By: FUGI
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha
Ian: masyado naman agad kayong close ni anthony ha! At magkasama pa pala kayo kahapon sa mall at alam na rin niya kung saan ka nakatira (at sunod- sunod niyang bulong sa akin na may bahid pag-iimbestiga) (selos ba yan? SANA! Assumero hahahahaha pero nakakakilig naman di ba di ba?? Hehe)
Hindi agad
ako nakatugon sa kanya, parang nawala ako sa realidad sa mga sandali na iyon.
Ang nararamdaman ko lang ay nag-iba ang pattern ng shakra sa katawan ko (Yes!
naisingit ko na naman ang anime addiction ko. Hehehe), parang lahat nang mga
involuntary mascles ko sa katawan ay bumilis kesa normal lalong lalo na ang
aking cardiac muscle, na naging dahilan para mabilisan mai-pump lahat ng dugo
sa pulmonary at systemic circulations ko (hahaha masyado na bang technical sa
terms?? Hehehe hindi naman;]
Hoy! Sabay
alog sa akin ian gamit ang braso niyang nakaakbay sa akin na nagpabalik sa
aking diwa
Ah!. Eh..
a...ano... ano nga...ng tinatanong mo?? Nauutal kong tanong sa kanya
Bakit
masyado na ata kayong malapit sa isat isa ni anthony na iyon? Kelan pa ba kayo
magkakilala? Ang pag-uulit ni ian sa kanyang tanong na nasa normal na boses
pero may himig pag-uusisa
At kinuwento
ko nga sa kanya simula kung paano nakami nagtagpo ni anthony kahapon hanggang
sa sinamahan niya ako sa mall, kung paano niya nalaman na meron pala akong
hidden talent 9na ayaw ko sana ilabas kasi kasi pumasok sa isip ko si ian,,
hehehe) at ang paghatid nito sa kanto papunta sa amin at higit sa lahat ay ang
paglilinaw na hindi alam ni anthony ang bahay ko kundi yung kanto lang papunta
doon
Ian: kahapon
lang pero ganoon na agad kayo kaclose? (may kakaibang himig sa tanong niya pero
hindi ko na lang inansin)
Ako: paano
mabait naman kasi siya (pagrarason ko at hindi na nga umimik pa si ian)
Nang
makapunta na kami kung saan nakapark si drey ay iniabot ko kay ian ang helmet
at sumakay na ako at pinaandar ang makina pagkatapos ay sumakay na rin siya.
Nang makalayo na kami sa campus
Ian: kain
tayo (bulong na aya nito sa akin)
Ako: sige
ako naman taya, ok?
Ian: wag na,
ako na lang ulit ako naman nagyaya tsaka hindi ba pinag-iiponan mo pambili dun
sa piano, ano nga ulit pinangalan mo doon (nakakatawa naman na tanda niya pa
yon, hehe)
Ako: Piyoy
ang pangalan, sige KKB na lang
Ian: ang
kulit sabing ako na lang ang bahala, tsaka bayad ko na din ito sa pagsundo mo
sa akin kanina at paghatid sa akin ngayon pati sa pagiging maalaga sa akin
Ako: anong
pinagsasabi mo dyan? (kinakabahan kong tanong? Obvious ba masyado?), nagkataon
lang yung kanina kaya nagmagandang loob ako na isabay ka at pati ngayon since
madadaan ko naman yung sa inyo (dagdag kong pangangatwiran)
Ian: hooh...
alam ko na sobrang concern ka sa akin, dahil siguro nung nakapag-open ako sa
iyo ng problema ko sa iyo, sobrang pilit mo kasi, pero masaya ako at may isang
ikaw na dumating para alalayan ay pagaanin ang nararamdaman ko, (wa parang
nawala ako sa sinabi niyang ito “dahil may isang ikaw” at yan lang ang tinanggap
ng utak ko.. ayiiee) salamat at
nakatagpo ako ng isang kaibigan sayo, isang mabuting kaibigan (dagdag nasabi ni
ian na nagpabalik sa aking pagkawala, sabing KAIBIGAN lang,, hehehe pero OK!
