by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Author's Note:
Maraming maraming maraming many este salamat sa lahat ng mga
taong patuloy parin sa pagsusubaybay sa gawa kong ito. Alam ko pong medyo
nagiging matagal na ang pag-uupdate ko gawa nang marami lang talaga akong
ginagawa sa mga nagdaang araw at dahil din sa kagagawan ni LAWFER na depressed kasi ako sa ending ng gawa niya kaya di ako nakapagsulat agad kaya kung ako sa inyo mga paps SISIHIN niyo siya. HAHAHA
Naway magustohan niyo sana itong kabalbalan na ginawa ko sa
chapter na ito at sana ay patuloy niyo paring subaybayan ang estorya ni Martin
at Kenneth hanggang sa huli para naman masaya.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Patapos na ang kanta ni Jay nang makabalik ako sa mesa kung saan masayang nakikisabay sa kanta ang mga kasama ko sa trabaho na ngayon ay mga kaibigan ko na rin. Hindi pa rin ako mapakali dahil sa ako na ang susunod na sasalang sa isang marubdob na kahihiyan sa buong buhay ko.
Muli kong nilibot ng tingin ang buong bar na iyon, ngunit
sana pala ay hindi ko na lang ginawa dahil umapaw na naman ang kaba sa aking
dibdib nang makita ang maraming taong naroon. I know from the very beginning na
hindi ako binigyan ng Maykapal ng kakayahang kumanta kaya naman kakaibang kaba
ang dulot nito sa akin ngayon.
“Ken, wag mong masyadong dibdibin ang pagkanta mo. Isipin mo
na lang, kahit magkalat ka hindi ka rin naman kilala ng mga tao rito.” Ang
ngingisi-ngising wika ni Chelsa.
Kakaiba talaga ang mga kasama kong ito. Imbes na moral
support ang makuha ko mula sa kanila ay lalo pa atang ikinatutuwa ng mga ito
ang hitsura ko ngayon.
“Oo nga naman Ken, don’t worry susuportahan namin ang iyong
nalalapit na kahihiyan.” Ani naman ng isa pang baliw kong kasama na si
Rachalet.
“Oi, wag niyo namang masyadong takutin si Ken, tingnan niyo nga,
namumutla na tuloy ang kawawang mama.” Gatong naman ni Rex na ikinatawa naman
nilang lahat, kahit si Jay na feel na feel ang pagkanta ay napatawa rin.
Iiling-iling akong napapapalatak sa mga kalokohan nila. They
reminded me of my friends’ way back in college. Ang makukulit ko ring mga
kaibigan na wala nang ibang ginawa kung hindi ang sirain ang araw ng bawat isa,
gano’n kasi ang way ng mga ito ng paglalambing. Karinyo-brutal ‘ika nga nila.
Natapos ang pagkanta ni Jay at umani ito ng masigabong
palakpakan mula sa iba pang costumer na naroon. Hindi naman kataka-taka iyon
dahil talaga namang maganda ang boses nito. Nagawa pa nga nitong mapaindayog at
mapasabay ang ibang costumer sa pinili nitong kanta. Lalo lang tuloy akong
kinabahan dahil paniguradong kung si Jay ay inulan ng palakpakan ako,
siguradong uulanin ng bote ng mga inumin nila.
Nakangising ibinigay sa akin ni Jay ang mic.
“It’s your time to shine.”
Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ito mula sa kanya.
Nagsimula na ring tumugtog ang intro ng napiling kanta ni Rachalet. Ganun sila
ka determinadong maipahiya ako sa buong sangkatauhan ngayong gabi.
Intro pa lang ay alam ko na ang kantang iyon. Hindi na ako
nagtaka kung paano nalaman ni Rachalet na alam ko ang kantang iyon dahil sa ito
ang ringing tone ng cellphone ko. Hindi pa rin mawala ang panginginig ng kamay
ko nang makita ko na ang lyrics ng kanta. Ibubuka ko na ang bibig ko nang
biglang may humawak sa balikat ko.
“Ken?”
Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko at nakahawak
ngayon sa aking balikat. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang lalaking
kanina lang ay nakilala ko sa loob ng comfort room.
“Ikaw nga ‘yan Ken.” Ang tila tuwang-tuwa pa nitong sabi. “Kumusta
ka na?”
Hindi agad ako nakapagsalita marahil sa sobrang pagkalito sa
inaasta ng lalaking ito.
