Romel. Nagitla ako sa napansin ko. Sa may likod nung lalaki ay may puno, sa tabi nun ay may dalawang estudyanteng nag-uusap. Parang kilala ko yung dalawa. Nagpasya akong bumalik sa studio ko upang magprint ng mas malaking kopya nung letrato upang masiguro ko kung kilala ko nga yung mga nakita ko sa tabi ng puno.

“Oh Moy, akala ko tapos ka na? Anong gagawin mo diyan?” pagsita ni Jayson sa’kin nang makita niyang papasok ako ulit sa studio ko.

“May titignan lang ako Moy, saglit lang ‘to.”

“Bukas nalang yan, naghihintay na sina mommy oh.” Pinakita niya yung text ni ninang na nagsasabing pumunta na kami agad.

“Moy saglit lang talaga.” Pakiusap ko.

“Ji-ji, huwag mong paghintayin ang ninang mo, nakakahiya sa kanila.” Pagsabad naman ni nanay. Wala na akong nagawa kundi ang itago nalang muna yung negative.

“Opo Nay, ipagpapabukas ko nalang yung pagprint. Kayo po, okay lang kayo dito? Mag-isa lang kayo…” tanong ko. Nag-aalala din kasi ako kay nanay, walang kasama sa bahay.

“Naku ‘tong batang ‘to. Okay lang ako dito, huwag kang mag-alala. Ikamusta mo nalang ako sa ninong at ninang mo ha? Dalhan niyo na din nung niluto ko, siguradong magugustuhan nila yun. Sandali, kukunin ko.” Nagtungo siya ng kusina at nang bumalik ay may dala nang plasticware ng ulam.

“Salamat po nanay. Una na po kami ni Gian.” Paalam ni Jayson at nagmano kay nanay. Nagmano na rin ako’t nagpaalam na. Hinabilinan ko na din si nanay na isara maigi ang mga pinto, mahirap nang masalisihan.

“Oh Gian… Bakit ang tagal ninyo? Nakakatampo ka na, matagal ka nang ‘di pumapasyal dito.” Salubong sa’min ni ninang.

“Oo nga po, kung ‘di ko pa yan pinilit ‘di pa yan sasama.” Pagsusumbong ni Jayson.

“Hindi naman… Busy lang po kasi, madalas po pagod na ‘ko kaya nagpapahinga na ‘ko agad sa kwarto. Pasensya na po ninang…”

“Hay naku, basta dalasan mo ang pagdalaw kung hindi magtatampo na talaga kami sa’yo. Hali na kayo, baka lumamig yung pagkain.”

“Ay pinapabigay po pala ni nanay.” Iniabot ko yung plasticware ng ulam kay ninang.

“Naku talaga yung nanay mo, nag-abala pa. Pakisabi salamat ha?”

Masaya kaming kumain nang sabay sabay. Madaming kuwento si ninong na nakakatawa. ‘Di naman nila ako pinilit na magkuwento dahil alam naman nilang ‘di ako nagsasalita pag kumakain. Pero pagkatapos ko namang kumain ay sumabay na ‘ko sa kanila.

Matapos kumain ay nagtungo na kami sa kwarto ni Jayson upang maglinis ng katawan at makapagpahinga na. Tulad ng dati, magkatabi kaming natulog ni Jayson sa kama niya. Dahil kapwa pagod ay mabilis kaming nakatulog.

Nalingat ako nang maramdaman kong puno ang pantog ko. Sinubukan kong buksan ang ilaw subalit hindi sumindi… mukhang brownout. Kinapa ko yung cellphone ko sa side table, yun ang ginamit kong ilaw. Masarap ang tulog ni Jayson kahit pawisan siya dahil sa ‘di nga umaandar yung air con.

Lumabas ako ng silid dahil naka-lock yung banyo sa kwarto ni Jayson, nai-lock siguro niya kanina. Ayoko naman siyang gisingin. Kakaiba ang aura ng bahay, parang malamig pero pinagpapawisan ako. Dumeretso ako pababa ng hagdan. Pagtapak ko sa sahig ay nadulas ako’t napa-upo dahil sa basa pala ito.

