Monday, April 2, 2012

Will You Wait For Me? (Part 06)

Part 6 na, back to reality na tayo. Paalala, may mga scenes po dito, tulad sa nakaraang dalawang bahagi, ay may mga tema na 'di naaangkop sa mga bata. Patnubay ng mga gurang ay kinakailangan :P


Will You Wait For Me? (Part 6)



*GIAN CARLO BERNAL*

“Tatay!!!” ang sigaw ko’t bumangon. Humahangos ako, parang pagod na pagod. Matindi ang sakit ng ulo ko, parang hinampas ng kawali. Bigla ko ring naramdaman ang pananakit ng tagiliran ko.

“Ji-ji, anong nangyari?!” nagulat si nanay sa biglaan kong pagbangon. “Huwag ka munang magalaw, dudugo yung sugat mo.” Dugtong pa niya.

“Moy!” gulat na nasambit ni Jayson at lumapit din sa hinihigaan ko. “Okay ka lang?” tanong niya.

Pinilit kong kumalma. Ikinuha ako ng tubig ni nanay at pinainom muna. Hinimas-himas din niya ang likod ko. “Masama ba ang panaginip mo, anak?” nag-aalala niyang tanong sa’kin.

“Nay, napanaginipan ko si tatay, nakahiga sa kabaong.” Sagot ko naman. Hindi ko sinabing naaalala ko na ang lahat. Isa yung bagay na dapat na ngang ilihim. Ang ala-alang yun ang pumatay kay tatay, ayoko nang balikan pa yun.

Niyakap ako ni nanay at hinaplos haplos ang likod ng ulo ko. “Huwag mo nang isipin yun anak, alam kong napatawad ka na ng tatay mo. Magpahinga ka muna para gumaling agad ang sugat mo.”

“Oo nga, magpahinga ka muna Moy. Babantayan ka namin.” Sambit ni Jayson at hinawakan ang balikat ko. Tinignan ko siya, hindi ko alam paano mag-rereact ngayong naaalala ko na ang mga ginagawa namin nuong bata pa kami. ‘Di ko maiwasang isiping may motibo ang mga kilos niya. Naiilang ako.




Hapunan. Kakalabas ko lang ng ospital. Tahimik lang akong kumakain habang si Jayson at nanay ay nag-uusap. ‘Di nakaligtas sa aking paningin ang maya’t mayang pagsulyap ni Jayson sa’kin, nakangiti. Tinutugunan ko naman siya ng pilit na ngiti.

Matapos kumain ay dumeretso na kami ng kuwarto ko. Inalalayan niya ako dahil nga sumasakit pa yung sugat ko. “Dahan-dahan lang Moy, baka dumugo ulit yan. Sabihin mo sa’kin pag kumikirot ha? Ikukuha kita ng gamot.” Tinanguan ko nalang siya bilang tugon.

Nakahiga na ako sa kama ko habang si Jayson naman ay nagtatanggal ng pang-itaas. Pinatay niya ang ilaw at agad na tumabi sa’kin. Naiisip ko pa din ang nakaraan namin ni Jayson, ang mga kabulastugan naming dalawa. Parang gusto ko nalang makalimutan ulit yun, ramdam kong naaapektuhan talaga ako ng mga ala-alang yun. Naiilang na talaga ako.

“Moy…” dinig kong mahinang pagtawag niya sa’kin. Ngayon ko lang napansin na parang nang-aakit ang boses niya sa tuwing tatawagin niya ako sa pagtulog namin.

“Bakit?”

“’Di ako makatulog…” sagot niya.

Kinabahan ako. Magpapakamot na naman siya ng ulo… Pero iba na eh, ginagawa namin yun dati dahil nga iniisip namin na magkasintahan kami. Pero iba na, iba na ngayon. Walang lalakeng mag-best friends ang pahihigain ang kaibigan niya sa braso niya tapos yayakap yung iba. Nakahubad pa man din siya.

“Inaantok na ‘ko Moy.” Sagot ko nalang at tumagilid patalikod sa kanya.

