Story Cover Created By:
Jojimar Lalusin Abarido
by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
Maraming salamat sa paghihintay ito na po ang chapter 19 ng Chances ang sunod nito ay ang finale na. Abangan niyo sana kung ano ang kasunod na mangyayari sa ating mga bida. Marami pa po kayong aabangan sa Last chapter nito kaya sana wag kayong mag-sawa.
Sa mga Anonymous at Silent Readers; guys, pakilala na kayo
habang may oras pa ang sunod na post ko ay ang mga pasasalamatan kong tao na
sumuporta sa estoryang ito at gusto ko sanang mapangalanan kayong lahat kahit
manlang sa mga pen names niyo para naman bibo di ba? Hihihi
Happy reading nalang sa inyo guys and keep the damn comments
coming! Hahaha suportahan niyo rin sana ang ibang author na nag-contribute ng
estorya nila dito sa blog ko. Para naman mas lalo silang ganahan at mas lalo
nilang gandahan ang kwento. ^__^V
Salamat ulit kay Swiss
sa mga tulong niya sa akin. Thank you nang marami. xD
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Lintik naman
itong si Dorwin, mag-tatatlong oras na ako dito pero di ko pa nakikita si
Alex.” Ang asar na asar kong wika habang nasa waiting area ng airport.
Matapos kumain at makapagbihis ay agad akong pumunta sa
airport para salubungin si Alex. Ilang erpolano na ang nakalapag sa airport na
yon ay walang anino ni Alex ang nakita ko. Hindi naman kalakihan ang airport sa
lugar namin kaya sigurado kong hindi makakatakas si Alex sa akin.
Wala rin akong makitang Red sa airport tulad ng sabi nito na
siyang nakatakdang sumundo kay Alex. Mukhang naisahan na naman ako nang mga
kurimaw sa pagkakataong ito.
Agad kong tinawagan si Dorwin sa sobrang pagkaasar.
“Sigurado kabang ngayon ang uwi ni Alex galing Manila?
Almost 3 hours na ako dito sa airport pero wala akong makitang Alex . Pakana na
naman ba ito nang asawa mo’t mga kaibigan niyang tarantado?” May bahid ng inis
kong wika. Para na akong tanga at halos humaba na ang leeg ko tuwing may
darating na eroplano nagbabakasaling sakay na nito si Alex.
“Wala pa ba?” Maang-maangan nito wika. Batid ko sa boses
nito na sinasadya ako nitong inisin. “Hmmm… teka lang tanungin ko ulit si Red
kung ito ba ang araw ng uwi ni Alex hindi ko talaga maalala kahit na si Lor ang
nag-book sa flight niya eh.”
“Wag kang mangasar Dorwin naiinis na talaga ako. Sabihin mo
na sa akin kung anong oras ba talaga darating si Alex o kung darating ba talaga
siya kung ayaw mong sunugin ko ang bahay mo.” Rinig kong may nagpipigil ng
malakas na tawa sa background nito.
Great! Pinagkakaisahan
talaga ako nang mga ungas!
“Damn it Dorwin, hindi na magandang biro itong ginagawa niyo
sa akin. Kung sino man yang tumatawa diyan papatayin ko siya kapag walang Alex
na dumating ngayon dito!” May kalakasan kong sabi dahilan para mapalingon sa
akin ang ibang taong naroon sa airport na iyon.
Shit! Ngayon kriminal
na ang tingin sa akin ng mga tao.
Hindi ko alam kung anong flight ang sinakyan ni Alex ni
hindi ko nga alam kung anong klase ng eroplano ang sinakyan nito kaya hindi ako
makapagtanong. Ginagawa talaga akong gago ng mga kumiraw na yon.
“Sinong nagsabi sayong ikaw ang tinatawanan ni Red? Nanonood
kami ng movie wag mo siyang pagbintangan. Hmmm… teka tanungin ko si Red kung
ano ba talaga ang exact flight ni Alex.”
Halatang-halata nang ginu-goodtime ako nang mga ito. Kanina
lang ay sabi niyang si Red ang susundo kay Alex tapos ngayon katabi niya itong
nanonood? Hindi nalang ako nag-react sa bagay na iyon dahil paniguradong kapag
nag-react ako mas lalo akong pahihirapan ng kambal ko.
Saglit itong nawala sa linya sa tingin ko ay in-hold ako
nito.
“Diyan ka pa?” Muling wika nito sa kabilang linya.
“Yes, what time daw ba darating?” Yamot na yamot kong wika.
“Sabi ni Red kanina pang umaga dumating si Alex.First flight
pala ang sinakyan nito. Nasa probinsya na raw nila ito ngayon.”
