Tuesday, February 7, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (Pahina 01)

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 1)
By: FUGI



Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.



Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.





Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).





Ang dami kong  gustong mangyari sa buhay ko, ang dami kong mga pangarap pero sa lahat ng mga yun ang MAGMAHAL at MAHALIN ng TAONG PANGARAP ko ang gusto kong MAKAMIT.

Kelan kaya yun MANGYAYARI? ,,,,,,,, MAGAGANAP?          at           MAGKAKATOTOO?
Kelan kaya maiisulat ang LOVE STORY KO? (tanong na parang walang sagot kasi walang choices na A,B,C,D, hindi rin natin alam kung kelan mangyayari o magaganap ang bagay na ito, tanging ang nasa itaas lang ang nakakaalam, kasi PAGPINILIT hindi natin makakamit ang PURO, TOTOO at BUSILAK na PAGMAMAHAL....... agree ba kayo?? Hehe)
Yan.. yan na yan ang lagi kong iniisip sa araw araw sa loob ng labing anim na taong pamumuhay ko sa mundong ibabaw (OA pala yon, hindi pa nga pala ako nakakapag-isip noong BATA pa ako (hahaha) siguro nagsimula ang pag-iisip ko tungkol sa LOVE noong nakakapanood na ako ng mga movies tungkol sa pag-ibig)
Hoy anak nakatulala ka na naman dyan, ano ba iniisip mo? Tanong ng aking ina habang nasa veranda ako
Ah.. ma kayo pla, wala po iniisip ko lng po mangyayari bukas, kung ano mangyayari at sana maging maganda ang maging unang araw ko sa kolehiyo. Palusot na sabi ko sa aking ina
Ganoon ba? Wag ka kabahan anak, magiging maayos ang lahat, OK! Pahinga ka na. sabi ng aking ina
Sige po mama, teka! ma napatulog mo na po ba si angel? (ang pinaka cute ko na pamangkin, anak ng kuya ko, na samin nakatira ngayon dahil nagtatrabaho sila ng asawa nya abroad) tanong ko
Oo, napagod  siguro kanina kaya mabilis na nakatulog. Sagot ni mama
Ah! Sige po mama pahinga na din po ako at kayo din po. Sabi ko sa akin ina (at tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko para magpahinga na)

-Brief descriptions’ sa pamilya ko at sa buhay namin -
                We are six in the family (originally), si Emmanuel Chio (ang aking ama) at si Mary Rose Chio (ang akin naman ina), biniyayaan sila ng apat na anak na sina Miguel (panganay, 25), Justin (pangalawa, 22), AKO (pangatlo, mamaya ang self introduction ko. Hehe) at ang bunso si John (12y/o). Nadagdag naman si ate Isabel (asawa ni kuya Miguel) at ang pinakauna kung pamangkin na si Angel. Hindi kami ganoong kayaman, kung baga nasa gitna, salamat sa aking ama na nagtatrabaho bilang engineer abroad (mabuhay ang mga bagong bayani! Hehe) kaya natustusan ang amingpangangailangan at dahil din dun ay napagpatapos sila kuya Miguel as engineer din at kuya Justin sa kursong business management (pareho na sila nagwork abroad ngayon). Si Mama, Ako, si John at si angel, kami lang ang naiwan sa aming tahanan.

