Tuesday, April 10, 2012

Make Believe Chapter 09


by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com


Author's Note:

Humihingi po ako nang paumanhin kong medyo natagalan ang posting ng chapter na ito. Alam niyo namang holy week at medyo na busy ako sa pamilya at sa bisita ko.  Hehehe Sa mga taong naghihintay po nang chapter 09 heto na po siya fresh from the oven at talaga namang dumugo ang lahat ng pweding dumugo sa akin sa chapter na ito. Naway magustohan niyo ang kabalbalan ko sa chapter na ito!


Gusto ko rin pong pasalamatan ang lahat ng tumangkilik sa Chapter 08. Maraming salamat sa mga taong nagbigay ng kanilang komento sa chapter na iyon.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Tatlong araw na ang nakakalipas matapos kong aminin ang tunay na nararamdaman ko para kay Martin. Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring iniintindi ang huling salitang binitiwan nito sa akin.


“’Wag.”


Sobrang simple ng salitang iyon, pero ang hirap intindihin kung ano ang kanyang ibig sabihin nang sabihin niya iyon sa akin.


Funny, kung kelan naamin ko na sa kanya ang tunay na nararamdaman ko siya namang takot ko na tanungin siya kung ano ang ibig niyang sabihin sa pagpigil niya sa akin.


Walang kumpirmasyon at wala ring pagtugon akong nakuha mula kay Martin. In short, walang closure ang ginawang pag-amin ko dahilan kung bakit hindi ko alam kung saan ako lulugar ngayon. Aaminin kong mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon sa tuwing nakikita kong parang wala lang kay Martin ang ginawa kong pagtatapat sa kanya.


Kung tutuusin dapat akong matuwa dahil walang nagbago sa kanya, parang hindi nga nangyari ang pagtatapat ko.  Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit parang hindi ako kontento sa mga nangyari? Sira-ulo na kung sira-ulo pero parang gusto ko pa na kahit papaano ay may makita man lang ako na pagbabago mula sa kanya pero wala talaga.


Pakiramdam ko tuloy ay parang binalewala lang nito ang pagtatapat ko. I felt like I’ve been rejected in a different subtle way. Kaya heto ako ngayon mag-isa at naguguluhan sa sitwasyon namin ngayon ng bestfriend ko.


“Kamusta ang pakikipagtitigan sa kape mo? Ingat-ingat lang at baka bigla kang kausapin niyan sa sobrang pagkakatitig mo sa kanya.” Ang nakangiting wika sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Jay na si Maki.


Kakaiba talaga ang angking aura ng isang ito, animoy wala itong ni katiting na problema sa buhay. Kung si Jay ang pinakamadaldal sa kanilang magkakaibigan ay masasabi kong si Maki naman ang pinakamasayahin sa kanila. Laging nakaplastar ang ngiti nito na talaga namang dumaragdag sa maamo at inosente nitong mukha. Boy next door, iyan ang pinakamalapit na description na pwedi kong maibigay sa isang ito.


Alanganing ngiti ang ibinalik ko sa kanya. Umupo ito sa bakanteng upuan paharap sa akin na hindi tinatanggal ang pagkakatitig sa akin at ang nakaplastar na ngiti nito sa kanyang mukha.


“Mukhang tama nga ang nasagap kong balita mula kay Jay ah.”


“Balita? Anong balita naman iyon?” Ang naguguluhan kong tanong dito.


“Na itong mesang ito ang pinakapaboritong spot mo tuwing nagpupunta ka rito sa coffee shop ni Nico.” Nakangiti nitong sabi.


Napangiti na rin ako sa kanya. Sadya ‘atang totoo ang sabi ni Jay na nakakahawa ang kasiyahang taglay nitong si Maki. Sa simpleng mga salita lamang nito at sa simple rin nitong pagngiti sa akin ay nagawa ako nitong mapangiti nang hindi pilit.


“Hindi maganda ang laging seryoso sa buhay nakakatanda iyon at nakakapangit ng mukha.” Wika nito. “Gusto mo ba ng cake? Sabi nila masarap daw na kasabay ng kape ang cake. Ang alam ko may cake si Nico na nagagawang pangitiin ang sinumang taong kumain no’n.”


