Friday, April 20, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 47)


By: FUGI

---->Nais ko munang magpasalamat sa mga nagpaabot ng kanilang condolences, salamat po talaga.....

---->At nais ko din sabihin na namiss ko kayong lahat, mahal ko kayong lahat

---->Pasensya muna po kung hindi ko kayo maiisa isa sa pero lubos akong nagpapasalamat sa mga komentong iniiwan nyo.. TY talaga!

---->Nais ko lang mag HI sa mga bagong nagkokomento na sina dynamicdreamz, lei, Swagger09

--->At sa mga nagbibigay ng FB account nila, hinahanap ko po kayo pero error po ang lumalabas ih! Hindi ba mali ang natype nyo?

@ doon sa ANONYMOUS na nagtatanong kung sino daw kaka?, bakit po... hala baka... hala.. hahahaha.. secret walang clue.. hehe

@ sa mga Lihim na tagasubaybay... TY PO!

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento





Sa mga pagkakataon tulad ng pinagdadaanan ko, tama nga si mama kailangan ko ng oras para sa sarili ko, para makapag-isip, maanalisa ang mga nangyari sa pagitan namin ni ian, kung bakit nagkaganoon, bakit kami humantong sa ganitong sitwasyon, bakit ganito, bakit ganoon etc... pero magkaganoon man sa ilang araw kong pagbibigay ng panahon sa sarili ko nakapagdesisyon na akong pakawalan na ang nararamdaman ko para sa kanya, palayain ang sarili ko mula doon at ibalik sa dati ang buhay ko, na wala sya sa pahina nito, na walang naging kami, walang fugi at ian at yung love sa pagitan namin dalawa... pero.....pero sana, sana lang mapanindigan ko iyon sa pagkakataong pagtagpuin muli ang landas namin, sana lang:(

Sa panahong ding nakikibaka ako sa sarili kung nararamdaman ay nagpapasalamat ako sa aking pamilya, sobrang laki ng naitulong nila para mabawasan paunti unti ang bigat sa aking dibdib na sa pamamagitan ng love, care and support nila baka hindi na ako nakausad pasulong at na-stock na lang ako doon sa moment na iyon, na siguro masasabi kong lowest point ng buhay ko

.........

Araw ng biyernes ng hapon habang nasa kwarto ako kasama si angel at john bilang naglalaro kami ng snakes n’ ladder (tama po ang nabasa nyo, isa ito sa nagpasaya sa akin, ang mga larong pambata na pakana nilang dalawa na hindi ko alam kung tinuruan ba sila ni mama na aliwin ako o kusa lang din nilang nararamdaman ang dinadala ko kaya parati nilang iniinvade ang kwarto ko para ayain maglaro ng kung anu-ano, na naging bonding time na naming tatlo habang hindi muna ako pumapasok), pumasok si mama sa kwarto ko at...

“anak, may bisita ka sa baba” mahinahon sabi mama habang mataman na nakatingin sa akin

Ako: si...sino po ma? (nag-aalangan kong naitanong at isang matipid na ngiti ang itinuran nito sa akin na parang nangangahulugan na ako na ang bahalang umalam kung sino iyon)

Agad naman akong tumayo para puntahan na ang unexpected visitor kong iyon at nang malapit ko nang matunton ang pintuan palabas ng kwarto ko ay bigla uling nagsalita si mama

“hep hep, mga bata balik sa kama at ako muna ang papalit sa kuya at tito ninong” nasabi nito kena john at angel na hindi ko namalayan na susunod sa akin pababa para alamin din ata ang taong nandudoon

At nang mapabaling ako sa kanila ay ipinagpatuloy na nga nila ang laro at napangiti na lang ako kay mama, the best talaga sya:)

Tinungo ko na ang hagdan at bumaba na, at sa pagtapak ko sa mga baitan pababa at unti unting dumadaloy sa aking sistema ang kaba, kakaibang kaba para sa taong mabubungaran ko sa baba ng aming bahay

At tumambag sa aking harapan si...... si Anthony at sa pagkakakita ko sa kanya ay bumalik sa aking gunita ang ginawa nitong paghalik at ang mga sinabi nitong isa sa mga nagpapagulo rin ng aking isipan sa mga nagdaang araw


