By: FUGI
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Nakangiting lumapit si ian sa kinatatayuan namin ni angel, ako naman ay nakatulala lang sa kanya paano kasi nasa likuran niya ang araw ang naging effect tuloy parang may aura ng saiyans ang nananalaytay sa balat niya (haha I Love Anime! I am HERO:]), tapos meron pa siyang napakagandang ngiti na talaga namang nagpapatingkad ng kagandahan ng kaanyuan niya (oa na ba sa papuri? Promise sobrang PU-GI ng hinayupak na iyon.. hehehe)
Naalis na lang
ako sa pagkatulala ng kumapit sa akin si angel na parang natatakot (ganyan yan!
Takot siya sa mga taong hindi niya madalas makita o yung bago sa paningin niya,
lahat naman tayo ganoon noong bata na eventually nawawala na, hahahaha gusto ko
yung word na eventually dahil dyan i-che-check ko yan.. hahahaha), tiningnan ko
si angel at sa puntong iyon ay nakayapos na sa akin. Ibinaling ko uli ang
tingin ko sa dako kung nasaan si ian at nasa harap ko na pala ito
Nakakunot
ang noo ni ian at ang kanang hintuturo ay nakaturo sa nakayakap sa akin na si
angel na parang nagtatanong kung ano nangyari
Medyo
natatakot sayo, ang walang boses kong sabi sa kanya at nakuha naman niya agad
Agad na nga
ako gumawa ng paraan para mawala ang kung anumang nararamdam ni angel kay ian
Ako: gey-gey
ku-ya i-an yan ma-ba-it na ka-i-bi-gan ng ti-to ni-nong (ang mabagal kong sabi
kay angel na may tonong bata para maintindahan sabay hawak sa kanya at harap
kay ian)
Para namang
banung-bano si ian sa pag-uusap namin ni angel na sinamahan pa ng pagtawa-tawa
Hindi pa rin
iniibo ni angel si ian at nakatingin lang sa bagong mukha na nasa harap niya na
parang sinusuri nang bigla akong sumingit
Ako: gey-gey
si ku-ya i-an ay may pa-sa-lu-bong sa iyo (agad namang humarap sa akin si angel
pati si ian ay napaharap na may nagtatanong na itsura)
Ako: di ba
ku-ya i-an bi-bil-han mo ng je-lly ace si an-gel (sabay nguso sa malapit na
tindahan at nakuha naman agad nito at nagtatakbo doon si angel naman ay
nakaharap parin sa akin), gey-gey, bigan yon ng to nong, bait yon ya pat ba-ti
yo wa ha! (“angel, kaibigan iyon ng tito ninong, mabait iyon kaya dapat bati
kayong dalawa ha!” ang sabi ko sa kanya at mataman naman itong nakikinig)
Hindi naman
nagtagal ay nakabalik na si ian sa harap namin kaya iniharap ko si angel sa
kanya. Binigyan naman ni ian ng ngiti si angel sabay labas ng binili niyang
jelly ace na nakalagay sa plastik labo (mukhang dinamihan ni mokong ah para
makuha ang loob ni angel.. hehe), hindi nga ako nagkamali dahil nakita kong
sumilay sa mukha ni angel ang isang ngiti (bata palang na susuhulan na, ganyan
yan! Hahahaha) at nagkatinginan naman kami ni ian at nagngitian
Iniabot na
ni ian ang plastik na may lamang jelly ace kay angel ay mabilis naman nitong
kinuha (hala! Hahaha)
Ako: angel
ano sa-sa-bi-hin sa ku-ya i-an?
Angel: mat
popo (ang nahihiya nitong sabi ay yumakap ulit sa akin)
Ako: salamat
daw sabi niya (nakangiti kong paglilinaw sa sinabi ni angel at ngiti lang din
ang sinukli ni ian)
Ian: nga
pala fugi alis dyan sa bike (ang may awtoridad nitong sabi)
Ako: ba...
bakit?? (nabigla kong tanong)
Ian: ako na
magdadala ay umangkas ka na lang at ituro ang papunta sa inyo
Ako: a.. ako
na lang.. ikaw na lang umangkas
Ian: kaya mo
ako? Hindi yan si drey at ang bulingit hindi naman yan magpapahawak agad sa
akin parang natatakot pa (ang natatawa nitong paglalahad)
Wala na
akong nagawa kung hindi ang hayaan siyang gawin ang naisip niya. Pagkababa ko
ay siya namang kuha niya sa bisekleta at sa kay pagkatapos ay pinasakay na niya
ako sa katawan ng bike yung sa harap (diba dalawa naman ang angkasan isa sa
likod at isa doon sa harap ng mismong ng mamaniobra ng bisekleta). Ang naging
pwesto namin ay si ian ang driver ako ang nakaangkas sa may harap niya tas
nakakalong si angel sa akin
Habang
tumatakbo na ang bike ay ako naman ang ngtuturo ng daan. Sa puntong iyon
hiniling ko na sana pala malayo na lang ang bahay namin para mahaba ang oras
namin sa tayong iyon, para kaming isang pamilya (hahahhahahaha)
Hindi naman
nagtagal ay narating na namin ang bahay namin
Ian: ang
ganda ng bahy ninyo ah!