Tok.. tok... anak gising na malelate ka na, first day pa naman ngayon ng pag pasok mo. Tok..... tok.....
Agad naman ako nagising at tumingin sa orasan, Naku! 6:00am na, patay! Late na naman (habit ko na to! Ang pagiging LATE.. hehe siguro dahil sa kasabing “Huli man daw at magaling HULI pa din” hahaha lakas lang maka connect hehehe), gising na po ako ma. Sigaw ko kay mama
Agad naman akong nagtungo ng c.r. para maligo ng mabilis (no choice baka lalo pa malate pag hindi ako nagmadali), dahil wala pa ako uniform sa kadahilanang nalate ako magpagawa, naka civilian ako, OK naman daw yun kasi hindi pa regular ang klase (nakawhite v-neck shirt ako, semi fit na black faded jeans na medyo bitin ng konti, ung alah John Lloyd style at na white vanz shoes). Pagkatapos magbihis bumaba na ako para magbreakfast ng sobra bilis (hindi kami pinapayagan ni mama pumasok ng hindi kumakain, hindi ko alam kung bakit pero isa yun sa mga rules nya)
Sige ma, alis na po ako, late na ako, hanapin ko pa room ko. pagpapaalam ko kay mama sabay halik
Sige anak ingat ka, wag masyado mabilis ang pagpapaandar kay DREY (motor ko na niregalo ni papa sa akin noong naggraduate ako ng high school, yun kasi hiniling ko. Hehe, (ASTIGIN KASI) nung una ayaw nila dahil prone sa accident pero napilit ko din ang mga magulang ko at pinangako na magiging maingat ako sa pagdadala nun) paalaala ng aking ina.
Mabilis naman ako nakarating sa university (salamat kay DREY. Hehe) at nang maipark ng maayos si drey sa SAFE na lugar, agad kung kinuha ang registration form ko para makita schedules/subjects/time/building/section at nang makita ko ito..... COLLEGE ALGEBRA pala first subject ko (kala ko naman ligtas na ako sa math, ano kaya relasyon nito sa course ko? Tsk tsk..), 7:00am-8:30am, TBA BLDG (san kaya to??) BSN I-4 pla ako.

-Introduction of myself-
                Ako si Chio, Fuji, 16 years of age nasa 5’8’’ ang height, maputi (yung puti na hindi gawa ng whitening soap.. hahaha) hindi payat hindi rin mataba, sakto lang (hindi naman kasi ako naggi-gym pero seksi yung katawan ko, para daw pang athlete sabi ng coach ko sa valleyball), naka eye glass na bumagay naman sa medyo singkit ko na mga mata, hindi ako gwapo pero alam ko sa sarili ko na Cute ako (hehe), sobrang babaw ko na tao in a sense na natatawa ako sa kahit ano makita na kakaiba o kahit simpleng jokes, madaling pakisamahan at gusto ko light lang lagi ang paligid, ayaw ko ng gulo/away. (tama na muna to, to follow na lang ung iba, isisingit ko na lang pagkelan ng explain ang sa sarili ko .. hehe) BS Nursing nga pla ang napili kung kunin tas sa LPU-Batangas ko napili mag-aral (Taking the lead eh! Hehehe, wow free advertisment ah!hahaha)

Ayun buti nakakita ako ng guard na mapagtatanungan;
Ako: Sir tatanong ko lang sa ung TBA bldg.?
Guard: (Natatawa habang nag sasalita) ano ba course mo?
Ako: Nursing po
Guard: ah! Punta ka na lang sa bldg na yun (sabay turo) nandoon ang Nursing office, nga pla iho walangTBA bldg. TBA stands for “To be announce” (kasabay ng pasasabi niya ay ang pagpigil ng tawa)
Ako: pasensya na po! Hindi ko po alam (sabay ngiti at lumakad ng mabilis papunta ng bldg kung nasan ang Nursing office, para makaiwas na sa guard, nahihiya at natatawa ako sa sarili ko.. hahhaha... kasi naman hindi naglalagay ng LEGEND. hahhahaha)

