The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
___________________________
Against All Odds
by: Migs
Bumagsak
sa kama ang lalaking aking pinagserbisyuhan, humihingal parin ito sa
aking ginawang pagpapasarap sa kaniya. May ibang ngiti na tumatak sa
kaniyang mukha. Alam ko ang ngiti na iyon, ngiti iyon ng isang
customer na nasiyahan. Bahagya itong umayos sa pagkakahiga at inabot
ang isang bagay sa side table. Singsing. Singsing pangkasal ang
inabot nito, nang maabot na ito ay saka niya sinuot sa kaniyang
palasingsingan. Napangisi na lang ako sa napansin kong iyon.
Marahan kong inalis ang goma na sinasabing pumuprotekta
sa mga katulad naming pumapasok sa ganitong kalakaran. Hubo't hubad
parin akong naglakad papunta sa banyo, di na ako nagabala pang saran
ang pinto nito. Wala ng mawawala sakin, kahit pa makita niya ang
lahat sakin.
Sumulyap ako sa lalaking kanina lang ay kaniig ko na
ngayon ay nakahiga sa kama at may tinetext. Humarap ako sa salamin at
tinignan ko ulit ang sarili kong repleksyon. Biente siete anyos na
ako, matangkad at may kagandahan ang katawan, maputi at masasabi rin
na may itsura ako na siya namang naging sandata ko sa mga ganitong
kalakaran.
Hustler, Escort, Callboy, Lalaking pokpok, makasalanan
at madumi. Yan ang mga madalas na tawag sa akin. Pera, yan ang aking
dahilan tulad ng dahilan ng maraming lalaking pumapasok sa ganitong
tarbaho. Tulad din ng mga katulad kong lalaki na mababa ang lipad,
nangarap din akong makawala sa ganitong uri ng trabaho.
Ilang buwan na lang tapos na ako sa aking residency at
pagkatapos ng qualifying exams para maging ganap na Internist,
makakawala narin ako sa madumi at mabahong mundo na ito. Agad kong
binawi ang aking tingin sa salamin at nagsimula ng humakbang
papuntang shower, isinara ko ang transparent na pinto nito at
sinimulan ng padaluyin ang pinaghalong malamig at maligamgam na tubig
sa aking balat.
Agad kong kinuwa ang sabon at sinimulan nang kuskusin
ang aking sarili. Nagbabakasakaling matanggal ang dumi at pakiramdam
ng pagkakababoy sa aking pagkatao. Nagbabakasakaling maibabalik ang
nawalang dignidad.
Nagsisimula
nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata habang patuloy parin sa
pagkuskos. Lahat ng parte ng aking katawan, pinadampian ko na ng
sabon pero alam ko wala nang magbabago sa nararamdaman kong
pagkababoy ng aking pagkatao. Anim na taong pagkababoy, di na ako
umaasa pang mabura iyon sa aking pagkatao.
“Nagiwan na ako ng pera sa may lamesa at nabayaran ko
nadin itong kwarto.” sabi ng matabang lalaki sa akin, hinarap ko
ito.
“Ayaw mong magsecond round?” tanong ko dito.
Hindi na bago sakin ang mga ganitong customer, mga
pamilyadong lalaki na may tinatagong lihim na pagkatao. Mga
matatandang nagsasawa paminsan minsan sa kanilang piniling buhay. Mga
lalaking tinulak ng komunidad na puno ng mga taong may makikitid na
utak na gumawa ng buhay na hindi nila gusto. At dahil sa hindi narin
naman bago sakin ang mga ganito ay kabisado ko na ang kanilang gusto.
Gusto nila ng panandaliang pagmamahal mula sa kapwa lalaki, ang
haplos na hindi maibibigay ng kanilang mga asawa.
Second round? Third round? Minsan hanggang fourth round
papayag ang mga yan, maramdaman lang nila ang pagmamamahal sa mga
lalaking tulad ko na kanila lamang na pinangarap makasama. Tutal wala
narin namang magbabago sa aking lugmok na lugmok ng pagkatao at sa
tingin ko naman ay wala ng mawawala pa sakin ay lulubuslubusin ko na
lang itong pagkakakitaan ko.
