Monday, April 9, 2012

Will You Wait For Me? (Part 12)

Part 12 na tayo, itutuloy na natin ang naudlot na tagpo sa ika-9 na bahagi. Marami na rin ang 'di na makapaghintay, at dahil duon pasensya na po. Kaya't heto na, itutuloy na, sana'y magustuhan ninyo ang mga tagpong inyong masasaksihan lalu na't dito at sa part 13 ako nagdagdag ng major scenes na wala sa naunang na-post sa blog ko. Enjoy. :)


Will You Wait For Me? (Part 12)
Cover Photo by Makki



*GIAN CARLO BERNAL*

“Sino ka?” tanong ko sa kalbong lalaki sa labas.

Humarap siya sa’kin na ikinagulat ko, si Jayson pala. Pero bakit siya nagpakalbo? Pansin kong malalim ang mga mata niya, parang ilang araw na ‘di natutulog, namayat din siya. “Moy ayoko na ng mga ginagawa mo. Mag-usap tayo.” Madiin niyang wika.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Tatalikod sana ako pero naaawa ako sa kanya. Sa kabila ng nagawa niya sa’kin ay may halaga pa rin naman siya sa’kin. Nagpasya akong manatili muna upang makinig. “Tungkol naman saan?”

”Bakit kailangan mong bastusin si mommy?”

“’Di ko siya binastos, nagsabi lang ako ng totoo.”

“Hindi totoo ang mga iniisip mo. Ayaw mo namang makipag-usap sa’kin para mapaliwanagan kita.” Sagot nito. Sabagay tama siya, ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya dahil alam kong masasaktan lang ako sa pagsisinungaling na gagawin niya.
                                                       
“Ng mga kasinungalingan mo? Jayson hinding hindi na ‘ko maniniwala sa’yo. Ahas ka!” masakit rin naman sa’kin ang mga sinabi ko pero dinaramdam ko pa rin ang eksenang nakita mismo ng dalawang mata ko. Ni hindi nga niya ako hinabol upang paliwanagan paglabas ko ng kuwarto ni Diana na kung iisipin ay ilang sandali rin yun, sapat na para makapagbihis at lumabas ng kuwarto. Pero hindi eh, ni hindi ko na ulit narinig na tawagin niya ako. Masyado siyang nadala ng kasarapan ng pakikipagniig sa syota ko’t kinalimutan niya ang pagkakaibigan namin. Tumalikod ako dahil nararamdaman ko nang nanlalabo ang mata ko sa luhang namumuo. Ayaw kong magpakita ng kahinaan sa kanya.

Bigla niyang hinablot ang kamay ko’t pinaharap sa kanya. “Hindi pa tayo tapos!”

“Bitawan mo ‘ko!” pagpupumiglas ko. “Ayoko nang makita ka pa Jayson. Masyado pang masakit sa’kin ang ginawa nyo!”

“Wala akong ginawa sa girl friend mo! Siya ‘tong gumahasa sa’kin!” sambit niya’t mababatid na may galit na ang boses niya.

“Ang kapal din ng mukha mo no? Oo na guwapo ka na, pero sa lakas mong yan babae pa ang gagahasa sa’yo? Sige lang, dagdagan mo ang kasinungalingan mo para madagdagan ang pagkamuhi ko sa’yo.” Sagot ko naman sa kanya. Bahagya siyang natigilan. Kita kong may namumuong luha sa mga mata niya. Marunong pa pala siyang masaktan at maiyak? Pero hindi ako magpapadala sa palabas niya— Hinding hindi na!

“Moy wala naman talaga akong ginawa sa kanya…. Siya ang nangungulit sa’kin…” sambit niya’t tuluyan nang tumulo ang luha mula sa isa niyang mata. Para siyang batang nagpunas gamit ang kuwelyo ng suot niyang damit. Naalala ko nung bata pa kami, ganyan din siya kapag di ko pinaniwalaan. Minsan nga ay sinasadya kong magkunwaring hindi ko siya pinaniniwalaan dahil nakakatawa siyang umiyak. Pero iba ngayon. Nagdurugo ang puso ko. Nais kong paniwalaan siya pero may sapat akong katibayan upang hindi siya paniwalaan.

