Thursday, February 9, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 10)


By: FUGI

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).



------> Ako na ulit.. Si FUGI ang Bida na!
Pagkalayo namin sa iskul agad namang bumulis ang andar namin kaya nakarating agad kami sa mall. 

Pagkapasok namin sa main entrance ng mall ay bumungad sa amin ung mga mini tyangi sa loob ng mall (yung mga nagtitinda ng mga relo, laruan, bhuda, lucky charm at kung ano-ano pa), pero ang pumukaw ng aking pansin ay yung mga Acoustic Guitar na naka display.

Agad akong lumapit sa harap non ay pinagmasdan ang mga gitara pero ang pinakanagustuhan ko ay ito...
Habang tinitingnan ko ito may biglang nagsalita mula sa likuran ko..

Bata, galing pumili ah! Sabi ni ng sobrang babang boses ng mama na siguro ay isa sa may-ari ng tindahan na iyon

Humarap ako sa kanya at matipid na ngumiti

Gusto mo ba iyan, ha fugi, biglang turo ni anthony sa gitara na tinitingnan ko kanina

Naku! sayang nahuli kayo may nakauna na dyan at pinareserve na, paglalahad nung mama 

Kuya, pwede ko bang hawakan? Tanong ko sa mama na may-ari ata 

Hawak lang? parang gusto mo itry iplay base sa mukha mo, sige na papayagan kita kung ano gusto mo hanggat hindi pa nakukuha iyan, pagbibigay pabor sa akin nung mama

Galing mo naman kuya nahulaan mo (natatawa kong sabi sa kanya), sure ka pwede? Paano pagnasira o naputol sa strings (ang pagkumpirma kung pumapayag talaga siya at pagtatanong narin sa posibleng mangyari)

Alam ko magaling ka (ang nangingiting sabi nung mama sa akin), oh dito kana umupo (sabat alok sa akin ni kuya na maupo sa isang beat box)

Salamat po at ngumiti na lang ako nang pagkaluwang luwang na parang batang nakatanggap ng early christmas gift.

Agad ako umupo sa itinuro niya sa akin at nang maka pwesto ay inayos ko naman ang gitara. Since both hand ko naman ay kayang tumipa ng gitara mas pinili ko yung kaliwa tas syempre yung kanan ang sa chords (pinag-aralan ko talaga yon hindi dahil hindi lang astig ang dating kundi dahil sabi nila pag LEFT na HAND daw ang pinagtipa sa GITARA, MUSIKANG may PAGMAMAHAL daw ang maihahatid mo kasi nga ang PUSO ay na sa LEFT,,, LEFT 5th intercostal space midclavicular line (yan po ang exact location nang APICAL PULSE, ni-nosebleed kayo no? hahaha), nakuha nyo ba ang LOGIC?

(mukhang kelangan kong magtrivia ulit ah, OK dahil ramdam ko kayo eto po ang diagram #1. hahahahahaha)

Yung #5 yun po yung landmark ng apical pulse (kung mapapansin nyo po meron pang mga numero’s na 1,2,3,4, bale po mga landmarks din sya para maassest ng kabuuan ng puso pero magfocus na lang tayo sa #5), ito po yung pumipintig ng sobrang bilis at lakas pagnagugulat, natatakot at syempre pag nakikita natin ang ating mga crushes (ayiiee) o pagtayo ay UMIIBIG.
Sana nakuha nyo po ang lessons natin for today. I hope you learned a lot. Hahahahaha (anu ba yan naging educational na ito, hehehe. BALIK na po tayo sa KWENTO)
***********

Habang nakaupo ako at sinasanay ko ang kamay ko sa paghawak sa strings, nag-iisip na din ako ng kantang tutugtugin. Hanggang sa pumasok sa isip ko si IAN.

Napapikit ako habang naiisip ko si IAN, ang itsura nito at ang nangyari sa amin kahapon. Hindi ko namalayang nangingiti na ako at biglang pumasok na lang ang KANTANG ito (iniayos ang kanang kamay para sa chords kasabay ng kaliwang kamay na tumipa ng strings)

Instrumental Intro....
(hindi ko namalayan na napakanta na pala ako, kasi ito yung sinasabi ng puso ko nung lumitaw si IAN sa utak ko)

Nais KONG malaman NIYA
Nag MAMAHAL ako
'Yan lang ang nag-iisang PANGARAP ko
GUSTO ko mang SABIHIN
Di ko kayang SIMULAN
Pag nagkita kayo
Paki sabi na lang
(sabay pause ng kaunti ninanamnam ang pag-iisip kay ian)
na..
Paki SABI na lang na MAHAL KO SIYA
Di na baleng may mahal siyang iba (may girlfriend, ah!)
Paki sabing 'wag siyang mag-alala
Di ako umaasa (weh? Hindi?,, KONTI, konti lang? haha)
Alam kong ito'y malabo
Di ko na mababago
Ganun pa man paki sabi......... na lang
(mahal ko siya, pabulong kung sabi patungkol kay ian.. ayiiee)

-end of Instrumental

Nakarinig ako ng palakpakan na parang palakas ng palakas, kaya naman napamulat agad ako at nasilayan ko si anthony at si kuyang may-ari ng tindahan na nakatayo sa harap ko at pumapalakpak at pagkatingin ko naman sa bandang likuran nila may mga tao na nanonood din sa hindi ko namalayang pagkanta ko. 