“Magkano dagdag?” tanong nito. Ngumisi ulit ako nang
mapansing hinuhubad niya ulit ang wedding ring niya.
000ooo000
Tinanguan lang ako ng lalaki sa reception area, marahil
ay alam niya na tiba tiba ako ngayong gabi kaya't kung makangiti ito
sakin ay inam na. Tinanguan ko lang din ito sabay abot ng tip.
“Next time ulit ah.” bulong ko dito, tumango lang
ito.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto ng hotel na iyon
ay agad kong inilabas ang isang kaha ng sigarilyo sa aking bulsa
sabay sindi. Pumara ako ng isang taxi. Ibinaba ng driver ang bintana
sa may passenger seat saka tinanong kung saan ako.
“Ortigas.” sabi ko. Tumango lang ang driver bilang
pagsangayon. Agad kong tinapon ang aking kasisindi lang na
sigarilyo.
Habang binabagtas ng taxi ang daan papuntang Ortigas di
ko mapigilang mapansin ang mga nagkalat na tao sa may bangkenta sa
kahabaan ng EDSA. Babae, lalaki bakla at tomboy, matanda o bata
nagkalat doon.
Tinignan ko ang aking relos, magaalas dose na ng
madaling araw pero marami paring tao, pero di na ako nagtataka. Ayon
sa survey mas maraming tao ang naghihirap ngayon, mas marami ang di
nakakapagaral at mas marami ang walang trabaho.
Alam ko kung bakit nandun parin ang mga taong yun sa
kabila ng malalim na ang gabi. Nandun sila para maghanap buhay. Sabi
nga nila...
“Takes one to know one.” bulong ko sa sarili
ko.
Napatingin ako sa rearview mirror ng taxi at napansing
nasulyap sulyap sakin ang driver. Marahil nakikilala ako nito,
marahil ay nasakyan ko na ang taxi nito noon na may kasamang
customer. Alam ko kasi ang tingin na iyon. Nangingilatis,
nangingilala.
“Manong may problema ba tayo?” tanong ko dito ng
hindi ko na matiis ang kaniyang tingin.
“Sir, artista ba kayo?” nahihiyang tanong nito.
Napangiti lang ako.
000ooo000
“San ka galing?! Kanina pa kita tinawagan ah?!”
bulyaw sakin ng isang lalaki.
Si Jase manager ko, isa siyang former model, maganda
rin ang katawan nito at may itsura din, isa siya sa most sought after
model nung kasikatan niya pero dahil wala masyadong kita ay
napagpasyahan niyang mag manage na lang ng mga kagaya ko at ipagpalit
ang kasikatan na iyon.
“Dapat alam mo kung san ako galing. Ikaw tong nagbook
sakin diba?” malamig kong sagot.
Lumapit ito sa pinto at isinara iyon sunod ay lumapit
ito sa aking kinatatayuan. Akala ko ay ilalapat nito ang kaniyang
labi sa aking mga labi, sinubukan kong abutin iyon pero iniwas niya
lang ito. Napahiya nanaman ako.
“Di ka nga pala humahalik sakin pagkatapos ng booking.
Heck, ni di ka na nga pala humahalik sakin, nagbooking man o hindi.”
malungkot kong sabi dito. Iniwas ko na ang aking tingin pero
hinawakan niya ang aking baba at pinaharap ulit ako sa kaniya. Hindi
pagtangis at pagkasabik ang nakikita ko sa kaniya na karaniwang
nakikita sa mga magboyfriend matapos magkahiwalay ng buong araw. Ang
tangi kong nakikita sa kaniya ay ang tingin na para bang
iniinspeksyon ako, kinikilatis.
Si Jase, hindi lang siya manager sakin, siya rin ang
aking boyfriend. Siya ang nagpakilala sakin sa mga top designers at
nag introduce sakin sa mundo ng modeling at siya rin ang nag promote
sakin mula sa isang pipityuging pokpok papunta sa isang high class
hustler na kinalalagyan ko ngayon.
“I'm more of an asset, a property than a lover.”
bulong ko sa sarili ko. Yan ang nararamdaman ko sa aming relasyon na
iyon ni Jase. Hindi bilang boyfriend kundi bilang pinagkakakitaan ang
role ko sa buhay niya.
