Monday, February 20, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 23)



 By: FUGI

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman

Parang.... Parang may TENSYON


Pagkatapos maayos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni ian ay masaya kaming pumunta sa sunod at panghuling subject sa araw na iyon

Nang malapit na kami sa room ay nagpaalam muna si ian na pupunta muna itong palikuran at ako naman ay nauna sa kanya pumasok sa loob ng room. Napansin ko agad si janine sa bandang likuran kaya agad akong dumiretso papunta sa kanya at umupo sa tabi niya

Hindi naman nakaligtas kay janine ang pagbabago sa aura ko, kaya pagkaupong pagkaupo ko palang ay bumulong ito sa akin

Janine: aba! Mukhang ayos ka na ah! Bumalik na ang aliwalas sa mukha mo

Ako: ha!? (maang kong sabi sa kanya)

Janine: pati si ian oh, ayos na din (nakangiti nitong balik sa akin sabay turo sa kapapasok palang na si ian na may nakaplaster na ngiti habang nakatingin sa kinatatayuan namin)

Ako: ikaw ang dami mo ding napapansin ano?? (nakangiti kong tugon dito)

Janine: hindi ka kasi nagsasabi nang mga nangyayari sa iyo, katulad na lang kanina parang may something sa inyo ni ian, ano?? Tama ba ako? Kaya naman pumupuna na lang ako (kasabay ang kakaibang ngiti nito)

Ako: mood swings lang yung kanina ang dami ko lang iniisip (pagdadahilan ko)

Janine: moods swing daw ah! Bakit may dalaw ka?? Buntis? (natatawang biro nito sa akin)

Ako: last na hirit mo na yan ha! (sabay pakawala ng pekeng tawa)

Janine: kasi ayaw pa umamin na may something sa kanila (mahinang bulong nito sa kanyang sarili)

Ako: may sinasabi ka pa? 

Janine: wala, nag 3:00 o’clock prayer lang

Ako: four na kaya, adik lang?

Janine: ang bilis naman ng relo mo, three pa lang sa akin

Ako: woooohh, palusot ka pa!

Janine: o e di 4:00 o’clock prayer, pwede namang i-adjust, makabawi ka lang ng hirit dyan ih! (natatawa na nitong sabi sa akin)

Ako: talagang nailusot mo pa yan ah! (natatawa kong balik dito)

Janine: syempre hindi ako papayag na maisahan mo ako (ang may pagkaproud nitong sabi)

Bigla namang singit ni ian ng makalapit na ito sa amin at umupo sa tabi ko

Ian: ano pinag-uusapan ninyo at mukhang nagkakatawanan kayo?

Ako: ah! Wala naman, nababaliw lang itong si janine (nakangiting sabi ko dito)

Janine: paano kasi ian ang galing magjoke ni fugi kaya nagkakatawanan kami (humarap ako kay janine na may nagtatanong na mukha at tinugunan naman ako nito ng mapangasar na ngiti)

Ian: share nyo naman sa akin (nakangiting sambit nito)

Janine: o fugi share mo na mga jokes mo, gusto marinig ni ian o! (gatong nito sa sinabi ni ian kasabay ang nang-aasar na ngiti, ngumiti lang din ako dito na may halong asar)

Wala na akong nagawa kaya nagjoke na ako mga pipz (sana ay magets nyo ang joke ko.. haha)

Ako: a..alam nyo ba yung joke na “HINDI EH!” tsaka “ME TOO”??? (sabay harap ko kay ian)

Ian: HINDI IH! (tapos humarap naman ako kay janine)

Janine: ME TOO....

Natawa naman ako sa isinagot nila (hahahaha), sakto lang sa joke ko (hahaha), lalo ako natawa nang mapansin kong naguluhan sila sa biglaan kong pagtawa

Janine: bakit ka natawa dyan?? Wala pang joke tumatawa ka na agad, adik lang? 

