Monday, April 30, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 50)


By: FUGI

“EXPECT D’ UNEXPECTED!”

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento




“Anak may gusto ka bang sabihin sa iyong mama?” seryoso pati ang tono ni mama ng sabihin nya ang mga katagang iyon na ikinakaba ko ng husto.......

Sa tingin ni mama parang may gusto itong ipahiwatig at parang may kung ano itong nalaman na dahilan para lalong bumilis sa pagtibok ang puso ko

Nang hindi ko na matagalan ang mga tingin na iyon ni mama ay agad kung pinalingan ng tingin si ian para sana humingi ng tulong dito pero nakatungo ito na kala mo ay nasapol sa kung ano mang kasalan na nagawa nito at base rin sa itsura ng mukha nito ay mababakas ang kaba din na nararamdaman nito sa mga oras na iyon

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob na harapin si mama at sabihin na sa kanya ang tungkol sa amin ni ian dahil alam ko at nararamdaman ko na may alam na si mama at hinihintay lang siguro ako nito na ako mismo ang magsabi sa kanya

Alam kong kung may isang tao man na pinakanakakakilala sa atin iyon ay ang ating ina, dahil sa naging bahagi tayo ng buong pagkatao nya at ang nagsilbing tahanan natin sa loob ng siyam na buwan habang gumagawa tayo ng sarili natin katauhan, na hanggang sa ngayon ay lagi lang nandyan sa tabi natin para sumuporta, gumabay, promotekta at magmahal na walang hinihintay na kapalit, na walang katapusan
“Ma....” pabulong na simula ko habang hindi makatingin ng diretso sa kanya

“Mahal na mahal ko po.........(pause)..... si...si  ian” (at napatungo na lang ako ng nang sa wakas ay nasabi ko na rin ang totoo kong nararamdaman kay ian sa mama ko

Natahimik ako sandali dahil sa iniintay ko ang sasabihin ni mama pero wala kaya..

Ako: ma, sa...sa..sana po, sana po ay..ay wag..wag..wag ka...yong magaga.... (nauutal kong hindi natapos na sasabihin ng marinig ko ang mahinang tawa ni ian sa tabi ko kaya agad na nakuha nito ang atensyon ko)

Nagtataka ko itong tiningnan at sa direksyon ni mama ito nakatingin, dahan dahan kong sinundan ng tingin at bumungad sa akin ang nakangiting si mama ko na talagang nagpagulo ng isip ko

“Alam at nararamdaman iyon ni mama” wala na ang kaninang seryosong hitsura ni mama, nakangiti na ito ngayon na nagmaalis ng mga apprehensions ko

“Halika ka nga dito anak” dagdag pa ni mama sabay muwestra ng bisig at nang lumapit na ako sa kanya ay niyakap ako nito, yakap na nagpawala ng takot ko na baka hindi sya pumayag, na baka magalit sya, at higit sa lahat ang madisappoint ko sya (aminin natin, kung meron tayong gustong-gustong i-please na tayo dito sa mundo yun ay ang mga magulang natin, ang mga mama, inay, nanay, mommy, mi/papa, itay, tatay, daddy, di natin, na sa lahat ng gagawin natin gustong gusto natin nandayan sila kasi pagganoon nagagawa natin lahat at lalong lalo na pagsinabi na nila yung inaasam asam natin na marinig sa kanila ayun ay pagsinabi na nila na “I am proud of you anak!” kasi sa mga salitang yan masasabi mo sa sarili mo na na na nagawa mo ang pagpapasaya sa kanila, na kahit papaano naging mabuti ako, ikaw tayong lahat na anak nila)

Pero hindi, kasi sa yakap na iyon alam ko na na natanggap nya, tanggap nya ako ganoon na din ang pagmamahalan namin ni ian

Ako: ma,,,, mama ko... salamata po! (ang naluluha ko nang nasambit sabay ang paghigpit ng yakap ko sa kanya