Ako: syempre
mas maganda at mas malaki yung sa inyo (pagbibiro ko dito sabay baba ko sa
pagkakaangkas sa kanya)
Dahil nga
buhat buhat ko pa si angel ay ibinigay ko muna ito kay ian at sa awa naman ng
ating panginoon at dahil sa isang plastik labong jelly ace ay sumama na ito kay
ian (hahaha) at tinungo ko na ang gate namin para buksan, at ng mabuksan na ay
kinuha ko na si angel kay ian at si ian na ang nagpasok ng bike at tinuro ko na
lang kung saan ipaparada. Pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto at pagkababako
kay angel ay nagtatakbo ito sa harap ng TV at nagsisigaw ng..
Angel: to
nong san TV, TV, TV (buksan daw ang tv)
Hindi ko
namalayan na nasa likod ko na pala si ian at agad agad pumasok sa loob at nagsabing..)
Ian: fugi
asan ba yung saksakan ng TV? (ang nakangiting tanong nito, aba aba mukhang
kinukuha na ang loob ni angel, hehehehe at itinuro ko ng dito at agad naman
nitong naiiayos ang saksak ng TV pati na rin ang bentilador at sabay binuksan
ito)
Mataman na
naman na nanonod si angel ng TV habang si ian ay lumapit sa akin
Ian: ang
cute naman ng lahi ninyo (bulong nito sa akin)
Halos
mawalan ako ng lakas sa papuri niyang iyon at sa kiliting naidot ng pagbulong
na yon. Buti na lang at gumagana pa kahit papaano ang utak ko at nautusan ang
bibig ko para makapagsalita para maiwas ako sa panghihinang iyon (kasi kasi..
hahaha)
Ako:
syempre! Planado kasi (pagbibiro ko sa kanya sabay punta ko sa kusina at uminon
ng tubig, wala kasing magic beans... YES! hahaha)
At pagkainom
ko ng tubig ay unti unti ng bumabalik ang aking lakas at bumalik na din ang
functioning ng ibang bahagi ng aking katawan. Bumalik ako sa sala at nakita
kong magkatabing nanonod na si angel at ian (ang cute nilang tingnan). Tumabi
na nga ako sa kanila at maya maya ay
Angel: ya
nan san (sabi ni angel kay ian at abot ng isang jelly ace na pinabubuksan,
nakuha naman agd ni ian ang gusto ipagawa ni angel kaya sinunod niya ito)
Ako: aba
close na ah (biro ko kay ian)
Ian: syempre
sa pogi kong ito (sabay podi sign niya at kindat pa sa akin..... anak nang
teteng naman oh, wag ganon ian bumabawi pa lang ng lakas pinapanghina mo na
agad ako.. hahahaha at umiwas na lang ako sa kanya ng tingin at kapit kay angel
na ikinataka naman ni ian)
Ian: o
bakit?
Ako: ang
lakas kasi ng hangin na pumasok sa bahay nagyon-ngayon lang baka mapayid kami
ni angel (ang natatawa tawa kong sabi sa kanya, makaiwas lang.. kasi kasi
naman.. hahaha)
Bigla namang
inilapit ni ian ang mukha niya sa akin yung parang konti nalang maglalapat na
ang ilong namin
Ian: bakit
hindi bakit hindi ba totoo? (ang medyo seryoso niyang tugon)
(Ako naman
ay napatulala na lang sa kanyang ginawa, grabeng lapit na ng mukha namin kaya
kitang kita ko kung gaano pinagpala si ian, na kung saan ay nabiyayaan siya ng
aking kagwapuhang hindi nakakasawa, ang pangyayaring iyon ay lalong nagpabilis
ng andar ng tibok ng aking heart)
Ian: o kahit
ikaw napatulala sa aking kapogian (ang natatawang sabi ni ian at tuluyang
inalis ang mukha niya sa mukha ko na siyang nagpabalik sa aking nanghihina
paring ulirat, kasi kasi naman,,, paorder nga ng magic beans... hehehehe)
Ako: pa..