“Hindi mo na ba ako naalala? Ako ito, si Nhad, ‘yong dati
mong kaklase no’ng high school.”
Classmate daw kami?
Bakit di niya sinabi iyon kanina no’ng magkausap kami? At wala akong naalalang
may naging kaklase ako na Nhad ang pangalan.
Hindi pa rin matanggal ang pangungunot ng noo ko dahil sobra
akong naguguluhan sa ikinikilos niya hanggang sa maramdaman ko na lang ang
marahan nitong pagpisil sa hawak pa rin nitong balikat ko at nakita ko sa mga
mata nito ang ibig niyang sabihin.
“O-Oh.” Ang naiwika ko na lang ng mapagtanto ang binabalak
nito. The guy is trying to save me from humiliation.
“Naalala mo na ako? Grabe ang laki na nang ipinagbago mo
pare. Kumusta ka na?” Pagpapatuloy nito halatang gusto na nitong matawa sa
naging reaction ko. I must admit hindi ko napaghandaan ang improntong drama na
ito.
Rinig kong eksaheradong tumikhim si Chelsa kaya naman
nabaling ang pansin ko sa mga kasama ko sa lamesa.
“A-Ah…” Napakamot ako sa ulo nang wala akong masabi sa mga
ito. Parang nawalan ako ng kakayahang makapag-isip sa sobrang gulat ko.
“Hi.” Ang magiliw na wika ng lalaking nakilala ko
kani-kanina lang. Inilahad nito ang kanyang kamay kay Chelsa. “Kayo siguro ang
mga katrabaho nitong kaklase ko.”
Napabilib naman ako nito nang walang kahirap-hirap nitong
mapaniwala sa drama niya ang mga kasama ko.
Walang kahirap-hirap rin nitong nakuha ang atensyon nilang lahat,
dahilan para hindi na nila mapansin ang naudlot kong pagkanta.
“Ken, hindi mo naman sinabing may ganito ka-pogi ka palang
kaklase.” Wika ni Chelsa na halatang
nagpapa-cute sa estrangherong lalaki na tumulong sa aking makatakas sa
kahihiyan.
“Ah.. Eh….” Ang napapakamot ko sa ulong wika dala nang
sobrang hiya. Hiya para sa taong ngayon ay magiliw nang nakangiti sa akin.
Tila hindi naman ako pinansin ni Chelsa nang muli nitong
balingan ang estrangherong lalaki na ang alam ko lang ay Nhad ang pangalan.
“May girlfriend ka na ba Nhad? Ako kasi wala pa akong
boyfriend baka gusto mong syotain ako ayos lang sa akin.”
“Ay girl ano ba ‘yan nakakahiya ka.” Ang agad na protesta ni
Rachalet. Natawa naman ako sa ginagawang indecent proposal na iyon ni Chelsa
kita ko ring napahagikhik sina Jay at Rex sa kalokohan nito.
“Bakit ba? Iba na ang panahon ngayon girl, hindi na uso
ngayon ang Maria Clara effect. Sabi ng nanay ko, grab the opportunity when you
see one kung ayaw mong maubusan. Di ba Nhad?” Ang ngingisi-ngisi nitong sabi.
He chuckled, halatang tuwang-tuwa ito sa kabaliwan ni
Chelsa.
“Nakakatuwa naman itong mga katrabaho mo Ken.” Wika nito na
sa akin na ulit nakatingin at muli ko na namang nakita sa mga mata nito ang
amusement na nakita ko sa kanya kanina nang makilala ko ito sa CR.
Isang nahihiyang ngiti ang ibinigay kong tugon rito.
Lumapit ang isa sa mga waiter ng bar na iyon upang kunin sa
mesa namin ang mic. Ibig sabihin tapos na ang kanta ko at ngayon ibang lamesa
naman. Tatlong kanta lang kase sa bawat lamesa, iyon ang patakaran nila sa loob
ng videoke bar na iyon. Nakahinga naman ako, nang sa wakas ay makatakas ako sa
kabalbalang naisip ni Rachalet of course without them noticing it. Masyado na
kasing nawili ang dalawang babaeng may sa demonyo sa pakikipag-usap kay Nhad.
Habang tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan hindi ko
maiwasang isipin kung ano ang nag-udyok sa estrangerong ito na tulungan ako.
Kung tutuusin ngayon lang kami nito nagkakilala kaya naman naging isang
malaking palaisipan sa akin kung ano ang talagang motibo nito sa kanyang
pagtulong sa akin.
