Story Cover Created by:
Jojimar Lalusin Abarido
by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
Maraming salamat sa paghihintay medyo na delayed nga ang
chapter na ito gawa nang sobra akong busy pero heto na siya natapos din. Sana nga
lang ay magustohan niyo ang huling kwento kong ito para naman kahit papaano ay
matuwa ako LOL.
Hindi ko pa ito na proof-read gawa nang marami na ang
naghihintay sa chapter na ito. Kayo nalang muna po ang bahalang mag-adjust
ngayon. Gusto ko lang na hindi na patagalin ang paghihintay niyo. Happy Reading
nalang po sa inyong lahat and keep the comments coming!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any
person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all
rights to the work, and requests that in any use of this material that my
rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner
without my permission.
Ilang minuto na akong tulala sa loob ng kitchen room kung saan ako nagtago sa dalawang taong nanakit sa akin ng sobra. Gusto ko mang umiyak ay hindi ko magawa sa sobrang galit at panhihinayang. Hindi ko ito naramdaman noon kay Ian ng hiwalayan ako nito dahil noon paman alam ko nang ako nalang talaga itong nagpupumilit sa sarili ko sa kanya. Pero itong kay Dave, ibayong sakit ang naramdaman ko dahil sa umasa ako. Umasa akong siya na ang taong matagal ko nang hinihintay. Ang taong mag-mamahal sa akin ng totoo. Ang taong mag-paparamdam sa akin na importante ako pero wala, tulad rin ito ni Ian na sarili lang niya ang iniisip niya.
Hindi ko naman hiniling na paibigin niya ako. Siya itong
nagpumilit na lumapit sa akin at guluhin ang mundo ko at ako naman itong tanga
hinayaan ko siyang makapasok sa puso ko. Hinayaan ko ang sarili kong mag-mahal
ulit sa maling tao. Hindi na ako nadala sa karanasan ko kay Ian. Umulit pa
talaga ako. Sadya nga atang tanga ang puso ko. Lagi nitong pinipiling ibigin
ang mga taong hindi naman karapatdapat.
Alam kong hindi lang si Dave ang dapat kong sisihin sa
ka-mesirablehan kong ito kung hindi pati ang sarili ko mismo. Dahil hinayaan ko
ang sarili kong mahulog na naman sa maling tao.
“Si sir Alex?” Ang wika nang isa sa mga waiter namin habang
nakadungaw ang ulo nito sa pintuan ng kitchen room.
Nakita kong inginuso ako nang aming kusinero bilang pagsagot
nito. Alam kong may pakiramdam ito na may mali sa akin dahil hindi naman talaga
ako mahilig tumambay doon lalo’t maraming tao sa labas. Alam ng mga tauhan
namin kung gaano ako ka dedicated sa trabaho ko dahil sa ayaw kong mapahiya sa
mga amo kong tumulong sa akin. Nasanay ang mga itong lagi akong aktibo pero
ngayon, kung pwedi lang sana na hindi na ako lumabas ay gagawin ko.
“Sir Alex, hinahanap ho kayo sa labas ni sir Red.” Sa
narinig ay agad na bumalik ang katinuan ko. Nasa trabaho ako at dapat kong
gawin ang trabaho ko. Hindi ko dapat idinadamay ang bar sa personal kong problema dahil ito ang bumubuhay sa akin at sa pamilya ko sa probinsiya.
I composed myself. Nagpakawala ako nang isang malalim na
buntong hininga bago ibinaling rito ang aking atensyon. Bakas ang pagtataka at
pagaalinlangan nito sa kanyang mukha. Being the manager ay binigyan rin ako
nang kapangyarihan ni sir Red sa bar na iyon na sobra kong ipinagpasalamat.
Alam kung bihira lang ang binibigyan ng pagkakataon na ganun lalo pa’t noong
i-assign ako nito ay hindi pa ako tapos sa kurso ko.
“Sige, susunod nalang ako sa labas. Medyo nahilo lang ako
kaya nagpahinga ako rito.” Pagsisinungaling ko.
Hindi ko hahayaang mawala ang tiwalang ibinigay sa akin ni
sir Red dahil lang sa isang taong makasarili na walang ibang gusto kung hindi
ang mapatunayan niya sa sarili niya na kaya niyang ma kuha ang lahat. I thought
Dave was different, iyon siguro ang dahilan kong bakit sobrang sakit ang
naramdaman ko nang malamang lahat ng ipinakita nito sa akin noon ay puro
pagkukunwari lang para mabawi nito ang natapakan niyang ego.