Nakangiti lang akong umiling sa kanya. Mababait talaga ang mga kaibigan ni Jay kahit pa man ang iba sa mga ito ay overwhelming ang dating at medyo simpatiko. You cannot judge a book by its cover ‘ika nga nila at napatutuhanan ko iyon nang makilala ko ang mga kaibigan ni Jay na ngayon ay masasabi kong mga kaibigan ko na rin.


Nasa gano’n kaming tagpo ni Maki nang may pumarang itim na kotse at iniluwa nito ang dalawa pang kaibigan ni Jay. Ang dalawang aso’t pusa kung magbangayan na hindi naman mapaghiwalay. Parehong seryoso ang mga mukha nito, batid kong kagagaling na naman nila sa isang mainit at walang kwentang pagtatalo.


Kinawayan ni Maki ang dalawa dahilan para lumapit ang mga ito sa mesa na kinauupuan namin. Pareho silang biniyayaan ng simpatikong mukha pero masasabi mo pa rin na may pagkakaiba ang mga ito. Kung si Lantis ay ang tipo na seryoso at maiilang kang kausapin at tingnan, iba naman ang dating ni Nicolo. Antipatiko man ang unang impression mo sa kanya hindi iyon hadlang para hindi ka matakaw na sulyapan siya.  Siya na yata ang pinakamagandang example sa salitang “irresistible.”


“Mukhang nagkakasundo na kayo ah.” Nakangiting bati ni Maki sa mga ito nang makalapit sila sa amin. “Kapag nakita ni Jay ito paniguradong uulanin na naman kayo ng tukso.”


Tulad ni Maki ay natawa na lang ako nang sabay na mag-make face ang dalawa at parang nandidiring binigyan ng tingin ang isa’t isa.


“Makapag-order na nga lang muna ng kape.” Wika ni Lantis at tuluyan na itong dumiretso sa loob ng coffee shop.


“Kahit kailan pikunin talaga ang isang iyon.” Tatawa-tawa namang wika ni Maki.


“Nahawa ka na rin kasi sa kadaldalan ni Jay.” Tila yamot namang sabi ni Niccolo. “Wala ka sigurong magawa kaya nagpakalat-kalat ka dito sa coffee shop ko.”


“Mali ka kaibigan. Narito ako hindi dahil wala akong magawa kung hindi dahil marami akong ginagawa ngayon. Salamat sa free wifi niyo rito at natapos ko ang lahat ng iyon.” Tugon naman nito na sinamahan pa nang ngising nakakagago.


“Tapos ka na pala so bakit narito ka pa?.”


“Dahil nakita kong walang kasama si Ken kaya naisipan ko munang samahan siya.” Tugon nito sa kanyang kaibigan na sa akin nakatingin.


Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang mapatingin na rin sa akin si Nicollo. Tulad ng unang gabi na mabigyan kami nang pagkakataong makapag-usap ay mapanuri ang tingin na ibinigay nito sa akin.


“I see.” Kapag-kuwan ay wika ni Nicolo na sinamahan pa nito nang pagtango-tango parang may kung ano itong nakuhang impormasyon sa akin.


“Is that what I think it is?” Ang wika ni Maki na nagpakunot sa aking noo. Misan talaga nawe-weirduhan ako sa mga ito.


“Imbes na kung anu-ano ang pinapansin mo Niccollo unahin mo munang resulbahin ang problema ng isang costumer mo sa loob kung ayaw mong malugi itong negosyo mo.” Ang biglang sabat ni Lantis na nasa likod na pala ni Nicollo. Hawak na nito ang in-order niyang kape.


“Naks, ang sweet niyo naman parang… parang….” Ang halatang nang-aasar na komento ni Maki sa dalawa.


“At ikaw naman Maki, kung wala kang hinihintay na order mabuti pang umuwi ka na at itulog mo na lang iyang pang-aasar mo dahil kapag napikon ako ibubuhos ko itong kape ko sa pagmumukha mo.”


I must admit na na-iinggit ako sa kakaibang friendship na meron ang mga kaibigan ni Jay. Kahit pa man nag-aasaran ang mga ito makikita mo pa rin na hindi nila kayang mawala ang isa’t isa.


“Wala talagang kupas ang pagiging suplado mo Lantis.” Ngingisi-ngising wika ni Maki na sinamahan pa nito ng pagtaas ng kanyang dalawang kamay tanda nang pagsuko.