Sa Nursing office;
Ako: Good morning ma’am, tanong ko lang po san yung bldg. para sa subject na ito (sabay pakita ng reg form at turo ng unang subject ko)
Secretary: Good morning as well! Ahm.. it says that your BSN I-4, wait I’ll check the master list, can I scrounge your registration form? (sabay bigay ko naman), Ilang minuto lang at nagsalita na uli yung secretary: Mabini Bldg., Room 204 (sabay abot sakin ng reg form ko)
Ako: salamat ma’am. (Time check: 7:20am na, dandyararan LATE=)
Lumabas ako kasama ang secretary at itinuro kung san ang daan papunta sa Mabini bldg. Agad ko naman tinungo iyun at nagtakbong-lakad para mabilis makarating sa room ng first subject ko. Nang mahanap ko na ang Room 204, tumingin ako sa pinto (sa may bandang itna ng pinto ay may maliit na square na opening na itinakpan ng glass kaya makikita mo mula dun ang loob ng class room), pagsilip ko nandun na ang prof ko (patay!), agad ako kumatok at pumasok;
Pagkapasok ko, nagtinginan sakin lahat nag nandoon kasama ang prof ko at napansin ko na ako lang ang naka-civilian, lahat sila naka-uniform (agaw atensyon tuloy.. tsk tsk)
Ako: (tumingin sa prof ko at humingi ng paumanhin), Sorry ma’am, naligaw po kasi ako.
Prof: it’s ok but on our second meeting formal class resume be here early ok! Take a seat, prepare 1/8 index card follow the pattern on the board then bring it to me when you finish then after that get in front and give information about yourself.
(agad naman ako pumunta sa bakanteng upuan sa likod at ginawa lahat ng pinapagawa ng prof namin, hindi naman ako makatingin sa mga kaklase ko dahil nahihiya ako at ako lang ang hindi naka-uniform (outcast tuloy.. hehe).
Pagkatapos ko ay agad ko inabot sa prof ko yung index card at pumunta sa harap para magpakilala;
Hi! I’am Fugi Chio, 16, I hope that in the coming days we all be friends (sabay ngiti), thats all (ang iksi ba?? Nosebleed na ih! Ubos na vocabulary, hahaha), sabay upo na sa inukupa ko na upuan sa likod.
Tahimik lang ako nakikinig (tahimik kasi wala ako katabi. hahaha) sa dinidiscuss ng aming prof about sa kanyang rules and regulations sa klase nya, ganoon din ung grading system at kung ano ano pa.
Pagkatapos ang halos 30mins nang kakadakdak ni prof, dinismiss na kami, na next meeting na daw sya magstart para hindi naman daw kami matrauma (buti nauunawaan nya ang aming mga pamsariling mga daing, hahahaha)
Dali dali naglabasan ang mga kaklase ko, hindi naman ako nakikipag-unahan kaya naupo nalang muna ako at pinagmasdan ang kanilang karerahan papuntang finish line (ang PINTUAN, hahaha).
Sa aking pagmamasid sa kung paano mag-unahang lumabas ang aki ng mga kaklase may pumukaw ng aking paningin, isang Lalaki nakatalikod sa akin kasi nasa may gitna syang parte, sa bandang dulo malapit sa bintana, na katulad ko ay nakaupo at hinihintay muna makalabas ang lahat saka nalang aalis.
Sa HINDI maipaliwanag na dahilan parang gusto ko humarap sya sa akin para makita ko ang kabuuan nya. Napako na ang tingin ko sa kanya, hinihintay na humarap sya. Hindi ko na namalayan na tinatawag nya na pla ako, na sya naman nag pabalik sa akin sa realidad.

Tsong, hindi ka pa ba aalis? pagtawag nang pansin sa akin nung lalaki








Itutuloy....

5 comments:

Anonymous said...

sorry..alam ko magulo si kuya zeke pagdating sa sentence construction at dami niya typos..pero yung sayo..parang sadyang magulo..sinulat mo lang talaga..sorry..

JayAr said...

ayos lng cguro ng format, anyway ok nmn xa, from the heart. hehehehe i'll see on the next chapters

fugi said...

@anonymous, pasensya na sa way ng pagsusulat ko,

@jayAr, salamt sa pag-intindi:]

Anonymous said...

relate much! :D hhehe

Kl jan / facebook

iRead said...

LPU Batangas? HAHA! Dun ata ako mag AAral :)

Post a Comment