Ako: slow mo naman janine (sabay tawa ko at bigla ko narinig ang hagikgik ni ian kaya napaharap ako sa kanya)

Ian: gets ko na (natatawang sabi nito sa akin ng makaharap ako sa kanya)

Ako: salamat naman at nagets mo (at nagtawanan kaming dalawa)

Janine: ang alin ang nagets mo ha ian?? (ang naguguluhang singit nito)

Napaharap kaming dalawa ni ian kay janine tapos nagkatinginan kami ulit ni ian at tumawa dahil sa itsura ni janine (hahahaha)

Janine: pinagtutulungan nyo na naman ako, ang daya! (pagmamaktol niyo na lalo namin ikinatawa)

“Kasi naman kung anu-ano sinasabi mo, may pajoke joke ka pa na sinabi ko tas nung nagjoke nga ako, slow ka naman” natatawang bulong ko kay janine at inirapan lang ako nito na lalo ko lang ikinatawa (kasi kasi.. hahahahaha)

Nang mahimas-masan na ako sa kakatawa ay napansin kong wala pa rin si anthony kaya naman

Ako: nasaan nga pala si anthony? (tanong ko kay janine)

Janine: hindi ako tanungan ng nawawala (ang galit galitan nitong tugon sa akin)

Natatawa naman akong humarap kay ian para tingnan ang reaksyon nito sa inasta uli ni janine pero seryoso na ang itsura nito, hindi ko na lang ito pinansin

Ako: seryoso janine, hindi ba magkasama kayo ni anthony kanina noong iniwan ko kayo?
Janine: noong nagpaalam ka naman ay sumunod din siya may titingnan lang daw, tas hindi naman bumalik

Bigla naman bumukas ang pintuan sa harap at hinilabas nito si anthony

Janine: ayon oh! (sabay turo nito sa kapapasok palang na si anthony)

Agad naman ako bumaling sa kinaroroonan nito at papalapit ito sa kinauupuan naman, medyo seryoso ito na ikinataka ko naman dahil lagi naman itong nakangiti pag nakikita ko

Pagkadating nito sa pwesto namin aya agad naman nitong kinausap si ian

Anthony: pare, pwede bang ikaw na ang umukupa nitong silya na ito (sabay turo sa silya sa dulo malapit sa bintana), mas gusto mo naman sa tabi niyan hindi ba? Nadi-distract lang ako (may kung ano sa tono nito na hindi ko maipaliwanag)

Ang siste kasi, ako ang nasa gita nina ian at janine tapos bakante ang upuan sa tabi ni ian na tapat ay bintana, 

Ian: oo naman pare (sabay pakawala ng ngiti nito kay anthony pero parang may kung ano din sa inasta na iyon ni ian)

Agad na kinuha ni ian ang gamit niya at tumayo at lumipat sa kabilang upuan. Pagkaalis na pagkaalis ni ian ay sya namang upo ni anthony sa pwesto ni ian

Anthony: salamat pare! (ang sabi nito kay ian pagkatapos ay sabay baling sa akin ni anthony at pakawala nang isang napakagandang ngiti, ngiting lalong nagpapagwapo sa kanya)

Ako: sa..saan ka ba nagpunta? (nauutal kong tanong sa kanya dahil siguro sa epekto ng maganda nitong ngiting isinalubong sa akin pagkaupong pagkaupo nito sa tabi ko)

Anthony: dyan lang may pinuntahan lang (sabi nito habang nakapaskil pa rin sa mukha nito ang maganda nitong ngiti na ikinailang ko naman, kasi kasi may kung ano sa ngiti na iyon, parang parang.. basta)

Ako: ah! (naitugon ko na lang)

Maya maya bigla nalang itong bumulong sa akin na ikinagulat ko na naman (kasi kasi:])

Anthony: yung date natin bukas ha! (ang mahinang bulong nito)

Hindi ko alam kong tama ang pagkakarinig ko

DATE ba ang sabi ni nya? ang naitanong ko sa sarili ko

Ako: ano yon anthony? (ang nag-aalangan kong tanong sa kanya)