Sa mesa na kinauupuan namin ni Maki umupo si Lantis maya-maya ay tinawag nito ang isang waiter na katatapos lang mag-serve sa iba pang costumer.


“Two cinnamon streusel.” Ani nito sa waiter makalapit.


“Ambait mo naman pala talaga Lantis, biruin mo nilibre mo pa ako ng cake baka gusto mo ring samahan ng isang masarap na kape iyan?.” Ang nakangisi pa ring wika ni Maki. Hindi talaga nito tinatantanan ang kaibigan.


Binigyan lang ito ni Lantis ng isang matalim na tingin at muling humigop sa in-order nitong kape. Kakaiba talaga ang pagiging suplado ng isang ito kahit ang pinakamalapit nitong kaibigan ay hindi nakakaligtas.


Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order nito.


“Here, para naman hindi malungkot iyang kape mo.” Ani nito na ikinagulat ko. Di ko lubos maisip na para pala sa akin ang isang cake na in-order nito.


May hiya akong napatingin kay Maki at sinalubong ako ng napakatamis na ngiti nito. It is as if he already knew from the start na para sa akin talaga ang isang cake na in-order ni Lantis.


“Try it. It will make you feel better.” Ang wika ni Lantis dahilan para hindi na ako makatanggi pa. Takot ko lang na ma-offend ko ito.


Am I that obvious?


Ngiming ngiti na lang ang ibinalik ko sa kanya.






Tama nga ang ginagawa kong pag-unwind kanina sa bagong coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan ni Jay. When it rains nga naman talaga it pours at inulan ako ngayon ng malas. Halos puro irate ang natanggap kong costumers sa buong shift ko.


Bakas ang pagod at antok sa mukha ko nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin ng CR namin sa opisina.


Define wasted. Ang nasabi ko na lang sa aking sarili at nagpakawala ng buntong-hininga.


No wonder na halos lahat ng nagtratrabaho sa isang call center company ay nagkakasakit. Sino ba ang hindi kung halos lahat ng makakausap mo ay puro problema ang ibibigay sa ‘yo. Stressful kung stressful kaya siguro malaki ang sahod.


Hindi ko pa sana gustong umuwi kaso, rest day ngayon ng mga katrabaho ko na naging malapit na sa akin. Sila lang naman kasi ang mga taong nakakasalamuha’t nakakasama ko sa mga galaan.


Tinungo ko na lang ang locker ko para maghanda ng umuwi. Ramdam ko ang ibayong pagod sa buo kong katawan. Sabagay, simula nang mangyari ang pagtatapat ko kay Martin ay hindi na ako dinalaw ni pareng antok.


Kung noon ay lagi akong excited tuwing uuwi ako para hintayin ang pag-uwi ni Martin ngayon ay hindi ko na maramdaman ang excitement na iyon. Hindi ko na alam kung ano ang dahilan ng pagbabagong ito sa akin. Kung dahil ba sa natatakot akong muling makaharap si Martin o dahil sa kakaibang pag-reject nito sa nararamdaman ko. Ewan, ang gulo! Nakakasira lang ng ulo tuwing sinusubukan kong hanapan ng kasagutan.


Mag-aalas-onse na nang umaga nang dumating ako sa bahay. Ipapasok ko pa lang susi ko sa susian ng bigla itong bumukas at sumalubong sa akin si Martin.


“H-Hindi ka pumasok?” Ang medyo nabigla kong tanong.


“Medyo tinamad akong pumasok kanina kaya tinext ko na lang ang boss ko na masama ang pakiramdam ko.” Tugon naman nito.


“Ganun ba?” Ang matipid kong wika at tuluyan nang pumasok sa loob ng inuupahan naming apartment.


“Magpalit ka na lang muna ng damit kenotz, malapit ng maluto ang ulam na niluto ko sabay na tayong mananghalian bago ka matulog.”


“Sige.” At tinungo ko na nga ang kwarto ko para magbihis.






Hindi ko mapigilang mapasulyap kay Martin habang nasa hapagkainan kami. Ganadong-ganado ito sa pagkain habang ako ay halos hindi ko malunok ang kinakain ko. Sinubukan kong basahin ang anumang p’wede kong mabasa sa kanya pero wala.


Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga.


“Nakakapagod ba ang trabaho?” Ang nakangiting tanong nito sa akin.


“Medyo.”


“ Ako na lang ang maghuhugas. Magpahinga ka na lang pagkatapos nating kumain.” Ani nito.


Ito ang dahilan kung bakit naguguluhan ako ngayon. Kung bakit gustong-gusto kong itanong sa kanya kung ano ba ang ibig niyang sabihin sa huling salitang binitiwan niya no’ng magtapat ako sa kanya. Hindi ko na kasi alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa kanya.


Huminga ako ng malalim.


Kung nagawa kong magtapat sa kanya, kaya magagawa ko ring tanungin siya ngayon.


Nakapagdesisyon na ako. Mas mabuti nang marinig ko mula sa kanya ang rejection kesa naman hayaan kong masiraan ako ng bait kakaisip kong ano na ba talaga kami ngayon.


“M-Matt, t-tungkol sa sinabi ko …”


“Huwag na lang nating pag-usapan iyon Kenotz.” Malumanay na pagputol nito sa iba ko pang sasabihin.


Parang huminto ang oras sa aming dalawa. Ngayon alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya sa huling salitang binitiwan niya no’ng umamin ako sa kanya.  Sobrang sakit oo, dahil ngayon alam ko nang hindi niya kayang matugunan ang nararamdaman ko para sa kanya.


Nagpakawala ako ng isang ngiti kahit pa man sa loob-loob ko ay parang dinudurog na ang puso ko. Bakit ko nga ba naisipan na pwedi akong mahalin ng bestfriend ko? Ano nga ba ang pumasok sa kokote ko at pinaniwala ko ang sarili ko sa isang ilusyon na p’wedeng maging totoo ang ginagawa naming pagpapanggap noon ni Martin?


“I’m sorry ––”


“Don’t be. Hindi mo naman kasalanan eh.” Ako naman ngayon ang pumutol sa kanyang sasabihin. “Isa lang ang hinihiling ko Matt, sana walang magbago sa pagkakaibigan natin. Magpapahinga muna ako.” At nagmamadali na akong pumasok sa aking kwarto para doon lihim na umiyak dahil sa kabiguan ko sa bestfriend ko.






Dumaan pa ang mga araw na walang pagbabago sa pakikitungo ni Martin sa akin. Gaya nang dati ay lagi pa itong nagtetext sa akin kapag umaalis ako papuntang opisina. Pero hindi ako makaramdam ng tuwa sa sitwasyon naming dalawa parang ako pa itong naiilang sa kanya na hindi ko mawari kung bakit.


Kung tutuusin nga dapat ikasiya ko pa na pagkatapos kong ipagtapat sa bestfriend ko ang nararamdaman ko para sa kanya ay heto parin siya at nanatiling kaibigan ko. Pero parang mali, may mali at alam kong ako ang mali ngayon dahil parang gusto ko pang may mabago sa samahan namin. Siguro dahil in-expect ko na iyon at ngayon na hindi nangyari ang mga in-expect ko ay nakakaramdam ako nang kakaiba.


“Kenotz, may lakad kami mamaya ng mga ka-opisina ko. Nagkayayaan kasi hindi na ako nakatanggi.” Wika nito habang magkasabay kaming nanananghalian.


“Talaga? Sige enjoy ka lang.” I answered nonchalantly.


“Kayo ba, wala kayong lakad ng mga bago mong kaibigan?”


“Hindi ko alam. Pero baka dito lang ako ngayon sa bahay. Susulitin ko ang rest day ko para makapagpahinga.”


Tumango-tango naman ito at hindi na muli pang nagsalita. Nakakapraning talaga ang ganitong uri nang pakiramdam iyon bang parang pinipilit mong maging normal ang lahat kahit alam mo namang hindi na normal ang nangyayari.


Ito rin ang unang pagkakataon na sumama si Martin sa yayaan ng mga ka-trabaho niya marahil ay nakakaramdam na rin ito ng boredom sa loob ng apartment namin dahil simula nang i-reject ako nito ay naging mailap na ako sa kanaya.


