Alright, alright, nakita na natin ang sinulid ni Jayson. At sa bahaging ito naman ay ang sinulid naman ng isa pa nating karakter ang ating sisilipin. Sa susunod na bahagi na natin itutuloy kung anu man ang eksenang naudlot sa Part 9.
Inagahan ko na ang pagpost nito dahil natuwa talaga ako sa mga komento ninyo. /no1
Note: Mula sa bahaging ito ay may mga nadagdag na eksena na wala sa orihinal. Yan ang dahilan kung kaya mula sa 13 na bahagi, naging 14 na ito.
Will You Wait For Me? (Part 11)
*MARCUS V. PINEDA*
“Thank you po mom!” tuwang tuwa kong nasabi’t hinalikan sa
pisngi si mommy. Niregaluhan niya ako ng bagong model na phone na WiFi capable.
“Masaya ako’t nagustuhan mo anak. Happy birthday ulit.” Sabit
niya.
“♪ Happy
birthday Makki… You belong to the zoo… With the monkey and the donkey and the
big kangaroo…♫” sabay-sabay na kanta
ng fraternal twins kong pamangkin na sina Jay at Clyde
tinatawag kong Shiro at Kuro na anak ng kuya kong si Ledominus o Dom-dom for short.
Kasama nila ang mga kalaro nilang sina Ramona at Rexy na kambal na anak ng best
friend ni kuya.
“Ala!
Ginawa niyo pa akong animal.” Natatawa kong bulyaw sa kanila. Tumawa naman sila
ng tumawa dahil dun.
“Oh tama na muna yan, kumain na kayo.” Sabad naman ni Mommy.
Pinagsaluhan naming anim ang mga niluto niya para sa kaarawan ko.
Excited akong inactivate ang router ko, agad kong tinesting
yung bagong phone ko. Matagal na akong hindi nakakapag-browse sa WAP kaya
binuksan ko agad yung mga wapsites na pinupuntahan ko dati.
Sinubukan ko ang dragonorb.wen.ru kung saan ako laging
nagdodownload ng mga Java at Symbian applications dati. Not Found daw. Expired
na siguro yung WAP site.
Sinubukan ko naman yung en.wapchat.net o Live Chat World.
Wala na yung Philippine portal. Sayang naman.
Sunod naman yung Mocospace. Wiped out ang friends ko. Walang
natira kahit isa. Anu ba yan, kung kelan pwede na akong mag-browse ulit nang
‘di na kailangang i-hack ang network, dun pa nawala ang mga gusto kong WAP
sites.
Bigla kong naalala yung WAP community site na tambayan ng
mga pinoy wappers. Tinype ko ang pinoywap.net, nag-log-in. Hayun pumasok! Buti
pa ito buhay pa. Agad kong tinignan ang messages ko. Wala kahit isang
nag-message sa’kin, kahit yung inbox ko naubusan ng message. Napansin kong
empty na din ang friend list ko. Tinignan ko kung ilan ang online. Mahigit 100,
active na active pa nga. Pumunta ako sa games page. Natuwa ako dahil nandoon pa
yung mga games duon. Jack en Poy, Spin for Plus, Pinoy RPG, at may bagong game
pa, ang Pinoy Poker. Tinignan ko agad ang profile ko, 2000 mahigit pa ang
plusses ko. Ang plusses kasi ang importante sa site na ‘to, yun ang pinaka
money dito upang makabili ng downloads at yun din ang ginagamit na bet sa
games. Inipon ko yun sa pag-post ng replies sa mga forums pati na rin sa
paglalaro.
Pumasok ako sa Jack en Poy chatroom. Buhay na buhay pa nga
ang chatroom nito, angbilis ng mga message. Biglang may nag-po up. “You have a
new Jak en Poy challenge for 520 plusses.” Inaccept ko yung challenge at pinili
ko ang scissors. Natalo ako. Tinignan ko kung sino ang nag-challenge sa’kin.
Cryptic_Moon daw.
Parang pamilyar ang username na yun. Bigla kong naalala yung
sa LCW. Nag-send agad ako ng private message sa kanya. “Hello, kaw dn ba ung sa
LCW dti?”
Nagreply naman agad siya. “Yep! Ako nga. Hindi mo na pla ko
natatandaan?”
Nireplyan ko siya agad. Natuwa ako dahil nakikilala pa niya
ako. “Kua Crypt! Buti kilala m pa ko? Musta na? Bkit nawala ang LCW?”
“Mtagal ng wla un. Ok lang ako, kaw ba musta na?”
“Ok lang dn po kua.”
“Nga pla, db my alam ka sa photography?”
“Nku mhilig lang ako tumingin at kumuha ng pictures kua peo d
ako mgling.”
“Ah gnun ba? Punta ka na dn sa site ng Reverie, my studio na
kmi. Tgnan m sa profile ko ung url.”
Agad kong tinignan yung URL na sinabi niya. Binuksan ko yun
sa laptop ko. Labis akong namangha sa mga naka-post na pictures sa website
nila. Ngunit may isang picture doon na nakapukaw ng aking pansin. Letrato ng
schoolmate namin dati. Tinignan ko kung sino ang photographer nun——— Gian Carlo
Bernal.
