Thursday, April 19, 2012

Make Believe Chapter 12


by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com

Author's Note:

Inabot na ako nang alas singko sa sobrang pakikibaka sa chapter na ito. @_@ Sana ay magustohan niyo po itong chapter na gawa ko at sana ay huwag niyo ring kalimutang magiwan ng komento.


Gusto ko pong pasalamatan ang mga taong nagbigay ng kanilang mga komento sa nakaraang Chapter na sina –

=Dereck= (Na talaga namang laging nagkokomento sa lahat ng gawa ko.), Pepzi, Jeh (A.K.A Barbie), Roman (roohmen), Kristoff shaun, Jiru, Brent_Angelo, Great Pink 5ive, Andy, --Makki--, Raymund of Bacolod, Ras, -DREW-, Eusethadeus (bunso), Robert_mendoza94@yahoo.com, at si Russ (Na isa ring hindi nawawala sa picture ng mga taga comment).

Maraming salamat guys at maraming salamat rin sa mga Anonymous na hindi nagbigay ng kanilang pangalan. Sana sa susunod ay magpakilala rin kayo kahit pen name niyo lang para naman ma-address ko kayo at mabati specifically.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





“Mukha ka atang naluging bombay ngayon Ken?” Ang nakangiting wika ni Rex.


Break namin at gaya nang dati naming ginagawa ay tinungo namin ang Mcdo na malapit sa opisinang pinagtra-trabahuhan namin para kumain.


“Kulang lang siguro ako nang tulog.” Yon nga siguro ang dahilan kung bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko. Kanina pa kasi medyo may kabigatan ang katawan ko isama mo pa ang paminsan-minsang pagsakit ng sintido ko.


“Baka ibig mong sabihin kulang ka nang himas.” Ani naman ng isa sa dalawang tinamaan ng lintik na babae sa grupo namin, si Chelsa. “Maghanap ka na kasi nang girlfriend. Ang tagal na natin sa trabaho pero ni minsan ay hindi pa kita nakitaan ng babae na nililigawan.” Dagdag pa nitong sabi.


Napatingin nalang ako sa dalawang lalaki naming kasama para sana humingi nang mga tulong sa mga ito ngunit mukhang pati ang dalawa ay ganun din ang iniisip. Napabutong hininga nalang ako at piniling hindi nalang magkomento.


“Anyway Ken, baka pweding bigyan mo naman ako nang number ng lalaking nakilala natin sa videoke bar. Type ko talaga ang mga lalaking matangkad at singkitin eh.” Pagiiba nalang nito nang usapan.


“Well, he’s cute.” Sangayon naman ni Rachalet. “Pero mas cute pa rin ang only one ko.” Ngingiti-ngiti pa nitong sabi na ang tingin ay nasa kay Rex.


Nabaling ang lahat ng tingin namin kay Rex na ngingiti-ngiti ngayon. Kanina ko pa napapansin ang pagiging magiliw nito at ngayon alam ko na kung bakit. Napangiti na lang din ako. Matagal na rin kasi itong nagpapahiwatig sa kasama namin at mukhang ngayon ay nahuli na rin nito ang puso ni Rachalet.


“Omg!” Eksaherado pang napatayo sa kanyang upuan si Chelsa. “Girl, bakit mo ako inunahan? Akala ko ba sabay tayong maghahanap ng papa?”


Nag-high five si Jay at Rex.


“Umupo ka girl, wag kang masyadong OA.” Ani ni Rachalet. “It’s about time na rin naman na sagutin ko na ang kurimaw na to masyado na kasi siyang nagiging sweet sa akin at di ko siya matiis.”


Kita ang pagmamahal sa mga mata nang dalawa naming kasama para sa isa’t isa at masaya kami para sa kanila.  Iba talaga ang nagagawa nang pagibig. Kung dati ay sobrang daldal ni Rachalet at halos kaaway nito lahat ng kontra sa mga ideya niya, ngayon ay tahimik nalang itong nakikipagtitigan sa boyfriend niya at nakikipagpalitan ng matatamis na ngiti.


“I can’t believe this!” Nag sisintemyentong wika ni Chelsa. “Ken, ibigay mo na ang number ng papa na iyon nang maligawan ko na siya. Hindi pweding nahuhuli ako sa mga ganitong pangyayari, ayaw kong tumandang dalaga.”


