DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to any person,
place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material
that my rights are respected. Please do not copy or use this story in
any manner without my permission.
The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
______________________________
Against All Odds
“Prologue”
Nasa
harapan ako ng isang malaki at magandang building. Pinapanood ang
bawat labas masok ng mga tao doon, sinusundan ang bawat kilos ng mga
nakaputing nurse at mga naka puting coat na mga doktor. Iniisip kung
ano marahil ang tumatakbo sa kanilang isip, lalo na ang sa mga taong
tila balisa na pumapasok ng emergency room. Nagbuntong hininga ako.
“This is what I want. This is what I want to do.”
bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa venipuncture kit na daladala
ko, ang kit na kadalasang dala ng mga medtech students. Muli akong
tumingin sa building at napabuntong hininga.
“Uwi na ako.” sabi ko dito sabay tayo, nagulat naman siya sa bigla kong pamamaalam.
Tumingala ako, sa ibabaw ng malaking gusaling iyon ay
ang malaking buwan. Tila ba kapag tumayo ka sa bubungan ng ospital na
iyon ay maaabot mo na ito.
“Hey kid in white, do you mind?!” sigaw ng isang
lalaki sa aking likuran, tinapunan ko ito ng tingin sabay turo sa
sarili ko, nililinaw sa lalaki kung ako nga ba ang kinakausap niya.
“Oo, ikaw. You're blocking the view!” aroganteng
sabi nito. Sumimangot na lang ako saka tumabi ng konti. Nang hindi na
nagsalita ang lalaki ay tinapunan ko ulit ito ng tingin, abala ito sa
likod ng kaniyang canvass. Halos ang bonnet nalang nito ang kita ko
sa ibabaw ng canvass. Muli ko na lang ulit tinuon ang tingin ko sa
ospital at tinitigan ulit yun.
Nakapalumbaba ako at tinitignan parin ang matayog na
gusali ng ospital. Nangalay ako kaya't panandalian akong umupo sa may
bangketa. Pinapanood ko ang bawat taong naglalakad papasok at palabas
at ang mga taong simpleng nagdadaan lang sa harap nito. Nasa ganito
akong tagpo ng biglang parang magnanakaw na gumapang ang maitim na
ulap sa kalangitan na siyang dahandahan ding tumatakip sa buwan at
miyamiya pa ay nagdala ito ng ambon. Ambon pero may gapisong kalaki
na patak. Agad akong tumayo at tumalikod.
Agad ding bumulaga sa harapan ko ang malaking canvass
at ang susunod na tagpo ay isa sa pinakamatinding kahihiyan na gusto
ko mang kalimutan pero pilit na tumatak sa isipan ko.
00000oooo00000
“Hey kid are you ok?” tanong ng isang mama sakin,
nagsisimula ng dumalas ang patak ng ulan sa aking mukha pero sa
paligid ko ay malakas na ang buhos ng ulan. Nagadjust sa paligid ang
kabubukas lang na mata ko. Napansin kong may humaharang sa pagitan ko
at sa malakas na ulan. Sa pagitan ko at sa lalaking nakahawak sa kung
ano mang bagay na sumasangga samin sa malakas na ulan.
“Kaya mo na bang tumayo?” tanong nito sakin. Tumango
lang ako, inalalayan ako nitong tumayo. Nun ko na lang napansing puro
dumi na ang aking uniporme lalo na sa likurang bahagi nito.
“Sensya ka na, ako may kasalanan kung bakit ka natumba
kanina. Napasama ata ang bagsak mo.” sabi nito sakin nang maka
silong na kami sabay abot sa aking batok at kinapakapa iyon na tila
naghahanap ng bukol o sugat.
“So-sorry din.” nasabi ko na lang. Napatitig na kasi
ako sa mukha niya. Gwapo ito at siya rin yung aroganteng lalaki
kanina na nagpaisod sakin mula sa aking kinatatayuan.
“Wala bang masakit sayo?” nagaalalalang tanong nito
sakin, umiling lang ako kahit ang totoo ay nanghihina ako sa
pagkakabagok. Medyo lumayo na ito sakin at tinignan ang kaniyang
canvass. Napailing nalang ito. Basang basa na kasi ito pero sa aking
tingin ay maganda parin ang painting. Painting ito ng buwan, ng buwan
at isang lalaking nakaputi na nakaupo sa bangketa na nakapalumbaba.
“Ako ba yan?” tanong ko. Kumunot naman ang noo nito
sa aking tanong na yon. Di niya ako sinagot, patuloy parin siya sa
pagretoke ng nasirang painting.
“Suplado.” sabi ko sa sarili ko pero parang narinig
niya iyon at tinapunan ako ng masamang tingin.
“Sensya na, di lang talaga ako palasalita. Nathan nga
pala. Nate na lang.” pakilala nito, nginitian ko na lang ito saka
tumango at ng mapansing medyo tumila na ang ulan ay nagsimula na ako
maglakad pauwi. Medyo nakalayo na ako dito ng tawagin ulit ako nito.
“Hey kid!” tawag ng lalaking Nate ang pangalan
sakin, di ko kasi pinansin ang pagpapakilala nito at hindi ko
binanggit ang aking pangalan. Nilingon ko ito. Tila na ang ulan.
Kargakarga nito ang kaniyang canvass na may painting ko at ng
magandang buwan.
“Naiwan mo kikay kit mo.” sabi nito sakin sabay
ngisi.
“Hindi kikay kit yan.” sabi ko dito sabay abot ng
bag na may lamang mga testubes at syringes. Tumalikod na ulit ako at
itinuloy na lang ang paglalakad pauwi.
“Sino ngayon ang suplado sating dalawa?” bulalas
nito. Natigilan ulit ako. Tinignan ko ito ng masama. Umupo ulit ito
sa pinakamalapit na bench, di alintana maski basa pa iyon gawa ng
malakas na ulan kanina. Wala sa sarili akong tumabi dito. Inilatag
ulit nito ang canvass sa kaniyang harapan at sinimulang retokihin ang
nabasang painting.
“Aaron.” sabi ko sabay lahad ng kamay sa kaniya para
i-shake iyon. Ngumiti ito sakin sabay pinakita ang kamay na puno ng
pintura. Binawi ko na lang ang kamay ko at nagiba ang isip sa
pakikipagkamay dito.
“Nate.” ulit nito.
“Sensya na kung medyo suplado ang dating ko kanina
ah?” sabi nito sakin sabay labas ng kaniyang paintbrush.
“Ok lang.” sabi ko sabay tingin sa kaniyang
ginagawa. Habang lalo ko itong napagmamasdan ay lalo kong napapansin
ang kagandahan ng pagkakaguhit nito.
“The moon is beautiful tonight kaya ng mapadaan ako
dito agad akong bumaba para i-paint ito.” sabi niya maski di ko
naman tinatanong.
“Kuwang kuwa mo nga eh.” sabi ko dito.
“Salamat, kaso medyo nabasa siya kanina kaya medyo
humulas.” sabi nito sabay retoke ulit ng kaniyang painting.
Tumingin ito sakin sabay ngumiti.