“Masaya ako at nakikita ko na ulit na masaya ka na, na hindi na pilit ang mga ngiti mo, alam mo ba anak ang mapasaya kayo ang nais ko kaya kung ano magpapaligaya sayo, nandito lang si mama, susuporta ako, tandaan mo iyan” kalmadong paglalahad ni mama, kalakip noon ay ang paghigpit din ng yakap nito sa akin

“Ma, salamat po!” maya maya’y pagsasalita ni ian

“Halika nga dito” pag-anyaya nito kay ian at nagmapalapit ito sa tayo naman ay niyakap din ito ni mama

At yumakap naman ng mahigpit si ian sa akin at kay mama

Paglipas ng ilang sandali ay kusa na kaming bumitaw sa yakapang iyon

Ako: nakiki-mama ka na din ha! (pagbibiro ko habang pinipunasan ko ang mga luha ko)

Halata naman sa mokong na nahiya sya sa biro kong iyon dahil medyo namula ang tenga nito na lihim kong ikinangiti:)

“Alam mo ba anak” biglang pagpasok ni mama na kinakuha ng atensyon namin ni ian

“Sobra akong pinabilib ni ian, pinatunayan nya sa akin kung gaano ka kahalaga sa kanya” (nagulat ako sa sinabi ni mama at agad nga akong napatingin kay ian at masuyo lang itong nakatingin sa akin at nakangiti)

“Na nitong nakaraang mga gabi lagi kong nakikita ang batang iyan na nakatingin sa binta ng kwarto mo, na aalis lang yan pag nasiguradong patay na ang ilaw sa kwarto mo” nakangiting pagkikwento ni mama

Napansin ata ni mama ang may pag-aalangan sa itsura ni ian dahil sa mga sinabi niya kaya pinangunahan na niya ito

“Alam ko ang mga iyon iho,” sabi nito kay ian at nandoon pa din ang magandang ngiti ni mama

“Kaya kanina nung ipagtapat mo sa akin ang totoong intensyon mo sa anak ko, nakita ko yung sencerity mo, na sobra sobra mong pinapahalagahan ang anak ko, na hindi mo lang sinasabi na mahal mo sya, ipinaparamdam mo din lalong lalo na sa akin, kaya lahat nang pag-aalala ko nawala dahil alam kong mapapanindigan mo si fugi, kaya hindi ako tumututol at buong puso kong ikaw tinatanggap bilang anak ko na rin” madamdaming pagsasalaysay ni mama

Agad tumakbo si ian kay mama at muli nitong niyakap si mama

Ian: salamat po mama (medyo naluluhang nasabi nito)

“Salamat din anak sa pagpapasaya kay fugi” si mama at yumakap na din ako sa kanila

Nakakataba ng puso ang lahat ng mga sinabi ni mama, na dahil doon napanatag ako, na parang yung approval nya sa espesyal na pagtitinginan namin ni ian ay sapat na para mawala ang lahat ng takot ko, na mas lumakas ako na para bang kahit anong unos ang dumating sa buhay ko, namin ni ian alam kong may back-up ako at ito ang mama ko:)

“Paalaala lang mga anak hindi normal ang pinasok ninyo, may mga makikitig ang utak na manghuhusga sa pagmamahalan ninyo, kaya dapat maging matatag kayo at...” hindi natapos ang sasabihin ni mama sa pag-interrupt ko sa kanya  

Ako: Ma, normal po ang nararamdaman nito” (sabay turo ko sa puso ko), siguro mas tamang sabihing hindi pangkaraniwan dahil  sa mokong na ito tumibok ng ganito ang puso ko (dagdag ko sabay tingin kay iyan at masuyo itong nakangiti at nakatingin pala sa akin kaya ngumiti din ako dito)

Ian: wag po kayong mag-alala, ako po ang bahala kay fugi, ako po ang poprotekta at magtatanggol sa kanya (pag-a-assure nito kay mama sabay akbay sa akin)