---o0o---o0o===o0o---o0o---


And I would do anyhting for love
I'll run right into hell and back
I woul do anything for love
I'll never lie to you and that's a fact
But I'll never forget the way you feel right now
Oh no no way

I would do anything for love
I would do anything for love
I would do anything for love
But I won't do that
++++++++

Alam kong maling idahilan ko na “mahal na mahal ko si fugi kaya ko nagawa ang bagay na iyon”, pero iyon at iyon lang ang masasabi ko kung bakit ko nagawang kausapin si ian para hilingin na layuan nya na si fugi at para mabigyan ng pagkakataon ang pag-ibig ko sa kanya, kasi siya lang ang pangalawang tao bukod sa mama ko ang nagbigay at nagparamdam ng kakaibang kasiyahan na hindi ko nahanap sa past relationships ko, na pagkasama ko lang sya, pag nasa tabi ko lang si fugi kuntento na ako, na pagnakikita ko syang ngumingiti, hindi lang mga labi ko ang ngumingiti pati puso ako ngumingiti din, na sya lang ang nakagawang pabilisin ang ritmo ng aking puso sa tuwing magkakalapit ang aming katawan at mukha at higit sa lahat sa kanya lang sinabi ng puso ko ang salitang “mahal kita”

Pero wrong move pala kasi dahil sa ginawa kung iyon sobra sobra syang nasaktan at saksi ako doon, ang lungkot, sakit na dala ng pag-iyak niya noong araw na ginawa ni ian ang pabor na hinihingi ko sa kanya, ang makita sya sa ganoon lagay ay halos biyakin ang aking puso, mas doble pala ang sakit na idudulot niyon sa akin, at sa puntong iyon narealize ko na MAS, na mas mabuti palang makita ang taong mahal natin na masaya, totoong masaya sa piling ng iba at maging masaya para sa kanilang dalawa, kaysa pilitin nating angkinin ang taong iyon, at ikulong sa pag-ibig na kahit kailan hindi nya masusuklian, na kahit anong gawin mong pilit walang mangyayari, walang patutunguhan, na ang kahihinatnan lang sa huli ay ang pagkakasakitan ng mga taong involve sa pagmamahal na iyon at gagawin lang nitong miserable ang buhay ng bawat isa 

At nang ipagpilitan ko ang pagmamahal ko kay fugi at subukang angkinin ito sa pamamagitan ng paghalik ko sa kanya ay isa lang ang napatunayan ko, na hindi ang taong magpapasaya sa kanya, masakit man aminin, natalo ako:[

At ngayon nga panagdesisyunan ko nang itama ang mga mali kong nagawa, panahon na para ayusin ang lahat lahat

Ngayon nga ay nasa harapan ko na ang taong patuloy ko pa ring minamahal, at pinapangarap na sana, sana akin nalang sya pero hanggang doon na lang talaga kasi ang Love daw kusang nararamdaman at kusang ibinibigay, hindi hinihingi at lalong hindi ipinagpipilitan, nakakapanghinayang lang na hindi sa akin ipinagkaloob ni fugi ang puso nya, pero magkaganoon man ang makita syang masaya ang gusto kung mangyari sa puntong ito

 ---o0o---o0o===o0o---o0o---

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni anthony sa loob ng sasakyan nito, mararamdaman ang pagkailang na bumabalot sa amin dalawa siguro ay dahil sa mga nangyari sa pagitan namin,  wala akong ideya kung saan ako dadalhin nito pero ang alam ko lang magkakapaliwanagan kami sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa at yun ang dahilan ko kaya ako sumama sa kanya

Habang ang tingin ko ay nakapukol sa bintana at pinagmamasdan ang tanawin mula doon ay namalayan ko na lang ang nilikuan nitong daan makalampas ng lemery ay ang daan patagaytay, nanatili na lang tikom ang aking bibig ay hinayaan syang magmaneho ay tangayin ako kung saan mang lupalop ako nito dadalhin

At maya maya lang ay hinihinto na lang nito ang kotse nya sa tapat ng Fantasy World
Bumaba ito na sya ding dahilan para bumaba na rin ako, naglakad ito patungo sa kinatatayuan ko at sumandal ito sa kotse nya. Katahimikan ulit ang namayani sa amin habang parehas na kaming nakatingin sa napakalaking palasyong iyon

