Monday, February 13, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 16)



By: FUGI

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).






Pagkadating ko sa bahay hindi rin nakawala sa matalas na pariramdam ng aking ina ang kasiyahang nararamdaman ko (ganoon naman talaga iyon ang ating mga ina ang lubos na nakakkakilala sa atin)

Mama: anak baka gusto mo magkwento kung bakit sobrang masaya ka ngayon kesa dati
Ako: ano po? (maang kong tanong)

Mama: ang ibig kung sabihin fugi mas buo ang kasiyahan mo, mukhang maganda ata ang simula ng college life mo ah!

Ngumiti na lang ako sa aking ina bilang tugong at biglang may nagsisigaw sa likod ko
Bo bong ko bo bong ko, ang bati ni angel (“pasalubong ko, pasalubong ko” sabi niya, ganyan yan mahalaga lang dyan pasalubong pag wala galit pa yan... hahaha)

Agad ko naman agad ibinigay sa kanya ang tatlong jelly ace na lagi kong pasalubong sa kanya at pagkaabot ko ay agad naman ako nitong hinalikan ng around the face nitong trade mark

Inaya naman ako ni mama na maghapon na ang kaso ay full pa ako sa kinain namin ni ian kaya dumaretso na ako sa aking silid. Inayos ko muna ang aking sarili at nang naka magtugas at nakapagpalit na ako ng kasuotan ay inayos ko na si pareng Scrapbook, syempre may isisilid na uli nakong mga masasayang pangyayari sa araw na ito, mga alaala na kay sarap alalahanin at balik-balikan, na sa tuwing babalikan ko iyon ay hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti, ngiting espesyal

Pagkatapos kong pag-ukulan ng pansin si pareng Scrapbook ay bigla ko na nakita si Giyoy (ang aking acoustic guitar na binili ko din sa Lyric, kaya ko nakilala si kuya Ely)

                              Eto po si GIYOY ang aking Gitara


Mag-i-intermission nga pala ako sa welcome party, PATAY!, mahina kong sabi

Nawala na rin kasi sa isip ko at ng makita ko si giyoy bigla ko naalala

Nakakainis naman kasi si anthony ay ian, pahamak ih! Dagdag na sabi ko ulit

Kinuha ko si giyoy at tinipa ng tinipa habang nag-iisip ng kakantahin ko sa party na iyon

Ano? Ano? Anong kakantahin ko, sabi ko sa sarili ko habang hawak ng dalawa kong kamay ang ulo ko na parang baliw lang

Isip... isip.... isip.... aaahhhhrggggggg, kainis walang pumapasok sa utak ko  hanggang mamataah ko ulit si pareng Scrapbook
                                                            <light bulb>

Napangiti na lang ako at biglang may pumasok na mga kanta at sa lahat ng iyon ay nakapili ako ng dalawang kanta base sa aking nararamdaman (bakit dalawa syempre baka may humirit ng “more” pag nagustuhan nila ang gagawin ko, mabuti nang handa :])

Agad kong tinipa ang chords ng unang kantang napili ko at kahit ako ay napapangiti sa kantang napili ko sobrang light lang kasi ng kantang iyon, ang gaan niyang kantahin kasi masaya yung kanta at ang bawat titik ng liriko ay akmang akma sa nais isatinig ng aking puso;]

Na-LSS na lang ako o Last Song Syndrome sa kantang iyon na kahit hanggang sa paghiga ko at pagpikit ng mga mata ko patuloy pa rin iyon kinakanta ng isip, puso at diwa ko kaya naman nakatulog ako ng may ngiti sa aking mga labi:]

Kinabukasan maaga akong ginising ni mama dahil may pupuntahan daw siya at ako na daw muna ang magbantay kay angel dahil hindi niya ito maisasama. Kaya agad akong bumangon (pero dahan dahan lang para iwas orthostatic hypotension,, tanda ninyo pa ba yon mga pipz? Hehehe), pagkatapos ay nag-unat unat then naghilamos at naghiso tapos ay bumaba na