Isang magandang ngiti at pagtango lang ang itinugon ni mama sa amin, na nangangahulugang ibinibigay nya ang buong tiwala nya sa amin:)

ian: ma, ah..eh.. pwe..pwede ko pong i-date fugi ngayon at baka po medyo..medyo gabihin kami (ang nauutal at pahina ng pahinang pamamaalam nito kay mama na ikinatinginan naman namin ni mama at nangiti na lang)

“ahmm.. papayagan ko kayo sa lahat ng gusto nyong gawin pero uunahin nyo muna ang pag-aaral, ok ba iyon?” at tumango kaming sabay ni ian kay mama

“One more thing, bawal mo na magbaby ok ba iyon?”

Pinamulhan naman ako sa sinabi ni mamang iyon

Ako: ma................! (nasabi ko na lang bilang pagsaway sa kanya at humagikgik lang ito at ang mokong naman ay nakihagikgik din kaya naman natampal ko na lang ito sa kanyang baraso.... kasi kasi na ih!)

“Sya sya ako na ang bahala dyan sa pinagkainan nyo, mukhang babawi kayo sa mga panahong nagLQ kayo” pagbibiro na ulit ni mama

Ako: mama na man eh..............! (parang bata ko nang pagmamaktol habang pinamumulan na ng todo todo... kasi kasi)

Tumahimik na si mama at lumapit sa amin at kinuha ang pinagkainan namin pagkatapos ay itinulak-tulak kami palabas ng kusina kaya naman hinayaan na namin siya

Nagtungo muna kami sa sala at nakisali sa panonood nila john at angel. Kulitan, tawanan ang naganap bago muli naming tinungo ang silid ko para maghanda sa paglabas namin ni ian

Nang masarhan ko ang pinto ng kwarto ko napansin kong seryoso si ian sa tabi ng kama
Agad ko itong niyakap mula sa likuran nito at tinanong....

Ako: anong problema ng ian ko??? Ano iniisip mo? 

Ian: ano... kasi naisip ko lang yung sinabi ni mama (seryoso ang tono nito)

Ako: alin ba doon?? (ang parang bata kong pagtatanong sa kanya sabay siksik sa kili kili nitong napakabango)

Ian: yung tungkol sa..... (pabitin naman nitong sabi)

Ako: saan?? (sabay kiliti na dito)

Ian: yung sa baby? (ang pabulong na nitong nasabi.... pero halos mabingi ako sa sinabi nito agad ko itong hinampas sa likod nito at kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya)

Ako: puro ka naman biro (ang pagmamaktol ko sabay talikod sa kanya)

Maya maya ay naramdaman kong yumakap naman ito sa likod ko at naglambing

Ian: mine, nag-aalala lang  naman ako dahil hindi ako gumamit ng condom kagabi baka magpenetrate pero wag kang mag-alala papanagutan ko naman (humahagikgik ito habang pahalik halik ito sa batok ko)

Ako: ian......! (yun na lang nasabi ko sabay siko ng madahan sa bandang tyan nito sa pagbibiro nito), behave ka nga (ang dagdag ko pa at lumakas lang ang tawa nito)
Akmang hihiwalay na ako dito ng biglang kabigin ako nito paharap sa kanya at siniil ako ng halik sa labi at maya maya ay

Ian: wala bang round two yung kagabi (mapang-akit nitong sabi sa pagitan ng paghalik nito)
Itinulak ko ito ng madahan para magbiliw na ang mga labi namin at naging matagumpay naman ako

Ako: ang hilig mo ha, sasabihin kita kay mama (parang bata kong sabi dito at tatawa tawa lang ang loko)

Ian: sya sabay na lang tayo maligo.. please........... (at tiningnan ko na lang nang masama ito at nakuha naman agad niya kaya itinaas nalang niya ang dalawa nyang kamay tanda ng pagsuko nya)

...............

