Tuesday, February 28, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 26)



 By: FUGI



--)eto na po ang next chapter pasensya na po at natagalan, naipuslit ko lang ito (hehe)



----> Nais kong pasalamatan sina:
-Yume
- makki (wag ka na magtampo malapit na ang moment ni anthony basta antayin mo lang promise gagandahan ko din para sa iyo,, naku po! pressure ako. hehe)
-mark
-ramy from qatar
-robert_mendoza94@yahoo.com
-coffee prince
-ZROM60
-sr 143
-marL (hi!)
-DownDLine (hi!)
-akosichristian (hi!)
-KV (hi!)
-Lyron (hi!)
-Master_lee#027 (hi!)
-lawfer (hi!)
-foxriver (ok lang pong gamitin mo nagpaalam ka naman... hehehe)


at sa ANONYMOUS na nagsabi ng...
"Parang same tlga ang story namin na yan...ian then ang name nurse ako.....kaso sya hindi...tapos yung bata na kanta ng calalilly...tpos kumakanta pako sa school namin...hahaha nakakatuwa naman....sana mapost kagad yung sunod....tnx author galing galing mo dahil dyan ibibigay ko na sau ang isang "binhi ng karimlan" hehehe maka anime din ako...naiintindihan ko lahat ng anime at nursing word mo hahaha...sobrang natuwa talaga ako..hehe....."

                ----> baka ikaw ako (hehe), mukhang parehas nga baka kwento mo talaga ito (hehe), wow alam mo din yung bata (konti lang tayong nakakaalam noon ih! hehe), promise sobrang natawa ako sa binhi ng karimlan, hindi ba iyon ay binhi ng kadiliman?? hehehehe salamat po at nagustuhan nyo itong istorya na ito, ano nga pala pangalan mo??

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman






Ako: paano nang-aasar ka kasi

Ian: kasi nga hindi na kailangan nang kung ano ano pang dadalhin kasi kahit wala noon alam kong magugustuhan ka nila mama, katulad ng pagkagusto ko sa iyo (nagulat na naman ako sa sinabi niya kaya walang sabi sabi ay nagsalita ang bibig ko)
Ako: ah... ah.. ano iyon? (parang tanga ko lang na pagsingit sa kanya, kasi kasi naman:])

Ian: ah.... eh ano bang nasabi ko (bulong nito sa sarili niya) 

**********
-----------> IAN (pasok!)
 
Ako: ang ibig kong sabihin ano, ah! Madali kang pakisamahan at sa ugali mo lang alam ko magugustuhan ka na nila mama, kitams dali nating naging magkaibigan, yon ang ibig kong sabihin (ang paglilinaw ko), anu-ano kasi nasasabi ko (bulong ko naman sa sarili ko)

Fugi: ganoon ba! (parang may tonong disappointment nitong sabi, pero pariramdaman ko lang naman iyon)

Ako: tara na! sakay na tayo (pag-aya ko na kay fugi baka kung saan pa mapunta ang usapan at ipahamak pa ulit ako ng sarili kong dila)

At sumakay na nga kami sa dyip na huminto sa tapat namin

************

---------> nagbabalik na po ulit sa akin, FUGI:]

Ang OA lang makareact fugi ah! Pang-aalaska ko sa sarili ko sa inasal ko kanina, kasi kasi ako

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni ian sa byahe naming iyon, nahihiya kasi ako sa katangahan ko lang kanina kaya hindi ako makapagbukas nang mapag-uusapan, sa puntong iyon sana kaya kong magTELEPORT (wow!) para mawala na ako sa oras na iyon (kasi naman, last ko na yon!)

Mabilis naman ang naging byahe namin. Agad na pumara si ian nang matapat na kami sa kanto nila. Pagkababang pagkababa ay nagulat na lang ako ng hawakan ako ni ian (kasi hindi na namang nang-inform, kasi dapat may prior notice, hahahaha)

Tara! Tawid na tayo, kasabay ang nakangiting pagpaling nito sa akin at pagtungo na lang ang naitugon ko (gulat eh! Hehe) at pagkatapos ay hinila na niya ako patawid sa kabilang bahagi kung asan ang kanto papasok papunta sa kanila

Pagkatawid ay agad din naman niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa akin at nagwikang
Ian: hoy! Ayos ka lang ba? Kanina ka pang walang imik ah! (pagpuna nito)

Ako: ka..kasi nga nangbibigla ka na lang lagi(wala sa sarili kong naibulalas)

Ian: nang bibigla? (nakakunot nito noo)

Ako: ah.. eh kabado lang (pag-iwas ko)

Ian: wag kang kabahan hindi naman nangangain ng bisita si mama (nakangiti nitong sabi sa akin na ginantihan ko na din ng pilit na ngiti)

Nagsimula na nga kaming maglakad patungo sa kinatitirikan ng pamamahay nina ian, maya maya lang ay huminto si ian habang patuloy pa rin akong naglalakad

Ian: fugi dito na tayo (sabay turo nito sa bahay na tinapatan niya)