“Ikaw, bakit ka nakapalumbaba sa bangketa? Saka ano ba
yung tinititigan mo?” tanong sakin nito. Itinuro ko ang malaking
gusali sa aming harapan.
“Iyan kasi ang stress remover ko saka ang motivator
ko.” makahulugan kong sabi habang parang nananaginip na nakatingin
sa gusaling asa harapan namin.
“Building?” tanong ulit nito sakin, halatang
pinipigilan ang mapatawa.
“Ospital yan, isa sa pinakamalaki at pinakakilalang
ospital dito sa Pilipinas. Pangarap namin ng kuya ko ang magtarbaho
diyan.” pagmamayabang ko.
“Ahhh..”
“Dyan ako magtatarbaho bilang doktor. Makikilala ako
diyan bilang isang magaling na Internist.” sabi ko.
“Eh pano naman naging stress remover and motivator?”
tanong nito sakin, di na siya ngayon nakaharap sa kaniyang canvass.
Nakaharap na siya ngayon sakin, tila ba interesadong interesado sa
sasabihin ko.
“Kasi I tend to quit whenever I'm feeling stressed
out. Kaya sa tuwing may mahirap na nangyayari sa school at kapag
naiisip kong magquit na sa pangarap ko humaharap ako diyan sa
building na yan at yang building na yan ang nagpapamukha sa akin
tungkol sa mga gusto kong makamit, thus, nawawala ang aking stress at
ang iniisip na pagqui-quit.” sabi ko dito. Tumango naman siya,
halatang kumbinsido na nagsasabi ako ng totoo at hindi nababaliw.
“Why not talk to someone? Alam ko nakaka relieve din
ng stress at sama ng loob once you talk about it to someone.” sabi
niya. Tumango ako.
“Yun nga ang problema ko pa eh. Walang pwedeng
sabihan. Walang pwede kausapin.” sabi ko sabay buntong hininga.
Idinaretso ko ulit ang tingin ko sa malaking gusali sa aking harapan
pero sa gilid ng aking paningin alam kong nakatingin sakin si Nate.
“I see.” mahinang sabi nito na miya mo nahihiya sa
nasabi. Nagbuntong hininga ulit ako, nakatitig parin siya sakin.
Nginitian ko lang ito, di ko alam kung bakit pero namula naman ito at
agad na ibinaba ang tingin sa kaniyang nireretokeng canvass.
“Uwi na ako.” sabi ko dito sabay tayo, nagulat naman siya sa bigla kong pamamaalam.
“Ah eh, si-sige. Sige. Ingat ka.” sabi nito sabay
ngumiti.
0000oooo0000
“Tay.” simula ko sa aking ama nang sumagot ito ng
telepono. Di na mapigilan ang lungkot at nalalapit na pagtulo ng
aking mga luha.
Kalalabas ko lang ng skwelahan at kakuwakuwa lang ng
aking mga classcards. Di ko akalaing bumagsak ako sa isa sa aking mga
major subjects. Isa nanamang disappointment sa aking mga magulang.
Tumigil ako sa harapan ng building na laging aking
pinapanood sa mga oras na tulad ng ganito, agad akong umupo sa
bangketa sa harapan nito, walang pakielam kung puno man ng dumi ang
bangketa na iyon at kahit pa naka puti akong uniporme, basta dapat
kong makita ng maayos ang building na ito. Ang aking Ospital na
pinapangarap na mapagtrabahuhan balang araw.
“Tay. Bagsak ako sa isa kong subject.” naituloy ko
narin sa wakas.
“Aaron, nagtratrabaho kaming mabuti ng inay mo para
mapagtapos ka, the least you can do is study hard.” sabi ng
tatay sa akin sa kabilang linya. Agad kong narinig ang disappointment
sa mga sinabi niyang yun.
“Alam ko, Tay, di lang talaga...”
“Anak, we're expecting you to do good there in
Manila, like your kuya.” putol sakin ng aking ama, napabuntong
hininga na lang ako.
“Ok, Tay, pagbubutihin ko sa susunod.” sabi ko na
lang at ibinababa na ang telepono.
“As if my parents needed more disappointment from
me.” sabi ko sa sarili ko habang nakatingala sa langit sabay
nagbuntong hininga.
“Tough day at school again Kiddo?” sabi ng isang
mama sa likod ko na halos ika talon ko at ikatakbo sa sobrang gulat.
Napangiti si Nate sa nakitang reaksyon sakin.
“Geez! Stalker much?!” sabi ko dito, humagalpak na
ito ng tawa.
“...and yes, tough day at school. You know, I can't
understand professors, they are telling us to do something for them
and when we don't meet their expectations, ibabagsak ka nila ng gnun
ganun na lang.” sabi ko ng walang preno dulot ng sobrang sama ng
loob sa nangyari sa school nung umagang yun.
“Ahhh, kaya pala nakapalumbaba ka nanamn dyan sa
harapan ng building mo.” sabi nito sakin.
“Eh ikaw, bakit nandito ka nanaman?” tanong ko dito.
Kumunot naman ang noo nito.
“I was actually wondering if you would be here.”
sabi nito habang inilalabas ang kaniyang canvass.
“Bakit naman?” tanong ko dito sabay lapit sa kaniya.
“Because I need someone to talk to.” sabi nito sabay
timpla ng mga kulay na gagamitin nito. Nagdalawang isip ako,
kailangan ko na kasing umuwi ng maaga dahil may aaralin pa akong
lesson. Marahil ay nakita nya ang aking pagaalangan.
“Please.” bulong nito, di ko alam pero parang may
kung anong pumitik sa aking puso. Parang kahit ano pang gagawin ko sa
bahay, babaliwalain ko para lang pagbigyan ang gusto ni Nate.
Parang di ko siya kayang tanggihan.
0000ooo0000
“So your brother comes home, and stole all the glory
from you? He sounds like a real asshole.” sabi ko sabay nguya ng
kabibili lang na kasuy. Nakaupo na ako ngayon sa tabi niya habang
kinukwento niya ang bagay na gusto niyang pagusapan namin.
“Half brother.” pagtatama nito sakin saka tuloy na
sa pagsasalita ng makuwa ko ang pinupunto niya.
“Well, wala rin naman akong masyadong mai-o-offer sa
mga magulang ko. I'm a struggling artist. Jason is a model and at the
same time studying Business Ad sa La Salle, samantalang ako fine
arts. Wala manlang akong panama don.” sabi nito, habang ipinapahid
ang kulay puti sa canvass niya.
“That's bullshit! Lahat ng magulang mahal ang mga anak
nila kahit ano pang pinili nilang gawin sa buhay. Talentless, nerd,
cleftlip, insomniac, anorexic o kung ano pa man yan walang magulang
ang hindi nagmamahal sa anak nila.” sabi ko dito, napalunok naman
ako sa sinabi kong iyon. Di ko kasi alam kung sino ang kinukumbinsi
ko, ang sarili ko o si Nate.
“Am I actually talking about my situation right
now?” tanong ko sa sarili ko ng maalala ang problema ko sa
aking mga magulang. Binigyan lang ako nito ng isang tingin saka
magiliw na ngumiti.