Kaya naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko kaya napayuko ako

*********
-------->balik tayo kay anthony
Pagkapasok namin ng mall agad nawala sa tabi ko si fugi at nang maglingat ako paningin nakita ko siyang pumunta mga nakadisplay na gitara. Agad naman akong pumunta sa kinalalagyan niya at nang makalapit ako sa kanya nakita kong mataman niyang tinitingnan ang isang acoustic guitar na kulay black

Nilapit siya ng isang lalaki na may-ari siguro nung tindahan na iyon. Nagkaroon sila ng munting conversation habang ako naman ay nakikinig lang

Kita ko kay fugi na parang gusto niya yung gitara kaya itinanong ko siya kung gusto ba niya iyon kaso biglang sumabat ang lalaking may-ari ata na may nakabili na niyo

Narinig ko naman nahumingi ng pabor si fugi kung pwede ba daw niyang hawak yung gitara at pinayagan naman si fugi na hawakan at iplay pa ang gitara. Nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya (sobrang cute niya). Pinaupo siya sa isang beat box at pagkaupo bilga nalang niyang pinaglaruan ang gitara, siguro ay sinasanay ang mga kamay niya.

Nakita ko itong pumikit (nag-iisip ata ng kantang tutugtugin) pero napuna ko na bigla na lang ngumingiti, kaya bigla kong kinuha ang cellphone ko ay PI-NIC-TU-RAN ko siya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ang makita siya sa ganoong itsura (sobrang cute niya talaga na parang ayaw na ng mga mata kong tanggalin ang paningin ko sa kanya)

Walang anu-ano bigla niyang tinipa ang intro ng isang kanta habang nakapikit (nakung tutuusin ay sobrang hirap kasi kaliwa pa ang gamit niya kaya naman akong lalong humanga sa kanya, siguro nga sanay na siya sa pag play ng guitar) at pagkatapos noon ay sinabayan niya ito nang pag-awit.

Napukaw ang buong pagkatao ko ng marinig ko ang boses niya, hindi ko maintindihan pero parang unti unti niya akong pinapahulog sa kanya ng hindi niya namamalayan, ang dami kasing surpresa sa katauhan nitong si fugi.

Nang makabawi ako sa aking pagkamangha sa kanya nakita ko na lang si kuya na may-ari na manghang pinapanuod din si fugi at nang mapalingon ako sa likod ko at madami na rin palang taong nakarinig sa ginawa niyang paggigitara kasabay ang pagkanta. Kaya tahimik namin siyang pinagmasdan at pinakinggan hanggang sa matapos siya

At sa pagtipa niya sa closing chords niya ay bigla akong pumalakpak na sinabayan naman ng mga taong nakapakinig sa pinahusay niyang kagalingan na naging dahilan para siya ay mapamulat at nabigla sa kanyang nakita

Hindi naman nakaligtas sa akin ang pamumula niya na naging dahilan para mapayuko siya (sobra cute. Hehehe)

*************
-------->ako na uli si FUGI ang magnanarate (hahaha)

Pagkatapos ng palakpakan ay may narinig akong sumigaw ng “more” na naging simula ng pagkahawa sa ibang nanduon na gayahin ang isinigaw  nitong “more”

Agad naman akong kumilos para makaalis na at sobra na akong nahihiya

Ah.. eh paano yon lang alam kong tugtugin, pasensya na po nagmamadali po kasi kami (ang medyo nahihiya kong alibi sabay hila sa braso ni anthony para makaalis na sa umpukang nilikha ko)

Salamat nga pala kuya, ang medyo pasigaw ko nang sabi sa mama na nagpahintulot sa akin na gamitin ang gitara at ginawaran ko ito ng ngiting pasasalamat (kung pano ang ngiting ito? Hindi ko din alam hahaha) sabay alis na namin sa lugar na iyon)

Nangmakalayo na kami ni anthony sa lugar na yon biglang lumapit si anthony sa tenga ko at bumulong
Anthony: ang galing mo naman, para sa akin ba ang kinanta mo na yun (ang may himig pabiro nitong pagkakasabi)

(Medyo nakaramdaman naman ako ng kiliti sa inasal niyang iyon kaya agad akong lumayo ng konti sa kanya)

Ako: tara na nga dun (pag-iiba ko sabay turo ng national bookstore, syempre bibili ako ng gamit para sa scrapbook na gagawin ko remember? Hehehe)

Agad naman kaming pumunta ng bookstore at nag-hanap na ako ng kakailanganin ko ngbiglang nagtanong si anthony

Anthony: sayang yung gitara may nakauna na makabili, gusto mo pa naman yon di ba?

