Thursday, February 2, 2012

Minahal ni Bestfriend (part 23 - 24- FINALE)

            Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

            Unang una po sa lahat, gusto ko po humingi ng paumanhin sa naantalang kwentong ito. SOBRANG SUPER SORRY PO TALAGA. T_T... Sa totoo lang po, naging super busy po ako sa trabaho kaya I wasnt able to post the continuation nung story. Gusto ko ko po humingi talaga ng PAUMANHIN>  Pero bilang pambawi, ill be posting chapter 23 upto the finale po. Yehey!!! Hmmm, I'm thinking about doing a Book 2 of this pero di ko pa sure. You guys want book 2? ^_^.. Feel free to comment. Anyways, sobrang namis ko kayong lahat. Lahat ng readers dito at friends.


            Muli ay gusto ko pong magpasalamat kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, Jeffrey Paloma, Erwin Fernandez, yamiverde, MM, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, iNNOH, Jayzon13, RLM101, johndave, Soulburn, Kristofer Lein Ylagan, riku13, rei, bharbzz, flashbomb, jazzmotus, blue, RGEE, Coffee Prince, Free Movie Downloads, Andrei, jesome colagong,  JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, psalm, sesylu, maakujon, bluecho13, Neon, nick.aclinen, Jhay L, rheinne, jesome, Uri_KiDo, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILDJIAN, Dave17, Ako si 3rd, Steffano, Ross Magno, M.V, JC, roman (roohmen), kokey, Brian_stephens, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

            Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!! J

   Oh sya, masyado na akong madaldal. Ayaw ko ng antalain pa. Again, pasensya po talaga, ha. Sana po mapatawad nyo ako, ha. Peace. ^_^v Mwah!


Personal Property of: Philip Sanchez

            “Huh?! Kay Philip?”, laking gulat ko sa aking nakita. At doon binrowse ko ang notebook at nakumpirma kong kay Philip nga ito. Hindi ko man binasa ang mga laman nito ay halata naman sa handwriting na kay Philip nga ito.

            “Kay Philip to ah.. Pero bat andito sa bag to ni Ming?”, takang taka kong tanong sa sarili ko. Agad agad kong nilagay ang pasalubong sa loob ng bag ni Ming at agad na sinarado ito. Biglaan din akong bumalik sa mga gamit ko at agad na isinilid sa bag ko ang cattleya notebook na nakita ko.

            Natapos ang water break at nagsimula ang meeting namin sa Pep. Pero halos wala akong maintindihan sa mga sinasabi dahil iniisip ko pa rin ang tungkol sa notebook na nakita ko. “Bakit may notebook si Philip sa bag ni Ming?”, paulit ulit na umiikot sa utak ko. Kahit anong gawin kong isip ay walang sense at koneksyon ang pumapasok sa isip ko.

            Pagtapos ng meeting ay isa isa kong binigay ang mga pasalubong sa mga kasamahan ko. Nakita kong nakasimangot si Ming dahil wala akong inabot para sakanya. Gusto ko matawa pero naaalala ko parin ang tungkol sa notebook. Nakita kong bigla nitong binuksan ang bag nya at tila nagulat ng makita ang pasalubong ko para sakanya. Bigla ito lumapit sakin.

            “Thanks. Kala ko nakalimutan mo ko ee.”, ngiti ngiti nitong bati sakin.

            “Hindi ah.”, medyo malamig kong sabi. Nagtataka pa rin kasi kung bat may pag aari sya sa bag ni Philip. Bigla kong naalala ko ang notebook na yun. Pero not exactly kung saan ko ba nakita yun.

            “Salamat talaga. Napakasaya ko.”, ngiti ngiti pa rin sabi ni Coach.

            Pinagmasdan ko lang si Ming na bumalik sa bag nya at nilagay uli ang box sa loob ng bag nya. Pero ng isasarado nya na ito ay tila ay may hinahanap sya sa loob ng bag nya. Isa isa nya pang nilabas ang laman ng bag nya at nagtingin tingin sa paligid. Nakita kong paharap sya sa direksyon ko kaya bigla kong bumali ng tingin. Kunwari ay may tinetext ako sa cellphone ko kahit wala naman talaga. Nakumpirma ko na ang notebook nga ang hinahanap nya. Masama ang kutob ko sa notebook na yun. Bat parang may tinatago sya? Ano nga ba ang nakasulat sa notebook na yun?

            Tulad ng pinlano ko ay balak ko sabihin kay Ming lahat lahat ngayon. Ito din kasi ang ipinangako ko kay Jenny. Balak ko sabihin ang tungkol kay Philip. Kaya nilapitan ko si Ming..

            “Ming.. pwede ka bang mayaya magdinner?”

            “Hah.. Ah ee.. Hindi ako pweedde ngayong gabi ee.. Pi-pinapauwi ako aagad ni mama.”, kabado nyang sabi.

            “Hah? Sandali lan to. Promise.”, pagpupumilit ko. Hindi na pwedeng patagalin pa to.

            “Pasensya na talaga Jerry. Sige una na ko.”, sabay dali dali syang lumabas at biglang nawala.

            “Ano nangyari dun?”, tanong ni Jenny.

            “I don’t know YET. Pero malalaman ko din..”, tanging tugon ko.

            “Yet? Anong meron?”,pagtatakang tanong ni Jenny.

            “Jenny, can we have dinner tonight?”, desperado kong tanong kay Jenny.

            “Jer, we had a deal. Unless, you sort things out, hindi ako maki..”

            “Jen, I want to talk about something important.”, matigas na sabi ko kay Jenny.

            “Ok.. Wow, this a first. You say what’s on ur mind na ha. Cge, pagbibigyan kita. Pero this better be important.”, medyo pagtataray na sabi ni Jenny.

            Pagkalabas naming ng school grounds ay nagpunta kami sa Pizza hut. Pagkatapos naming umorder ay nagsalita si Jenny.

            “Hmmm.. Pizza.. Mukhang important nga sasabihin mo.”

            “Jenny, I have dirt.”

            “Spill.”

            “Jenny, kasi kanina. I snuck in sa bag ni Ming. I mean ni Coach para ilagay yung pasalubong ko sakanya. Balak ko sana ibigay ang pasalubong ko sakanya at dinner pero I figured out na ang awkward dahil after nun ay bigla ko syang babastedin. Kaya nilagay ko na lang sa bag nya.”

            “Oh, tapos?”

            “May nakita ko sa loob ng bag ni Coach Gab.”, sabay kalikot sa bag ko.

            “Ano ba yun? Kala ko naman kung anong sasabih……… O.M.G!!!!”, gulat na gulat sya ng bigla kong pinakita ang cattleya notebook na nakuha ko sa bag ni Ming. Ang notebook na may pangalan ni Philip.Napahawak pa sya sa bibig nya sa sobrang pagkagulat.

            “Oh! Bakit?!”, pagkagulat at taranta ko sa reaksyon nya.

            “Wala. This is interesting.”, pilya nyang ngiti na tinugon ang tanong ko.

            “Jenny, kay Philip to.”

            “I know.”

            “Alam mo?”

            “Well, hindi ko alam kung anong ginagawa nyang notebook na yan sa bag ni Coach. Pero kahit san ko tingnan ang notebook na yan. Alam na alam kong kay Philip yan.”

            “Huh?! Hindi kita maintindihan.”, takang taka kong tugon sa sinabi ni Jenny.

            “Basta. Mamaya mo na basahin yan sa bahay mo. Buti na lang at dito tayo kumain. Natetense din ako. Basta, for now. Kumain ka ng marami. As in marami. Kakailanganin mo ang lakas mo mamaya.”

            “Jenny, what the hell are you talking about?!”, naiinis na ko. Ano ba kasi yun.

            “You trust me, right? Basta kumain ka ng madami ngayon. Paguwi mo, doon mo basahin sa kwarto mo. Ako, uuwi lang ako at magpapalit ng damit then pupunta ko sa inyo.”

            “Jen, kinakabahan ako. Ano ba kasi nakasulat dito?”

            “You trust me diba?”

            “Pero Jen!”

            “May tiwala ka ba o ano?!”, paglalaking matang sabi ni Jenny sakin.

            “Meron..”, simpleng tugon ko.

            “Good. Basta kumain muna tayo, ok?”

            At dumating na nga ang order namin at dali daling binigyan ako ni Jenny ng Pizza sa plate ko. Pati sya ay kumain na din. Pero halatang halatang tense din sya.

            “Baka gusto mo maghinay hinay sa pagkain? Kung gusto mo pa, oorder pa tayo, wag ka magalala.”

            “Nako Jer, tingnan natin kung masabi mo pa yan mamaya! Kung alam mo lan! Hehehe.”

            “Ano ba kasi yun? Naiinis na ko ah.”

            “Actually ako din. Di na ko makatiis. Pero di pa panahon ee.”

            “Panahon na?”

            “Basta…. Pero may gusto ako malaman Jer. At gusto ko yung totoo.”

            “Ano yun?”

            “Sino ba talaga mahal mo? Si Coach o si Philip?”

            “Tanga ka ba? Babastedin ko ba si Coach ngayon kung sya ang mahal ko?”

            “O.M.G!!! Teka, teka? Huh?! Babastedin?”, takang takang tanong ni Jenny.

            “Oo! Plano ko ng sabihin na si Philip ang mahal ko kaya di pwede maging kami.”

            “O.M.SHIT!! You mean to say hindi kayo?!”

