by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com
A very first short story po ito na ginawa ko noon pa hahaha hindi ko lang na post kasi hindi ako confident dito sa short story na ito. Well, gusto ko lang syang i-share sa inyo habang wala pa ang chapter 18 ng Chances hehehehe.. Pero mamayang gabi makakapagpost ng ako nang chapter 18 kaya relax lang mga paps.
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com
A very first short story po ito na ginawa ko noon pa hahaha hindi ko lang na post kasi hindi ako confident dito sa short story na ito. Well, gusto ko lang syang i-share sa inyo habang wala pa ang chapter 18 ng Chances hehehehe.. Pero mamayang gabi makakapagpost ng ako nang chapter 18 kaya relax lang mga paps.
Sana ay kahit papaano ma entertain
kayo nito.. Happy reading sa inyo guys and good morning na rin. xD
Excited ako
ngayon dahil ito ang third year anniversary namin ni Nejie. Sa tatlong taon
naming magkasama sa iisang bubong ay tuluyan naming nakilala ang isa’t isa.
Nejie was one of my schoolmates way back in college. Sa kanyan ko lang
naramdaman ang pagmamahal na hindi ko akalaing maibibigay sa akin ng isang
kapwa ko lalaki. Funny how this unexpected relationship of ours started. I was
attending a birthday party ng isa kong ka org at doon ko sya nakilala. The
moment I laid my eyes on him nasabi ko sa sarili ko na sya na ang gusto kong
makasama habang buhay. Bata pa ako alam ko nang kakaiba ako sa ibang normal na
lalaki dahil kung sila ay attracted sa babae I was the other way around.
Naging malapit kaming magkaibigan
ni Nejie sa tulong na rin ng pinsan nitong ka org ko. Nejie was the type of
person na madaling makasundo, kalog kasi itong tao kaya hindi ka mahihirapang
mag reach out sa kanya. He was handsome, simple and charismatic, pero ang
talagang nagustohan ko sa kanya ay ang pagiging matalino nito. Kuntento na ako
noon na kaibigan ko ang crush ko. Kuntento na ako na nakakasama ko sya tuwing
vacant period namin at tuwing gigimik kami kasama sya. Ngunit sadya atang
mahirap pigilin ang sarili pag-nagmamahal kana. Habang tumatagal kasi at
lumalalim ang pagkakaibigan namin ay lalo akong nahuhulog sa kanya. Lalo na
nung magsimula na syang magtiwala sa akin at mag open ng mga hinanakit nya sa
mundo. Seeing his vulnerability state makes me want him even more. Gusto kong
alagaan sya dahil ayaw kong makita syang nasasaktan.
He invited me para gumimik ng
maghiwalay sila nang girlfriend nya. Hindi ako tumanggi dahil ikinasasaya ko
ang laging damayan sya. Pumunta kami sa isang bar at doon nagpakalunod uminum
kahit na may quiz ako kinabukasan dinamayan ko parin sya. He’s more important
to me than anything else which turns to be a very good decision I made in my entire
life. Nang pareho na kaming lasing ay naging iba na si Nejie nagsimula na itong
maging madaldal hanggang sa umabot kami sa isang topic na hindi ko inaasahan.
“Earl, gusto mo ba ako?” Iyon ang
tanong na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Biglang nawala ang tama ng alak sa
akin at napalitan ng kaba at takot. Takot dahil baka alam na nya ang lihim na
pagmamahal ko sa kanya at tuluyan na nya akong layuan.
“Nah, you don’t have to answer that
question.” Wika nito maya-maya nang hindi marinig ang pagtugon ko sa tanong
nyang yon. Marahil ay dahil na rin sa sobrang kaba at pagkahilo ay hindi ko na
namalayan na sinagot ko na pala ang tanong nya.