“Walang ginawa? Wala kang ginawa?! Eh anong ibig sabihin ng nakita ko? Anong ibig sabihin ng malalagkit nyong titigan? Anong ibig sabihin ng palihim ninyong pagkikita?” galit kong tugon.

“Hindi kami lihim na nagkikita maliban sa araw na nakita mo kami.” Sagot niya.

“Ganon?” sagot ko’t hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya papunta ng studio ko. Pagpasok ay kinuha ko ang letratong pinrint ko na mas malaki ang size. Ibinato ko iyon sa kanya. “Yan ba ang hindi nagkikita ng palihim?!”

Tinignan niya yung letrato. “Talagang pinalaki mo pa ang picture ng bago mong best friend? Pinalitan mo na ba talaga ako?” mangiyak-ngiyak niyang tanong.

“Hindi yan ang issue dito Jayson!” itinuro ko ang dalawang tao sa tabi ng puno sa likuran ni MVP sa letrato. “Yan! Yan ang issue! Hindi ba’t ikaw yan?!” Nakita kong nagulat siya. May kalabuan ang imahe nila ni Diana sa picture pero makikilala pa rin sila.

“Moy ito yung araw na kinukulit niya ako na pumunta sa bahay nila. Pero tumanggi ako. ‘Di ba nga tayo ang magkasama nun? Hindi ako pumayag sa gusto niya dahil ayokong saktan ka Moy…” sagot niya.

“Ayaw mo akong masaktan pero nakikipagkantutan ka sa syota ko? Yun ba ang ayaw mo akong masaktan? Jayson mula pagkabata tayo ang magkakampi, magkasama sa hirap at ginhawa… Pati ba naman syota ko gusto mo hati pa din tayo?! Yun ba ang kahulugan ng ‘Hating Kapatid’ para sa’yo?!”

“Ginahasa nga niya ako Moy!!! Hindi mo ba nakitang nakatali ako nun? Di mo ba nakitang nagpupumiglas ako? Tinawag kita para humingi ng saklolo pero binalikan mo ba ‘ko?! Hinde! Hindi mo ako binalikan dahil hinayaan mong madala ka ng maling akala! Pero naiintindihan ko naman Moy eh… Ako man siguro ang nasa lagay mo ganuon din ang iisipin ko. Pero maniwala ka naman sa’kin Moy, si Diana ang masama dito, hindi ako!”

Nakatali? Hindi ko napansin yun. Ang tanging nakita ko’t hubo’t hubad siyang nakahiga habang umiindayog sa kandungan niya si Diana. Napuno ng kalituhan ang isip ko sa narinig. Bakit gagawin ni Diana yun? Pero hindi pa rin ako kumbinsido. “Oo sige sabihin nating nakatali ka nga, sabihin nating pinilit ka niya. Pero Jayson pwede ka namang tumanggi eh... Pwede ka namang umiwas sa kanya! Sumama ka sa kuwarto niya na kayong dalawa lang, ‘di ka naman siguro tanga para hindi isiping walang mangyayari sa inyong dalawa!”

“Moy… Tumatanggi ako, pero bina-black mail niya ako…” malungkot niyang tugon, parang may bahid ng hiya.

“Anong ibig mong sabihin? Ano naman ang ipangba-black mail niya sa’yo?” tanong ko sa kanya.

Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa niya. Pumindot siya duon, akala ko’y may tatawagan siya subalit nagkamali ako. Iniabot niya yun sa’kin. “Yan Moy… Yan ang ipinantatakot niya sa’kin.” Sabi niya.

Tinignan ko ang screen ng cellphone. Nagulat ako sa nakita kong picture sa gallery niya— Picture naming dalawa. Nakapikit ako sa picture, malamang ay tulog ako, habang siya naman ay nakapikit din habang magkadikit ang mga labi naming dalawa. Hinalikan niya ako. “Paanong… A-anong…” Hindi ako makahagilap ng sasabihin, para akong napipi sa mga sandaling yun. Mabilis ang tibok ng puso ko. Hiya, takot, tuwa… Magkakaibang pakiramdam na nagsama-sama… Hindi ko maipaliwanag.