            “Hindi! Ano bang pinagsasabi mo! At san mo naman nakuha yan!”

            “O.M.F.SHIT!!!!!”

            “Ano bang nangyayari sayo! Jenny, kung maging kami man, sasabihin ko sayo yun noh! Kelan ka pa naging tanga.”

            “Oy, sobra ka na sa tanga dyan ha. Pero teka, akala ko, namin, kayo na?”

            “HUH?!! Ano bang pinagsasabi mo dyan?!”, gulong gulo kong tugon.

            Sabay kinuha nya ang kamay ko at pinoint out ang sing sing na suot ko.

            “Eh ano to?!”, pagtataas ng kilay ni Jenny.

            “Edi singsing!! Ano ba?!”

            “Ediba galing kay Coach yan?!”

            “Oo!!”

            “E bat ka ba bibigyan ng singsing ng isang tao? At whitegold pa oh!”

            “Jen, ok, at first sabi nya binigay daw nya to kasi dahil sa alam ko daw ang nararamdaman nya. Pero nung sinabi ko ng ayaw ko ng ganun, e nagbibiro lang daw sya. Thank you lang daw nya sakin to.”

            “What? Teka, teka.. You mean, tinanggap mo yan dahil thank you nya yan sayo at hindi dahil tinatanggap mo na kayo na?!”

            “Teka, teka.. Sino ba ang nagsabi na kami na?!”

            “Damn! This is so fucked up!”

            “Bakit ba Jenny?!”

            “Nako Jer, I’m sorry. Akala ko kasi kayo na kaya nagalit ako nung niyaya mo si Philip dun sa bday nya. Akala ko kasi tinwo two time mo si Philip. And kahit ano pang kagaguhan ang ginawa sayo ni Phil noon, I thought na di pa rin deserve ni Phil na ganunin.”, nahihiyang sabi ni Jenny.

            “Teka, two time? E single ako. And for the record, kahit pa isang gabi yun, sya ang first ko na matatawag.”

            “Whoa! First na ano? Hhmmmm.”, pilyang tanong ni Jenny.

            “Outtayerbiz!”

            “Hahaha! Anyways, dang! Kumain pa tayo! Natetense na talaga ako.”

            “Jen.. Kinakabahan ako. Ano bang pinagsasabi mo? Ano bang nangyayari?”

            “If you really trust me as you say you do. Kumain ka. Basta pupuntahan kita later. Sa bahay mo na basahin yang notebook na yan.”

            “Ok.”, simpleng tugon ko kahit pa ang totoo ay din a ko maganda mali sa kakaisip sa mga nangyayari. May kutob ako pero ayoko muna magconclude ng kung ano ano hanggat di ko mismo naririnig galing sakanila.

            At natapos na nga kami kumain. After naming kumain ay pumara na ko ng taxi. At sumakay na kami ni Jenny. Dumaan muna kami sa bahay nya. Pero bago pa ito tuluyan bumaba ay niyakap ako nito at binitawan ang mga salitang. “Whatever happens, hintayin mo lang ako sa inyo.”

            “Jen… bilisan mo ha.. Kinakabahan talaga ako..”

            “Ako din……..”

            Bumaba na si Jenny at nagpahatid na ko sa bahay ko naman. Habang palapit ako ng palapit sa bahay ay di ko naman maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Jenny. Bat ba nya iniisip na kami na ni Ming? Yun kaya ang rason bat ako iniiwasan ni Philip?  Bakit may notebook si Philip sa bag ni Coach? At ano bang nakasulat sa lintik na notebook na to?!

            Pagdating sa bahay ay agad agad akong bumaba ng taxi. Agad kong binayaran ang taxi at dali dali akong pumasok ng kwarto.. Binaba ko ang gamit ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang maraming text at miscalls galing kay Ming. Pero di ko na nireplyan. Mas curious ako sa nilalaman ng notebook. Agad akong nagbihis at kinuha ang notebook at umupo sa kama ko.

            At binuksan ko na ang notebook.

            A Personal Property of: Philip Sanchez – yan pa lang ang nababasa ko ay din ako mapakali. Halos manginig ang kamay ko nang nilipat ko dsd unang pahina para basahin ang iba pang nakasulat. Pero ng binasa ko pa lang ang unang bahagi ng nilalaman nito ay napaiyak na ko….

            “Lumalim ang pagkakaibigan namin nitong Jerry na to.. Nakakatuwa sya. Simula ng tulungan nya kaming magkaayos ng ex ko, mas napapalapit at napapalagay ang loob ko sakanya. Mas lumalalim ang pagtingin at nararamdaman ko para saknya. Hindi ko alam, pero mas gusto ko pa syang mapalapit sakin.Weird nga ee..

            Alam kong may spesyal akong pagtingin kay Jerry. Lalo na nung binigyan nya ako ng regalo nung aking kaarawan. Alam ko, dun nagsimula ang ibang pagtingin ko sakanya. Nung una ay akala ko ay magaan lang tlga ang loob ko sakanya. Pero ng isinuot nya sa akin ang regalo nyang bracelet sa aking kamay ay di ko maiwasan na di kumalabog kalabog ang puso ko. Napakabilis ng tibok nito. Meron sa loob ko na nakakaramdam ng iba para sa kaibigan. Hindi ko alam kung ano ito pero for sure, masarap sa pakiramdam. Masaya ako sa regalong bracelet na bigay nya, pero hindi ko ba alam, parang may kulang pa rin.. Hindi naman sa nagrereklamo ako.. Pero meron talaga sa loob ko na wanting for more.. Hanggang sa di ko sinasadyang nabitawan ang mga salitang “Hindi naman talaga ito ang gusto ko..” Lintik! Sana di nya ako narinig. “ ---- Bigla kong naalala ang mga tagpong to. Dahil ito rin ang gabing di ko makakalimutan. Sariwa pa sa isip ko nung sinuot ko sa kanyang  mga kamay ang bracelet na binigay ko. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano nya ko tiningnan ng gabing yun. Namula ako noon. Halo halong emosyon ang naramdaman ko sa mga titig nay un. Alam ko sa sarili ko, yun din yung araw na tumibok ang puso ko para sakanya.

            At tinuloy ko ang pagbabasa. Pero habang tuloy ako sa pagbabasa ay tuloy tuloy din ang agos ng mga luha ko.

            “Natapos na ang aking birthday party at nagsiuwian na ang lahat. Pati si Jerry ay nagpaalam na ngunit pinigilan ko ito. Ayaw ko muna syang umuwi dahil gusto ko pa sya mas makasama. Kaya pinilit ko sya na sa bahay na matulog. Buti na lang ay pumayag ito.

            Naisipan ko maglasing lasingan para pagtripan si Jerry. Pinagtripan kasi ako ng tropa at ng mga kapatid ko dahil bday ko ngayon. Pinainom nila ko ng pinainom. Pero  sa totoo lang, lasing na talaga ako, pero kaya ko pa naman tumayo. Gusto ko gumanti kay Jerry kaya naglasinglasingan ako. Pero nagulat ako ng bigla akong tinayo ni Jerry, alam kong mabigat ako, pero pinagtyagaan nya akong buhatin para iakyat sa kwarto ko. Kung kanina ay nagkukunwari ako, ngayon ay totoong nanglalambot ang mga tuhod ko sa pagkakadikit ng aming mga katawan ni Jerry. Alam ko sa loob ko na mas lalo atang nahuhulog ang loob ko sakanya. Ayaw kong bigyan ng kahulugan ang lahat.. Pero hindi ko mapigil ang aking sarili…

Kanina, pagdating sa kwarto ay lumabas sya at ng makabalik ay may dala syang pampunas. Dahan dahan nyang tinanggal ang suot kong tshirt at pinunasan ako. Napaka sarap sa pakiramdam. Hindi ang pagpunas nya sa katawan ko ang nabibigay ginhawa sakin, ngunit ang thought na pinupunasan nya ko. Nakakakilig! Hanggang ngayon na isinusulat ko ito ay may ngiti pa rin sa aking mga labi..

            Dala ng espiritu ng alak at ng nararamdaman ko para sa kaibigan ay hindi na ko nakapagpigil. Hinaltak ko sya malapit sa katawan ko. Alam kong nagulat sya at umakmang tatayo, pero naging agresibo ako at hinalikan ko sya. Lintik! Ang sarap ng mga labi nya!!! Wala na kong pakialam sa mga nangyayari.

            Nagpumiglas si Jerry, pero di ako nagpatalo, hinalikan ko sya ng mas mapusok, at hinigpitan ang yakap sakanya. May pwersa na ang paghalik ko sakanya. Pero mararamdaman din ang emosyon. Maya maya ay naramdaman ko  na hindi na sya lumalaban at pumipiglas. Nararamdaman ko na rin ang paghalik nya sakin. Ito na ata ang pinakamasarap at pinakamasayang gabi ng buhay ko. At Last, nahalikan ko sya at hinalikan nya ko. Naging mabilis lang yun, pero pagtapos ay sinabi ko ang katagang. “Ito naman tlga ang gusto ko..”  Ito rin ang masasabi kong unang halik ko sa kapwa lalake. Alam kong hindi normal.. Pero may nagsasabi sa sarili ko na tama ito.. Ngayon, sigurado ko na.. Mhal kita Jerry…” ---- Mas lalo akong naiyak sa nabasa. Hindi ko alam bat ba nakasulat ba tong lahat ng to sa notebook na to. Yun pala ang ibig sabihin nya noon sa mga katagang, “Hindi naman talaga ito ang gusto ko – Ito naman tlga ang gusto ko..” Ngayon, alam kong noon pa pala talaga nya ko minamahal. Hindi ko alam na nung panahon na noong mga panahong nararamdaman kong spesyal na sya sakin ay mahal na pala na niya ko. Bakit ba hindi ko pa to nakita? Sa bawat pag agos ng luha ko ay nararamdaman ko ang sakit at saya ng nakalipas. Napakarami naming sinayang na pagkakataon.. Bakit ba kailangang humantong sa ganto…….?