Inilawan ko ang sahig gamit ang cellphone ko… parang umaagos pa ang tubig, parang may bukal na nagpapadaloy dito. Sinundan ko kung saan nanggagaling yung mga waves sa tubig. Nakarating ako sa palikuran. Naiwang bukas pala yung gripo sa lababo.  Sinara ko ang gripo’t humarap sa toilet bowl at ibinaba ang zipper ko upang  ilabas si junjun para magbawas ng karga. Matapos umihi ay itinaas ko ulit yung zipper ko’t pinindot ang flush. Hinawakan ko yung mop na nakalagay sa likod ng pinto. Pag-angat ko ng mop ay tumambad sa’kin ang isang ahas. Bigla itong tumalon at tinuklaw ako sa hita.




“Moy! Moy! Moy gising!” Naramdaman ko nalang ang pagtapik-tapik sa pisngi ko. Bumangon ako’t habol-habol ang hininga. Pinagpapawisan ako ng malamig.

“Diyan ka lang Moy, ikukuha kita ng tubig!” sabi ni Jayson at tumakbong palabas ng kuwarto. Nanaginip lang pala ako. Parang totoo. Kinapa ko ang hita kong tinuklaw ng ahas sa panaginip ko… Wala akong nakitang bakas man lang… Salamat at panaginip lang talaga yun.

“Heto Moy. Inumin mo muna.” Sabay abot ni Jayson ng isang basong tubig. “Ano bang napanaginipan mo? Parang hirap na hirap ka huminga kanina. Tinakot mo ‘ko Moy.” Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala.

“W-wala Moy. ‘Di ko na ma-alala.” Ang palusot ko dahil alam kong kukulitin ako niyan kapag nagkuwento ako ng pahapyaw. Ayoko siyang mag-alala pa.

“Sigurado ka Moy?”

“Oo sigurado ako. Nakalimutan ko na paggising ko. Tsaka kung ano man yun, panaginip lang yun Moy kaya huwag ka nang mag-alala. Okay lang ako.”

“Okay. Gusto mo pa ng tubig?” tanong niyang muli na sinagot ko nalang ng iling.

“Okay. Matulog ka na ulit Moy, babantayan kita hanggang makatulog ka.”

“Salamat. Matulog ka na din.” Sagot ko naman. Hinila niya ako’t pinaunan sa balikat niya. Aangal sana ako pero hinayaan ko nalang. Mas naging kumportable ako sa posisyon ko ngayon.




Kinabukasan, parang walang nangyari. Sabay-sabay kaming nag-almusal nina ninong. Tumawag nalang ako sa bahay para kamustahin si nanay. Tapos ay sabay na kaming umalis ni Jayson upang sunduin si Diana, this time tinext ko na siya para naman hintayin niya ako.

“Good morning po tita, si Diana po?” bati ko sa nanay ni Diana. Pinapasok niya kami hanggang sa sala.

“Sandali lang at tatawagin ko. Maupo muna kayo.” Pinuntahan niya si Diana sa kuwarto niya. Ilang sandali lang ay sabay na silang lumabas. Parang nagulat pa si Diana nang makita kami.

“Ready ka na Hon?”

“M-magkasama pala kayo… Oo ready na’ko gummy bear. Tara na, naghihintay na sina Theressa sa school.”

“Tita alis na po kami.” Paalam ko kay tita na kakapasok lang ulit ng bahay.

“Oh sige. Mag-iingat kayo ha?”

“Opo.”




Pagdating sa university ay nakita namin agad sina Romel at Theressa na naghihintay sa may tindahan sa tapat ng school. Nilapitan namin sila’t dun na humiwalay si Jayson sa’min. Tumambay muna kami dun sa tindahan, mahaba pa naman ang oras. Nagulat nalang ako nang may tumapik sa balikat ko.

“Uy nandito ka pala? Nasan yung kasama mo kahapon?” tanong nung lalaking nakalaban ni Jayson kahapon. Parang nanigas naman yung mga kaibigan ni Diana pagkakita sa lalaki.

“Ah si Jayson? Pumasok na.” sagot ko dito.

“Ah ganun ba? Sige papasok na rin ako. See you around.” Paalam niya’t tuluyan nang pumasok ng university.