“Yan ang dahilan Moy. Pinagbabantaan niya akong ipapakita yan sa’yo. Natakot ako Moy… Natakot akong baka pag nakita mo yan ay layuan mo ako’t pandirihan. Moy patawarin mo ako… Moy nagawa ko lang naman yan dahil…” litanya niyang naputol dahil sa pagsagot ko.

“Dahil ano?! Dahil mahal mo ako?! Mahal mo ako na higit pa sa kaibigan at kapatid?! Na mahal mo ako Jayson?? Jayson hindi ako bakla! Matagal nang nagbalik ang ala-ala ko tungkol sa kung ano ang mayroon sa’tin dati at hindi ko matanggap yun!” galit kong tugon.

“Oo Moy! Mahal kita kaya tiniis ko ang lahat! Kahit gustong gusto ko nang halikan ka’y todo pigil ako dahil ayokong lumayo ka sa’kin… Tapos darating yang Diana na yan para sirain ang lahat! Moy sana maintindihan mo naman ako… Hindi madali ang pinagdaanan ko! Hindi ko ginusto ang mga nangyari… Moy patawarin mo ako…” lumapit siya’t yayakapin sana ako subalit sinuntok ko siya na dahilan upang pumutok ang labi niya.

“Jayson naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Tayong dalawa ang pumatay kay tatay dati dahil sa letseng pagmamahal na yan! Hindi ka ba nakokonsensya? Paano kung malaman ni ninong yan? Paano kung si ninong naman ang mamatay? O kaya ay si ninang? O si nanay? Matatanggap mo ba?!”

“Moy…” dinig kong pagtawag niya sa’kin bago ako tuluyang nakalabas ng studio. Paglabas ko’y nagulat ako nang makita ko si nanay, nakatayo sa may hagdan.

“Ji-ji anak…” pagtawag ni nanay sa’kin subalit hindi ko yun pinansin. Mabigat ang nararamdaman ko sa mga sandaling yun.

Mahal din ako ni Jayson…

Din? Mahal ko rin ba si Jayson?

Oo mahal ko nga siya, matagal na… Subalit natatakot ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari… Ayokong maulit ang nakaraan…

Pagpasok ko ng kuwarto’y nakita ko naman si MVP, topless na siya, marahil ay tinamaan ng alak kaya nainitan. May tinitignan siya sa kamay niya. Mukha siyang malungkot. “MVP anung drama yan?” tanong ko, pinilit kong magging perky, ayokong mahalata niya ang dinadala ko dahil sa mga nalaman ko kay Jayson. Nilapitan ko siya’t umupo sa tabi niya.

“Alam mo ba kung anu to?” tugon niya. Tinignan ko ang hawak niya. Yun yung pendant na nakita ko sa puno nung gabi ng pagtatalik namin ni Diana.

“Hindi eh, nakita ko lang yan sa puno. Hindi ko alam kung kanino yan.” Sagot ko naman.

“Akin to… Symbol to ng mga Pineda. Tignan mo.” Ipinakita niya ang naka-engrave sa pendant. May agila na may espada sa talons nito, Pineda ang nakasulat sa ibaba. Ganun yung nakita kong nakasabit na larawan sa dingding ng bahay nila.

“Sa’yo yan? Paano naman napunta yan sa puno sa tapat ng bintana ko?” tanong ko sa kanya. Nagtataka ako.

“Sinilipan ko kasi kayo nung Christmas Eve. Sorry ha?”

Naalala ko na. May narinig akong kaluskos nuon. “Adik ka! Mamboboso ka pala!” natawa kong tugon.

“Sa’yo na…” wika niya’t pinahawak ang pendant sa’kin.

“Ha? ‘Di naman ako pineda, bat mo ibibigay sa’kin ‘to? Hindi ko yan matatanggap.” Tugon ko sa kanya’t ibinalik ang pendant sa kaniyang kamay.

“Sa’yo na… Ibinibigay talaga ng mga lalaking pineda yan sa babaeng papakasalan namin.” Sagot naman niya na ikinasamid ko.

“Gago!” tanging naitugon ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

“Mahal kita Gian…” ang isinagot niya. Mataman niya akong tinitigan sa mata. Puno ng sinseridad.