Nang makaalis na kami ni ian sa bahay ay una naming tinungo ay ang simbahan sa santisima katabi lang sm batangas (isa ito sa masasabi kong ipaka-eleganteng simbahan dito sa batangas, ang ganda kasi talaga ng pagkakagawa sa kanya), taimtim kaming nakipag-usap sa panginoon thru our prayer, humingi ako ng tawad, nagpasalamat at humingi na rin guidance para mangyayari sa hinaharap

Pagkatapos ay nanatili kami doon, tahimik na pinagmamasdan ang paligid nang bigla kong maramdaman na parang may inilalagay si ian sa aking kanang braso at nang tingnan ko ay isinusuot niya ang isang bracelet na style posas na sobrang nipis at nang tingnan ko sya bigla nyang itinaas ang kanyang kaliwang braso para ipakita na meron din sya noon. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at bahagya nyang itinaas iyon para ipakita ang mga bracelet
Ian: ay ang simbolo na akin kana, wala nang makakaporma, makakaligaw sayo, your mine, kaya sana lagi mo yang isusuot.. ok (nakatingin ito sa mata ko at masuyong nakatingin sa akin)

Ako: ah...eh.. paano sa iskol?? (nag-aalangan kong tanong)

(bawal po kasi sa aming mga student ang kahit anong jewelry pwera lang sa relo at wedding ring.. kasi ang rationale (wow namis ko itong word na ito, rationale.. hahaha ano naaalala nyo dyan sa salitang yan mga colleagues??), it harbors microorganism.:))

Ian: sige pwede mong hubadin pero isusuot mo agad paglabasan na ha? (ang parang bata nitong nasabi na ikinangiti ko naman:)

Ako: iingatan ko ito, mahal na mahal kita (ang pagsasabi ko ng mga huling salita ng walang tunog sabay ngiti sa kanya)

Ian: I <3 U... (ang sign language naman nito at masuyong nakatingin at nakangiti din sa akin)
(oh diba, mapamaraan lang...... hehehe)

Buong araw naming sinulit ang isat isa, nanood ng sine, kumain, kumain pa ulit (ewan ko ba kay ian ko parang ayaw na ayaw nya akong magugutom, hindi nya lang alam ang makita ko lang sya... busog na ako.. ayieeeeeeeeeee.. makabanat lang.. hehe), naglaro sa quantum at ang pinakakinakiligan ko ay ang kumanta ito sa live open karaoke (gets nyo ba ang term kong iyon,, hahaha iyon kasi ang tawag ko doon, dun sa may mini stage sa quantum tas may tv sa baba kung asaan ang lyrics ng kanta tas may videoke naman na nakaharap sa mga manunuod with matching pang disco ball.. hahaha,, effort kung makapagdescribe ih.. hehehe)

I wanna make you smile
Whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All i wanna do, is grow old with you
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/adam-sandler-i-wanna-grow-old-with-you-lyrics.html ]
I'll get you medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
So, it could be so nice growing old with you,....

I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control.

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
Oh I could be the man that grows old with you
I wanna grow old with you.

 At sa buong pagkanta nito ay sa akin lang nakatingin ang magagandang mata nito na talaga namang ikalusaw ko dahil sobra sobra ang K-I-L-I-G na nararamdaman ko.. (kasi kasi naman)

Halos magsasara na ang mall na iyon bago namin ito nilisan, sobrang enjoy namin na hindi na namin namalayan ang oras

Nang mapatapat na kami sa harap ng bahay namin ay hindi muna kami pumasok ni ian sa loob kasi gusto nito na tingnan muna ang mga bituin, kaya sumandal muna kami sa kotse nya at mataman na pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan

Bahagyang katahimikan ang nangibabaw sa aming dalawa hanggang sa magsalita sya....