“Nagkakilala kayo kahapon?” ‘di makapaniwalang bulalas ni Theressa.

“Girl sana pala sinamahan natin si Gian para nakilala rin natin siya ng personal.” Sabad naman ni Romel.

“Ah eh.. Tinamaan kasi ako ng bola ng basketball kahapon, kaya ayun nag-sorry sa’kin. Naglaro pa sila one on one ni Jayson.” Kuwento ko sa kanila na lalung nagpabagsak ng mga panga nung dalawa.

“Ay sa susunod sasama na talaga kami sa’yo! Ay nga pala, yung picture na-print mo?” si Theressa.

“Oo, heto.” Kinuha ko sa bag ko yung dalawang kopya ng pictures at iniabot sa kanila. Tuwang tuwa naman nilang kinuha yun.

“Eh yung negative nasaan?” tanong ni Theressa.

“Ah… Eh… Kasi nabasa matapos ko iprint kagabi, kaya ayun nasira.” Pagsisinungaling ko. Titignan ko pa kasi yun mamaya kaya ayokong ibigay sa kanila.

“Sayang naman. Dala mo ba ulit yung camera mo? Pahiram ulit, kukunan ko ulit siya.” Pakiusap niya.

“Hindi eh, ‘di ko dala.”

“Sayang naman.” Malungkot na tugon nito.

“Hayaan nyo na nga, may picture naman na kayo. Hayaan nio na ang gummy bear ko. Tara na, pumasok na tayo.” Si Diana. Sumang-ayon ako para matapos na ang pangungulit nung dalawa.




Lunch break. Tulad ng dati’y nagkita kami ni Jayson sa canteen. Habang nakapila kami para umorder ay biglang may sumingit sa’ming malaking lalaki.

“Ikaw ba si Jayson?” tanong nung lalaki sa’kin.

“Hindi po.” Sagot ko naman.

“Ako si Jayson. Bakit?” sabad naman ni Jayson.

“Ah ikaw pala. I’m Danny Martinez, MVP at captain ng basketball varsity team.” Pagpapakilala nito. Inilahad niya ang kamay niya’t nakipagkamay kay Jayson. “Nasabi kasi ng mga ka-team ko na magaling ka raw kaya gusto sana kitang imbitahan na sumali sa team namin. May tryouts sa Saturday. Kung interesado ka, sa gym gaganapin ang tryout.”

“Ahh ganun ba? Sige, pag-iisipan ko.” Sagot naman ni Jayson dito.

“Matutuwa ang team kung pupunta ka. Sige, may pasok pa ‘ko eh. See you on Saturday nalang.” Paalam ni Danny.

Nagtaka ako dahil iba yung MVP nagpakilala kay Jayson. Kung yun ang MVP, sino yung MVP na nasa picture? Minabuti kong manahimik nalang, baka isipin nilang interesado ako’t i-gisa nila ‘ko ng mga tanong nila.




Ilang buwan na ang nakaraan, wala na akong kakaibang napansin maliban sa kakaibang kilos nina Diana at Jayson. Parang nag-iiwasan sila na ‘di ko mawari. Pag magkakasama kami’y halos hindi sila nag-uusap. Kapag pinansin ko ang pananahimik nila dun lang sila mag-uusap pero mapapansin ang lamig ng pag-uusap nila na parang nag-uusap lang sila para hindi ko masabing nag-iiwasan sila, pero nahahalata ko pa din eh. Heto na yata ang kinakatakutan kong mangyari, ang magkaroon ng alitan ang dalawang taong malapit sa aking puso.

Isang araw, naisipan kong dalawin si Diana. ‘Di ko na ipinaalam kay Jayson, baka kulitin uli niya ako para makasama siya. Gusto kong magkaroon kami ng privacy ni Diana, baka maulit din ang ginawa namin nung bakasyon. Wala naman kaming pasok kaya sigurado akong nasa bahay lang siya.

Nagpunta muna ako ng mall upang bumili ng black forrest cake bilang pasalubong dahil pareho kaming mahilig sa matatamis. Sosorpresahin ko siya. Tiyak ma matutuwa si Diana pag nakita niya ‘to. Hindi mabura ang ngiting nakapaskil sa mukha ko, naeexcite ako sa magiging reaksyon niya.