Bakit ganito? Bakit naman sunod-sunod na revelations ang nangyayari? Ano bang mayroon sa araw na ito?

“Magpakasal tayo sa Amerika Gian. Pwede ang same sex marriage dun…”

“Nababaliw ka na ba MVP? Hindi pwede!”

“Wala ka bang nararamdaman para sa’kin kahit kaunti lang?” malungkot niyang tanong. Parang nagmamakaawa.

Hinimas-himas ko ang likod niya, umaasang mapakalma ko ang kalooban niya sa pamamagitan nun. “MVP ayoko! Magkaibigan tayo’t huwag nating hayaang masira yun.”

“Hindi ko naman sisirain tulad ng ginawa ni Jayson sa’yo. Mahal kita Gian, hindi ko hahayaang masaktan ka’t masira ang tingin mo sa’kin. Mahal kita kung kaya nais kong alagaan ka’t papahalagahan kita bilang lifetime partner ko, pumayag ka lang.” maramdamin niyang wika.

Hindi ako tumugon. Narinig pala niya ang pagtatalo namin ni Jayson kanina. Naaawa ako sa kanya. Hindi ko naman alam kung anung dahilan kung bakit ako ang pinili niyang mahalin. Sa mga nakalipas na araw na magkasama kami’y naging bahagi na rin siya ng buhay ko. Ayaw kong biguin siya subalit hindi ko kaya ang nais niyang mangyari.

Hinawakan niya ang aking baba’t iniangat ang aking mukha. Tinitigan niya ako sa mata. Puno ng sinseridad ang kanyang tingin. Unti-unti’y inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Naramdaman ko na ang hininga niyang umiihip sa mga labi ko. Naramdaman kong dumampi ang labi niya. Mainit, mapagmahal, masarap. Parang nahipnotismo ako sa halik niyang iyon. Namalayan ko nalang na kapwa na kami nakahubad.

Hinalikan ni MVP ang kahubaran ko. Nadala ako sa init ng romansang ipinaparamdam niya sa’kin. Sinuklian ko ang kaniyang ginawa, ako ang pumaibabaw sa kaniya. Hinalikan ko ang tainga niya, leeg, dibdib, maging ang kaniyang kaselanan. Mabango ang singaw ng katawan ni MVP, parang gayuma ang pinaghalong amoy ng kaniyang pabango, pawis at alak. Parang nababaliw ako.

Itinulak niya ako upang mahiga nang nakatagilid. Nagpalit siya ng puwesto, nagkabaligtaran kami. Kawpa namin binigyan ng atensyon ang nagngangalit naming pagkalalaki. Napuno ng ungol naming dalawa ang kuwarto ko. Ilang sandali pa’y sabay naming narating ang sukdulan ng kapusukan naming dalawa.

Kapwa kami bumagsak sa pagod. Niyakap niya ako. “Mahal mo ba si Jayson?” Ang tanong niyang ikinagulat ko. Tinitigan ko lang siya, humahagilap ng isasagot.

“I guess silence means yes.” Sambit niya’t kumalas ng yakap at umayos ng higa. “Tulog na’ko. Good night.”

“S-sige. Good night.” Ang naisagot ko. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Naging mahina ako sa tukso. Nakapanakit ako.

Hindi ako makatulog. Isip lang ako ng isip sa mga nangyayari. Bakit ganito, bakit ganuon, puro bakit ang laman ng utak ko. Hindi ako makatulog. Minabuti kong bumangon at nagbihis upang magpahangin sa labas. Paglabas ko ng bahay ay nagulat ako nang makita ko si Jayson, nakaupo sa garden namin. Siya man ay nagulat nang makita akong iniluwa ng pinto.

“Ba’t nandito ka pa?” tanong ko sa kanya sa kalmadong paraan.

Huminga muna siya ng malalim at tumingin sa kalangitan bago sumagot. “Ayoko matulog Moy… ‘di ba laging sinasabi ni nanay na kapag may ‘di pagkakaunawaan tayo dapat maayos bago pa lumubog ang araw? Kaya ayokong matulog… Ayokong matulog hanggat hindi tayo nagkakaayos.”

“S-sorry Moy. Sorry…” ang tangi kong nasambit.