Medyo nagulat ako nang mabasa ko ang pangalang yun. Siya
yung interesanteng schoolmate ko nung high school. Siya yung matapang na lalaki
sa kabila ng pagmumukha niyang lampa. Siya yung may kakaibang kulay ang mata.
Napabilib niya ako nung nakipag-debate siya sa adviser namin tungkol sa mga
nagpapakita ng intimacy in public.
“Kayo siguro ma’am hindi pa hinawakan ng asawa ninyo ang
kamay ninyo in public. Hindi ba kayo napa-isip? Baka ikinahihiya niya kayo?”
yan ang matapang niyang sagot na ‘di ko makakalimutan. Pinatawag siya sa
Principal’s Office dahil dun subalit buo talaga ang loob niya. Nadepensahan
niya ang sarili niya. Kasalanan naman talaga ng adviser ko yun, bitter kasi.
Napag-alaman kong pareho pala ang university na pinapasukan
namin. Duon ako nag-enroll upang ipakita sana
sa ex ko ang pagbabago ko, sabi nga nila; “Maglaway ka!”. Bonus pa pala na
nandoon din ang hinahangaan kong estudyante.
Baka hindi na nila ako makilala dahil napakalaki ng
ipinagbago ko. Tumangkad agad ako, nagpalaki ng katawan, sumali sa sports
clinic, nagpapa-derma na din ako’t may sariling stylist at fashion consultant.
Vain na kung vain, basta gusto kong magbago. Gusto kong pagsisihan ng ex ko ang
ginawa niya sa’kin dati. Isa akong ugly duckling dati, ngayon isa na akong
agilang handang mandagit sa babaeng umapi sa akin.
Isang araw, Christmas Vacation na namin. Umalis si Mommy
kasama ang mga pamangkin ko. Magpapasko sila sa U.S. kasama sina daddy at kuya.
Nagpaiwan ako dahil ayoko ng klima doon. Nangako naman silang tatawagan ako sa
pasko, okay na sa’kin yun. Dahil nga mag-isa lang ako, nagpasya akong
maki-noche buena sa bahay ng best friend ko nung High School,
si Lyron. Tulad ng inaasahan, welcome ako sa bahay nila. Tumulong ako sa
pagluluto, ako ang taga-ihaw. Habang nag-iihaw ako sa labas ay nakita ko si
Diana, kasama si Gian. Nagulat ako kung kaya nagtago agad ako. Sinundan ko sila
ng tingin. Pumasok sila sa bahay malapit sa bahay nina Lyron.
“Huy! Anong ginagawa mo diyan?” panggulat sa’kin ni Lyron.
“Makapanggulat ka naman! Wala, may nakita lang akong
kakilala.” Sagot ko naman.
“Ganun ba? ‘Di pa ba sunog yung iniihaw mo?” tanong niya.
Bigla akong napatakbo sa kinaroroonan ng grill dahil may naaamoy na nga akong
nasusunog. Tinawanan nalang ako ni Lyron.
Kinagabihan, matapos naming magsimba’t kumain, nagpaalam ako
upang maglakad-lakad. Nanood ako ng mga nagpapaputok sa kalsada. Napadaan ako
sa bahay kung saan pumasok sina Diana kanina. Ewan ko kung anong pumasok sa
isip ko, umakyat ako sa puno sa tabi ng bahay na yun. Nagmasid ako. Nakita kong
hindi gaanong sarado ang bintana doon. Sumilip ako. Nanikip ang dibdib ko nang
makita si Gian na nakahiga habang subo-subo ni Diana ang alaga niya. Hindi ko
alam pero nakaramdam ako ng galit. Ibayong galit na higit pa sa dati.
Dali-dali akong bumaba. Nasabit ang kuwintas ko sa sanga.
Pinilit kong hilahin yun subalit sadyang mahigpit ang pagkakasabito nito.
Lumikha ng ingay ang sangang dumidikit sa bintana ang paggalaw ko. Nakarinig
ako ng mga yabag. Nataranta ako, hindi ko na pinansin yung kwintas ko, hinila
ko nalang yun at tumalon agad. Medyo na-sprain pa ang paa ko sa pagbagsak ko
pero nagawa ko pang makapagtago.
Bumukas yung bintana’t dumungaw si Gian. Hinahanap siguro
niya ang lumikha ng ingay. Mabuti nalang at nakapagtago agad ako. Nakita kong
may kinuha siya sa sanga. Tinignan ko ang hawak kong kuwintas, wala na yung
pendant ko. Kinabahan tuloy ako, palatandaan ng pamilya namin yung white gold
pendant na yun. Kailangan ko iyong mabawi! Pero hindi ngayon, mahahalata ako…
Umalis na ako’t pinag-isipan kung paano mababawi ang pendant.