“Pumunta ka na sa backstage at magpa makeup ka na.
Show starts in an hour.” sabi nito sakin. Sanay na ako sa ganitong
klase ng treatment mula sa kaniya.
Nagkakagulo na sa likod ng stage, andun na ang mga
designers and junior designers na pinagmamadali na ang mga models na
magsuot ng kanilang mga nilikhang designs. Nagsisimula naring
magtakbuhan ang mga event coordinators na may suot suot na headphones
with mic na halatang nakikipagusap sa iba pang mga event coordinators
sa iba pang lugar. Nagsisimula ng magpanic ang mga make up artist sa
pagtatago ng mga blemishes and minor imperfections ng mga model.
“Aaron? Ito ang isusuot mo.” sabi ng isang junior
designer sakin sabay wagayway ng isang skimpy brief, tinignan ko ito
at napailing na lang.
Di ako makapagreklamo. Ito ang isa sa “No” sa
listahan ng mga rules ng nagsisimulang model. “You don't say
no.” ayon kay Jase, yun ay para sa mga batikan lang na mga
model. Agad kong hinubad ang aking suot na t-shirt at pantalon sunod
ang underwear at agad na sinuot ang kapiranggot na tela na aking
ipapakita sa mga manunuod.
“Nice.” sabi ng event coordinator at itinuro na ako
sa isang make up table.
Nagmamadaling inayos ng make up artist ang aking mukha.
Pahid dito, pahid doon. Nagsisimula na akong antukin at mawalan ng
gana.
“Ok ka lang?” tanong ng make up artist sakin.
“Oo, medyo pagod lang.” sagot ko, inabot niya ang
aking dibdib at naglagay ng foundation malapit sa isa sa aking mga
utong.
“Akala ko hindi advisable na makipag sex before a big
show?” tanong nito sakin. Nagtaka naman ako kung pano niya nalaman.
Inginuso lang nito ang isang namumulang kissmark malapit sa utong na
nilalagyan niya ng foundation.
“Swerte
mo kaya pa ng foundation, kundi nako, pagpipiyestahan ka ng mga kapwa
mo model.” sabi nito. Ngumiti lang ako.
“So who's the lucky girl?” tanong nito. Ngumiti lang
ulit ako. Sasagot pa sana ako ng biglang pumalakpak ang event
coordinator. Hudyat na malapit ng magsimula ang show. Kinindatan ko
na lang ang make up artist at tumayo na papunta sa bungad ng runway
kung saan nakapila na ang mga kapwa ko model. Tinapunan ko ng tingin
ang make up artist at nakitang nakanganga parin itong nakatingin
sakin. Napangisi na lang ako.
Isang event coordinator ang humatak ng aking kamay.
Nagtaka naman ako.
“Aren't I suppose to walk after Nick?” tanong ko sa
coordinator. Umiling lang ito at tinignan ulit ang kaniyang iPad.
“No, you're walking after everyone else.” napangiti
naman ako sa sinabing yun.
“Wow.” sabi ko sa sarili ko.
000ooo000
Isang tao nalang ang nasa pagitan ko at ng runway, wala
masyadong pagkakaiba ito sa mga runway na nagawa ko na, mahaba at
maluwag para sa dalawang tao. Maganda ang lighting sa buong lugar at
punong puno ang mga upuan sa magkabilang parte ng runway. Malalakas
din ang sounds ng buong lugar na talaga namang mapapaindak kahit sino
man ang lalakad sa runway.
“Ikaw na.” sabi ng event coordinator.
Di
ko inasahan na magiging model ako, ni wala sa hinuna ko ang magmodel,
maglakad ng halos hubo't hubad sa harap ng ibang tao at kuwanan ng
litrato habang naglalakad kung saan lahat ng pwedeng bumakat ay
nabakat na, pero malaking tulong din ito sa aking pagaaral. Sa mga
panahong mahina ang booking sa pagmomodelo ako naasa at vice versa,
pero minsan nakakapagod narin, 4 days straight sa ospital at three
days straight naman sa booking and modeling for stills and runways.
