Wednesday, February 29, 2012

Ang Matalik Na Magkaibigan Chapter 04


Written by: DranieM/Dranski


Pauna:

Sa mga naghihintay ng chapter na ito this is it! THIS IS REALLY IT! hahahaha enjoy reading nalang guys and keep the damn comments coming para naman masiyahan si author Dranski.


Next week ay sisimulan ko nang i-post ang Chapters ng Make Believe tapos na ang pahinga ko at na reformat ko na ang 2mb kong utak kaya balik na ulit sa business. hihihihi


Sana ay ma enjoy niyo ang chapter na ito! Ingat tayo lageh!!! Zildjian




               

                Napako ako sa pag kakatayo ko ng mga oras na yon hindi ko alam ang gagawin ko, naisip ko hindi dapat ako magpaapekto sa nakita ko sanay na ako kay Sy na laging may kasamang babae at laging may kaharutan, ang pinagkaiba lang si Iris ang babaeng kasama niya ngayon isang babaeng minsan ng naging malapit sa buhay ko. Pero bakit ganito ang naramdaman ko? Sa oras na yon pumasok sa isip ko ang nakaraan namin ni JM, natatakot lang ba akong iwanan ulit ng matalik na kaibigan gaya ng ginawa ni JM, natatakot lang akong mawala din sa buhay ko si Sy.


"Hi Zach good morning." Bati sakin ni Iris kaya natauhan ako


"Ah good morning din" bati ko naman sa kanila sabay ngiti, nginitian naman ako ni Iris pabalik pero si Sy nakatingin lang sakin walang bahid ng emosyon ang mukha niya


"Ang aga mo yata pumasok Zach?" tanong ni Iris sakin


"Halata namang mas maaga kayo" biro ko sa kanila


"Ahm pumunta lang ako para mag paalam kay Sy na magleleave ako.." ewan ko bakit yun ang lumabas sa bibig ko kaya paninindigan ko na lang, tinignan naman ako ni Sy medyo nakasimangot na ito


"Baket?" maikling tanong niya


"May kailangan lang ako asikasuhin," sagot ko agad sa kanya halata ang pagiging seryoso sa mukha niya


"Ok, how long will you be gone?" dugtong niya


"Ngayon lang"


"Actually make that 5 days uuwi na din ako sa probinsiya para madalaw si Papang at Yumi" dugtong ko bigla ko kasi naisip na kailangan ko mag unwind para makalimutan tong nararamdaman ko at para makapagrelax na din..


"No you can't be gone for that long, We need... I mean Man's Diner needs you", kontra niya lumaki naman ang mata ko


"Sy! Hindi ako preso dito!", hindi ko maiwasang lumakas ang boses, natahimik naman kaming tatlo dahil don


"Iris can you wait for me outside I just need to talk to Zach", pakiusap nito kay Iris


"Are you guys okay?" usisa niya


"Yes babe were fine" mabilis na sagot niya kay Iris at ang kumag may babe pa mukhang sila na nga talaga


                Agad naman lumabas ng office si Iris at isinara ang pinto ilang minutong katahimikan ang namagitan samin ni Sy naka upo lang ito sa sofa at ako naman nakatayo at nakasandal sa gilid ng pintuan. Hindi ko talaga alam kung bakit nagkakaganito si Sy sanay ako sa mga kalokohan niya at kabaliwan niya pero ngayon ko lang siya nakitang ganito ka seryoso. Kilala ko si Sy alam kong may tinatago ito sakin. Lumipas ang limang minuto wala pa rin kumikibo samin.


"Sabi mo kakausapin mo ko, eah bakit parang di mo ko nakikita?" umpisa ko dahil naiinip na din ako


"Nakikipagkita ka ba kay Glen? Siya ba ang dahilan bakit ka magleleave?" seryosong tanong nito kaya naguluhan ako


"What the hell are you talking about? bakit napasok si Glen dito?" sagot ko agad


"Answer my question Zach"


"Ano bang tingin mo sakin ha? Bakla? para makipagkita sa kanya?" Inis kong sagot


"I said answer me?!" malakas na sigaw ni Sy kaya nag init ang tenga ko


"Damn it Stephano! wag mo akong sisigawan! hindi kita naging bestfriend para sigawan lang ako!" galit na sagot ko dahil ayoko sa ng sinisigawan ako.