Matapos kong ayusin ang sarili ko lumabas na ako ng kitchen
room gamit ang dating mukha. Ang mukha nang isang taong walang interes sa kahit
na anong bagay. Isang mukha na nakasanayan ko nang gamitin noon paman para
makaiwas sa kung ano mang sakit na pweding maibigay sa akin ng mundong ito.
Naabutan ko si sir Red kausap ang isa sa mga kaibigan ni
Dave na kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nito ay Niel. Nasa mesa ko si
sir Red at nakaupo habang nasa harap naman nito ang kaibigan niya.
“Hinahanap niyo raw ho ako sir?” Wika ko dito nang makalapit
ako sa kanila. Pareho naman silang napatingin sa gawi ko.
“Ah Alex, san ka ba nagsususuot at kanina pa kita
hinahanap.” Ang nakangiting wika sa akin ni sir Red. Ganito naman ito lagi
lalo’t kung wala silang tampuhan ni sir Dorwin, lagi itong nakangiti na animoy
walang ni isang problemang dinadala. Iyon siguro ang isa sa mga rason kung
bakit ko piniling sa bar na ito manatili at hindi na mag-hanap pa nang iba.
Bukod sa sweldo ko na parang pang permanent item na sa mga malalaking kompanya
ay isa sa mga rason din ang nakakahawang kagiliwan ng aking boss.
Kung sa hitsura, lamang na lamang si sir Red. Gwapo ito’t
pinoy na pinoy ang kulay ng balat nito. Hindi na ako mag-tataka kung bakit
napaibig nito ang isa sa pinakabata’t pinakamagaling na abogado sa lugar na
iyon, si sir Dorwin.
Si sir Red at sir Rome ang nagbigay sa akin ng dahilan para
maniwalang may isang taong nakalaan na mahalin ang isang tulad ko. Na may isang
taong kayang matugunan ang ibibigay kong pagmamahal rito. Pero ngayon, hindi ko
na alam kung dapat pa ba akong umasa na darating ang taong iyon.
“Pasensiya na po sir.” Nakayuko kong sabi dahil tinamaan ako
nang hiya. Hindi nga naman tamang kung saan-saan ako nagsususuot ganitong oras
ng trabaho ko.
“Ano ka ba Alex, ayan ka na naman sa ka-si-sir mo sa akin.
Pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na.” Nang i-angakat ko ang tingin ko
para makita ang ekspresyon ng mukha nito ay nakita ko itong nakangiti. Pero
hindi ko nakita sa ngiti niyang iyon ang ngiting laging nagpapagaan ng loob
namin. Parang may nabakasan akong pagaalala na nagkukubli sa ngiting iyon o
sadyang naprapraning na naman ako kaya kung anu-ano na ang napapansin ko.
“He looks tired and sick pare.” Ang sabat ng kausap nito.
Nang mabaling ang tingin ko rito ay binigyan ako nito nang isang matamis na
ngiti. Pero dahil narin siguro nakataas na naman ang depensa ko sa sarili ko ay
hindi ko iyon nagawang tugunin. Natatakot na akong tumugon sa mga ganong
klaseng ngiti dahil ipinaaalala lamang nito sa akin si Dave.
“Alex?” Pagtawag ng aking pansin ni sir Red.
Bumaling naman ako sa kanya.
“Are you alright?” Bakas ang pagaalala nito sa kanyang
boses. “Dapat siguro hindi kanalang agad pumasok ngayon.”
“Okey lang po ako sir.”
“Namumutla ka.” Ang sabat na naman ng kaibigan nito. Ewan ko
ba pero imbes na ikatuwa ko ang pagaalala nito ay ikinainis ko pa. Trauma? Yeah, siruguro iyon na nga ang tamang term para doon na trauma na ata ako sa mga
taong nagpapakita sa akin ng pagalala.
“Okey lang ho talaga ako sir.” Ang tila pagod kong sagot
dito. I know it was plain rude dahil nagaalala lang naman ito sa akin pero
hindi ko talaga magawang ma-appreciate ito. Ang nakakainis pa ay aksidenteng
napatingin ako sa mesa kung saan nakaupo si Dave at dahil doon ay nakita ko
itong nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha nito’t parang galit.
Ikaw pa itong may
ganang magalit ngayon? Ang lakas talaga nang sira nang ulo mong gago ka! Ang
gustong gusto ko nang maisambit sa mga oras na iyon.
“Tama si Niel Alex, namumutla ka. Umuwi kanalang muna para
makapagpahinga ka. Kami na ang bahala rito tutal nandito naman ang buong
barkada.”