            Habang magkatabi kami ni Jerry at naguusap ay binanggit sakin ni Jerry ang mga bagay na nagpapasaya sakanya. Tulad ng 1. Menudo. --seryoso? Menudo talaga? 2. taong kaya syang patawanin kahit sobrang lungkot pa nya. --Paano naman kaya yun? Note: Yung tipong tutumbling o kaya kakanta daw kahit wala sa tono. Hahaha! Kahit siguro akong badtrip, matatawa sa ganun. 3. Mga simpleng bagay. Wag daw o.a? Hmmm..  Walang pagpapanggap at dapat natural. 4. Surprises. Pero dapat taos puso daw ito. May honesty sa ginagawa ng tao. Ano yun? Surprise! I’m honest! Hahaha! Si Jerry talaga… 5. Horror Movies. Di naman halata noh?! At wala na tayong ibang pinanood sa bahay niyo kundi horror. Tong taong toh talaga oo.. 6. Secret. Meganun?  ----Hindi ko naaalala ang gabing to. Pero ito nga ang mga bagay na nagpapasaya sakin. Malamang ay sobrang lasing ko talaga nung gabing yun at di ko na halos matandaan ang mga tagpong to. Para akong baliw ngayon dito, umiiyak, tapos tatawa. Nakakabaliw. Bigla kong naaalala si Ming. Kaya ba nya alam ang lahat ng nagpapasaya sakin? Dahil sa notebook na to? Bigla kong naalala ang pagdadala nya lag eng menudo, o ang mga surprises na ginagawa nya para sakin. At yung minsang sinabi nya na ang hilig ko talaga sa horror kahit hindi pa naman talaga kami ganun magkakilala..

            Nagtalo kami kanina ni Jerry dahil sa text. Ang korny man pero badtrip. Naglalambing sana ako para hintayin nya ko at kumain kami sa labas. Kaso parang nagsasawa na sya sa kinakainan naming. Joke lang pero agad na uminit ang ulo nya. Hays.. Kaya bumili ako ng ang aming panghabang buhay na Mcdo. Peace offering. Pero, I was never good with words kaya kahit pagdating ko sakanila ay nagtalo pa rin kami. Pero buti nlng nagka ayos din kami. Pero kahit ngayong nakauwi na ko ay di ko mapigilin di kiligin. Mahal ko na talaga sya. Lalo pa pag naaalala ko kung paano ko sya niyakap at sinabing “Wag mo ko iiwan.” at kung paano nya din ako niyakap at sinagot ng “Oo, di kita iiwan.” Hehehe.. nakakakilig pa rin isipin. :) ---- Tumulo ang mga luha ko. Sa mga simpleng bagay na to.. Hindi nya alam kung gaano nya ko napapasaya. Kahit kelan ka talaga Philip.. Ag baduy baduy mo.. *Sabay tulo lalo ng mga luha ko…

            “Gumising ako ng maaga at nagluto ng almusal para kay Jerry. Dinala ko sakanila. Grabe talaga matulog yun. Nakailang katok na ko, text at tawag bago pa gumising! Pero ok lang, pagbukas ng pinto ay naka topless ito at nakaboxer lang. ang cute nya at ang sexy tingnan :P Kinagat ko sya sa pwet kasi ayaw nya magising. Hahahaha! Kakaibang lafftrip yun! Hahaha! Pero bumawi naman ako ng halikan ko sya sa noo. Sabay kami pumasok ngayon.” ---- tong Philip na to. Kahit kalian, manyak talaga. Huhuhuhu. Bat ba ngayon ko lang nalaman lahat ng to?! Nagpatuloy ako sa pagbabasa at sa pagiyak.

            “Kakabalita lang sakin ni Jerry na wala na si Tito Lance. Kamusta kaya si Tita Marissa at si Art? Alam ko magiging mahirap ito para sakanila. Uuwi din kaya sila Kuya George at si Albert? Pero mas nagaalala ako kay Jerry. Alam ko napalapit na rin ang loob nito kay Art at sa pamilya nito.

            Hahaha! Kakabalik ko lang galing sa labas. Sinilip ko si Jerry para icheck kung okay lang sya. Naabutan ko syang malungkot pero napatawa ko din naman sya. Ang cute cute nya pa rin.... ---- at nagpatuloy ako sa pagbabasa. Hanggang sa nakaabot ako sa parte na nalaman nya na mahal din ako ni Art, na nakita nya kaming magkayakap ni Art, ang unang pagtatalo namin nung  pagtapos ng training nya, hanggang sa away namin sa bar sa malate. Dito din nabunyag sakin ang tunay na nangyari. Binigyan pala sya ni Kulas ng kung ano kaya nabangag sya. Tarantado talaga tong kulas na to. Adik amputa kahit kelan. Shit! Pero hindi ko man lang napansin yun.. At hindi man lang ako nakinig kay Jenny. Sa tuwing magpapaliwanag si Jenny tungkol sa nangyari ay palagi kong binabago ang usapan sa twing si Philip ang naging topic. Shit! Ang tanga tanga ko. ANG TANGA TANGA KO!!

            Habang umiiyak ako ay puro panghihinayang ang laman ng isip ko. Di ko tuloy maiwasan na di umiyak ng mas grabe. Ito pala ang ibig sabihiin ni Jenny na kumain ako ng marami dahil kakailanganin ko ang lakas ko. At tama pala sya talaga, dahil kakailanganin ko nga ito. Dahil ngayon pa lang ay hinang hina na ako. Kahit pa halos lumabo na ang paningin ko ay tinuloy ko pa rin ang pagbabasa. Hanggang dumating ako sa parte kung saan mas naliwanagan na ko sa lahat.

            Dumaan ang panahon pero kahit pa ganoon ay mahal ko pa rin si Jerry. Hindi ko din alam. Kung tutuusin, madami naman jan na pwedeng magmahal sakin. Pero kahit saan ako tumingin ay si Jerry pa rin ang mahal ko.. Kanina, bago ako tuluyang umuwi ay napadaan ako sa gym at nagtago ako sa gilid ng pinto at pinanood si Jerry sa training nila sa Pep. Magaling din pala sya sumayaw! Hindi lang sa pagluluto at pagkanta sya magaling. Pati pala sa pagsasayaw. Simula ngayon ay kahit parang stalker na ang dating ko ay panonoorin ko si Jerry sa training nya pagtapos ng training ko.. Kahit sa pagtanaw sakanya sa malayo ay masaya na ako. :) ---- Ngayon ay nasagot na ang katanungan ko ukol sa pagupo ni Philip twing may training kami. Alam ko na kung bakit ba sya lage andun at tila may hinihintay. Akala ko nung una ay ako pero hindi ako sure. Pero tama pala ako at ako nga ang hinihintay nya, or atleast pinapanood nya. Speechless ako dahil hindi ko man lan nakita ang lahat ng to. Huhuhuhu..

            Nagkaroon kami ng project sa school. Sa book report at art. Pambihira, mas naaalala ko tuloy si Jerry. Kadalasan kasi sya ang gumagawa ng book report o essays ko, at ako naman ang gumagawa ng kahit anong may kinalaman sa art nya. Tag team kami ee, kaso dahil sa katangahan ko, eto, kanya kanya na kami.. Pero hmmm.. alam ko na!

            Napapayag ko si James na gawin ang project ni Jerry, Ako rin ang nagbigay ng concept sa kung ano bang iddrawing nya. Nung una, gusto ko sana about friendship pero mukhang ang selfish ko naman. Gusto ko something na makakatulng kay Jerry lalo na ngayon sa mga kinikilos nito. Kaya nabuo ko ang concept ng Spartan warrior.

            Kakauwi lan ni James galing kaila Jerry at pumayag daw ito. Yes! Kahit man lang sa paraan nay un ay makatulong ako sakanya. Pinababalik sya sa sabado para simulan ang project ni Jerry. Sinabihan ko na dun na sya matulog at yayain nya si Jerry kinabukasan magsimba. Pangarap ko kasi yun, kaso hindi na natuloy tuloy dahil nga nag away na kami. Hays, namimis ko na tuloy sya.

            Kararating lang ni James, ang sarap daw ng luto ni Jer, Nainggit naman ako. Namimis ko na ang luto ni Jerry. Actually, ang kabuuan nya namimis ko na. Pero ok na muna ako sa ganto. Sana isang araw magka ayos din kami. Hays, kelan kaya yun? :( Whatever happens, hihintayin ko yun---- Biglang bigla ako sa nalaman. Hindi ko akalain na pati pala ang paglapit ni James sakin ay si Philip pa rin ang may gawa. Kaya pala ang gawa ni James ay angkop na angkop sa nararamdaman ko. Yun pala ay ideyang lahat yun ni Philip. All those times na akala ko na wala na syang pakialam sakin ay binabantayan nya pa rin pala ako. Ako lang pala ang di nakakakita ng lahat. :( Philip, kung alam mo lang din na mis na mis na kita nitong mga panahong to.. :(

            Nabalitaan ko ngayon lang na nakabalik na daw si Art. Enrolled na pala sya bago pa pumunta ng Amerika. Kaya pala nagtataka ako kung pano sya nakapasok pa kahit malapit na ang exams. Yun pala enrolled na sya noon pa. Kinakabahan ako na ngayon na nagbalik na si Art. Baka mas mawalan na ko ng pag asa kay Jerry. Pero this time, lalaban na ko. Hindi na ko magpapatalo ng di man lang lumalaban..