Anthony: yung usapan natin na lalabas bukas pagkatapos ng klase, natatandaan mo pa?
Ako: ah! Oo naman (nakangiti ko nang tugon sa kanya)

Anthony: susunduin kita ulit ha, bawal na tumanggi, usapan na natin iyon (ang sunod-sunod nitong sabi na may kalakip na napakagandang ngiti kaya naman napatango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya, hirap tanggihan ng ngiti na yon.. kasi kasi)

Sa kabilang dako hindi namin napapansin na mataman na inoobserbahan pala kami ni ian....
Ilang sandali pa ay dumating na ang prof namin para sa huling subject na iyon. Naging mabilis naman ang takbo nang oras at agad na natapos ang klase nang hindi namin namamalayan

Agad kong inayos ang gamit ko at nabigla na lang ako na may nakatayo na sa harapan ko at nang mapatingala ako, si anthony pala

Anthony: tara na! (nakangiting sabi nito sabay kuha ng gamit ko), ako na magbibitbit, para hindi ka na makatanggi sa pagsabay sa akin at maihatid na kita (dagdag nito)

Ako: a..anthony! a...ako na magdadala niyan (nagulat ako sa ginawa niya, pero may bahagi na natuwa ako sa kabutihang ipinapakita niya)

Anthony: ako na! tayo na dyan ng makaalis na tayo (nakangiti paring sabi nito)

Ian: pare (pasingit at pagtawag sa atensyon ni anthony), pasensya na hindi makakasabay sayo si fugi, sa bahay kasi sya magdi-dinner inimbitahan kasi sya ni mama ko (may kong ano sa tono niyo pero hindi ko na ito nabigyan pa nang pansin dahil sa nabigla ako sa sinabi nito)

+++++++++++
Ian

Masaya ako at naayos na ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin ni fugi, kakaiba talaga ang naiidulot, alam ko may kakaiba pero yung kakaibang pakiramdam na iyon nahindi ko mapangalanan ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kaligayan, kaligayahan nagyon ko lang naranasan

Kakaiba talaga si fugi, nasambit ko sa sarili ko

Balik na uli kami sa dati, nagbibiruan, tumatawa, masaya...... masaya na SANA kaso nang mapasok sa usapan si anthony hindi ko alam parang nag-iba ang mood ko, para kasing napaka-concern ni fugi sa isang iyon nang mapuna nito na wala pa ito


Maya-maya nga ay pumasok na ang isang iyon at nang magtama ang tingin namin ay napuna kong may kung ano sa tingin niyang iyon.

Nang makalapit na ito sa aming kinauupuan nila fugi agad itong tumingin sa akin at nagwika nang...

“Pare, pwede bang ikaw na ang umukupa nitong silya na ito (sabay turo sa silya sa dulo malapit sa bintana), mas gusto mo naman sa tabi niyan hindi ba? Nadi-distract lang ako”
May bahid kung ano sa mga binitawan niya, kahit ayaw ko pumayag na rin ako dahil ang naisip ko ay paglumipat ako ay susunod si fugi sa akin para tabi pa rin kami pero mali pala dahil pagkalipat na pagkalipat ko siya namang pag-upo ni anthony sa inalisan ko

Anak ng EPAL naman.... ang nasabi ko sa sarili ko

Naiinis ako sa hindi malaman na dahilan, lalo pang nadagdagan ito ng napuna kong masayang nag-uusap ang dalawa tapos maya maya maya pa ay nagbubulungan na.....
Aaaarrrghhhhhh... sabi ko sa aking isipan

Sobrang hindi ako panatag sa ikinikilos ni anthony kay fugi, ewan hindi ko maintindin

Salamat at nakiayon sa akin ang oras at tumakbo ito ng napakabilis, mabilis sa pangkaraniwan na para siguro ang inis na nararamdaman ko ay hindi na magtuloy-tuloy pa sa galit