"Bestfriend?? ako nga ba ang bestfriend mo o si Glen na ang Best friend mo ha?" sarkastikong sagot niya, hindi ko naman mapigilang mapatawa sa reaksiyon niya


"Stupid.  Nagseselos ka na naman ba ha?" natatawa kong tanong sa kanya halata namang medyo namula ito.  Agad ko naman itong tinabihan sa sofa at inakbayan sabay  hawak ko sa baba niya at hinarap ang mukha niya sakin


"Gago ka! isang linggo mo akong pinag isip kung bakit mo ko iniiwasan yun pala nagseselos ka lang kay Glen" pangaasar ko sa kanya


"Baliw bakit ako magseselos jowa ba kita ha? pinagpapalit mo na kasi ako sa kanya, nag pahatid kapa nga diba" pilosopong sagot nito


"Jowa ba agad pag nag selos? siyempre bestfriend kita kaya may karapatan ka magselos noh" paglalambing ko naman dito


"Pero seriously nagmagandang loob lang si Glen nung hinatid niya ko last time na pagkikita namen nung inaway mo siya" dugtong ko para mawala na ang hinala nito


"Eah sino naghahatid sayo this past week?"


"Wala commute ako no ang gastos nga eah" sagot ko sabay tawa



                Umabot din ng mga tatlumpong minuto ang usapan namin ni Sy. Nalaman ko din na hindi pa talaga sila ni Iris at humihingi lang ito ng advice dahil gusto makipagbalikan ng ex ni Iris sa kanya, at biruan lang yong babe.

                Inamin ko din na wala naman talaga akong aayusin ngayong araw kaya uuwi na agad ako ng probinsiya pero pupunta muna ako ng mall para mamili ng mga pasalubong para kila Papang at Yumi. Nagkasundo naman kame na sasamahan niya akong mamili sa mall ng mga kailangan ko. bago namin tunguhin ang mall ay hinatid muna namin si Iris sa location ng photoshoot nila malapit lang pala ito kaya naisipan niyang dumaan ng resto. 

                Dumeretso kame sa pinakamalapit na mall at hinintay itong magbukas, agad agad kaming namili ng mga pasalubong para sa pamilya ko at mga kaibigan na din, tatlong buwan nadin kasi nang huli ko silang dinalaw kaya miss ko na din ang pamilya ko. Sila lang ang dahilan ko kaya nagpursigi akong makatapos at magkatrabaho salamat sa tulong ng best friend ko naging madali ang lahat para sakin. 


                Tulad ng inaasahan madame nanaman biniling regalo si Sy para kila Papang at Yumi, nakababatang kapatid na din kasi ang turing ni Sy kay Yumi palibhasa bunso ganun din naman kay Papang, tunay na ama na ang turing niya dito dahil bata palang si Sy ng pumanaw ang ama nito ganun din naman ang pamilya ko parang kadugo narin ang turing nila kay Sy.


"Masyado yata tayong madaming pinamili baka hindi ko na to madala." reklamo ko habang pauwi kame sa condo ko


"Anu ka ba tutulungan naman kita eah, pag luwas natin mamaya" sagot nito


"Hoy hoy Stephano walang NATIN na uuwi ng probinsiya kundi ako lang, panu ung resto sino magbabantay?" kontra ko


"Nandoon naman si Ralph kaya na niya imanage yun, saka bakit di mo ko isasama ha?"


"Kahit na kailangan ka pa din sa resto no!" palusot ko pero ang totoo gusto ko kasi mapag isa


"Hay naku ulo mo kaya palit ko dito sa manibela? basta sasama ako" pangungulit nito


"Ano kaba paano ako makakapag unwind kung nandon ka? sigurado mangungulit at susundan mo lang ako" pagbara ko sa kanya


"Edi dun lang ako sa bahay.." kontra niya pa


"Stephano Yosuke walang peace of mind pag nandon ka saka 1 week lang ako mawawala itetext naman kita"


"Hay ewan ko sayo nakakatampo ka!" si Sy halatang nagmamaktol ito


"Naku dude nagtatampo ka na naman, kiss na lang kita wag ka na tampo" sabay amba na hahalikan siya


"Tumigil ka nga baka mabangga tayo!" ang kamay nito nakahawak sa mukha ko


                Buong  byahe kinukulit ko si Sy para hindi magtampo hanggang makarating kame sa building kung nasan ang unit ko. Pag ka pasok namin ay agad kong inayus ang damit ko na gagamitin sa pag uwi ng probinsiya. Si Sy nakadapa sa kama at nakatingin lang sakin halatang nagtatampo pa rin ito dahil hindi ko siya isasama hindi ko na lang muna siya pinansin para hindi masyadong magtampo...