“I'm really glad na nagkausap tayo ngayon.” sabi
nito sakin habang inililigpit ang kaniyang canvass.
“No worries.” sabi ko dito sabay tingin sa orasan.
Nanlaki ang mata ko.
“Magaalasdose na pala! Hala patay ako nito.” sabi ko
saka nagmadaling tumalikod.
“Teka Aaron, hatid na kita.” sabi nito sakin.
Umiling na lang ako saka ngumiti.
“Sige na. Makabawi manlang ako sayo.” sabi ulit nito
sakin, may tono ng pagmamakaawa sa boses nito. Muli, di nanaman ako
naka-hindi.
Di ko inaasahang magiging ganito kasaya kasama si Nate,
isang asa tamang edad na pero kung umasta ay kala mo teenager parin,
nararamdaman ko na rin ang kwento sa likod ng itsura nito, marahil ay
astigin man ang tingin sa kaniya ng karamihan pero ang totoo ay
maypagka sensitive din ito, isang taong kailangan ng atensyon, isang
taong kailangan lang ng makakausap at makikinig sa kaniyang mga
hinaing.
0000oooo0000
“Ops. Di pa nga sabi pwedeng gumalaw eh.” sabi nito
sakin sabay pandidilat.
“Can't you just take a photo of me and then just copy
from the photo?” tanong ko dito sa sobrang pangangalay. Ginagawan
kasi ako ni Nate ng portrait, bilang ganti daw sa pagiging mabuti
kong kaibigan sa kaniya. Hinimas nito ang kaniyang balbas at nagisip
ng kaunti.
“Pwede din.” sabi nito sakin sabay kuwa ng kaniyang
digi cam at picture sakin. Agad naman akong umalis sa aking puwesto
at tinungo ang kaniyang ipinipinta.
“Ops!” sigaw nito sakin sabay harang sa kaniyang
drawing.
“C'mon, ilang buwan ko na ikaw pinapanood magpaint.
Anong pinagkaiba ng ngayon?” tanong ko dito.
“Simple lang. Ikaw kasi ang ginuguhit ko.” sabi nito
sakin, agad namang kumunot ang aking noo, kinurot lang ako nito sa
pisngi na miya mo nakatatandang kapatid na nacu-cute-an sa kaniyang
nakababatang kapatid.
“Pa-secret- secret pang nalalaman eh!” bulyaw ko
dito sabay tiklop ng aking mga kamay at pinatong saking dibdib.
Tumawa lang ito.
“Papakita ko sayo, sa isang kundisyon.” sabi nito,
lalong kumunot ang aking noo, ngumisi naman ng nakakaloko si Nate.
Dahan dahan itong lumapit sakin, nakangiting nakakaloko
parin, tila ba wala itong magandang pinaplano, agad naman akong
umatras. Natawa lalo si Nate sa aking ginawa. Tinignan ko na siya ng
masama.
“Anong pinaplano mo Nate?” tanong ko dito. Lalong
ngumisi si loko.
“Simple lang ang kapalit ng pagsilip mo sa painting
mo.” sabi nito sakin.
“A-ano?”
“Kiss.” sabi nito sabay ngumuso.
Di na bago ang biro ni Nate na ganito, para itong
nakatatandang kapatid na naglalambing, ilang beses na rin niya itong
ginagawang kundisyon at inisip kong biro lang ito sa kaniya. Agad
akong ngumiti ng nakakaloko at parang batang dinilaan ito.
“Ah ganun?! Humanda ka sakin!” sigaw nito at
nagsimula na akong habulin, agad narin akong tumakbo pero mali, di
nga pala ako yung tipo ng tao na tumatakbo, di ako yung tipo ng tao
na sporty dahil ako yung tipo ng tao na lampa.
Sa di nakapagtatakang pangyayari, sumabit ang aking paa
sa isang kurdon na siya namang ikinabuwal ko, swerte ko na lang at
andun si Nate at nasalo ako nito bago tuluyang bumagsak ang aking
katawan sa malamig na sahig, agad ako nitong inalalayan patayo.
Hinihingal akong humarap dito, agad na nagtama ang aming tingin at
nagkatawanan sa aking katangahan.
Nang humupa na ang aming pagtawa ay naiwan kaming
nakatitig sa isa't isa. Tila ba may sariling isip ang dibdib at kusa
itong tumibok sa isang ritmong di pa nito itinibok. Agad naglaho ang
huling bakas ng pagtatawanan sa mga mukha namin ni Nate at naiwan ang
seryosong pagsusuri namin sa mukha ng isa't isa.
Nakatitig ako sa maamong mukha nito habang magkalapit
parin ang aming mga katawan.
Tila lahat ng ingay na nanggagaling sa kalsada sa labas
ay nawala. Muling nagflash sa unahan ko ang mga bawat sandaling
magkasama kami ni Nate. Ang ilang buwan naming pagtambay at paguusap
ay bumabalik sa akin.
Lalong bumilis ang pagtibok ng aking dibdib.
Dahandahang lumapit sakin si Nate, nakatitig parin siya sa aking mga
mata naglapat na ang aming labi at ang aming mga katawan. Naramdaman
ko ang pagtibok ng kaniyang dibdib. Ang ritmo nito ay pareho ng sa
pagtibok ng aking puso.
0000oooo0000
Tinitignan
ko si Nate ng masama, asa loob kami ng isang fastfood chain.
Pinipilit nitong ipaubos sakin ang in-order niyang isang large fries.
Hawak hawak niya ito at iwinawagayway sa aking mukha.
“Isa na lang.” sabi nito saka ngumiti.
“Ayoko na, bundat na bundat na ako, oh.” sabi ko
dito.
“Saka bumabawi ka lang eh!” habol ko pa. Itinaas
nito ang kaniyang kaliwang kilay.
“At bakit ko naman kialangang bumawi sayo?” tanong
nito sabay sapal ng fries na hawak nito sa aking bibig. Nginuya ko na
lang ito bago nagsalita.
“Kasi sabi mo, dadating ka on time tas biglang
malelate ka ng kinse minutos? Para kaya akong tanga kanina.” sabi
ko dito sabay nguso. Binigyan lang ako nito ng magiliw na ngiti.
“Eh ano ngayon kung bumabawi nga lang ako? Saka kaya
lang naman ako na-late kasi may kinausap ako sa terminal ng bus eh.”
sabi nito sakin sabay subo nanaman ng isa pang fries.
“Terminal ng bus? Bakit? San ka pupunta?” tanong ko
dito.
“Basta!” sabi nito sabay ngiti at sabay sapal pa ng
isang fries sa aking bibig.
0000oooo0000
“Aray!” sabi nito ng hampasin ko ang braso niya.
“Tarantado ka talaga! Sabi ko na sayong ayaw na ayaw
ko ng mga supresa eh!” sabi ko dito sabay lakad palayo. Niyakap
lang ako nito mula sa likod.
“Happy Anniversary.” bulong nito sakin.