Isang araw nagpasya akong maglakad-lakad bago pumasok ng
school. Nakita ko si Diana, ang ex ko. Sinundan ko siya upang magpapansin. ‘Di
naman ako nabigo dahil nakita niya ako’t binati.
“Oy MVP! Musta?”
“Eto okay lang.” malamig kong tugon.
“Ang laki ng ipinagbago mo ha? Hindi halatang muka kang tanga
dati.” Panunuya niya.
“Oh? Talaga lang ha?”
“Talagang talaga. Okay na hitsura mo ngayon pero I doubt na
may utak ka na.” Huling sabi niya bago sumakay ng jeep. Narinig ko pa siyang
tumawa nang makasakay na siya.
Inis na inis ako sa mga sandaling yun. Kesa siya ang mainis,
nagawa niyang baligtarin ang sitwasyon. Buwisit na buwisit akong naglakad
pauwi. Dahil dun ay ‘di ko napansing may mababangga pala ako.
“Aray!” reklamo ko.
“S-sorry.” Sabi ng nakabangga sa’kin.
“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” inis kong wika. Nang
lingunin siya’y natuwa ako dahil si Gian pala yun. Mag-sosorry sana ako subalit nakaalis
na ito. ‘Di bale, hahanapin ko nalang siya sa university.
Kinahapunan, may practice kami sa gym. Kasali kasi ako sa
varsity team. Nang ipasa ko ang bola sa team mate ko’y hindi niya yun nasalo.
“Ilag!” sigaw ko subalit hindi nagawang umiwas nung lalaki
dahil nakatalikod ito. Agad akong tumakbo upang i-check kung okay lang ba ang
lagay niya. “Okay ka lang?” tanong ko habang inaalalayan siya. Tinignan niya
ako. Para akong nakaramdam ng mahinang
kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang hawakan ko siya. Para
talaga kaming pinagtatagpo ng kapalaran.
“Tanga ka ba?! Tinamaan nga ng bola tapos itatanong mo kung
nasaktan siya? Kung ikaw kaya ang hampasin ko ng bola sa ulo mag-enjoy ka
kaya?!” pang-eepal nung isang lalaki’t tinanggal ang kamay kong nakahawak kay
Gian.
“Sorry, ‘di ko naman sinasadya eh.” Katuwiran ko.
“Hinde, okay lang.” sagot naman ni Gian.
“Hindi okay yun Moy! Gagu kasi, ‘di nag-iingat!” muling
sabad nung lalaking kasama niya.
Nag-init ang tenga ko sa tono niya. “Nag-sorry na ako ah.
Tsaka bakit apektado ka?! Angas mo ah!”
“Talaga namang gago ka eh! Ano?!” sagot niya’t itinulak ako
sa dibdib.
“Jayson, okay na nga ano ka ba?!” awat ni Gian, pakiramdam
ko’y naiinis na siya.
“Hindi Moy eh, kailangang turuan ng leksyon ‘to.” Hindi
bumitaw ng masamang tingin ang lalaki,
wari’y naghahamon talaga.
Naangasan na talaga ako sa kanya kung kaya binangga ko ang
dibdib niya. ‘Di na nga katangkaran, angtapang pa ng loko. “Ano bang gusto mo?!
Papalag ka ba?!”
“Game, 1 on 1 tayo!” paghamon niya. Parang gagu talaga.
“Game!” pagtanggap ko sa hamon niya. Kinuha ko yung bola sa
kasamahan ko’t ibinato ko ang bola sa kanya.
“Dito ka lang Moy, pakakainin ko ng alikabok ang bakulaw.” Dinig
kong paalam niya kay Gian.
Nagpakitang gilas ako sa laro subalit may ibubuga din pala
ang lalaking ito.
“Magaling ka, ba’t ‘di ka sumali sa’min?” tanong ko sa
kanya.
“Ayoko, mas gusto kong sumayaw kesa maglaro eh.” Sagot naman
nito.
“Sayang ang galing mo, pero mas magaling ako sa’yo.” Sagot
ko naman. Kapwa na kami hinihingal sa mga sandaling yun. Sinubuhan kong i-steal
ang bola subalit nakaiwas siya’t tumalon.
“Mukha mo!” sambit niya bago pinitik ang bola. Tumalon ako
upang i-block yun subalit talagang pagod na ako, hindi ako umabot. Umikot-ikot
pa ang bola sa ring bago tuluyang pumasok.
“Maliwat three points! Wooooooh!!!” sigaw ng kasama niya sa
dance troupe.
Kahit papaano’y natuwa ako sa ipinakita niyang galing.
Nakakahanga. Nilapitan ko siya’t nakipagkamay bilang pagtanggap ng pagkatalo.
“Galing mo! Sigurado kang ayaw mong sumali sa team?”
“Okay na ako sa dance troupe. Pero pag-iisipan ko pare.”
Sagot nito’t kinamayan din ako.
Nilapitan ko naman si Gian at kinamayan din siya. “Sorry
ulit kanina ha?”
“Okay lang sabi yun, ‘di naman ako gaanong nasaktan.” Sagot
naman niya’t inabot ang kamay ko. Muli kong naramdaman yung kuryente kanina.
