Tuesday, February 21, 2012

Ang Matalik Na Magkaibigan Chapter 01


Posted by: Zephiel
Written by: Dranski
URL: http://zildjianstories.blogspot.com



Pauna:

Another story to read mga paps. Ito naman ay gawa ni Dranski at sana daw ay makakuha siyang ng feedback sa inyo about sa storya niyang ito.


Sa mga taong makakabasa nito sana ay mag-iwan kayo nang comment para naman mas lalong ganahan ang author na tapusin ang kwento. Happy reading nalang guys at sana ma-enjoy  niyo ang estorya na gawa niya!!! :D


Sa author naman nito gusto ko sanang mag-sorry kung ngayon ko lang na post ang storya mo hehehe medyo na aning ako ngayon :D Sana ay tapusin mo ang storyang to pramis masarap sa feeling kapag natatapos mo ang storyang gawa mo.




Tok! Tok! Tok!


Tok! Tok! Tok!


                Yan ang tunog na gumising sa akin at siyang nagpabalikwas sakin sa kama. Pero hindi yon tumalab at agad akong bumalik sa pagkahiga at nagtakip ng kumot at inipit ko din ang tenga ko ng unan para hindi mabulabog ng ingay. Pero sa isip ko hindi din iyon magtatagal at biglang...


"Hoy Zach! Wake up time!" sigaw ng boses sakin sabay dagan sa katawan ko.


"Uhhmm... Mamaya na ang aga aga wala naman tayo pasok sa office, it's Saturday dude" sagot ko habang nakahiga parin sa kama at di gumagalaw dahil sa pagkakadagan ng kumag.


"Hey! You promised na sasamahan mo akong mag grocery! Remember? and you owe me last night?" pangongonsensya nya pa


"15 minutes promise! 15minutes more! 11am palang oh" pagmamakaawa ko dahil puyat ako dahil sa gimik namin kagabe


"Haaay ikaw ang bahala... Pero next time na malasing ka wala nang maghahatid sayo" sabi nito ng may halong pananakot


"OK! you got me there... I give up..." sagot ko ng may halong pagkainis


"Good! Bangon na dyan..." asar naman niya


"Panu ako babangon eah nakadagan ka pa dyan... alis nga", sabay tulak ko sa kanya sa gilid ng kama at bumangon na nga ako.


                Ako nga pala si Zacharia Sacramento, Zach ang nickname ko, 21, 5'8, lalake at single, kung looks naman ang pag uusapan hindi naman ako papahuli dahil medyo moreno, makinis ako sa katawan at mukha ko, medyo singkit na mata, manipis na kilay at matangos na ilong.  Medyo buff din ang katawan ko gawa ng pagsasayaw ko dahil kasali ako sa Dance Club noong College.  Nakatira ako sa isang condo sa Quezon City na nabili ko dahil sa tulong ng matalik kong kaibigan... Isa akong Head Chef sa Resto namin ng Best Friend ko dahil magkasosyo kameng dalawa. Ang "Man's Diners"


"Mag bihis kana mamaya kana maligo... mouth wash ka nalang muna saka baka makalimutan mo magsuklay", sabi ng kumag


                Speaking of kumag, Stephano Yosuke Go, Sy for short, 22 yrs old, at 5'10 ang height, maputi. Single din siya. Best friend ko nga pala siya mula First Year High School at pati College, iisang School ang pinasukan namen kahit mag kaiba kame ng course na kinuha, Culinary ako at Management naman ang course niya at khit ngayon ngang may work na kame ay magkasama padin kame..  Siya ang tumatayong Manager ng resto dahil siya ang expert doon, pero mas malaki ang naipundar niya sa pag papatayo nito gawa nadin ng pagiging mayaman nila.
               

Napakachickboy nito palibhasa sobrang gwapo, blue ang mata nito kaya pag tinitigan ka ay parang nakakalusaw, makapal ang kilay pantay ang mata, matangos din ang ilong at sumakto ito sa haba at makinis nyang mukha. perfect kung sabihan siya ng ibang tao.