“Hindi na po sir, kaya ko pa naman.”
Rinig kong napabuntong hininga ito.
“Niel pare, paki tawag nga si Dorwin.” Wika nito sa kaibigan
na agad naman siyang sinunod ng walang pagtutol.
Hindi nga nagtagal ay dumating si sir Dorwin.
“Bakit mahal ano problema?”
“Alex is sick and I’m trying to convince him to go home to
get some rest but he’s being hard headed again.” Ang parang nagsusumbong nitong
wika sa kanyang asawa na ikinanganga ko naman sa gulat ng ako pala ang dahilan
kong bakit nito ipinatawag ang kanyang asawa.
Nabaling naman ang tingin ni sir Dorwin sa akin dahilan para
mapayuko ako sa mag-kahalong hiya at takot. Approachable si sir Dorwin at mabait rin pero, hindi ko
maiwasang hindi mailang dito lalo’t kambal ito nang taong dahilan kong bakit
ako nagkakaganito ngayon.
“San ang bahay niyo at ihahatid na kita.” Ang wika nito na
ikinagulat ko.
“P-Po? H-Hindi na po kailangan. W-Wala naman talaga akong
sakit sir.” Ang bigla kong pagpa-panic.
“Wag matigas ang ulo Alex.” Wika nito.
“Sige na Alex, get some rest.” Ani naman ni sir Red.
Wala na akong nagawa kong hindi ang sumunod nalang. Maganda
nga sigurong makauwi nalang muna ako para narin makaiwas kay Dave lalo pa’t
alam kong kanina pa ito nakatingin sa amin.
Malapit na kami sa pintuan ng bar ng harangin kami ng kambal
nito. Nakakunot parin ang mukha nito’t halatang badtrip. Agad kong iniwas ang
tingin ko rito na para bang hindi ko ito kilala o anu man.
“Let me talk to Alex.” Hindi humihingi nang permiso ang tono
nito kung hindi naguutos.
Tumingin naman sa akin si sir Dorwin napayuko naman ako.
“Talk to him some other time.” Tugon nito sa kambal niya at
tinungo na namin ang labas ng bar.
“Ihahatid ko lang si Alex sa kanila.” Pagpapaalam nito sa
mga amo kong kainuman nito. Walang pagtutol naman ang mga ito. Sadya nga atang
ma-swerte ako sa mga amo ko dahil sa kabaitan ng mga ito.
Walang imik lang akong nakasunod kay sir Dorwin papunta sa
pinag-parkingan ng sasakyan nito at no’ng malapit na kami rito ay saka na
ako nagsalita.
“Sir Dorwin, huwag niyo na po akong ihatid sobrang
nakakahiya na po iyon. Marami naman hong tricycle diyan sa may kanto.”
Napatigil ito sa paglalakad at bumaling sa akin. Mataman ako
nitong tinitigan na para bang may kung anong sinusuri.
“Make sure to text Red kung nakarating kana sa inyo para
hindi kami mag-alala.” Hindi ko man inaasahan ang agaran nitong pagpayag ay
hindi ko na masyado pang binigyan ng pansin. Ang importante hindi na ako nito
pinahirapan pang mag-paliwanag para lang pumayag itong huwag na akong ihatid.
“Yes sir.” At tinungo ko na nga ang daan papunta sa kanto
kong saan tumatambay ang mga tricycle driver.
Narinig kong may tumawag ng pangalan ko at nang lingunin ko
ito ay nakita ko si Dave. Balak sana ako nitong sundan ng harangin ito nang kanyang
kambal at ang masakit pa kita ko pang hinabol din ito nang babeng kasama nito.
Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila wala na akong pakialam ang gusto ko
nalang sa mga oras na iyon ay makaalis sa lugar na iyon nagbabakasakaling maaalis
rin ang sakit na nararamdaman ko.
Ilang araw na ang nakakalipas at hindi ko na ulit hinayaang
mag-tagpo pang muli ang landas naming ni Renzell Dave. Isang besis itong
nagpunta sa bar na hindi kasama ang babae niya ngunit ng mag-tangka itong kausapin
ako ay agad akong umiwas sa kanya.
Kay hirap supilin ang totoong damdamin. Kay hirap
mag-panggap na hindi ka nasasaktan sa harap ng mga tao para lang maipakitang
malakas ka. Sabihin na nating ma pride ako, na matayog ang pride ko pero tanging
ang pride ko nalamang ang kinakapitan ko. Marahil kung wala ito sirang sira na
ako ngayon sa sobrang sakit ng idinulot sa akin ni Dave.