            Lunch break ngayon, nakita kong magkakasama sila Ben, Jenny, Leah, Art, at Jerry na kumakain. Naiinggit ako. Namimis ko na rin sila kasama maglunch. Namimis ko naman lalo si Jerry. Pero teka bat parang di naguusap si Art at Jerry? May problema kaya sila? Wag naman sana..

            Hindi kinaya ng puso ko tingnan si Jerry na umiiyak. Andito ko sa room ngayon at di makapagfocus sa lessons namin. Iniisip ko kasi bat kaya umiiyak si Jerry kanina sa gym. Gustong gusto ko syang lapitan, yakapin at patahanin. Gusto ko sana malaman kung anong problema nya. Pero natatakot ako baka itakwil nya lang ako. Kaya dahan dahan ako lumpait sa likod nya at nilagay ang panyo ko at nilagay ito sa tabi nya. Sa ganung paraan man lang ay ako pa rin ang makapagpunas sa kanyang mga luha. Kahit sa panyo ko lang..

            Pinagmasdan ko sya buong araw. At hawak nya pa rin ang panyo ko. Medyo gumaan na rin ang loob ko. Iniimagin ko na lang na kamay ko ang panyong hawak nya. Sana maramdaman nya ang pacocomfort ko sakanya kahit sa panyong yun lang.. :(  ---- Hindi ako makapaniwala sa nabasa. Sakanya galing ang panyo?! Pero.. Akala ko ba kay Ming galing yung panyo? Ano ba talaga?! Napansin ko na may mga sulat sa baba ng notebook. “Tahan na”, “Do not cry”, “Don’t cry. It hurts me.” at sa baba nun ay may parte na sadyang pinunit. Naalala ko ang papel na kasama dun sa panyo. Agad agad kong kinuha ang papel nay un na tinago ko sa wallet ko. Halos kilabutan ako ng makita na pareho ang handwriting sa papel at sa notebook. At ng idinikit ko ang papel ay tugmang tugma ito sa pagkakapunit. Tugmang tugma ang papel na may nakasulat na “Don’t cry. It hurts me even more.” Mas lalo akong nanghina sa nalaman. Sya pala ang nagbigay ng panyo, ibig sabihin nagsinungaling si Ming tungkol sa lahat. Simula sa mga sinabi nyang pagkakakilala nya sakin hanggang sa panyo. Lahat isang malaking kasinungalingan. Kaya pala alam nya na paborito ko ang menudo, ang horror movies, o ang biglang pagtumbling nya pag malungkot ako. Lahat pala ay nalaman nya dahil sa notebook na to. Shit! Tangina….

            Final entry na ng nilalaman ng notebook at halos din a ko magandaugaga sa kakaiyak. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Panghihinayang, sakit, lungkot, saya, galit, suklam, halo halo. Halos mabaliw ako sa mga nalaman ko. Asan na nga ba si Jenny? Kaya pala sabi nya ay pupuntahan nya ko. Dahil pala kakailanganin ko talaga sya ngayon. Pero higit sa lahat, ang gusto kong makita ngayon ay si Philip. Gusto ko syang makausap at maklaro ang lahat para sa aming dalawa.

            Tulad ng napagkasunduan naming ni Jenny ay pupunta ko sa bday ni Jerry. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni wala akong mukhang maiharap sakanya. Pero namimis ko na sya talaga. At gusto ko ng ayusin ang lahat. Jerry, sasabihin ko na sayo ang lahat ngayong gabi. Hindi ko alam kung paano.. Pero gagawin ko na.. At sasabihin ko na sayo kung gaano kita kamahal at kahit ano pang maging tugo ay iiwanan ko pa rin sayo ang pangakong …………. ---- HUH?! Pangakong ano?! Bat wala ng kasunod? Anong pangako ang sinasabi nya?! So, pakana pa rin pala ni Jenny ang lahat. Simula’t sapul ay tinutulungan nya na pala talaga ako. Kami. Huhuhu! Bat di ko ba nakita ang lahat ng to noon pa?!

            Hinang hina na ko sa pagiyak. Natapos ko ng basahin ang laman ng notebook at sumariwa sakin ang lahat ng alaala. Simula nung una naming pagkikita at paguusap sa Mcdo, ang pagtulong ko sakanya kay Emily, ang pagpapakilala nya sakin bilang bestfriend, ang biglaang pagkanta ko sa harap ng mga tao, ang pagtitig ko sakanya at pagkindat habang kumakanta, ang mga yakap at halik nya sakin, ang birthday nya at kung pano nya ko tiningnan habang sinuot ko ang bracelet sakanya, ang paglasing lasingan nya, ang pagsundo nya sakin sa babaan ko ng jeep, ang pagkain namin sa Mcdo sa twing nagpapahintay sya sakin pag matatagalan sya sa training nya, ang sabay naming paguwi, ang mga alalaalang magkasama kami at nagtatawanan, mga panahong masaya kami, mga panahong sinayang ko ng dahil sa hindi pagkakaintindihan. Sumasakit na ang ulo ko sa pagiyak. Kung kanina ay umiiyak lang ako, ngayon ay mas humahagulgol na ko.  Halos napapasabunot pa ko sa sarili dahil sa sobrang sakit ng mga nalaman ko. Pero isa ang sigurado ko ngayon.. Minamahal ko na sya noon pa at mahal ko pa rin sya ngayon.. Hindi.. Mas minamahal ko pa sya ngayon….

            Nahihilo na ko sa pagiyak at natutuyuan na ko ng lalamunan kaya nagpasya akong bumaba at kumuha ng tubig. Pero pagbukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ko ay sumariwa muli sakin ang lahat ng alaala na meron ako kay Philip. Kahit kasi san ako tumingin e may alaala ako kay Philip. Hanggang sa matahak ko ang daan sa kusina at nakakuha ako ng tubig ay umiiyak pa rin ako.

            Halos malunod ako sa iniinom kong tubig dahil kahit anong gawin ko ay di ko mapakalma ang sarili sa pag iyak. Naramdaman ko ang panghihina kaya binatawan ko ang baso. Hanggang sa di ko na nakayanan at napaupo na ko sa sahig ng aking kusina.

            Nagiiyak ako doon. Hindi ko alam kung gaano katagal sa ganoong posisyon. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may nagtatayo sakin. Si Jenny. Inakyat ako at binuhat papunta sa kwarto ko uli. Pero bumaba uli ito at ng makabalik ay may dalang pichel ng tubig at baso. Nakita ko rin na umiiyak na rin ito. Dahil siguro sa awa sa ichura ko o sa pagaalala. Hindi ko alam pero naramdaman kong niyakap nya ako bigla. Mas napayakap naman ako sakanya, at uli mas umagos ang mga luha ko.

            “J-Je-Jenn-y-y”, hikbi hikbi kong tinawag ang pangalan nya.

            “I guess nabasa mo na. Yan ung notebook  na sinusulatan ni Philip tungkol sa nararamdaman nya. Yan ang mga salitang di nya masabi sayo. Ako ang nag advice sakanya nyan. Ganyan din kasi ako. Pg may mga bagay ako na di masabi sa iba, e sinusulat ko to sa isang papel. Kaso yung sakanya, umabot na ng isang notebook.”

            “Jenny. Tangina. Sana nakinig na ko sayo noon pa. Lahat ng nangyari.. Huhuhuhu.”

            “Jer, diba sabi ko naman sayo, don’t dwell in the past. Nangyari na ang nangyari at wala na tayo magagawa about the past.”

            “Jen, I need to talk to Philip.”

            “I know. Tatawagan ko sya.”

            Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Bigla naman kinuha ni Jenny at sya ang bumukas ng message. Galing daw ang message kay Mingming.


Chapter 24

            “Jer, may nakita ka bang gamit sa bag ko? Ah.. kung meron lang naman.”

            Naginit ang ulo ni Jenny dahil alam nya na ang notebook ang tinutukoy nito. Kaya sya ang ngreply dito.

            “Wala eh. Ano ba yun? May dapat ba kong makita? :)”

            “Ah. Wala naman. Cge, Thanks.”

            “Something like a notebook? :)”

            “Jer, I can explain. Please.”

            “Para saan pa? Iwasan mo na ang kaibigan ko!”

            “Kung sino man to, paki sabi andito ko sa labas ng bahay nila. Hihintayin ko sya lumabas.”

            Nagulat ako ng biglang tumayo si Jenny palabas ng kwarto. Nagulat naman ako ng mabasa ang huling message na nasa cellphone ko. Kaya dali dali rin akong tumayo at sinundan si Jenny.

            “Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita pa dito! Ang tigas din ng apog mo noh!”, galit na galit na sabi ni Jenny. Pero pinigilan ko ito.

            “Jen, let me handle this.”

            “Hindi Jer. Tarantado to ee!!! Hoy! Ikaw, rerespetuhin kita bilang coach naming pero itong kagaguhan mo, wag kang umasang may matatanggap kang respeto galing sakin!”