Marahil kung kaharap ko sila sa mga oras na iyon isa na sa
kanila ang nasuntok ko. Sinadya nilang papaghintayin ako sa wala para lalo
akong pahirapan. Hindi ko alam kung gumaganti ba ang mga ito sa akin sa mga
kalokohang nagawa ko noon o sadyang maiitim lang ang budhi nang mga ito.
“Dammit!” May bahid ng pagkaasar kong wika. “All along
naghintay lang ako sa wala? Wala talaga kayong mga puso!”
“You’re welcome Renzell Dave.” Sarkastikong tugon nito.
“Sige na, sinisira mo ang bonding namin ng asawa ko.” Sabay putol nito nang
linya.
Wala na akong nagawa kung hindi ang dali-daling tunguhin ang
kotse ko. Wala akong pakialam kung ilang kilometro ang layo sa akin ni Alex
ngayon. All I want is to see him so I can explain everything to him. Wala nang
pweding humadlang sa akin ngayon kahit pa bagyo o landslide hindi ako
mapipigilan.
Habang tinatahak ko ang daan papunta kina Alex, ay napaisip
ako kung ano ang pwedi kong dalhin para kahit papaano ay mabawasan man lang ang
galit nito sa akin. Alam kong hindi magiging madali ang mag-paliwanag sa taong
iyon dahil sa sobra itong mataray isama mo pang best talent nito –ang ignorahin
ako. I should come up with a good idea para makuha ang atensyon nito’t
pakinggan ang mga paliwanag ko.
Kung may isang tao mang pwedi kong mapag-tanungan sa bagay
na ito iyon siguro ang taong agad na pumasok sa kokote ko. Agad kong tinawagan
ang numero nito.
“Oi kuya Dave, kamusta ang pakikipagsapalaran mo sa daan?”
Talagang pinagkaisahan
nila akong lahat. Iiling-iling kong wika sa sarili ko.
“Kung ayaw mong masama sa mga taong papatayin ko pagbalik
ko, sabihin mo sa akin kung anong ginagawa mo tuwing sinusumpong ang asawa mong
sira ulo.” Tanong ko dito.
“Si Ace? Hmmm… sandali kuya iisipin ko pa.” Nang-aasar
nitong wika.
“Wag mo akong gaguhin Rome, kanina pa mainit ang ulo ko.”
May pagbabanta kong sabi.
Rinig kong tumawa ito sa kabilang linya. Hindi na
kataka-takang matulad ito sa pinsan ko’t masiraan narin ng bait. After all,
likes is known by like.
“Kapag may sumpong si Supah Ace lagi ko itong binibigyan ng
mga bagay na gusto nito.” Tatawa-tawa nitong wika.
“Like? Be specific idiot! I’m not good with this, dammit!”
“Easy lang kuya, try to give Alex what you think he likes
most. Something na ma tri-trigger mo ang soft side niya para mabawasan mo ang
galit niya sayo.”
“Iyon nga ang problema ko. Hindi ko alam kung anong bagay
ang gusto ni Alex.” Frustrated kong sabi. “I didn’t had the chance to ask him
things that he likes.”
“Patay tayo diyan kuya. Pero kung sincere ka talaga sa
gagawin mo hindi mo na kailangan pang suhulan si Alex. Ipakita mo lang na totoo
ang sinasabi mo sa kanya, mapapatawad ka nun. Besides, Alex is the type na
hindi nagpapasuhol, baka ikapahamak mo pa yan.”
Kahit pala papaano ay may katinuan pang natitira kay Rome.
Rome is a bit different kay Red, dahil si Rome ang tipong hindi mo pweding
biruin kapag may away ito nang asawa niya. Masyadong mahal nito ang pinsan ko
na sa tingin ko kapag nawala sa kanya pwedi nitong ikabaliw. Tanging si Ace
lang din ang may alam kong paano ito amuhin kapag tinamaan naman ng sayad.
Dumiretso na ako papunta sa probinsya nila Alex. I know, am
not that good with words especially kung pagpapahayag na ng nararamdaman ko,
bahala na si Doreamon sa akin kung paniniwalaan ako ni Alex.
Nang lumiko na ako para pumasok papunta sa baryo nina Alex,
muling nanariwa ang mga ala-ala naming dalawa doon. Ang mga taong naging
maganda ang pagtrato sa akin; ang mga maliligalig din nitong mga kaibigan at
pinsan; at syempre ang mga masasayang sandal na aming pinagsamahan.
Kung hindi pa ako nag-desisyon na ihatid si Alex papunta sa
baryo nila noon hindi ko makikilala ang mga taong malapit sa buhay niya.
Maraming bagay akong nakita sa munting baryo nilang ito at dito ko rin
naramdaman noon ang kakaibang saya na hindi ko pa nararamdaman sa tanang buhay
ko.