Naabutan ko si angel na nanonood ng dora the explorer sa sala usual tutok na tutok na naman ito na parang siya at ang TV lang ang buhay sa paligid, may pag sunod pa yan kay Dora pag magtatanong ito na ituro kung san dadaan at nasaan ang mga hinahanap nito, natatawa na lang ako dahil sobrang cute niyang panoodin (hehe)

Naghabilin lang si mama ng kung anu ano tapos ay umalis na ito.  

Nanood na kami ng nanood ni angel ng mga  cartoons, hinayaan ko na siya sa gusto niya para wala na lang gulo (hehe), pareho pa kaming nakapangtulog ni angel, parehas naka panjama pa ng mapatingin ako sa orasan ay mag-10am na pala

Ako: gey-gey gusto mo milk

Angel: popo (sabi nito habang nasa TV parin ito nakaharap, kinuha ko nga ito ng milk niya at kumuha na rin ako ng makakain ko, pagkabalik ko ay agad kong inabot sa kanya ang tsupon niya at ako naman ay umupo na ulit sa sofa at kumain din, pagkatapos kong kumain ay ibinalik ko na sa lababo ang pinagkainan ko at nang pabalik na ako sa sala ay bigla namang nagring sa telepono

Kring...... kring.............. at sa pangatlong ring tsaka ko sinagot

Ako: yes hello! Chio’s residence, speaking? 

Goodmorning po! Kaklase po ako ni fugi si anthony po ito, pwede po ba siyang makausap? Nahihiyang sabi nung nasa kabilang linya

Ako: anthony! (masigla kong bati sa kanya), o bakit ka na patawag?

Anthony: Fugi, ah ano kasi,, ahm.... (ang medyo nahihiyang wika niya)

Ako: dami pang paligoy ligoy ah! (biro ko dito habang natatawa)

Anthony: ano kasi may may gagawin ka ba ngayon? Gusto sana kita yayain na lumabas

Ako: naku! Anthony wrong timing, hindi ako pwede ngayon wala kasi si mama ay ako ang naatasan na mangalaga ng aming tahanan (wow! Masyado bang malalim ang aking pananalita? Hehe), at nagbabantay din ako ng pamangkin ko ngayon tas magpapraktis pa ako ng kanta para bukas, kasi kayo ni ian ih! Pahamak (pagbibigay impormasyon, pagbibiro at may halong manunumbat)

Anthony: ganoon ba? (malungkot at may halong pagkadismaya)

Naapektuhan naman ako sa naging tugon nito kaya.....

Ako: gusto mo sa Saturday na lang pagkalabas natin sa tanghali, half day lang naman tayo di ba? (nag-aalangan ko namang suhesyon )

Anthony: Talaga??? (magsigla na uli nitong sagot)

Ako: opo! Ok na ba yon sa iyo?? (para tuloy ako na ang nagyaya.. hehehe)

Anthony: ok na ok, nga pala bukas ba dala mo uli yung motor mo?

Ako: hindi coding ako bukas

Anthony: daanan kita bukas sa kanto nyo ha! (desidido nitong sabi)

Ako: hindi ako tatanggi, dala ko rin kasi yung gitara ko, iwas hustle din, salamat

Yes.... bulong naman ni anthony sa kabilang linya

Anthony: anong oras kita dadaanan?

Ako: ok lang ba kung mga 7am? Kelangan ko kasing makausap si ma’am pasia para sa gagawin kong ice breaker

Anthony: okidoki! Kita na lang tayo bukas, good luck! Galingan mo praktis ha para hindi ako mapahiya sa pagrecommend sayo (pagbibiro nito)

Ako: at ikaw pa ang demanding ha! (natatawa ko namang sagot dito), opo boss gagalingan ko, see you tomorrow! Bye na!