"Hoi! Panu ka pala nakapasok dito?" tanong ko sa kanya habang naghahanap ng masusuot


"Mr. Ulayanin binigyan mo po ako ng duplicate ng susi mo diba? Besides tumulong naman ako para makuha mo ito ah" pilosopong sagot niya sakin at nakahiga padin sa siya kama ko


"Aw! oo nga pla haha, anyway pwede ka nabang tumalikod at magbibihis ako" sabi ko habang akmang maghuhubad na


"At sakin kapa nahiya? Nakita ko na yan." Pangaasar niya


"Nageenjoy ka sigurong makita akong hubad?" Asar ko sabay kindat


"Asa! naku bilisan mo hintayin nalang kita sa labas" inis nitong sabi sabay labas ng pinto


"Hala pikon?" tanong ko sa sarili.. nakita kong humiga siya sa may sofa habang sinasara ko ang pinto at mukang medyo nainis ata ang loko

               

Pagkatapos ng 30 minutes ay natapos nadin akong magbihis. Kahit sinabi niyang wag ako maligo ay nag shower padin ako hindi kase ako sanay lumabas ng hindi naliligo. Lumabas na ako ng kwarto tahimik ang sala kaya lumapit ako sa sofa para tignan si Sy at ayun nakatulog na pala.. Grabe ang gwapo ng bestfriend kong ito kahit sa pag tulog parang nakangiti parin ang mata nya.. Kaya nga siya lage ang nakikihalubilo sa mga customer namin sa resto dahil mata palang ang tignan mo nakangiti na agad mala anghel ang dating.. Yung bang pag may hiniling siya at nagkataong nakatitig ka sa mata nya ay di mo magagawang tanggihan ito, yung para kang hinihypnotize. Ganyan kalakas ang appeal nya sa babae, "chick magnet" kung tawagin at kahit pati mga bading ay nabobola nito, pati ang mga tunay na lalake nakakasundo nito dahil maraming lalake ang gustong malaman bakit ganun kaganda ang katawan nya. Di tulad ko lage nakakulong, kung hindi sa kusina ng resto at nagluluto ay nasa office ako at nagchecheck ng mga documents, though gwapo din naman ako "head turner" nga sabi ni Sy, hindi rin ako masyado focus sa mga babae kahit maraming nagkakagusto yung tipong kahit sila pa yung magaaya ng date, pero di ko pinapatulan. May mga indecent proposal na din akong natanggap nung college palang ako, 2yrs na din akong single.. Mas focus kase ako sa pagaaral noon at ngayon sa trabaho naman gawa nadin ng lumake akong mahirap at sinusoportahan ko din ang kapatid ko at Tatay sa probinsiya..


"Zach baka matunaw ako niyan" bungad nya sakin ng magising siya hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya


"Ahm.. lets go?" pag aya ko sa kanya kaya tumayo na siya at tinungo na nga namen ang elevator at sumakay, nasa 8th floor kasi ang unit ko at #2 ito


"Sy what's the occasion at bakit tayo magogrocery? hindi mo naman ginagawa yan ah?" tanong ko kay Sy


"Haha as expected nakalimutan mo nanaman, birthday ni Mom bukas." sagot naman nito habang natatawa dahil sa pagkaulyanin ko


"Crap! Oo nga pala! eah Si Aling Medi bakit di siya ang namili?" tanong ko habang napakamot sa ulo


"She's with Mom sa Cebu they'll be home by tommorrow at nagplano ako ng surprise party para sa kanya" masayang sabi nito.


"Surprise party? ang dame ata bisita ah"



"Actually hindi naman masyado, mga malapit na kamaganak at kaibigan lang ni Mom ang inimbita ko syempre ikaw din kase magiging busy ka" sabi nto at may ngiting nakakaloko


"Huh? anong magiging busy ako?" ang nagugulahan kong tanong


"Ulyanin ka talaga man, You promised her last year na ikaw ang magluluto para sa Bday niya this year diba? at lulutuin mo ang mga favorite dish nya" sagot ni Sy sakin halatang medyo naiinis na, ewan ko nga ba kung bakit napakaulyanin ko.