Sa mga ala-alang nagbalik sa akin ay napangiti ako. There’s
no way na isusuko ko si Alex, ngayon pa’t alam ko nang mahal ko na ito. Kahit
pahirapaan pa niya ako ay gagawin ko because he’s worth it. Siya ang taong
nagturo sa aking magmahal ng totoo, siya ang taong nagtuwid sa paniniwala kong
walang ibang tao akong pweding pagkatiwalaan maliban kay kambal at sa papa ko.
Pasado ala-syete na ng gabi nang marating ko ang bahay nila.
Tulad ng unang punta namin doon tahimik na ang lugar. Tanging mga insektong
pang-gabi na lamang ang maririnig mo.
Kaba, excitement, ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
Kaba dahil hindi ko alam kung anong klaseng pagtanggap ngayon ang makukuha ko
mula kay Alex at excited dahil sa wakas ay muli ko na namang makikita ang
masungit pero walang dudang mahal kong si Alex.
Hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan sa pintuan ng bahay
nila nang bumukas iyon. Nakakunot na mukha ni nanay Marta ang bumungad sa akin.
Marahil ay pilit na inaaninag nito ang taong dahilan ng mga tahol ng aso sa
kalapit bahay nila.
“Dave? Anak ikaw ba yan?” Wika nito nang makilala ako.
“Ako nga po nay, magandang gabi po. Si Alex ba narito?”
Walang paligoy-ligoy kong tanong.
Mataman ako nitong tinignan na para bang nag-aalangan ito.
“N-Nasa kwarto niya nagpapahinga.” Tila ba hindi ito
komportable sa kanyang sinabi.
“Pwedi ko ba siyang makausap nay? Kailangan ko talaga siyang
maka-usap ngayon.” May pagsusumamo kong sabi.
Muli ako nitong mataman na tinignan bago tumango nang
marahan.
Sumunod ako dito papunta sa kwarto ni Alex pero hindi pa man
kami nakakarating doon nang muli itong huminto at bumaling sa akin.
“Pwedi ba muna tayong mag-usap anak bago mo kausapin si Alex?
May gusto sana akong sabihin sayo.” Wika
nito.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango rito. Kahit anong
gusto kong agad na makausap si Alex ay hindi ko pweding tanggihan ang ina nito
lalo pa’t bakas ang pagkaseryoso’t pagaalala nito sa mukha.
“May hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Alex?” Walang anu-anong
tanong nito sa akin. Sadya nga atang malakas ang pakiramdam ng mga inang tulad
nito. “Kung ano man yang problema niyong dalawa sana ay maayos niyo agad yan.
Ayaw kong nakikitang malungkot ang anak ko Dave. Masyado naming mahal ng tatay
Tonio mo si Alex. Ayaw naming nasasaktan siya.”
“Kaya nga po ako nandito nay.” Nakayuko kong sabi.
Nakaramdam ako nang ibayong hiya sa mga oras na iyon.
“May namamagitan ba sa inyo ni Alex?” Walang ka-abug-abog
nitong tanong. Para akong nasa hot seat sa mga oras na iyon. “Nakita ko ang
nangyari sa inyo no’ng magkatabi kayo sa kwarto niya. Hindi ako tutol sa
kaligayahan ng anak ko Dave pero, natatakot ako na baka masaktan lang ang anak
ko. Alam ko’t alam mong hindi normal ang damdamin na meron kayo ng anak ko.”
“No’ng magpunta ka rito alam kong si Alex ang sadya mo. Alam
din namin na wala na siya sa pinagtatrabahuan niya pero hinintay namin ng tatay
Tonio mo na ikaw mismo ang magsabi sa amin ng totoo.”
“Sorry nay, ayaw ko lang na mag-aalala kayo kay
Alex.”Mahina’t nahihiya kong wika. Alam na pala nila ang tungkol sa naging
problema namin ni Alex noon pa mang magpunta ako roon at magpanggap na napadaan
lang pero hindi ako sinumbatan ng mga ito.
“Alam kong hindi ganun kadali ang sitwasyon nyo anak, pero
sana lang huwag mong sasaktan si Alex namin. Gusto namin ng tatay Tonio mo na
lumigaya siya at sana ikaw na ang taong makakapagbigay ng kaligayahang iyon.
May tiwala ako sayo Dave, huwag mo sanang sirain ang tiwala kong iyon.” Wika
nito sabay marahang hinaplos ang aking pisngi.
Naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.
“Hindi po ako mangangakong maiiwasan kong masaktan siya
pero, nangangako po akong hindi ko siya bibitawan kahit na ano pa man ang
mangyari.”
Sumilay ang magandang ngiti sa mukha nito at napatango. Alam
kong sa mga oras na iyon nakuha ko na ang tiwala nito. Tanging si Alex na lang
ngayon ang problema ko.
“Pasukin mo nalang siya sa kwarto niya. Kanina pa hindi
lumalabas yan mula nang dumating dito.” Si nanay Marta sabay abot sa akin ng
isang susi. “Kilala ko ang anak ko, hindi ka papapasukin niyan sa kwarto niya
kaya iyan ang susi.”