Agad napan akong napalingon sa kanya at nang mapansi ko ang nakaturo nitong mga kamay ay agad na sinundan ito ng aking mga mata at at tumambad sa akin ang isang napaka-eleganteng tahanan

Ang ganda, pagkamanghang pagkamanghang naibulalas ko (sobrang maganda kasi, gate palang wala nang panama yung mga katabing bahay nila, ang ganda din ng combination ng colors nang pinturang ginamit parang....parang light brown and cream ata tas may shades of black, tapos tapos mat bermuda pa, yung pinasadya talaga tas yung design ng two storey house nila ay ay hindi ko alam kung saan binase ang desenyo pero pangmayaman talaga {pasensya na student nurse lang ako kaya wala ako alam sa mga ganya.. hehe}, tas ang lawak pa)

Lalo lang akong humanga kay ian, kasi nung simula palang hindi siya nagyabang sa estado ng buhay niya at marunong siya makiayon, makisama sa kung ano ang nasa paligid niya:]

Numalik na lang ako sa malalim na pagkamangha sa bahay nila at sa kanya ng magsalita si ian at maramdaman ko ang palad nito sa baba ko

Ian: isara mo nga yang bibig mo, kelangan talaga bukas yan? (natatawang pagpuna nito sa akin)
Ako: ang ganda kasi ng bahay nyo (mangha kong sabi sa kanya), anong kulay ba yung pinturang ginamit at pati tatak at saan binili? (sunod sunod kong tanong sa kanya, hehe, sa mga nagtataka bakit iyon ang naitanong ko yun lang ang afford namin sa ngayon, mukhang mahal yung gate pati yung pabermuda at lalong lalo na yung bahay... hahahaha)

Tumawa nang pagkalakas lakas si ian sa tinatong kong iyon

Ian: ta..tara na nga sa loob (natatawa nitong nasambit), lakas mo rin magbiro eh no! (dagdag nito)

Ako: eh sa maganda naman talaga (katwiran ko sa kanya habang sinundan ko na siya papasok ng gate nilang mamahalin, hehe. Tatawa tawa lang ang mokong sa akin)

Nang makapasok na kami mas lalo kong napagmasdan ang kagandahan ng paligid ng bahay nilang iyon, malawak at halatang planado ang pagkakagawa dahil lahat nang nandoon ay nasa kanya kanyang lugar, hindi pilit na basta na lang mailagay ang mga iyon

Nasa gaoon na naman akong pagkamangha ng biglang magsalita si ian

Ian: laway mo! (nagpipigil tawa nito, ako naman dahil intact ang reflexes (wow!) ko ay agad kong pinahidan ang laway na sinasabi ni ian)

Ako: wala naman ah! (parang bata kong sabi sa kanya na lalo niyang ikinatawa)

Ian: kasi para kang ewan, tara na nga sa loob (natatawa nitong aya na sa akin)

At sumunod na lang ako sa kanya papasok sa bahay nila. Tumambad naman sa akin ang grand piano nila na talaga namang sobrang nagpamangha at nagpakislap ng mga mata ko (gusto ko kasi ng ganoon sa bahay din namin... hehehe), agad akon g lumapit sa piano at hinipo hipo iyon

Ako: grabe ang ganda nito (habang dinadampian ng aking mga kamay ang piano, hindi ko naman namalayan ang paglapit ni ian sa may likuran ko at nagwikang)

Ian: gusto mo bang gamitin (sabay tas nito sa cover nang keys agad naman akong napaharap kay ian dahil sa tuwa na ta-try ko yung piano at sa pagharap kong iyon ay halos magkalapit na ang mukha at katawan namin, kaunting espasyo lang ang namagitan sa amin)

Sa puntong iyon, hindi ko alam ang gagawin, kusang gumana ng hindi pangkaraniwan ang tibok ng puso ko (kasi naman ngayon lang kami naging gaoon kalapit na magkaharapan pa sa isat-isa, siguro pati pores ng bawat isa ay nakikita na namin sa puntong iyon, hehe)

Nagtama ang mga mata namin at sa puntong iyon, sa sandaling iyon at sa pagkakataon na iyon, doon ko na patunayan na na na.... na .. na totoo palang pag... na pag kayo lang ng taong mahalaga sa iyo, yung taong mahal mo ang nasa ganoong posisyon parang.. parang napupunta kayo sa ibang dimensyon (parang DIGI WORLD lang hahaha yes!), dimensyon na parang ginawa lang para sa inyong dalawa, na kung saan wala na kayong iniisip kung ano man ang nasa paligid nyo, basta ang mahalaga yung IKAW at AKO (ayiiee!:])

Bumalik naman ang diwa ko sa realidad ng biglang umiwas ng tingin si ian at nagwikang

Ian: ah... eh.. ti.tingnan ko lang si mama sa kusina ha (kasabay noon ay naglakad na siya papunta kung saan man naroroon ang mama niya)

Hindi na ako nakatugon sa kanyang sinabi at sa pagtalikod at paglakad niyang palayo sa akin ay agad akong napaupo sa upuan ng grand piano nila sabay hawak sa aking dibdib kung na saan ang aking puso dahil parang mahuhulog na sa bilis ng pangyayari kanina at kasabay din noon ay ang pahinga ko ng napakalalim para makabawi ng hangin (kasi kasi naman nakakawala ng hangin sa katawan ang eksena ngayon ngayon lang)

