Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
--->Fugi Chio (yes! balik na sa akin)
Mabilis
naman ako nakarating sa bahay namin. Pagkapasok na pagkapasok ko, agad na
sumalubong sa aking ang sobra sa cute kung pamangkin na si angel at yumakap sa
aking mga hita..
/si angel ay
2y/o pala, bibang bata at sobrang cute talaga (syempre nagmana sa cute na cute
niyang titi ninong na walang iba kung hindi ako. Hehe), natutuwa din ako sa kung
paano ito magsalita (dahil puros dulo lang ang natutuod niya. Hehe), kaya naman
lumalabas ang childish in me, pero base sa nakikita ko sa kanya matalinong bata
siya paglaki (kaya naman minsan pinapabasa ko na sa kanya mga books ko in
preparation sa pag-aaral niya.. hahaha joke lang=)/
Angel: to
nong (means tito ninong) bong! bong! (pasalubong daw, pwede na ba akong
pediatric interpreter?? Hehehe)
Ako: gey-gey
(tawag ko sa kanya) la bong to nong, la ra, di yan lowla (para sa lahat nang
tagabasa ang tanslation nya ay “gey-gey wala pasalubong tito ninong, wala pera,
hindi binigyan ng lola” pag sagot ko sa kanya to the tune of BABY TALK. Hahaha)
Angel: mot
mot man to nong (sabay simangot) /kitams nagkakaintindihan kami hahahaha , nga
pla para sa ikabubuti ng lahat ang sabi ni angel ay “damot damot naman tito
ninong” hahahaha/
Tawa ako ng
tawa pagnakakausap kami ni angel, parang kokey at ako lang.. hahahaha,
nakakawala talaga ng stress at ang pinakamasayang makikipag-usap ay sa mag
bata, para lang walang problema, ang gaan lang.
Agad ko
namang inilabas ang tatlong piraso ng jelly ace sa bulsa ko (kuripot ba?? Paano
kasi madami na yan para sa kanya.. hahahaha) na binili ko sa tindahan sa kanto
bago pa man ako makarating sa bahay namin.
Ako: gey-gey
ay ace (pagpapakita ko sa tatlong jelly ace)
Agad naman
uling yumakap si angel sa akin at sa pag-alis ko sa pagkakayakap na kanya bigla
ako umupo at inabot ang mga jelly ace sa kanya
Angel: mat
mat to nong, san san (sabay abot ng isang jelly ace, nga pala “salamat salamat
tito ninong, buksan buksan” yan ang sabi niya
Ako: la kiss
to nong (at hinalikan ako ni angel sa pisngi, pagkatapos sabi ko, dito pa sabay
turo sa kabilang pisngi pagkatapos sa noo, sa baba, sa ilong at sa labi, lagi
naman ganito ang pinagagawa natin sa mga bata ang AROUND THE FACE KISS..
hahahaha imbento ba?? Paano ang idea ay nakuha ko sa around the pose shot ni
kaido sa prince of tennis o yung mas kilala sa tawag na boomerang snake,,
nanonood ba kayo non?? Hehehe)
Bigla naman
lumapit sa amin si mama
Mama: o anak
nandito ka na pala, kamusta ang first day? Maayos ba? (pagtatanong ni mama)
Ako: ahm...
way better ma as what I expected (sabay ngiti sa kanya) (paano kasi dahil
siguro, hindi dahil talaga kay IAN yon.. ayiieee.. hehehe)
Mama: buti
kung gaano, gusto mo na ba kumain?? Paghahain na kita
Ako: ma
hindi na po, busog na po ako, papahinga na lang siguro ako, napagod po kasi ako
(paalam ko kay mama sabay halik sa kanya at buhat kay angel para mag goodnight
kiss)
Pagkapanhik
ko sa aking kwarto agad akong naglinis ng katawan, sipilyo at nagbihis ng
pantulog (laging pajama at muscle shirt na v-neck style o kaya sando ang aking
suot sa pagtulog)
Sa akin
pagkahiga biglang pumasok sa isipan ko lahat ng nangyari sa napakahabang araw
na to (sa sobrang haba umabot ito ng pitong chapters kasama ito.. hahahahaha),
sa pag-iisip kung iyon halos 99% ay tungkol kay ian, ang mukha niya, ang mga
ngiti niya, kung paano siya magsalita, ang kiliti na idinulot nya noong
binubilungan nya ako at ang mala-CHIDURI na kuryete na pumasok sa kaibuturan ng
aking katawan hawak niya ako (yes naisikit ko ang naruto,, hahaha). Sa mga
naisip ko na iyon hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti... sigurado na ako at hahayaan ko na umusbong
at lumago ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya. Wala man
patutunguhan, enjoy ko nalang dahil alam ko isa ito sa magpapasaya sa akin sa
punto ng buhay kong ito.