Kahit na anong pilit kong hindi isipin ang mga magagandang
nangyari sa amin ay kusa naman itong pumapasok sa isip ko na laging dahilan ng
pagiyak ko. Sinubukan ko namang umiwas na maranasan ang ganito pero
siya mismo ang pumasok at gumulo sa mundo ko..
Ngayon, para nalang akong robot na walang emosyon. Pansin
ito nang mga katrabaho ko kahit ng mga amo ko. Pero ni isa sa kanila ay walang
may-gustong mag-tanong sa akin. Nakikita ko
lang sa kanilang mga mata na naguguluhan sila sa inaasta ko habang si
sir Red ay awa ang nakikita ko sa kanyang mga mata para sa akin.
Taong walang emosyon. Yon ang pinapakita ko sa lahat para
maitago ang sakit sa loob ko. Mahirap pala talaga ang sobra kang umaasa sa
isang pangako at sa isang tao sobrang sakit ni hindi ko mapangalanan ang sakit
na iyon. Wala naman akong ginawang masama sa mundo para maging ganito ang kalabasan
ng buhay ko. Masama bang hilingin na sana may isang taong mag-mamahal sayo nang
totoo katulad ng pagmamahal na kaya mong maibigay?
“Alex?” Ang pagtawag ng aking pansin ni sir Red na sinamahan
pa nito nang pagkalabit sa aking balikat dahilan para mabalik ang isip ko sa
tamang wisyo.
Nakakunot ang noo nito at bakas ang pagaalala sa gwapo
nitong mukha.
“P-Po?” Mahiya-hiya kong sagot.
“Habang tumatagal hindi kana makausap ng matino Alex. I
think kailangan mo muna sigurong mag-pahinga. Hindi naman sa natatakot akong malugi
ang negosyo ko nahihirapan din ako sa nakikita ko sayo. I know something is
bothering you at naiintindihan ko yon. ” Mahaba at mahinahon nitong sabi.
Napayuko ako sa sobrang hiya. Kahit pala anong pilit mong
itago ang nararamdaman mo lalabas at lalabas rin ang totoo lalo na kung wala
kang ma-pagkwentuhan nito. Habang tumatagal kasi ay unti-unti akong nilalamon
ng pagsi-self-pity ko. Sobra akong naawa sa sarili ko sa mga dinanas ko na
hindi naman dapat. May pamilya’t trabaho akong umaasa sa akin at iyon dapat ang
isaksak ko sa kokote ko.
“Sorry sir.” Ang naiwika ko nalang sa sobrang hiya.
“Gusto mo bang pagusapan natin ang problema mo?” May bahid
ng paguunawa nitong sabi.
Hindi ako sumagot rito. Siguro makakabuti ngang may isang
tao manlang akong mapagkwentohan sa problema ko
kailangan ko nang outlet para maiwasang tuluyang masira ang buhay ko.
Pero, amo ko si sir Red, at bukod doon bayaw nito ang taong dahilan ng lahat.
Paano ko magagawang mag-kwento rito?
“Tara sa taas doon tayo mag-usap para walang disturbo.” Wika
nito at nagpatiuna nang umakyat sa second floor ng seventh bar kung saan naruon
ang opisina nito. “Alex?” Tawag pa nito sa akin dahilan para mapilitan akong
sumunod sa kanya.
Ito ang unang pagkakataon na makapasok ako sa opisina nito o
mas tamang sabihing pangalawang bahay nito. Hindi kasi mukhang opisina ang
hitsura nito bagkus ay mukhang isang bahay. May sariling ref, kusina at isang
kwarto ito. Marahil ay sinadya nilang ipagawa iyon para kung gusto nitong
mag-pahinga ay makakapagpahinga ito. Alam kong hindi lang ang bar ang
hinahawakan ni sir Red. Meron din itong grocery store na ang kasosyo nito ay
ang kanyang ina.
Tulad ko rin ay si sir Red ang inaasahan ng pamilya nito.
Minsan ko nang nakilala ang mga kapatid at ina nito no’ng inimbitahan kami ni
sir Red sa kanila nang mag-birthday ang kapatid nito na nagngangalang Marky.
Doon ko rin napagalaman na si sir Red ang nagpapaaral sa mga ito kaya naman
sobrang bilib ako sa boss ko.
“Anong gusto mong inumin Alex?” Wika nito at nagbukas ng ref
para kumuha nang maiinum.
“H-Hindi po ako masyadong umiinum sir.” Mahiya-hiya ko naming
tugon.