“Siguro.” Yon ang namutawing salita
sa akin. Lalo lang bumilis ang tibok ng aking puso ine-expect ko na sa mga
sandaling iyon na sasapakin nya ako o kung hindi man ay iiwan nya ako, pero
hindi nangyari iyon. Nakatutok lang ang tingin nya sa akin na para bang
sinusuri ang kaloob-looban ng utak ko. Di ko natagalan iyon kaya binawi ko agad
sa kanya ang aking tingin.
“Siguro.” Pag-uulit nya sa aking
sinabi. “Kahit naman hindi mo sabihin sa akin alam kong kakaiba ang mga tingin
mo everytime na magkikita tayo. Okey lang naman sa akin, you have been a good
friend to me. Bihira na ngayong makahanap ng napakasupportive na kaibigan.” Ang
alam ko lang ay matalino syang tao, hindi ko inisip na observant din pala sya.
Nakaramdam ako nang pagkapahiya marahil dahil siguro guilty ako. Ayaw kong
isipin nya na nagtake advantage ako sa friendship namin.
“Thanks sa pag-aalaga mo sa akin
Earl.” At nabigla ako sa sunod na ginawa nito. He kissed me! Gusto ko pa nga
sanang hambalusin ang ulo ko nang bote nang alak para lang malaman kong
panaginip lang ba iyon, pero everything is real. Dama ko ang pag-galaw nang mga
labi nya at napapikit nalang ako na tinutugon na ang mga halik nyang iyon. Nang
maghiwalay ang aming mga labi ay na karamdam ulit ako nang hiya. Hindi ko man
sinagot ng deretso ang kanyang tanong ay walang duda naman na hindi
nagsisinungaling ang mga pagtugon ko sa halik nya. Huli na ako, ipinagkanulo
ako mismo nang damdamin ko.
He smiled at me at muli kong
nasilayan ang lalaking tanging laman ng pangarap ko. Hindi ko alam kong ano ang
ibig sabihin ng ngiti nyang iyon dahil sobra na ang damdaming bumabalot sa
akin. I was happy yet sad at the same time knowing that this will be the last
time na makakasama ko sya after aminin ng mga halik ko ang tanong nya kanina.
We remained silent for a minute, walang may gustong magsalita. Tanging ang
malakas na pagtibok ng aking puso lamang ang aking naririnig sa mga oras na
iyon.
Nejie asked me kung pweding
makitulog nalang muna sya sa bahay namin. Noong una ay nagdadalawang isip pa
ako, hindi ko kasi alam kong papaano sya haharapin bukas pagising namin. Pero
naisip ko rin na pagbigyan ang sarili ko na kahit manlang sa huling pagkakataon
ay makasama ko sya bago tuluyan nya akong iwasan.
Dumating kami sa bahay at tulad ng
inaasahan ay tulog na ang mga tao. Agad kaming dumeretso ni Nejie sa aking
kwarto para makapagpahinga na rin. Pareho rin naman kasi kaming may pasok
kinabukasan. Nang makapasok kami at pareho nang magkatabi sa kama ay hindi ko
maiwasang mailang. Hanggang sa mga oras na iyon ay isang bagay lamang ang
tumatakbo sa aking isip. It was Nejie’s kiss.
Malalalim na paghinga lamang ang
tanging maririnig sa loob ng apat na sulok ng kwarto ko. Alam kong hindi pa
tulog si Nejie sa tabi ko, pero hindi na ulit ito nagsalita simula nang matapos
ako nitong halikan. Para bang may malalim itong iniisip na hindi ko mawari kong
anu. Ako, sa kabilang banda ay nagsisimula nang maluha dahil sa nalalapit na
paghihiwalay namin ng landas. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong pagtugon
sa halik nito sa akin kanina dahil atleast kahit sa huling pagkakataon
naramdaman ko ang halik ng taong tinitibok ng puso ko.
“Earl?” Ang mahinang pagtawag nito
sa akin. Pareho kaming nakatalikod sa isa’t isa. Naramdaman ko ang pag-galaw
nya maharil ay nagpalit ito ng posisyon.
