Tuesday, April 3, 2012

Will You Wait For Me? (Part 07)

Nakakatuwa reaction nyo sa huling part... Magkakaibang komento at kuru-kuro. /heh
Anyway, Part 7 na tayo... May bagong karakter tayong papasok. Isa ba siyang kaibigan o isa na namang magpapakomplikado ng kwento?
/gg

Special Thanks to Makki sa paggawa ng Cover Photo. /no1


Will You Wait For Me? (Part 7)
Cover Photo Created by Makki


“Nay alis na po ako!” unang araw ng klase sa taong ito. Excited na akong pumasok ulit.

“Oh, ‘di mo ba hihintayin si Je-je?” tanong ni nanay na pinatay ang daloy ng tubig sa hose. Iniwan muna niya ang mga halamang dinidiligan niya at lumapit sa akin.

“Hindi na po ‘Nay… Magkikita naman kami sa university eh. Sige po una na ‘ko, dadaanan ko pa po si Diana eh.”

“Oh… Sige. Mag-iingat ka Ji-ji!”

Naglakad na ako hanggang sakayan. Dumeretso ako sa bahay nina Diana, only to know na nauna na pala itong nakaalis. “Sana sinabi mong susunduin mo siya.” Sabi ni tita. Nalungkot ako, gusto ko sana siyang sorpresahin.

“Sige po, next time itetext ko po muna. Sige po tita, pasok na po ako.” sabi ko nalang bago tuluyang umalis.

“Sige, ingat Gian.” Dinig kong sinabi ni tita ngunit ‘di na ako tumugon.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko agad yun sa pag-aakalang si Diana ang nagtext. Pagtingin ko’y si Jayson pala. Binasa ko na din.

“Bk8 d m nman aq hnintay moy? Dnla q cmera m pumayag na c nnay. Kita tau bgo pumsok ah?”

Bkit niya dinala ang camera ko? Anong meron?

“Aray!” nagulat ako, may nabangga akong lalaki.

“S-sorry.” Ang naisagot ko nalang. Hindi ko na nareplyan si Jayson dahil dun.

“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” sabi nung lalaki bago dumeretso ng lakad. Umalis na din ako, baka ma-late pa ako.

Pagkadating ko ng university  nakita ko agad si Jayson na nag-aabang sa may main gate. Nang makita ako nito’y sumilay ang matamis niyang ngiti. Sinalubong niya ako. “Saan ka galing?”

“Kina Diana. Susunduin ko sana, nauna na pala siyang umalis.” Malungkot kong tugon sa kanya.

“Hayaan mo na, nandito naman ako Moy.” Sagot niya’t inakbayan ako. Sasabihin ko sana sa kanyang bawasan ang sweetness pero ‘di ko naituloy dahil nagsalita siya ulit. “Kunan mo’ko mamaya, may practice kami eh. Heto ang cam mo.” Sabay dukot niya ng camera mula sa bag niya.

“Practice?! Practice lang magpapa-picture ka pa?! Aba Mr. Jayson Maliwat Junior, hindi mo ako bayarang personal photographer!” singhal ko.

“Hala nagalit?! Moy kailangan lang sa paper namin. Pagbigyan mo na ‘ko”

“May photographer naman ang school paper ah?! Tsaka ‘di pa ba sapat yung kinunan ko dati?”

“Alam mo namang ayoko sa ibang photographer eh. Sige na naman. Libre nalang kita ng lunch.” At hayun na naman po ang puppy eyes niya. Tsk! Kahit kailan ‘di ko matiis ‘tong mokong na to.

“Oo na! Oo na! Matigil ka lang! Anong oras ba practice nyo?” pagpayag ko.

“Mamayang 3 P.M. sa gym.”

“Okay. Basta yung lunch naming dalawa ni Diana sagot mo!”

“Bakit kasama ang syota mo?” simangot niyang tanong.

“Syempre! Kung ayaw mo, maghanap ka ng ibang photographer!”

“Sandali… ‘Di ko naman sinabing ayaw ko ah. Sige, kasama na si Diana, pero wag mo na sana isama yung mga kaibigan nya, mamumulubi naman ako.”

Natawa ako sa sagot niya. “Okay na, kami lang ni Diana. Paano, mamayang lunch nalang… Punta na ‘ko ng class baka hinihintay na ako ni Honey Bunch.” Dun na kami naghiwalay ng landas.