"Hindi mo ba talaga ako isasama?" tanong nito halatang matamlay ito


"Sy promise next time na uuwi isasama na kita, pagbigyan mo muna ko ngayon ha? please??" paglalambing ko sa kanya sabay masahe ng magkabilang balikat niya


"Oh gamitin mo to.." inabot niya sakin ang susi ng kotse niya


"Ayoko wala kang gagamitin pag pasok mo" kontra ko


"Ano ka ba pwede ko naman hiramin kay Mom yung isang kotse, hindi mo na nga ako isasama tumatanggi ka pa? balian na kaya kita?" inis na sagot niya


"Hay Sy salamat ha ang swerte ko bestfriend kita! mwah!" sa sobrang tuwa ko ay nahalikan ko si Sy sa pisngi na halatang ikinagulat namin pareho


"Ah.. Eh.. dito ka na maglunch, ipagluluto kita para makabawi ako sayo.." pagdadahilan ko para ma divert ang nangyare


"Ahm... Sige gusto ko pasta ah yung favorite ko"


"Sure no problem sir"


                Pagkatapos naming magtanghalian ay nagpasya nakong umalis para maaga din akong makauwi sa probinsiya. Nagpaiwan muna si Sy sa condo at binilinan ko na lang isara ito kapag umalis siya. Mahabang byahe din ang daan papunta samin buti na lang at gamit ko ang kotse ni Sy mas mabilis at mas safe ang magiging byahe ko...


                                                                                                Samantala sa Condo......


                Magisa lang don si Sy at nanonood ng TV habang kumakain ng natirang pasta na niluto ko para sa kanya, pinadagdagan niya kasi yun para daw maging dinner niya.


"Hello Mom its me you're handsome son.. How's you're day?" habang kausap si Tita Elsie sa cellphone niya


"Okay naman ang buhay ng magandang mom mo" sagot nito


"Hai naku mom nagmana talaga ko sayo" bola pa nito


"Wag kana mambola Sy alam kong may sasabihin ka" pagbara ni Tita


"Kabisado mo na talaga ko, I'll be staying in Zach's condo for tonignt so don't wait for me ok?" paliwanag ni Sy


"So kasama mo ba ang BESTFRIEND mo??" sarkastikong pangaasar ni Tita


"Mom! Hindi ko siya kasama umuwi siya ng province. So I decided to stay here..." sabay buntong hininga


"Cause you'll miss him if you don't?" dugtong naman nito


"Of course Mom... definitely... sige mom see you tomorrow love you" paalam ni Sy


"Love you anak"




                Alas syete ng gabi ng makarating ako sa bahay namin sa probinsiya, isang palapag lang ang aming bahay pero tatlo ang kwarto, isang kusina at banyo, napaayos na din ni Papang ang bahay sa tulong ng mga pinapadala ko sa kanya pag sweldo ko. Sinalubong naman agad ako ni Yumi ng makita niya ang kotse ni Sy akala nito ay kasama ko si Sy kaya excited ang bata, dismayado man ay tinulungan niya parin akong magbuhat ng mga dala ko.


"Pang si Kuya nandito na!" Sigaw ni Yumi kasalukayan kasing nagluluto ito ng hapunan, sa kanya ko namana ang galing sa pagluluto.


"Oh anak dumiretso na kayo dito sa kusina at handa na ang hapunan sakto niluto ko paborito mo" Alok samin ni Papang.


"Eah pang lage naman yan niluluto mo pag namimiss
 mo si kuya nakakapurga kaya" biro ni Yumi


"Hoy spoiled bratt pasalamat ka at may kinakain ka eah kung pampurga talaga pakain ko sayo" kontra ko naman.


