Sunday, April 29, 2012
Part Of Me Chapter 10
by: Apollo22
Pauna:
Salamat pos a mga sumusubaybay dito… salamat sa lahat special mention si paring RODMAX salamat pare. Coffeprice,lawfer,JM, makki, kiero, Master, Robert, DownD. Tnx tnx =D at sa iba pa.
Hindi pa ‘man kami masyadong nakakalapit sa may gate ay nakikita ko na si Sedrick, hindi ko alam ang magiging reaksyon kung sakaling kakausapin ako nito, pero hindi ko ‘yon ikinatatakot.
“ma wag mong kakausapin yan at ipasok mo na ang kotse sa bahay” ang sabi ko rito ng walang emosyon.
“pero anak” ang sabi ni mama ko.
“ma please, eto lang ang pakiusap ko sa’yo,salamat” ang sabi kong muli.
At dinaretso ni mama ang kotse sa may garahe,inutusan nya ang mga katulong na agad isara ang gate at wag papapasukin si Sedrick sa bahay.
Habang nasa kwarto ako ay nandon pa rin si Sedrick at nakaupo sa may harap ng gate at wari’y alam na na nasa bahay na ako, walang kaalam-alam na alam ko na ang pagpapanggap na ginagawa nya, hanggang sa inabot na ito ng gabi kahihintay sa labas, katok ito ng katok at tawag ng tawag sa pangalan ko, nakikiusap na mag-usap kami para malaman nya kung ano ang problema sa aming dalawa.
Wala namang problema sa akin ang pagpapatawad, pero ibang kaso ‘to, nag mukha akong tanga at ginawang laruan ng isang taong pinagkakatiwalaan ko at pinagbigyan ko ng puso ko, ang pakiramdam ko ngayon ay galit at hindi awa, naging bato ang puso ko sa kanya.
ANG LAKI KONG GAGO ang nasabi ko nalang sa sarili ko at tumingin muli sa bintana
Susuko ka rin ang muli kong sabi sa sarili ko at pumatak muli ang luha ko.
Paulit-ulit ko nalang naiisip ang mga masasayang pinagsamahan namin ni Sedrick at nanghihinayang ako sa pagmamahal na inilaan ko sa kanya, sayang ang oras, sayang ang pagpapahalaga, sayang ang lahat-lahat.
Humiga ako sa may kama at inisip ang mga pagkukulang ko, kahit kausapin ang sarili ko ay nagawa ko na.
“Prince ano bang meron sayo para lokohin ka ng taong yan,gano’n naba sya kagalit sayo para paglaruan ka? May ginawa kaba sa kanya dati at naisipan ka nyang paglaruan at pagpustahan ng 3,500? Ganon lang ba ang halaga mo sa tingin ng ibang tao? Bobo kaba? Wala kabang kwenta para gawin nila ang mga bagay na ‘yon sa’yo prince? Ang nasasabi ko sa sarili ko habang lumuluha.
Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto
“ma ayoko pa pong kumain, kayo nalang ni papa” ang sabi ko at hindi tumingin sa pinto.
“Prince?” ang sabi ng taong pumasok na bumingi sa aking tenga.
Agad-agad akong lumingon at laking gulat at galit ko ng Makita ko si Sedrick, sya pala ang taong pumasok, namula ako pero this time alam ko dahil sa galit, nag-init ang pakiramdam ko para akong bulking sasabog.
Dali-dali itong lumapit at nagtanong.
“Prince anong problema? Bakit ayaw mo akong kausapin?” ang nag-aalalang sabi sa akin at hinawakan ang aking kamay na agad ko namang binawi.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tumayo rin ito, ngayon magkaharap na kami ng taong nanloko sa akin, tinignan ko ito ng matalim.
“problema? Tinatanong mo kung ano ang problema? Eh GAGO ka pala eh! Ikaw ang problema, ikaw! Gago ka, tar*ntado ka, ano ako laruan?! Ano to Sedrick biruan? Pinahulog mo ako sayo para sa 3,500, ano ako? basura, gano’n nalang ba ang galit mo sa akin para saktan mo?” ang sigaw kong galit at pinagtutulak sya.
Hinawakan nya ang kamay ko at niyakap.
“Prince anong ibig mong sabihin?” ang buong taka nitong sabi.