First break, after ng class namin with Mr. Yumul. “Gummy bear punta muna ako ng CR, mauna na kayo sa canteen.” Paalam ni Diana. Pinayagan ko naman siya. Hinintay ko na sina Romel at Theressa para may kasama ako sa paghihintay sa canteen.

Habang naglalakad kami’y halos mabingi ako sa tili ng dalawa nang makita nila yung MVP daw ng basketball team. “Gian pahiram naman.” Sabi ni Theresa sabay kinuha niya yung camera ko kahit ‘di pa ‘ko pumapayag. Kinunan niya yung lalaki na nakaupo sa isa sa mga bench. “Ang guwapo talaga niya!!! Iprint mo yan ha? Ibigay mo sa’kin pati negative.” Sabi pa niya.

“Bigyan mo din ako ng kopya!” si Romel.

“Okay, okay, magpi-print ako mamaya.” Sabi ko nalang nang ibalik nila sa’kin yung camera. Muli kong isinukbit yun sa leeg ko. Hindi ko lang alam kung sino yung kinunan nila, ‘di naman ako nanonood ng basketball.

Matapos ng maikling distraction ay nakarating na kami ng canteen. Umorder na kami ng merienda, ipinag-order ko na din si Diana ng favorite niyang lasagna at apple iced tea. ‘Di naman nagtagal ay dumating na siya. “Ba’t antagal mo?” tanong ko sa kanya.

“Sorry gummy bear, maraming tao sa CR eh, kinailangan ko pang maghintay para makagamit ng cubicle.”

“Ah ganun ba? Kain na tayo, ipinag-order na kita.”

“Thank you gummy bear.” At hinalikan niya ako sa pisngi.

Matapos kumain ay naglakad na kami pabalik sa class room. Tinutukso pa kami nina Romel at Theressa habang naglalakad kami, nakakainggit daw ang sweetness namin ngayon.

“Oo nga, sobrang sweet nyo ngayon. Ano bang nangyari sa Christmas Vacation at nagkaganyan kayo?” pang-uusisa ni Theressa.

Sinadya kong maging lalong sweet kay Diana. Matapos ng ginawa naming pagtatalik nung birthday niya ay pakiramdam ko’y siya na ang papakasalan ko pagdating ng panahon. Gusto ko siyang alagaan at bakuran laban sa sino mang hahadlang sa amin.

“Wala naman. Nag-celebrate lang kami. Masaya yung naging holiday namin kaya heto, masaya pa rin kami kahit tapos na ang holidays.” Sagot ko’t hinigpitan ang pag-akbay kay Diana.

“Ay bibili talaga ako ng Baygon! Ayokong langgamin ano?!” singit ni Romel na tinawanan naman namin.

Bumalik na nga kami ng classroom, mabuti’t ‘di kami na-late. Tatlong oras pa bago ang susunod na break kaya nakakaramdam ako ng katamaran. Gusto ko nang mag-break ulit para maakbayan at mahalikan ko ulit si Diana. ‘Di na ‘ko makapaghintay.

Matapos ng napakahabang tatlong oras, sa wakas ay lunch break na. Kasama ulit sina Diana, Romel at Theresa ay nagpunta kami ng canteen. Doon ay nakita namin agad si Jayson na nag-aabang sa may pintuan.

“Kanina ka pa?” tanong ko sa kanya.

“Hindi naman, kadarating ko lang din. Tara na.” nauna na siyang pumila upang umorder ng makakain. Kasunod lang niya ako habang si Diana ay humanap ng pwestong mauupuan namin.

“Anong sa’yo?” tanong ni Jayson sa’kin.

“Yan, yan, yan, isang pineapple juice, apple iced tea, tsaka samba.”

“Eh kami hindi mo ba tatanungin?” sabad naman ni Romel.

“Oo nga naman, libre mo naman kami.” Si Theressa.

“Ah-ehh…” hindi makasagot si Jayson. Tumingin siya sa’kin upang manghingi ng saklolo.

“Sige ituro nyo lang sa kanya kung anong gusto nyo. Ipapa-order ko sa kanya.” Sagot ko sa kanila. Biglang kumulubot ang mukha ni Jayson sa narinig.

“Yehey! Sa’kin ito tsaka coke.” Si Romel.

“Yun naman sa’kin tsaka iced tea na rin.” Si Theressa.

“Hayun narinig mo sila Moy. Orderin mo na.” utos ko kay Jayson. Bumuntong hininga naman ito at umorder.

Nang sisingilin na si Jayson ng kahera ay humarap ako kina Romel. “Oh ang bayad nyo?” tanong ko sa kanila sabay lahad ng palad ko.