Anthony: bye bye fugi...... ko (dagdag bulong nito)
---end og call----

Paalis na ako sa tapat ng telepono at papunta na sa dati kong pwesto para samahan sa panonood si angel ng bigla na namang tumunog ang telepono..

Kring.... kring.... kring (si anthony na naman siguro ito) at sa pang-apat na ring

Ako: o anthony may nakalimutan ka bang sabihin??

Fugi? Si Ian ito.... sabi nung nasa kabilang linya

Muntikan ko namang mabitawan ang telepono nung marinig ko ang pagsabi niya na “si ian ito” at parang umatras ang dila ko

Ian: fugi nandyan ka pa ba??

Ako: ah.. eh... i.....ian? (ang nauutal kong naisatinig)

Ian: ako nga, may iba pa ba? (may himig ng pamimilosopo), bakit si anthony ba ang ini-expect mo na tatawag sayo? (may kung ano sa tono ng pagsasabi niya na iyon pero hindi ko na lang pinansin)

Ako: hin.. hindi na..naman,  paano kasi katatawag niya lang ngayon-ngayon lang ay akala ko may nakalimutan siyang sabihin kaya akala ko si anthony ulit ang napatawag (nahihiya kong pagpapaliwanag sa kanya), ba... bakit ka pala napatawag?  (dagdag ko na tanong)

Ian: wala kasi akong magawa ngayon, gusto sana kitang ayain na na lumabas, libre ka ba ngayon?

Natigilan naman ako dahil parang nag-hang ang utak ko sa sinabi niya, did he inviting me to go with him (ang pag interpret ng utak ko, makapag-english lang ang brain ko ah! Feeling ko dahil sa pag-english niyang iyan malapit na akong atakihin ng stroke,, hemorrhagic stroke, hahahaha, mga pipz kelangan pa ba ng trivia para sa term na yan?? Wag na mahirap eexplain hahaha), para lang akong tanga na nawala sa wisyo dahil sa pagyayaya niya, para tuloy gusto ko nang u-mo-o at iwan na lang si angel mag-isa dito sa  bahay kaya na naman niya ang sarili niya (hahaha biro lang)

Ian: earth calling fugi... nandyan ka pa ba?

Ako: ah.. ian hindi kasi ako pwede nga...... (hindi ko pa natatapos ng bigla itong umimik....)

Ian: niyaya ka na ba ni anthony? Kaya hindi ka na pwedw ngayon? (parang may kung ano sa  mga tanong niyang iyon, pero hindi ko lang malaman kung ano) (Read it to the tune ng boses ni dora :mga bata tulungan nyo ako malaman kung anong meron sa kakaibang tono ng pananalita niya,,... hahahhaha)

Ako: hindi noh!, maka-conclude ka naman (pabiro kong sabi para maiba ang mood), wala kasi ngayon si mama ko at iniwan niya ang pamankin ko sa akin kaya taong bahay at taga alaga ang bata ang role ko ngayon (ang natatawa ko nang pagpapaliwanag sa kanya), at magpapraktis din po ako ng gagawin ko bukas para sa welcome party, nakalimutan mo na ba isa ka sa nagkalulo sa akin (may bahid na paninisi kong dagdag)

Ian: so...sorry hindi mo agad kasi sinabi

Ako: paano singit ka kaagad hindi pa ako tapos magsalita (ang para kong batang maktol sa kanya na naging dahilan para mapatawa kami parehas.. hehehehe)

Ian: fugi ahm di ba wala kang kasama dyan sa inyo?? (pagkaklaro niya)

Ako: meron naman, ung pamangkin ko (biro ko uli sa kanya)

Ian: pwede ba akong pumunta sa inyo?? (nag-aalangan niyang tanong), tinatamad kasi ako dito sa bahay eh! hindi ka naman pwede umalis sa inyo dahil nga sa utos sayo, kaya ako na lang pupunta dyan sa inyo para mapanood ko na rin ang pagpaparaktis mo.. ok lang ba??

