Tuesday, February 7, 2012

Dream On (Teaser)



by: Justyn Shawn






May bagong aabangan na naman kayong estorya kahit nagpapahinga ako. hihihihi Sana ay suportahan niyo ang gawa ni Justin Bhebhe este Justyn Shawn hahaha at ang pakikibaka nang kanyang mga characters sa kwentong pinamagatan niyang "DREAM ON"





Si Ramil. Masipag. Masakripisyo. Mabait. Isang batang puno ng pangarap. Pangarap na umahon ang buhay at matulungan ang pamilya. Pangarap na magkaroon ng lalaking magmamahal, mag-aalaga at tatanggap sa buo niyang pagkatao.


Kahirapan. Pangungutya sa kanyang katayuan sa buhay at sa kanyang sekswalidad. Yan ang masalimuot na kinakaharap ni Ramil araw-araw.




“Alam kong may mararating ako balang araw. At pagdating ng araw na iyon, ipapamukha ko sa lahat ng mga taong umalipusta, nanghusga at dumurog sa pagkatao ko na ang baklang ito ay may mararating din.”pagtangis nya sa kanyang sarili.



Titig sa mga bituin sa langit na para bang nananalangin at nagsusumamo. Kinakausap ang mga tala sa langit. “Kay hirap mong abutin.”nasambit na lamang niya. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-asang makakaahon at matanggap ng lipunan. Mahimbing na siyang nakatulog na dala-dala ang kanyang mga pangarap. Pagkakataon sa buhay niya na nararamdaman nyang siya ay ligtas, payapa at may kakampi.



Paggising nya kinabukasan ay may panibagong hamon na namang kakaharapin. Mundong araw-araw siyang tinutulak, kinukutya at tinatanggalan ng pag-asang lumaban.



Abangan...