Basta lagi lang ako sa tabi mo)
Ako: drama
mo pala rich kid ih! (biro ko sa kanya), daan muna tayo Basilica ha! Bago tayo
kumain (dagdag ko)
Ian: sige ba
(masigla nitong sabi)
Mabilis
naman kaming nakarating sa Basilica, pagkapasok at pumunta kami sa medyo harap
at umupo, ilang saglit lang at sabay kami ni ian lumuhod at taimtim na nagdasal
(ilang minutong katahimikan mga pipz at sabay sabay tayong magdasal)
............................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................
Amen!
Nauna sa
akin si ian at umupo na nga ito at inantay akong matapos magdasal, pagkatapos
ko ay inaya ko siya sa sindihan ng kandila para sa humiling.
Ako: tara
doon (yaya ko dito sabay turo doon) at magwish tayo (dagdag ko)
Pagkatayo
namin ay agad namin iyon tinungo, pagkahulog ng bayad sa may parang alkansya na
lalagyan ay kumuha ako ng tatlong kandila, nagtaka naman ako kung bakit hindi kumuha
ng kandili si ian ibinigay ko sa kanya yung iba kong kandila pero tumanggi ito
kaya ako na lang ang nagsindi at humiling. Pagkatapos ay itinanong ako ni ian
kung ano daw winish ko.
Ako: para sa
unang kandila ang hiniling ko ay para sa family ko na sana lagi sana nasa
mabuting kalagayan lalong lalo na ang papa ko, si kuya Miguel at asawa nito na
si ate Isabel pati na rin si kuya Justin na malayo sa amin, good health sa
bawat isa sa amin, yung pangalawa naman ay para sa pag-aaral natin na sana ay
maging maayos at sabay sabay nating matapos ang kursong ito at makapasa sa
board exam at pangatlo para sayo
Ian: bakit
para sa akin?
Ako: ayaw mo
kasi kaya ako na lang ang gumawa para sayo (ang nangingiti kong sabi dito na
ginantihan naman niya ng napakatamis na ngiti na talaga naman nakakawala ng ulirat,
buti na lang ay nakaiwas agad ako sa kanyang mga tingin at ngiti baka mawalan
ako ng control, hehehe)
Ian: ano
naman ang hiniling mo para sa akin? (ang usisang pagtatanong nito at patuloy
parin sa pagngiti)
Ako: na sana
maging masaya ka kahit wala pansamantala yung sinasabi mong kalahati ng buhay
mo, ang girlfriend mo, na sana wag mo na uling sasarhan ang sarili mo sa mga
taong gusto pumasok sa buhay mo (at medyo seryoso kong sabi dito habang
nakatingin sa mga nakasinding kandila) at syempre (sabay harap ko sa kanya)
dapat maging habit mo na ang pagngiti ulit dahil bagay iyon sa iyo, tamana muna
ang simangot at pa-mysterious effect mo (ang biro ko sa kanya at pareho nga kaming
nangiti)
Lumapit
naman ito sa akin at bumulong
Salamat, at
pagkasabi ni ian nito ay naghulog siya ng barya sa parang alkansya kung saan
nakasilid ang mga bayad sa kandila at kumuha ito ng isa at nagsindi pagkatapos
ay nakita ko itong pumikit sensyales ata na humihiling din ito at pagkatapos
nito ay tinanong ko ito...)
Ako: o ano
hiniling mo?
Ian:
nagpasalamat lang ako dahil dumating ka sa akin at sa kaunting panahon palang
nating magkakilala ang dami mo nang nagawa sa akin at ang dami mo ring
ipinaintindi sa akin, SANA LAGI KA LANG SA TABI KO (seryosong sabi nito habang
nakatingin sa kandilang sinindihan niya), pwede ba yon fugi? (tanong niya sabay
harap sa akin)
Tumango lang
ako bilang pagsang-ayon at ngumiti sa kanya
(LAGI LANG
AKO SA TABI MO HANGGA’T HINDI MO SINASABI NA “HINDI NA KITA KAILANGAN”, NA
HINDI KITA BIBITAWAN HANGGANG PATULOY ANG PAGHAWAK MO SA AKIN, KAHIT BILANG
ISANG KAIBIGAN LANG, bulong ko sa sarili ko)
Tahimik
kaming lumabas at tinungo si drey, nang makasakay na kami kay drey..