Malambot at mainit ang kamay niya, masarap hawakan. Hindi ko alam kung na-gets
niya ang pangalawang sorry ko. Sasabihin ko sana ang dahilan ng pangalawang sorry pero
umepal na naman yung lalaking kasama niya.
“Ahem! Tara meriyenda muna
tayo Moy, napagod ako.” pag-aaya niya kay Gian at inakbayan ito. Tinignan niya
ako sa maangas na paraan. “Meriyenda muna kami pare.”
Hindi na nila inantay ang sagot ko, tumalikod sila at umalis
na. Ganun pa man, masaya ako dahil kay Gian. Nakalimutan ko na nga ang tungkol
sa pendant ko. ‘Di bale, may ibang pagkakataon naman. Pag-iisipan ko muna
kung anong idadahilan ko kung bakit nasa
puno yung pendant ko nuong gabing iyon.
Kinabukasan, nakita ko ulit si Gian habang papasok ako ng
school. “Uy nandito ka pala? Nasan yung kasama mo kahapon?” bati ko sa kanya.
“Ah si Jayson? Pumasok na.” sagot niya. Jayson pala ang
pangalan ng maangas na yun. Napalingon ako sa babaeng katabi niya, dun ko lang
napansin na si Diana pala yun. Nakatalikod siya kanina kaya hindi ko namukhaan.
“Ah ganun ba? Sige papasok na rin ako. See you around.”
Pagpapaalam ko. Iniiwasan ko rin ang engkuwentro namin ni Diana, hindi ko rin
kasi alam kung paano ko siya mapapataob. Magaling kasing magbaligtad ng
sitwasyon ang babaeng yun. Kailangan talagang pagplanuhan ang mga hakbang ko
laban sa kanya.
Bago tuluyang pumasok sa gate at muli ko silang nilingon.
Duon ko naisip na maaaring si Gian ang makatulong sa akin sa kagustuhan kong
makapaghiganti sa babaeng humiya sa akin. Kailangan ko siyang maka-close. Pero—
Yun nga ba ang dahilan kung bakit ko siya gustong maka-close o may iba pa?
Napangiti nalang ako sa naisip ko. Inaamin ko, may ibang dahilan pa nga.
Pumasok na ako’t dumeretso sa klase ko sa umagang yun.
Isang araw, habang nakikipaglaro ako kina Shiro at Kuro sa
labas, may nakita akong umakyat ng puno sa tapat ng bahay nina Diana sa
kabilang kalsada. Nagtaka ako kung anong gagawin niya kung kaya
sinulyap-sulyapan ko. Inaya ko ang mga bata malapit dun sa puno. Nakikilala ko
yung lalaki, parang si Gian yun ah. Anong ginagawa niya dun?
Hinayaan kong maglaro ang kambal habang pinapanood ko si
Gian. Natutuwa akong pagmasdan siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang
nararamdaman ko para sa kanya, ang alam ko lang gusto ko na siyang makilala
nung high school pa lang pero nahihiya ako. Bakit naman ako makikipagkilala ‘di
ba? Baka kung ano pa ang isipin niya at ng ibang tao.
“Kuro, peram muna ng bola.” Sabi ko sa pamangkin ko. Binigay
naman niya ito. May naisip kasi ako para mapansin ako ni Gian, babatuhin ko
siya kunwari’y ‘di ko sinasadya.
Magpapapansin ako?
Bakit?
Ewan ko, bahala na! Ibinato ko ang bola sa kanya. Tinamaan
siya sa balikat. Nagulat ako nang makita kong mahuhulog siya. Mabuti nalang at
nakakapit siya sa sangang tinutungtungan niya kanina.
Tumakbo ako palapit sa kanya. “Uy sorry! Sorry talaga!”
“Sorry sorry ka dyan, tulungan mo kaya ako?!” sigaw niya.
“Hahaha ba’t ka kasi nakasabit dyan?” tanong ko habang
tumatawa. Nakakatawa kasi ang hitsura niya.
“Kanina hindi ako nakasabit, nagulat ako kaya ako
nagkaganito! Tulungan mo na ‘ko nangangawit na’ko!” pakiusap niya. Para siyang koala na nakayakap sa sanga.
“Takaw aksidente ka ‘no? Pangatlo na ‘to.” Sambit ko habang
inaalalayan ko siya. Napalingon ako kina Diana. Napansin kong bagong ligo lang
ito base na rin sa basa nitong buhok.
“Pangatlo? Pangalawa pa lang ah!” sagot naman ni Gian. Muli
akong napalingon sa kanya, natawa ako.
“Pangatlo na! Yung una nung nabangga mo ako sa daan, tapos
yung pangalawa nung tinamaan ka ng basketball ball.” Biro ko sa kanya.
“Basketball ball talaga? Basketball na nga ball pa, paulit
ulit unli? Ikaw pala yung nabangga ko nun?” Hindi pala niya talaga ‘ko nakilala
nun.
“Ah hindi mo pala ako namukhaan nun? Hahaha… Ako nga yun.