“Moy…Sige na please?” nagmamakaawa niya. Ipinatong niya ang pisngi niya sa braso ko’t ang isang kamay niya’y humihimas sa dibdib ko. Ayoko man pero parang tinatablan ako sa ginagawa niya.

“Anu ba Jayson?! Inaantok na ako sabi! Isa pa, yung sugat ko tinatamaan ng siko mo!” Ayoko siyang sigawan subalit ayaw ko ring tuluyang mag-init ang katawan ko’t baka bumigay na ako ng tuluyan. Ayaw ko nang maulit yung dati, baka hindi lang si tatay ang mawala.

“S-sorry” ang tangi niyang nasambit. Alam kong nagulat siya. Ngayon ko lang siya tinanggihan sa pakiusap niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo ko sa kanya, laging sumisiksik sa isip ko na ‘di ko na dapat ipagpatuloy ang mga nakasanayan naming gawain.

Nahirapan akong hulihin ang tulog ko sa buong magdamag na yun. Maraming tumatakbo sa isip ko. Importante sa akin si Jayson dahil siya ang lagi kong kasama mula pagkabata… Tulad ng habilin nina ninong at ni tatay, kami ang laging magkakampi sa lahat ng bagay… Pero hindi ako bakla, hindi ako maaaring maging bakla. Isa pa, mahal ko ang girlfriend kong si Diana, sigurado ako doon.

Pero ngayong nagbalik na ng buong buo ang ala-ala ko nuong kabataan ko, parang may kung anong kumukurot sa puso ko para kay Jayson. Parang… Parang mahal ko na din siya ng higit pa sa pagiging best friend.

Ang gulo! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip! Narinig ko nalang tumilaok ang mga manok ng kapit bahay. Pagtingin ko sa cellphone ko’y alas cuatro na pala. Inis na inis ako, gusto kong matulog pero hindi pa rin ito mahagilap. Nagpasya na akong bumangon.

Napadaan ako sa kuwarto ni nanay. Nakarinig ako ng nagsasalita. Minabuti kong lumapit at makinig. Naririnig ko ang boses ni nanay na nagsasalita pero wala akong naririnig na sumasagot. Sino kaya ang kausap niya? Nagpasya akong sumilip, bahagya kong binuksan yung pinto. Mabuti nalang at nakabukas ang ilaw kaya nakikita ko ang loob ng kuwarto. Si nanay nakaupo sa kama niya, hawak niya yung picture nila ni tatay. Malungkot ang mukha niya pero nakangiti. Ano kaya ang sinasabi niya kay tatay? Hindi ko gaanong marinig. Ang narinig ko lang ay “Sana maging masaya ka para sa kanila…”

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni nanay dun. Hinayaan ko nalang siya. Namimiss lang talaga siguro niya si tatay… Ilang taon na rin mula nung mawala siya. Ako man ay namimiss ko siya… Si tatay…




“Sasamahan na kita…” sabi ni Jayson. Nagpupumilit kasi akong bumalik ng bayan upang kunin yung aquarium na pinasadya ko. Bukas na ang birthday ni Diana/monthsary namin/christmas eve, kaya dapat ko nang maihanda yung regalo ko.

“Huwag na, kaya ko na.”

“’Di mo kayang dalhin lahat yun, sariwa pa ang sugat mo. Sasamahan na kita. Paalam lang ako kay mommy.” Pagpupumilit niya. Wala na akong nagawa pa kundi ang pumayag.

Sa sasakyan ay inalalayan pa niya ako, naiilang ako dahil para akong babae sa ginagawa niya. Tapos ay inakbayan pa niya ako. “Kailan mo i-seset up sa bahay nila yung aquarium?”

“Bukas na siguro, kakausapin ko si tita para ma-set ko ng ‘di niya alam sa kuwarto niya.” Sagot ko naman habang tinatanggal ang kamay niya sa pagkaka-akbay sa akin.

Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang kamay ko, hinigpitan niya yun, di ko matanggal dahil mas malakas siya sa akin, ayoko namang pwersahin baka mabanat ang kalamnan ko’t manakit. Tinignan ko siya, ngumiti ito. Iniwas ko nalang ang tingin ko, para kasing matutunaw ako sa titig niya. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa makarating kami sa bayan.