Hindi na lang namin sineryoso ang kalokohan ni Chelsa at ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Nakakapalitan ko nang mga quotes at text si Nhad, ang lalaking tinutukoy nito. Sa katunayan ay bago ako umalis ng bahay kanina ay nagkapalitan pa kami nang text dahilan para maibsan ang nararamdaman kong pagkailang sa presensiya nang mama ni Martin.


Martin. Sambit ko nang pangalan nito sa aking isip.


Ibang iba ang pakikitungo nito ngayon sa akin. Lantaran ang paglalambing nito at pagalala. Ang mga titig nito’t mga ngiti na talaga namang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Kung hindi ko lang alam na ginagawa lang niya iyon para mapaniwala niya ang kanyang ina na may relasyon kami ay baka maniwala na ako sa mga pinapakita nito sa akin.


Nahuli kong matamang nakatingin sa akin si Jay. Animoy inaarok nito ang kung ano mang tumatakbo sa aking isipan sa mga oras na iyon at nang mapansin nitong nakatingin na ako sa kanya ay binigyan ako nito nang isang magiliw na ngiti. Hindi ko na lang pinansin iyon at nagpatuloy na lang akong lantakan ang mga ini-oder kong pagkain.






Natapos rin ang shift namin sa araw na iyon.  Pagod at pagkahilo ang nararamdaman habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep isama mo pa ang init sa labas ay parang matutumba ako.


Pagkarating ko nang bahay ay naabutan ko ang mama ni Martin na abala sa kanyang pagluluto. Binati ko ito bilang paggalang na tinugon lang nito nang isang tingin. Nang tinungo ko ang mini ref namin para kumuha nang tubig ay nagulat ako na hindi na puro tubig ang laman niyon.


“Nag-grocery ako kanina.” Ang wika nito. “No wonder na namamayat ang anak ko. Ni wala nga kayong stock ng pagkain sa maliit niyong ref.”


Hindi nalang ako sumagot rito para hindi na humaba pa ang usapan. Naubusan na ako nang sasabihin sa halos walong oras na pakikipagusap ko sa mga costumer namin.


“Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha kong anu ang nakita ni Martin sayo.” Muling patutsada nito marahil ay sinasadya nitong ipakita sa akin ang kanyang pagkadisgusto sa relasyon ‘kuno’ namin ng anak niya.


“Magpapahinga na po ako.” Pambabalewala ko sa sinabi nito. Naiintindihan ko naman kung saan nagmumula ang galit nito sa akin. Walang magulang ang gustong mapariwara ang kanilang mga anak at tingin nito ay napariwara nang daan si Martin ng makipagrelasyon ito sa akin.


Ganito rin ba kaya ang magiging turing nito sa akin kung sakaling hindi nobyo ang pakilala sa akin ni Martin sa kanila?


I don’t think so. Ako na mismo ang sumagot sa katanungan kong iyon sa aking isip. Nakakailang hakbang palang ako papunta sa aking kwarto na ngayon ay kwarto na rin namin ni Martin ng muli itong magsalita.


“My son doesn’t love you.” Napahinto ako sa sinabi nito. “He’s just using you para magrebelde sa amin ng papa niya.”


I know. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin ang katangahan ko. Gusto ko sanang isagot sa kanya but again, I remained quiet and continue walking to my room.


Sa kwarto ay hindi ko mapigilang mapaisip sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Nariyan ang mama ni Martin na pinapakita ang pagkadisgusto sa akin. Ang isang katotohanan na kaya pala hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ni Martin ay dahil sa gusto lang nitong tumanaw ng utang na loob sa akin. Grabeng kamalasan naman ata ito sa akin.


“Bakit ko pa ba kasi pinatulan ang ganitong set up.” Pabulong kong wika sa aking sarili.


Because you love him enough para hayaan mong masaktan ka nang paulit-ulit Ken. Wika nang isang bahagi nang isip ko.


“Yeah, I won’t deny that fact.” Ang pabulong kong pagsangayon. Matagal ko nang tanggap sa sarili ko na mahal ko si Martin at ngayon ang magagawa ko na lang ay gamitin ang pagmamahal kong iyon sa kanya para matulungan ang best friend ko.


Unti-unti na akong nakatulog dala nang sobrang pagod at pagkahilo na nararamdaman ko. Narinig ko pa ang pagbukas ng pintuan pero wala na akong sapat na lakas na tingnan pa kung sino iyon.






Naramdaman ko ang paglapat ng isang malamig na bagay sa aking noo.  Dahan-dahan akong nagmulat ng mata para inspeksyunin sana kung ano ang nangyayari pero napapikit lang ulit ako nang maramdaman ang pagkirot ng aking sintido. Napahawak ako sa aking ulo.