Wala na akong sinayang na oras at mabilisan ko nang tinungo
ang kwarto nito. Ang kwartong naging saksi sa lahat ng bagay na nangyari sa
amin ni Alex.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang
pihitin ko ang seradura. Nakapatay ang ilaw sa loob ng kwarto. Alam kong naroon lang sa loob si Alex dahil
amoy ko ang pabango nito.
“Alex?” Pagtawag ko sa pangalan niya sabay kapa nang switch
ng ilaw. Kasabay ng pagliwanag ng buong silid ang pagbilis ng tibok ng puso ko
nang makita ko si Alex na nakadamapang nakahiga sa maliit na kama nito.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Kung possible lang
sigurong matanggal ang puso ng isang tao kanina pa siguro natanggal ang puso ko
sa lakas ng tibok nito. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko sa
mga oras na iyon.
Hihimasin ko na sana ang ulo nito nang mabilis nitong
tapikin ang kamay ko’t sabay balikwas ng higa at nagsumiksik sa gilid ng kama.
“Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?”
Kunot noo nitong sabi.
“Ah.. ehh….”
“Umalis ka na Dave, pagod ako sa biyahe kaya sana naman
papagpahingahin mo ako.” Putol nito sa sasabihin ko.
“Let’s talk Alex.” May bahid ng pagmamakaawa kong sabi. “I’m
here to clear things out. Gusto kong magpaliwanag sa mga kasalanan ko.”
“Sa pulis ka mag-paliwanag huwag sa akin.” Mataray nitong
wika.
“Alex naman…”
“Sobrang pasakit at sakit ng ulo na ang binigay mo sa akin
Dave, hindi pa ba sapat iyon para layuan mo na ako? Nakaganti ka na at nakuha
mo na ang natapakan mong ego so, ano pa ang pag-uusapan natin?”
“Marami pa. Marami pa akong sasabihin sayo kaya will you
please listen first?”
“Hindi ako makikinig sayo. Isa pa, pagod ako at gusto kong
magpahinga.”
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kaya tayo hindi
nagkakaunawaan dahil sobrang tayog ng pride mo. Makinig ka nga muna bago ka magmaldita
diyan.”
Akmang tatayo sana ito para siguro iwasan ako pero maagap ko
itong napigilan. Funny, ganito kami noon ang pinagkaiba lang sa ngayon ay alam
ko na ang dahilan kung bakit lagi ko siyang pinipigilan. Kung bakit gustong
gusto ko ang atensyon nito.
“Not so fast! I’ve been looking for you since the day you
disappear sa bar dahilan para hindi ako makatulog ng maayos. Para akong tanga
ng naghintay sayo sa airport kanina for almost 3 hours dahil sa kalokohan ng
mga boss mong sira ulo at ginawa kong apat na oras ang anim na oras pagpunta
rito para lang makausap kita tapos lalayasan mo lang ulit ako? Hindi pwedi
yon!”
Ayaw ko mang maging brutal sa kanya pero wala akong choice.
Masyadong mahirap paamuhin ang isang ito at hindi uubra sa kanya ang santong dasalan.
“Sa ayaw mo’t sa gusto, makikinig ka sa akin kung ayaw mong
itali kita sa kama mo.”
“Pwedi kitang kasuhan sa ginagawa mo.” May pananakot nitong
sabi.
“Do it kung kaya nang abogado mong talunin ang kambal ko.”
Maangas ko namang wika sa kanya na sinamahan ko pa ng ngising aso.
Napatahimik ko ito pero bakas na sa mukha nito ang
pagkairita’t pagkapikon sa akin.
“Now, are you ready to listen?”
Pinukol lang ako nito nang masamang tingin pero hindi na
ulit nag-salita. Ito marahil ang paraan ng pagsagot niya nang oo. Ano pa nga ba
ang ini-expect ko sa malditang ito.
“What happened sa bar no’ng makabalik ka sa ay isang
malaking pagkakamali. I know I shouldn’t have brought Sonja there lalo pa’t
naroon ka…..”
“Wala akong pakialam sa mga babae mo.” Sabat nito.
“Shut up! I’m trying to explain myself here kaya makinig ka
muna.” Sita ko naman sa kanya.
“Mahal kita Alex, sayo ko lang nasabi iyan kaya sana
paniwalaan mo. Ikaw lang ang taong nagpagulo sa isip ko. Alam kong hindi ko
naipakita sayo ang tunay nanararamdaman ko dahil sa natakot ako. Bago sa akin
ang lahat ng nararamdaman ko para sayo, I’ve never been so attached to someone
maliban sa papa at sa kambal ko.”
“Tell that to the marines.” Bara nito sa akin pero di ko na
pinansin pa dahil sa nakikita ko na ulit sa mga nito ang Alex na minahal ko.