“Oi ikaw pala. Akala ko hindi mo na kukunin eh.” Nakangiting sinalubong ako nung may-ari ng pet shop.

“Pasesya na po, may nangyari po kasi kaya hindi ko nadaanan kahapon.”

“Ah kaya pala iika-ika ka.” Sagot niya dala-dala na yung aquarium na pinasadya ko. “Ikaw na ang pumili ng guppies, heto ang net. Ihahanda ko lang accessories nito.” Dugtong pa niya bago tumalikod.

Tumitingin ako sa mga guppies, naaaliw akong tignan ang napakaraming guppies sa malaking aquarium. Parang gusto kong kunin nalang lahat. Nakakita ako ng king cobra guppy na may malagong buntot, pilit ko yung hinuli ngunit sadyang napakailap nito. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay kong nakababad sa tubig ng aquarium.

“Tulungan na kita.” Sabi ni Jayson. Akmang bibitawan ko sana yung net para siya na ang humuli kaso hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, inalalayan niya ako. Damang dama ko ang init ng palad niya na salungat sa lamig ng tubig ng aquarium. Ramdam kong nag-iinit ang mukha ko kaya pilit kong iniwas sa kaniyang paningin.

“Hayun!” sambit niya. Pagtingin ko’y nahuli nga niya yung guppy na gusto ko. Isinilid niya sa plastic na may tubig nang hindi binibitawan ang kamay ko.

“Alin pang gusto mo?” tanong niya. Tumingin ako sa aquarium at humanap ng ibang guppies na mukhang malusog at malago ang buntot. Itinuro ko yung blue ribbon guppy.

“Yan ba? Sige akong bahala.” Muli niyang isinawsaw ang kamay naming dalawa sa aquarium upang hulihin yung tinuro ko. Sa pagkakataong ito’y ramdam ko ang hininga niya sa likod ng tainga ko.

“Ikaw nalang humuli, tignan ko lang yung mga live plants.” Pag-iwas ko sa kanya. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa mga sandaling yun. Gusto ko ang pakiramdam na ayaw ko na ewan.

“Ah sige, ipanghuhuli kita ng magaganda.” Pagpayag niya. Binitawan na niya ang kamay ko’t siya na ang humawak nung net.

Pumunta ako sa aquarium na puno ng halaman. Dalawang klase lang ang mga aquatic plants na nandoon, amazon sword at cabomba. Pinili ko yung amazon sword plants dahil madaling paramihin ang mga yun kaysa cabomba.

“Okay na ba ang mga ito?” wika ni Jayson sabay harang ng isang plastic ng guppies sa mukha ko. Magaganda yung mga nakuha nya pero may isang nakapukaw ng aking pansin.

“Platinum Delta?” gulat kong nasambit. Isa yung silver-colored guppy na mayabong ang buntot, madalang na makakita nun sa mga pet shops. Hindi ko napansing mayroon pala nun sa aquarium kanina.

“Nakita nyo pala, talas ng mata mo ah.” pagpuri ng may-ari kay Jayson. “Oh heto, tignan mo yung mga ornaments na nilagay ko. Pwede na ba to?” dugtong pa niya’t inilapag yung aquarium sa sahig.

Tinignan ko yung mga nakalagay dun, may pump, filter, mga ornaments na my sunken ship theme. “Okay na ‘to manong.” Sabi ko’t akmang bubuhatin ko na.

“Ako nalang!” sabi ni Jayson. Iniabot niya yung mga isda kay manong upang mabombahan ng oxygen yung plastic. Siya na ang nagbuhat nung aquarium. “Manong yung akin palagay na din sa loob.” Dugtong pa niya.

Kinuha ni manong yung maliit na rectangle aquarium, nagkasya naman sa loob ng binili kong octagon. May inilagay din isang plastic na naglalaman ng  ilang ornament at isang plastic na may dalawang maliit na angel fish. Binayaran ko na yung mga pinamili ko at umalis na kami.

“Moy ‘di ko gusto yung mga ginagawa mo.” Pagprangka ko sa kanya habang naglalakad kami.