“Pizza? Paborito ni Dorwin to eh kaya bumili ako para
pasalubong sa kanya mamaya paguwi ko.” Nakangiti nitong wika.
Alanganin akong umiling. Hindi pa nga ako kumakain pero
hindi naman ako makaramdam ng gutom. Masyado nang ukupado ang utak ko para
isipin ko pa ang sikmura ko.
Rinig kong nagpakawala ito nang isang buntong hininga habang
nakatingin ito sa akin na para bang hindi na nito alam ang kanyang gagawin.
“Nagusap na ba kayo ni Dave? Alam kong si Dave ang dahilan
ng lagi mong pagkatulala at alam ko rin ang tungkol kay Sonja. Pinagbawalan ako
ni Dorwin na manghimasok sa problema nang kambal niya pero impleyado kita’t
itinuring narin naming kaibigan nina Carlo. Bukod pa don, naapektuhan na ang
trabaho mo kaya siguro naman pwedi na akong makialam.” Mahinahon parin nitong
wika.
“Pasensiya na kayo sir kung hindi ko na magawa nang tama ang
trabaho ko.” Nakayuko kong sabi. “Siguro mag-reresign nalang ho ako.”
“Stupid.” Wika nito. “Kahit graduate kapa’t passer na mahihirapan
ka paring makahanap ng trabaho ngayon. Paano nalang ang pamilya mong umaasa sa
iyo? Wag mong sirain ang sarili mo dahil lang sa isang tao. Hindi dapat ganun.”
“Nahihiya na po ako sa inyo sir. Sobrang laki nang naitulong
niyo sa akin tapos heto’t di ko pa magawa nang tama ang trabaho ko.”
“Gusto mo bang mag-resign dahil sa nahihiya ka sa akin o
gusto mo lang takasan ang problema mo?”
Nakuha ko agad ang ibig sabihin ng sinabi niyang iyon.
“Sir…”
“You know what Alex, not because hindi mo na nakuha ang
bagay na gusto mo ay titigil na ang mundo mo. Kailangan mong matutong lumaban
sa buhay at tanggapin na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Sabihin na
nating nabigo ka ngayon pero di ba imbes na sumuko ka ay mas magandang subukan
mo ulit sa ibang paraan? Life has a lot of chances to offer Alex, kailangan mo
lang ng tapang. Kung noon isinuko ko ang pagmamahal ko kay Dorwin hindi ako
magiging masaya ngayon. Marami din kaming naging problema bago kami humantong
sa puntong ito. Hindi lahat ng relasyon ay nagsisimula sa tama at nagtatapos sa
isang pagkakamali.” Malalim nitong wika.
“I took my chances with Dave sir, nagtiwala ako sa mga pangako
niya sa akin.” Para akong nagsusumbong sa mga oras na iyon.
“You did, walang duda yan pero may isa kang nakalimutang
i-consider at iyon ay ang nararamdaman ni Dave. Wag mong isarado ang isip mo
dahil lang sa nasaktan ka Alex.”
Renzell Dave
“You’re not supposed to be here.” May bahid ng pagkaasar
kong wika sa taong sobra kong kinaiinisan sa nagdaaang mga araw.
Ilang araw na ang lumipas na laging mainit ang ulo. Hindi ko
na magawa nang tama ang trabaho ko dahil sa konteng pagkakamali lang ng mga tao
sa paligid ko ay agad na umuusok ang ilong ko.
“Oh c’mon, hanggang ngayon ba ay mainit parin ang ulo mo sa
akin?”
“Oo, kaya kong ako sayo umalis kana.” Sabay baling ng
atensyon ko sa mga papeles na nagkalat sa aking mesa.
“I never thought na magiging ganyan ka ka harsh Renzell
Dave.” Ang wika nito hindi manlang nagpagulat sa akin. Sadya nga atang malakas
mangasar ang taong ito.
“Who give you the Right to call me by my full name?” Tugon
ko na hindi manlang inabalang tingnan ito. Rinig kong lumapit ito papunta sa
may sofa at doon pasalampak na umupo.
“Geees! Ganyan ba ang pagtrato mo sa mga taong bumibisita
sayo para tayong walang pinagsamahan ah.”
“I never considered you as my visitor anymore after you
ruined everything.” Inis kong tugon rito.
“Hindi ko naman sinasadya iyon malay ko ba namang…”
“Get out. Huwag ka munang magpapakita sa akin ganitong
mainit ang ulo ko kung ayaw mong ihagis kita sa bintana nitong opisina namin.”