Di ko talaga iyon inaasahan lalo na't ang akala kong
celebration ng aming anniversary ay ang kanina lang sa fastfood,
matapos kasing kumain ay agad ako nitong hinila papunta sa terminal
ng bus. Muli ako nitong hinila paharap sa dalampasigan.
“Nasabi mo sakin na gustong gusto mo dati ang
nagsusurf kasama kuya mo.” pabulong nitong sabi sakin, pareho
kaming nakaharap sa dagat, siya ay nasa likod ko at nakayakap.
Tumango ako bilang pagsangayon sa sinabi niya.
“Gusto mo pa bang mag-surf ulit?” tanong nito sakin.
Tumango ulit ako.
“Good. Nag-rent ako. Turuan mo ako ah, mukhang maganda
ang hampas ng alon ngayon eh.” sabi nito sakin sabay kindat.
Humarap ako dito at masuyo siyang tinignan ng daretso sa mata.
Pinagmasdan ko ulit ang mukha nito, napaka amo lalong
lalo na ang mga mata na kala mo laging nakikiusap, mapupula at tama
lang na kapal ng mga labi, matangos na ilong, maputi at makinis na
balat. Di ko mapigilang lalong mahulog ang loob sa taong ito.
“Makatitig ka naman.” bulong nito habang dahan
dahang inilalapit ang kaniyang mga labi saking mga labi.
0000oooo0000
“Madali lang. Parang bike lang din, kailangan lang
maganda ang balance mo.” turo ko dito habang pareho na kami ngayong
nakatopless at tanging boardshorts lang ang suot at ang nakataling
surf board sa aming isang paa ang kasama namin sa gitna ng dagat.
“Sige try natin. Ayan, mukhang may magandang alon.”
sabi ko dito sabay turo. Agad naman itong ngumiti, parang isang
batang sabik makatanggap ng candy.
Ilang subok pa at nakuwa na ni Nate ang basics sa
surfing.
“Madaling maka pick up si loko, sabagay ganyan
naman talaga ang mga artist.” sabi ko sa sarili ko, habang
nakadapa lang lami sa aming mga surfboards at hinahayaang anurin ng
alon. Nakatingin kami sa lumulubog na araw.
“Ganda. Parang nagtatago yung araw sa dagat.” sabi
nito sakin habang magkahawak ang kamay namin.
“Nakaka relax. Parang ang nakakawala ng problema.”
sabi ko. Tumango sa tabi ko si Nate.
“Pwede ko tong gawin habang buhay.” sabi niya.
Napatawa naman ako.
“At siyempre ako ang dapat mong pasalamatan dahil may
naituro ako sayo na pwede mong gamitin sa iba mo pang mga dine-date.”
pangaalaska ko dito. Tinignan ako nito ng masama.
“Di ah, gusto ko sa habang buhay kong ginagawa ang
ganito, gusto ko ikaw lang ang lagi kong kasama.” sabi nito.
Napangiti naman ako at biglang kinilig ng higpitan niya ang
pagkakahawak sa aking kamay.
“Sigurado ka ba diyan?” tanong ko sa kaniya.
“Siguradong sigurado!” sabi nito sabay ngisi.
“Isigaw mo nga sa buong sangkaragatan.” sabi ko
dito. Napatawa naman ito.
“Mahal na mahal kita, Aaron Mark Apacible!” sigaw
nito. Nagtamputanpuhan ako.
“Oh bakit ka sumimangot?” tanong nito.
“Hina kasi, di yun maririnig ng sangkaragatan.” sabi
ko na may himig pagtatampo.
“Ah ganun ba?” tanong nito. Tumango lang ako.
“Sige saglit.” huminga ito ng malalim. Di parin kami
natayo sa aming mga surfing board at magkahawak parin ang aming mga
kamay. Kalahati na ng araw ang nakalubog at nagsisimula ng maging
kulay orange ang kalangitan. Tahimik at payapa parin ang paligid,
tanging alon lang na magiliw na nahampas sa dalampasigan ang aming
naririnig.
“MAHAL NA MAHAL KITA AARON APACIBLE!” sigaw ni
Nathan sa tabi ko.
“Mahal din kita Nathan Cruz.” sabi ko, mahina lang
pero sinsero. Ngumiti si Nate ng marinig ito.
“Sigurado ka?” tanong nito sakin.
“Siguradong sigurado!” sabi ko. Hinila ako nito sa
batok na siya namang ikinahulog ko sa board ko, di pa ito nagkasya
dun at inilublob pa niya ako pabalik sa ilalim ng tubig ng makaahon
ako. Nang muli akong maka ahon ay siya naman ang nagpakahulog sa
kaniyang board, ngayon pareho na kaming asa tubig.
“Ngayon sigurado ka pa ba?” tanong ulit nito sakin.
“Di lang maalat na tubig ang kailangan para
makapagpabago ng nararamdaman ko sayo.” sabi ko dito, ngumiti ulit
ito. Ngayon ako naman ang humawak sa batok niya at hinila siya
pailalim ng tubig. Duon inilapat ko ang mga labi ko sa labi niya,
para kaming mga sireno o shokoy na naghahalikan sa ilalim ng dagat.
0000oooo0000
Humihingal kong ibinagsak ang aking sarili sa kama sa
tabi ni Nathan. Napakasaya ng mga sandaling iyon para sakin.
Patagilid na humarap sakin si Nate, nakangiting aso ito.
“Ngayong magkakababy na tayo, kailan mo ako
ipakikilala sa mga magulang mo?” nangaasar na tanong nito sakin
sabay himas sa aking tiyan na miya mo ako babaeng nagdadalang tao.
Tumahimik lang ako. Di ako natuwa sa biro niyang iyon.
Di ko ito inaasahan sa kaniya. Masyado akong masaya sa
piling niya na hindi ko na naisip ang tungkol sa aming mga magulang.
Sooner or later ay ipapakilala nga namin ang isa't isa sa aming mga
pamilya, pero di ko ko sure na magandang ideya ba yun. Isa nanaman
itong disappointment na aking iuuwi para sa aking mga magulang.
Nagbuntong hininga ako, alam kong napansin ni Nate ang aking
pagaalala.
“Alam mo naman na kailangan din nating sabihin itong
relasyon natin sa ating mga magulang diba?” seryosong tanong ni
Nathan sakin, tumango lang ako.
“Siguro pag pareho na lang tayong handa, Nate, di pa
ako handa eh.” matipid kong sabi dito at naintindihan naman ito ni
Nate.
0000oooo0000
Tumagal pa ng isang taon ang aming pagsasama, masaya at
puno rin ito ng pagsubok pero nakaya namin lahat ng iyon. Masaya ako
sa aming relasyon ni Nate at alam kong masaya rin siya tungkol dito,
pero paminsanminsan parin itong nangungulit tungkol sa pagamin namin
sa aming relasyon sa aming mga magulang.
“Nagsasawa ka na ba sa palihim na paglabas natin at sa
mga pagtatago natin?” tanong ko dito, tumango lang siya. Tama ako,
alam ko kung bakit biglang natahimik si Nate habang sabay kaming
kumakain.