Tumingin siya sa’kin at ngumiti. “Ako ang dapat humingi ng tawad sa’yo Moy. Nadala kasi ako ng nararamdaman ko sa’yo. Nasaktan tuloy kita nang hindi ko sinasadya.”

“Kalimutan nalang natin yun Moy.” Ang sinabi ko ngunit parang lalu pa siyang nalungkot nang marinig ang sinabi ko.

Tahimik… Naglakad ako sa kinauupuan niya’t tumabi sa kanya.

“Kakalimutan mo rin ba ‘ko?” pagbasag niya sa kantahimikan.

“Pwede ba naman bang mangyari yun? Nagka-amnesia na nga ako’t lahat hindi naman kita nakalimutan ah.” ang sagot ko sa kanya.

“Napatawad mo na ba talaga ako Moy?” tanong niyang muli. Batid kong malungkot siya sa mga oras na yun kung kaya hindi ako sumagot. Ang ginawa ko’y tumayo ako upang bumalik sa loob ng bahay. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago ako tuluyang makapasok.

Paglabas ko ulit ay nakita ko siyang nakayuko. Dinig ko ang mga pigil na hikbi niya. “Anung drama yan?” tanong ko sa kanya.

“Sorry talaga Moy. Nagsisisi ako sa kasalanan ko…” sabi niyang hindi man lang nag-angat ng mukha.

“Sus! Drama boy! Hindi bagay!.” Sabi ko’t iniharang sa mukha niya ang SLR camera ko. Nagulat siya’t tumingin sa’kin. “Sa’yo na yan. Ingatan mo yan. Alam mo kung gaano kahalaga sa’kin yan. Ala-ala yan ni tatay kaya sana pahalagahan mo din tulad ng pagpapahalaga ko diyan.”

Naalala ko nuong isang gabi, tinanong niya ako kung mapapatawad ko ba siya kung sakaling may nagawa siyang mabigat na kasalanan sakin. Ipinangako kong magbibigay ako ng isang bagay na mahalaga sa’kin kapag napatawad ko na siya. Ano pa nga bang pinaka mahalagang bagay sa’kin kundi ang SLR camera na bigay sa’kin ni tatay?

Ngumiti siya ng ubod ng tamis at niyakap ako ng mahigpit. “Thank you Moy! Thank you thank, you talaga… Akala ko hindi mo na talaga ako mapapatawad eh.” Mangiyak-ngiyak na tumatawa niyang sabi sa’kin. Parang baliw lang.

“Naku, kung ‘di lang kita best friend ewan ko nalang.” Ang sabi ko’t kumalas sa yakap niya. Gamit ang knucle ng middle finger ko’y pinaikot-ikot ko yun sa bumbunan niya. “Kalbo!” pang-aasar ko pa sa kanya.

“I love you Moy.” Naman ang isinagot niya.

“Moy naman…” tututol sana ako ngunit nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko’t binigyan ako ng halik sa labi. Mainit, malambing, masarap, punong puno ng damdamin na humigit pa sa halik ni MVP sa’kin. Ang lalung ikinagulat ko’y ang ‘di ko sinasadyang pagtugon sa halik na yun.

Bumitaw siya sa halikang iyon tinitigan niya ako sa mata. Muli ay narinig ko ang mga katagang binanggit niya kanina, “I love you…”

“Anong ginagawa niyo diyan sa labas? Pumasok na nga kayo, baka maambunan pa kayo’t sipunin kayo. ‘Tong mga batang ‘to talaga, ketatanda na’y kailangan pang pagsabihan.” Biglang litanya ni nanay na kapwa ikinagulat namin ni Jayson.

Kapwa kami napakamot sa ulo ni Jayson at sumagot ng “Nariyan na po.” Nagtawanan pa kami dahil sa pagkakasabay naming sumagot. Pumasok kami ng bahay at pumanhik sa kuwarto ko.

Nakalimutan kong naroon nga pala si MVP, himbing na himbing sa kama ko. Mabuti nalang at nakatalukbong siya ng kumot, kung hindi ay makikita ni Jayson ang kahubaran niya.  Kumuha nalang ako ng kumot at dalawang unan at naglatag ako sa sahig. Magkatabi kaming natulog ni Jayson, tulad ng dati, nakaunan siya sa braso ko’t nakayakap naman siya sa’kin.