Sa hindi
maipaliwanag kong nararamdaman bigla nalang akong bumanat sa sarili ko ng.....
--------------------Pwede ba KITANG
abutin (Ian)?
------------------------------------------------>PANGARAP
kasi KITA...
(ayiieee naman ako dun hahahaha hindi
ko napigilan ang tawanan ang sarili ko)
Bigla akong
may naalala nadapat kung gagawin
Ako: yung
RESIBO!! (agad kung kinuha sa bulsa ko ang resibo nung first date? Kuno namin
ni ian sa paotsin. Pagkakuha ko nito nagbigay ito ng ideya sa akin ng paggawa
ng SCRAPBOOK, scrapbook na magiging punlaan ko ng magiging memorya namin na
magkasama, it sounds girlish/OA, pero ito yung mga bagay na sa tingin ko pwede
ko lang magawa, na sa pwede kong masabi ang lahat ng nararamdaman ko para sa
kanya, na sa paraang ganito merong ako at siya at ang tinatawag na pagmamahal.
Hahay...)
At yun nga
napagplanuhan kong pumunta bukas ng school para kuhanin ang uniform ko (M-W-F-S
nga lang pala ang pasok ko) at pagkatapos dideretso sa mall para bumili ng
materials sa paggawa ng scrapbook na magsisimula nang magagandang alala na
madadala ko hanggang sa pagtanda...
Pagkatapos
nang lahat agad dinakong humiga at nakatulog nang mabilis.
Kinabukasan,
medyo tanghali na ako nagising dahil alam naman ni mama ang schedule ko sa
pagpasok kaya hindi na niya ako inabala at hinayaang magising nalang sa
sariling sikap (hahaha)
Time check:
9:45am
Nagpahinga
lang muna ako ng konti dahil sa napahabang pagtulog (parang baliw lang di ba??
Hahaha), pagkatapos ay bumangon at nagtungo sa banyo para maligo na at
makapaghanda sa pagpunta sa school para iclaim ang aking uniform. Pagkatapos
maligo ay pumunta ako ng aparador para pumili ng masusuot, grey faded jeans (na
bitin ulit ala JL), blue v-neck shirt (paborito ko ang v-neck hindi kasi sya
nakakasakal) at ung vans ko na white shoe. Dinala ko na din ang bag pack para
wala ako bitbit mamaya.
Pagkatapos
ay bumaba na ako at nakita ko si mama at angel sa sala nanonood ng tv
Mama: o anak
saan ka pupunta?
Ako: sa
school ma, nakalimutan ko kuhanin uniform ko (galing kasi magpalimot ni ian..
hehe)
Mama: ah!
Kumain ka muna, pinagtabi na kita dyan
Ako: sige
po! Gey-gey la kiss ang to nong? (pagtawag ko nang pansin kay angel habang
tutok sa panonood ng paborito niyang palabas ang walang kamatayang Dora the
Explorer. Hehe)
Hindi ako
pinansin ni angel (ganyan yan! Dedma pag si dora na ang bida sa tv. Hahaha),
syempre para lang mapansin kailangan manuhol (hehehe)
Ako: gey-gey no osto bo-bong?, lis ang to nong
(ang medyo malakas na pag baby talk ko sa kanya, hindi naman ako nagkamili na
kailangan niya lang suhulan para pansinin ako, tumayo ito at nagtatakbo patungo
sa akin na siya naman buhat ko sa kanya pagkalapit niya sa akin. Nga pala for
the benefit ng mga mambabasa kung meron man... hehe ang sinabi ko kay angel ay
“angel ano gusto pasalubong? Aalis ang tito ninong”)
Angel: pa
pop po po at at at (parang budoy lang, hahaha) ace ace to nong (ang sabi niya
ay “lollipop po at jelly ace tito ninong”)
Natawa naman
ako sa inasta niya ang cute diba??