“Ha? Akala ko ba libre?” tanong ni Theressa.

“Wala naman akong sinabing libre ni Moy eh, sabi ko lang sabihin nyo order nyo.” Nakangisi kong sagit. Napangiti rin si Jayson.

“Daya naman.” Pagmamaktol ng dalawa’t iniabot na sa’kin ang bayad nila. Tinawanan ko nalang sila’t iniabot kay Jayson ang pera nila.

Binuhat na namin ang kanya-kanyang tray at nagpunta sa table na napili ni Diana. Tulad ng dati’y galit-galit muna ako habang sila namang nagdadaldalan. Ngunit napansin kong parang kakaiba ngayon, ‘di nag-uusap sina Jayson at Diana. Parang may alitan silang hindi ko alam.

“Oh ba’t nanahimik kayo? Nakakapanibago ah.” bigla kong tanong sa dalawa.

“Nakakapanibago nga, nagsalita ka habang kumakain!” sabad naman ng epal na si Romel.

Kaysa sagutin ng dalawa ang tanong ko’y parang ako pa ang iginisa nila. “Oo nga gummy bear, himala nagsalita ka habang kumakain. Nakakadaldal ba yang kinakain mo?”

“Baka naman may gayumang pampadaldal ang juice.” Si Jayson.

“Ewan ko sainyo.” Ang tanging isinagot ko’t ipinagpatuloy ang pagkain. Nag-usap sila matapos nun, pero kahit nag-uusap sila, parang cold pa din ang pag-uusap nila, hindi tulad dati. Nakakapanibago talaga pero ‘di ko na muna yun pinansin.




“Pasensya na hon, ‘di muna kita maihahatid ngayon. Nakiusap si Moy sa'kin na kuhanan ko ang practice nila eh. Babawi nalang ako sa’yo bukas.” Pagpapaalam ko kay Diana na inihatid ko sa gate ng university. Kakatapos lang ng huling klase namin sa araw na yun.

“Okay lang yun gummy bear, kasama ko naman sina Romel at Theressa eh. I-enjoy mo nalang yung panonood ng practice nila. Galingan mo ang pagkuha ng pictures para kunin ka ng school paper.”

“Ayoko naman nun hon, tinanggihan ko na nga dati yung offer nila. Studies at ikaw lang muna ang focus ko.”

“Hump… Nambola ka pa. Sige na gummy bear, alis na kami.” Paalam niya’t humalik sa pisngi ko.

“Hon sandali.” Pagpigil ko sa kanya.

“Bakit?” taka niyang tanong na sinagot ko ng mainit na halik sa labi.

“Yun lang. Ingat hon.” Sabi ko.

“Ayii ang sweet! Makaalis na nga bago ako tuluyang langgamin dito!” si Romel sabay hila na sa dalawang babaeng kasama niya.

“Bye gummy bear.” Kinawayan ako nang isa pang beses ni Diana bago tuluyang tumalikod.

Dumeretso na ako sa gym upang tignan kung nag-umpisa na ang practice. Pagdating doon ay nakita ko agad si Jayson na nakaupong mag-isa habang naka-kumpol naman ang mga kasamahan niya sa grupo. Nanonood sila ng practice ng basketball varsity team.

Lumingon si Jayson sa kinatatayuan ko. Ngumiti siya’t masiglang tumayo. Halos takbuhin na niya ang aking kinaroroonan. “Moy! Akala ko ‘di ka na darating eh.”

Bumuntong hininga ako’t sumagot. “Wala naman akong choice ‘di ba?”

“Kaya mahal kita Moy eh.” Sabi niya’t inakbayan ako.

“Moy…”

“Hayaan mo na Moy… Tara na, mag-uumpisa na kami.” Sabi niya’t inaya na ako sa umpukan ng grupo niya. “Diyan ka lang Moy ha?” sabi niya nang makaupo ako. Kumindat pa ang loko.

“Start na tayo guys!” sigaw niya’t pumalakpak. Nagsitayuan na ang grupo niya saka pumusisyon.

Sinimulan na ang tugtog. Pinanood muna ni Jayson ang lahat at sinabihan ang may maling galaw. Tinutukan talaga niya ang grupo niya habang ako nama’y nanonood lang. Sinenyasan niya ako na sasali na siya sa practice kung kaya tumayo na din ako at inihanda ang camera ko.