Tinawag ito ng mga kasamahan niya na tulad nga ng sabi nito
ay nakaupo sa mesang nasa likod namin. Tinanguan naman nito ang mga kasama
niya.
“Paano guys, as much as I’m enjoying your company mukhang
gusto nang umalis ng mga kaibigan ko. It was really nice meeting you all.” Ang
pagpapaalam nito sa mga kasama ko.
“Aw, aalis na kayo? P’wede bang humingi ng goodbye kiss sa ‘yo?”
Ang malokong wika ni Chelsa. Astig talaga ang pagiging makapal nitong babaeng
ito.
“You’re harassing him Chelsa.” Ani ni Rachalet at pabiro
nitong sinabunutan ang babaeng baliw. “Nagbibiro lang siya Nhad, pero kung ako
sa ‘yo umalis ka na at baka totohanin niya. Polluted na kasi ang utak ng
babaeng ‘to.” Pare-pareho kaming napahagikhik nina Jay at Rex.
Instead na mabastos sa kalokohan ni Chelsa ngumiti lang ito
nang ubod ng tamis. And I can say na nakakahawa ang mga ngiti nito. Bagay kasi
ang mga iyon sa maganda rin nitong singkiting mata.
“Kakaiba talaga kayo.” Ang ngingiti-ngiti nitong sabi.
“Anyway, Ken, kunin ko na lang ang number mo para naman may communication na
tayo.” Dagdag pa nitong sabi na sa akin na nakatingin.
Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit
ibinigay ko nga sa kanya ang totoong number ko. Ewan ko ba, parang may
nag-udyok sa akin na ibigay rito ang totoong number ko. Kung kasama man sa
drama niya ang paghingi niya ng number sa akin pwedi naman niyang i-delete iyon
agad.
Nagpapaalam na nga ito sa amin ng hindi man lang ako nabigyan
ng pagkakataong makapagpasalamat sa malaking tulong na ginawa nito sa akin.
Nahihiya naman akong sundan ito nang lumabas na ito ng bar kasama ang mga
kaibigan niya, kaya ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. At nangako sa sarili
na sa susunod na mabigyan kami nito ng pagkakataong magkrus ang landas namin
ulit ay pasasalamatan ko ito.
Kararating ko lang sa apartment na tinutuluyan namin ni
Martin. Napatingin ako sa relong pambisig ko at napabuntong-hininga.
Mag-aalas-dos na nang madaling araw pero wala pa rin si Martin. Siguro ay
talagang na-miss nito ang mag-bar kaya hanggang ngayon ay wala pa ito.
Sadya nga ‘atang totoong pansamantala kang makakalimot sa
kahit na anumang problema kapag may kaharap kang alak dahil kanina lang ay
nakikitawa at nakikipagbiruan ako sa mga kaibigan ko. Pero ngayon, muli na
namang bumalik sa akin ang kakaibang lungkot nang maalala ko kung papaano
i-reject ng matalik kong kaibigan ang kakaibang damdamin meron ako sa kanya.
Kay hirap nga naman talagang magmahal lalo na kung ang
minamahal mo ay isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay mo. Ang pakunswelo ko
na lang ngayon sa sarili ko ay ang hindi pagbabago ng pakikitungo ni Martin sa
akin.
Nasa gano’n akong pag-iisip nang marinig ko ang pag-iingay
ng cellphone ko. Aaminin kong na-excite ako na si Martin iyon pero agad ring
napalitan iyon ng pagtataka nang makita ko sa main screen na unregistered
number iyon.
“Hello?” Bati ko rito.
Hindi ito nagsalita.
“Hello, sino ‘to?” Ang may bahid ng iritasyon sa boses ko.
Maraming beses na kasi akong nakatanggap ng ganitong tawag. Mga tawag ng mga
taong walang magawa at nagtri-tripan lang dahil sa unlimited ang mga ito.
“Ang sungit mo naman.” Wika ng isang pamilyar na boses.
“Nhad? Ikaw si Nhad ‘di ba?” Hindi ko p’wedeng makalimutan
ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon. Ang taong tinulungan akong makalusot
sa kabalbalan ng isa sa mga kasama ko kanina sa bar.
“Wow! Naalala mo ang boses ko? I’m glad!” Magiliw nitong
wika as if he wasn’t expecting that I can easily recognize his voice.
Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa sobrang kagiliwan
nito.