Kung hindi ko nga lang ba kailangan ng pera, hindi ko
pagsasabaysabayin ang mga ito eh. At lalong di ako magpuputa.
Maliliwanag ang mga ilaw na halos nakatapat sa bawat
bahagi ng katawan naming mga modelo kada lakad namin sa runway.
Andyan din ang mga tahimik na manonood sa kaliwa at kanan ko, di ko
na halos makita ang dulo ng mga manonood, wala ni isa akong makilala
sa mga manonood, para silang mga anino sa likod ng mga nakakasilaw na
ilaw.
Sa dulo ng mahabang runway ang ang nagkikislapang mga
flash na galing sa mga kamera ng mga fashion photographers at event
photographers.
Daretso lang ako sa paglalakad at tumitigil sa mga
tamang lugar para magpose. Pabalik na ako sa backstage at nilalakad
na lang ang natitirang hakbang bago makabalik ng backstage ng
mapansing sinusundan ako ng isang photographer. Di ko na ito pinansin
at tuoy tuloy ng naglaho sa lokod ng tela na naghihiwalay sa
backstage at ang runway.
“Next line.” sabi sakin ng coordinator at itinuro
ako sa hilera ng mga damit na susunod ko namang i-mo-model.
Nagsimula ng maglakad pabalik sa runway ang mga
modelong asa aking unahan, nang tawagin naman ako ng event
coordinator ay saktong katatapos ko lang suotin ang damit na irarampa
ko. Laking pasasalamat ko na boardshorts, sando at isang sumbrero na
ang suot ko at hindi kakapiranggot na brief.
Nagsimula na akong maglakad sa runway ng mapansing
sinusundan parin ng photographer ang bawat lakad ko, napansin ko rin
may lumapit ng event coordinator dito at muli di ko na ito pinansin
pa. Sa mga susunod na lakad ko ay di ko na napansing sinusundan ako
ng photographer.
000ooo000
“Final walk people!We're clapping!” sigaw ng
coordinator.
“Aaron sa tabi ka ng designer.” sabi sakin ng
coordinator. Nagulat naman ako sa sinabi niyang yun.
“Ito na ba yung sinasabi ni Jase na simula ng
magagandang bagay sakin?” tanong ko sa sarili ko. Alam ko
kasing mga top models lang ang karaniwang naglalakad sa tabi ng
designers. Malamang nakausap na ni Jase ang designer.
Nang matapos ang fashion show ay agad kong hinanap si
Jase pero di ko ito makita, tinext ko ito at nagreply naman pero di
nito sinagot ang tanong ko kung asan siya.
“Booking after fashion show. Room 205, hyatt.”
nanlumo ako sa nabasa.
“Business lang talaga ako para sayo.” wala sa
sarili kong sabi.
Tila ba nawalan ng kulay ang buong paligid. Parang TV
show noong black and white pa ang TV. Binalot nanaman ako ng
kalungkutan.
“Bakit nga ba hindi ko hiwalayan si Jase?”
tanong ko sa sarili ko.
“Mahal ko siya.” sabi ko ulit sa sarili ko,
sinagot ang nauna kong tanong sa sarili. Wala sa sarili akong lumabas
sa papunta sa runway na ngayon ay nililinis na ng mga maintenaince ng
event. Nakabukas parin ang mga nakakasilaw na ilaw, pero wala na ang
mga manunood at ang mga photographers.
“Mahal ko nga ba siya o mahal na ang utang na loob
ko sa kaniya?” tanong ko sa sarili ko at isang matabang luha
ang bumagsak sa aking pisngi.
Itutuloy...
7 comments:
yun may update na!! basa basa muna.. ^^
an interesting story..very close to reality...
*clap *clap
aist...ang lungkot nman ng story na to...parang wala na atang kasiyahan para kay aaron...next chapter na poh mr.author..hehehe
mukhang itutuloy tuloy ko na pagsubaybay dito sa story na to, prolouge palang ang ganda na, thumbs up for this one..
Nabasa ko na ito... Maganda ang story na ito...
... nakakaiyak :(
pero ang gandaa super interesting
aat super ganda
-demure
I love your story, I felt *goosebump* when I finished reading the whole story, Yes, I finish already reading all the chapters! you did a great job migs :)
Post a Comment