“Gaano mo ako kamahal?” Sa tanong
nyang iyon ay napilitan akong bumaling paharap sa kanya. Gusto kong makita ang
reaksyon ng kanyang mukha. Kung ang paghihiwalay namin ng landas ang kabayaran
ng lahat ng aking sasabihin sa kanya ay tatangapin ko. Ang importante masagot
ko ang katanungan nyang iyon dahil gusto kong malaman nya kung gaano sya
kahalaga sa akin.
I gathered all my strength. Desidido
na akong magtapat sa kanya sa mga oras na iyon. This is the moment I’ve been
waiting for and I won’t let this once in a lifetime chance slip away.
“Mahal kita Nejie, kahit ang
kapalit ng pag-amin ko sayo nang nararamdaman ko ngayon ay ang tuluyang
pagkasira nang pagkakaibigan natin ay gagawin ko parin. Ganun kita ka mahal.”
Hindi sya nag salita kaya’t ipinagpatuloy
ko ang naumpisan kong pag-amin.
“Nung una palang kitang makita alam
ko nang espesyal na ang naging turing sayo ng puso ko. I know these sounds
hilarious to you dahil pareho tayong lalaki, pero iyon ang totoo. Pinilit kong
makuntento nalang sa ating pagkakaibigan, but I can’t help myself falling
deeper to you. Masyado kang naging mabait sa akin at masyado kang naging open
sa akin. Seeing your other side makes me want you even more hindi para sa
sarili kong kapakanan kung hindi dahil gusto kitang alagaan. Ayaw kong nakikita
kang nasasaktan at malungkot.” Ang mahaba at sinsero kong pag-amin sa kanya.
There’s no point on holding back tutal ay ibinuko na ako nang aking puso wala
nang rason para magpigil pa.
Namagitan sa amin ang nakakabinging
katahimikan. Gusto ko nang maluha dahil sa wala manlang akong nakuhang sagot sa
kanya. Okey lang sa akin na tangihan nya ako o kamuhian nya ako basta’t may
marinig lang akong sagot sa kanya. Nag simula nang dumaloy ang masaganang luha
sa aking mga mata.
I
guess this is it. Hindi na ako aasa pang magiging maayos kami bukas. Atleast na
sabi ko ang lahat-lahat sa kanya.
“Paano kung hindi ko masuklian ang
pagmamahal mo sa akin?” Maya-maya ay wika nito. Napa tingin ako sa kanya at
nakita kong muli ang lalaking tanging itinitibok ng aking puso. Halatang
malalim ang iniisip nito nakatingin lang ito sa kesame.
“Hindi mo naman kailangang tumbasan
ang pagmamahal ko sayo. Hayaan mo lang akong mahalin ka masaya na ako.” Alam
kong isang katangahan ang sinabi ko, pero wala na akong pakialam. Hindi naman
siguro masamang humingi nang pagmamahal sa isang taong pinapangarap mo.
Ibinaling nito ang kanyang tingin
sa akin at nag salubong ang aming mga mata. Dahan-dahan nitong iginalaw ang
kanyang kamay. Napapikit ako at naramdaman ko nalang ang maingat nitong pag
punas sa aking pisngi gamit ang kanyang kamay.
“Hindi ko maipapangako sayo ang
buong pagmamahal ko Earl, but I can try. I will do my best na masuklian ang
nararamdaman mo para sa akin. Let’s try to make this work.” Hindi ko inaasahan
na magiging ganun ang kalalabasan ng pag-amin kong yon sa kanya. Pero hindi ko
rin maikakailang napakasaya ko nang marinig kong handa nyang subukan at bigyan
ng pagkakataon ang nararamdaman ko. Again, muli kong naramdaman ang pagdampi ng
mga labi nito sa aking labi.