"Sus! Yun lang naman pala ako na bahala jan, siguradong busog lahat ng bisita ni Tita Elsie" Pagmamayabang ko na nagpangiti naman kay Sy, at bumakas na ang elevator diretso kame sa labas para magpara ng taxi dahil hindi dinala ni Sy ang kotse niya mas hilig kase nito nag commute maliban nalang pag malayuang byahe


                Nakarating na nga kame sa mall pero bago kame mamili ng mga kailangan para sa Party ni Tita Elsie ay nagaya muna kumain si Sy dahil past 12pm nadin kase at medyo gutom na rin ako. Nagaya siya sa isang Italian Resto dahil paborito kasi ni Sy ang Italian Food lalo na ang mga pasta. Umupo na kame sa may bandang likod ng resto para medyo tago alam ko kase magiging agaw atensiyon kame lalo natong si Sy...



"Teka bakit kase dito pa tayo kumaen eah sa resto pwede ako magluto at libre pa?" tanong ko sa kanya



"Maiba lng.." Maikling sagot nito habang tinitignan ang menu


"And besides eating in your own restaurant is not a good marketing strategy.  Mas mabilis kang malulugi pag ganun.." dugtong pa niya


"Edi magbayad tayo." kontra ko naman sa kanya


"Dont you think its a little awkward paying even though your the owner, at isa pa you can get some ideas kung kakain ka sa ibang resto, malalaman mo kung panu sila mag handle ng customer, anu ang servcie nila, kung gano kasarap ang pagkaen nila at madame pa.  Marami kang pwedeng malaman just by observing them" pagpapaliwanag ni Sy sakin


"I know." pagsangayon ko naman, may point nga naman si Sy


"Tama ka nga tutal 1yr and 6mos palang ang resto pwede pa natin tong iimprove." dugtong ko pa


"Haha See? so order na tayo?" alok nya habang nakangiti


                At umorder na nga kame ng pagkaen Shrimp Marinara at Chocolate Shake ang inorder ni Sy at Pesto naman sakin at Chocolate Shake din. Tulad ng date kulitan, kwentuhan, asaran at agawan ng pagkain ang nangyari sa lunch namen. masarap kasama si Sy dahil hindi ito nauubusan ng kwento, kahit mga simpleng bagay nagagawan nito ng kalokohan lalo na pag dating sa babae hilig kase niya ung pag rate ng 1-10 ng mga babaeng nakakasalubong namen o dumadaan sa harap namen, bihira nga sa kanya ang umaabot ng 10. Naalala ko pa ang huling nirate niya ng 10 ay nilapitan niya at kinuha ang number at ayun hindi nag tagal naging sila pero di naman sila nagtagal noon, ang mga narerate nya ng 8 o 9 kadalasan pag kinukuha nya ang number at sakin ibabato sasabihin niya pinapakuha ko kadalasan naman sa mga babaeng nakakasama ko puro 1 night stand ayoko na kase ng commitment, nadala nako at siyempre hindi ko maramdaman yung love. Swerte ka na pag na rate ka ng 5 o 6 ni Sy.


                Pagkatapos kumain ay dumeretso na kame sa grocery para mamili ng sa kakailanganin. Hangang doon ay hindi kame tumigil sa pagrerate ng mga babae. Hanggang umabot kame sa vegetable section.


"Sy tignan mo yung chicks 12 o'clock" utos ko  sa kanya at lumingon nga siya sa dereksyon na tinuturo ko na babaeng sexy matangkad mala modelo ang dating


"Nope, 4" pagsalungat ni Sy ang taas talaga ng standards nya


"4? Dude! halos kamukha na niya yung last gf mu nung college" kontra ko naman


"Hindi no, tignan mo ung likod niya masyado malaki hindi proportion sa katawan at yung harap-"


"Ok! I get it di mo siya type" pag putol ko sa kanya, at minuwestra pa ng kamay niya yung hubog ng katawan ng babae at alam ko sa iba na naman pupunta ang sinasabi niya.