Maya maya pa ay si anthony na rin ang bumasag sa katahimikan na iyon at naramdaman kong sa akin na ito nakatingin

Anthony: kung may palasyo akong ganyan (nag-pause ito ng ilang sandali)... ikaw ang gusto kung kasamang manirahan doon at gagawin ko ang lahat para mapasaya ka 

At sa mga huling sinabi nito ay agad napukaw ang atensyon ko dahilan para mapaharap ako dito at makita ang mga emosyong nagpapahayag ng totoo nitong nararamdaman

“Anthony......” ang pabulong na nasabi ko na lang at kasabay noon ay napayuko na din ako

“Mahal kita, mahal na mahal” biglang nasabi nito na talaga naman nagpatahimik lang sa akin, hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, ang itutugon sa pagtatapat sya kaya nanatili na lang ako sa posisyon kung iyon

“at.... at so...sorry kasi iyon ang ginawa kong dahilan para gawin ang isang bagay na naging dahilan para masaktan ka ng labis labis” sa mga sinabi niyang ito ay naguluhan ako, nalito at nagtaka kaya tiningnan ko na ito at nakita ko sa mga mata nito ang sobrang kalungkutan, ang mga namumuong mga luha sa ilalim na bahagi ng mga mata nito

Ako: a...anong ibig mong sabihin? (nauutal utal kong naitanong at mababakas sa boses ko ang pagtataka)

Humarap na muli sya sa magandang tanawin sa harapan namin kasabay noon ay ang pagkusot nito sa kanyang mga mata para siguro ay mapigilan na sa pag-alapas ang mga namumuong luha doon at ang pag hinga ni nito ng malalim para makakuha ng lakas sa gagawin nitong pagtatapat at maya maya lang ay nagsimula na itong maglahad ng sinasabi nitong kasalanang nagawa

Simula sa kung paano umusbong yung kakaibang nararamdam niya sa akin, sa kung paano sya naiinis, nagagalit pagkasama ko si ian, ang kakaiba daw na koneksyon namin hanggang sa gumawa na sya ng hakbang at ito nga ay noong kausapin niya si ian at hilingin na layuan ako para mabigyang daan ang pag-ibig nya sa akin

Sa una ay nagalit ako sa pagkadinig ng mga sinabi niya pero base sa mga rason nito, yung mga rason na talaga naman pumukaw sa aking damdamin, natabunan yung sama ng loob na nararamdaman ko sa kanya kasi dahil doon madami syang napatunayan sa ginawa niya iyon, isa na dito ay SOBRA LANG NYA AKONG MAHAL KAYA NYA NAGAWA ANG MGA BAGAY NA IYONat naiintindihan ko sya sa bagay na iyon kasi lahat naman tayo gagawin ang lahat para sa pag-ibig, at... at higit sa lahat HINDI PALA SAPAT YUNG SINABI NI IAN SA AKIN NA MAHAL NYA AKO KASI HINDI NYA AKO NAPANINDIGAN SA MGA KATOTOHANANG IPINUKOL AT IPARA-REALIZE SA KANYA NI ANTHONY

Siguro tama lang na nangyari iyon kasi nagsilbe iyong test sa amin dalawa na dahil naging mahina ang isa sa amin hindi namin naipasa ang pagsusulit na iyon at napatunayan na, na sobrang fragile pala ng binubuo naming relasyon na ang daling masira, ang daling mabuwag at nangangahulugan lang ng isang bagay, ito ay ang HINDI NA DAW NAMIN ITO IPAGPATULOY:’(

At naiyak na lang ako sa naisip kong iyon na hindi nakaligtas kay anthony kaya agad nito akong kinabig payakap sa kanya

Anthony: so...sorry..... (pabulong na nitong nasabi na halatang nagka-crack na din ang boses senyales na naiiyak na din ito)

Ako: sshhhhhhhhh, wa...walang may ka..sa..la..nan (nasabi ko sa pagitan ng aking mga hikbi)

At naramdaman kung mas humigpit pa ang yakap nito sa akin at nagtagal kami sa ganoon posisyon hanggang sa mahimasmasan ako at ako na rin ang bumitaw sa yakapan na iyon

“tama na nga ito, masyado na tayong madrama” ang biro kong nasabi at nangiti na lang ito
Anthony: ano nang gagawin mo ngayon? Sa inyo ni ian? (nag-aalangan nitong pagtatanong)

Humarap ako dito ay nagpakawala ng matipid na ngiti

Ako: wala, siguro hanggang dito na lang kami (at katahimikan na naman ang bumalot sa pagitan namin)

Tahimik na lang naming pinagmasdan ang paligid, dinama ang malamig na ihip ng hangin at pagkalipas ng ilang sandali...