“Wag ka munang gumalaw Kenotz.” It was Martin’s worried voice.


Muli kong sinubukang imulat ang aking mga mata para makita ang ekspresyon ng mukha nito upang masiguro kung tama ba ang interpretasyon ko nang marinig ko ang boses niya. Tama nga ang nahimigan ko sa kanyang pagaalala.


Nang subukan kong tumayo ay pingilan ako nito.


“Wag ka munang tumayo, mataas pa ang lagnat mo.” Ani nito at muling inayos ang bimpo na nasa noo. Ilang hibla na lang ang layo nang mga mukha namin nang mapayuko ito para ibalik ang nawala sa ayos na bimpo. 


“Magpahinga ka lang, ako na ang bahala sayo.” I was again lost for words when his warm breath touched my face. Lalo pa’t sa akin nakatuon ang mapupungay na mata nito.


Nagsimula na namang magrigudon ang aking puso. Hindi na talaga natatamihik ang aking puso tuwing nasa malapit lang sa akin si Martin, Agad akong nagbawi nang tingin at ito naman ay napatuwid rin ng upo sa kama.


“Nagugutom ka na ba?” Kapag kuan ay tanong nito.


Marahan lang akong umuling bilang pagtugon. Hindi ko kasi alam kung makakapagsalita ako nang tuwid sa mga oras na iyon. Ewan ko pero may nakita akong kakaibang kislap sa mga mata nito kanina na hindi ko pa nakikita sa kanya simula nang maging magkaibagan kami at iyon marahil ang dahilan kung bakit walang humpay ngayon ang pagkabog ng aking dibdib.


“Ipagluluto lang kita nang noodles. Kailangang magkalaman ang tiyan mo para makainum ka nang gamot.” Ani nito at sabay tayo.


Nang makalabas ito nang kwarto ay nakahinga na ako nang maluwag. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay ang puso ko sa presensiya nito pero hindi ko maikakaila ang kakaibang tuwang hatid sa puso ko sa nakita kong pagaalala nito para sa akin.


Ilang minuto lang ay nakabalik na ito sa kwarto na may hawak na mangkok kasunod nito ang kanyang ina.


“Pakilagay na lang diyan sa study table ang tubig at gamot `Ma.” Wika nito at inilalayan akong makaupo sa ibabaw ng kama. “Susubuan na lang kita para hindi ka mahirapan.”


Gusto ko sanang matuwa kung hindi ko lang naalala na kaya lang nito ginagawa iyon ay dahil nakamasid sa amin ang ina nito.


It is just part of the act. Pagpapaaalala ko sa aking sarili.


Hindi na ako tumanggi at nakisakay nalang sa kanya. Panakanaka akong napapasulyap sa ina nito na matamang nakatingin sa aming dalawa nang anak niya. Halata ang pagkadisgusto nito sa nakikita pero wala naman itong magawa.


“Sa susunod, kapag hindi maganda ang pakiramdam mo huwag mong pilitin ang katawan mong magtrabaho para hindi ka magkasakit.” It felt so real. Hindi ko maiwasang pagdudahan ang pinapakita nitong pagalala sa akin. Oo nga’t magkabigan palang kami ay alam ko nang maalalahanin ito pero ngayon, iba ang dating at iba ang nakikita kong pagaalala sa mga mata niya. Hindi ko lang mabigyan ng pangalan ang pagkakaiba.


Muli ako nitong sinubuan.


“Anak, mag-aalauna na. Hindi ka pa ba babalik sa opisina niyo? Ako na lang ang bahala diyan kay Ken.” Wika nang kanyang ina.


“Hindi na Ma, babantayan ko na lang si Ken. Magtetext na lang ako sa katrabaho ko na may emergency ako ngayon.” Ani nito at muli na namang akong sinubuan ng gawa nitong noodles.  Napaatras pa ako nang punasan nito ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang kamay at napatingin sa ina nito.


Hindi na nag-react ang ina nito at tuluyan ng lumabas sa kwarto namin.  Nang muling subuan ako nito ay pinigalan ko na siya.


“Wala na ang Mama mo, pwedi mo nang itigil.” Wika ko sa kanya pero hindi ito sumagot sa akin at nagpatuloy lang. Walang na itong imik pero nasa mata pa rin ang pagaalala. Feeling ko tuloy may nasabi o nagawa ako na hindi nito nagustohan.