Ako: ge li to nong, pewo pat kiss mo ko, pra bli ta non (ang
translations niyan ay “sige bili tito ninong, pero dapat kiss mo ako pra bili
kita noon” at kiniss niya ako ng around the face kiss.. hehehe)
Pagkatapos nang parang out of this world naming pag-uusap ni
angel, bumalik na uli siya sa kanyang pinapanood na dora at ako naman ay kumain
ng agahan slash tanghalian na din. At pagkatapos ay nagpaalam na din ako kay
mama na aalis na. hindi ko na dinala si drey (ang motor ko) kasi tirik na ang
araw ayaw ko naman na magjacket para may cover ako habang nagmomotor dahil
sobrang init kaya nagcommute na lang ako.
Simula sa amin, dalawang beses akong sasakay ng dyip, isang Bauan-Batangas na dyip tapos bababa nang Lawas then maglalakad ng konti tas sasakay naman ng Capitolio-Batangas na dyip. Buti hindi trapik kaya wala pa 30mins ay nasa iskul na agad ako.
Nakalagay sa claim slip na sa Anaprel Bldg. daw makukuha ang uniporme ko kaya naman agad ko tinanong sa guard sa may gate kung saan iyon. At ang bldg. palang iyon ay nasa labas ng campus, pagkapasok ko sa nasabing bldg. ay masasabing luma na iyon, siguro yun yung mga unang naitayo na bldg nila (pero narenovate na naman siya..hehehe). Agad ako nagtanong sa nakita kong gaurd dun kung sa kinukuha yung mga uniporme. Hindi naman nagtagal ay nakuha ko na ang aking all white nursing uniform.
Simula sa amin, dalawang beses akong sasakay ng dyip, isang Bauan-Batangas na dyip tapos bababa nang Lawas then maglalakad ng konti tas sasakay naman ng Capitolio-Batangas na dyip. Buti hindi trapik kaya wala pa 30mins ay nasa iskul na agad ako.
Nakalagay sa claim slip na sa Anaprel Bldg. daw makukuha ang uniporme ko kaya naman agad ko tinanong sa guard sa may gate kung saan iyon. At ang bldg. palang iyon ay nasa labas ng campus, pagkapasok ko sa nasabing bldg. ay masasabing luma na iyon, siguro yun yung mga unang naitayo na bldg nila (pero narenovate na naman siya..hehehe). Agad ako nagtanong sa nakita kong gaurd dun kung sa kinukuha yung mga uniporme. Hindi naman nagtagal ay nakuha ko na ang aking all white nursing uniform.
Sa paglabas ko sa building na iyon ay nag abang na ako ng
dyip na masasakyan papuntang bayan. Sa aking paghihintay ng masasakyan ay may
nakita akong papalapit na lalaki patungo sa kinatatayuan ko.
Pamilyar
siya pero hindi ko maalala, pero hindi ako masyado tumitingin dahil baka
nagkakamali lang ako at hindi naman pala ako ang lalapitan niya. Nagulat na lang
ako ng tawagin niya ang pangalan ko noong nakalapit na siya
Fugi right?
Bati ng unknown guy sa akin
Tumango lang
ako bilang tugon at humarap sa kanya na may natatanong na itsura kung sino
siya. Bigla naman niyang naunawaan ang ibigsabihin ng itsura kong iyon ka siya
na mismo nagpakilala sa sarili niya
Ako nga pala
si............
Itutuloy......
1 comments:
I know it's too late to post a comment but I just want you to know that your story is very nice. Though it has a typo and unorganize sometimes still the theme is there.. It really makes me laugh and helps me to forget my problem.. You are a great writer fugi.. Keep it up...
Aeolus...~_~
Post a Comment