Friday, February 24, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 25)



 By: FUGI


---->Yes! nakauwi ako at dahil may mahaba ang oras ko maiipost ko na itong sinulat ko sa hospital, hehe pero baka po matagalan na uli po ang pagpopost ko sa kadahilang pinag-iimpake ako ng madaming damit at mukhang aabutin akong ng isa pang linggong walang uwian at ito na lang po ang pakonswelo ko (hehe)


---->SALAMAT sa walang sawang PAGSUPORTA sa IAAP at ganoon din sa pagsama sa inyong mga dasal sa ikabubuti ng lagay ng aking kaka


----->at kay FOXRIVER na nagkomento nito:


    “i hope ur kaka is okay. We'll be waiting for ur next chapter(make it sooner hehe pressure). Still dis chapter is still a " kasi kasi" chapter. I love the phrase " itanim mo sa conciousness". Honestly there are a lot of words in ur story that i thought were ordinary but somehow u made it extraordinary. It means ur a great author ayiiiiie hahaha. Tc.”


            SALAMAT!, ETO NA YUNG HINIHINGI MONG nex chapter (napressure ako ih, HEHEHE joke!).. WAG KA MASYADO MAGSABI NG MAGAGANDANG SALITA BAKA LUMAKI ULO (HEHE, PERO SALAMAT SALAMAT) AT DAHIL SINABIHAN MO AKO NG TC, TY NAMAN SAYO:]


-----> at sa mga nababagalan sa phasing ng istorya na ito ay sinadya ko po talaga dahil  ito ata ang una at huling isusulat ko, kaya gusto ko lahat nang gustong kong scenario ay mangyari, parang itotodo ko na lahat dito, yon po!:]


Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.


Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman




-------> IAN


Hanggang ngayon hindi ko pa rin masabi ang kakaibang pakiramdam na ito, bago lahat, nakakalito pero,,,,, pero basta naiinis lang ako sa tuwing may kung anong namamagitan kay fugi at sa epal na anthony na yan


Lalong lalo na sa naging pahayag ni epal (si anthony) bago kami tuluyang makalabas ni fugi, parang,,,, parang  may patama sa akin at mas nakaagaw ng aking pansin ang sinabi nito na usapan daw nila ni fugi para bukas


Kaya naman pagkalabas na pagkalabas na pagkalabas agad ko itong inulan ng mga tanong, kahit ako ay nagtataka sa inaasta ko, dahil sa tanang buhay ko ngayon lang ako naging ganito, siguro ayon ay dahil....... dahil mahalaga sya (si fugi) sa akin,,,, 


MAHALAGANG MAHALAGA, sabi nang isipan ko


Sa pagnanais kong malaman ang usapan na iyon nila ni anthony ay hindi ko tinigilan si fugi sa katatanong, kaso imbis na malaman agad ay nauwi kami sa biruan/asaran/pilosopohan/hiritan, makwela din sa itong si fugi na gustong gusto ko sa kanya kaya pagkasama ko sya ang gaan lang ng atmosphere, pero dahil kasama sa usapan namin ang epal na si anthony, ay inis ang bumalot sa akin kaya hindi ko masakyan si fugi sa mga patutsada nito sa akin


Alam kong alam na ni fugi na naiinis na ako dahil sa hindi nya pagsagot sa tinatanong ko, kaya ng akmang tatalikod at aalis kuno ako (acting lang naman para masagot nya na ako about sa kung ano man ang usapan nila ni anthony), ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako, palihim naman akong natawa dahil epektib ang ginawa ko (hehe)


Humingi ito ng sorry at nagpaliwag na din sa wakas pagkatapos ng mahaba-habang pag-acting acting-ngan ko


Nalaman ko na susunduin pala ulit ng epal na anthony na iyon si fugi bukas pagpasok at may usapan na silang lalabas pagkatapos ng klase


Naiinis man sa nalaman at gusto ko syang pigilan na wag na lang sumama sa mokong na iyon ay hindi ko maisatinig dahil baka kung ano nang isipin niya,, kaya sa puntong iyon ay nasabi ko na lang na sasabay na lang ulit ako sa kanila, hindi ko man intensyon ang ipaalaala kay fugi yung nangyaring pagkakaiwan nila sa akin kanina ay nasambit ko ang issue na iyon at nasamahan ko pa ng pagbabanta, hindi ko man talaga sadya pero siguro para hindi lang niya makalimutan, at dahil na rin siguro sa inis na nararamdam ko sa nalaman ay nasambit ko ang mga bagay na iyon


Pagkatapos magkainitindihan ay bigla namang nagsalita si fugi ng...


