by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Author's Note:
Itong estoryang ito ay kasama sa Make Believe series ko at ito ang kwento nang ex-boyfriend ni Alex, si Ian. Medyo sinapian ako ngayon ng isang hyper na espiritu kaya nagawa ko ngayon ang teaser na ito. Tutal, malapit ng magtapos ang Make Believe ko.
Ian was hurt dahil natapakan ang kanyang ego nang makahanap
na nang taong tunay na magmamahal ang dati niyang nobyo. Wala naman talaga
siyang karapatang mag-drama dahil siya naman talaga itong nakipaghiwalay. In
fact, brutal pa nga ang ginawa niyang pag-wasak sa puso nang taong pinaglaanan
siya nang pagibig.
Karma na ata niya iyon nang isang gabi habang nagpapakalunod
siya sa alak para mawala ang pagkabwisit niya sa sariling kagaguhan ay siya
namang nakita niya ang dating karelasyon na masayang-masaya sa kanyang bagong
pagibig. Realization hits him hard, hanggang ngayon ay mahal parin niya ang
lalaking nakikita niyang masaya ngayon at ang masama pa wala na siyang magagawa
para makuha ulit ito.
Isinumpa ni Ian mula nang gabing iyon na kahit kailan ay
hindi na siya papasok sa relasyon ng mga alanganin at sisimulan niya nang
mabuhay bilang isang "Normal" na nilalang ng ‘Planet earth’. Ngunit
sadya nga atang mapagbiro ang tadhana dahil sa mismong araw na nagpasya na
siyang tumigil ay siya namang makikilala niya ang isang lalaki na ang favorite
hobby ay ang matulog and he can't deny the fact na sa tuwing tinutulugan siya
nito halo-halong emosyon ang nararamdaman niya na nagpapagulo sa kanyang
matagal ng sirang pagiisip.
Handa na ba siya ulit makipagpatintero kay kupido kasama
ang lalaking wala nang ibang ginawa kung hindi ang bwisitin siya at tulugan?
14 comments:
hehe may galit k ba sa nakakatulog sayo zild?
...guilty ako dito, madalas ko rin tulugan yung mga kausap ko haha...
comment lang ako =) basahin ko nman lahat ng sulat mo eh. haha
-kokey
bitin much, but i like it, hahahahaha, well, ganyan talaga, kung sino pa ang nambubwiset sayo ay siya pang mamahalin mo, hahaha sabi nga nila, the more you hate, the more you love, at magigising nalang tayo isang araw na marerealize natin bigla na mahal pala natin ang kumag na nambubwiset satin.
kaabang abang daddy zeke, love it. hihihii
-eusethadeus-
Hmmmmmm...... Z Z Z z z z z z z z z .......... Sensya n nktulog ako!!!!! Hihihi
Sa ngaun, nguguluhan pko s mggng story ni Ian.... Pro lam k nmng u cn gv justice s story ni ian at snorlax! Hehehe
Bsta ung request k, khit tulog c snorlax, lagyan m p rn ng bedscenes cla! Hahaha
-drew-
kaabang-abang ang kwento na 'to kuya zeke aa . . . .
the comeback of Ian ---
anKYUT ng concept . .
heheh! :)
another story yey!!!! Waiting for chapter 1.
Zzzzzz... Ikaw b namang aasarin at tapos tutulugan. Hayyy... Isa na namang makuleeet na story.
well, well, well...creating another epic of love story, zephiel, ikaw na ang taong puno ng kabalbalan and kapraningan ang utak...
Anyways, masayang pagbabasa na naman ito para sa amin..
Hahaha..i miss commenting from your work..
ahahay! may susubaybayan na nman ako :)
naalala ko na nman ang malditang c alex.. haha
weeh may bago na! Goodluck zeke!!
--ANDY
yay!!...
new story to Look forward to...
reaLLy Lovin' your Latest story kuya Z...
weLL, i LOVE aLL your stories...
they never faiLed to make me smiLe...
Like every chapter of it...
congrats kuya Z on your upcoming "baby"...
hehehe... :)
- edrich
hahahahaha parang ang istorya ay "how i fell in love with a snorlax" hahahaha
kelan po ba masisimulan to? kasi parang mas nauna pa ung complicated cupid kesa dito
nasan napo ung story neto??sana update napo mr author...interesting kc eh!^^
tapos,,maki-extra mko sa characters!!hahahahaha...
-monty
Post a Comment