Epal kasi itong anthony na ito, nasabi ko sa aking sarili

Nang matapos pagpaalam ay tuluyan nang lumabas ng room ang prof namin, agad akong nag-ayos ng gamit ko, habang ginagawa ko iyon ay narinig kong nagsalita si epal (si anthony) kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong kausap nito si fugi

Niyaya na nito si fugi at sa pagkakarinig ko ihahalid pa ng ungas ito sabay kuha ng gamit ni fugi para siguro hindi na makatanggi

Sa puntong iyon ay agad akong sumingit sa kanilang usap at nagwika nang......

Ako: pare (pasingit at pagtawag ko sa atensyon ni anthony), pasensya na hindi 
makakasabay sayo si fugi, sa bahay kasi sya magdi-dinner inimbitahan kasi sya ni mama ko (dagdag ko sabay pakawala ng nang-aasar na ngiti)

Nagtataka man sa inasta ko sa puntong iyon, pero asar lang talaga ako sa anthony na yan, basta... 

Salamat at mabilis na nakaisip nang idadahilan ang utak ko kung hindi baka maiwan na naman ako

Akmang iimik pa ang epal na si anthony ng bigla ulit ako akong nagsalita

Ako: pare, akina ang gamit ni fugi para makaalis na kami, kanina pa kami inaantay ni mama (nakaplaster pa rin sa akin ang nang-aasar na ngiti)

Agad kong inilahad ang kamay ko para kuhanin ang gamit ni fugi kay anthony, alam ko ayaw nitong ibigay pero alam ko din no choice sya at napangiti ako ng palihim sa naisip ko na iyon

Kala mo ikaw lang marunong umepal ha! Sabi ko sa utak ko (hehe)

Pagkaabot nito ng gamit ni fugi sa akin agad ko nang hinarap si fugi at napansin ko sa mukha nito ang pagkabigla siguro dahil sa sinabi ko, wala naman talaga kaming usapan, pero papanindigan ko na baka makahirit pa si epal

Ako: tara na fugi (nakangiti kong sabi dito at kita ko namang nakabawi na ito sa pagkabigla at tinugon ako ng pilit na ngiti, siguro dahil nagtataka pa rin ito)

Nang makatayo na ito ay agad ko itong inakbayan para makaalis na agad kami agad akong nagpaalam kay janine at sa epal na anthony na iyon

Ako: janine una na kami (nakangiti kong sabi dito)

Janine: sige! Ingat kayo ni fugi (nakangiti rin ito)

Ako: ikaw rin, ingat (sabay harap naman kay anthony)

Ako ulit: pare una na kami ni fugi ah! Ingat ka!

Akmang tatalikod na kami ni fugi ng hawakan ni anthony ang braso ni fugi na siya namang naging dahilan para mapatigil si fugi ganon na din ako dahil nakaakbay ako dito

+++++++++++++++

 Itutuloy....................

5 comments:

Anonymous said...

Haba ng hair ni fugi nilakbay ang buong edsa grave!

KV

--makki-- said...

LABANAN NG MGA EPAL ang Chapter na ito!

KASI! KASI! itong si Fugi KASI! KASI! ENJOY! ENJOY! naman.. LOL

hmmm.. PAEPALAN huh! malamang sasama yang si Anthony! LOL

GO! ANTHONY! GALINGAN MONG UMEPAL!

(mukhang ako lang yata dito ang pro-Anthony ah!) BIGTIME LOL!

THANKS sa update FUGI!

Anonymous said...

ano to contest ng dalawang lalake sa buhay mo fugi.... he he he...para kang food na masarap kainin... pinag aagawan ka nilang dalawa....ang haba ng hair mo talaga fugi....

ramy from qatar

marL said...

wow bilis ng update! hehehe epal tlga si anthony, cla n lng dapat ni janine mag partner, hehehehe. next na ulet fugi.

foxriver said...

kasi kasi! Go Ian..

Post a Comment