Sorry nasigawan kita nun, bad trip kasi ako sa mga oras na yun.” Paumanhin ko.
“Oo eh. Sorry din, di kasi ako nakatingin sa daan nun.”
“MVP pare.” Pagpapakilala ko’t inilahad ang kamay ko. Sa
wakas ay nakapagpakilala na ako ng maayos. Sana ito na ang simula.
“Gian pare… Sabi nung captain nyo siya ang MVP ng varsity
team ah.” hinawakan niya ang kamay ko. Muli, naramdaman ko ang mainit niyang
palad na nagbibigay ng mahinang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko.
Nakakatuwa.
“Hahaha! Si captain Martinez
talaga ang MVP namin, ako nakiki-MVP lang kasi yun ang nickname ko. Marcus
Villaruel Pineda dasi ang full name ko, MVP for short.” Paglilinaw ko.
“Ahh… Bilib na sana ‘ko sa’yo, fake MVP ka naman pala.”
“Hahaha pwede din, malay mo this year
ako na ang maging MVP ng team bukod sa pangalan ko.”
“Ewan ko nalang kung magiging MVP ka
ng basketball, pero sigurado akong walang nagiging MVP sa patagalan ng hand
shake.” Nahiya ako bigla. Matagal ko na palang hinahawakan ang kamay niya,
nadala ako sa nararamdaman ko.
“Pasensya ka na ulit ha?
Nakikipaglaro kasi ako ng touching ball sa mga pamangkin ko, napalakas ang
paghagis ko.” Pagpapalusot ko. Alangan namang sabihin kong nagpapapansin ako
‘di ba?
“Okay lang yun, ‘di naman ako
nasaktan. Nagulat lang talaga ako.”
“Eh anu bang ginagawa mo sa puno?
Siguro…” ‘di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa pagsabad ng pamangkin
kong si Kuro.
“Tito Makki! Nakita mo na po ba yung
bola?”
“Ay oo nga pala. Sandali hahanapin
ko lang…” sagot ko naman.
“Tito hayun po oh!” sigaw ni Shiro’t
itinuro yung bola sa kalsada. Patakbo kong kinuha yun. Pagbalik ko’y inaya ko
si Gian para magmeriyenda.
“Tara Gian sama ka muna sa’min para
magmeriyenda.”
“Ay huwag na, nakakahiya naman sa
inyo. Tsaka busog pa ‘ko.”
“Masama ang tumanggi sa grasya.” Sagot
ko naman sabay akbay sa kanya upang hindi na makatanggi.
Isinama ko siya sa bahay at
ipinakilala kay mommy. Natuwa naman si mommy nang malaman niyang siya yung
ipinagmamalaki kong schoolmate ko na magaling sa photography. Inalok siya ni
mommy na maging photographer sa birthday niya sa Linggo.
Naitanong ko sa kanya kung ano ang
ginagawa niya sa puno kanina. May ideya na ako subalit ayaw niyang umamin.
Naikwento ko sa kanya ang nakaraan ko with Diana. Dahil sa naikuwento ko’y
sinabi na rin niya ang totoo. Nagkasundo kaming magsanib upang paghigantihan
ang babaeng nanloko sa amin. ‘Twas like hitting two birds with a single stone,
makakapaghiganti na ako, makaka-close ko pa siya. What more can I ask for?
Dumating ang araw ng Linggo.
Tanghali pa lang ay pinapunta ko na si Gian sa bahay upang makapili ng damit na
isusuot. Ipinakita ko sa kanya ang closet ko na puno ng coat.
“Wow! Gara ng mga gamit mo!” mangha
niyang papuri.
“Hindi naman. Padala lang yan ni
daddy para sa’kin. Hindi ko pa nga nasuot ang iba diyan dahil hindi ako mahilig
sa mga sosyal na party. Pili ka nalang diyan ng kakasya sa’yo.”
“Ganun ba? Nakakatuwa.” Sabi niya’t
kumuha ng isa. “Sukat ko.” Sabi niyang nakangiti, nanghihingi ng pahintulot.
“Okay.” Sagot ko naman. Umupo ako sa
kama habang pinagmamasdan siya.
“Labas ka muna.”
“Bakit?” natawa kong tanong.
“Nahihiya ako eh.” Sagot niya na
halata nga dahil sa pamumula ng mukha niya. Ang cute niyang pagmasdan.
“Huwag ka nang mahiya, meron din
naman ako ng kung ano mang tinatago mo eh. Okay lang yan.”
Wala na siyang nagawa kundi ang
magbihis. Nakakatawa pa dahil tumalikod ito’t pilit ikinubli ang kahubaran
niya.
“Hmm… Subukan mo naman yung gray.”
Sabi ko.
“Hindi ba bagay?”
“Okay lang siya pero tignan mo,
medyo lampas sa balikat mo.” Sagot ko’t hinawakan ang damit sa balikat niya.
“Ahh ganun ba? Sige.” Hinubad niya
yung suot niya’t isinukat nga yung itinuro ko.
“Yan, mas bagay.” Wika ko.