Pagputol ko sa ibang sasabihin pa nito dahil sa sobrang pagkainis lalo pa’t
ipinaalala nito ang kasalanan niya sa akin na naging dahilan kung bakit ilang
araw nang mainit ang ulo ko.
“I told you I was sorry for what I did ano pa ba ang gusto
mong gawin ko para patawarin mo ako?”
“Too late for you damn sorry sayo nalang yan. Pwedi kanang
lumabas at marami pa akong ginagawa.”
“Dave naman…”
Hindi na talaga ako nakapagpigil at sa sobrang init ng ulo
gawa nang halo-halong problemang hindi ko magawan ng solusyon ay napatayo na
ako sa kinauupuan ko. Hindi ako pumapatol ng babae pero mukhang sa oras na ito
wala na akong pakialam.
“Shut up! You ruined everything alam mo ba yon? Sinira mo
ang lahat ng pinaghirapan ko at ngayon hindi ko na alam kung anong gagawin ko
para lang makuha ko ulit iyon. Wag mong sabihin na hindi mo sinasadya iyon
dahil alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Brian matapos ko siyang
bugbugin na alam mong si Alex ang taong ipinalit ko sayo!”
Itutuloy:
44 comments:
1st one ba ako?
hala ka dave bakit mo naman binogbog si brian?????pano nasangkot si brian at pano nalaman nisonja ang tungkol kay alex.... ngayun dave wala na ..... galit na si alex sa yu....baka mag resign pa sya sa bar ng kambal mo....pano yan.... kawawa talaga si alex...
ramy from qatar
Take it easy Dave. Alex compose urself. Everything is gonna be okay. This will test how much you love each other.
onga nabugbog pa si brian. kawawa naman. haha
nice. ang haba nito. habaan mo ulit sa sunod zild :)
-kokey
our brightest smile can't hide our darkest pain!
ay hala! ano kaya ang ginawa ni Brian at nabugbog siya ni Dave? ( is there something going on between Brian and Sonja? hmmm may pagtataksil bang naganap? o sadyang siniraan nito si Dave kay Sonja para masulot nito si Sonja sa kanya? )
Dave, kailangan niyo ng mag-usap ni alex.. wag sayangin ang pagkakataon..
eh kasi naman eh! masyado kang nadala sa mga maling emosyun mo alex.. wag ganyan.. don't jump into the conclusion kasi.. ang lahat ng mga pangyayari ay may kakambal na eksplenasyon..
haist talaga naman oh! nadala talaga ako sa chapter na ito..
sana sa next chapter Reconciliation na.
can't wait!
Great Job Z! :)
Halla! Nagulo na! Dave should talk to Alex the soonest possible time. Alex talk to Dave to clear the blurred things between you and Dave. Nice chapter anyways.
Maraming salamat sa suporta niyo guys sa chapter na ito.. hehe akala ko wala nang mag-comment eh :D sana ay huwag niyong pagsawaan ang pagsubaybay sa natitirang tatlong chapter ng Chances.. :D
Ay ang ikli wahahaha epekto ba ito nang ..... malayo ka sa inyo ahahahahaha.
Daldal talaga ni Brian ahahahaha kaya pala nandun si Sonja, kaso bakit di man lang nagparamdam si Dave nang 1 week di pa ata yun nasasagot? At parang takot si Dave ngayon na kulitin at kausapin si Alex ha hmmmm.
- Ecko
hi kuya!! sori ngaun lng ulit nakacomment!!
every chapter ay pinapaexcite nyo talaga ako :) i even recommended this sa bf ko and he loved it daw lalo na ung 1st nyong story kac daw parang ganun kmi nagsimula eh :> hahaha!!
Asan na kasunodddddddddddddddd............................
-Philip
next na author.
taga_cebu
patayin si sonja... sunugin ng buhay hahahahahah..... nanninira ng buhay....... buwahahahahah.. pero ganda ng chap na ito..... ano kaya gagawin ni alex.... ano kaya gagawin ni dave ng mga kaibigan... may ever reliable kidnapping scene para magkabati.... o uuwi muna si alex sa kanila magbabakasyon at dun manliligaw si alex.... next chap na bossing Z
-- makatiboy
si brian ba talaga ay nilikha para maging matabil ang dila..? mukhang may itinatago si brian..
Mr. Z, what do you mean by 'huling kwento'? Huling kwento meaning last mo na itong Chances, or latest chapter? I hope it's the latter...