            “Jenny. Pwede ba makausap si Jerry.. Please. Kailangan ko magexplain sakanya.”, pagmamakaawa ni Coach.

            “Ano ieexplain mo? Yang kasinungalingan at panggagago mo? Tigas ng mukha mo!”, galit na sabi ni Jenny. Sabay labas ko ng pinto namin.

            “Jen, hayaan mong isabuhay ko ang lahat ng tinuro mo sakin. Iwanan mo nalang muna kami. Paki tawagan mo na lang sya.”

            Tiningnan lang ako ni Jenny kumapit nga lang ako sa mga kamay nya. Hindi ako sure sa ginagawa ko. Pero I deserve an explanation. Kaya pinapasok ko si Coach Gab para na rin di makagawa ng skandalo sa labas ng bahay namin.

Pagpasok nya ay umupo ako sa sofa at sya naman ay umupo sa harap ko. Nakatingin lang ako sa sahig, sya naman ay ramdam ko ang pagtingin nya sakin. Napaka uncomfortable ng pakiramdam ko. Magkahalong galit at inis ang nararamdaman ko. Gusto ko syang biglang suntukin pero I wanna have the right reason para gawin yun kaya nanahimik muna ako.

            “Jer, alam ko, so far, sa mga nagmahal sayo.. Ako na ang pinaka worst sa lahat. Dahil nagsinungaling at niloko kita. Sinira ko ang tiwala mo ng sinasadya ko.”

            Hindi ako makapagsalita. Napaluha lang ako. Ramdam ko na ang pamamaga ng mata ko. Kanina pa ba naman ako humahagulgol. Pero naglakas loob akong magtanong sakanya.

            “Bakit mo nagawa yun? Bakit mo sinabi na sayo galing ang panyo? Alam mo, hindi naman talaga yun ang kinagagalit ko ee. Bakit kailangan mo magsinungaling?”, nakita kong umiiyak na rin si Coach Gab.

            “Jer, I’m so sorry. Hindi rin naman ito ang pinlano ko ee.. I wanted to do it my own way din sana. Pero we all know kung sino talaga ang mahal mo. That day nung nagkaaminan dito sa bahay mo nung bday mo. Nakita ko yung notebook na yun sa kwarto mo. Kaya habang nagkakagulo ang lahat ay kinuha ko ito at inuwi ko sa bahay. Paguwi ko sa bahay ay agad kong binasa ito. Alam ko mali, pero mas kilala ka nya kesa sakin. At alam ko sya ang mahal mo kaya sinubukan kong maging si Philip. I tried to be in Philip’s shoes para makita mo ko at mapansin mo ko. Alam ko it was a desperate call, pero napasubo na ko ee. Mahal kita ee. So galing lahat sa nabasa ko ay kinuha ko ang ideya kung paano ka paibigin. At about sa panyo. Nakita ko kung paano mo hawakan yan sa twing malungkot at may problema ka. Para bang dyan ka kumukuha ng lakas. Kaya naman sinabi ko sakin galing yun. Alam ko mali, pero ano pang magagawa ko? Alam ko naman karuwagan ang ginagawa ko.. Pero Jer, Hindi ko inaasahan na patawarin mo ko Jer, o maging magkaibigan pa tayo after this. Malaking foul ang ginawa ko sayo. Hinarangan ko kaligayahan mo. I wanted you so badly kaya I tried to take Philip out of the picture.”

            “Kaya ba sinabi mo sa lahat na tayo na?!”, galit at matigas kong sinabi.

            “Oo. Sinabi ko kay Philip nung araw na lumabas kayo pagtapos ng training na pag sinuot mo tong singsing na to ay tayo na. Kaya pilit kong pinasuot sayo ang singsing na yan. Kaya din hindi dumating si Philip sa airport ay sinabihan ko sya na wag na pumunta dahil nakakagulo lang sya sa relasyon natin. At na kung ano man ang meron kayo nung bday nya ay dahil naawa ka lang sakanya. Jer, I’m sorry”

            “Alam mo. I could have loved you kung nagpakatotoo ka. Pero ngayon, hindi ko alam kung sino ka. Ang tagal nasayo nitong notebook na to. Hindi mo ba nabasa na ang isa sa gusto ko ay may honesty dapat sa ginagawa?”

            “I know Jerry. Kaya nga nagpunta ko dito para magpaliwanag at humingi ng tawad. Alam ko di ganun kadali intindihin ang paliwanag ko. Pero ginawa ko yun dahil sa pagmamahal sayo. Pero I think it doesn’t matter to you anymore. Kaya magpapaalam na rin ako sayo.”

            “Nagpunta ka dito para magexplain? Ngayon? As in tonight, you were planning on telling me everything?! Kasi ano?! Nalaman ko na ang totoo? You haad all the chance nung magkasama tayo, pero you chose to live with your lies. Kaya don’t tell me na magpapaliwanag ka at humihingi ng tawad. Kung gusto mo talaga magsabi ng totoo, you shouldv’e done it a long time ago.”

            “Jerry.. I’m terribly sorry…”, umiiyak nyang sinabi. Alam kong masakit ang mga binitawan kong salita. Pero di ko sinabi yun dahil galit lang ako. Alam kong yun ang dapat kong sinabi talaga.

            “Alam mo, don’t feel sorry for me. Kasi I feel more sorry for you. Wala kang tiwala sa sarili mo. Kailangan mo pang gumamit ng ibang tao para mahalin ka.”

            “Im so sorry Jerry…..”

            Dahan dahan akong lumapit at hinubad ang singsing na binigay nya sakin. Pagkalapit ko ay inabot ko ang singsing sakanya..

            “Jerry, please keep it. Kahit man lang dyan ay maalala mo ko.”

            “Gab, di na kailangan ang singsing na to para maaalala kita.. Dahil hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sakin….”

            “Jerry… I’m sorry..”, umiiyak nyang sabi.

            “Just go..”

            At dun, umiiyak na lumabas ng bahay ko si Gab. I hated to see him go di dahil mahal ko sya. Pero nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin. He could’ve been a good friend kung hindi lang sana sya nagpanggap. Pero what he did was too much for me. Kaya kahit gustuhin ko syang patawarin ay di kaya ng utak ko.

            Paglabas ni Gab ay pumasok si Jenny na naghihintay sa labas ng pinto ng kwarto ko.

            “Hey, are you ok?”, sabay yakap sakin ni Jenny.

            “Mas okay na kaso kanina..”

            “Jer, napabilib mo ko.”

            “I had to do it one way or another. Though this was not what I had in mind.”

            “I know it must be hard for you. Pero parating na ang huling laban mo. Alam ko pagod ka na. Pero I’ll be by your side. Pangako.”

            “You always were. Kaya salamat.”, sabay hawak ulit sa kamay ni Jenny at nagpunas ng luha.

            Umakyat kami ulit sa kwarto ko ni Jenny habang hinihintay si Philip. Pagpasok ay binigyan nya ako agad ng tubig. Pagtapos ay naupo lang kami sa kama at sinalang ni Jenny ang cd na bigay nya sakin. Kaso hindi na namin binuksan ang tv at hinayaan lang magplay ang sounds.

            “Alam mo, don’t feel sorry for me. Kasi I feel more sorry for you. Wala kang tiwala sa sarili mo. Kailangan mo pang gumamit ng ibang tao para mahalin ka.—Wow Jerry, those were really powerful lines. Napabilib mo talaga ako dun. Mukhang namana mo na ang talas ng dila ko.”

            Napangiti ako sa sinabi ni Jenny. Dahil kahit ako ay di ko inaasahan ang mga ganung salita na lumabas galing sakin. Napaka maintindihin kong tao, pero sa ginawa nya ay kahit anong gusto kong pagintindi ay di talaga macomprehend ng utak ko, or atleast hindi kayang tanggapin ng utak ko ang reasoning ni Gab. Sabi nila, pag inlove ka nga daw, nakakakgawa ka ng mga bagay na talaga namang di mo inaasahan. Pero paano sa side ng hindi nagmamahal? Yung tumatanggap lang ng kabaliwan ng nagmamahal? Ganto pala, pag-ibig nga naman..

            Maya maya ay narinig ko na ang pagkatok sa pinto ng bahay. Kaya binaba ni Jenny at maya maya ay pumasok na si Jenny kasunod si Philip. Nakatingin lang sakin si Philip at ako naman ay di makasalita.

            “Magsasalita ka ba o uupo ka lang dyan? Kasi kung uupo ka lang uuwi na ko.”, matigas na sabi ni Philip.

            “Phil, pwede ba maghintay ka lang dyan?!”, pagtataray ni Jenny.

            “No Jen! Jerry, nag usap na tayo kanina. At sabi ko sayo na ayoko na. Ayoko ng masaktan pa Jerry. Hindi ko na kakayanin kung madadagdagan mo pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pinapalaya na kita Jer. Dun ka na kay Coach este Mingming mo! Hinding hindi ko na kayo guguluhin!”, galit at matigas na sabi ni Philip.

            “Phil, do you actually believe na kami ni Coach?”

            “Jer, wag mo kong gawing tanga!”, galit pa rin na sabi ni Philip.

            “Philip! Ikaw ang magisip! Why would I have sex with you that night kung kami?! At bakit kita hahalikan sa harap nya kung kami?! Magisip ka nga! Ayan ka nanaman sa pagiging sarado ng utak mo ee!”, bigla kong nasabi.