Ian: alam mo sobrang saya ko (at nakita ko sa aking peripheral vision na humarap ito sa akin at mababakas sa mukha nito ang napakagandang ngiti)

Ako: dahil kasama mo ang taong mahal mo at ako iyon... (ang pagpagtatapos ko sa sinabi niya at ngayon nga ay magkaharapan na kami)

Ian: kasi may mga stars ibig sabihin hindi uulan bukas (at mapapansin ang pagpigil nito ng pagtawa)

Agad akong sumimangot at pinabukol ang magkabilang pisngi ko bilang kuno hindi nagustuhan ang naisagot nya:0

Bigla na lang akong niyakap ni ian

“Mahal na mahal kita fugi, salamat at dumating ka sa buhay ko” bulong ni ian
Tinugunan ko ang yakap niya at....

“Salamat at minahal mo ako, mahal na mahal din kita ian” at nagulat na lang ako ng bigla ako nitong hinalikan buti na lang at tulugan na kaya wala nang tao sa paligid

Nagtagal ang halikang iyon, mayusong mga halik, may pag-iingat at punong puno ng pagmamahal. At nang maghiwalay ang aming mga labi.....

Ian, IKAW ANG AKING PANGARAP.............

At sa pagkakataong ito ako naman ang humalik sa kanya


Fin.....................................................





*************
Author’s Note:
Dito na po nagtatapos ang KWENTONG FIBISCO ko (Ikaw anong kwento mo? Hehehe), but wait there’s more sa pagsasara ng librong ito ay sya namang pagbubukas ng mga bagong Pahina ng panibagong Aklat (pero hindi pa po ngayon, papahinga po muna ako)

Nais kong pasalamatan ng sobra sobra ang mga sumuporta simula’t sapol na kung saan sa mga komento nila ay nakakuha ako ng maraming shakra para matapos ko itong kwentong ito. Its ROL-COL time, say PRESENT if your still there .............................at this very end..

-Jay Ar
-Sr143
-Rue/Lawfer
-foxriver (d’best comment-tator of all time... hehe)
-ZROM60
-niccolo’25
-Jaceph Elric
-jekjec
-Darkangel13
-KI ng facebook
-Yume (d’ ever loyal:)
-ramy from Qatar
-Coffee Prince
-MarL
-DownDLine
-akosichristian
-KV
-Lyron (na nagpaalam na mawawala ng matagal, IMY! Hehe)
-Master_lee#027
-Jemyro
-Dew
-J (kababayan!)
-Nick
-hansen
-ylden
-Zach
-Stringx
-Josh
-empire027
-PUAL FABIAN
-Darklord
-Vash
-Slushe.love (sobrang galing maghighlights ng mga sinabing linya sa istorya. Hehe)
-Lloydie
-empire
-Kevinblues
-derreck
-Mr. Brickwall
-Chris
-Chuchi (na pro-Sarah, bleh,, hehehe)
-januard
-ras
-Jonrey QC
-Charlette Paul
-Mark13
-sam1308
-nurse_mark
-Jazz0903 (sobra mo akong pinakaba..hmpt!)
-Van
-cnjsaa15
-Jm_virgin2009
-Jan Carlo
-teddyRiCHIE
-Silent Reader (sobrang tahimik mo naman.. hehe)
-Luis (salamat talaga sa sobra sobrang papuri, promise hindi lumaki ang ulo ko, puso lang.. hehe)
-Dynamicdreams
-lei
-Swagger09
-edzzz
-JM
-JD Javra
-Max Z.
-Vinztot
-frontier
-Kirk07
-Ejay Bautista
-RGEE
-ganoon din sa mga ANONYMOUS na hindi man nagpakilala ay ay pinilit nilang ipaabot ang kanilang saloobin sa akin.. salamat po..

@ kay MAKKI (salamat sa ginawa mong cover para sa istorya kong ito.. sa uulitin ha.. hehe)

@ sa mga limin din na nagbabasa nito TY po!