Kumawala ako sa pagkakayakap nya at muli kaming nagkaharap
“ano ka? Gago?” hindi mo alam ang ginawa mo no’ng 3rd year ka? Pinagpustahan nyo ako ni Tom?” ang pasigaw kong sabi
Nang marinig nya ang katagang ‘yon ay Hindi nya alam ang sasabihin at hindi na rin ito makatingin sa akin ng daretso.
“oh ano so, tama ako?!! Pinaglalaruan mo ako!!? Masarap ba akong tignang nagmumukhang tanga?” at ngumiti ako habang bumubuhos ang masaganang luha sa aking pisngi.
“Prince let me explain” ang nagmamakaawa nitong sabi ngunit hindi ako nakinig.
“explain, ieexplain mo ba kung ga’no ka kasayang Makita akong nagmumukhang tanga? Eto ba!”
Itinapon ko ang vase sa may salaminan at nabasag ito, tumaksik ang maraming bubug sa sahig.
“tutal masaya ka rin palang nakikita ako nasasaktan, luboslubusin na natin, dahil ito ang tatandaan mo hinding-hindi mo na ako masasaktang muli” ang gumagaralgal kong sabi.
At kuniha ang mahabang piraso ng bubog sa may harapan ko, pinulot ko ito at sinakmal sa kanang kamay at hinila ito gamit ang kaliwang kamay, umagos ang dugong nananalaytay sa aking katawan, aamining kong masakit pero mas nararamdaman ko ang pighati na dulot ng lalaking mapagpanggap.
Gulat na gulat sya sa ginawa ko, nanlaki ang mga mata dahil sa pagkagulat, nakikita kong naluluha sya sa ginawa ko at hindi maipinta ang emosyon sa kanyang mukha, may halong guilty at awa ang aking nakikita habang nakatitig ito sa duguan kung palad?
“happy now? O baka naman kulang pa?” ang sabi ko rito habang kumikirot ang palad ko
Hinawakan ko ng mahigpit ang piraso ng bubog sa kaliwang kamay at buong lakas ng loob kong itinarak sa kanang braso ko, hindi ko alam kung bakit ko nagagawa ang mga bagay na yo’n kusa nalang lumabas ang demonyo sa aking katawan at kinontrol ako, muli umagos ang masaganang dugo sa aking kanang braso at naramdaman kong hindi ko na maigalaw ang kanang kamay ko sa sobrang sakit.
Hindi na ito nag-isip pa at hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit para mawalan ako ng kontrol at inialis nya ang bubog na aking hawak, nahirapan sya dahil hindi ko ito binibitawan pero sa higpit ng hawak nito sa aking kamay ay nabitawan ko rin.
“nasisiraan kana ba ng bait?!” ang madiin nitong sabi at napakasat kami sa may sahig at pilit akong kumakawala sa pagkakayakap nya pero malakas talaga si Sedrick at hindi nya ako binitiwan kahit anong gawing kong paghampas sa kanya.
Habang sumisigaw ako ay nakita kong gulat na gulat ang mama ko sa kanyang nakita nanginginig ito sa dami ng dugong nakakalat sa sahig at muli, kusang sumasara ang aking mga mata at nararamdaman ko ang panghihina na aking katawan at duon ako nawalan ng malay.
Pagdilat ng aking mga mata ay nakita ko ang isang napakagandang lugar, nakita ko ang magandang palasyo na mayroong disenyong ginto sa mga pader, puting-puti ang paligid Napabulong ako, Diyos ko patay na ba ako? pero hanggang dito ay hindi ko makalimutan ang nangyari sa akin, pero bakit ganon? Wala akong nararamdamang sakit? Walang pighati sa puso ko? Puro galak at paghanga ang aking nararamdaman, simbulo ba ito na patay na nga ako?
Hanggang sa may isang gwapo at matipunong lalaki na may pakpak ang lumapit sa akin, kamukha ko sya pero mukhang 20’s ang mukha nya halatang matured na ito pero laking gulat ko ng makitang sugatan ito at halata sa mukha nya ang sakit, may sugat ito sa kanang palad at kanang braso.
“kuya ayos kalang ba?” ang pag-aalala kong tanong rito.
“oo ayus lang ako, basta ingatan mo lang ang sarili mo ay magiging ayos din ako” ang wika nito na medyo nauutal, mukhang masakit ang nararamdaman nito.