Anthony: pwede ko bang mayaya ka sa isang dinner date? (nakangiti itong nakaharap sa akin)

Ako: ang baduy mo naman (at nagiti na din ako, tumango sa kanya bilang pagpayag)

Dinala ako nito sa restaurant malapit doon. Napuno kami ng kwentuhan sa mga naganap noong hindi ako pumapasok at napag-alam kong hindi rin pala pumapasok si ian sa mga nagdaang araw na kinabahala ko rin kahit papaano, ang pag-aalala rin ni janine sa akin at sa report namin at buti na lang ay naitawid nya iyon kahit wala ako at ang sabi ng proof namin ay kausapin ko daw sya agad pagpasok ko para magawan ng paraan at magkagrade daw ako sa kanya, napuno din ng tawanan ang mga sandaling iyon at sa puntong iyon alam kong bumalik na kami sa dati, nawala na ang awkwardness sa pagitan namin at ngayon mas kampante na ako sa kanya kasi wala na kami itinatago sa isat isa

Medyo gabi na ng maihatid ako ni anthony, at ngayon nga ay nasa loob kami ng kotse nya na nasa tapat na ng bahay namin

Ako: hindi ka na ba papasok?

Anthony: hindi na, salamat nga pala at sorry ulit (mababakas ang pagiging sinsero nito sa mga sinabi nito)

Niyakap ko na lang ito bilang tugon sa mga sinabi niya at tumugon naman ito sa yakap kong iyon

Ako: sana ikaw na lang ang unang nakilala ko (ang naibulong ko sa kanya), pero lagi mong tatandaan hindi man tayo may special part ka sa puso ko at sana lagi ka lang sa tabi ko, walang magbabago at lagi lang din ako sa tabi mo pagkailangan mo ako (ang pagtatapat ko)

Anthony: hindi ako magbabago sayo at lagi lang ako sa tabi mo hanggat kailangan mo ako (pagtugon nito)

Ako: salamat, bestfriend?

Anthony: bestfriend forever and ever until the end (humahagikgik nitong bulong na dahilan para mapatawa ako)

Nang bibitiw na ako sa yakapan na iyon ay..

Anthony: five more minutes pa, ang sarap ih! (humahagikgik ito dahilan para tampalin ko ang likod nito)

Ako: anthony... (ang pagbababala ko dito na lalo lang nitong kinatawa)

Anthony: fugi favor naman...... (nahihiya nitong panimula)

Ako: ano na naman iyon, kinakabahan ako sa mga ganyan ganyan mo

Anthony: umo-o ka muna.. please.. please.. please..
Ako: oo na nga para....

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla ako nitong siniil ng halik, hindi ako nakakibo sa puntong iyon pero ramdam ko ang pag-iingat niya, banayad ang mga halik niya at hindi ko itatanggi na masarap iyon kaya naman hindi ko napigilan na hindi tugunan ang mga halik niya iyon

Pero magkaganoon man ay ako na rin ang kusang bumitiw ng lumalalim na ang halikang iyon at agad ko syang kinompronta

Ako: ikaw ha, bad, very bad... tsk tsk tsk (at nailing na lng ako)

Anthony: minsan lang naman (at humagikgik na naman ito ng nakakaloko)

Ako: sige na baba na ako baka halayin mo pa ako dito (biro ko na lang dito)

Anthony: masisisi mo ba ako kung magagawa ko iyon (pagsakay nito sa biro kong iyon)

Sinuntok ko na lang ito sa dibdib nya na ikinatawa lang ng loko at agad na akong bumaba sa sasakyan nito

Nagpaalamanan na at hinintay ko na lang na mawala sa paningin ko ang kotse nito bago ko napagpasyahang tumuloy na papasok sa amin

Sa madilim na bahagi para ng kalsada iyon ay may taong nakapailalim doon at nakita ang buong pangyayari

Ng akmang binubuksan ko na ang gate bigla bigla ay may humablot sa braso ko at kinabig ako paharap sa kanya at iniyakap sa kanya, alam na alam ko ang yakap na iyon at bigla na lang bumilis, bumulis ang tibok ng puso ko.............