“Nate, kung sakali bang di tayo matanggap... kung di
ito matanggap ng ating mga magulang, ipaglalaban mo parin ito?”
tanong ko dito, agad itong nagangat ng tingin at sinalubong ang aking
mga mata.
“Oo naman. Mahal na mahal kita, Aaron. Di kita iiwan,
kahit kailan.” sabi nito sakin. Tumango lang ako.
0000oooo0000
“Happy
2nd
Anniversary!” bati ni Nathan sakin habang sinasanay ko pa ang aking
mga mata sa liwanag ng paligid. Napagpasyahan kasi naming mamasyal
malapit sa dulo ng lungsod at salubungin ang aming anniversary sa
ibabaw ng isang burol kung saan kitang kita ang nagkikinangan na ilaw
ng lugsod sa ibaba.
“Happy Anniversary.” bati ko dito at mariin siyang
hinalikan sa labi.
“Ready for my gift?” tanong nito sakin, tumango lang
ako at excited na ngumiti.
“Wait for it. Wait for it.” sabi nito sakin habang
tinataas ang laylayan ng kaniyang jeans hanggang tuhod. Napakunot
naman ang noo ko agad itong tumayo patalikod sakin at doon ko nakita
ang kaniyang regalo sakin, sa likod ng kaniyang magkabilang binti ay
kitang kita ang dalwang tato sa parehong paa, kasing laki ito ng
puwet ng 1.5 na bote coke.
“Gago ka!” sigaw ko dito, agad naman itong
sumimangot.
“Di mo nagustuhan?” nanlalaking mata na tanong nito
sakin, marahil di niya inaasahan ang aking magiging reaksyon.
“Sinong may sabi sayong magpatato ka?!” sigaw ko
dito sabay kuwa ng isang bimpo at kinuskos ito sa kaniyang binti.
“Permanent yan.” mahinang sabi nito, nagbuntong
hininga ako sabay yumakap sa kaniya. Nagsimula na akong humikbi.
“Shhh. Bakit ka umiiyak, kiddo?” tanong nito sakin.
“Ayaw ko kasing binababoy mo ang sarili mo para sakin
eh.” sabi ko dito, napatawa naman siya.
“Ang ganda ganda ng tato eh.” sabi nito at
pinipigilan parin ang sarili sa paghagikgik. Tinignan kong muli ng
tato.
Isa itong cartoon character, isang character mula sa
pelikulang ice age, yung squirrel na wala ng ginawa kundi ang habulin
ang acorn, ito ang tampok sa tato na iyon ni Nate, ang mukha ng
squirrel sa likod ng kaniyang kanang binti at ang acorn naman sa
likod ng kaliwang binti. Napangiti ako ng mapagmasdan ko ito.
“Ngayon ngingitingiti ka diyan!” sabi ni Nate sakin.
Inabot ko ang kaliwang binti nito.
“I don't remember an acorn with my name written on it
sa pelikulang Ice Age?” tanong ko dito. Napatawa naman ito.
“Tama na sa regalo ko, asan ang regalo mo? Hmmm?!”
tanong nito sakin, napangiti naman ako.
“Dalin mo ako sa parents mo at malalaman mo kung anong
regalo ko.” sabi ko dito, bahagyang nagtaka si Nate at ng maisip
nito ang aking ibigsabihin ay agad itong ngumiti.
0000oooo0000
“S-sigurado ko na ba dito?” tanong ko kay Nate na
mukhang natatakot din sa aming gagawin.
Nasa harapan kami ngayon ng kanilang bahay. Ngayon na
ang napagusapan naming araw kung saan ipapakilala niya ako sa
kaniyang mga magulang at half brother.
“Kung di natin ito gagawin ngayon kailan pa?” tanong
niya. Tumango lang ako.
Malaki at maganda ang bahay nila Nathan, may magandang
bakuran at magagandang halaman dito. Sa kabila ng ganda na aking
nakikita ay di ko parin maitago ang kaba, marahil ay napansin ito ni
Nathan kaya't hinawakan nito ang aking kamay.
“Wag kang magalala, dito lang ako.” bulong niya
sakin saka niya hinila ang aking kamay palapit sa kaniyang bibig.
Nilapatan niya lang iyon ng isang masuyong halik.
Agad na binuksan ni Nathan ang front door ng kanilang
malaking bahay. Ngayon, wala na talagang paglagyan ang aking kaba.
Agad kaming sinalubong ng mga magulang ni Nate may ngiti sa kanilang
mga labi pero ng maidako ang tingin sakin ay unti unting nabura iyon.
Inilagpas nila ang tingin sa akin at tumingin sa may
pinto direkta sa likod namin ni Nathan, marahil ay nagiintay ng iba
pang tao na maaaring kasama namin.
“Ma, Tito. This is Aaron, my boyfriend.” pakilala ni
Nathan samin.
Tahimik.
Agad na binawi ng kaniyang mga magulang ang tingin
samin at sa mga kamay naming magkahawak. Ibinalik ng mga ito ang mga
ngiti sa kanilang mukha pero halatang peke na ito. Narinig ko ang
pagbagsak ng isang pinto sa pangalawang palapag, nang ibalik ko ang
tingin ko sa mga magulang ni Nathan ay magkayakap na ang mga ito.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Nate, nakatingala ito.
“Andito pala si Jason.” pabulong na sabi nito habang
nakatingin parin sa ikalawang palapag kung saan bumagsak ang pinto na
lumikha kanina ng ingay. Idinaretso na ulit nito ang tingin at
binigyan ng nakakalokong ngiti ang kaniyang mga magulang.
“Di pa ba tayo kakain?” tanong ni Nate sa kaniyang
mga magulang.
0000oooo0000
“Whew! That was awkward.” sabi ni Nate nang
makalabas na kami ng kanilang bahay. Tumango lang ako bilang
pagsangayon.
Naging ok naman ang pagamin namin sa kaniyang mga
magulang, Tito at Tita pa ng ang gusto nilang itawag ko sa kanila,
pero sa kabila noon ay ramdam ko parin ang kanilang pagiging malamig,
hindi man samin ni Nate marahil ay dahil sa sitwasyon. Dahil sa aming
piniling sitwasyon.
“So, anong tingin mo kay Mom and Tito?” tanong nito
sakin.
“They're ok. Your dad...”
“Di ko siya tatay, tito ko lang siya.” pagtatama
sakin ni Nate, agad naman akong bumawi.
“You're Tito is quiet, though. But your Mom is ok. I
think it's your Mom who is head of the family, not your tito.”
walang preno kong sabi dito, agad ko itong tinignan, natakot na baka
na-offend ko siya sa aking kadaldalang sinabi. Pero tumawa lang ito.
“See, nakilala mo na agad ang family ko. I believe,
naging ok naman lahat samin diba? Dapat pala matagal na natin tong
ginawa.” sabi ni Nate, agad namang nabura ang ngiti sa aking mukha
sa huli niyang sinabi.
“I wish I could say the same for my parents.” mahina
kong sabi, agad namang hinawakan ni Nate ang aking mga kamay bilang
pagpapakita ng kaniyang suporta sakin.