Hindi ko alam ang ibig nitong ipakahulugan pero naaawa ako sa kanya dahil duguan ito at nasasaktan at halatang walang magawa.
“may hospital ba dito o kahit albularyo?” ang tanong ko rito at inupo ko ito sa malagintong mahabang upuan
“nasa hospital na ako, wag kang mag-alala, basta gaya ng sinabi ko ingatan mo ang sarili mo at magiging ok rin ako, pinagkaloob sa atin ng Diyos ang katawan natin na parang templo na kailangang ingatan at wag sirain” ang sinabi nito at ngumiti sa aki ng napaka tamis, tumayo ito at umalis gamit ang malalaki at kumikinang nitong pakpak.
Hinabol ko ito pero mabilis ang kanyang paglipad, habang lumalayo ito ay paulit-ulit nitong isinisigaw ang aking pangalan, lumingon sya akin sabay ang masaganang ngiti at kaway, habang hinahabol ko sa malaparaisong lugar ay bigla akong nadapa sa hindi malamang kadahilanan, pagbagsak ko ay nakuryente ang aking buong katawan at kumislap ang aking mata, sumakit muli ang palad ko at pati ang braso ko, nanghihina ngunit naaninag ko ang isang taong naka kulay berde at tuwang-tuwa sa aking pag-gising, ngunit muli akong nakatulog at dahang-dahang pumikit ang aking mata.
Mahimbing ang tulog ko dahil paggising ko ay umaga na, mukhang kagagaling lang umulan dahil may mga patak pa ng tubig sa mga dahon, malamig ang paligid at sariwa ang simoy ng hangin, naamoy ko ang mga bulaklak at mga papausbong ng dahon, tumingin ako sa paligid at nakita kong nakahiga si mama sa may sofa at si papa naman ay nag-iwan ng mga prutas at note.
Anak ingatan mo ang sarili mo ayaw kong nakikita kang nagkakaganyan love papa.
Napangiti naman ako sa note ni papa ang drama, pero kahit natatawa ako ay ramdam ko ang pagkalungkot sa puso ko at nagsimulang umagos nanaman ang luha, this time kalmado na ako at tanggap ko na hanggang dito nalang ang aming pinagsamahan ni Sedrick, masakit man tanggapin ay kaylangan pero sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko pa itong handang Makita at kausapin.
Mahirap na atang Makita ang taong nanakit sayo at hindi naging totoo sa relasyon ninyo, kahit gaano ako ka open minded, pagdating sa nangyari sa akin ay bakit hindi ko matanggap? Bakit masakit? Hindi na ba talaga pweding bumalik sa nakaraan at burahin ko sya sa puso at isipan ko? Hindi na rin ba ako titigil sa kakaiyak sa kanya? Hindi ba pwedeng tumigil muna ang puso ko sa pagtibok para hindi masaktan? Bakit parang sa bawat pagtibok nito ay may libo-libong karayom na lumalabas at umaagos sa buong katawan ko, kasing sakit ng taong namatayan na alam nitong bukas ay hindi mo na masisilayan ang taong iniiyakan mo?
Umiiyak ako tagpong iniisip ko na wala na si Sedrick at sinusumpa sa aking sariling hinding-hindi ko na sya mamahalin habang buhay.
Pero pilit na sinasabi ng puso ko kung kakayanin ko ba? dahil sa taong galit na galit ako at halos isumpa ko sa langit at impyerno ay ang taong mahal ko pa rin hanggang ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko masakit ito, masakit na masakit.
Nang alam kong magigising na si mama ay agad kong pinunasan ang masaganang luha sa aking mga mata at pilit na ngumiti upang hindi na masaktan pa ang pinaka mamahal kong Ina dahil lang sa aking pag-iyak-iyak.
“anak? Ok ka na ba? Nagugutom kaba? Wait lang kukuha kita ng pagkain” hindi man ako hinayaang maka oo at lumabas ito at bumili ng pagkain, laking pasalamat ko at napakababait ng mommy at Papa ko hindi ko sila kayang ipagpalit sa kahit kanino mga magulang sa buong mundo.
Saktong paglabas ni mama ay ang pagdating ng mga kabarkada ko, sina Nina,Mimi at Gary syempre wala si Sedrick.