"Eto Sy yung girl sa cashier number 6" turo ko ulit


"Oh shit Dude! Ang galing mo nakadiscover ka ng taong HIPON" lait nito sa babae


"Grabe ka talaga! mukha ngang nagigym yun eah" kontra ko ulit


"Oo nga noh, bakit kaya di niya workout yung mukha nya baka mag improve haha" pangaasar nya pa. Pero bigla siyang tumahimik.


"Zach 9 o'clock, red shirt, black purse.." turo niya sakin at lumingon nga ako


"I think i found the perfect 10" dugtong pa nito. nagulat ako ng makita ko ang babaeng tinutukoy niya, ngayon lang ulit nag bigay ng 10 itong bestfriend ko kaya mukhang tinamaan agad ito. Agad ko namang pinuntahan yung babaeng tinutukoy ni Sy.


"Hoy Zach wag mo lapitan! Hoy!" mahina niyang sigaw, pero hindi ko iyon pinakinggan.


                Kinausap ko yung babae at sinabi na type siya ng kasama ko at kung pwede makipagkilala sabay turo ko sa dereksiyon ni Sy at kumaway naman ito nang makitang nakatingin kame sa kanya. Pumayag naman itong babae, dahan dahan kameng naglalakad papalapit kay Sy halatang kinakabahan ito kahit ang ngiti ay abot tenga..


"Sy this is Iris, Iris this is Sy.." Pakilala ko sa dalawa at nagkamayan naman ito


"Hi nice to meet you" bati ni Iris


"Same here.. pasensiya kana mukhang naabala ka ata nitong bestfriend ko"  pa gentleman pa ang loko


"Wala yun isa pa malakas sakin tong si Zach eah" dahilan naman nitong si Iris


"Wait panung malakas?  mag kakilala ba kayo?" tanong ni Sy halatang medyo naguguluhan


"Ahm what can you say, it's a small world, yup magkakilala kame ni Iris" sabat ko naman sabay akbay kay Iris, napansin ko naman na kumunot ang noo ni Sy.. Di ko alam kung dahil gusto niyang siya ang umakbay o dahil inakbayan ko si Iris di kasi siya sanay na inaakbayan ko ang babae maliban na lang kung jowa ko ito. Kaya agad ko din inalis ang pagkakaakbay ko


"Panu nangyare? mag jowa ba kayo?" tanong nito na halatang naghihintay ng sagot


"Zach hindi mo ba sinabe?" tanong sakin ni Iris habang natatawa at nagkatinginan nga kame na lalo namang kinalake ng mga mata ng bestfriend ko


"Ah hindi pa eah ikaw na magsabe." sagot na medyo natatawa na din dahil sa reaksyon ni Sy.


"So.. anu nga? pabitin paba?" atat na sabat ni Sy


"No hindi kame mag partner or something, technically not now hehe.." pilyang sagot ni Iris pero mukhang lalong naguluhan si Sy


"Huh? I dont get it.. anung Technically?" gulong sabi ni Sy


"Sige na ako magexplain, Iris and I are childhood friends and sweethearts way back elementary pero hanggang dun lang yun kase lumipat nako ng high school dito sa Maynila at dun nga kita nakilala. Friends nalang kame hangang ngaun." pagexplain ko kay Sy at halata namang lumiwanag ang mukha sa narinig


                Dun na nga nagsimula ang bonding, nagkakwentuhan kameng tatlo habang naggogrocery, minsan tawanan sila ng tawanan habang ako abala sa pamimili ng mga sangkap. Maraming nalaman si Sy tungkol kay Iris, Isa na pala itong gym instructor at part time model. Nagkapalitan nadin sila ng number. Nalaman di niyang kakahiwalay lang ni Iris sa bf nya last month. Mukha ngang close na sila kahit ilang minuto palang silang magkakilala. Natapos kameng maggrocery ng 4pm.