Nang matapos ako nitong mapainum nang gamot ay muli ako nitong inalalayang maihiga sa kama.  Ito na rin ang nagkumot sa akin. Kakaiba talaga ang mga kinikilos nito pero hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin.


“Magpahinga kana ulit para bumaba ang lagnat mo.” Wika nito at bitbit ang mga baso’t mangkok lumabas ito nang kwarto.


May tinatago palang kalambingan ang ungas na yon.  Ang naiwika ko sa aking isip at napangiti. Wala na akong pakialam kong totoo man ang lahat ng ipinakita nito sa akin kanina ang importante kahit papaano naranasan ko’ng maalagaan nito. Sabagay, simula nang aminin ko sa sarili ko na siya ang taong pinili kong mahalin kasama rin doon ang pagtanggap ko sa reyalidad na pweding hindi nito matugunan ang nararamadaman ko.


Muli akong pumikit na may mga ngiti sa aking labi at ang tanging laman ng isip ko ay ang imahe nang taong itinitibok ng aking puso.






Madilim na sa labas ng muli ako magising. Agad na hinanap ng mga mata ko si Martin pero hindi ko ito makita. Napatingin ako sa relo na nakasabit sa dingding nagpanic ako. Kailangan ko pang magbihis kung ayaw kong ma late pero bago pa ako tuluyang makatayo ay narinig ko ang boses ni Martin.


“Huwag ka munang tumayo’t baka mabinat ka. Hindi ka pa tuluyang magaling.”


“Kailangan ko pang pumasok.” Wika ko at akmang tatayo na ngunit pinigilan ako nito.


“Wag kang makulit Kenotz. Tinawagan ko na ang HR niyo, sinabi kong hindi ka muna makakapasok ngayon.” Inalalayan ako nitong muling maupo sa kama.  Hindi na ako nagmatigas at baka maasar pa ito sa akin at tuluyan na ako.


Lumabas ito ng kwarto at maya-maya lang bumalik na itong may dalang tray ng pagkain.


“Ang bango naman niyan.” Pagpansin ko sa ulam na dala nito.


“Minabuti kong magluto nang ulam na may sabaw para madali mong malunok ang kanin.” Ani nito habang linalagyan ng sabaw ang kanin.


Sana pala araw-araw na lang akong may sakit para lagi kong mararanasan ang maalagaan nito. Napangiti ako sa kalokohang naisip.


“Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Hindi mo malalait ngayon ang linuto ko dahil nagpatulong ako kay Mama. Nganga!”


Tulad kaninang hapon ay ito na naman ang nagpakain sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin sa ginagawa nito na lalong nagpapangiti sa akin.


“Kapag hindi ka pa tumigil sa kakangiti mo lalagyan ko nang lason itong pagkain mo.” May bahid ng pagkaasar nitong wika kahit bakas na rin sa mukha nito na malapit na itong matawa.


“Pumasok ka ba ulit kanina nang makatulog ako?” Tanong ko sa kanya nang mapansing naka long sleeve parin ito at nakapantalon.


“Hindi na.” Simpleng sagot nito. “Nganga.”


Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago muling magsalita.


“Eh bakit hindi ka pa nakapagbihis?”


“Wala, tinamad lang ako. Wag ka na ngang maraming tanong kumain ka na lang ng makainum ka na ulit ng gamot.” Ang tila paiwas nitong tugon.


Binantayan ba ako nito nang husto para pati ang pagbibihis ay hindi na niya nagawa? Ang naitanong ko sa aking sarili.


“Pinakaba mo ako nang husto kanina.” Wika nito. “Kung wala dito si Mama baka dinala na kita sa hospital sa sobrang pagkataranta ko.”


“Adik mo naman. Simpleng lagnat lang yon dala nang pagod sa trabaho.” Ngingiti-ngiti kong sabi. The thought of him taking good care of me the whole time makes me feel better. Mas malakas pa ang epekto niyon kesa sa gamot na iniinum ko.


“Ano na naman ang ngini––”


“Thanks Matt.” Wika ko sa kanya sabay bigay ng isang matamis na ngiti.


Bahagya itong natigilan marahil ay hindi nito inaasahan na pasasalamatan ko siya. Hindi ko naman ito masisi, nasanay kasi ito sa mga pambabara ko sa kanya sa tuwing may gagawin itong maganda sa akin noon. Iyon kasi ang way ko para maiwaksi ang damdamin ko sa kanya. Defense mechanism ika nga.


Parang batang napakamot ito sa kanyang ulo.