“Alin?” tanong niya.

“Yung pagiging sweet mo sa’kin. Kung may makakitang iba baka kung ano pang isipin nila tungkol sa’tin.” Pagpapaliwanag ko. Biglang nalungkot yung mukha niya. Tumango nalang ito bilang tugon.

Umuwi muna kami ng bahay dahil bukas ko pa lang naman i-seset up yung aquarium sa bahay nina Diana tutal sabi ni manong kahit isang linggo tatagal yung mga isda sa plastic. Tinext ko na din si tita para malaya kong ma-iset up yun sa kwarto ni Diana nang di niya nalalaman.

Nakita ko si Jayson sa kusina, hinihugasan yung maliit na aquarium at mga ornaments. “Oh, ‘di mo ba i-uuwi ang mga yan?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi ah.” sagot naman niya.

“Saan mo i-didisplay yan?”

“Sa kwarto mo. Ito ang regalo ko sa’yo para may guardian angel ka. Angel fish nga lang, pero atleast angel ‘di ba? Sila ang magbabantay sa’yo kapag wala ako.” nakangiti niyang sabi.

Bumuntong hininga ako. “Moy…”

“Bakit?”

“’Di ba sabi ko ayaw kong sweet ka sa’kin?”

Napakamot siya ng ulo’t napangiti. “Hayaan mo na Moy, magpapasko naman eh.”

Ngumiti na rin ako. “Okay, last na yan ha?” ‘Di siya sumagot.

Sinet up niya nga yun sa kuwarto ko. Maganda siya lalu pag nakapatay ang ilaw sa kuwarto ko’t tanging yung lamp lang ng aquarium ang nagbibigay ng liwanag. Graceful lumangoy yung pares ng angel fish na regalo niya na bumagay sa wild river theme ng mga ornaments. Nakaka-relax sila panoorin.

“Alagaan mo sila Moy ha? Tulad ng pag-aalaga mo sa’kin.” Sambit niya habang nakatutuk ang paningin sa mga isda.

Naalala ko tuloy yung mga pinagsamahan namin mula pagkabata. Napangiti ako. “Oo ba.” Ang naitugon ko.

Nang gabing yun ay pinagbigyan ko siya sa gusto niyang paghiga sa braso ko habang kinakamot ang ulo niya. Atleast dun man lang ay masuklian ko ang regalo niya sa’kin. Nakayakap siya sa akin habang nagkukuwentuhan, binabalikan ang masasayang ala-ala namin bilang matalik na magkaibigan.

Kinabukasan ay sinabihan ako ni tita na lumabas na si Diana kasama ang mga pinsan niya. Agad akong nagpunta sa bahay nila upang i-set up yung aquarium. Sinamahan ako ni Jayson dahil nagpumilit ulit ito. Pumayag nalang ako.

Matapos i-set up yung aquarium ay nagtago muna ako. Nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya’t sabay kaming sumigaw ni Jayson ng “Surprise!”

Nagulat si Diana. Tuwang tuwa siya nang makita yung aquarium na regalo ko na nakapatong sa octagon na estante sa sulok ng kuwarto niya. Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ako’t pinaulanan ng halik sa mukha. “Thank you gummy bear! I love your gift!” sabi pa niya.

“Happy Birthday slash Happy Monthsary slash Merry Christmas honey bunch.” Sabi ko’t kinalikan ko siya sa labi.

“Ahem!” biglang parinig ni tita. “Baka saan mauwi yan ha? Kumain muna kayo, nagluto ako ng merienda.” Paanyaya niya.

Sabay sabay kaming lumabas ng silid at dumeretso sa hapag. Matapos kumain ay ipinagpaalam ko si Diana upang magpunta sa bahay namin for Christmas Eve. Pinayagan naman siya. Pinauna ko nang umuwi si Jayson para makapunta kami ng mall upang makapanuod muna kami ng sine ni Diana. Gusto kong sulitin ang buong araw na magkasama kami.