Ako: ok lang meron na kaya ako ganon din iba lang kulay, maganda oo yung gitara pero hindi ko ipagpapalit yung gitara ko (pagbibigay impormasyon ko sa kanya)

Anthony: ah kaya pala magaling ka tumugtog may sarili kang gitara, napahanga mo talaga ako kanina, kaliwete ka pala?  (puna nito na sinabayan ng tanong)

Ako: actually right-handed naman talaga ako nahili lang ako sa mga leftist para kasing ang astigin tingnan di ba? (balik tanong ko)

Anthony: oo naman (pagsang-ayon niya), pero pag-ikaw na ang gumawa sobra cool at napakacute (pabulong ni anthony patungkol sa akin) at biglang ngiti sa akin

Bigla kung iniwan si anthony ng makita ko na ang bibilhin ko. Agad naman itong napuna ni anthony kaya sinundan niya ako at ng makita ang hawak hawak ko nagtanong ito

Anthony: saan mo naman gagamitin yan?
 
Ako: ah pinabibili ito ng kapatid ko project nila sa school (pagpapalusot ko)

Agad na nga naming binayaran yung mga binili ko at lumabas ng store na yon. Magpapaalam na sa ako kay anthony na uuwi na pero bigla ako nitong hinila sa papasok sa chowking

Anthony: kain muna tayo gutom na ako, taga saan ka nga pala?

Ako: sa San ______ (bawal po sabihin hehe)

Anthony: yun naman pala, kumain na muna tayo tas hatid na kita dahil dadaanan ko din naman yon dahil sa Bauan ako

Ako: ah sige,, libre pamasahe (biro ko sa kanya na ikinangiti niya)

Nang-akmang pipila na ako bigla siyang nagsalita

Anthony: ako na oorder maghanap ka na lang ng mauupuan natin

Ako: sige po sir (sabay kuha ng pera sa wallet ko na pinigilan niya)

Anthony: my treat, ano ba sayo

Ako: hindi pwede (pagtutol ko)

Anthony: wag kana makulit hindi ka mananalo (pagyayabang nito) dali ano ang sayo (ang may awtoridad nitong sabi)

Wala na nga akong nagawa kung di ang sabihin ang order ko

Ako: po..pork chowpan na lang (medyo nahihiya kong sabi)

Anthony: ano toppings? (parang crew lang ng fastfood na yon kung makapagtanong ah! Hahaha)

Ako: sio,, siomai (ang nahihiya ko pa ring sabi)

Anthony: drinks? (hala siguro nagtatrabaho ito dati dito.. hahaha sa isip ko)

Ako: pi...pineapple na lang (naiilang ko pa ring sabi)

Anthony: ilalarge ba?

Hindi ko na napigilang tanungin siya ng

Ako: yung totoo naging crew ka ba dito?? (pagbibiro kong tanong sa kanya)

Tumawa ng medyo malakas si anthony sa tanong ko kaya napatingin yung ibang tao dahilan para sikuhin ko ng madahan siya

Anthony: paano ayaw pa sabihin ang gusto niyang order-in, paisa isa pa, gusto pa yung tinatanong (natatawa nitong sabi sa akin)

Ako: nahihiya kasi ako, ikaw kasi, o sige na pork chow pan, topping siomai, large pineapple at buko pandan (ang may lakas ng loob kong sabi)

Tumawa pa lalo si anthony sa ginawa ko

Ako: o bat ka natatawa?

Anthony: ang cute mo kasi (pabulong niyang sabi)

Ako: ano sabi mo?

Anthony: sabi ko maghanap ka na ng mauupuan natin, dumadami na ang tao oh!

At ginawa ko na nga ang pinag-uutos niya. Dun lang sa malapit sa kanya ang kinuha kung table para hindi mahirap para sa kanya ang maghanap sa akin. Agad naman siya nakapunta sa table namin dala ang food namin.

Mabilis naman naupos ni mokong ang Chicken Luriat na inorder niya (halatang gutom na gutom), habang ako naman ay nilalantakan na ang buko pandan. Nakita ko siyang nakatingin sa akin habang kinakain ko iyon

Ako: bakit po? (Ang parang bata kong tanong sa kanya)

Tumawa na naman ito sa inasal ko bago nagwikang...