Hooooooooooooo, ang pagbuga ko na senyales na pagka-relieved ko na sa mga oras na iyon

++++++++
------> Sa kabilang banda naman kung asaan si IAN

Pagkalayong pagkalayo ko kay fugi ay agad naman akong napasandal sa dingding sa hindi maintindihang nararamdaman, ang lakas ng epekto sa akin ni fugi at sa puntong halos magkalapit na kami kanina

Ano ba kasi ito? Ang naitanong ko sa sarili ko sabay hawak sa bandang puso ko dahil sa kakaibang pagtibok nito, kakaiba at ngayon ko lang naramdam

Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang makabawi na ako ng lakas at pagkalipas pa ng ilang sandali ay agad ko nang hinanap si mama

+++++++++++

------> Balik na uli sa nakarecover na si FUGI:]

Agad natuon ang pansin ko sa piano at walang ano ano ay inilapat ko na ang mga daliri ko sa keys nito at sinimulang itipa ito at nang makuha ko na ang rhythm (parang si kamyo lang ng fu-do-mi-ne sa prince of tennis alam nyo ba iyon mga pipz?? Hehehe) ay bigla na lang pumasok ang kantang ito sa utak ko na siyang naging dahilan para tipahin ko ang chords nito

(paki-play po)


~Instrumental intro~

(sa puntong iyon ay napakanta na din ako pero mahina lang)

Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka

Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin

Aking hinihiling na sabihin mo
Ang binubulong ng 'yong puso


Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko, pangarap ko, pangarap ko

.......ang IBIGIN KA

~End of Instrumental~


Nang matapos ako ay nagitla naman ako sa ingat mula sa pinagbanggan na mga kamay na nagmumula sa aking likuran

Nanghumarap ako tumambad sa akin ang isa na namang nabiyayaan ng ating maykapal nang magagandang katangian (may favoritism eh! Hehehe biro lang po:])

Itutuloy..........

16 comments:

Anonymous said...

Nice story po .....

--makki-- said...

ala! wag padalus-dalos Fugi! hahaha me Anthony pang naghihintay ng matamis mo na OO... mukhang next year pa yata yung moment ni Anthony.. hmp!

cge na nga hinhintayin ko na lang.. lol ( gandahan mo talaga huh! kung hindi mag bo- boycott ako! LOL)

:)

marL said...

basa mode muna. tnx kuya fugi for the update. hehehe

foxriver said...

as always, kasi kasi chapter again. Thank you for the wonderful chapter and you've used one of my all time favorite song. Bravo.

Lyron said...

Bagong character? Wow! Grabe! Naiinlove na talaga si Ian! Ang simula ng mas malalim na pag-iibigan? Wala ka atang FYI ngayun? Ang sarap siguro ng pakiramdam ni Fugi parang naka-Scooby snack lang...

Cheers!:)

James Chill said...

Antagal naman nilang mag aminan... Chapter 26 na o... Wag ng denial ian at fugi.. Haha...

Galing mo mr.. Author! Good job! :-)

Yume said...

hahahahah ako una sa greetings.. labyu fugi :)
nice story :)

DownDLine said...

fugi, 27 na daliiiiiiiiiiiiii! ahahaha #teamIAN! lol

Lawfer said...

maka-ian aq peo i changed my mind, anthony na dn manok q weee

ibagsak ang bahay ni ian! sunugin ang grand piano! lol

peo in fairnes gs2 q ung kanta wah..nsan nb c anthony?! kumilos ka uy! mgboboycot kmi ni makki pg ngpahuli ka :))

Anonymous said...

mr fugi.....dew name ko ako ang nag comment na same story...nice ganda ng chap 26...d ko ba pde malaman number mo...gusto ko lang na malaman ang story mo..tnx :))

marL said...

whahahahahahaha ayaw pa kcng aminin ni IAN at FUGI ung feelings nla ee. aminin n kc hahahaha

Master_lee#027 said...

Hello mr.fugi:):):)

Hmm sinu tong new character?
Ang smooth parin ng story ,papalapit na ang kilig factor ahahaha, ganda ng flow...nice story...good job keep.it up mr fugi or mr.ANIME inventor ahaha..takecare and looking forward for the next chapter:D

Jamespottt said...

As ever, Ang galing mo talaga kababayan! Kasi kasi. haha.
Ngayon lang ulet ako nakapagOL. tambak ang mga babasahin ko. Musta na pala yung binabantayan mo sa hospital?

Anonymous said...

Si Ian pa rin bet ko :)
sana more sweet moment "ian and fugi" :)


-Jekjec-

Anonymous said...

ayyy d2 na pla un wla na sa BOL

nick said...

ang ganda talaga ng story na to fugi.. sinusubaybayan ko talaga to .. ngaun nga lang nakapag comment..

sarap ng inspired.. ahehe

tnx fuji for this story..hehe

Post a Comment