“I was afraid to commit myself to you not because ayaw kong
i-commit ang sarili ko. Natatakot akong baka masaktan lang kita. Natakot ako na
baka mali pala ako sa nararamdaman ko. I don’t want to see you hurt at lalong
ayaw kong ako ang mananakit sayo.”
“Pero nasaktan mo parin ako.”
“I know kaya nga ako narito di ba?”
“Malay ko sayo kung bakit ka nandito.” Ewan ko kong
nangaasar ba siya o sadyang galit lang ito sa akin.
“Seryoso ako Alex, I’m here to correct my mistake and to
take my chances with you dahil yon ang sinasabi ng puso ko. Kung mali man,
gagawin ko itong tama para sayo.”
Hindi ito nakaimik siguro hindi agad nito na absorb ang mga
sinabi ko.
“Papaano ako makakasiguro na totoo iyang mga sinasabi mo?
Marami na akong pasakit na nakuha dahil sa paghahanap ng pagmamahal Renzel
Dave. Hindi na ganun kadaling paniwalaan ang mga sinabi mo. Narinig ko na mga
yan.”
“I know. Hindi mo naman kailangang paniwalaan ako eh. Just give
me time and take your chances with me at gagawin ko lahat ng aking makakaya
upang hindi mo pagsisihan ito. I will give you the love that you craved for,
that you longed for … ‘coz you deserve it. I want you to be happy … with me.”
Seryoso’t may paglalambing kong sabi.
“Paano kung masaktan mo lang ulit ako?”
“Mahal mo ba ako?” Ang nanunuyo kong tanong sa kanya.
Isang tango ang nakuha kong tugon galing dito.
“Sapat na ba ako para sa pagmamahal mo, at para sumugal na
kasama ako?”
“Renzell Dave…”
"Kasi ako, alam ko ikaw lang... ikaw lang ay sapat na. Gusto
kitang pasiyahin Alex sa abot ng makakaya ko. Gusto kong sumaya ka...kasama ako."
Putol ko sa iba pang sasabihin nito. “Just give me the chance to prove to you
that everything I’ve said is true. Isang chance lang Alex.” May pagmamakaawa
kong sabi. Call me desperado or what ganyan naman talaga kapag nagmamahal ka
nagiging desperado ka.
Mataman ako nitong tiningnan. Nakipagsukatan ako sa kanya
nang tingin para ipaalam sa kanya na ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman
ko. Na ngayon kaya ko nang pangatawanan ang mga sinabi ko dahil sa kanya alam
kong liligaya ako.
“Mahal kita Renzell Dave at sa tingin ko sapat na ang
pagmamahal na iyon para paniwalaan kita at sumugal kasama ka.”
Sa mga narinig sa kanya sumilay sa akin ang napakagandang
ngiti dahil alam kong nakuha ko na ulit ang puso nang taong mahal ko.
“That settled then.” Nakangiti kong sabi sabay kabig ng
batok nito para angkinin ang premyo ko sa araw na iyon.
Sa mga pagtugon nito sa mga halik ko napagtanto kong hindi
nga ako nagkamali sa pinili kong mahalin. I can feel the overwhelming joy sa
loob ng katawan ko. Isang pakiramdam na sa tingin ko hindi kayang ibigay sa
akin ng kahit na sino man bukod kay Alex.
“Sama ka na sa aking umuwi? Doon na tayo sa bahay mag-honeymoon,
mas malaki ang kama ko doon.” Nakangisi kong wika sa kanya.
Agad namang namula ito.
“Marinig ka ni nanay eh!” Wika nito pero huli na dahil
narinig namin ang tila kinilig na mga tawa sa likod nang pintuan ng kwarto
nito.
“Kanina pa sila nakikinig.” Nakangisi kong wika. “So, tara
na sa bahay ng ma i-take home na kita para maka 1st base na rin ako.”
Pilyo ko paring sabi.
“Ang bastos mo talaga.” Kita ko ang sobrang pamumula nang
pisngi nito kasunod noon ang pagkawala nang isang luha sa kanyang kaliwang
mata.
“Bakit ka umiiyak?” Nag-aalala kong wika.
“Sino ba ang hindi maiiyak sayong kumag ka. Pinahirapan mo
ako masyado mabuti nalang at nakinig ako kay Francis.”
“Sino naman si Francis?”
“Boyfriend ng kaibigan mo. Sa kanya ako pinatira ni sir Red.”
“Boyfriend ni Niel? Buti hindi ka natalsikan ng kabaliwan
nun.” Ngingisi-ngisi kong sabi.
Isang batok ang natanggap ko mula dito.
“Masakit yon ah. Idol mo pala si Ace?” Pareho kaming
napatawa sa kalokohan namin.
“Tara?”
“Saan tayo pupunta?”