"Pang o si kuya umuwi para awayin ako!" sumbong niya kay papang at dila sakin


"Naku Zach anak wag mu na pansinin si Yumi namiss ka lang niyan" paliwanag ni papang


"Totoo ba yon Yumi?" tanong ko ng may paglalambing at tango ang isinagot sakin nito nakakataba talaga ng puso kapag may nagmamahal sayo


                Naging masaya ang hapunan na iyon puno ng tawanan, kwentuhan at asaran ito ang namiss ko pag nasa maynila ako kaya sisiguraduhin kong susulitin ko ito. Matapos ang hapunan ay hinalungkat na namin ang mga pasalubong namin ni Sy sa kanila, si Papang nakatanggap ng damit at sapatos mula kay Sy pero siyempre ako cash na lang ang binigay ko at mga grocery na binili namin ni Sy sa mall kanina.  Kay Yumi ang regalo ko ay bagong cellphone dahil ito ang pangako ko sa kanya pagka graduate nito ng high school, 1st yr college na si Yumi ngayon sa kursong Nursing dito sa aming probinsiya pero ang regalo ni Sy ang labis na ikinatuwa ni Yumi isa itong laptop na matagal nang pangarap ni Yumi sa sobrang tuwa ay nahilakan ako nito sa pisngi na lalong nagpasaya sakin.

               
                Pagkatapos namin sa pasalubong ay pumasok na ko sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Agad kong tinext si Sy para sabihing masayang masaya si Yumi sa regalo niya, kinamusta ko rin si Sy. magkatext kame buong gabi hanggang sa makatulog ako sa sobrang pagod.


                Martes....
                Itong araw kong ito sa probinsiya ay ginugol ko kasama si Papang at Yumi. niyaya ko sila sa pinakamagandang beach dito sa aming probinsiya. Swimming, kainan, takbuhan, asaran siyempre di mawawala ang picture picture, si papang nga ang nagsilbing photographer namin ni Yumi. buong araw kaming masaya ng pamilya ko.


                Miyerkules...
                Ginamit ko ang araw na ito para dalawin ang mga kaibigan at kababata ko dito sa probinsiya na sina Liza, Anthony, Nario at Marlo sila ang mga malalapit kong kaibigan dito sa probinsiya. Dinalaw ko din ang ilan kong kamag anak masaya naman iyon pero as usual dumilihensiya na naman sila akala kasi sakin ay mayaman nako pero okay lang yon tulong ko na rin iyon sa kanila dahil pamilya ko sila...


                Huwebes...
                Hindi maganda nag araw na ito para sakin dahil sa hospital ko ginugol ang buong araw, pinacheck up ko kasi si Pang dahil palagi daw ito nahihirapang huminga. Madameng laboratory din kasi ang ginawa sa kanya. Gabi na kame nakauwi ni Papang dahil pinasyal ko pa ito after ng check up para masiyahan ito.


                Biyernes...
                Isang malakas na katok ang gumising sakin ng umagang iyon si Yumi pala ito.


"Kuya gising na may bisita ka! aalis muna ako at may bibilin lang ako sa botika" sigaw nito mula sa pinto


"Sige lalabas nako." ang tanging nasagot ko at narinig kong umalis na siya


                Agad agad akong bumangon para harapin ang bisita ko daw, naghilamos at nagmumog na lang muna ko para hindi na mag hintay ng matagal ang bisita. Malamang si Sy ang bisita ko hindi na naman siguro nakatiis at sumunod din, yan ang tumakbo sa isip ko. Nag bihis ako dahil boxer lang ang suot kong pantulog. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa sala kung san nandoon ang bisita. Nang makita ko ang bisita napansin kong gwapo ito, namukaan ko agad ito gulat na gulat ako, di ko alam kung anong nararamdaman ko sa sandaling iyon halo halong emosyon galit, pagkatuwa, pagkasabik inis at lungkot ng makita ko siya, ang taong nagpahirap sakin ng ilang taon, nangilid bigla ang luha ko ng makita ko siya, gusto ko man siyang bastusin ay hindi ko magawa dahil nandoon din si Papang sa bahay.


"Hey Zach good morning, how are you?" tanong nito


"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka welcome dito" Bulong kong sagot sa kanya


"Ouch! that hurts. Didn't you missed me? its almost 10 years since i last saw you?" wala na kong paki kahit masaktan ko siya kulang pa yan sa sakit na nagwa niya sakin noon


"Oo 10 years! 10 years ka ng hindi nag eexist sa buhay ko tapos babalik ka?" bulong ko pero halatang pigil ang galit ko


"Bumalik ako hoping na pwede ko pa tuparin ang pangako ko sayo.."  malungkot niyang sagot at napailing naman ako


                Narinig kong paparating na si Yumi dahil maingay ito at mukhang may kasamang lalake,  isang pamilyar na mukha. Si Sy!