Pasakay na ako ng jeep nang nasalubong ko pa si tita. “Tita saan po ang punta nyo?” tanong ko.

“Oh Gian ikaw pala. Dadalawin ko lang ang kapatid ko sa hospital. Pupunta ka ba sa bahay?” tanong niya.

“Opo, sosorpresahin ko po si Hon.” Sagot ko naman.

“Ah ganun ba? Mabuti’t may makakasama si Diana. Iniwan kong mag-isa sa bahay eh. Sandali lang naman ako, samahan mo na muna siya ha?” nakangiting pakiusap niya.

“Opo. Tita baka gusto nyo po munang tikman ‘tong cake?” alok ko sa kanya.

“Naku hindi na, nagmamadali ako. Isa pa, wala ka namang lalagyan. Alangan namang kamayin ko yan.” Natatawang pagtanggi ni tita. “Mamaya ko nalang titikman pag-uwi ko. Tirhan nyo ‘ko ha?”

“Opo, hindi naman namin mauubos ‘to eh.”

“Oh sige na, sumakay ka na. Pupunta na ‘ko ng hospital.” Paalam ni tita. Nakailang hakbang palang siya’t bigla siyang bumaling sa’kin ulit. “Nga pala Gian, no touch muna ha? Buo ang tiwala ko sa’yo kaya huwag mong sisirain.” Paalala ni tita. Natawa naman ako sa habilin niya, sayang may balak pa naman ako. Haha!

“Opo tita, makaka-asa kayo.” Ang nasabi ko nalang. Alangan namang umamin ako na may balak nga ako kanina, baka hindi na ako umabot sa bahay nila sa pagbugbog ni tita sa’kin kung nagkataon.




Pagdating sa bahay nila’y hindi na ako nag-door bell. Dumaan ako sa back door at ingat na ingat ako sa paglalakad. Kung may makakakita sa’kin malamang isipin nilang magnanakaw ako sa ginagawa ko. Nakangisi pa ako, iniisip ko kasi ang reaksyon niya pag nasosorpresa.

Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan. Pagkatapat ko sa pinto’y hinawakan ko ang door knob. Bigla akong nararinig ng kakaibang tunog mula sa loob ng kuwarto ni Diana, may umuungol. Bigla kong binuksan ang pinto upang tignan. Nag-alala ako, baka kung napano si Diana.

Nabitawan ko ang hawak kong box ng cake dahil sa nakita ko. Si Diana, walang soot na pang-ibaba habang ang suot niyang blouse ay nakataas, nakalabas ang malulusog niyang dibdib. Nakaupo siya sa isang hubad na lalaking nakahiga na parang sarap na sarap, tila na-estatwa sila nang makita ako.

“S-sorry.” Ang nasabi ko’t agad kong isinara ang pinto.

“Moy It’s not what you think!” dinig ko pang sigaw ni Jayson.

Hindi ko na pinansin yun, masyadong masakit para sa’kin ang nakita ko. Para akong hinataw ng kawali sa ulo, nakaramdam ako ng magkahalong pagkahilo’t sakit ng ulo. Ang syota ko at ang best friend ko nagtatalik… Kaya pala parang nag-iiwasan sila, para hindi ko isiping may namamagitan sa kanilang dalawa.

Napakabigat ng loob ko sa mga sandaling yun. Pinagtaksilan ako ng dalawang taong pinapahalagahan ko nang sobra. Mga walang hiya sila… Lalung lalo na si Jayson, itinuring ko siyang kakampi sa lahat ng bagay, minahal ko siya na parang kapatid o higit pa… Paano niyang nagawang ahasin si Diana sa’kin?

Ilang sandali rin akong nakatayo lang sa hagdan, inaabsorb pa ng utak ko ang mga nangyari. Hindi man lang nila ako hinabol para magpaliwanag. Napakasama nila, silang dalawa. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Ang sakit sa dibdib. Minabuti kong umalis nalang.

Mabilis akong lumabas ng bahay, tumakbo nang tumakbo. Bakit ganun? Sa mga palabas at kuwento sa libro pag may ganitong pangyayari umuulan sa labas habang tumatakbo sa ulan ang bida? Bakit ngayong sa’kin nangyari ang eksenang ito tirik na tirik ang araw? Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dahil halatang halata ang mga luha sa pisngi ko.

