Ito siguro guys ang susunod kong gagawin kapag nagkataon hehehe sana ay magustohan niyo rin ang kwentong ito. Ingat tayo lagi!
Paano kong ang best friend mo ang taong iniibig mo?
Ken was madly in love with his best friend to the point na
willing siyang gawin ang lahat ng bagay para lang laging mapagtakpan ito. Pero
paano kung isang araw may isang bagay itong hilingin sa kanya; ang magpanggap
na kasintahan nito para matakasan ang isang problemang ang mga magulang nito
ang may gawa?
Kaya ba niyang pangatawanan ang pagpapanggap na iyon lalo pa’t
alam niya sa sarili niya na may nararamdaman talaga siya para dito. Paano
mauuwi sa pagmamahalan ang isang relasyon na nagsimula sa pagpapanggap? At
paano kung dahil sa pagpapapanggap niyo ay lalo ka pang mas mahulog dito kahit
alam mo ang katotohanang hindi ka niya pweding mahalin? Would you let go the
feelings or would you fight for it knowing na sa huli ikaw pa rin ang talo?
Abangan ang nalalapit na pakikibaka ni Ken sa isang taong
tanging pinangarap niya simula nang makilala niya ito. Would there be a chance
na makakayang maibalik ng taong minamahal niya ang kanyang nararamdaman?
Authors Note:
Hindi ko pa alam kong kelan ko ma-popost ang kwentong ito guys since na balak ko munang mag-pahinga sa pagsusulat para naman makalikum ng sapat na oras para sa sarili ko at para na din ma refresh ang 2mb kong utak. Hehehehe Pero sana sa pagbabalik ko eh nariyan parin kaso para suportahan ako.