@@@@@ kay KUYA IDOL ZILDJIAN/ZEKE/ZEPHIEL, na isa na nag-impluwensya sa akin para gumawa ng kwento kung saan ako naman ang bida at syempre sa pagpapahintulot na maipost ko sa blog nya ang aking likha, thank you po IDOL, sorry din sa pagkakalat ko sa blog mo

SOBRANG SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

Pahabol: baka po yung book 2 ay sa sarili ko nang blog ipost (fugisimagination.blogspot), para hindi na ako maglatiti pa sa blog ni idol, at marami na ring post doon, nakakahiya na..

Hanggang dito na lang mga PIPZ. Hanggang sa muli

Love,

FUGI

37 comments:

Stringx said...

Congrats, Fugi.

Kudos sa iyo at sa iyong akda; 'Ikaw ang aking Pangarap'.

Naawa naman ako kay Anthony, nawala na scene. Better luck next time, at hintayin mo ang Fugi-Ian breakup, Anthony. Ahahaha...

Good read!

Anonymous said...

waaaaaaaaaaaaaa ending na pala to :(((( anywway nice ending po hehehe ansarap talaga ng feeling na tanggap yung ganyang relationship . napakasarap sa pakiramdam ng ganyan heheheh nice job po kuya fugi !!!!!! abangan ko yung another story mo!!!! hehehehehe galing galing \m/




VinzTot

--makki-- said...

Naks! Happy Ending! Ayiiieee! Great Job Fugi... Two Thumbs Up!

-- No Problemo mi Amigo! Sure Fugi anytime! ;)

٩(-̮̮̃-̃)۶ ٩(-̮̮̃•̃)۶ ٩(×̯×)۶

marL said...

waaaaahhhhhh kilig much and much ako dito, hanep tlga. pero parang bitin sya ee, pero may book 2 naman ee, for sure mas nakaka kilig dun hehehe.

salamats kuya fugi sa ibinahagi mong stories na to, :))

aabangan ko ulet ung book 2 nito.

Jan Carlo said...

wahhhhhhh.,.,ang ganda talaga ng story mo pareng Fugi,..,.,sayang nga lang tapos na.,.,pero okey lang yun diba sabi mo may book 2.,.,heheh sana bukas may meron na heheh.,.,.kaka excite kasing basahin ang kwento mo eh.,.,.,sana lang wag masyado matagalan ang pag post ng book 2 ah kasi mamimiss ko ikaw.,.,.,.,.ehehhe,..,congrats,.FUGI muwaaahhah keep up the goodwork.,.God bless and morepowers./.,,.,.

Lloydie :) said...

ahaha :)

Jay-Ar said...

PRESENT! hehehehe

Anonymous said...

Sa akda mo po, ngaun lang ako nagcomment. Silent readr ba. Natuwa ako sa kwento mo na ito. I really like the plot. When i was browsing a story to read, sa bol pa nun, ung title pa lang nacatch na ung attention ko (fav. Ko kasi ung song na ikaw ang pangarap by regine). Kaya nung nasimulan ko, talagang sinubaybayan ko na. Ill miss this story. Buti nalhag happy ending! Ahahaga continue making stories like this. Sana ung next book mo eh sequel nito. Haha
xD

>>>>> ako pala si ivan d. :-)

kevinblues said...

present!!...ayiie kakakilig nman ng ending....sayang nga lang d nasama sa story na to yung pgkikita ni ian tsaka yung gf nya na kasama si fugi...ay siguradong gulo yun...but anyways congrats FUGI for a wonderful story...excited na ako para sa book 2 heheheh

Master_lee#027 said...

Present.....
CONGRATULAIONS FUGI ,SUPER NICE STORY ......
LOOKING FOR THE BOOK 2 OF LOVE AFFAIR NINA FUGI AT IAN :):):):)love it ,mamamiss kita fugi uhuhu ,....eheh love you ingat hanggang sa muli

Anonymous said...

tapos na :(
Aabangan ko po yung next story mo..
:)
-ylden

darklord said...

present sir fuji.....

rationale, lakas makapagbuang sa mga nursing student:)
ending na pala. kabitin, sana sila pa din ang main character ng next story mo, yung tipong nakapagboard na sila parehas at duty2 na. sana tumagal pa si fuji at ian. hahaha aminin natin,bilang nurse swerte mo na kung may long term relationship ka.