Anonymous: Huling kwento ko po itong chances pacnxa na sa confusion hahaha maski ako confused ako nang sinulat ko ang statement kong yon.. xD churi po :D
wag naman bossing z... pano na ang mga tao ng 7th bar..... paano na ang barkada :(
Anonymous: Ako man mamimiss ko rin po ang mga character na likha ng maligalig kong utak. Pero may mga bagay din na kailangan kong isakripisyo kung gusto kong maging masaya.. ^^ sana kahit manlang sa huling storya ko makilala ko kayong mga ANONYMOUS para mapasalamatan ko rin kayo sa last chapter ng Chances.. :)
wow!4 days kung hinintay to..hehe.
sa wakas...
basa m0de na..
sr143.
nag-tatampo akoh sayo kuya .. ang tagal koh hininitay ang update nito .. huhuhu pero kuya wala kah masyado typos ah .. ♥
wow!..galing!
pun0 ng emosyon...
excited na ako sa susun0d na chaps...sana lahat kulitan nilang 2 ni dave at alex..hehe..
keep it up author Z!
_sr143.
z thnks sa update. about what u said last nyt na last story mo na to, nalungkot tlga ako. anyways kung saan ka masaya suportahan jud tka.
D*mn! Bakit naman sa part na yun pa binitin!!!?? Haha!
Next na po please! Ito kasi yung paborito kong part sa mga story.
--ANDY
zephiel sobrang excited na ako sa next chapter, umuusok na ang pwet ko!! Ang ganda talaga!!
Please wag muna itong Chances ang last story mo. Paano na sila Nicollo na friends ni Alex? Paano na ang pusang si Karupin?? Gawan mo din sila ng love story!! Haha! Please!!
Nakakamiz agad kahit hindi ka pa umaalis. :(
--ANDY
tagal neto ah,bitin,but still good. whew! XD
Bittersweet ang fact na ito na yung huling kwento mo. Sad, kasi mamimiss ka namin, pero happy narin kasi alam namin na magiging happy ka naman. Naniniwala ako na hindi ito ang magiging last mo. Matatagalan bago may bago ulit, but definitely this would not be your last :)
nkakalungkot isiping ang tao’y nkikita lng ang pgkakamali ng iba na kung tutuusin ay hndi rn tayo cgurado kung mali nga ba ang nkta ntin o tayo lng ang ng-isip na mali ito sa dahilang isinara natin ang ating pang-unawa para sa taong yun, dahilan upang msaktan tayo..tayo ang nananakit sa sarili natin dahil humuhusga agad tayo...
a book always have two sides, kung hindi tayo magba2sa from front cover to back cover, hindi natin malalaman ang buong kwento..
open your mind, open your heart.. learn to think out of the box, learn to think more than what you see, listen to the others’ side of the story...
fate has a unique way to etch our lives, and we have a way to change fate herself...
hnbaan q na comment q at d nq nglagay ng violent reaction(lol) dhl ito na ang huli... tc nlang ampalaya
i bid thee farewell :)
Nxt chapter na po
Z? Bakit huling kwento na? Mga kwento mo pa naman ang nagbibigay sigla saken. Pero if stopping writing makes you happy, i will support you po. Mahal kita Z. Tandaan mo po yan. Ingatz and Godbless...
wawawawawa ang daya..asan na yung next chapter??? waaaaaah :D
pero naguluhan lang ako dun sa part na nakita ni Alex na nakikipaglampungan si Dave kay Sonja. kung wala na si Dave at Sonja at talagang andun lang si Sonja para guluhin yung relasyon ni Dave at Alex, bakit may ganun pa?
R.J: Malalaman mo rin ang reason why hihihihi.... Kung baga ang nagseselos na side lang ni Alex ang nakita natin sa POV nia di pa natin alam kung ano ba ang iniisip ni Dave sa mga oras na iyon.. hkhkhkhk na miss ko ang pagtatanong mo :)
wala masyadong typos kuya. haha.
Bitin talaga. pero ang ganda.
Natatawa sa setup nina Alex at Dave... ehhehe
Dba ilang araw na din ang lumipas, bat sumuko din agad c Dave?... D nya pa nakausap c Alex...
Talagang broadcaster 'tong c Brian no, half-half din ba xa?... hehehe
Sana maayos nila ang gusot... Damn sonja...
Haaa???? Last 3 Chapters nalang.. Nakakalungkot mang isipin pero lahat ng istorya ay may katapusan pero para sa isang ito ay sana mas humaba pa. Ayaw ko namang pangunahan ang awtor ngunit sana may sumunod na istorya pa after nito.hmmmp:( Zek sa iyong patuloy na pkikibaka sa buhay nawa ay magsilbing inspirasyon kaming mga tagasubaybay mo upang sumulat ka pa ng mga naiibang istorya tulad nito at maipapangako naming patuloy namin itong susuportahan.