Tulad nga nang sabi ni Martin ay umalis ito bandang alas-syete nang gabi. Medyo nakaramdam ako nang emptiness sa loob ng bahay kaya napagdesisyonan kong i-text sina Chelsa. Alam ko kasing sa mga oras na ito ay nakatambay na ang mga iyon sa coffee shop ni Nico at doon nagsasayang ng oras bago pumasok.


Hindi naman ako nabigo at napagalaman kong naroon nga sila. Agad akong naligo at nagbihis gusto kong i-divert para puntahan sila.


Nasa kabilang kalsada palang ako ay tanaw ko na ang nagkakasiyang mga ka-trabaho ko na naging mga kaibigan ko na rin. Tulad ko ay favorite spot rin ng mga ito ang labas ng coffee shop dahil sa halos lahat sila ay naninigarilyo.


“You look epic Kent.” Ang agad na komento sa akin ni Rachalet ng makalapit ako sa kanila. “Natutulog ka pa ba?”


“Bakit, mukha na ba akong zombie?”


“Hindi, mukha ka nang kabaong.” Ani nito na ikinatawa nang iba pa naming kasama.


Hindi naman ako na offend sa medyo below the belt nitong biro dahil totoo naman. Alam kong sobrang wasted na nang hitsura ko dahil sa palaging kinukulang ng tulog. Maski nga ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko kapag nananalamin ako.


“Walking dead ang dating mo Kenneth. Broken hearted ka ba?” Ang gatong naman ni Chelsa.


“Paano magiging broken hearted yan eh wala naman siyang girlfriend.” Ani naman ni Rex.


“Who knows diba? Malay natin tinatago lang pala ni Ken ang syota niya sa bulsa niya.”


“Wag niyo ngang pagtripan si Ken.” Ang sabat naman ng nakangiting si Jay. “Pero Ken, kung may problema ka idaan natin yan sa maboteng usapan.” Dagdag pa nitong sabi.


“Inuman? Gusto ko yan!” Tila excited namang sagot ni Rachalet.


Halos mapapalatak ako sa kabaliwan ng mga kasama ko.Ganito talaga sila kapag ikaw ang huling dumating dahil sayo magiging focus ang atensyon nilang lahat.


“Di tayo papasok?” Halatang interesado ring sabi ni Jay.


“Ikaw ang nagbigay ng ideya sa amin so dapat alam mo na ang sagot sa bagay na yan.” Ngingisi-ngisi namang sagot ni Rex.


Tama nga ang nagising desisyon kong puntahan ang mga ito. Kapag kasama ko sila ay pansamantala kong nakakalimutan ang ano mang problema meron ako.


“Kung magiinum tayo saan naman?” Tanong ni Chelsa. “Gusto ko yung may mga papa para naman ma-i-display ko ang bagong tube ko.”


“Para maiba naman mag-singing trip tayo.” Suhestyon naman ni Rachalet.


“Ay gusto ko yan girl panalo yan. Oh siya simulan na nating papakin ng text si TL may the best palusot win.” Agad na wika ni Chelsa sabay hugot nito nang kanyang cellphone.






“In all fairness ang ganda ng boses ng pa-gurl na yon at mukhang type ka Rex.” Ang nanunuksong wika ni Rachalet. Natuloy ang biglaang plano nang mga ito at ngayon ay nasa isa kaming videoke bar.


“Ayan ka na naman Rachalet binibenta mo na naman ako.” Nagtatampo namang wika nito.


“Nakakasama nang loob. Type ko pa naman ang papa na kasama niya pero mukhang naunahan na ako nang timawang yon.” Ani naman ni Chelsa na sabay lagok nito nang kanyang shot.


“Dont worry girl marami pa yan relax ka lang sa ganda nating ito walang sino man ang may kakayahang tanggihan tayo except sa mga kalahi nitong si Jay.”


“Ako na naman ang nakita mo. Kung ako sayo ihanda mo na ang sarili mo at malapit kanang kumanta huwag mo kaming ipahiya ah.”


“Wala sa lahi namin ang napapahiya pagdating sa pagkanta Jay. Kahit ikaw ay titigasan kapag narinig mo akong kumanta.”


Napatawa naman kaming lahat sa tinuran nito dahilan para makakuha kami nang atensyon sa loob ng bar na iyon. Masasabi ko talagang enjoy na kasama sa kahit ano mang lakaran ang mga kurimaw na ito walang dull moment kung baga.