Nakakatuwa kasi bumagay sa kanya yung coat. “Subukan mo nga ‘to.” Sabay abot ng
neck tie.
“Hindi ako marunong.” Sagot niya.
Natawa ako. Kung sa bagay, hindi nga
naman pala siya nagsosoot nun kaya siguro hindi pa niya natutunan magsoot ng
tie. “Sige, tuturuan kita.” Sabi ko naman at inikot ko ang tie sa may leeg
niya. May kapilyuhang pumasok sa isip ko sa mga sandaling yun. Bigla ko siyang
niyakap. Hindi siya umimik. Dahil dun ay hinigpitan ko pa ang yakap ko sa
kanya. Ang sarap niyang yakapin. Mainit-init ang katawn niya na nagbibigay ng
calm feeling sa kaibuturan ko.
“Part-time necktie ka pala?” bigla
niyang tanong.
“Bakit?” naguluhan kong tanong.
“Feeling mo kasi neck tie ka,
yumayakap sa leeg ko.” Sagot naman niya’t tumawa. Natawa na rin ako sa sinabi
niya.
“Ganun talaga.” Sabi ko’t itinuloy
ko na ang pagtali ng tie.
Nang bumaba kami sa sala, natawa ako
dahil head-turner talaga si Gian. Lahat ng nasa party ay napalingon sa kanya.
Akala pa ng ibang bisita ay magkapatid kami.
“Naku hindi po, kinuha lang po akong
photographer ni Mrs. Pineda.” Ang lagi niyang sagot sa mga nagtatanong.
“Sana sinakyan mo nalang. Tignan mo si mommy
tuwang tuwa din dahil sa naiisip ng mga bisita. Nalahian kami ng mestiso.”
Pabirong bulong ko pa sa kanya. “Tara sa garden, masyadong maraming tao dito.”
Pag-aya ko sa kanya.
“Eh may mga kukuhanan pa ‘ko eh.”
Pagtanggi niya.
“Hayaan mo na si kuya Vampy dito,
kaya na niya yan.” Sagot ko naman.
“Kuya Vampy?” tanong niya. Hindi
siguro niya alam ang dating chat name ni kuya Hiro.
“Si Kuya Hiro yun. Teka diyan ka
lang. ipagpapaalam kita.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na
makasagot, tinungo ko agad ang kinaroroonan ni kuya Hiro. Buti nalang at
pumayag naman si kuya Hiro, siya na daw ang bahala.
Binalikan ko si Gian at inakay siya
sa garden. Umupo kami sa mga silya sa gazebo namin sa tabi ng pool.
“Nakita mo ba ang reaksiyon ng mga
bisita ni mommy? Humahanga sila sa’yo.” Wika ko.
“Hindi naman.”
“Totoo kaya! Sino bang hindi hahanga
sa’yo? Sino bang hindi mapapalingon sa maganda mong mata? You’re one
interesting person Gian.” Ewan ko kung nakuha niya ang ibig kong sabihin.
“Weh? So interesado ka sa’kin?”
tawa-tawa niyang tugon.
“What if the answer is yes? What
will you do?” nanunubok kong tanong. Nais ko rin namang malaman kung sakali
ngang sagutin ko nang seryoso ang tanong niya.
“Loko! Tara
na nga, kumain muna tayo. Gutom lang yan.” Ang isinagot niya’t bumalik na siya
sa loob. Natatawa akong sumunod nalang sa kanya.
Habang kumukuha ako ng pagkain,
bigla akong kinalabit ni kuya Hiro. “Ano na ang status nyo?” maloko niyang
tanong.
“Anong status ang sinasabi mo kuya?
Hindi ko getz.”
“It takes one to know one Makki.
Alam kong may gusto ka sa trainee ko, halata ko yun.” Sagot niya.
“Ano ako, bakla? Kuya talaga.”
Tawa-tawa kong sagot.
“Sus! Bahala ka nga kung ayaw mong
umamin. Naiintindihan ko naman dahil ganyan din kami ni Jethro dati.”
Makahulugang sambit niya.
Nagitla ako sa narinig. “You mean…”
“Hahaha hindi mo alam? Akala ko alam
mo.” Sagot naman niya’t tinalikuran ako na hindi malinaw ang kaniyang sagot.
Napa-isip ako bigla. Oo interesado ako kay Gian pero… In love nga
ba talaga ako sa kanya?
“Anong pinag-usapan nyo ni sir
Hiro?” tanong ni Gian na humila sa akin mula sa malalim na pag-iisip.
“W-wala. Tara
dun tayo.” Pag-iwas ko sa paksa.
Bawat araw na nagdaraan ay lalung
lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong masyadong mabilis, hindi
ko inasahan ito, subalit mukhang tama nga si kuya Hiro… I think I’m in love
with Gian.
Madalas kaming magkasama,
nagpa-plano kung paano namin isasagawa ang binabalak naming ‘scandal’ ni Diana.