            “Ako pa makitid ang utak ngayon??!!! Tangina talagang buhay to oo!!”

            “Oo! Tanginang buhay talaga to! Dahil all these time, I’ve been trying to tell you na mahal din kita! Na ikaw ang mahal ko! Pero dahil sa takot at insecurities mo! Hindi mo makita yun!! Punyeta!”

            “Ops, Ops, Ops, teka lang.”, pagsingit ni Jenny.

            “Jer, ako nalang muna kakausap kay Philip. Hintayin mo na lang muna kami sa sofa. Ako na bahala mag explain.”, dagdag pa ni Jenny.

            Pumayag naman ako kaya tumayo muna ko at lumabas ng kwarto. Pero bago pa man din ako lumabas ay may sinabi ako kay Philip.

            “Bago mo pansinin ang singsing na suot ko. Napansin mo ba kung sayo pa din bang bracelet yang suot mo!!”, umiiyak kong sinabi sabay bato ng panyong binigay nya sakin noon sabay labas at sarado ng pinto sa likod ko.



Si Philip.

            Nagulat ako sa sinabi ni Jerry bagong tuluyang lumabas ng kwarto nya. Bigla kong hinubad ang bracelet na suot ko at tiningnan kung ano bang naiba dito. Napansin ko nalang na sa ilalim ng plate ng bracelet ay may naka carve pala na pangalan dito. “Jerry”. Naramdaman ko agad ang mga luha na pumatak galing sa mga mata ko.

            “Hala, hindi ko napansin! Masyado kasing parehas ang bracelet namin at isa pa ay hindi ko na to hinubad simula ng isuot sakin to ni Jerry”, ang tanging nasambit ko sa sarili.

            “Philip, gusto ko buksan mo ang isip mo at humanda ka sa mga maririnig mo.”

            “Ano bang nangyayari Jen?”

            “Ok, actually, plano ni Jerry na sabihin ngayon kay coach na hindi na pwede maging sila dahil ikaw ang mahal nya. At plano na nya sabihin sayo na ikaw ang pinipili nya.”

            Nagulat ako sa sinabi ni Jenny. “Yun kaya ang dapat sasabihin sakin ni Jerry kaninang lunch sa school?”, tanong ko sa sarili ko.

            “Ano…?”, ang tanging natugon ko kay Jenny.

            “Oo Philip.. Totoo.. Kinausap ako ni Jer tungkol dito. Pero may nalaman syang bigla.”

            “Nalaman? Anong nalaman?”

            “Nabuksan ni Jer ang bag ni Coach Gab at nakita ito.”, sabay pakita ni Jenny sakin ng isang notebook.

            “Akin to ah! Pano naman to napunta sa bag nung Coach nyo?!”, buong pagtataka ko. Kaya pala kahit anong hanap ko noon pa ay di ko na makita ang notebook na to. Pero pano napunta to kay Coach??

            “Unfortunately, nakuha nya to nung araw na nagkaaminan dito sa bahay ni Jerry nung bday nya. Nakita nya ito dito sa kwarto ni Jerry habang nagkakagulo ang lahat.”

            Napaisip ako. Oo nga. Natatandaan ko tong dala ko to nung bday ni Jerry. Dahil di pa ko tapos magsulat ng biglang dumating si Jenny at sinundo na kami at nagmamadali sya dahil anong oras na daw kaya nagpasya na lang akong dalhin to. Natatandaan kong tinupi ko ito sa dalawa dahil manipis lang naman ito kaya nilagay ko sa likurang bulsa ng pantalon ko. Siguro din kaya nalaglag ito sa bulsa ko dahil sa pagkakasapak sakin ni Art nung gabing yun. O nung nagkakarambulan sa kwarto ni Jerry.

            “Tapos…?”, nanghihinayang at umiiyak kong tanong.

            “Ginamit lahat ni Gab ang impormasyon sa notebook mo para paibigin si Jerry. He even said na galing sakanya tong panyo mo….”, sabay abot sakin ni Jenny ng panyong binato ni Jerry kanina.

            “Alam mo Philip, yan ang naging sandalan ni Jerry sa twing umiiyak sya. Nung una, di ko maintindihan kung bakit ba yan ang lage nyang dalang panyo. Pero ngayon, naiintindihan ko na. Philip, mahal ka ni Jerry.. All this time, minamahal ka nya. Kaya nga hindi nya masagot sagot si Art at Coach noon pa man. Dahil alam nya sa sarili nya na ikaw ang mahal nya. Pero sa di inaasahang pagkakataon, nagkagulo ang lahat. At humantong na sa ganto. Pero gusto nya na makipag ayos at sabihin sayo ang lahat kaya pinapunta ka nya ngayon dito para muling tangakin na sabihin sayo..”

            “Pero Jen, ang singsing?”

            “No Phil. Sabi ni Gab ay binigay nya lang yun bilang pasasalamat kay Jerry. Ginamit lang nya yun para iwasan mo si Jerry. Para palabasin na pag nakita mong suot na ito ni Jerry ay isipin mo na tinanggap na ni Jerry ang pagmamahal nito. Ginamit nya yun para sirain kayo. Inamin din nya na sinadya nya ang lahat at ginawa nya ang lahat. Phil, hinintay ka ni Jerry kahit pa sa airport…”

            “Ano?! Tarantado yun ah! Makita ko lang yun!!”, galit kong sabi.

            “Wala na ring saysay Phil. Galing dito si coach kanina at pinamukha ni Jerry ang kagaguhan nya. Na bistado na sya. Pero before all that, plano nya na talaga bastedin si coach dahil ikaw ang tunay nyang minamahal..”

            “Jen.. hindi ko alam.. Akala ko kasi…”

            “Ako din, we all thought wrong.. Kanina ko lang din nalaman ang lahat. Lahat lang, pinlano ni Gab para hindi kayo tuluyang magkatuluyan. Pero ngayon Phil, wala ng hadlang pa. Pero sa nasabi mo kanina kay Jerry, mas masakit ito para sakanya ngayon. Kanina pa sya iyak ng iyak. Simula pa lang pagtapos ng training ay balisa na sya. Kaya pagkauwing pagkauwi palang nya dito ay nagiiyak na sya. Hanggang sa makarating ako dito ay umiiyak pa din sya.”

            Naawa ako sa kinahantungan ni Jerry. At ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. Na lahat ay isang malaking maling akala lamang. Pero napatunayan ko na ngayon na ako din ang minamahal ni Jerry.

            “Jenny.. Anong gagawin ko..?”

            “Kausapin mo sya. Masyado ng maarte ang love story nyo. Tigilan nyo na pwede? Marami na masyadong nangyari. Tama na Phil.”

            “Tama. Kailangan na naming magusap.”

            Tumungo sa pangsang ayon si Jenny. Tumayo ito at sinabihan ako na maghintay at tatawagin lang daw nya si Jerry sa baba at paakyatin ito para makapagusap na kaming dalawa ng masinsinan.

            Kinakabahan ako habang naglalakad si Jenny palabas ng kwarto. Hindi ko alam kung pano sisimulan ang paguusap na mangyayari samin ni Jerry. Pero mas buo na ang loob ko dahil alam kong ako din ang tinitibok ng puso ni Jerry. Pero bigla akong nagulat ng biglang marinig kong nagsisigaw si Jenny at tinatawag ako.

            “PHILIP!! PHILIP!!”

            Dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Jenny na sobrang taranta.

            “Oh! Bakit Jenny?!!”, taranta kong tanong.

            “Si Jerry!! Nawawala!! Nawawala si Jerry!!

            “HUH???!!!”

            Agad akong tumakbo palabas at hinanap hanap si Jerry sa daan. Nangangarap n asana di pa nakakalayo si Jerry. Asan ba sya? San ba sya nagpunta? Pero hindi ko sya nakita sa paligid kaya bumalik ulit ako sa bahay nila.

            “Ano nakita mo ba?!”, pagaalalang tanong ni Jenny.

            “Hindi ee! Sinubukan mo na ba tawagan?!”

            “Oo! Pero ring lang ng ring ang cellphone nya ee! Pero tinawagan ko na si Erwin, si Ben at si Art.”

            Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko na rin ang kambal kong si James.

            Maya maya lang ay dumating na sila. Since magkakalapit lang kami ng bahay ay madali silang nakarating. Dahil isang tricycle lan naman talaga ang layo ng mga bahay namin sa isat isa. Magkasabay pumunta si Ben at Erwin dahil sila ang magkalapit ng bahay. Si Art naman ay kasama lang si Kuya George dahil si Albert ay nasa States na uli. Maya maya ay dumating na rin ang kambal ko. Time check. 1:27 am.

            Sabay sabay kaming lumabas na mga lalake at hinanap si Jerry sa buong paligid. Pinaiwan namin si Jenny sa bahay dahil delikado na rin kung lalabas pa sya dahil gabi na lalo na babae pa sya at baka umuwi rin bigla si Jerry at walang maabutan sa bahay. Sa text na lang kami magbabalitaan.

            Agad akong nagtatakbo palabas at hinanap hanap si Jerry sa paligid. Nagaalala ako lalo sakanya dahil alam kong wala na tong lakas pa. Kanina pa to nagiiyak at galing pa to sa school at sa training. At worst, galing pa sya sa sakit.