paano bi..bigla bigla ka na lang sumulpot sa harap ko ka..kaya na..napatulala
ako (ang pagdadahilang kong lalong naging dahilan ng pang-aasar niya kasi kasi
naman pati dila ko ay humina dahil sa ginawa niya kaya nagkanda utal utal ako)
Ian:
palusot... hahahahaha (natatawang sabi nito)
Bigla naman
sumingit si angel
Angel: ya
nan ace ko (“kuya ian jelly ace ko” sabi nito at napahagalpak na nga kami ni
ian, salamat kay angel save by the bell ako doon ah,, hehehe)
Napatingin
naman ako sa orasan at malapit nang mag 12nn kaya agad akong tumayo at napansin
naman ito ni ian
Ian: saan ka
pupunta???
Ako:
maghahanda ng kakainin natin ay malapit na magtanghalian (sabay turo ko sa
orasan)
Ian:
tutulungan nakita
Ako: wag na
samahan mo na lang si angel magpapabukas pa yan sa iyo ng jelly ace, ang dami
mo kasing binili (ang natatawa kong sabi dito at agd na nga akong nagtungo sa
kusina)
Buti at
nakapagluto na si mama ng ulam at iiinit ko na lang at meron na din kanin,
galing talaga ni mama.
Naghain na ako, kumuha ng dalawang pinggan (salo na kasi
kami ni angel sa iisang plato dahil magkakalat lang kung hahayang magsarili
ito), inilagay sa isang malaking mangkok ang nilagang baboy (na puro laman
hindi kasi ako at yung buso namin kumakain ng taba mga kuya lang namin at si
papa ang mahilig kaya pagwala sila ay purong laman ng baboy ang binibili ni
mama, tas nilahokan din ni mama na mga patatas na talaga namang malambot ang
pagkakaluto para kay angel, hindi pa kasi niyo gusto ang mga baboy), inilabas
ko na din ang kanin at inilagay sa malaking plato, kinuha ko din ang biniling
buko at sabaw nito at tinimplang juice kaya may buko juice kami (hahaha nalito
ba kayo?? Haha) at kumuha din ako sa ref ng manggang hinog at hiniwa ito na
para sa panghimagas (sarap ng lunch namin noh! Hehehehe,, kain na tayo)
Pumunta na
nga ako sa sala para tawagin ang dalawa na nagkukulitan na (galing ni ian ah!
Nakuha agad ang loob ni angel)
Ako: ian,
gey-gey kakainin na muna tayo (at agad namang binuhat ni ian si angel at take
note hindi umangal ang aking pamangkin, mukhang close na talaga ang dalawa ah!
At agad na nagtungo sa kusina ako naman
at pinatay ko muna ang tv at bentilador bago sumunod sa kanila)
Nang nasa
kusina na ako....
Ian: wow!
Mukhang mapapadami ako ng kain ah! (masigla nitong sabi na nginitian ko na
lang)
Kinuha ko
muna kay ian si angel bago kami tuluyang umupo, pagkaupo namin at nagkatinginan
kami ni ian
Ako: dasal
muna tayo???
Ian: sige,
kw na maglead
Ako:
sa
ngalan ng ama, ng anak, ng diyos espirito santo amen (at inalalayan ko
si angel
mag-antanda)...........................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................Amen!
Ian: kainan
na (ang masaya nitong sabi at kumuha na nga ito ng para sa kanya at iniabot sa
akin pagkatapos niya)
Habang
kumakain ay sinusubuan ko naman si angel
Ian: sobrang
maalaga ka talaga, para tuloy gusto ko nang magpaalaga sayo (ang natatawa
nitong sabi)
Ang utak ko
naman ay mabilis na proseso ang mga sinabing iyon ni ian at nang mainterpret na
ay inutusan niya ako na mapatulala, kaya napatulala nga ako (hahahaha, kasi
kasi naman kung makahirit ang isang to akala mo ay wala lang sa akin.. hahaha
ayieee), buti na lang at nandyan si angel para sagipin ang tito ninong niya sa
pagtulala dahil sa mga sinabi ni ian
Angel:
mamam, mamam (“iinom” yan ang gusto niyang iparating, buti talaga at kasama
namin si angel ngayon kung hindi kanina pa akong wala sa sarili ko.. kasi
kasi... hehehe)
At pinainom
ko na nga ito. Naging masaya ang lunch namin nayon, syempre ang bibang
pamangkin ko ay bumida.. hehehe at pagkatapos ay napansin kong nagliligpit si
ian ng pinagkainan namin kaya agad ko itong biniro..