“kanina pa tayong magkasama bakit nitong labasan mo lang sinabi yung tungkol sa pag-imbita ng mama mo na sa inyo ako magdinner? may anuhan ba? At bakit nya ako kilala na? (ang sunod sunod na naitanong nito)”


Wala akong maisagot sa kanya kasi biglaan lang din naman yon, yun lang ang naisip kong paraan para maiiwas siya sa epal na iyon


Imbis na sagutin siya ay agad akong naglakad para makaiwas pa sa mga maaari niyang maitanong pa, at nakita ko namang sumunod na lang si fugi sa akin


Kelangan ko muna palang matawagan si mama para ipaalam ang pagpunta ni fugi sa bahay, nasabi ko sa sarili ko 


Kaya agad akong nagpaalam kay fugi para mag puntang restroom 


Ako: fugi, ihi lang ako, intayin mo na lang ako dito ha!


Fugi: sige sige (at madalian na akong pumunta ng CR)


Pagkapasok na pagkapasok ay agad kong tinawagan si mama


Agad naman niyang nasagot ang tawag ko


Ako: ma!


Mama: o anak! Bakit ka na patawag may problema ba?


Ako: wala naman po


Mama: kung maka-MA ka kasi parang may nangyari sa iyo (at natawa na ako sa kanya mabiro din kasi ang mama ko), bakit ka ba napatawag anak? (pag-uulit nito)  


Ako: paano kasi ma, tanda nyo ba yung sinasabi kong mabuting kaibigan na nakilala ko, na gusto mo na anyayahan ko na dalhin dyan sa bahay, inimbitahan ko na siya, sabi ko dyan sa magdinner, OK lang ba? (ang mahaba kong nasabi)


Mama: oo naman, gusto kong makilala yang kaibigang nagpapasaya sayo ngayon at pasalamatan sya, asaan na ba kayo?


Ako: dito pa sa campus, pauwi na po


Mama: sige sige, ingat kayo ha! Maghahanda na kami dito
Ako: sige po salamat po ma 


-end of call-


Agad ko nang tinungo ang pinag-iwanan ko kay fugi at nang makalapit na ako sa kanya


Ako: fugi, ready ka na ba? Tara na!


Fugi: a.. ano kasi, ba.. bakit kani-kanila mo lang sinabi na pupunta pala tayo sa sa sa in..yo (ang nauutal nitong sabi dahil halatang kinakabahan ako)


Ako: paano kasi nakalimutan ko, nitong pauwi na tayo tsaka ko naalala (pagdadahilan ko), bakit ba mukhang kabado ka?


Fugi: paano kasi, ano kasi


Ako: ano?? (palihim akong natatawa sa itsura niya ngayon, na nahihiyang kinakabbahan at halatang halata ito sa mukha niya at pagsasalita niya, ang... ang cute,, sobrang cute niya talaga)


Fugi: hin..... hindi kasi ako ha..handa? (ang pabulong na nitong nasabi kaya hindi ko masyadong narinig
Ako: ano? Pahina ng pahina ah!


Fugi: kasi kasi ikaw ih! (ang medyo bata na nitong sabi na ikinangiti ko talaga)


Ako: ano ako? (ang nakangiti kong sabi dito)


Fugi: paano kasi binigla mo ako, tapos tapos ano hindi ako handa (sa bata parin nitong tona na ikinatawa ko naman)


Ako: kaawa awa naman ang bata, hindi handa, sya tarauna sa library (ang paggaya ko sa tono nitooo habang pppinipigil ang pppagtttawaaa ko)


Fugi: library?? (sabay ang nagtatakang ekspresyon ng mukha nito)


Ako: magrereview mo na tayo hindi ka kasi prepared (kasabay ang paglabas ng pinipigil ko kanina natawa)


Fugi: hala joke ba iyon?? Tatawa na ba? (ang nakangiti na nitong pagbara sa akin)


Ako: yan ngiti lang, para mas cute ka (sabay talikod ko na, nagulat din kasi ako sa nasabi ko), hala ano yung sinabi ko (bulong ko sa sarili ko), tara na baka matrapik tayo (pag-iiba ko)

++++++++++++++

---------> back to me FUGI the pogi (pag-big-yi na, hehe)


Para akong nabingi sa huling sinabi ni ian na “ngiti lang, para mas cute ka”, tama lang ang lakas ng pagkakasabi niya niyon pero  ang lakas ng impact na parang REI-GUN lang ni URAMESHI (sa mga nalilito si Eugene po iyon ng ghost fighter sa channel 7,kaso kung sa ANIMAX kayo nanonood YUYU HAKUSHO ang title doon tas yun ang pangalan niya,, YES! naikonek ko pa ito, pasensya na may nagequest kasi.. hehehe) sa eardrum ko (kasi kasi :])


Nasa ganoon state ang utak ko nang biglang nagsalita at nagyaya na si ian na nagpabalit sa utak ko sa tamang proseso nito at na pangiti na lang akong sumusunod sa kanya na hindi naman nakaligtas sa paningin ni ian