“Wag ka lang magkakasakit ulit ng hindi ako mataranta nang ganun. I even forgot to change my clothes.” Tugon nito at muling inilapit ang kutyara sa bibig ko.


Hindi magkamayaw ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Kahit pala papaano ay may magandang naidulot ang pagkakasakit ko dahil naramdaman ko kung papaano maalagaan ng taong mahal ko.


Nagpalaam si Martin na maliligo muna siya matapos ako nitong pakainin at painumin ng gamot. Naiwan lang ako sa kwarto na hindi parin mawala ang ngiti sa aking mukha.


Sinubukan kong muling matulog ngunit bigo lang ako. Masyadong naging hyper ang puso ko sa ka-sweet-an ni Martin.  Nang bumukas ang pintuan ng kwarto ay awtomatikong nabaling ang tingin ko doon. Martin’s half-naked body greeted me. Tuwalya lang ang nakatakip sa pangibabang bahagi nang katawan nito.


Nanuyot ang lalamunan ko at naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko. Minsan ko nang nasilayan ang halos buhad nitong katawan pero ngayong may mga butil-butil pa nang tubig sa dibdib nito lalong lumakas ang kanyang dating.


Sinubukan kong huminga nang malalim para maibsan ang pagkalampag ng puso ko na isa namang malaking pagkakamali. Humalo ang natural na amoy panlalaki nito sa amoy ng shampoo at sabon na ginamit niya. Lalo tuloy na naging parang tambol ang pagtibok ng puso ko.


“What?” Tanong nito sa akin. Doon lang ako nahimasmasan at agad na binawi ang tingin sa kanya.


“W-Wala. Nagulat lang ako nang biglang bumukas ang pintuan.”


Anak ni Damulag! Bakit ba kasi naisipan ko pang lumingon!


Rinig kong napahigikhik ito pero hindi na nagbigay ng komento. Ako naman ay hindi na muling ibinaling ang tingin sa kanya at baka kung ano pang kamunduhan ang maisip ko.


Pinakiramdaman ko lang ang bawat galaw nito sa loob ng aking kwarto na kwarto na naming dalawa ngayon habang nasa puder namin ang Mama nito.  Narinig ko ang pagbukas ng cabinet kaya naisip kong nagpapalit na ito ngayon ng damit. Umandar na naman ang kabulastugan ng aking isip nang rumehistro  ang walang saplot na emahe ni Martin.


Omg! Mukhang lalagnatin ako ulit!


Naputol lang ang lahat ng kamunduhan ng isip ko nang maramdaman ko ang pagsampa nito sa kama.


“Ken?” Bakas na ang antok sa boses nito. He must be so tired for taking good care of me and making sure that I will be alright.


Di na ako sumagot pa sa kanya at nagkunwari na lang tulog sa takot na baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko’t bigla ko na lang siyang lapain.


Muli kong naramdaman ang paggalaw nito sa tabi ko. Inayos nito ang kumot na pinagsasaluhan namin.


“Good night Kenotz.” Pabulong nitong wika.


Ilang minuto rin akong nakatalikod sa kanya at pinakiramdaman ang bawat paghinga niya. Nang masigurong nakatulog na ito ay dahan-dahan akong humara sa kanya.


Mataman ko siyang tinitigan. Ang kanang kamay nito ay nakatakip sa kanyang mga mata while his other hand ay nasa may tiyan niya.


Napangiti ako.


“Hanggang ngayon pala ganun pa rin ang posisyon mo kapag natutulog.” Pabulong kong wika at dahan-dahang ini-angat ang aking kamay para haplusin ang buhok nito. “At hanggang ngayon ang gwapo mo paring tingnan kahit tulog ka na.”


“Really?” Bigla nitong sagot.


Sa pagkagulat ay agad akong napatalikod dahilan para humalik ang noo ko sa dingding.


“Aw!” Naibulalas ko sabay nang paghilot sa nasaktan kong noo.


Lintik namang dingding to!


Narinig ko itong napahagikhik at naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa akin mula sa likuran.


“Matulog na tayo Kenotz.”






Itutuloy:

28 comments:

Jeh said...

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh... nandun na e! sayang naman ang moment biglang naputol! pakiedit nga konti at pakidagdagan hahaahha.

eto naman si inay kontrabida! hhahahahaha

Anonymous said...

nice story.. next chapter ulit.. :)

Anonymous said...

Oh my!!!! Ang tindi ng last part. Haha! Nice one zeke!!!!