            Dalawang oras na ang lumipas at napuntahan ko na ang lahat ng mga pinupuntahan ni Jerry. Imposible naman sa mga kaklase naming sya pupunta dahil hindi naman mahilig mangapit bahay si Jerry lalo na dis oras na ng gabi. Tinawagan din ni Jenny lahat ng kasama nila sa Pep pero wala din daw si Jerry sakanila. Maging ang iba ay bigo sa paghahanap nila kaila Jerry. Kaya napagdesisyunan na bumalik muna sa bahay nila Jerry.
            “Tumawag na tayo ng pulis.”, agad na sinabi ni Jenny.

            “Wala rin magagawa yun. Hindi pa naman sya nawawala ng 24 hours kaya wala din sila matutulong.”, tugon naman ni Ben.

            “Pwes! Anong gagawin natin dito?! Tutunganga na lang?! Paano kung may nangyari ng masama kay Jerry?!!!”, pagtataas kong sagot.

            “Walang masamang mangyayari kay Jerry. Matalino si Jerry. Alam natin lahat yun.”, kalmado namang tugon ni Art.

            Nagisip isip kaming lahat kung san nga ba pwedeng magsuot si Jerry. Wala akong maisip kung saan ba pwede pumunta si Jerry. Wala naman kasi din itong tambayan kundi ang coffee shop na pinupuntahan naming malapit sa school. Pero imposible dahil sarado na yung coffee shop ng gantong oras.

            “Saan ba pwede pumunta si Jerry? Wla ba kayong alam na iba pa nyang tambayan?”, tanong ni Kuya George.

            “Wala na ee.”, sagot ni Jenny.

            “Ah, wala bang lugar na spesyal sa kanya? O kaya wala ba syang takbuhan na lugar?”

            “Wala din. Usually sa bahay lang sya.”, sagot naman ni Ben.

            Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili sa mga nangyayari. Kung nakinig sana ako sa paliwanag ni Jerry ay di sana mawawala ito. Wla tuloy akong maisip na pwedeng puntahan ni Jerry. Wala naman syang spesyal na lugar na pinupuntahan nya? Spesyal na lugar? Napaisip ako ng malalim.

            “Hintayin nyo ko dito. May pupuntahan lang ako. Susubukan ko dun.”, sabay tayo at banggit sa lahat.

            “Text text nlng tayo.”, dagdag ko pa sabay labas ng bahay nila Jerry.

            Agad kong tinakbo hanggang sa kanto nila Jerry at humanap ng masasakyang Jeep. Pero dahil dis oras na rin ay wala na masyadong jeep na dumadaan. Kinakabahan akong naghintay ng jeep at nagdadasal n asana makita ko si Jerry sa lugar na pinaghihinalaan ko kung nasan sya.

            Maya maya ay may dumating ng Jeep at agad akong sumakay. Kaba kaba at umiiyak akong nagdadasal para sa huling baraha ko. Malakas ang kutob ko na dun ko matatagpuan si Jerry.

            Pagbaba ko ng unang jeep ay kailangan ko pang sumakay ng isa pa. Buti na lang na ay sa gantong oras ay may mga iilan ng jeep na bumabyahe dito dahil na rin sa mga trabahador na pumapasok ng maaga. Agad akong pumara ng isa at sumakay. Mapalad naman akong harurot si manong magdrive. Wala pa din kasing gaanong tao ng mga ganung oras kaya mas mabilis ang naging byahe ko. Hanggang sa pumara ako at bumaba na ng Jeep.

            Kabado akong naglakad papunta sa lugar na pinaghihinalaan ko kung nasaan si Jerry. Dinadaga ang dibdib ko.Dali dali kong nilakad ang daan na walang ibang laman ang isip kundi si Jerry.

            Hanggang sa narating ko ang lugar na yun.

            Nakatayo lamang ako sa labas at di muna pumasok. Nagmasid mula sa labas at nakitang halos walang katao tao sa paligid. Hanggang sa naglakas loob akong lakarin pa papasok sa loob. Time check. 4:17 am.

            “Good Morning Sir! Welcome to Mcdonalds!”, bati sakin ng guard.

            Dahan dahan akong pumasok at tumingin tingin sa paligid pero hindi ko nakita ko si Jerry sa ground floor. Hanggang sa narating ko na ang stairs paakyat ng 2nd floor. Kinakabahan ako dahil ito na ang huling hibla ng pag asa ko na makita si Jerry. Kabang kaba at dahan dahan akong umakyat papunta sa 2nd floor ng Mcdo. At pagakyat na pag akyat ko… BINGO!




Si Jerry..

             Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Sa dami dami pa ng lugar. Bat ba dito ako nagpunta. Siguro kasi dito nagsimula ang lahat. Dito nagsimula ang pagkakaibigan naming ni Philip. Masyadong maraming alaala ang lugar na to sakin. Hinding hindi ko makakalimutan ang unang araw na niyaya nya ko dito para kumain. Nakakatawa dahil kumakain na kami ng di man lang naming alam ang pangalan ng bawat isa. At mas nakakatawa pa dahil dito ko din nalaman na kambal pala sila ni James.

            Nagumpisa nanaman mangilid ang mga luha ko. Sa twing naaalala kita Philip, may kurot sa puso ko. Sana pwede ko ibalik ang lahat. Yung mga panahong di pa tayo nagkakasakita. Kung maibabalik ko lan lahat lahat, sasabihin ko na sayo ng walang takot na mahal kita. Na mahal na mahal din kita..

            At ngayon, nakaupo nanaman ako sa eksaktong upuan na pinagupuan naming noon. Kaso magisa na lang ako. All I can do now is imaginin na andito ka sa harap ko. At hanggang sa imahinasyon ko na lang kaya sabihin sayo lahat ng gusto ko sabihin.

            Masakit sa loob na isipin na ito ang kinahantungan ng buhay natin. Kahit pa ngayon na alam ko na ang lahat lahat at ang buong katotohanan, imbis na makapag usap na tayo ng maayos ay away pa rin ang kinahantungan nating dalawa. Mukhang masaydong maraming panahon na ang nasayang at tila kinuha na ang pagibig na nararamdaman mo para sakin. I cant blame you. Kasalanan ko rin to.

            Napapikit ako sa sobrang sakit na nararamdaman. If only I could see you now. Sasabihin ko na sayo ng walang atubili ang nararamdaman ko. All I need is that chance. Pinikit ko ang mga mata ko at bumilangg ng sampu. Pagdilat ko ay sana makita kita. Kaso paano? Ni hindi mo nga alam kung nasaan ako.

            “1..2..3..4..5..6.7..8……9……….10”

            Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. At bago ko pa tuluyang imulat ito ay hiniling ko na sana ay ikaw ang makita ko. Hanggang sa tuluyan ko ng naimulat ang mata ko. Naiyak ako. Sapagkat wala akong Philip na nakita. Walang Philip na dumating. I thought dadating ka, pero I guess sa movies lang ang mga ganung tagpo. Akala ko pwede din mangyari sakin yun. Akala ko pwede….

            Umiiyak ako habang nakahiga ang ulo ko sa lamesa. Amoy na amoy ko ang aroma ng pancake na kinakain ng iilang tao na nakaupo sa di kalayuan. I miss how Philip and I used to have breakfast. Kahit yung mga simpleng bagay na yun. Lahat mahalaga na sa buhay ko. Kung nalaman ko lang sana lahat ng mas maaga. Kung mas naging matapang lang sana ako..

            Umiiyak ako kasabay ng pagalaala sa mga magagandang tagpo sa buhay namin kasabay ang nilalaman ng notebook nya. Hindi ko akalain nay un pala ang mga bagay na nais nya pang sabihin sakin noon pa.Hindi ko rin akalain na all these time na akala ko ay wala na syang paki sakin, ay binabantayan nya pala ko mula sa malayo. Kahit sa simpleng pagtanaw nya sakin twing training ko, o ang pagkumbinse nya pa kay James para gawin ang project ko. Akala ko dati, selfish sya.. Pero hindi pala, hindi lang talaga siguro sya showy. Or atleast yun ang paraan nya para ipakitang mahal nya pa rin ako. Napakasakit sa damdamin. Lahat lahat ng ito ay sinayang at pinalagpas ko. Wala na kong paki sa sasabihin ng iba. Pinagtitinginan ako dahil umiiyak ako. Pero wala na kong paki.. Ngayon pa.. Ngayon pang wala na ang lahat.. :(

            Nasa gitna ako ng pagiyak at hiniga ko nanaman ang ulo ko sa lamesa. Nasa alaala ko pa rin si Philip, at kahit anong pilit ko na kalimutan, e hindi ko magawa. I still wish na nandito sya. Pero hanggang pangarap na nga lan ata lahat ng ito. I looked up and dreamt he was there sa harap ko. Kahit man lan sa pamamagitan ng alaala ko ay makita ko sya na nakaupo sa harap ko at nakangiti habang kumakain ng aming paboritong fries at nuggets. Habang nagkwekwento sya sa mga nangyari sakanya buong araw. At pagtatawanan lahat ng mga bagay na nangyari.

            Pinagpatuloy ko lang ang panloloko ko sa sarili ko habang nakatingin sa espasyo sa harap ko. Imagining it was Philip habang ang mga luha sa mata ko ay walang tigil sa pag agos. Ramdam na ramdam ko ang sakit.

            Napatingin ako sa bintana palabas. It was still the exact view na nakikita namin. Madilim pa rin dahil sa masyado pang umaga. Namis ko nanaman tuloy ang mga times na pagtapos naming kumain ay nakatingin lang kami sa labas at ako naman ang kakamustahin nya. More tears fell in my eyes.