Ian: bakit kung makangiti ka parang wala nang bukas


Ako: paano ang galing mo kasi magjoke (pagdadahilan ko)


Ian: syempre ako pa (mayabang nitong pagsakay)


Ako: hehe kaya dapat hindi mo na yon uulitin ha! (sabay tapik ko sa balikat nito tapos una ko dito sa paglalakad dahil hindi ko mapigilang mapangiti pa din sa sinabi nito kanina:])


Ian: a bat! (ang simula nito), nahiya naman ako sa mga joke mo (dagdag nito)


Ako: ayon may dyip na tara na, kung ano ano pa ang sinasabi (pag-iwas ko dito, hehe)


Pagkasakay na pagkasakay ay napansin kong kinukuha na ni ian ang wallet niya kaya naman agad di akong kumilos pa maunahan ko sya sa binabalak niya. Maya maya lang sabay namin nailabas ang mga wallet namin at sa puntong iyon bigla kaming nagkatinginan


Ako: ako na magbabayad (sabay ngiti ko dito)


Ian: A-K-O na, O-K (sabay madahang tabig nito sa kamay ko kung asaan hawak ko ang wallet ko)


Ako: Kanya kanya na lang (suhestyon ko)


Ian: ang kulit ah! Gusto mo bang ibaba kita dito, ako na sabi 


Ako: o di ikaw madali naman akong kausap (at natawa na lang ako:])


Mabilis naman ang naging byahe namin mula campus hanggang bayan, pagkababa ay agad kong kinausap si ian


Ako: uy ian,,, bili tayong cake


Ian: aanhin ang cake? (maang nitong tanong)


Ako: ididisplay? Syempre dadalahin sa inyo


Ian: ah! (parang ogag lang nitong reaksyon)


Ako: adik (sabay mahinang suntok sa deltoid area niya na ikinatawa naman niya)

---------------


---->Ok ok BUMABALIK ulit ang TRIVIA PORTION may nabanggit kasi akong medical term





Yan po yung deltoid area kung saan mostly lahat ng injections ginagawa:] yun lang (hehehe)

---------------


Ian: bakit ka namimiskal (natatwa nitong sabi)


Ako: paano nang-aasar ka kasi


Ian: kasi nga hindi na kailangan nang kung ano ano pang dadalhin kasi kahit wala noon alam kong magugustuhan ka nila mama, katulad ng pagkagusto ko sa iyo (nagulat na naman ako sa sinabi niya kaya walang sabi sabi ay nagsalita ang bibig ko)


Ako: ah... ah.. ano iyon? (parang tanga ko lang na pagsingit sa kanya, kasi kasi naman:])


Ian: ah.... eh ano bang nasabi ko (bulong nito sa sarili niya)

Itutuloy.......

7 comments:

Master_lee#027 said...

Wew............yan na hindi pa kasi sabihin ang tunay na nararamdaman eh yan tuloi nasasabi ng biglaan at wala sa oras ahahahah pero kakakilig lang ang bawat chapter at kakatawa kasi kahit serious ang story may naiisisingit kapa na mga cartoon character ahah

--makki-- said...

yooooohoooooo!!! ANTHONY where are you??!!!

hmm... parang nahahalata ko na huh! puro moment with Ian nalang ang nababasa ko! hmp! hahahahaha...

Sana sa next chapter si ANTHONY naman,, :)

foxriver said...

wow! Sarap naman at naapreciate mo yung comment. And what I said about u being a great author, YOU ARE. Ok lang yung phasing para mas matagal pa yung kasi kasi moments at hiritan, i am using ur phrase " huling hirit mo na yan" to my co workers at tawa sila ng tawa.( hehehe hiram ko muna yun ah).. And lastly sana di ito ung last story mo.( ipapagpray ko yan kay Mama Mary at kay Jesus) na gumawa ka pa ng kasi kasi stories. Gob bless and regards to ur Kaka.

Lyron said...

oh my! Ang kulit! Malapit na talagang mainlove si Ian kontingselos pa!

marL said...

weeeehhhhh.... kinikilig ako sa chapter na to.. GO GO IAN!!!! aminin na kasi ee hahahahaha. update na ulet sir fugi! hehehehe
excited na ko sa next chapter....

ZROM60 said...

hala!, nasasabi ng di sinasadya ang nilalaman ng puso at isipan, ang cute aman. he he he

Anonymous said...

Parang same tlga ang story namin na yan...ian then ang name nurse ako.....kaso sya hindi...tapos yung bata na kanta ng calalilly...tpos kumakanta pako sa school namin...hahaha nakakatuwa naman....sana mapost kagad yung sunod....tnx author galing galing mo dahil dyan ibibigay ko na sau ang isang "binhi ng karimlan" hehehe maka anime din ako...naiintindihan ko lahat ng anime at nursing word mo hahaha...sobrang natuwa talaga ako..hehe.....

Post a Comment