Gabi na nang makauwi kami ng bahay. Naihanda na ni nanay yung mga espesyal na putaheng hinabilin ko. Nandoon din sina ninong at ninang. Sama-sama kaming kumain at masaya ako sa mainit na pagtanggap nila sa girlfriend kong si Diana.

Matapos ng hapunan, sama-sama kami sa sala. Marami silang tinatanong kay Diana, kung paano kami nagkakilala, kung anong tingin niya sa akin, ang nakakatawa at nakakahiya pa ay pati ilan ang plano naming maging anak ni Diana ay pinag-usapan nila. Kapwa namula ang mukha namin dahil dun na tinawanan naman nilang lahat.

Sama-sama kaming nagsimba upang salubungin ang pasko. Pagdating sa bahay ay kainan ulit. Masayang masaya kaming lahat sa mga sandaling yun. Nagpaalam na sina ninong at ninang upang makapagpahinga na.

“Mommy, daddy, dito muna ako matutulog.” Paalam ni Jayson sa kanila.

“Moy!” pagtawag ko sa kanya. Inakbayan ko siya at inaya muna sa kusina.

“Bakit Moy?” tanong niya.

“Dito ko muna pinapatulog si Diana eh. Baka pwedeng hayaan mo na muna kaming magkasarilinan. Alam mo na…” nakangisi kong pakiusap.

“H-ha?” ang tangi niyang naitugon. Nakita ko na naman ang puppy eyes niya, parang nakikiusap na hayaan ko nalang siya.

“Alam mo na yun Moy. Baka sakaling maka-score na ako.”

Biglang nalungkot ang mukha niya. Yumuko siya, para siguro itago ang lungkot niya. “Okay.” Mailki niyang sagot. Tumalikod ito at halos patakbong bumalik sa sala.

Nagbalik na rin ako sa sala, inakbayan ko ulit si Jayson at bumulong, “Salamat Moy, babawi ako.” sabi ko sa kanya. Tumango lang siya pero hindi nabura ang lungkot sa mukha niya.

“Daddy, tara na po.” Sabi niya’t nauna nang lumabas ng pintuan namin.

“Oh, akala ko ba makikitulog ka?!” tanong ni ninong.

“Hindi na po!” ang narinig kong sagot niya na sinundan ng tunog ng pagsara ng pinto ng van nila.

“Nag-away ba kayo, Gian?” takang tanong ni ninang.

“Naku, hindi po. Alam niyo namang hindi kami pwedeng mag-away ni Moy.” Nakangiti kong sagot.

“Anu kayang nangyari dun?” ang nasabi lang ni ninong. “Oh siya, magpapaalam na kami. Bukas nalang aginaldo mo Gian ha?”

“Si ninong, okay lang po. Merry Christmas po.” Ang sagot ko naman at hinatid namin sila sa gate.

Nang makaalis na sila ninong ay pinauna ko na si Diana upang makapagpahinga na. Ni-lock ko na muna ang mga pinto. Dumeretso ako ng banyo upang makaligo muna bago matulog, nakakahiya naman kung may amoy pala ako. Ngayon lang kami magkakatabi ni Diana sa pagtulog, ayokong ma-turn off siya.

Matapos maligo ay nagtapis lang ako ng tuwalya. Umakyat na ako sa kuwarto ko. Pagbukas  ko ng pinto ay napalunok ako sa setting ng kuwarto ko. Nakapatay ang ilaw, may mga scented tealights sa sahig at sa study table ko. Pagtingin ko sa kama’t nakahiga doon si Diana paharap sa akin, nakasuot siya ng manipis na nighties.

“Come here gummy bear.” Sabi niya sa mapanuksong boses kasabay ng ‘come hither’ finger sign. Napalunok akong muli. Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko. Dahan-dahan kong isinara ang pinto upang hindi lumikha ng ingay. Tapos ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama.

Nag flip siya ng buhok at binasa ng dila ang ilalim niyang labi. “Lapit ka pa gummy bear.” Hinila niya ang kamay ko, dahilan upang mapasubsob ako sa kama.

“Ahem” pinaluwag ko ang lalamunan ko… “Honey bunch…” sabi ko sabay ng kinakabahang ngiti.