Hinding hindi ko 'to makakalimutan. Hinding hindi ko sila mapapatawad. Gaganti ako… Isinusumpa kong gaganti ako!




Itutuloy…

20 comments:

--makki-- said...

trololol! may alam ako di ko sasabihin.. trololol!

Anonymous said...

Omaygad.. nakakaexcite... pero feeling ko walang relasyon si jayson tsaka diana.. ano kaya talaga yung nangyari.. cant wait.. :) silent_al

Anonymous said...

I saw this coming. But it still hurts me to feel what the character is feeling....Nakakaasar si jason kasi may something siya para kay gian pero bat ganun? Tas si diana naman. Grabe. First palang alam ko nang malandi siya. Haist. Nako...ewan....


Pokpok,,,,tas traydor...gian...magpaligaw ka dun sa basketball player. Lmao! Landiin mo siya. (hmmmm, naisip ko lang para maging super intense at interesting nung story) ^^d

-cnjsaa15-

Anonymous said...

waaaaah! Ong gondo ng kwento! Tama yan gian, gumanti ka! T*e lang ang walang ganti!hekhek!
Ang galing mo author! Thumbs up ako sayo!

kiero143 said...

haist nuh ba naman yan...cguro pinilit lamang ni diana si jayson...cguro may balak si diana na makipghiwalay kay gian para makarelasyon yung MVP...hehehe

sam1308 said...

thats the twist i'm talking...gonna find out what happen next....the was indeed great..

russ said...

kaya pila may ahas..sa panaginip nya.

Mr. Brickwall said...

ANG KATI MO DIANA! ANG KATI KATI! kakapang-init ng bunbunan e! grr..

sige lang author, paguluhin mu pa lalo. yung magulong magulo ha! hahaha.

ChuChi said...

its payback time!!

ohh i really love revenges!

:)

- ChuChi -

Chris said...

sure ako na ung gf ni Gian ung nang-ahas kay Jayson kac sa dun sa isang chapter nagagandahan sya sa katawan ni Jayson. sana mapatawad ni Gian si Jayson. salamat po sa mabilis na update!

James Cornejo said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

hala!! yan na nga ba ang AHAS.. ':P

Master_Lee#027 said...

SHOOT!!! That's what i've thinking in the past few days eh tskkkkkk....mga ahas sila ah?naku kala ko pa naman loyal ang love ni jayson si gian yun pala eh back stabber siya ahaha,and lastly for diana SPELL M.A.KA.T.I. S.I.Y.A. ahaha and for the new character involve hmmm?ano magiging papel mo sa LOVE AFFAIR NINA GIAN-DIANA-JAYSON..??? Kakaexcite :):):) keep posting mr. Author ,goood jooooob

foxriver said...

WOW!!!!! I love where this story is headin......good job author. And i think more twists to come hahaha

Anonymous said...

hmmpp!!! .. makati ka pa sa higad na nasa dahon ng gabi Diana, nakakainis ka.. bkit mo nagawa un kay Gian, huhu so much affected ako, anu na mangyayari sa friendship nila Jayson at Gian? im sure nilandi lng ni Diana c Jayson..

Sana magkaayos pa sila Gian at Jayson.. tnx po sa mabilis na update

Anonymous said...

.....................totoo palam ang premonition..............

..............impaktang babae sasali pa kasi eh..........

haissttttttttttttt..lawfer......................tubig nga.........


jazz0903

Anonymous said...

heheheeeeeeeeeeee.............tama lang yannnnnnnnnnn........sa bandang huli magkapatawaran din cla.......kahit d na cla magkatulyang dalawa......................................pwed nila i orgy c diaaane pagsawaan nila.......gusto nmn ni diaane ehhhhhhhhhhhh..............................................................................................................................................ras

Anonymous said...

mabubuntis ni jayson c dianne hahahahahaha bahala cla sa buhay nila.................................................awaken

rascal said...

hephep malibog pal c diaane

rascal said...

diaane ikaw na........sarap ba nilang 2.......

Post a Comment