“Basta ang usapan lahat kakanta okey? Ang hindi kumanta ay ang magbabayad ng lahat ng damage natin ngayong gabi.” Ngising wika ni Rachalet.


“May ganyan ba tayong usapan?” Ang medyo kinabahan ko namang tanong. Hindi ko naman kasi nakahiligan ang kumanta.


“Meron, kasasabi ko nga lang di ba? Okey lang naman na tumanggi ka basta ikaw ang magbabayad ng lahat ng damage natin.” Nakangising wika ni Rachalet.


Halos mapapalatak ako sa sobrang pangungunsumisyon. Kung alam ko lang na may ganitong pangyayari palang magaganap sana hindi nalang ako lumabas ng bahay. Nailibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng videoke bar na iyon at napabuntong hinuinga nalang ako nang makita ko na may karamihan ang tao.


Great! Me and my Epic Voice.


Nagsimula nang kumanta ang mga kasamahan ko at masasabi kong may mga alam ito sa pagkanta. Hindi ko tuloy maiwasang pagpawisan at maihi sa nalalapit kong pagsalang sa kalokohan ni Rachalet.


“Punta muna ako nang CR.” Ang pagpapaalam ko sa mga ito habang si Rex ay kumakanta na.


“Siguraduhin mong hindi ka tatakas Ken ha.” Ngingisi-ngising wika ni Jay.


Napailing nalang ako sa nalalapit kong kahihiyan. Wala rin naman akong magagawa dahil sa konte lang ang perang meron sa wallet ko at alam kong ang mga kolokoy na kasama ko ang tipong hindi palalampasin ang pagkakataong malibre sila.


Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakaharap sa salamin ng CR na iyon. Gusto ko sanang tumakas kaso malapit sa pintuan ang kinauupuan naming lamesa.


“It seems something is bothering you.” Ang wika nang isang lalaki na ngayon ay nakangiting nakatayo sa likod ko.


May pagtataka akong napatitig sa kanaya. Medyo singkitin ito at maganda rin ang hubog ng katawan na bumabakat sa halos fit nitong suot na grey T-shirt.


“Narinig ko kasi ang malalalim mong buntong hininga.”


“A-Ah….. pasensiya na medyo napasubo kasi ako sa mga kaibigan ko.” May bahid ng hiya kong sabi.


Muli ako nitong nginitian.


“Kaya pala halos kasing lalim na nang balon ng paghinga mo. By the way Nhad.” Sabay lahad nito nang kanyang kamay sa akin.


Napatitig naman ako sa kamay nitong nakalahad sa akin at may pagaalangan ko itong tinanggap.


“Ken.” At nagpakawala ako nang tipid na ngiti.


“Mukhang pressured ka sa nalalapit mong pagkanta ah.”


Napakunot noo naman ako sa sinabi nito.


“Nasa likod lang kasi ang mesa namin sa mesa niyo kaya medyo narinig ko ang usapan niyong magkakaibigan. I hope you don’t mind.” At muli itong ngumiti na halos mawala na ang mga mata nito tulad ng kay Martin.


Hindi ko alam pero napangiti na rin ako sa kanya.


“Oo nga eh. Mukhang napahamak ako sa kalokohan ng mga kasama ko. Hindi kasi ako komportableng kumanta lalo na’t maraming tao ang makakarinig sa akin.”


“Bakit hindi ka nalang tumanggi?”


“Wala kasi akong sapat na pera para bayaran ang lahat ng in-order namin. Yon ang kapalit ng pagtanggi ko.”


Hindi ko alam kung tama ang nakita ko sa mga mata nito. Para kasing may nabakasan akong amusement sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.






Itutuloy:

24 comments:

Jeh said...

eto na ang simula ng bagong buhay para sa ating lahat. hahahahaha..

alam ko na susunod na mangyayari jan. mawawalan ng kuryente tapos may mga goons tapos ililigtas ni nhad si ken. wahahahhahaha

makaimbento lang :))

Anonymous said...

sana makaligtas cla.........................ras

Anonymous said...

Well well well!!! D ko p nbbsa... Mkpgcomment lng!!!! Hehehe adik lng po!!!!




-drew-

Gerald said...