“Mabuti naman at tumawag ka––”
“Hinihintay mong tawagan kita?” Now I can feel the amusement
sa boses nito. Parang nagustuhan nito ang narinig dahilan para hindi na nito
mahintay pang matapos ko ang sasabihin ko.
Ang weird talaga ng
lalaking ito. Ang nakangiti kong wika sa aking isip. Well, sino ba ang
hindi mawe-weirduhan kung bigla ka na lang tulungan ng isang taong wala pa
ngang limang minuto mong nakilala.
“Salamat pala kanina sa tulong mo ah. You really did save me
from my agony.”
Rinig kong tumawa ito sa kabilang linya.
“Naawa na kasi ako sa ‘yo kanina. Sobra na kasi ang
pamumutla mo kaya naisipan kong tulungan ka.” I can imagine how he looks like
when he was uttering those words. Paniguradong nagpipigil itong mapahalakhak
ulit. Pero imbes na maasar sa kanya ay napangiti pa ako, nakakatuwa kasi ang
pagiging komportable nito sa akin.
“Paano ba kita mapapasalamatan sa ginawa mong pagtulong sa
akin?” Untag ko sa kanya.
“Napasalamatan mo na ako nang binigay mo ang bagay na gusto
kong hingin sa ‘yo.”
Medyo nagulat ako sa naging sagot nito sa akin at hindi agad
ako nakapag-react. Hanggang sa unti-unti kong ma-process sa utak ko ang ibig
nitong sabihin.
“M-My number?”
“Yeah. Kanina ko pa gustong hingin ang number mo nang
makausap kita sa comfort room kaso nahiya ako eh.” He said with apprehensive
voice.
“Bakit?” Ang ‘di ko mapigilang maitanong, out of curiosity.
“Because I want to be friends with you?” Medyo may natunugan
na ako sa kanya pero s’yempre ayaw ko rin namang maging assuming.
“Bakit ako ang tinatanong mo?” Ang tila natatawa ko namang
sabi. Hindi ko alam pero nagugustohan ko ang pagiging komportable nito sa akin.
He reminds me of Martin, no’ng una palang kaming nagkakilala.
Rinig kong napahalakhak ulit ito sa kabilang linya. Masyado
nga ‘atang masayahin ang taong ito at ikinatutuwa ko ang pagiging masayahin
niya.
“Ang sarap mo palang kausap Ken, I’m glad na nakuha ko ang
number mo. Would you mind, kung minsan tawagan at i-text kita?”
Kahit may natutunugan na ako sa kanya ay hindi pa rin iyon
naging rason sa akin para tanggihan ito. I like his guts at gusto ko ang
pagiging masayahin niya kasi nakakadala.
“Ayos lang basta wag ka lang mag-expect na lagi akong
makakapagreply sa ‘yo bihira lang kasi akong mag-load.”
“Sure!” Magiliw nitong sabi.
Marami pa kaming napag-usapan ni Leonard o mas kilala sa
pangalang Nhad. Tunay na napakamasayahing tao nito, na talaga namang madadala
ang sinuman. Para lang kaming mga baliw na nagtatawanan na animo’y matagal nang
magkakilala. Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya at isa na roon ang
profession nito bilang isang Nurse.
Bukod sa pagiging masayahin ay makulit rin itong kausap.
Madaldal at some point, na ayos naman dahil may sense naman ang mga idinadaldal
nito. In fact, nagustuhan ko ang mga pananaw nito sa buhay na medyo kakaiba
pero astig. Marami rin kaming napagkasunduang mga bagay-bagay at mga pananaw
kaya naman mabilis na naging komportable ako sa kanya.
Nasa kalagitnaan kami ng biruan ni Nhad nang marinig ko ang
ingay na nagmumula sa sala. Agad akong nagpaalam sa kanya para tingnan kung ano
iyon at nabungaran ko si Martin na lasing na lasing. Nakasalampak ito sa bukana
ng pintuan at halatang hindi na kayang maitayo ang sarili nito dahil sa
kalasingan.
Nagmamadali ko itong linapitan at inalalayang makatayo.
Bahagya pa itong napamulat at binigyan ako nang isang matamis na ngiti bago magsimulang
mag-kalat. Nakakapanibago, ito ang unang pagkakataong makita ko si Martin sa
ganitong ayos hindi kasi ang tipo nito ang madaling malasing lalo pa’t amoy kong
Red Horse lang ang ininum nito. Malakas ang tolerance niya sa inuming iyon kaya
paniguradong nakarami ito kaya ganito siya ngayon.