Kinabukasan, nagising akong wala na ang dalawa sa kuwarto. Bumaba ako’t nakita ko silang seryosong nag-uusap sa sala. “Oy, anung pinag-uusapan nyo? Mukhang seryoso kayo ah.”

“Good morning Moy. Wala naman, napag-usapan lang namin si Diana. Niloko rin pala siya ni Diana ano?” sagot ni Jayson.

“Oo nga eh. Kaya nga may plano na ako kung paano makaganti sa babaeng yun.” Sagot ko naman.

“Kailangan pa ba talaga nating gumanti?” wika ni MVP. “I mean, oo may kasalanan siya sa’ting tatlo pero… Okay naman na kayong dalawa ‘di ba?” dugtong pa niya.

“Oo nga Moy, okay na tayong dalawa eh. Huwag mo nang ituloy kung ano mang balak mo.” Pagsang-ayon naman ni Jayson.

“Tayo okay na, pero ikaw MVP, okay ka na ba?” tanong ko sa kanya. Pagkarinig ng tanong ko’y tumingin siya kay Jayson. Napatingin naman din si Jayson sa kanya, parang nag-uusap sila na wari’y may mental telepathy sila.

“Wala akong telepathy, kung may usapan kayo magsalita kayo gamit ang bibig niyo para makasali naman ako. Mukha akong engot dito.”

Tumayo si Jayson at lumapit sa’kin. “Wala… Kaw naman Moy kung ano-ano ang iniisip mo. Basta hayaan nalang nating karma ang gumanti sa kanya. Hindi na niya ako pwedeng i-black mail ngayon kaya wala nang problema.” Nakangiting sambit niya’t inakbayan ako.

“Oo nga. Hayaan nalang natin siya. Ako naman siguro susunod na kay daddy sa US. Dun ko nalang ipagpapatuloy ang pag-aaral ko.” Si MVP.

Medyo nagulat ako sa narinig. Lumapit ako’t tumabi sa kanya’t inakbayan siya. “Ha? Sigurado ka ba diyan? Bakit biglaan naman?”

“Matagal na akong pinapasunod nina daddy at kuya dun. Umaayaw lang ako dahil nga sa pagnanais kong makaganti. Pero ngayon nakalimutan ko na ang galit ko. Okay na ang papeles ng mga pamangkin ko, sasabay na din ako sa pagsunod duon.” Sagot naman niya’t pinilit ngumiti subalit nakikita ko sa mata niya na parang iba ang sinasabi kaysa sinasabi ngayon ng bibig niya.

“Ahh sige. Ikaw ang bahala. Pero ‘di ka pa naman aalis ‘di ba? Maglalakad ka pa ng papeles?” tanong ko.

“Actually okay na ang papeles ko. Matagal ko nang na-ayos yun dahil balak ko after ko maghiganti lilipad agad ako para walang chance na makabawi si Diana. Ngayon ticket nalang ang kailangan ko, pwedeng pwede na ako lumipad anytime.”

“Ganun ba? Hay… Nakakalungkot lang dahil naging close na tayo. Mag-iingat ka duon ha?” habilin ko.

“Salamat. Ikaw din mag-iingat ka dito.” Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tainga ko’t bumulong, “Mahal kita’t gusto kong lumiaya ka sa kanya.” Matapos ay tumingin siya kay Jayson. “Ingatan mo siya lagi pare, huwag mo na ulit siyang sasaktan.”

“Pangako pare.” Sagot naman ni Jayson.

“Teka, teka, nahihiwagaan ako sa inyo. Anung drama ‘to?” sabad ko sa kanila na hindi naman nila sinagot, bagkus ay nagtawanan lang sila.




Dumating ang araw ng pag-alis ni MVP, kasama niyang aalis ang mommy niya, ang kambal na pamangkin niya, at isang katulong. Inihatid namin sila ni Jayson sa paliparan. Malungkot ang tagpong iyon para sa’kin dahil ayaw ko ng pakiramdam ng may malapit sa’kin na lumilisan. Subalit pinili kong itago ang lungkot dahil ayoko namang ipabaon ang malungkot kong mukha sa kanila.