Ian: saan mo
gusto kumain
Ako: doon
tayo “kung saan bida ang saya”
Ian: ha??
Nagugulungang tanong nito
Ako: sa
JOLLIBEE,,,,,,, sa Jollibee bida tayo
wala nang iba, sa Jollibee bida ang saya (ang parang bata kong pagkanta ng
theme song noon at natawa naman si ian sa ginawa ko)
Ian:
talagang alam mo ang kanta nila ah (habang patuloy parin sa pagtawa)
Ako: syempre
(proud kong sabi at pinaandar ko na si drey)
Pagpasok
namin sa Jollibee ay saktong piniplay ang kantang “dito tayo, dito tayo kung
san bida ang bata, sa Jollibee bida tayo wala nang iba, sa Jollibee bida ang
saya”, nagkatinginan naman kami ni ian at sabay napatawa(hehehe)
Ako: sabi
sayo ih! (at tumawa kaming pumila sa counter)
Ian: anong
sayo?
Ako: ahm..
Jolly spaghetti, burger with TLC, large fries, sundae, regular coke
Ian: hindi
ka halatang gutom ah!
Ako: paano
libre mo naman kaya sinusulit ko na (natatawa kong sabi sa kanya)
Ian: ah!
Kaya pala, sige na hanap ka nang matatayuan natin
At sinunod
ko na na nga siya wala pang limang minuto ay dumating na ito dala ang inorder
nito. Habang nilalantakan ko ang jolly spaghetti ko at burger with TLC hindi ko
namalayan na mayo at sauce ng spaghetti sa paligid ng mga labi ko
Ian: ano ba
yan fugi ang kalat mo kumain
Ako: anong
makalat tingnan mo nga ito said (sabay pakita ko ng styro na pinaglalagyan ng
spaghetti), kitams simot (dagdag ko)
Ian: eh ito
(sabay lapit niya ng hinlalaki niya sa labi ko at ang hintuturo ay umangkla sa
baba ko, pagkatapos ay ipinahid niya ang hinlalaki niya simula sa kanang dulo
ng labi ko pailalim patungo sa kaliwang dulo, natulala naman ako sa ginawa niya
na parang ilang boltaheng kuryenta ang pumasok sa lahat ng sulok ng katawan ko,
dahan dahan naman inalis ni ian ang mga kamay niya sa akong baba at labi), yan
o nagkalat ang mayo ay sauce sa paligid ng labi mo (sabay pakita nito ng
nakolekta niyang amos sa mukha ko dahil sa pagkain ko, pero nasa state pa rin
ako ng pagkatulala at nakanganga pa, hanggang sa..)
Ian: hoy!
(sabay pitik sa akin ni ian sa may noo na nagpabalik naman sa akin sa aking
katinuan)
Ako:
aahhrgg! (sabay hawak ko sa aking noo), bakit ka ba namimitik (ang bata kong
sabi dito)
Humagalpak
naman ito sa inasta ko
Ang amo
talaga ng mukha ni ian, at ang lambot pa ng mga labi niya para ang sarap....
teka ano itong naiisip ko??? Bulong ni ian sa sarili niya
Kinain ko na
lang ang sundae ko para din hindi na mapag-usapan ang nangyaring pagkatulala
ko. Napansin ko naman na tapos na pala si ian at mataman akong inoobserbahan
Ako: o tulungan
mo na akong ubusin ito (sabay lapit ko ng sundae sa kanya)
Ian: sige na
(at pinuno ko ang spoon ng sundae at mabilisan kong itinapat sa bibig niya at
bigla naman niyang nabuksan ang bibig niya kaya dire-diretso ko isinubo ito sa
kanya, at dahil doon ay muntikan na siyang mabulunan dahil natamaan ah ang
ngala ngala niya)
Napaubo ng
mga lima anim na beses ako naman ay hindi mapalagay dahil sa ako ang may sala,
kaya agad akong pumunta ng counter para humingi ng tubig. At pagkabalik ko sa table
namin dala ang tubig ay agad ko itong iniabot sa kanya at kinuha naman niya ito
at ininom
Sorry,
mahina at nakayuko kong sabi habang pinagdikit ko ang aking dalawang hintuturo
at pinaikot-ikot)
Wala naman
siyang naging tugon
Patay!