Napangiti ako sa mga ala-alang
iyon. Sinong mag-aakalang aabot kami ni Nejie nang tatlong taon. He did his
very best to make our relationship work. At araw-araw ko ring ipinaramdam sa
kanya kong gaano ko sya kamahal hanggang sa makapag tapos kaming pareho at
magsimulang mag sama.
I was expecting na late darating si
Nejie hindi pa kasi kami nag kikita dalawang araw na dahil may seminar ito sa
cebu. Buti nalang at nagkataon na ang balik nya ang ay eksaktong araw ng
anniversary namin. Bahagya pa akong nabigla nang makita ko syang nakaupo na sa
paborito rin naming puwesto sa restaurant na iyon. Iyon lang kasi ang
nag-iisang mesa na malayo sa mga tao kaya gustong-gusto namin ang puwesto na
iyon para na rin may privacy kami.
“Kanina ka pa ba?” Nakangiti kong
bati sa kanya. Lalo lang itong naging makisig sa suot nitong business attire.
“Kadarating ko lang.” Hindi ko alam
kong bakit pero may hindi tama sa ngiti nya. “Maupo kana para makapag dinner na
tayo.”
Nang matapos nitong maibigay ang order
namin sa waiter at maiwan kaming muli ay doon na ako nagsimulang magtanong. Sa
tatlong taon namin ni Nejie alam ko na kung may mga bumabagabag sa kanya at
ngayon batid kong meron.
“May problema ba? Did something
happen while you’re in Cebu?” Nanatili
lang itong nakatingin sa mesa ayaw nitong magsalubong ang aming mga mata.
Napatuyan kong may problema nga ito.
“Nag kita kami ni Trish sa Cebu
Earl.” Na bigla ako nang muling bangitin nito ang pangalan ng dati nyang kasintahan.
Trish was his ex-girlfriend at ito rin ang dahilan kong bakit nauwi kami sa
isang relasyon. Nanatili lang akong tahimik.
“Hindi ko alam na doon pala sya na
assign.” Tahimik. Para bang may pumipigil sa kanyang ilahad lahat ng nangyari.
“I-Im sorry Earl.” Naintindihan ko agad kong anu ang ibig nyang sabihin sa
paghingi nya nang tawad na iyon kahit hindi na nya sabihin.
Isa-isang bumagsak ang mga luha sa
aking mga mata. Masakit oo, pero di ba ito rin naman ang nagsabi sa simula
palang na hindi nya kayang ibigay lahat ng kanyang pagmamahal sa akin it’s
because half of him ay naiwan kay Trish. Hindi ako pweding magalit sa kanya
dahil kahit papaano ay sinubukan nyang mahalin ako sa loob ng tatlong taon.
“Are you breaking up with me?”
Mahina at humihikbi kong sabi.
“Ayaw kitang masaktan Earl. Naging
mabuti kang partner sa akin.” There it goes. Walang katumbas ang sakit na
nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
“But you still love her?” Ginawa ko
ang lahat para lang masabi nang tuwid ang mga salitang iyon. Pero mas lalo
akong nasaktan sa marahang pagtango nito para akong hinihiwa ng paulit-ulit.
Napatakip nalang ako sa bibig ko para mapigilang makagawa nang ingay. I guess
it’s true some good things never last at kahit anong gawin ko ay wala akong
karapatang pigilan si Nejie dahil mahal na mahal ko sya at gusto ko syang
mapasaya kahit ang kapalit nito ay ang kaligayahan ko.
“Then go back to her.” Sa sinabi
kong iyon ay napangitin ito sa akin ako man ay nakipagtitigan na rin sa kanya.
“As I’ve said before I only want you to be happy at kung si Trish ang happiness
mo im willing to set you free.” At bago ako tumalikod sa kanya ay binigyan ko
sya nang isang ngiti. Ngiting nag sasabi na wag nya akong alalahanin. I can
love him selflessly ganyan ko sya kamahal.
Wakas