            Biglang nabaling ang tingin ko sa daanan. It’s almost time para umalis kami. Tatayo kami at sabay na maglalakad palabas ng Mcdo at sabay na uuwi.

Nanlalabo na ang mata ko kakaiyak at sa pagod ng may nakita ako. Papalapit sya ng palapit sa direksyon ko. Isang binata na dire direcho ang paglakad. Napatingin ako sa mukha na hoping it was Philip. Pero bigo ako. Hindi sya. Hanggang sa di ko na kinaya at tuluyan ko ng hiniga ang ulo ko muli sa lamesa. I was crying my heart out. Hindi ko na mapigilan ang di pagluha.

Hanggang sa…..

“Didn’t I tell you not to cry for it hurts me even more?”

Napatigil ako sa pagiyak. Kinakabahan kong inangat ang ulo ko to see who it was. Kilala ko ang nagsabi nun. Halos himatayin ako ng makita ko si Philip na nakatayo sa harap ko.

“Philip..?”, luhaluha kong sinabi.

“May nakapagsabi sakin, spesyal daw tong panyong to sayo. Araw araw mo nga daw tong ginagamit”, sabay abot sakin ni Philip ng panyo.

Hindi ako nakapagpigil at napayakap ako sakanya. Wala na kong paki sa sasabihin o magiging reaksyon ng mga tao sa paligid ko. All I care about now is mayakap sya at maparamdam ko sakanyang mahal ko sya.

“Jerry ko, andito na ko..”

Napaupo ako sandali. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mga luha ko.

“Paano mo nalaman na nandito ako?”

“Hindi ko din alam. Kinutuban lang ako. Basta bigla kong naisip tong lugar na to. Naalala ko kasi ito din yung lugar na niyaya mo kong kumain noong pinuntahan mo ko nun sa training. Naisip kong mahalaga sayo tong lugar na to. I figured out na isa tong mga lugar na to sa nagpapasaya sayo.”

“Natatandaan mo ba nung nagusap tayo about sa mga bagay na nagpapasaya sakin? Diba ang huli kong sinabi sayo ay sikreto? Ang totoo. Ito ang secret na yun. Dito kita nakilala. Dito tayo naging magkaibigan. At dito nabuo ang pagmamahal na matagal kong tinago sayo. Kaya mahalaga sakin tong lugar na to dahil dito mo ko lageng napapasaya.”

Nakita kong napaluha si Philip. Hinawakan nya ang mga kamay ko.

“Jerry.. Ngayon sasabihin ko sayo lahat lahat ng nararamdaman ko. Ayoko ng manghinayang pa sa oras na dadaan pa. Jerry, mahal kita. Mahal na mahal kita. I know it doesn’t make much of a difference, but gusto ko parin sabihin yun sayo.”

“No, it does. Kasi ang totoo.. Philip.. Mahal na mahal din kita..”

“You do…?”

“Oo, Philip. Totoo. Now I just want you to promise me one thing.”

“Kahit ano Jerry. Kahit pa sabihin mo na wag na kita saktan pa muli, gagawin ko. Kahit ano.”

“No Philip, hindi natin maiiwasan na hindi magkasakitan. Parte na talaga yun ng buhay natin. Nasa sa atin na lang yun kung paano natin aayusin ang mga pagkakamaling nagagawa natin.”

“Naiintindihan ko.. Kung ganun ano ang gusto mo ipangako sayo….?”

“Promise me that you’ll look at me as if I’m the only person you see..”

Tiningnan mo ko sa mga mata ako at lumapit ka ng dahan dahan sabay dami ng iyong mga labi sa mga labi ko.

“Jerry.. Ive been doing that since the time I first laid my eyes on you..”


At simula noon ay naging kami na ni Philip. Sabay kaming lumabas ng Mcdo at hinarap naming sabay ang mga problemang dumating sa amin. We still don’t know kung ano ang mga mangyayari sa buhay namin. Pero atleast now we have each other. Kung iisipin mo, hindi talaga madali ang pinagdaanan naming dalawa, and we still look forward to more problems. Pero we also believe na mas makakaya na naming ito dahil ngayon.. Magkasama na kami.


(Wakas)

Author’s Note:


            Una po sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa lahat lahat ng sumuporta sa istoryang ito. Though may katagalan madalas ang pagpopost ko ay gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. Pasensya na rin pos a lahat kung di din ako nakakapagpost agad agad kasi naging abala po ako sa work. Honestly, halos wala nap o akong time for myself na rin. Pero pinangako ko pong tatapusin ko ito at gusto ko rin kasing mashare sa inyo ang aking story. Kaya muli, maraming salamat po.

            Marami pong nagrequest kung pwede ko po daw bang ipost ang pictures ng mga tauhan sa story ko. Pasensya na po, pero sinubukan ko pong humingi ng paalam sa mga taong involved pero sinabi nila na huwag na lang daw. Kung sabagay may mga sari sariling buhay na rin kami.

            Ngunit para pambawi po, magbibigay po ako ng updates about the characters. :)

            Ben – Bestfriend ko pa rin sya ngayon. Nagka anak sila ni Leah. Baby Boy, at ninong ako. Unfortunately, after 6 years na pagsasama nila ay nauwi din sa hiwalayan. Aaminin ko, naging emotional din ako sa break up nila dahil sobrang love ko silang dalawa. At maniwala kayo sa hindi, ako ang lapitan nila sat wing muntikan silang magbreak. Pero nitong last time, wala ako sa Pilipinas kaya wala akong nagawa para pigilan sila, at isa pa, sa kwento at hinaing nila sakin e nakita kong medyo nagiging malabo na talaga sila. Pero I’m still hoping na maging sila parin someday. Lalo na, may baby sila.

            Leah – She was always a strong woman kahit pasweet. Tulad ng kay Ben, ay bestfriends pa rin kami. And she’s one of those people na masasabi kong “treasure” ko sa buhay ko. Though medyo busy na sya with work ngayon, every now and then, we still talk.  At hanggang ngayon din, she refuses to talk about the break up with Ben.

            Art – The last time I saw Art was 2 years ago, birthday ni Leah. Nagcelebrate kasi si Leah ng bday nya sa isang bar. At dun kami muling nagkita ni Art. Lumipat kasi sila ng house. After highschool, for some reason, naging mailap sya samin. Hindi naming alam lahat ang reason. Pero bali balita eh tungkol daw ito sa family. We tried reaching out, pero sya na mismo ang umiwas.

            Coach Gab/Ming – After the incident with the notebook. Nagpakita sakin si Coach a year after. Sinubukan nyang manligaw ulit. Actually, matagal syang nanligaw. Kahit in a relationship ako e nangungulit sya. Last year lang sya talaga tumigil. Meron na din syang boyfriend ngayon. Pinakita nya pa sakin yung pic. The funny thing is, sobrang kamukha ko yung bf nya, or atleast, ka aura ko ung bf nya. Nagulat at natawa pa nga ako. Sabi nya, di pa din daw kasi sya makaget over sakin. (Ansaveh?) Kaya kumukha sya ng kamukha ko.

            Jenny – Isa mga taong hinding hindi ko makakalimutan. She was one of a kind. Actually, may anak na rin si Jen ngayon, kasing edad ng anak ni Leah. The funny thing is, sabay silang nagbuntis. Sadly, M.I.A ang ama ng anak nya. Swear, totodasin ko talaga pag nakita ko ang tatay nun!! Well, anyway, supportive pa rin ang family nya sakanya, at syempre ako. Ninong din pala ako ng anak nya.

                        Anyways, hanggang dito na lang po muna ako. Maraming maraming salamat po talaga sa lahat ng readers. Paki abangan na lang po ang next story ko. Kaso fiction na po yun. Ay, oo nga pala, gusto ko sana hingiin ang opinion nyong lahat. Pinagiisipan ko po kasing gumawa ng Book 2 ng MNB, kaso di ko pa talaga sure. I’ll be waiting po sa sagot nyo sa comment box. :) Maraming salamat po ulit talaga! Ciao! ^_^  

Again,, peace na tayo, ha. Alam ko natagalan ang post ko. Pero Sorry uli, ha! Thanks! Mwah! ^ * ^

            

8 comments:

Migz said...

wow... thanks author, kahit sobrang delayed na pagpost mo nito sulit naman.. galing ng ending, kakakilig, kakatuwa at kasarap magbigay ng inspirasyon.. thanks talaga..

Anonymous said...

Ayieeee... AntGal kong inantay toh ah... Infairness sulit.... Haha... Clap clap... Ganda ganda...

-jemyro

j20green said...

wow thanks, at leqst tinapos mo po ung story. d best. congratulations... book two please.... God bless!!!

M.V. said...

Yes finally nasundan at natapos ang story na to,,, one of my favorites at talagang inaabangan ko... ang ganda talaga and i like the ending... more stories pleasssssssse... congrats dark_ken...

Unknown said...

AAWW!! ANG TAGAL KONGHINITAY TO AA! HEHEHEHHE ANG GALING TLGA NI MR AUTHOR !HEHHEHEHEHE

Anonymous said...

At last! Thanks Mr Author.

Nabitin ako, Book 2 please ?

- Jiru

Anonymous said...

uhm nasan po ung mga previous chapters???? pde po pki-leave ung link dito or can you kindly post kung ano pong blog ito na-post? thnx.. :))

Zildjian said...

http://darkkenstories.blogspot.com


Iyan ang blogspot kung saan mo mababasa ang buong kwento nang Minahal ni Bestfriend.

Post a Comment