“Sasabihin natin kay Red at Claude na hindi kana
mag-tratrabaho sa kanila. Sa akin kana ngayon mag-tratrabaho dahil gusto ko
araw-araw kitang nakikita.” Nakangiti kong wika.
“Bolero!” Wika nito na ikinatawa naming lahat pati nang mga
taong nasa likod ng pintuan ng kwarto nito at masayang nakikitsismis sa amin.
Itutuloy:
63 comments:
ayos na ang buto-buto hehehhe....sana nga ganyan lang kadali ang mag explain sa totoong buhay ... haizzztt......
more otor ....gumaganda na lalo sana may mga twists pang mangyayari in teh future...
From Jubail , KSA
bitin but nevertheless kakilig basahin... KUDOS!
Ako una yahoo hehe grabe i love your work sbra at may aabangan na kami na bago hehehe yehey keep it up authror
KV
1st!
waaa supah klig ako sa chapter na to! :)
First time ko lang nagcomment. Im one of your silent readers pero di na.. di ko lang napigilan sarili ko na kiligin dito. hahahahah
Sobrang ganda kasi ng set up ng story straight na baliw turned to a romantic guy heheh..
salamat ng madami Mr. author
kumpleto araw ko.
-Jeh
Waaaaah!! Buti na lang wala pang gising habang binabasa ko toh.. Para kasi akong adik na kinikilig at natatawa eh..
Galing mo talaga Z! :-P
-wag kang titigil sa paggawa ng stories ha! Galing mo kasi eh..
Pahinga pwede pero ang tumigil? D pde! Hahaha! ;)
buti na lang naayos na..
Naku naku.. How i hate kong paanu nila pinaglaruan ang damdmamin ni dave sa past chapters.
Alam naman nila na nakakabobo magmahal eh..
Parang cla lng ung tama, at si dave ang mali..
Eniweiz, mganda ang story, lahat.
Isa ako sa mga silent readers mu. Nkta k ang chances sa BOL.. Sinundan k ung blog mu. At doon ako ng marathon ng 9mornings, the right time, after all, in 12 hrs. Ndi na nga ako ntulog sa nyt duty k eh..
Kudos!
-mark.
Ahihihihi salamat ng marami mark hehehe at last nagpakilala narin ang ibang anon at silent Reader masasama ko na kayo sa mga pasasalamatan ko. xD xD
Sana ay na enjoy mo ang iba kong gawa. Produkto yon ng 2mb kong utak hahahaha :))
Jeh: Salamat din at nagpakilala kana expect mo po ang pangalan mo sa susunod kong post. Exclusive yon para sa mga nag-comment sa chances ko. xD xD
soooo kilig! so sad nga lang kung bakit ang magagandang kwento ay kailangang magwakas :(
kaya pala... tinago pala nila si alex the maldita kay dave.... wahhhhhh yan tuloy parang asong ulol si dave sa kahahanap kay alex.... d ka man lang nag pakipot alex kay dave... wahhhhh in love ka rin nga sa kanya,,,, ha ha ha ... sobrang obvious .... naku pano na yan.... doon ka na sa bahay nina dave ititira,,,,araw araw ka na ni dave.....
ramy from qatar
kainis naman tong si alex ah! di manlang pinatagal ang pagpapakipot nito.. LOL
ayyyyyeee!! kilig to the marrow bone! LOL
Love Love LOve .. i can feel it!
"i won't give up on us even if the sky get rough, i've given you all my love I'm still looking up,i'm still looking up." LSS
Pinasaya mo ang gising ko Mr. Z.. Maraming Salamat! Idol
Hahaha.. very nice author.. nakakakilig.. Isa ka sa mga manunulat na kayang magpangiti sa mga readers mo... im looking forward to more stories from you.. thank you sooooo much!! :) silent_al
ANG GANDA!! HAHAHA!! HINDI KO MAIALIS UNG NGITI KO :)) KANINA PA AKO KINIKILIG :"> HAHAHA!!
dinaan sa dahas :) hahahhahaha. panalo author..
wala na. ang bilis ng mga pick up lines ni dave. hahhaha
taga_cebu
sir ganda ng story. pahinga ka lang pero wag tumigil magsulat. pero sana wag matagal ang pahinga ha. idelete mo na yung ibang laman ng 2mb mong utak para marami ang bagong mailagay hehehehehehe.
---januard
malapit n ang ending ng love story nila alex at dave,sobra na ito,kilig to the bones tlaga,hahaha
keep up the g0od work Mr.Z^^;
-MARK
asus kala ko meron raype scene tsk tsk tsk, naku lagot final chapter na next. Infairness bago ito Mr. Otor pa-wholesome2x ang approach wala talagang ka love scene ang buong kwento ang chances. It's so not you Mr. Otor, it's so not you.