--ANDY

frontier said...

great job...
As always, bitin..hehe
-frontier

Yume said...

>.<
waaaaaaaa bitin hahaha galing ni otor

Anonymous said...

aruy! 0ng g0ndo g0ndo ng chapter na to, this made my day, thanks z, sana may karugtong na agad..

--makki-- said...

Supah Dope! :D

Anonymous said...

waaahhhh.... ganda ng moment!


-Raymund of Bacolod

kristoff shaun said...

eeee kinikilig ako sobra! i love papang!

Gerald said...

Weeeh?! Di nga?! Hahaha

Anonymous said...

hmmm, may mangyayari kya ngaung gabi? haha lolz

super kilig, next na po please!



<07>

Anonymous said...

Wow I'm ur silent reader ... Matagal q ng hinihintay mga chapters b
Nito,, and I'm so happy n sunod sunod agad .. Their story inspires me to find a partner....
Randy

Jiru said...

As usual, nabitin nanaman ako, which is good. ^^

Anonymous said...

sbi k ng may amoy ang arte ng nanay eh!hmmmmmm buseeet! hihihi

enewei, AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!
ANG SARAP NG FEELING! KAKAKILIG! RAMDAM KO ANG KILIG NI KEN! HIHIHI

haaaaaayyyyyyyyy...... susunod npo ang rated xxx scenes... handa n po kyo ng tissue, towels kht dyaryo! hahahaha

Z Z Z salamat s kilig! gsto k nmn ng el! hihihi

-DREW-

Anonymous said...

naiyak naman ako.. hayyyy...


pangz

Anonymous said...

WHUT IZ DA MEENING OF DIZ?!?!???!!

Jay-ar said...

WHA!!! GANYON! kung makapangbitin nmn! hahahahaha

russ said...

tnx zildjian one the best author sa pagreconize mo sa akin hehhehe im so happy kahit may sakit ako now medyo napawi dahil sa akda mo..

di ko alam kung kikiligin ako o magagalit kay kenots..kasi parang gusto ko na lumayo na siya kay martin kasi martin doesn't deserve him... di ko kasi mabasa ang nasa isip ni martin pati na ung mga gingagawa nya...

sa tingin ko ganun din ang ibang readers ehehhe..sana may ka love triangle na siya..para boom bas tic ang eksena..author..hehe

Anonymous said...

Omg!!! Ang ganda!!! Kinikilig ako grabeeeee!!!!!!!!!

Zildjian said...

Salamat sa lahat sa walang sawang suporta niyo sa gawa ko. hehehehe Wala na muna akong masyadong sasabihin at inaantok ako :D

Anonymous said...

OMG!!!...
nakaka.kiLig!!!...
just super duper kiLig!!...

pro ang hirap din ng situation ni ken...
i mean you don't know where you stand...
you heart says nah go for it but ur mind say its just an act...
dagdagan mo pah ung mga acts ni matt nah ngpapa.guLo LaLo sah situation ni matt...

great chapter kuya Z!!...
just pure kiLigness..
hehehe... :)



- edrich

Anonymous said...

kiligggg hehe=dereck=

robert_mendoza94@yahoo.com said...

ha ha ha, dami pinakilig o dun ah. hmmm

Anonymous said...

what if bumaliktad...
in love na si mart kay kenotz...
at si kenotz ayaw na

jazz0903

Master_lee#027 said...

Awwwwwww ang sweet ...i smell something new in this story ehe:):) no long comment muna zild:):)

Brent_Angelo said...

"Nganga!! Hahahahh tawa q ng tawa sa part na ito eh..
Galing ng pagkakasulat mo Zildz..,
Realistic approach and mapapaisip ka talaga..
What made Matt to decide to leave Kenotz.. ?
And panong si Lantis ang nakasama ni Kenn in the absence of Martin??
Kaabang abang talaga!!

Yun last part.. sweet :))

Anonymous said...

Damn it! kinilig ako! hahahaha, sobra! kakainis, may naalala ako, kasi naman, nauso uso pa ang pagbulong sa tenga ng natutulog, hahahahha. sorop.

Nice job daddy zeke, hahahaha, next na!!!!!


-eusethadeus-

Anonymous said...

oh my goshhhhhhh!!!hahahaha..lintik na yun!kinikilig aq ng sooobbrraaaa!!hahaha..grabe talaga ung last part..napatili 2loi aq!!hahaha...susme tong c martin! Iiiihhhhhh..haha...

Sakit ng panga q ktatawa sa kilig.;D

-monty

Post a Comment