Inihiga ko siya sa sofa nang tumigil na ito sa pagsusuka.
Kahit na latang-lata na ito ay hindi parin maikakaila ang angkin nitong
kakisigan.
“Kenotz..”
Napangiti ako nang marinig ko ang pagtawag nito sa aking
pangalan. Emotions flooded in me dahil kahit pala papaano ako parin ang
hinahanap nito.
“Sino ngayon sa ating dalawa ang lasengo?” Iiling-iling kong
sabi habang tinatanggal ang damit nitong narumihan. This time tinanggal ko muna sa aking isip kung
anu mang damdamin meron ako para sa bestfriend ko. Ngayon, ginampanan ko ang
pagiging kaibigan dito.
Matapos matanggal ang maruming damit nito ay agad naman
akong nagpunta sa kusina para kumuha nang panglinis sa mga ikinalat nito.
“Kenotz.” Pagtawag muli nito sa akin pero hindi ko na iyon
pinansin pa at pinagpatuloy nalang ang paglilinis sa sahig.
“Mahal mo ako Kenotz?” Ang narinig kong sunod nitong sinabi.
Napalingon naman ako sa gawi nito at kita kong nakapikit parin ang mga mata
nito.
“Ba-Bakit ako pa? Paano ang pagkakaibigan natin?” Sa narinig
ay doon ko napagtanto na hindi lang pala ako ang nahihirapan sa sitwasyon
namin. Maski pala ito ay nahihirapan din, marahil ay hindi nito alam kung
papaano niya dadalhin ang mga nalaman. Napatigil ako sa aking ginagawang
paglilinis at napatitig sa kanya.
“Sorry.” I whispered. Batid ko kung paano ko pinagulo ang
noon ay tahimik na sitwasyon namin ni Martin. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin
ang lintik na puso ko kung bakit sa kanya pa nito napiling tumibok. Ngayon
tuloy naging magulo ang samahan namin ni Martin.
Kinabukasan araw nang lingo ay maaga akong nagising o
mas tamang sabihin na maaga akong bumangon sa pagkakahiga ko. Hindi kasi ako
nakatulog sa sobrang pagiisip ko sa mga nangyaring komplikasyon sa amin ng
matalik kong kaibigan na ako ang may gawa.
Mag-aalas-sais palang ng umaga at naisipan kong magsimba sa
araw na iyon. May isang maliit na chapel malapit sa tinutuluyan namin ni Martin
nagbabakasakaling mabigyan ng liwanag ng simbahan ang isip ko.
Sinilip ko muna si Martin sa kwarto nito. Doon ko ito dinala
kaninang madaling araw matapos kong linisin ang sinukahan nitong sahig. Mahimbing
parin itong natutulog kaya nagpasya na akong lumabas.
Hindi nga naman ako nagsisisi na nagsimba ako dahil kahit
papaano ay nagawa kong makapagisip-isip ng mabuti. Nakapagdecide akong tuluyan
ng kalimutan ang nararamdaman ko para kay Martin. Hindi ko pala kayang makitang
pati ang pinakamamahal kong tao ay nahihirapan na sa sitwasyon. Martin might
not say it pero kanina sa kasagsagan ng kalasingan nito ay doon ko napagalaman
kung anong epekto sa kanya nang malaman nito ang damdamin ko.
Dumaan ako sa isang bakery shop na nadaanan ko nang pauwi na
ako nang bahay para sa almusal namin ni Martin. Balak ko ring kausapin siya
ngayon para masimulan na naming ayusin ang mga bagay-bagay sa aming dalawa.
Bubuksan ko palang ang pintuan ng apartment namin ng may
marinig akong naguusap sa loob. Nagtaka naman ako kung sino iyon hindi pa naman
ngayon ang araw nang pagkuha nang labandera sa mga damit namin. Tuluyan ko nang
pinihit ang seradura. Gulat at ibayong kaba ang naramdaman ko nang makita ko
ang kausap ni Martin.
Itutuloy:
28 comments:
Hey ZILD! Sorry ngayon lang nakapagcomment, ngayon ko lang kasi nasimulan ^^. Hmmmm ano ba, hindi ako makapagbigay ng comment LOL But I'm sure kapag nabasa to ni Martin ko, lalo na yung first parts, mapapangiti siya :-)
haha akala ko mahuhuli ni ken na may ka-sex si martin. Lol. Siguro tatay yun ni martin. Baka sasama na ukit si martin sa ama nya, bka yun ang mangyayari kaya magkakahiwalay sila. Tapos kapag nagkahiwalay na sila, dun marerealize ni martin na mahal din nya si ken more than bestfriend. Next na zeke. Wa mo na patagalin. Hehe!