Anthony: ang cute mo kasi tingnan para ka kasing bata kung kainin mo yang pandan (nakangiting wika na nito sa akin)

(Sa puntong iyon parang may kung ano akong naramdaman sa sinabi niya, ayun ba ang KILIG na sinasabi nila? Paano kasi kanina naman ay parang walang tapos ngayon parang may kakaiba na, hindi katulad noong nararamdaman ko kay Ian pero parang papunta na din dun, ah basta nalilito na din ako.. siguro PAGHANGA lang dahil mabait, madali rin makagaan ng loob, kwela din at gwapo, totoo naman talaga. Hala ewan hahayaan ko na lang muna mawawala rin siguro ito)

Ako: tulungan mo na lang ako ubusin ito dali (pag-iiba ko ng usapan sabay lagay sa gitna ng table ng buko pandan)

Anthony: sige subuan mo na lang ako wala ako “mini spoon” (ang sabi nito ang hindi ko alam kung joke lang ba yon)

Agad kung kinuha yung spoon na ginamit niya at pinunasan ng tissue sabay abot sa kanya

Ako: o yan damitin mo dali ubusin na natin ito

Natatawa na naman anthony (siguro dahil sa ginawa ko) habang inaabot ang kutsara)

Pagkaubos ng pagkain nagpahinga lang kami ng kaunti at lumabas na ng kainan na yon kasabay noon ay tuluyan na kaming umalis ng mall na yon.

Katulad kanina si anthony uli ang nagbukas ng pintuan ng kotse niya para sa akin, pero inunahan ko na siya at ako na mismo ang nagsuot sa sarili ko ng seatbelt (kinakabahan kasi ako na baka gawin pa uli niya iyon)

Naging tahimik ang simula ng byahe namin nang biglang magsalita ito

Anthony: fugi pwede bang makuha number mo?

Ako: ah eh wala ako phone 

Anthony: seryoso? (ang hindi naniniwala nitong tanong)

Ako: oo nga, hindi ko kasi hilig (opo you heard este read it right wala ako cellphone. Hehehe)

Anthony: ay paano ka nakokontak, paano kita, namin matatawagan?

Ako: landline meron naman kami

Anthony: ang weird! Ikaw lang ata ang kilala kong hindi nahilig sa cellphone, siya kukunin ko na lang landline niyo, ok ba?

Ako: ok 727-_ _-_ _

Nang pakita kong malapit na kami sa kanto papunta sa bahay namin. Sinabi ko dito na dun na lang ako sa kanto ibaba. Nag-insist pa ito na ihatid ako hanggang sa bahay ko, kaso hindi na ako pumayag, nakakahiya na kasi. Nang pababa na ako pinigilan niya ako at may isinulat sa papel at iniabot sa akin iyon.

Anthony: sandali, o yan ang number ko landline at mbile number tago mo ha at tawagan mo ako pag may problema ka

Tumango na lang ako at ngumiti at nagpasalamat at nagpaalam na sa kanya. Pagkababa ko inantay ko muna siyang makaandar bago ako naglakad papunta sa bahay namin.

Pagkadating ko sa bahay, as usual dahil tanghali, tulugan ang mga people. Agad akong umakyat sa kwarto ko, naglinis ng katawan nagpalit ng damit at pagkatapos kinuha ang pinamili ko. Sinimulan ko na ngang gawin ang scrapbook. Nang matapos ay itinago ko ito sa secret place mahirap na baka may makakita at pagkatapos ay natulog na din ako dahil napagod din naman ako sa naging lakad namin ni anthony.  Nagising ako ay maggagabi na. pagkababa ko nakita ko agad si angel at tatakbo patungo sa akin syempre para kunin ang pasalubong niya.

Angel: bo bong to nong (pasalubong daw)

Natatawa akong ibinigay ang tatlo uling jelly ace at pagkatapos kusa na ako nitong hinalikan ng around na face niya kiss, hehehe

Pagkatapos naghapunan na kami at pagkatapos niligpit ko ang pinagkainan (ako kasi nakatoka, toka toka kasi kami dalawa ng bunso kong kapatid, kami na lang kasi dahil nagtatrabaho na yung dalawa pa naming kapatid at minsanan na kung umuwi lalo na si kuya miguel, panganay namin dahil nasa ibang bansa ito nagtatrabaho) at pagkatapos nanood ng tv at nakipaglaro kay angel at pagkatapos natulog na may pasok bukas... hahahaha

Goodnight pipz!.

Itutuloy....

2 comments:

iRead said...

Alam ko na kung San nakatira si Fuji :)

Anonymous said...

nabasa kona ito last month. eto walang magawa, kaya basa uli.

bharu

Post a Comment