Naka-ilang attempt kami sa plano
namin laban kay Diana subalit laging nabubulilyaso. Dahil nga malas kami,
laging umiinom si Gian upang maibsan ang inis niya. Natuto pa akong uminom nang
dahil sa kanya. Ayoko namang matawag na Kill Joy kung kaya sinasamahan ko
siyang uminom sa bahay nila. Duon niya ako pimapatulog dahil medyo may kalayuan
ang bahay namin sa kanila.
Isang gabi, habang nag-iinuman kami,
“Gian talaga bang gusto mo pang ituloy ang paghihiganti?” ang naitanong ko.
“Bakit mo naitanong yan?”
“Kasi…” hindi ko alam kung dapat ko
bang sabihin. Parang ayaw ko nang ituloy ang paghihiganti. Nais kong maghiganti
dati dahil sa nasaktan ako sa ginawa ni Diana. Pero parang natabunan ng
nararamdaman ko para kay Gian ang hatred na yun. Parang na-extinguish na ang alab
ng pagnanais kong makaganti. Natatakot naman akong ipahayag sa kanya ang
nararamdaman ko dahil baka layuan niya ako. Wala kasi akong makitang sign na
pumapatol siya sa kapwa lalaki.
“Kasi?” balik-tanong niya sa’kin.
“Wala, kalimutan mo na.” sagot ko dahil pinangunahan ako ng
takot at hiya. Pinilit ko nalang ibahin ang uasapan. “So anong next plan mo
Gian?”
“Ewan ko… ‘Di ako makaisip ng matinong plano.”
“Ewan ko ba sa’yo, lagi nalang palpak ang mga plano mo.” Sagot ko naman
subalit ang totoo’y may tuwa sa puso ko sa pagpalpak ng mga plano namin. Una na doon ang matagal na
pagsasama namin, pagpaplano. Pangalawa ay ayokong mabuhay siya sa paghihiganti.
Uunti-untiin ko siyang kukumbinsihin na kalimutan na ang galit. Ang
nararamdaman kong espesyal para sa kanya ang gagamitin ko upang maibaon na niya
sa limot ang galit.
“’Di naman papalpak ang mga yun kung hindi ka pumaplak sa
pag-execute eh. Tulad nung plano
nating kunan ang pag-sesex nila, maling kuwarto ang ibinigay mo sa’kin!”
“Aba
malay ko bang lilipat sila ng kuwarto nun? ‘Di ko kasalanan yun!”
“’Di daw kasalanan. Kung nakunan lang natin yun isang upload
lang sa internet sira ang reputasyon nila. Sigaradong kick out sila sa
university! Ikaw ang palpak, hindi ako!”
“Oh sige sige, kasalanan ko na, matigil ka lang. So anu nga
ang next plan?” tanong ko’t iniabot sa kanya ang baso ng alak. “Nangangawit
ako, kunin mo na.” reklamo ko nang ilang segundo siyang natulala, nakatitig
lang siya sa baso.
“May naisip na ’ko.” Sagot niya’t tumawa nang tumawa bago
uminom.
“Sige… Ikwento mo.” Sagot ko.
Biglang may kumatok sa pinto na ikinagulat ko. “Ji-ji! Ji-ji
may bisita ka!” sigaw ng nanay ni Gian.
“Sandali lang MVP, diyan ka lang.” tumayo si Gian upang
buksan ang pinto. Narinig kong tinanong ng nanay niya kung umiinom na naman
kami. Nahiya ako. Baka isipin nilang masamang impluwensya ako kay Gian gayung
si Gian naman ang laging nag-aaya ng inuman. Matapos ng maikling pag-uusap nila
ng nanay niya’y binalikan na niya ako.
“MVP dito ka lang muna ha? May titignan lang ako sa baba.”
Paalam niya’t sinagot ko naman ng isang tango.
Naisipan kong bumaba upang kumuha ng yelo, masama kasi sa
panlasa ko ang alak kapag hindi malamig na malamig. Pagbaba ko ng hagdan,
tangan tangan ang bowl, narinig kong parang may kausap si Gian. Minabuti kong
magtago sa likod ng pinto upang umusisa.
“Sino ka?” boses ni Gian.
“Moy ayoko na ng mga ginagawa mo. Mag-usap tayo.” Sagot ng
kausap niya. Pamilyar ang boses… Parang boses nung Jayson na kasama niya lagi
nuon.
Itutuloy...
40 comments:
Ohmygash!!!!
Next please.. :)
May sakit ako. Hindi muna ako magcomment ng uber haba. :)
-cnjsaa15-
Ayan na, nag-meet na lahat ng points of view! Baka naman bukas pati point of view ni Diana ha! Hahahaha joke lang. Minsan lang ako makacomment author. Thank you nga pala sa everyday update!
tama! lahat kmi gusto mamatay sya. pede b pong mngyar un? gusto ko mahihirapan sya tulad ng pagpapahirap nya sa ibang tao. BWAHAHAHA!! SALAMAT KUYA SA UPDATE! SOBRAG GANDA PA RN PO :) BUKAS ULIT!