- Anonymousy
haha. Kilig nanaman! Naka-bookmark na 'tong blog mo sa phone ko para madaling ma-access. Salamat ng marami, sa gv na story, sa regular/mabilis na updates, at sa kilig every chapter. Abangan ko mga stories na isusulat mo. God bless.
-wilson
BRAVO! Biliba gyud nko nimo z. ganda ng araw ko ngayon. ill give one last chance to my bf, bhala na si batman sa akin.hehehehe.
woooohh..!!!
nice one Renzel Dave.. hehe
super kiligness..!!!
God bless.. -- Roan ^^,
Kilig much! Pagkagsing n pagkagsing ko ito agad bnbsa ko sa fone ko haha. Nyc one author!
yehey!!...
peace nah uLit cLa...
hehehe...
Last chapter nah ang nxt chapter??...
pwde i.extend??...
heheheh...
im gonna miss this story...
especiaLLy aLex and dave...
- edrich
muntik na akong himatayin sa kilig!!! hahahaha
dapat pinahirapan pa si dave.... heheheheh... dapat ligaw probinsya .. hehehehehee...... dapat pinagsibak dapat pinagigib ..... dali naman bumigay ni masungit na alex... heheheheeh
ganda ...
makatiboy
Like na Like Kuya Zild...more writings..this is completing my fantasy of a real love.
Dapat pinahirapan pa si Dave eh. haha.
Dali naman ni Alex bumigay.
still, ang ganda pa rin ng story, but sadly, patapos na.
Naiyak ako sa mga cnbi ni renzell dave, how i wish, my isang taong mgsasabi skin ng mga ganyang bagay., hehehe, kkakilig idol zephie.,ü
Whahahahah kilig sobra. Sarap ng feeling... Nakakakumpleto ng araw... Sarap ng simula ng araw ko... Nice one renzel dave... Salamat author...
btin nanaman haysssssssss pero in fairness i love it naiinlove nanaman ako weeeeeeeeee
ahahaha
nalate ako sa update ah..
:'(
last chapter na..buti makaka1st base na din si dave..hahaha
kilig to the bones dami ko kilig dito..buti nabasa ko at nawala badtrip ko galing sa school..hahay buti na lang..
congrats mr. Z
Jrard:)
heheheheh...kilig naman..hahaha like me din bolero zephiel..kaya ang bait pa rin ng partner ko.hehe
waaaahhhhhh...super kilig..grabeh..swerte ni alex..!!naman..sana may isang renzell dave dn ang mgpapatibok ng pihikan kong puso..pihikan daw oh..hahaha char!!
ait lapit na mgend..
_niccolo'25_
waAaAah....ganda tlga ng chapter na to...kakainggit nman tlga c alex....havey..ang haba tlga ng buhok mo...hehehe
sobrang kakainspire maxado story nila...
gustong gusto ko tlga mga stories ni mr. author...from the right time,after all at 9 mornings...haist sarap tlga ma inlove...wew
love it! You made me wanna try and take a chance on love again after so many years.hahaha. Thank you for the great story. Excited and sad for the finale.
Waaahhhhh...isa lang ang gusto kong sabihin. KILIG. Napapasmile ako habang binabasa ito. Nice one!!
Next na...
waaaaaaaaaaaaa, ang saya saya... oh, dear author wala nang sakit ng ulo ha... please, please, please... hehehe... talagang alam mo kung paano gawing happy ang mga araw namin, para kang si manong johnny enrile... thanks author for this chapter...
oh shit! poteeeeeeeeeeeek. kinilig ako dun ah,intensity 10! hahaha XD
Ikaw na! Ikaw na zephiel ang magaling! Haha!
Ok na ok talaga ang chapter na to! Ang ganda! Next na!!!
--ANDY
buti naman at maayos na sila :)
pero grabe naman yung ginawa nila kay dave..hindi porket gusto mong patunayan ng isang tao yung pagmamahal niya, gagawin mo nang tanga diba..wew.
ganito tlaga pag nagmahal ng tunay, hahamakin ang lahat masilayan at makausap ang mahal. . . . kakasaya aman ng naging turn out ng love story nial. CONGRATZ AND TNX SA NPAKAGANDANG STORY FREND. . . . GOODLUCK SA BAKASYON MO, PERO SANA BUMALIK KA AT CONT WHAT MAKES U MORE HAPPY, ANG PAGSUSULAT. . . YNGAT LAGE.
mas exciting ang susunod na chapter w/c is sad to say the finale but again i am very overwelmed sa chaper na ito...
M0re powers!
-cugertz
grabe! kakilig! sana ganito kasimple ang mga bagay sa mundo haix..
carlo po here! 2nd comment ko palang po to.. kaso di ako maxadong nakapagpakilala last time kasi nagmamadali na po ako XD
sana po ipagpatuloy niyo parin ang pagsusulat.. wala na akong aabangan =(
-Carlo8-
ANG GANDAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA..WOOOOHOOOOOOOOOOOOOOO...