Hindi kaya... Itatakas ni nhad si ken tpos dadalhin nia ito sa condo tapos... EWAN HAHAHA MAKAIMBENTO RIN.

Chris said...

ooohhh so dito sila nagsimula. hahaha!! nice kuya! salamat po sa update!

Anonymous said...

C nhad ang aako ng pgkanta ni ken pra mkligtas sya s khhiyan o panlilibre s brkada!!!! Hihihi imbento lng din!!!!! Pro ang pangit ng place ng pgkkakilala nla! Me handshake p after ng wiwi!!!!!! Bk mmya d p nila naibblik cla junjun s loob ng knilang undies! Ayieeeeeeeeee Hihihihi



-drew uli-

Anonymous said...

maiinlove c ken kay nhad tapos...





..and they live happily ever after :)

--makki-- said...

nice... suupeerrrr suuuuupppeeeerrr ssuuuuppppeeerrrr nice.. trololol!

Coffee Prince said...

NICE ..
dumating na rin si Nhad .. :)

ang taong nag-ukol ng di-matatawarang pagmamahal ..
ang naiwang luhaan sa bar kung san sila nagkakilala ngayon ni Ken . :(

is there any hope remains for Ken and Martin? :(

#Gisingin ang Puso

Thanks kuya Zeke ~

Anonymous said...

sa pagpasok ni nhad mare-realize na ni martin na mahal nya rin pala ang bestfriend nya, may kaagaw na kasi sa atensyon hahaha

jer

Anonymous said...

hala yun na yun?? Next na zeke! Bitin much.

Btw thanks sa update.

--ANDY

Yume said...

nhad enters the game

russ said...

hehehehe....sana ibang mike ang gamitin nya..ung buhay

Anonymous said...

MATIN-KENNETH pa din ako, hehehe, feeling ko kasi, magiging malaking panakip-butas lamang si Nhad dito, dahil nakatali pa din si Kenotz sa nararamdaman niya kay Martin, sabi nga, walang pa silang closure. Been there, done that. hahahaha. well, sana mali ako. But the way the story goes, i can feel na parehas kami ng tinatahak ni Kenotz, ako noon, siya naman ngayon. hehehehe.


-eusethadeus-


PS. I miss this story, sana naman daddy zeke, mabilis na ang pag-update na gawin mo, heheh, dapat, bumawi ka saming mga readers mo. Love lots... hehehe

Anonymous said...

nice one zild. :) hehe mamaw kaya kumanta si kenotz? hehe

-eMMan

Anonymous said...

Bongga ung pasok ni nhad hehe
Sa cr haha
- I'm so excited for the succeeding chapters
.Feeling ko lang ' ang ibig sbhin ni Martin dun sa 'Wag' is wag sana bumitaw si ken sa nararamdaman nya para sknya para pag dumating ung time na pwede ng ireciprocate ni martin yung love ni kenotz para sknya eh maging okay ang lahat...
-waaah ang pagkaka speculate ko ah haha

Ingats mga papsi!

-thanks for this chapter Zek
Now lang ulit ako nkpagcomment.


Pat
Tagasubaybay :)

Unknown said...

jaran!!!

kristoff shaun said...

me kulang me hinahanap ako...

Anonymous said...

really touching..... RD

Anonymous said...

....hay ewan ko lang sa BUHOL BUHOL NA PAGPAPANGGAP NG DLAWANG NILALANG NA HINUBOG NG MATATAG NA SAMAHAN...............
malamang me iiyak...may maghihinayang....may masasaktan at may hahabol..

jazz0903

robert_mendoza94@yahoo.com said...

again! and again. d open ang communication kaya nag kakagulo. sana nilinaw na nila agad para nag ka alaman na. haizt!

Anonymous said...

... we all know and its the fact that its still Ken-Martin in the end but here comes Nhad entering in the picture to spiced-up the story. A roller-coaster ride of friendship to love for Martin-ken-nhad.

Anonymous said...

kakatawa pag magkakasama sila..ang kukulit eh!:D

So,here comes nhad na?!hehe

medyo alanganin aq sa kilos ni martin naun after magtapat ni kenotz..

-monty

James Chill said...

Define friend zone? Haha... "Wag" friendzone agad pre! Relate.. Haha

Post a Comment