“Ngayon solong solo na kita.” Dinig kong sabi ni Jayson nang pauwi na kami.

“Muka mo!” sabi ko naman at binatukan siya. Nagtawanan lang kami sa taxi, bumalik ang dating samahan namin na nagulo dahil kay Diana. Wala na akong mahihiling pa.




Pagdating sa bahay nila’y agad akong nag-sorry kay ninang sa kagaspangang ipinakita ko sa kanya nung isang araw. Naiintindihan naman daw niya dahil may ‘di pagkakaunawaan kami ni Jayson nung mga panahong yun. Sa kabila ng mga nangyari, tanggap pa rin nila ako’t walang nagbago sa pakikitungo nila sa akin. Dumating din si nanay dahil inimbitahan siya ni ninang sa munting salo-salo na inihanda nila dahil sa pagkaka-ayos naming dalawa ni Jayson. Masaya kaming kumakain nuon nang biglang may nag-door bell.

“Ma’am may naghahanap po kay sir Jayson sa labas.” Sabi ng katulong.

“Sino daw?”

“Mga pulis po.”




Itutuloy...

45 comments:

Anonymous said...

wow ano na naman to? exciting!!!

Anonymous said...

oh no! ano nanaman ginawa ni diana bwiset bakit may pulis ?!?! at least ok na si jayson at gian :-)

Coffee Prince said...

waaaaaaaaaaaaaaahhh ....

O.o

mga pulis???!! bakit?! pumuntang presinto si Diana para sabihing ginahasa siya ni Jayson .. O.o

WTF!

<< maka-jump to conclusions na naman ako .. wagas lang ee .. XD

ansarap yurakin ang pagkatao ng lecheng babae na yan ..
well .. karma is everywhere . she can't escape .. ahahaha! <, [EVIL LAUGH]

Thanks kuya Law ~
salamat naman at nagkaayos na rin sila .. :)
kaso nalungkot ako para kay MVP .. but I guess that's the way it should be ..

Anonymous said...

At bakit may pulisssssss

Lawfer said...

gnun tlaga, ibig sabihin lang nun ay may ibang nkalaan para kay MVP :)

Lawfer said...

abangan po :)

Lawfer said...

okay na nga po sila pero hindi pa tapos ang mga pagsubok sa kanila :)

Lawfer said...

salamat po sa pagsubaybay :)

Anonymous said...

haha ganda ng part na ibinigay ni MVP yung pendant. Pero ganon talaga, si jayson talaga ang para kay gian.

Damn!! That Diana!!! Kill that bitch! Kill that bitch!!

--ANDY

Anonymous said...

exciting ito ah. galing mo po talaga me. author. btw, nabanggit niyo po na may blog kau? pwede i-ask kung anong site? salamat.

Anonymous said...

masyadong mabilis. Di ko nrmdaman ang excitement. Parang may kulang sa chapter na to pero let see sa next chapter.

Gerald said...

Bkit may pulis? Waaahh ano na naman kayang kabalbalan ang inimbento ni Diana. Excited na ako sa karma ni diana. Kailan po next update??

Anonymous said...

ano na nmn yan......eepal ung mga pulis.....heheheheheh capt,coronel pkibasa ng buong kwento para masabi nyong nirape ni jayson c dianne............................hehheehehhenice ganda na sana my eeksena pa...........................................................................................................................ras

Anonymous said...

Goodjob Lawfer sa stories mo sana gumawa kpa ng magagandang stories :) . I think, nabuntis nia si diana, tpos bka sinabi nia sa nanay nia na ginahasa sya tpos tinakbuhan, Well, that's my opinion.

Master_lee#027 said...

Hala,,,,,,,,,,,,,kakalungkot naman hindi si MVP ang nakatuluyan ni gian eh ,sila pa naman ang gusto ko tsk ,nakakaawa naman si MVP dun ah sana makahanap siya nang iba ehe at para dun kay diana aba ang sama lang nun ah ,pero ang karma madaling gantihan ka ahaha,and dun para kay gian and jayson ,,wala lang happy ako sa team nila ehe (tama lang naman hindi gaano kakilig )ehe

Chris said...

shet! ang ganda! hahaha! nice kuya! binibitin mo ulit kami! sure akong si Diana ung may kasalanan nyan for sure! mamatay na sya! salamat sa update!