“Yes gummy bear?” Hinagod niya ang dibdib ko pababa sa pusod ko gamit ang hintuturo niya, tapos at pabalik sa dibdib.

Hinawakan ko siya sa batok upang ilapit ang mukha niya sa akin. Hinalikan ko siya sa labi. Nagulat ako nang maramdaman ko ang dila niyang nagsusumiksik na makapasok sa mga labi ko. Inilabas ko na din ang dila ko’t lalu akong nagulat nang sipsipin niya yun.

“Relax gummy bear…” ang sabi niya, naramdaman siguro niya ang panginginig ko. Dahan dahan niya akong pinahiga. Pumatong siya sa akin at ipinagpatuloy ang paghalik sa akin. Damang dama ko ang pagkiskis ng pwet niya sa kaselanan kong kanina pa naninigas at gustong kumawala sa tuwalyang nakatapis sa akin.

Natawa siya. “Excited masyado ang alaga mo gummy bear.” Sabi niya.

“Ikaw kasi inexcite mo.” Sagot ko sa kanya.

Gumapang siya paibaba. Tinanggal niya ang tuwalyang bumabalot sa baywang ko. “Galit na galit siya sa’kin gummy bear” sabi niya. “Hayaan mo, paaamuhin ko siya.” Dugtong pa niya bago hinawakan ang kahabaan ni junjun.

“Ahhhh…” ang naitugon ko. Mainit at malambot ang palad niya, ang sarap ng paghawak niya.

“You like that gummy bear?” tanong niya na sinagot ko ulit ng ungol. “Wait ‘till you feel this.” Sabi niya’t tuluyang isinubo si junjun. Ramdam na ramdam ko ang madulas at mainit na bibig ni Diana. Minsan ay iniluluwa niya ito’t hinahalikan at dinidilaan. Sarap na sarap ako.

Ramdam ko nang malapit akong labasan nang bigla akong nakarinig ng kaluskos sa may bintana. Napabalikwas kami. Agad akong nagtapis ulit ng tuwalya’t tinungo ang bintana. Wala naman akong nakita pagbukas ko ng bintana, ang tanging napansin ko ay isang makinang na bagay na nakasabit sa sanga ng puno sa tapat ng kuwarto ko. Sinungkit ko yun. Nang makita ko sa malapitan ay isa pala yung pendant. Kung kanino yun ay hindi ko alam. Ipinatong ko nalang yun sa lamp ng aquarium at muling bumalik sa kama.

“Ano yun gummy bear?” tanong ni Diana.

“Wala, baka pusa lang.” sagot ko bago ko siya hinalikan ulit.

Ipinagpatuloy namin ang pagtatalik. Pinagsaluhan namin ni Diana ang gabing ibinigay sa aming dalawa, pinagsaluhan namin ang ligaya ng pag-iisa ng katawan ng dalawang taong nagmamahalan. Masaya ako dahil sa wakas ay hindi na ako virgin. Napatunayan ko na sa sarili kong hindi ako bakla.




Itutuloy…

16 comments:

kevinblues said...

eto yung pinakamasakit na part eh...wahahaha pero ok lang yan bka nga lalaki tlga si gian..babae ang kanyang hanap...makakahanap ka rin jayson...hayaan mo nlang si gian...dun sya masaya eh...hehehe

Anonymous said...

grabe talagang ayos lang sa nanay ni gian na magkasama sila sa kwarto ng gf? napakaliberated naman ni mommy. aus lang kung mag-uwi ng babae at maka score. haha keep the updates coming
ganda ganda ng story

Anonymous said...

huh!!! sakit cguro nun sa part ni jayson, at xa pa yata ung umkyat sa puno... :(( nice story po author... -cham-

Coffee Prince said...

aa .. gets ko na ..
may amnesia pa rin pala si Gian hanggang ngayon .. tapos dahil dun sa insidente .. nanumbalik na alaala nya .. [i see]

kakalungkot naman nangyayari kay Jayson. :( san kaya hahantong ang pagmamahal nya sa kanyang bestfriend? what will happen next?