Ako: rich
kid ako na bahala dyan (natatawa kong sabi dito)
Ian: kaya ko
na ito, para matuto din ako, linisan mo na lang si angel mukhang yagit na at
mukhang inaantok na din (ang pagsakay nito sa biro ko at ang pagsasatinig nito
ng mga napansin niya sa itsura at gawi ni angel, natuwa naman ako sa inasta
nito kaya hinayaan ko na lang ito at ako naman ay inasikaso ko na ang napagod
kong bibang pamangkin.. hehehe)
Nang
malinisan at mapalitan ko ng damit si angel ay pinagtimpla ko na ito ng gatas
dahil inaantok na nga ito at nakita ko naman si ian na naghuhugas na ng mga
pinagkainan namin, mapapansin na parang ngayon lang nito ginawa iyon, paano
walang patayan ng tubig ito (aksaya hehe pero hinayaan ko first time naman nya
iyon.. hehehe)
Ako: rich
kid kaya pa?
Ian: ako pa
(mayabang nitong sagot habang nakangiti)
Ako: sabi mo
ih!, nga pala doon lang kami ni angel sa kwarto ko sa taas, pagkatapos mo dyan
ay umakyat ka na lang doon ok?
Ian: yes
sir!
At pumanhik
na nga kami ni angel sa kwarto ko para patulugin ito. Mabilis naman ito
nakatulog, napagod ih! (hehe) at maya maya ay nakarinig na ako ng yabag na paakyat, si ian syempre iyon. Agad naman
kaming nakita ni ian dahil iniwan kong bukas na pinto ng kwarto ko ng makapasok
ito..
Ian: wow ang
ganda naman ng kwarto mo, maliit pero namaximize mo naman ang space (ang papuri
nito sabay ang paggala ng mga mata niya sa buong kwarto ko, ngiti lang ang
itinugon ko dito)
Una nitong
napuna ang koleksyon ko ng mga teks (yung uso ng mga bata pa kami yung mga
tinatalang, yung mga zenki, dragon
balls, ghost fighter, flame of recca, tas meron din ako nung maliliit na teks
yung parang komiks ang style tapos ang likod ay walng drawing, dun sa mga
nakaabot noon ay gets ang sinasabi ko.. hehehe, meron din akong mha pogs ng
pokemon at kung ano ano pa, na naipon ko dahil noong bata pa ako at dumadayo
kami sa ibang lugar pag nalipol na namin ang mga teks ng ibang bata na taga sa
amin kaya madami ako ng ganoon na naitago ko naman at ng tumagal at hindi na
nauso at idinisplay ko na lang na parang naging koleksyon ko na)
Ian: nung
bata ako lagi akong bumibili ng ganyan kayo nagkandawawala na yung lumaki ako
at ang dami mo rin mga action figures ah! Hilig mo ba talaga?
Ako: oo, ang
ganda kasi nilang tingnan, ayan ay nung bata pa ako ay naitago ko naman ng
maigi kaya nong nagkasarili akong kwarto ay iniayos ako dito para design na rin
(pagbibigay ko ng impormasyon)
Ian: ah! (at
iginala pa nito ang mga mata nito at nakita ang gitara ko), yan ba ang
gagamitin mo bukas? (sabay turo nito sa gitara ko), pusta may pangalan din iyan
(natatawang dagdag nito)
Ako: syempre
kaibigan ko din yan (sabay kuha ng gitara ko), eto nga pala si Giyoy
(pagpapakilala ko)
Ian: saan mo
ba nakukuha mga pangalan nila? (natatawang tanong nito)
Ako: secret baka
pagnalaman mo pumunta ka pa doon at manghagilap ng mga pangalan na napareserba
ko na 9ang natatawa ko din namang pagsagot sa kanya)
Ian: praktis
ka na at manonood ako sayo
Ako: hindi
pwede, di alam mo na gagawin ko bukas, mamaya nalang gabi pag-ako nalang
mag-isa, nakapagpraktis ko na rin naman kagabi
Ian: ang
daya kaya nga ako nagpunta para mapanood kita at syempre marinig ulit ang
maganda mong boses (ang may himig na pagtatampo nito)
Ako: hindi
mo pa ba naririnig? Kanina na pa ako salita ng salita ah! (biro ko dito)
Ian: sige
last na banat mo na yan ha! (may himig pa uling pagtatampo at humarap sa dako
kung saan nanduduon nakasabit ang aking maliit na bulletin board kung asan may
naka-thumb tax ang mga picture naming pamilya at mataman naman niya
tinitingnan)
Kahit gusto
ko pang iparinig sa kanya ang mga kanta na kakantahin ko bukas ay hindi pwede
baka mabisto ako, dedicated pa naman iyon sa kanya, ay ang galing pa naman
niyang makatunog kahit sobrang tago ko ng mga shakra na may halong pagmamahal
para sa kanya (ayyyieee....Yes! naisingit ko ulit, mabuhay ang anime! Hahahaha)
Kinulbit ko
si ian at iginuso ang natutulog na si angel
Ako: baka
magising si angel bukas na lang para hindi maexcite ka rin sa gagawin ko
(pangungumbinsi ko at buti ay pumayad na si ian)
Ian: sige na
nga! Ay ano nang gagawin natin ngayon?