Lawfer said...

well...d nman mag-iisa c jayson... peo that's another story :)

Lawfer said...

meon nga po peo wla nman gaanu nkasulat dun eh :/

Lawfer said...

sa nakaraan sabi mabagal, now mabilis... hayz... hayaan m po, sa mga susunod na isusulat q try q ibalanse... salamat po sa puna :)

Unknown said...

hala c diana nnman ang salarin jan bakit mei eksena ang mga pulis..!!!!

Lawfer said...

bukas po ang 13 :)

Lawfer said...

ou nga sna mabasa nila no hahaha

Lawfer said...

err... parang alam q kung cnu ka -_-

Lawfer said...

gnun po tlaga, d nman lahat ng tao basta ngkagusto sa iba eh mkukuha nla ang puso nung isa... kalakip ng pagmamahal ang pagkabigo minsan :)

Lawfer said...

ngpapatindi ng excitement ang kaunting pambibitin hehe

--makki-- said...

padaan padaan ulit! LOL

DownDLine said...

uhmmmm sir yung request ko na way ng pagkamatay ni diana ha..LOL... dahil bitin... abangan na naman! ahaha

Lawfer said...

arekup!
cnasaja m na atang banggain aq weh

Lawfer said...

bitin man my ksunod naman agad kya be happy ^w^

Lawfer said...

c diana, lagi nlang c diana, d pa pwedeng c lyron muna? lol joke!

robert_mendoza94@yahoo.com said...

hanep sa gnada ng kwento, bilib aman ako kay MVP, hindi man naging cla at nasabi naman nya ung asa puso nya, . . buti aman nagka auz ung dalawa. hmmmm mukhang nabuntis n jayson c diana, kaya may pulis para pakasalan sya. . . paanu na ang ralasyon ng mag bf? . . kaya pala ang title ay " WILL YOU WAIT FOR ME"?

Lawfer said...

haha mlapit na tau mtpos kea msasagot na ang mga tnon niyo... salamat pla at sna hanggang sa huling talata ay anjan pa rn kau :)

Anonymous said...

nabuntis nga..kya yn ang pamagat at yn pix ng story na ito pansin nyo yn pix my bata sad ang ending nito malaman

Anonymous said...

Aaaw! Bakit may pulis?! Hehe.. Nice story.. Keep it up po..


Brix

Mr. Brickwall said...

Kapag si diana na naman ang may kagagawan nyan, NAKOW! NAKOW TALAGA! IPAPA-RAPE KO YAN S BENTENG MANIAC! tsk! ganda nya ah! kung makapaglaro ng mga lalaki kala mu maalindog! bruha!

-ako na galit. hmp!

roman ( roohmen ) said...

Parang Teleseryi lang.. Kaabang-abang nyayayahahaahahaaahaah.. Nice twist author..

--makki-- said...

ikaw ksi eh! natutulala pag ako'y dumadaan eh! naks! conceited me! TROLOLOL!

Anonymous said...

nice job talaga sir Law!! salute ako sa kwento mo,
sana after this one, love story naman ni sir hiro at jethro kwento mo..hehe

Lawfer said...

ou nga weh, nasisilaw aq sau x_x
isa ka bang sapiryan mula sa sapiro? ang lumalabas na aura sa katawan m, nkakahipnotismo :P

Lawfer said...

hahaha sabi na spoiler ang cover eh :)) peo salamat, ewan q kung mahulaan m mga mangyayari sa dalawang natitirang bahagi

Lawfer said...

ahaha salamat po :)

Lawfer said...

tawagan no na ang benteng manyak hahaha

Lawfer said...

ui salamat haha minarathon mo yata?

Lawfer said...

hala, sequel lang po ito ng hiro-jethro story(reverie)

Anonymous said...

............wag nmn sana baliktadin ni DIANA ang sitwasyon.....

......PUTCHA..PAG UMENTRA TLAGA ANG BABAENG KALADKARIN..WAGAS.....

...LAW...magaantay na lng ako kung ano ang next......nalilito na ako msa twist and turn ng story hehehehheh

jaz0903

Post a Comment