Todo project ang loko, feeling model. Ginalingan ko naman ang pagkuha para naman makabawi ako sa panlilibre niya kanina ng lunch sa amin ni Diana. ‘Di ko napansing nasa loob na pala ako ng court kung saan nagpa-practice ang mga varsity.

“Ilag!!!” ang narinig kong sigaw. ‘Di sinasadyang tinamaan ako ng bola sa ulo. Parang may nagflash tapos ay nagdilim ang paningin ko. ‘Di ko maiwasang mapa-upo sa pagkahilong naramdaman ko. “Okay ka lang?” tanong nung lalaking lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo.

“Tanga ka ba?! Tinamaan nga ng bola tapos itatanong mo kung nasaktan siya? Kung ikaw kaya ang hampasin ko ng bola sa ulo mag-enjoy ka kaya?!” galit na sabad ni Jayson. Tinanggal niya ang pagkakahawak nung lalaki at siya ang pumalit.

“Sorry, ‘di ko naman sinasadya eh.” Paliwanag nung lalaki.

“Hinde, okay lang.” sagot ko naman dito. Humarap ako sa kanya, para akong unano sa tangkad niya. Namumukhaan ko siya pero ‘di ko matandaan kung saan ko siya nakita.

“Hindi okay yun Moy! Gagu kasi, ‘di nag-iingat!” parinig naman ni Jayson sa lalaki.

“Nag-sorry na ako ah. Tsaka bakit apektado ka?! Angas mo ah!” sagot ng lalaki kay Jayson.

“Talaga namang gago ka eh! Ano?!” parang naghahamong sagot ni Jayson. Itinulak pa niya ito sa dibdib.

“Jayson, okay na nga ano ka ba?!” Naiinis na ako, alam naman niyang ayoko na ng away pero pinapalaki pa niya ang gulo.

“Hindi Moy eh, kailangang turuan ng leksyon ‘to.” Sagot naman ni Jayson sa akin at tinapunan ng matalim na titig yung lalaki.

“Ano bang gusto mo?! Papalag ka ba?!” nagalit na din yung lalaki sa angas na ipinakita ni Jayson, nagbanggaan sila ng dibdib.

“Game, 1 on 1 tayo!” paghahamon ni Jayson.

“Game!” sagot nung lalaki’t ibinato kay Jayson ang bola na sinalo naman niya.

“Dito ka lang Moy, pakakainin ko ng alikabok ang bakulaw.” Napailing nalang ako dahil ‘di siya nakinig sa akin. Nakakainis!

Naglaban nga sila sa laro. Nakakabilib dahil nakakasabay si Jayson sa matangkad na lalaki. Todo guwardiya si Jayson dito’t nung akmang gagawa ng 3 point shot yung lalaki ay matagumpay na tinapalan ito ni Jayson. Nakuha niya yung bola’t siya naman ang nag-attempt subalit nasalag ito nung lalaki. Nagsisigawan ang mga ka-grupo ni Jayson sa pag-cheer sa kanya ngunit ‘di naman nagpatalo ang mga varsity players. Nakakatawa pa dahil para silang mga cheer leaders talaga, may mga posing pa silang nalalaman tapos ay magtatawanan na parang mga timang.

Ilang minuto na ang nakalipas, lamang ng dalawang puntos yung matangkad na lalaki. Hawak ni Jayson ang bola’t pansin kong pareho na silang pawisan at humihingal.

“Magaling ka, ba’t ‘di ka sumali sa’min?” tanong nung lalaki kay Jayson.

“Ayoko, mas gusto kong sumayaw kesa maglaro eh.” Hingal na tugon ni Jayson.

“Sayang ang galing mo, pero mas magaling ako sa’yo.” Sabi nung lalaki’t sinubukang agawin ang bola kay Jayson. Naiwasn ni Jayson ito’t tumalon siya.

“Mukha mo!” sagot ni Jayson at pinitik na yung bola. Tumalon yung lalaki pero dahil pagod na rin ay medyo ‘di na ganoon kataas ang talon nito, ‘di niya naabot yung bola. Wala siyang nagawa kundi ang panoorin ang bola hanggang sa tumama ito sa ring. Umikot-ikot pa ito bago tuluyang pumasok.

“Maliwat three points! Wooooooh!!!” sigaw ng grupo ni Jayson. Tuwang tuwa sila dahil sa pagkapanalo niya. Natuwa rin ako pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang angas niya kanina kaya nanatili akong nakasimangot.

Nilapitan nung lalaki si Jayson at inilahad ang kamay. “Galing mo! Sigurado kang ayaw mong sumali sa team?”