-Hooooy! Alex, kinabog mo ng tunay na tunay sa kagandahan si Sonja! Haha. Wag ka masyado mag self pity, and please consider Dave's side first. Ask for explanation before jumping into conclusion! Maygad!
-at Dave! Hehe. Maxado kang brutal. Eh bkt mo naman binugbog si Brian? Diba frnds kau? Hehe. At any rate, siguro ay bugso ng damdamin ang nagdulot nyan sayo at lahat ng yan ay nagawa mo dhil kay para kay Alex! Keep up!
_this chapter is extremely moving, napapa'shit' na naman ako every paragraph haha.
KEEP UP THE GOOD WORK ZEK!!!
Pat
Tagasubaybay
haizt bakit aman kc d agad sya kumilos. c dave, alam nyang may mali , d pa nya inaus agad. dapat tumulong na ang kuya at partner nitong c red para magkaliwanagan agad at d na lumala ang situation. . . suggestion lng po. he he he. next chapter plzzz.
si sonja pala ang salarin, hmpft!
May something kina sonja at brian...haha mga hitad!pakuluan silang dalwa sa mainit na mantika na parang chicharon at sunugin sa nagbabagang lava ng mt.apo!!!mapanira ng moment mga talipandas walang kwentang kaibigan at karelasyon...pero d magiging maganda ang story kung wala cla.walng inggetero at inggeterang palaka...hehehe...pero naaawa ako kay alex...bka mag resign pa sya...wawa nmn...alex im planning na mag tayo ng business,dito ka nlng sa amin ng mga classmates ko...manager ka agad...hehehe
Kuya Z,ikaw ba si dave dito?hehehe.pumnta si dave sa manila then sa pagbalik nya may dala syang isang nakakabwesit na hitad...ikaw nmn,pumunta ka sa manila kaya nahinto ng sandali ang pag kwento,pero sa pagbalik mo,maydala kang bad news for us na last mo na itong pagkwewento!!!
Observation ko lang kababayan ko...hehe
hahahah..parehong pareho kami ni renzell dave magalit..hahaha..wagas na wagas..at pareho naman kami ni alex kapag nasasaktan..
kuya zeke congratulations sa chapter na to..ngayon naintindihan ko na ibig sabihin dun sa sinabi ni red na nilagay mo rin sa chatbox para makapagcomment kami..hehe..
looking forward sa mga next chapters..
-Jay
First of all my sincere apology to the author of this story... for since I started reading this story I was among the silent readers. I enjoyed reading the series of chapters but didn't left any comment at all....I accept this is so far the best M2M story I read that I was much amazed and in loved with on how the story happened...
Again to zephiel.... my sincere apology again but most KUDOS for all your effort to entertain us your readers about your story...
Pertaining on what you have said earlier this will be your last story but hoping and wishing upon the shooting star that you can still find time to write more stories like this.. and am much forging it most!
Though we know and understand you have more responsibilities and obligations to do for you to survive in this demanding world but hope and yet still you can have a little spare time to write more...
again and again... my best wishes for you and more success!
.hai kuya.8x me agen.anu ung huling storya cnasab mo?sori ngaun ul8 nkpgkoMent bc s skul eh.heheh.
.lakoNg gumaganda storya sana ds s nOt d last story na gagawin mo.
.an taga Leyte inin.heheh.
I tried 2 add u s fb kaso naka2hiya eh.
anyway kuya u r frm palo aQ alangalang nMn po.heheh.
.bsta masa2bi ko IDOL kita kh8 mnsan lng aQ mgcoMment.
.kudos kuya.
I hope this story would be longer. I will surely miss the silent bitch Alex and the sweetest guy... EVER which is Dave. I love them so much that even I'm travelling and out-of-town, , at work and whether I use my friend's laptop or my BlackBerry I can't stop reading it and I'm waiting for updates ALWAYS!! Good job, Mr. Author!! You made my heart happy and madly in love. KUDOS!! :)
Waaaahhhh... Mixed emotions... Grrrr...
-jemyro
hi Mr. Author.. my apologies for not reading your story earlier.. foolish me.. hehehe
just want to say im officially a fan of Dave and Alex.. hehe.. i know it's somewhat wrong to get attached sa mga characters but i just can't help it.. i sooo love these two.. hehe
looking forward sa next chapters..
God bless.. -- Roan ^^,
aba at ang malditang sonja na un ha!?hmp...pero infairness ang gaganda ng payo ni red ko!hahaha,.
-monty
Post a Comment