0000oooo0000
Agad na bumalot ang katahimikan sa pagitan ko at ng
aking mga magulang. Asa sala kami ngayon ng aming bahay, kasasabi ko
lang ng tungkol saming relasyon ni Nate, halatang halata sa mukha ng
aking ina ang gulat. Sa mukha naman ng aking ama ang galit.
“No! Di ako papayag!” naibulalas ng aking ama
pagkatapos ang mahabang pananahimik.
Inaasahan ko na na ganun ang magiging reaksyon ng aking
mga magulang, di na bago ito sa kanila. Narining na nila ito sa aking
kuya, ilang taon na ang nakakalipas. Una na silang nasaktan ng aking
kuya sa pagamin nitong siya ay bading at siya ay may karelasyon, pero
dahil ang kuya ko ang matalino, ang sports fanatic and basically the
dream son ng aking mga magulang ay pinilit nila itong intindihin.
Pero di ako ang dream son, hindi ako ang sports
fanatic, hindi ako ang matalino. Ako ang disappointment, ako ang
sablay. Mapipilit din kaya nilang ang intindihin sitwasyon ko tulad
ng sa aking kuya? Hindi. Alam ko hindi. Agad akong nagbuntong
hininga.
Alam kong kahit anong mangyari, kailangan kong
ipaglaban ang meron kami ni Nate. Alam kong kailangan ko ng
manindigan.
“Bakit nung si kuya...?” simula ko, nakita ko ang
reaksyon ni Nate, alam kong hindi niya alam ang tungkol sa
sekswalidad ng aking nakatatandang kapatid.
“Iba ang kuya mo...” simula ng aking ama.
“Bakit? Dahil paborito niyo siya?!” medyo napapataas
na ang aking boses sa sinabing iyon. Natahimik ang aking ama.
“Nagkamali kami noon sa iyong kuya.” singit ng aking
ina.
“Oo, kayo ang nagkamali, pero si Kuya? Sa kaniyang
nararamdaman? Hindi siya nagkamali. Ganun din ako, di ako nagkakamali
sa aking nararamdaman kay Nate.”
“Hindi ako papayag.” malamig, pero kalmado nang sabi
ng aking ama, pero sa kabila ng pagiging kalmado ng kaniyang sinabing
iyon ay lalo akong natakot. Alam ko kasing ito na ang hudyat na dapat
ay hindi na ako makipagtalo.
“Hindi ko bibitawan ang pagmamahal ko kay Nate.” may
paninindigan kong sabi.
“Kung ganon, maghanap ka na ng ibang matitirhan. Let's
just hope, Nate can pay for your tuition.” malamig ulit na sabi ng
aking ama. Tinignan ko ang aking ina, umaasang pipigilan nito ang
aking ama sa naisip, pero hindi, nagkamali ako, blangko ang mukha ng
aking ina, walang plano na pigilan ang aking ama.
“Fine.” sabi ko, tumayo ako at hinila na si Nathan
palabas ng bahay, malapit na kaming makalabas ng bahay ng sumigaw
ulit ang aking ama.
“Wag na wag mong ipapakita na nahihirapan ka, na
nagmamakaawa kang tulungan ka namin, wag na wag kang magpapakitang
nahingi ng tulong dyan sa boyfriend mo at wag na wag ka ring
magpapakita sa harapan ng bahay na ito ng walang napapatunayan sa
sarili mo at hangga't di mo napapatunayan na tama ang pagpili mong
magpakabakla, kasi sa oras na makita kitang nagkakaganoon. Tatawa
ako, pagtatawanan kita.” walang pusong sabi ng tatay ko. Nagsimula
ng tumulo ang aking luha, hinila ko na si Nate palabas.
0000oooo0000
Naduduling na ako sa kababasa ng aking notes,
pinagpatuloy ko ag aking pagaaral kahit na pinalayas na ako samin,
naghanap ako ng part time job kung saan pwede akong magtrabaho sa
gabi at magaral sa umaga. Nag crew ako sa isang fastfood chain, buti
na lang at isang sem na lang ay graduate na ako.
“Pahinga ka muna, kiddo.” awat sakin ni Nate nang
makitang kinukusot kusot ko na ang aking mga mata, nginitian ko lang
ito.
“I told you, di mo na kailanagn magtrabaho, Mom wants
to help you pay for your tuition.” sabi sakin ni Nate. Ilang beses
na naming napagusapan ito, at hindi parin ang sagot ko, madalas ang
diskusyon tungkol dito ay nauuwi sa pagaaway.
“I told you...”
“Doing this saves some dignity for you. I know.”
sabi nito, saulado na ang aking sinasabi sa sobrang dami ng beses na
napagusapan ito. Bumuntong hininga ulit ako.
“Alam mo na pala eh.” sabi ko dito.
“Ayoko lang na nakikita kang nahihirapan, ang laki na
ng pinayat mo oh. At least let me help you, kahit 25% lang ng
tuition.” alok ulit nito sakin, tulad ng nauna nitong suhestyon ay
ilang beses narin namin itong napagusapan ni Nate.
“You're helping me already by not letting me pay for
the rent and the rest of the bills.” sagot ko ulit, nagbuntong
hininga na lang si Nate at niyakap ako.
“Sige, ito na lang ang request ko, can we sleep now?”
tanong nito, halatang umiiwas na sa isa nanamang mainit na away.
Ngumiti lang ako at humarap dito at hinalikan ng mariin sa labi.
0000oooo0000
“Kiddo, there's a mail for you, iniwan ko dun sa may
sala.” sigaw ni Nate ng marinig ako nitong pumasok. Agad kong
kinuwa ang sobre at pumunta na sa kusina kung saan nagluluto si Nate
ng hapunan.
“Goodevening, kiddo. Kumusta ang mga microscope?”
bati nito sakin sabay halik sa labi. Nginitian ko ito ng maghiwalay
ang aming mga labi.
“Ok lang naman sila.” pertina ko sa aking trabaho sa
isang laboratory, nakagraduate narin ako as medtech, binitiwan ko na
ang trabaho ko sa fastfood, medyo nakakaluwag narin kami ni Nate,
maga-apat na taon narin kami sa aming relasyon at masasabi ko sa
sarili kong naging maayos naman ang kinahantungan ng aking paglayas
sa puder ng aking mga magulang. Ngayon, sa aking palagay, wala na
silang maisusumbat pa sakin.
Nagsimula na akong maglakad papuntang kwarto at si Nate
naman ay bumalik na sa kaniyang pagpe-paint sa harap ng kaniyang
canvass habang iniintay na maluto ang kasasalang lang na pagkain.
Binuksan ko na ang sobre at sinimulan ng basahin ang liham na
nakapaloob dito. Nanlamig ako. Agad akong tumakbo at hinanap si Nate.
“Nate!”
“Oh?!” sagot nito pabalik.
“Good news! I got thru!” sabi ko dito. Agad naman
itong humarap sakin at iniwan saglit ang kaniyang painting na
ginagawa.
“Congrats! Should I call you doc now and not kiddo?”
tanong nito sakin sabay ngiti.