Nakipagkamayan naman si Jayson dito. “Okay na ako sa dance troupe. Pero pag-iisipan ko pare.” Nakakatuwa lang na kanina ay parang kakainin nila ng buhay ang isa’t isa, ngayon naman parang magkaibigan na sila.

Lumapit yung lalaki sakin at nakipag kamay din. “Sorry ulit kanina ha?”

“Okay lang sabi yun, ‘di naman ako gaanong nasaktan.” Sagot ko naman dito’t kinamayan na rin siya.

“Ahem!” singit ni Jayson. “Tara meriyenda muna tayo Moy, napagod ako.” pag-aaya niya sa’kin ay inakbayan ako. “Meriyenda muna kami pare.” Paalam niya sa lalaki. Sumunod naman ang mga kagrupo niya sa’min.

“Teka, wag mo nga akong akbayan, pawisan ka!” sambit ko’t pilit tinanggal ang kamay niya.

“Eh ano ngayon?! Mabango naman ako kahit pawisan.” Sagot nito sa’kin at hinigpitan ang kapit niya. Wala na akong nagawa kundi hayaan nalang siya, wala rin naman kasi akong magagawa dahil malakas siya kaysa sa’kin.

“Ilibre mo’ko ha? Ipinagtanggol kita.” Nakangisi niyang sabi pagkarating namin sa canteen.

“Pinagtanggol mo muka mo! Ikaw itong naghamon sa kanya eh!” sabi ko na ngisi lang ang isinagot niya. Umorder kami ng pagkain pero siya na rin ang nagbayad. Iniaabot ko ang bayad ko pero ‘di niya tinanggap yun. Natuwa naman ako dahil nakalibre na naman ako.

“Moy sa’min ka nalang muna matulog. Tagal mo nang ‘di natutulog sa’min eh. Tinatanong ka na nina mommy at daddy.” Sabi ni Jayson habang naglalakad na kami palabas. Tapos na ang practice nila’t nakaligo na rin siya.

“Ehh magpiprint pa ko ng pictures mo eh. Alangan namang dalhin ko buong studio ko sa bahay nyo.”

“Pwede rin! Pero Moy, pwede ka namang pumunta ng bahay pagkatapos mo mag-print ‘di ba?”

“Eh gusto ko nang magpahinga nun.” Pagpapalusot ko.

“Nagdadahilan ka lang eh. Sasabihin ko kina daddy ayaw mo lang pumunta.”

“Huwag! Gago ka ba? Baka magtampo sila, ‘kaw talaga.”

“Nakakatampo ka naman talaga eh.” Malungkot nitong tugon.

“Hala ang damulag nagtatampo… Ako nga ang dapat magtampo dahil ‘di ka nakinig sa’kin kanina, ang angas mo masyado.”

“Eh nasaktan ka eh, gusto kitang iganti syempre. Walang  pwedeng makapanakit sa Moy ko.” Abot tainga ang kanyang ngiti habang binibigyan ng diin ang ‘Moy ko’.

“Ewan ko sa’yo. Mag-manok nalang tayo, gutom lang yan.” Sabi ko dito’t ang tinutukoy ay ang tindang chicken balls ni manong fish ball.

“Takaw mo talaga Moy, ‘di ka naman tumataba.”

“Takaw your face! Ikaw itong malakas lumamon sa’tin no!” depensa ko.

“Natural lang yun, active ako eh. Eh ikaw, wala ka namang ginagawa kundi magbasa o kaya maglaro ng pc.”

“Active naman ang utak ko.”

“Utak your face!” panggagaya niya sa’kin.

“Aba’t!” susupalpalin ko sana subalit ako naman ang pinasakan niya ng chicken ball sa bibig.

“Kumain ka nalang.” Nakangisi niyang wika. Sarap batukan!




“Bakit ‘di ka pa umuwi?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang film sa camera ko sa loob ng dark box.

“Hihintayin kita hanggang matapos mo yan para wala kang lusot. Isasama kita sa bahay sa ayaw at sa gusto mo.” Sagot naman nito habang kinakalkal ang mga gamit ko sa studio.

“Magpapahinga na nga ako pagkatapos nito.”

“Hindi pwede, uuwi ka sa bahay ngayon kung ayaw mong magsumbong ako kina daddy. ‘Di ako nagbibiro Moy.” Pagbabanta niya. Seryoso nga ang mokong.

“Bahala ka nga!” inis kong tugon at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko.