Itutuloy.....................

20 comments:

Anonymous said...

C kuya seph?...hehehe


teddyRICHIE

Jay-ar said...

wah!to ang pinakagusto kong part!

James Chill said...

Fugi... Di ko alm.. Pero for me this chapter is kinda sad...

Chris said...

Si Ian :))) Ang ganda kuya! Salamat sa update :D

Anonymous said...

i always love every chapter of your story!
keep it up!
...
buti pa si fugi may love life... ako...
ang mga mechanical ventilator lang ang nagmamahal sa akin! ahaha....

-nursing graduate kana author? :]

++jm

--makki-- said...

This chapter explains it all.. cguro nga Ian and Fugi na nga.. In time... Anthony.. you will be much happier with someone else.. pero.. kung makapaghihintay yang puso mo.. bakit hindi di ba.. ayiiieee! naks! seryoso!

Galing talaga ni Fugi! :D

kiero143 said...

ayyiee....si ian ata yun....haist...sana naman kasi eh..wahahaha...kaw tlga ian..sinu ba nman kasi mahal mo...yung gf mo..o si fugi...hehehehe...next chapter na poh mr.author..

edzzz said...

the best fuji.... c ian un for sure. heheh yaan mo muna mag explain c ian... please fuji :)

robert_mendoza94@yahoo.com said...

hmmm, ganyan tlaga pag tapat at wagas magmahal, itatama ang mga maling ngawa para sa kaligayahan ng mahal. . . next chapter plzzzzzzzz.

Anonymous said...

si ian yon sigurado nagselos hehe=dereck=

Unknown said...

ayan na..!!!

love ko na c anthony, ambaet nman pala nia eh.. :P

c ian yan, cge naman na oh! c ian tlga ung yakap na un, nagcause ng SVT ke fugi.. :p

foxriver said...

Sad, but i admire Anthony's courage and realization on what he did, bravo..i am sensing a nearing end of this awesome story( now im sad). My fb account is foxriver0226@yahoo.

Jamespottt said...

kababayan! nice nice work. galing galing.
Maybe si Ian yun. Or should I say na si Ian yun! lols.
Add mo rin ako sa FB, Pwede? haha
James C. Rivera. thanks

Charlette Paul said...

This chapter shows na IA-GI talaga ang magwawagi. Okay lang yan pareng Anthony, andyan naman si Janine or si Seph. Haha. Anyway, mejo nasasad lang ako sa chapter nato and I don't know why. :/ May FB ka ba? Pa-add naman ako. charlette_fabian0920@yahoo.com Salamat. :)))

MARK13 said...

ok.nice chapter,nka2awa nman c anthony,xa n ang martir,hahaha

for sure c ian ang taong yumakap kay fugi.,dming emosyon ni2 s nxt chapter.

hehehe.ngaun lng uli nkapagcomment.,pxenxa n fugi mdami inackxo,nga pla anu pla fb mu ng maadd n kta or search and add me hirz my fb account: tama_guchee21@y.c.

gonna wait for d nxt chapter fugi,hehehe

Jan Carlo said...

Wahhh,.,ang ganda ng chapter na to..,..Sana yung taong yumakao kay Fugi ay si Ian ,.,sana mag kabalikan na sila.,.,Gooo TEAM FUGIAN AKOOOOOOOOOOOOO,,,salamat mr author keep it up,.GoodBless ,.morepowerss.,...

DownDLine said...

FUGI eto na naba ang iniintay ko sa next chapter o bibiguin mo na naman ako?? ahaha

Lloydie said...

Sinu na namng kyang epal yun .?? ayus na nga ee. tsk tsk tsk ..

Anonymous said...

Ian agad? Di ba pwedeng si angel munah? Wahahahah! Lol

slushe.love said...

Aw, siguro si Ian yon at narealize na nya na mahal nya talaga si Fuji. hihi :) LOVE IT!

Post a Comment