Lumapit sila sa akin at “nakasimangot”
“Prince bakit ang bad bad mo,nabalitaan ko yang ginawa mo alam mo bang kasalanan ang ginawa mo?” ang sabi ni Mimi.
“oo nga, gusto mo nabang mamatay? Gusto mo ako na mismo ang papatay sayo” ang biro ni Nina na nakasibangot pa rin.
“kayo talaga, sige promise hindi na mauulit ok? Oh sorry na” ang sabi ko sa kanila at nag smile ng sobra.
“oo dahil pag-inulit mo yan lagot ka sa akin” ang sabi ni Gary na natawa naman ang lahat
“ok kana ba nyan? Ngayong patawa-tawa ka dyan?” ang tanong ni Nina.
“oo naman ako pa? wala atang tatalo sa lakas ko” ang pagmamalaki ko.
“ay oo nga noh, kaya pala muntik kanang mamatay kagabi, ang galing ganyan ba ang malakas? Nauubusan ng dugo” ang kantsaw ni Nina sa akin.
“nako ikaw talaga!” at bahagyang nalungkot dahil naalala ko ang rason kung bakit ako nag ka ganon kagabi.
Maaga silang nandon at nag kwenthuhan kami ng hindi naman ganoon katagalan, kinumusta lang nila ang lagay ko at binigyan ng ilang payo tapos
Biglang bumalik si mama na may dalang bulalo, kanin at juice.
“osya anjan na si Tita go go go na kami at maypasok pa tayo, pagaling ka para makapasok kana agad” ang sabi ni Nina.
Hinatid sila ni mama sa may gate ng ospital at agad-agad na bumalik.
“Ma, pano yan bababa ang grades ko?” ang sabi ko ng may pag-aalala.
“don’t worry nakausap ko na ang teacher mo at excuse ka daw sa lahat ng subject” ang sabi ni mama.
“ at anak ayoko ng gagawin mo ulit ang ginawa mong ‘yan” ang dagdag pa ni mama.
“opo mama sorry po hindi na po mauulit” ang paghingi ko ng pasensya.
“good o kumain kana at hindi masarap ang bulalo kung malamig” ang masaya nang sabi ni mama.
“I love you mama” ang masaya ko naring sabi.
“I love you too anak” ang masiglang sabi naman ni mama ko.
Masaya talaga ako dahil kahit busy sila sa trabaho ay may oras pa rin sila sa akin at hindi ako napapabayaan, hindi naman ako masukista at ayaw ko rin ang nasasaktan nadala lang ako sa aking emosyon kaya hindi ko napigilan ang sarili ko sa ginawa kong ‘yon na alam kong hindi na mauulit.
Itutuoy:
13 comments:
The best:):):):)
Nice story pero ang bilis ng bawat detalye eh........pero ang ganda pa rin sana appollo?right? Eheh ,eh, ma level up ng konti ung story ung parang may emotion ung dating?parang romantic,ganun or di naman ,ih basta emotion eheh ,pero the best parin ung twist ng story ...
aist...nitin nman..heheh hindi na pinakita si prince james...heheh...next na poh mr.author...^^
First whew! First time ko magcomment pero matagal na ako nagbabasa sa blog na to! I like this plot.keep it up....
Update agad! :-)
"nakasat" waaahehehe anu po iyon?
Nice story.
Ang Ganda hehe. SALAMAT po sa mabilis na update! Sori pala Kuya Zekiel kung Hindi ako nakakacomment. D bale po magcocomment na ako. Hehe.
ayun nabitin ako.. ;)
exciting na ang mga nangyayari... ganda..
next na po!
napaupo..
kasat? kampampangan tlaga :))
sa ngtanong po, kasat is lupasay, nalugmok sa lupa(sahig pla d2 x3)
ah bsta un un :))
anyway, ou agree aq ky ginoong lee, mblis at ejo kulang sa feelings... peo ok ung mga twists m :))
I demand for the next update. HAHAHA. Bilisan mo Apollo.. XD
..... haysss sana lumabas agad ung next chapter,,!
kalokaa.!
...... nuh na kaya nangyarii keii sedrick ang mean nya pla :(
<---- demure
okay part 11 at 12 na...ahaha
Post a Comment