--ANDY
next chapter na agad mr. otor. masyadong bitin hehehehehehe.
----januard
nice one nhad! galing dumiskarte! hihihi
martin..... why oh why????? at cnu ang kausap m, parents m b yn? o gf? o bf? o driver s kbilang kanto? hehehehe
ken... haaaaay! hrap ng pnagdadaanan nyong mgbestfriend!
start n ng pgpasok ni nhad s buhay ni kenotz... bilang friend, bf at (panakip butas)..... wawa k nmn nhad.... huhuhu
pro prng bitin at may kaiklian ng chap n to Z...
bz k nga at d p mkrecover s ending ng mla-hhintayin kta s langit ni lawfer! lawlaw kaw nga ang me kasalanan! hihihi joke!
-drew-
ang ganda kuya! hehe! galing mo pa rin talaga! hahaha!!
bka pababalikin na c martin ng parents nya.
kasi naman ang arte arte pa ni kenotz. kung ako sa kanya sinunggaban ko agad un. chance nya na un lasing e hahahahahhaha
kawawa ka naman pla kenotz di ka pala mahal ni martin pero ok lang yan madami pa naman dyang iba hahaha
Hi, I've been a silent reader of this story since chapter 1 but I must say that this story is growing into me already.
Thanks for updating. Stay awesome
ituloy na!!! next chapter!!!
feeling ko magulang ni martin ang kausap nya, mmmmmmm, mahirap naman talaga pag nalaman mo na ang bestfriend mo ay may gusto sayo, pero still, we can manage to be keep tha friendship, depende nalang sa magiging usapan. Hindi naman mahirap yon. Actually, pwede din magamit yun to have a better relationship between the 2.
-eusethadeus-
WAAAAA!!! Na miss kita GREAT PINK 5ive! Kala ko di mo na gusto ang mga story na gawa ko kaya di kana napapa-comment wew! It's nice to have you back.
It was really nice na sa wakas one of the silents came out from the cave LOL. Thank you sa comment Jiru..
nice.. :D
wag mo ng mahalin c c martin syhang namn ung friendship nuyo....ang dmi dyan na nhihigit sa knya.....huuuusssh nndyan c nhad.........bigyan mo ng chance......at ska kung kayo tlga ni martin sa bandang huli,,,,,,,,my dumating mng bagyo kau parin............................................................................................................................................ras
can wait for the next chapter! keep it up... gaganda ng stories mo, such a fine work of art :]
:(
nalalapit na ang simula ng pagtindi ng kalbaryo ni ken . .
papa nga kaya ni martin yung kausap nya?
kaya mo yan kuya ken . .
*TING
napasok na naman sa isip ko si nhad . :(
wawa naman cya . T_T
now that Nhad came in....it's getting more exicting and hoooooooooooooooooot...next chapter plssssssss.
haist..next chapter na po mr.author..so nice tlga ng story na to...hehehe
at sino kaya ung kausap nya.siguro si nhad..hahah stalker?
ibang klase kang ampalaya ka, aq pa tlaga sinisi mo YwY
At sino naman sa tingin mo ang pwedi kong sisihin? Hahaha Ikaw lang kaya ang naisip kong pagbuntulan ng sisi para naman may rason ako sa mga mababasa ko :)) ^_^V
hindi ako mahilig magbasa ng ganito kasi palaging matagal ang mga sumusunod na chapter, pero ewan ko ba sa isang ito, ang ganda kasi ng story kaya naengganyo talaga ako sumubaybay, sana may kasunod na agad..
adik ka! ipaparape tlaga kta sa sampung negrong baklang maton! -_-
Hi Z...talgal ko inaabangan to...sana update lagi hehehe..bitin tlga ako eh
......martin will find a way...parang mabilis si nhad...
anticipate ko next chpater....SIR Z...
jaz0903
nice! sana makapag usap cla ng maauz ang problema, mamaintain ang frendship nila. next plz. he he he
parang ayaw ko na mag-post. Natakot naman ako sa mga comments ng readers mo, Zekie. haha! next time na lang. hihi!
go nhad!!!hehe...gus2 q man c martin pra ke ken e kaso mukang walang pag-asa eh..
Hhmm,,parents kya ni martin kausap nya?
-monty
Post a Comment