"Kuya dumating si Kuya Sy oh!" tuwang tuwa na sigaw ni Yumi


"Good Morning Zach hehe pasensiya na hindi ko napigilan sarili ko" bungad nito, hindi naman ako makakilos sa sobrang kaba.


"Oh may bisita pala kayo! Good Morning I'm Sy.." sabay abot ng kamay nito tulala padin akong nakatingin kay Sy


"Ah same to you tol, Jerich Miguel... JM for Short" at inabot din nito ang kamay niya kay Zach


                Hindi ako makagalaw, hindi makapagsalita dala ng takot at kaba. Ang dalawang tao sa harap ko ang Bestfriend ko at ang date kong best friend. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari sa mga sandaling ito... tanging gusto ko mangyari ay patigilin ang oras!












(Itutuloy)

26 comments:

--makki-- said...

OMG! BestFriend Vs. Ex-BestFriend!

This is it na nga! Excited na ko sa Turning Point ng story na ito!

:)

Anonymous said...

nice1 dranski.. sabi mo di ka pa nakakapag start magsulat.. hehehe
galing talaga..


pangz

Anonymous said...

mr. author, mr. dranski congrats!

ganda ng chapter n to!

kilig much! tpos.....pigil hinga much!

haaaaaaaaaaaaaaaaay.......... Sy at JM!
JM at Sy.........haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!

Congrats uli! kip it up! :))

-ASD-

James Chill said...

I smell war!!! Hehe...

Ganda ng chhapter... Sana mas mahaba yung next... Hihi...

Galing galing...

Anonymous said...

Ayan na!!
Mga best friend
Nagdatingan na..

Ganda ng story..

Vin

Lawfer said...

nkakaamoy aq ng gulaman x3

Anonymous said...

nice ganda


next na po

Yume said...

leche k dranski!
pangbungad ng morning q etong story mo!
hahaha
kinabahan aq wew..
naexcite aq s next n mangyayare

JayAr said...

i'm one of your readers. i love your story! hehehehe hope for the next chapter soon.

rion said...

ndi p kc mg-aminan ng nrramdaman!!!dpat b lging my klban pra lng kmilos???

rion said...

ndi p kc mg-aminan ng nrramdaman!!!dpat b kklos lng f my kaagaw n???

Yume said...

anu b yan ndi napost ata ung comment ko hahaha :)
pero ulitin ko n lng
hahahhahahahahha Dranski ur ryt mawawala agalit ko d2 s chap n toh..
excited nmn aq s next chap mo!
clash na!

Yume said...

>.<

Master_lee#027 said...

WTF?
BESTFRIEND FROM THE PRESENT VS. BESTFRIEND FROM THE PAST? Hmmmmm i smell something fishy...ahahha

Nakunaku paganda ng paganda ah can't wait for the next chapter:D

Anonymous said...

waahhh..!! super exciting sigurado ng next chapter.. hehe

THIS MEANS WAR kaya ang mangyayari.. hahahahaha

God bless.. -- Roan ^^,

j20green said...

Wow mr. Dranskie. D best ang ganda ng story. Ms ppananabikan. Nxt chap n po plsss. Tnx

Jamespottt said...

okay, the turning point of this story is near. Gondo!

Anonymous said...

torn between two bestfriends haha...

jan kurt said...

awtsss hirap naman situation yan he he he . magandang susunod na eksena pagganito. Bilisan po next chapter .

Anonymous said...

wahahaha! yun yon eh!! XD
bring out the heavy artillery!

salamat po mr. author!

-carlo8-

Anonymous said...

zach,,,, ngayung dumating na ang long lost friend mo na handang makipag balikan sa u.... malamang may malaking tensyun sa kanilang dalawa ni sy.... sino ngayun ang matimbang sa puso mo....

ramy from qatar

Anonymous said...

next chapter please makati boy

Anonymous said...

The present and the past tsk tsk tsk.
Cno kya ang pipiliin prang "ouch"
and extra si yume hahahaha
Ganda nya light lang ang chapter ngayon :) di masakit sa dibdib hahaha
next chapter pls.
Congrats Dranski kaw na ang susunod na mr. otor :)

-Jekjec-

russ said...

sana sabihin nila sy at jm na may the best man wins..ganun author cant wait..

Unknown said...

Hehe..ang ganda nito a, buti nkita ko..

Unknown said...

Hehe..ganda nito a buti nkita ko to..

Post a Comment