Thanks kuya Law ~

Coffee Prince said...

aa .. gets ko na ..
may amnesia pa rin pala si Gian hanggang ngayon .. tapos dahil dun sa insidente .. nanumbalik na alaala nya .. [i see]

kakalungkot naman nangyayari kay Jayson. :( san kaya hahantong ang pagmamahal nya sa kanyang bestfriend? what will happen next?

Thanks kuya Law ~

Chris said...

kawawa naman si jayson :(( hayyy...amo na kaya mangyayari??

Anonymous said...

hahah... Natawa ako dun sa hndi na rin sa virgin!!! Huhuh cnu niloko nya??? Bata pa nga sila nwala na pagka virgin nya ehh....

Biro lng... Cguro ibang klaseng virginity tnutukoy nya ^^, ang sakit nun sa part ni jayson... Huhuh... Nalulungkot aku pra saku tol jayson... Hayaan mu... Ang iba pa cgurong mas deserving sa pagmamahal mu... Ang manhid lng ni gian... Pero d q rin sya masisi... Na trauma kc sya ehhh...

Bhla kna author!!! uu nga pla... Galing mu!!! Saludo aq sayu author... Sa rami rami na ng nabasa kong series i2 na ata ang pnkamaganda!!! Ang galing lng... Ikaw na!!

Anonymous said...

hahah... Natawa ako dun sa hndi na rin sa virgin!!! Huhuh cnu niloko nya??? Bata pa nga sila nwala na pagka virgin nya ehh....

Biro lng... Cguro ibang klaseng virginity tnutukoy nya ^^, ang sakit nun sa part ni jayson... Huhuh... Nalulungkot aku pra saku tol jayson... Hayaan mu... Ang iba pa cgurong mas deserving sa pagmamahal mu... Ang manhid lng ni gian... Pero d q rin sya masisi... Na trauma kc sya ehhh...

Bhla kna author!!! uu nga pla... Galing mu!!! Saludo aq sayu author... Sa rami rami na ng nabasa kong series i2 na ata ang pnkamaganda!!! Ang galing lng... Ikaw na!!

-nOy

Anonymous said...

-.- k!
Wooh! Ok! Ei CONGRATS! Ikaw na di virgin. Saya mo tol. Galing mo. Masarap ba? -.- masaya bang dedmahin best friend mo? Natural lang na maging sweet yun kahit na may nakaraan kayo. -.-
Hate this chapter. -.-'

-cnjsaa15-

darklord said...

kakalungkot naman nitong story. ang ganda ng plot mo, unpredictable kung ano pwedeng mangyare next. keep it up po :)

Anonymous said...

isa lang masasabi ko law, having sex with opposite sex does not define your sexuality, although pwedeng ipagmalaki yon, but it does not define who you are. The fact na may nararamdaman kang something kay jayson, dun palang, boom na!!! ahahahaha thanks otor...


-eusethadeus-

Anonymous said...

:(
-yume

foxriver said...

now its clear..nice nice. But its really painful that one person u love all ur life will never be yours..but that's life it will never be fair in the real world and specially this kind of situation a guy falls for a guy.

Anonymous said...

haaaaaaaiiiiisssssssssttt........kawawa nmn c jayson......huhuhuhuuhuuhuuhuuhuhuh......................................................................ras

Anonymous said...

HEART SPEAK LOUDER GIAN...


YOUR SO COWARD....

TINATAGO MO LNG KASI ANG NAKARAAN NINYO NI JAYSON.....

HOW LONG WILL HE WAIT.....TPOS IRREGAIN MO ULIT SIYA IF MAGMAHAL SIYA NG IBA....

YOUR SO SELFISH......GAMIT KA PA NG BABAE PARA MAPATUNAYANG HINDI KA BAKLA,....

JAYSON...GO WITH YOUR LIFE....DONT LET THE PAST HAUNT YOU....
FALL IN LOVE AGAIN.....HOW LONG WILL YOU WAIT.....

MR.OTOR.....NICE TWIST....


JAZZ0903

Master_ler#027 said...

Ayun na ang masakit na parte kay jayson uhu kawawa siya eh ,

Post a Comment