“Dito ka nalang kaya matulog? Ganun din yun.” Suhestyon ko. Tinatamad na talaga akong lumabas eh.

“Hindi Moy, sa bahay ka matutulog para makasama ka din nina mommy at daddy sa hapunan. Miss ka na ng mga yun.” Natuwa naman ako sa sinabi ni Jayson. Sina ninong at ninang talaga… Mahal na mahal talaga nila ako.

“Okay! Wala naman na akong magagawa, ang kulit ng guwardya sibil ko.” Sagot ko nalang. “Moy labas ka muna, tapos ko na madevelop yung film. Magpiprint na ‘ko.” Pakiusap ko dito.

“Sige. Ipagpapaalam na din kita kay nanay.” Sagot naman niya’t tuluyan ng lumabas ng studio.

Inihanda ko na ang projector ko, mga slides, trays at mga solution na gagamitin ko, pati na rin ang mga photo paper na inorder ko dati kina sir Hiro. Pinatay ko na ang ilaw at sinimulan na ang proseso. Medyo natagalan ako sa pagdevelop ng kulay dahil nga kapaan lang. Pero sa 3rd wash naman ay nakagamit na ako ng infrared light kaya naging madali na. Pinatuyo ko muna yung mga yun.

Nang matuyo na ang prints ko ay sinindi ko na din ang ilaw. Tinignan ko kung maayos ba ang pagkaka-print ng mga letrato. Napansin ko agad yung picture na kinunan nina Theressa kanina, yung MVP daw.

Biglang bumukas yung pinto. “Tapos ka na ba Moy? Patingin!” tanong niya’t kinuha yung mga pictures na hawak ko. Biglang sumeryoso ang mukha niya nang makita niya yung letrato… Letrato nung lalaking nakalaban niya kanina.




Itutuloy…

13 comments:

Anonymous said...

BOOM! Gulo itong umaatikabo. Suklib na naman tong jayson sigurado ako.

-LEVI-

Chris said...

magseselos na sya! hahaha! sino nmn kaya ang aagawin nung lalake? si Gian o si Jayson? to the rescue nmn tong si Jayson. OA kung makareact ah! ang ganda po! haha! salamat po sa araw araw na update!

Coffee Prince said...

wew .. LOVE TRIANGLE ...
ahehehe ..

kaso .. natutulog pa yung feminine part ni Gian (meganun? XD)
kaya ayun .. parang yung effort ni Jayson isn't worthy ..
HAY ...

but anyway ---
ano bang meron kay Diana at Jayson?
I smell something FISHY kay Diana aa ..
may ibang lalaki kaya yan? >.<
(makapag-jump to conclusion lang .. WAGAS ee .. LOLz)

Thanks kuya Law ~

Anonymous said...

nice one author, kaso, parang ang tagal naman ng paglambot ng puso ni gian for jayson. Naku naku, FEELING KO, darating yung point dito sa story na to na si Gian naman ang hahabol kay Jayson. hahaha, (nagawa ng sariling plot?? wahaahahahha, pero exciting yun. hahahaha.) (Ganun kasi ang gusto ko mangyari ngayon, ang pahabulin naman ang taong dati ay pinapahabol ako. hahahaha)


-eusethadeus-

Anonymous said...

naku magseselos na naman nyan si jeje nyan hehe.. anong meron kay jeje at diana?=dereck=

foxriver said...

yun oh may new guy.. I'm getting excited hahahaha.....bring it on..thanks for the fast update author..

--makki-- said...

abangan ang pag sulpot ng pinaka poging character! bwahahahaahahaha

Lawfer said...

c MVP na pogi :))

Master_lee#027 said...

Ahah.......naku new character na maiinvolve sa love afffair nina gian at jayson ,kaexcite,...

Anonymous said...

,,,,MALAMANG AKO YUNG BAGONG CHARACTER(JOKe).. HAHAHAHAHHAHA


..GIAN AT JASON ANO BA TLGA...........



NICE ONE.. MR.OTOR

JAZZ0903

Anonymous said...

hello sir lawfer ang ganda ng story
super excited na coo mabasa ung susunod :)

ganda super


--demure

Anonymous said...

hay malamang kay jayson ung mvp player....know nyo nmn na my d na c jeje........mganda nga yan ng magselos c jeje..........................................................................................ras

Anonymous said...

gondo gondo nman! keep it up po...


cant wait sa next chapter, selos nman c jayson, haha

bkit naglalaro mga paa ni diana at jayson?

Post a Comment