Yume said...

BANSAI!!!!!!!! AWOOOOOOOOOOOOOOOOOOO
YUME NO JUTSU: CHAKRA TRANSFER ~.~
WAHEHEHEH galing ni fugi waheheh abangan ko book 2 mo ~.~

Anonymous said...

Awwww? Why so fAst? Hmmmm. I smell a new story. About anthony naman siguro to?hihihihi. Ganda ganda talaga...pero sana may book 2 agad.xD

Kasi parang ang ikli ih. Wala pa silang napagdadaanang mga pagsubok. Ughh. It's late na...tulog na po ako. End ko na comment ko. So tired to think kung anu icocomment ko.xD


10/10- wew! :D

-cnjsaa15-
(sorry ngayon lang uli nakapagcomment)

DownDLine said...

present! i'll be waiting for your next story... it just goes to show na you don't have to be a writer to create a good story all you need is heart and passion:)) sa ating muling pagkikita Fugi! no goodbyes just see you soon:))

Zildjian said...

Maraming salamat din sayo Fugi sa pagbabahagi mo nang kwento mo sa blog ko. Naway dumami pa ang readers mo at syempre dumami rin ang kwento mo. :)


Tungkol naman sa pagkakalat mo, hindi naman gano'n ang iniisip ko. Ayos lang sa akin iyon. Good luck and it was nice having you as one of my contributors :D

ChuChi said...

SARAH!!

NASAAN KA BA!?!?!

ANG MGA ALIPORES AALIS NA!!!

IIWAN NA TAYO!!!

WALA PA TAYONG RESBAK!

hahahaha!!

we will miss you fugi!!

tc always!

- ChuChi -

Lawfer said...

ending na? o.o d nga? seryoso tpos na? o.o
nkakainis ka naman eh! d q ineexpect na mgtatapos na -_- pnu c anton? gnun nlang un? haiz my golai bitin aq pramis, anglawak pa ng ineexpect q eh :(

but anyway, good ending xa so ok na dn...peo bitin tlaga aq! >_>

Anonymous said...

sarah n anton sa book 2

ipasok ang mga kontrabida :))

youcancallmeJM said...

Hello Fugi :]
talagang ending na nitong story mo?
HAAAAY! MORE! MORE! MORE!

can't wait for your next stories...
Great Job!

JM

Jamespottt said...

Kababayan! bakit! honestly(wow! englishg) nabitin ako! kala ko joke lang yung naka bold letters na "Ian, IKAW ANG AKING PANGRAP"
Yun pala totoo.
Baka sa book 2 magbbe-break sila! haha. joke!

Pero seriously, i enjoyed reading this.

Anonymous said...

WOW! thank you very much FUGI sa story mo! its so inspiring! hehe SANA may BOOK 2! HEHEHE GOD bless always FUGI! may you be humble as always!'

-lei

Unknown said...

whew!.. nice work, uno na yan.. :p

mabruk!!!

Jace said...

sobrang nakakakilig yung ending.. Gumana nanaman yung imagination ko..

Thanks Fugi sa story mo and alam mo bang kaabang abang ang book 2 kasi kasi naman nawala sa eksena si anthony at yung kuya ni Ian.. Pati na yung girl nilang classmate..(forgot the name eh! Kasi kasi naman! XD)

Next story na! XD

Jace said...

sobrang nakakakilig yung ending.. Gumana nanaman yung imagination ko..

Thanks Fugi sa story mo and alam mo bang kaabang abang ang book 2 kasi kasi naman nawala sa eksena si anthony at yung kuya ni Ian.. Pati na yung girl nilang classmate..(forgot the name eh! Kasi kasi naman! XD)

Next story na! XD

JD Javra said...