"So san kayo nyan Zach?" tanong ni Iris habang naglalakad kame palabas ng grocery store


"Siguro uuwi na di na makakagala sa dame ng pinamili namen" sagot ko


"No Zach pwede pa tayo manuod ng sine or magkape" singit ni Sy sabay siko sa tagiliran ko at nagets ko naman na gusto pa niya makasama si Iris. Pero nadismaya si Sy sa sagot ni Iris


"Ganun ba? Ako mauuna na guys maaga pa ang call time sa agency bukas may show kase kame you can come if you want" sabi ni Iris


"Ah ganun ba sayang naman.. san ba ung show nyo bukas try namen pumunta?" tanong ni Sy


"Sy its your Mom's bday tommorrow remember? kaya nga tayo naggrocery?" paalala ko kay Sy at halatang lalo itong nalungkot


"Sayang nga.. well its okay may next time pa naman.. Happy Birthday nalang sa mom mo Sy" sagot ni Iris


"Yeah next time. Diba Sy?" pagsangayon ko kay Iris sabay akbay kay Sy


"Ah oo naman next time, text ka lang kung kelan next Show" nakangiting sagot ni Sy


"Sure! it's nice meeting you Sy and nice to see you again Zach" paalam ni Iris sabay sakay sa taxi pero biglang bumukas ang bintana at naguluhan ako sa sinabi ni Iris


"Nga pala Zach sensya na may mga nakwento ako kay Sy na hindi dapat, Bye ulit." pahabol nito sabay kindat at alis ng taxi. nagtaka naman ako nun, naalala ko tuloy bigla ang mga kalokohan namen nong bata pa kame. Naiwan kame ni Sy at ako naman ay nakatingin parin sa papalayong taxi ni Iris at medyo tulala


"Zach samin ka pala matutulog ngayong gabi ah, tutal maaga ang preparation para sa party, wala din ako kasama sa bahay." mahinahon na sabi ni Sy.  Napatingin nalang ako sa kanya napansin ko nalang na nakatingin siya sakin at nakangiti ito.


"Ok" yan na lamang ang nasagot ko at umuwi na nga kami.  Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.












(Itutuloy)

11 comments:

Anonymous said...

hahaha, interesting, next agad oh!


-eusethadeus-

Anonymous said...

ayus!
Dranski! writer ka pala! :)
excited n aq s next part! :)
-yume

Master_lee#027 said...

Interesting!!......
Aabangan ko to.....
Keep it up

russ said...

hahaha ganda..next agad,.

Anonymous said...

fresh ang story... ano kaya ang sinabi ni iris kay sY???

ramy from qatar

Anonymous said...

Hmmm Nu kayang Sekreto ni Zach?
next chapter pls :)

-Jekjec-

Lawfer said...

parang nbsa q na tong part na to somewhere o.O

my sarili kbng blog author?

DownDLine said...

neeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeext! ahaha nagdudumali lang!

Anonymous said...

bakit ganun?? maggrocery iniwan ang kotse tapos madami pa bibilhin.. hmmm

Anonymous said...

nku eto ang istoryang ngbibigay ngiti s aking mga labing uhaw at pusong nangungulila, kilig-kiligan lng! hihihi

thanks s pgshare ng story m dranski. kip it up kiddo! hihihi

-akosidrew_mahalnimakatiboi- hihihi

josh.03 said...

hahaha ..... gansa ng story good job po sa author

sana true story to kc na aalala ko ung mga sandali na mag kasama kami ng best friend ko ...
sana may mga makilala po ako na bgong mga kaibigan jay po pla ..
txt nio po ako kung gusto nio po makipag kaibigan 09359303468 pakilala po kyo ha
asahan ko po kyo .... i want to find new friends ;-)

Post a Comment