Nagalit ata, bulong ko sa sarili ko habang nakayuko pa rin
Umupo ka na
nga at tapusin mo na yang kinakain mo at ng makaalis na tayo, biglang sabi ni
ian na halatang may galit ito
Nakayuko
naman akong umupo sapwesto ko at kinuha ang sundae sa mesa at hinawakan ko na
lang malapit sa dibdib ko at kinain ko ito ng nakayuko dahil nahihiya ako kay
ian dahil sa ginawa ko pero sa kabilang banda pala ay pigil natumatawa si ian
dahil sa ginagawa ko, at nang maubos ko na ito ay hindi na napigilan ni ian ang
tawa niya na siya naman ikinalingon ko sa dako niya
Ian:
nakakatawa itsura mo kanina, parang batang takot na takot at dali daling inubos
ang ipinapakain sa kanya (natatawang sabi nito)
Ako: sorry
doon sa gi.....
Ian: walang
lang yaring masama sa akin, ok na (pagputol nito sa sasabihin ko sabay ngiti at
ngumiti na din ako)
Ako: bati na
tayo(ang parang bata kong tanong na ikinatawa uli nito)
Ian: opo
isip batang fugi (natatawa parin siya) o tara na? (dagdag tanong nito)
Ako: sandali
(kinuha ko sa ginamit kong tinidor at itinusok ko sa styro na pinagkainan ko at
ginusot ko na parag papel ag baso na ininuman ko at yung pinaglagyan ng sundae
nagtaka naman si ian sa ginawa ko)
Ian: ano
ginagawa mo?
Ako: sabi
kasi ng uncle ko pagkakatapos daw kumain sa mga fastfood sirain daw yang mga
yan (tukoy ko sa styro at baso) kasi ginagamit daw ulit nila yan kaya sirain mo
na rin yang pinagkainan mo (panghihikayat ko dito)
(PAALAALA:
yung mga styro, baso at disposable na mga utensils lang ha baka pati yung mga
totoo na pinggan, baso at spoon at fork ang sirain bahala kayo pagbabayarin pa
kayo.. hehehe)
Natatawa
naman akong sinunod ni ian at nang matapos ay tuluyan na kaming lumabas
Hinatid ko
uli si ian doon sa kanto nila at pagkatapos magpaalamanan ay umalis na agad ako
Pagkauwi
naman ni ian sa bahay nila ay hindi maitago ang saya nito na agad naman
napansin ng mama nito
Mama Gina:
anak mukhang bumalik na talaga ang sigla at saya mo ah! (nangingiting puna
nito)
Ian: may
bago po kasi akong sobrang masayahin at napakabuting Kaibigan, kaya nahahawa
lang po ako
Mama Gina:
aba! Dapat makilala ko yan ah! (masayang sabi nito sa anak)
Ian: opo
mama, ipapakilala ko po sa inyo sa mga susunod na araw
Mama Gina:
imbitahan mo dito sa atin mag-dinner one of this days ok ba anak?
Ian: sige po
ma!
Itutuloy................
8 comments:
yey..una aq..!!:))
saya nmn..moment nla ni ian...hmmpt di aq mka JOBEE..MCDO aq..hihi
pro dami ko tawa dun sa paalala mo n ung mga babasagin ung sirain..haha bonakid ung gagwa nun..
->dati silent reader lng aq nina ZEFI..JEFFY..DALISAY
pero sau FUGI ngcocoment q..mlakas ka sa akin eh..tska ntutuwa aq sa mga inputs mo..
_niccolo'25_
wow, salamat salamat at sa gawa ko ay napilit kita maging comment----tator.. hehehe salamat niccolo25:]
aruy buti pa sau natutuwa cla, ung kilala q bnabatukan aq pg umiiral pgkaicp bata q nuon >_>
anyway anyhow anywho
angcute ng bangayan ng icp nung dlawa xD kung nkakbsa lng cla ng icp malamang ngupakan na un xD
kelan ka ipapakilala i ian?
Nice^^;
nice one fugi^^;
-daRkaNgeL13
salamat po:]
haha natawa ako dun sa binabatukan ka,, gumanti ka ha.. hahah biro lang,,, secret po muna, abangan nyo na lang sa mga susunod na chapter:].. salamat nga pala po!
salamat po:]
Post a Comment