PRESENT!!!! hahahaha,., ngulat aq,.,akla ko kung ano ung fin,.,haha,., parang nkulangan aq sa story,., pno nlang s parents ni ian,.payag ba sila, sa kuya nia, wala ba siang gus2 kay fugi., at pano si anthony,.,hahahaha.,.,alam ko ngparaya na sia,.pero wala mn lang siang nging love team,.,dpat sila nlang ng kuya ni ian,.., hahaha,.,gnda ng story na to!!!! ,.,hahaha

Luis said...

PRESENT!!!!! Muahaha!!!
Huhuhuhuhu naiyak naman ako ng mabasa ko ang: "fin........."

Awwwwww!!!! Ano ba Fugi?!?!?! pinutol mo na ang kaligayahan naming mga nagmamahal na sa inyon Fugi-Ian-Anthony-Angel?!?!?! Teka si koya Seph pa pala!!! Promise mo yan ha? Book 2 ng IAAP aabangan namin sa blog mo! Sana doon ma-tackle na mga situation sa side ng family ni Ian and mga obstacles sa ganyang relationship... Basta! ma-miss ko ka-cute-an mo Fugi! I have faith in you, that you will be back with a bang :D alabya!

Anonymous said...

here..hehe,

_pol143/sr143

foxriver said...

i was not expecting that ending.....but i could not ask for more. I love it, its simple, uncomplicated(read: sarah) alam mo ang ibig kong sabihin fugi, and very sweet. A very excellent job for a first novel Fugi. Now i am a fugi adddict hehhe. Waiting for book 2. God bless and love you.

Anonymous said...

wow naman kasali pdn pla aq,.kht mdyo mtagal aq nawala sa sirkulasyon,hehe,.

super ganda..nag readingthon
(reading marathon)parang pag sa movie..hehe para mkgawa lng dn ng sarling word lyk you..kakainlove tlga kwnto nina ian at fugi..can't wait for ur new story.,

godbless and takecare..:)

-niccolo'25-

Anonymous said...

Galing2 sobra talaga!!!! Kakainlove. ALam mo yun, basta ang ganda ng story!!! :))))

-Bijan

slushe.love said...

I must admit, i am pretty sad that this book is over. but i am looking forward for the 2nd book. :) YAY! Kudos to your FUGI! :)

Xian said...

hi hahah question bat di sila nagpunta sa magulang ni ian.... .. tangaap ba? sila ng nanay ni ian

Anonymous said...

haha, ngayon ko lang ito nabasa at relate na relate ako sa mga lugar..di ko inexpect na sa batangas city ang setting nito..lol, as in naiimagine ko at alam na alam ko bawat lugar na sinabi mo author except sa LPU kasi di naman ako dun pumasok pero alam ko naman yung school pati SM at calumpang..taga SAN _N_ _ N_ O ka ba author? kabarangay ko si Ian eh..hmm, teka, san sya dito? at sino sya???? nacurious ako bigla..taga-ilaya ba, cluster sa may first gas, ilagan road, mendoza road, velasquez, sta fe,sa may brgy hall, marasigan, 21 jump st, salvador, dimacuha, tambobong or sa may complex or sa hnd ko nabanggit along the road?san yung kanto na yun?????haha..natutuwa talaga ako.

anyway, galing ng story. I have observed how you improve your writings sa bawat chapter. sorry, ngayon lang ako nakakabasa ng mga stories talaga dahil ngayon lang may time. tsk, i have all my time as a fresh grad at naghihintay para makapag-board exam..may iba ka pa bang stories and/or sariling blogsite? thank you for sharing your talent :) keep it up.

-rain

LYRON SANTOS said...

wow!im speechless.. pero bitin! hehehehe

Alfred of T.O said...

Better late than never...Very nice story...Thanks Mr Author

Anonymous said...

Kuya Fugi..Complete na ba Book 2 nito??

Post a Comment