“Ulul! Di pa! After boards pa siguro. And I would like
it if you still call me kiddo even after my residency.” sabi ko
dito agad naman itong ngumiti saka lumapit sakin, agad ako nitong
niyakap.
Pinagmasdan ko na lang ang mukha nito habang nakayakap
siya sakin at nakatingin ng daretso sa aking mga mata. May mga bahid
pa ng oil paint ang mukha nito at madumi pa ang kamay nito mula sa
pastel na ginamit nito pang guhit ng kaniyang obra. Maputi at maganda
ang katawan, mahaba ang buhok nito na hanggang balikat na naka
ponytail, matangos ang ilong at may mapupungay na mata, may
mapupulang labi na siya namang masarap halikan, makakapal ang kilay
at may hikaw na nakatusok sa may kaliwang kilay nito. “Ruggedly
handsome.” karaniwang description dito ng mga kolehiyalang
nakakakita dito.
“I'm so proud of you, kiddo.” sabi nito sabay siil
sakin ng halik.
Nang maghiwalay kami sa aming halikang iyon ay agad din
namang naglaho ang sense of excitement ko. Napaisip ako bigla.
Marahil ay napansin ito ni Nate, agad nitong hinawakan ang aking
kamay.
“We'll ask Mom about it. Don't worry.” sabi nito,
umiling ako.
“I'll do a double job. Kaya ko ito.” sabi ko kay
Nate saka tumalikod dito, narinig ko itong nagbuntong hininga.
Napaupo ako sa aming kama, magpapalit na sana ako ng
pambahay nang marealize ko na hindi kaya ng pagme-medtech at ng
pagse-service crew ang tuition ng medicine at ang iba pang kalakip na
gastusin nito. Napabuntong hininga ako.
“Pero hindi! Di ako hihingi ng tulong kahit kanino,
magiging doktor ako, magiging magaling na doktor ng di nahingi ng
tulong kahit kanino.” may paninindigan kong sabi sa sarili ko.
0000ooo0000
“Honestly, Aaron, you don't look ok. Natutulog ka pa
ba?” tanong sakin ng isa kong kaklase sa medicine, na si Randy.
“Di nga eh, kagagaling ko lang kasi kanina sa
pagcre-crew.” sagot ko dito sabay hilot ng aking batok sa sobrang
pagod.
“Kung papayag ka, meron akong alam na mapagkakakitaan,
di ka pa masyadong pagod.” sabi nito sakin, agad akong naging
interesado sa mga sasabihin nito.
0000ooo0000
Di ko alam na nasa ganito rin palang kalakaran si
Randy, ayon sa kaniya ay ito ang tumutulong sa kaniya para
makapagaral ng medicine, kung titignan mo si Randy ay wala sa itsura
nito ang papasok sa prostitusyon, maputi, magandang lalaki at malaki
ang katawan, di halatang nagugutom, pero ayon din sa kaniya ito lang
ang tumutulong sa kaniya at ang kaniyang asawa at isang anak.
“Ano? Game ka ba? Maipapakilala na kita ngayon.”
sabi nito, napaisip ako bigla.
0000ooo0000
Di naman nagtaka si Nathan maski binitiwan ko na ang
fastfood at ang pagme-medtech na lang ang aking tinira. Di siya
nagtanong kung nakakabayad pa ba ako ng tuition, busy narin kasi ito
sa kaniyang bagong business, nagsisimula palang din kaya't di pa
masyadong makakatulong.
Hangga't maaari ay di ko sinabi kay Nate ang
pagbu-booking, ayaw ko kasing magalit ito sakin, lalo na at ayon dito
ay dala lamang ng pride ang pagtanggi ko sa tulong ng kaniyang
magulang.
Pero tulad ng sabi nila, walang sikreto ang hindi
nabubunyag.
0000ooo0000
Inihatid ako ng isang kliyente pagkatapos ko siyang
pagserbisyuhan sa bungad ng eskenitia papasok sa inuupahan naming
apartment ni Nathan. Sakto namang andun si Nathan sa may kanto at
nakita ako nitong bumababa sa isang magarang kotse.
“Aaron, I'll text you for the next service ha?”
tawag sakin ng baklang aking pinagserbisyuhan nang makababa ako ng
sasakyan nito, tumango lang ako habang nakatingin parin ng daretso
kay Nathan, di na maipinta ang mukha nito. Nang makaalis na ang kotse
ay agad ako nitong hinawakan sa aking braso at hinila papunta sa
aming apartment.
“Nathan yung bayad sa renta sa makalawa na ha?” sabi
ng aming landlady na si aling Babs.
Di na ito pinansin ni Nathan at tuloy lang sa paghila
sakin papasok ng aming inuupahan.
“Totoo pala ang balita...” umpisa ni Nathan.
“Anong balita?” maangmaangan ko. Sinampal ako ni
Nathan, pareho kaming nagulat sa pagsampal niyang iyon. Ito ang unang
pagkakataon na pinagbuhatan ako ni Nate ng kamay.
“Hanggang kailan mo ito itatago sakin?!” sigaw na
nito, di na ako sumagot.
Nagsisimula ng mangilid ang luha sa aking magkabilang
mata.
“Sinong may sabi sayo na ibenta mo ang sarili mo?!”
“Akala ko ang sinusweldo mo sa pag me-medtech ang
gagamitin mo pangbayad sa medschool?!” sigaw ulit ni Nate, umiling
ako.
“Di kaya ng sweldo ko ang med school at iba pang
bayarin.” nanlulumo kong sagot dito. Muli kong ibinaba ang aking
tingin at tinitigan ang aking mga tuhod.
“Kaya naisipan mong magputa?! Kaya nagpapagamit ka sa
mga pathetic na bakla dyan sa tabi tabi?!” bigla kong naibalik ang
aking titig kay Nate. Kitang kita ko ang pandidiri sa reaksyon nito
at hindi lang pangdidiri, nakikita ko rin ang panghuhusga sa mga mata
nito.
“Sana sinabi mo sakin agad, hindi yang ganyang
dinudumihan mo ang dangal mo. I'm sure makakatulong sila Mom, alam
kong tutulungan ka nila! Pero hindi mas ginusto mo pa yang magputa
mas pinili mong manahimik!” sigaw nito sakin, di ko na napigilan
ang aking mga luha.
“I'm sorry, pero sabi ko di na ako hihingi ng tulong
sa kahit kanino.” mahina kong sabi.
“Di lahat ng tao tulad ng parents mo, Aaron. May mga
taong gustong tumulong sayo dahil nagmamalasakit sila!” balik nito
sakin.
“Di ako papayag na kaawaan ako!” sigaw ko dito.
“Well ano? Ayaw mong kaawaan ka at mas gusto mong
pandirian ka?!” tanong sakin ni Nate. Natameme ako sa sinabi niya.
“Basta di ako tatanggap ng tulong sa iba, just so they
can judge me even more. Di mo ba nakukuwa Nate?! Nasa sitwasyon akong
ito dahil sinabi ko sa mga magulang kong BAKLA ako! Nakita mo kung
pano nila ako tignan, nandidiri sila! Ngayon wala na akong pakielam
maski pandirian ako ng mga tao basta ayokong kaawaan narin ako!”
sigaw ko dito. Ngayon siya naman ang natahimik, di makapaniwala sa
aking mga sinabi. Tumalikod ito at lumabas na ng aking nirerentahang
kwarto.