Ako:
jammingan na lang natin ang trip ni angel (ang natatawang sagot ko dito at
nagkatinginan kami na parang nag-uusap ala Banana’s in Pajamas, naiisip mo ba
ang naiisip ko B1, oo naman B2... operation tulog.. hahahaha)
Ian: pwede
(ang nakangiting pagsang-ayon nito), yan ako hindi naman tayo kasya sa kama mo
dahil andyan na si angel baka mapirat yan pagsumiksik tayo (paano kasi ay
pangdalawahan lang ang kama ko ay andun na nakapwesto ang pamangkin ko, at
ngayon ko lang napagnanto na kung kanina nagpapasalamat ako at nandyan siya
kanina para sagipin ako pag may mga hirit si ian na nagpapahina ng aking mga
kalamnan, ngayon parang sana wala siya, sayang kasi magkakatabi kami,,,,
hahahahaha biro lang po... Joke lang yun.. hehehe)
Hindi alam ni
ian na may twist ang kama (hahaha), Bigla akong pumailalim at may hinila sa
ilalim ng kama ko ay iyon ay isang... tantananantanan.. isang single bed na
kadugsong ng kama ko (galing noh! Kahit ako humanga nung ipinakita yon sa amin
nung pinagbilhan namin nung kama ko, kasi ang sabi ko ay malaki na kama kaso
ang problema medyo maliit ang kwarto ko at yan ang sinadyes sa amin oh
diba,,hehe)
Ian: galing
naman ng kama mo ah (ang natatawa nitong sabi)
Ako:
syempre! (nakangiti kong sabi)
Nilatagan ko
ng kumot at nilagyan ng unan yung magiging kama niya (yung extension ng kama ko
na nakatago sa ilalim) at tabi naman kami ni angel sa pinaka main na kama ko.
Ian: tulog
na tayo (at nahiga na si ian sa pwesto niya)
Ako: sandali
sasarduhan ko lang gate at yung pinto sa baba (agad ako bumaba at naglock at
mabilis din naman akong nakabalik)
Pagkahiga ko
biglang sumilip si ian sa kinahihigaan namin ni angel at humalik sa pisngi ni
angel (parang goodnight kiss ba!)
Ako: ako
wala (natatawa kong biro sa kanya sa paghalik ni ian kay angel)
Nabigla
naman ako sa ginawa ni ian ng ilapit niya ang mga labi niya sa akin (s****
bumilis ang paghinga ko at pati ang pagpintig ng puso ko kasi kasi naman may
paghirit pa ako buli na lang at may reflex action pa ako at mabilis na gumana
ang kanang kamay ko at sinupalpal sa mga labi ni ian ,,, promise malambot ang
labi niya, swerte ng kamay ko siya ang nakauna.. hahaha)
Ako: a..ano
ga..gawin mo?? (ang nauutal kong tanong)
Ian: di ba
sabi mo ikaw din (ang medyo seryoso nitong tugon sa akin)
Ako: b..biro
lang naman yon, hindi mo ba alam kung ano ang biro sa hindi? (ang medyo
kinakabahan kong sabi pero naramdaman ko nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi
niya)
Ian: ay
bakit ka namumula (ang pagpuna nito)
Ako: ay
bakit ang seryoso mo sabing Joke lang yon (sabay takip ng unan)
Narinig kong
humagalpak ng tawa ang mokong (kasi kasi naman.. hehehe), at binato ko
siya ng unan na pinantakip ko sa aking
mukha
Ako: adik!
Matulog na tayo (ang kunyari kong naiinis na pananalita)
Ian: opo (at
tumatawa itong humiga)
At maya maya
ay tahimik na ang paligid
Itutuloy..............
3 comments:
kaw na Fugi! I hate you for being sooooooooooooooo good! Hahaha, i have 2 fave authors, you and zephiel. Man this chapter is A-W-E-S-O-M-E! I love gey gey. Go team ian. Next next.hehehe
sayang naman, kis na nwla pa
hehe,, salamat po:]
Post a Comment