CAN'T STOP READING EACH LINE RENZELL DAVE THREW AT ALEXIS..
GOOD JOB KUYA ZEKE!!!
-Jay.
Baliw! Yan ang tawag skn ng mga rooma mates ko while I'm reading this chapter. Hahaha. Supeeeer Kilig!!!!! I couldn't help shouting and giggling and producing incoherent sounds while reading this! Haha! Good job zek! Kung pwede nga lang talaga kumawala ang puso kanina pa kumawala ung sakin habang hinihintay ko ang magiging reaksyon ni Alex sa pagsulpot ni Dave!!! Damn it talaga! Haha. More kilig moments Zek at syempre ang pinkahihintay na Torrid scene! Hahaha. So green... Thanks for this chapter! Mwuaaaaaaaaahhhhhh!!!!
Pat
Masugid na Tagasubaybay
Sa wakas! Kanina ko pang gustong basahin ito kaso andaming pangyayari sa tropa ko!grr. Ang saya ah, after all the hard work, fruitful yielding ang nakuha ni Dave. Ang galing sana tuloy-tuloy na ang happiness. At simula na ang journey nila! :)
Cheers!
Im back!!! sabi nila huli man daw ay magaling huli parin haha:) as expected ang ganda parin. kawawang dave pinag-kaisahan ng buong barkada haha. last chapter na ba talaga? excited nako gaya nila kung paano magwawakas ang tambalang mayabang na dave at malditang alex...『dereck』
Kilig much yung story. Love it. Nice one. I'm waiting for the next chapter.
Yes you did it Dave! Nakuha mo ulit ang tiwala niya! Haha
-Jake of Cebu-
Bahala na kung lumilindol dito! Hehe
Kakilig nman .. ang chismosa lng ng parents ni alex .. Eksaherada! .. hehehe love it talaga ng sobra kuya zek .. keep it up poh ..
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee sobrng kilig ako super z! love u renzell dave!
akosidrew
kainins!!!
late ko na nabasa,...
hays...
anyway...
bye na kay alex at kay dave :'(
sana masama pa ako sa batian portion!!
hahaha!!
- ChuChi -
42nd comment :) hehe astig mo talaga zild dami comments.
-kokey
wahahaha!!!!!!!!!!!! kilig much!!!!!!! hheehhee
love! love love!,
kl jan
-hahaha nakakakilig naman..eheheh mautak ang barkada ni ace bawi2x kagaya ng ginawa ke red nung hinahanap c dorbs...ehehee malapit na pla ung ending ng story,..ehehhe abangan q yan...w8 q sunod u story... gudluck poh god bless
-shonenempire027
Hi,mr.Z,i am one of ur silent reader,pxenxa n poh ndi kc tlaga aq mhilig magcoment,jejeje... All i can say is dat u did a great job in this chapter,ful of emotion at may kilig factor tlaga n mra2mdaman ng bwat reader mu,i hope u continue writing kc ikaw ay isa s mga best writer,jejeje.,sna mdami pq mbaxa n gwa mu,ang galing mu tlaga gumwa,mga obra ng mta2wag cmula the right time hanggang d2 s chances.gud luk s mga g2win mu p,slamat ng marami s mga kwento mu,jejeje
hyan cnulit qn ang pagco2ment q,jejeje
-daRk_aNgeL13
haha, last chater na pala ang susunod dito, kakabigla naman!! ngayun lang kasi na-inform eh, pero by the way. okey naman sa akin ang kwento, nakaka-asar lang sila red at dorwin masyadong mapaghiganti, bwisit!!! kakaasar!!! pahirapan ba naman si Dave,
good jod Mr.Author!!!
Beucharist.......
three times ko ng binasa, renzell dave... hihihi!
thank u sa pagpapakilig and the state of day dreaming, zephiel. all the best!
Ramm
andami kong kilig! hehe
nyhahahaha..saya saya... kakakilig.. sana meron tlgang ganu in reality..haha.. ano kaya meron sa final chapter.....hmmmm.. galing mo mr. author. keep it up.
chamcham
Mega like talagah sa kilig.
-philip
sobrang habang OA namang paghahanap yan, mapahaba lang ang kwento, kaoeyan din na pinaghintay sa wala ng mga ungas s airport. pero gusto ko yung love story ng 2 n ito. kung ako sayo dave, gaganti ako sa todong pagpapahirap sayo sa paghahanap. ga2mitin ko yung cp ni alex at itetext ko sila na nabagok ang ulo mo at dipa nagkakamalay. tingnan kolang kung hindi magpuntahan yang mga yan s province at bumiyahe ng 6 n oras. malamang 8hrs pa dahil maghahanap p kyo. mas brutal yan. hahahahaha.
rhon
Post a Comment