“San ka pupunta?!” sigaw ko dito.
“Makipagusap ka sakin kapag lumipas na ang pandidiri
ko sayo at kapag wala na yang lintik na pride dyan sa kukote mo!”
nakatalikod na sabi nito sabay lakad palayo.
Matagal nang hindi nagpakita sakin si Nate, magiisang
buwan na, sinusubukan ko itong tawagan at punatahan sa kanilang bahay
pero lagi itong wala, kada uuwi ko galing booking o kaya naman ay
medschool ay unti unti kong napapansin na nauubos na ang gamit ni
Nate sa aming apartment, marahil ay untiunti naring umaalis sa aking
buhay.
Ilang linggo pa ang lumipas at tuluyan ng di umuuwi si
Nate sa aming apartment. Wala na ang mga gamit nito at ayon kay aling
Babs na aming landlady ay di narin niya ito napapansing pumupunta sa
apartment. Nagsimula na akong kabahan. Ayaw kong isipin na tuluyan na
akong iniwan ni Nate, ang taong aking kasangga, ang taong aking
pinaglaban at pinagpalit para sa pagmamahal ng aking mga magulang.
Ang taong dahilan ng aking pagpupursigi.
0000ooo0000
Di mapakali ang aking kausap, malakas na kasi ang buhos
ng ulan at kumikidlat at kumukulog pa, tanging bubong ng guard house
ang aming sinisilungan.
“Manang, please, alam kong andyan siya. Kakausapin ko
lang siya saglit.” pagmamakaawa ko sa kasambahay nila Nate.
“Di pa raw siya handang makipagusap sayo eh.” sabi
nito sakin.
“Manang, please.” pagmamakaawa ko ulit.
“Pasensya na Aaron. Ayaw ka talaga niyang makausap pa
eh.” sabi nito. Agad naman akong pinalabas ng guwardya sa kanilang
compound.
“Manang pakisabi kung hindi pa siya hanadang
makipagusap sakin, sabihin mo andito lang ako, magiintay.” sigaw ko
dito sa pagitan ng mga magagandang bakal na bumubuo ng gate nila
Nate.
Di ko na napansin ang oras, pero maliwanag pa nung
makausap ko si Manang, marahil ilang oras narin akong nakababad sa
ulanan dahil magdidilim na at nagsisimula narin akong manginig. Buo
na ang aking pasya, di ako aalis sa unahan ng gate nila Nate hangga't
di siya nakikipagusap sakin.
Biglang may tumigil na itim na kotse sa harapan ng
gate. Di ko kilala kung kanino iyon pero ni hindi nito ibinaba ang
kaniyang bintana para tignan ako o tanungin kung ano ang kailangan
ko, tinted ang sasakyan kaya't di ko naman makita kung sino ang
nagmamaneho. Binuksan ng gwardya ang gate at pinapasok ito.
Ilang oras pa ang lumipas at walang Nate na lumabas ng
gate. Nagsisimula na akong mapaiyak, naramdaman kong tuluyan ng
nandiri sakin si Nate. Napaupo ako sa driveway at napasandal na sa
gate. Maya maya ay naramdaman ko na lang na nawawalan na ako ng
malay.
Nang nagkaroon ulit ako ng lakas para dumilat ay
napansin kong nasa loob na ako ng isang sasakyan, tinignan ko kung
sino ang nagmamaneho nito pero masyado akong nanghihina para lumingon
sa puwesto nito, muli ko na lang sinara ang aking mga mata.
“He's going to be ok, he needs rest and dry clothes.”
sabi ng isang lalaki na nakaputi.
“Ganon ba doc, can he spend the night here? Ako nang
bahala sa payments for admission.” sabi ng isang lalaki sa lalaking
nakaputi, masyado pa akong nanghihina at di ko mai-focus ang aking
mga mata.
Nagising na lang ako na nakahiga sa isang malambot na
kama at isang nurse na tsine-tsek ang aking vital signs. Tinanong ko
ito sa mga nangyari, sinabi niyang may nagrequest daw na dito muna
ako magpalipas ng gabi at bayad na daw lahat, pagkatapos daw nun ay
pwede na akong umuwi, inabot nito sakin ang aking mga gamit.
Nanlulumo akong lumabas ng ospital na iyon, di sigurado
kung anong buhay pa ang naghihintay sakin sa labas, ngayong iniwan na
ako ng lahat ng taong mahal ko, ngayong nagiisa na ako.
After
six Years
Malagkit ang tingin sakin ng aking kliyente nang
makapasok ako sa hotel room kung saan nito napiling idaos ang
napagusapan naming booking. Napangiti ito nang makilatis akong maigi,
marahil nagustuhan ang kaniyang nakikita. Ngumiti din ako.
“I'll use the bathroom first, and once I'm done, we
can start, so take all those clothes off.” sabi ko dito, lalong
lumawak ang ngiti nito at nagsimula ng maghubad. Agad akong pumunta
sa banyo at inayos ang aking sarili.
Nakaharap ako sa salamin. Marami na ang nagbago simula
nung araw na lumabas ako sa pinto ng Ospital na iyon may anim na taon
na ang nakakaraan.
“Hinulma
na ako ng panahon sa isang pagkatao na hindi ko kailanman pinangarap
na maging... mas matapang, mas matigas ang sikmura, isang bagong
Aaron Mark Apacible, at ang kwentong ito ang magpapakita ng bagong
ako...”
Itutuloy...
12 comments:
Ayan na Zeke, pinost ko na para sayo. :-)
hope your readers will like it.
ganda ng cmula ahhh......sana mabilis update nito.....ehehhehehehehe..............................................................................ras
I love this story! kaabang abang sya :D. Great Job! Migs :) I'll wait for your next chapter :D - Phantom
Imposible na hindi nila magustohan ito Miguel. Isa ito sa pinaka gusto ko sa mga gawa mo kaya confident ako na magugustohan ng mga hindi pa nakakabasa ang kwentong ito. :)
Ito ang tinatawag nilang hindi bitin ang simula. Sana palaging may Update. Salamat!
takte..great..kala ko tatapusin na agad..simula pa lng pala..
Great work..
Hindi nga ngbibiro si Zephiel ng sabihin nyang ikaw ang isa sa mga great writers and idolo nya rin...Love, Love, Love...
a big WOW for this, chapter 1 na agad..
hhhhhmmm....
interesting ang story...
i Like it...
i assume the epiLogue is Lyk the back story...
hehehe...
can't wait for chapter 1... :)
- edrich
aist..bagong susubaybayan...ang ganda ng story...can't wait for the day na maipost na ang 1st chapter hehehe
ive read this once, at uulitin ko ulit.. :p
kasi kasi nga, panalo din 'to..
nice! nice! kaabang abang nga.
awwwww sobrang nakarelate ako dito
tsk tsk...
#28
Post a Comment