Hmmm yesssss!!! Sana si mvp at gian nalang ang magkatuluyan eh ,mas gusto ko sila kesa dun kay jayson eh
next na pls. Wala masyado thrill yung last 3 chapters, tig-iisang POV kasi si makki, gian, at jayson, replay ba, re-telling naiba lang sa ibang part. Lahat kasi natapos sa part na nasa may labas ng house nila gian ang kalbong si jayson.
Pero ok naman yung story, nakuha nya yung atensyon ko, mejo mabagal lang yung flow ng story. But overall, okay sya. :)
--ANDY
ahm pwd b mgkarun to ng series?ung book 2 nya e ung story naman ni MVP. Mas ok kc ang magbasa ng mga gan2ng kwento kung puro series xa. Wel, bkt naman panggulo pa c mvp, ahaha.. Every other day ba ang pagpopost mu ng mga chapter? Hnd b pwd minsanan? Ahaha goodjob
marky
bluenight2922
okay lang po... pagaling ka :)
walang anu man po... salamat dn sa pagbasa :)
well auq muna sagutin yan hahaha
opo, bukas po ulit... salamat :)
ahh bkit po, anu pong ayaw m ky jayson?
well kung wla pong POV cna jayson at mvp maintindihan nyo kya ung mga butas sa isinalaysay ni gian?
mbagal po ba? hayaan m po patapos na dn nman to eh... salamat po sa pagpuna :)
actualy po 2nd book na po to ng reverie at may inumpisahan na akong 3rd na ky MVP nga po pero pinull out ko muna... gs2 q kc mging solid dn un tulad neto, lalu na iba ung style nun... ung unang book kc d gaanong nkakuha ng pansin.
about sa posting... everyday nman po posting eh, kulang pa po ba un? o.o
ahmm uu, ahaha mejo bitin kc ako. Nyahahaha.. Sa 22ong buhai meron bng gan2 ang love story? Parang wala.
Marky
very interesting na ang kwento..swakto sa panlasa namin
Akala ko pa naman mguusap n un mgbf wla pa pla.
karaniwan na ang best friends na nagkakagustuhan
karaniwan din ang mga napipikot ng babae
karaniwan din ang love triangle
higit sa lahat naglipana ang m2m relationship
wla aqng mkitang kakaiba sa kwento sir o.o
salamat russ :)
patapos na po ang kwento kung kaya tinatapalan ko na lahat ng butas, sinasagot ang mga natitirang tanong... kung tatapusin ko po ito na maraming nkabin bin na tanong, masasatisfy po kaya ang nagbabasa? :)
agree ako kay Master Lee. Ewan ko lang, pero ayoko din kay Jayson. Haha! mas gusto ko din si MVP.
Parang tanda ko yung Reverie. Sino yung mga bida dun?
--ANDY
lol gs2 q dn c MVP eh...ung MVP in real life hahaha
reverie po ang bida si Hiroki/Bayani, Hiro for short
MVP-GCB! 4 the win...whooo next chp na... ahm pwde magrequest..pede bang mamatay si diana dito gusto ko morbid if ever! ahaha
lol patayin tlaga c diana? xD tgnan po ntin kung maisisingit yan hehe
padaan! padaan lng! LOL
arekup!
binangga m naman aq weh x.x
Excited na ko sa next part :-) ok na rin to para malinaw ang lahat. At least mas nakilala natin si mvp
nice kuya .. bilis ng update aa ..
excited much na ko sa mga mangyayari ..
what will be Gian's reaction seeing Jayson in front of him and on that appearance?
abangan .. :)
di ka ksi tumitingin sa daan eh.. LOL
Next pls.
salamat po at naintindihan m :)
MVP-Gian banggaan scene lang? :P
mamayang gabi malalaman na ang sagot dyan :))
salamat sa walang sawa mong komento heheh
mamayang gabi na po ang kasunod :)
si MVP ang pison! LOL
Very nice story Mr. Author, klarong-klaro ang mga detalye ng bawat chapter.. i love so much poooooo
bakit parang c MR. MVP ang makakatuluyan ni GIAN, wag nman po sana MR. AUTHOR., nd ko gus2 xia gus2 para kay MR. GIAN,
jAYSON at GIAN pa rin ako, sila pa rin ang love team, hahahahaha..
jAYSON + GIAN = JAYSIAN.. MAKA GAWA LNG parang ako ung author... <3 jejejejeje
MR. AUTHOR SANA GAWAN MO PO NA IYAKAN PORTION ANG SUSUNOD NA CHAPTER, GUS2 KO PO UMIIYAK EH, KATULAD NG REVERIE, jejejejejeje,
NEXT NA PO AGAD.. <3
hala alam m na pla ung reverie :o
salamat sa pagtangkilik mo :)
ahh bsta c mvp, kahit tangke pa xang sumasabog mgpapabangga aq :)
oo patayin talaga!!! ahaha
hi poh kpwap ! ganda poh ng story moh !! ano poh un moh s pwap ??
hayy016
dragonorb po un q sa pwap sir :)
saan ka sa valenzuela coffee prince?
Post a Comment