Ako: sige ikaw ang bahala (pero sa loob loob ko ay natutuwa ako na pupunta siya sa amin:])

Ian: ok ok (masigla niyang tugon). Tatawag ulit ako pagpaalis na ako ok! Bye (sabay baba nito ng telepono kahit hindi pa ako nagpapaalam,,, excited??? Hehehe)

Agad ko namang ibinaba ang telepono, tiningnan ang buong bahay, buti at nasa ayos ang lahat kami na lang ni angel ang wala pa (hahaha), agad kong hinugot sa saksak ang TV pati ang bukas na bintilador sabay sabing......

NAKU PO! Walang kuryente, sabay  sa ulo ko at ang facial expression na nalulumo (syempre kahit bata si angel kelangan effective ang acting ko.. hahaha)

(iyon lang ang pwede kong maging palusot para maliguan ko yang pamangkin ko na yan lalo pat sponge bob square pants pa ang pinapanood niyan hindi yan papatinag sa panonood kaya no choice kailangan umarte.. hahahaha)

Nakita kung paiyak na si angel kaya agad ko itong binuhat (sorry angel, ngayon lang naman, kasi kasi naman si ian.. hahaha)

Ako: gey-gey la law (ang sabi ko ay “angel wala ilaw”)

Kahit wala naman luha ay pumapahid parin ang mga kamay ni angel sa kanyang mga mata (hehe)

Ako: gey-gey go go na kaw at pos mo go ka may law na ok! (“angel ligo ligo muna ikaw at pagnatapos mo na maligo baka may ilaw na” ang sabi ko at agad ko na nga siya dinala sa cr)

Mabilis ko lang siyang pinaliguan tapos ay binihisan ng mga pambahay niyang damit at syempre ano pa nga ba ang tatak noon kundi Dra (hahaha)

Psgkatapos ay agad kung binuksan ang ilaw at nagkunyaring...

Yan may ilaw na! (ang masigla kong sabi agad namang tumapat si angel sa harap ng TV at ako naman ay inayok ang pagkakatanggal ng saksak ng TV at Bentilador at sabay binuksan,,, galing ko no! hahaha)

At nang maiiyos na ang lahat ay ako naman ang nag-ayos ng sarili ko, hilamos uli at sipilyo (hindi ako makaligo bawal iwan si angel kahit ba sabihin pa na tutok yan sa pinapanood niya marirap na) pagkatapos ay nagpalit ng kasuotan, short at white v-neck shirt (favorite hehe)

Pagkalipas ng mahigit tatlumpong minuto ay nag ring na ulit ang phone... kring kring....

Ako: hello! Chio’s residence, speaking?

Ian: pwede pong makipag PON-PAL?? (natatawang biro nito)

Ako: adik! (pero palihim namang natutuwa sa sinabi ni ian... ayyiee! Hehe) 

Ian: paalis na ako, saan ba ang sa inyo?

Ako: sabihin mo sa dyip sa kanto ng San ______ (bawal sabihin hehe) tas doon na kita iintayin ok ba iyon?

Ian: copy! Sige ba bye! Ingat ako (natatawa nitong sabi)

Ako: bye! (sabay baba ng telepono)

Nagpalipas muna ako ng mga sampong minuto tapos ay inaya ko si angel na bibili ng jelly ace (pansuhol, hehehe)

Ako: gey-gey bili tayo jelly ace (at hindi nga ako nagkamali at bigla itong tumayo sa pagkakaupo nito sabay lapit sa akin,, hahahaha)

Pinatay ko at inalis sa mga saksak ang TV at bentilador (mahirap na baka masunugan, hehe) tapos ay kinuha ang mga susi at nilak ang mga pinto. Iniwan ko muna si angel sa may pintuan at kinuha ko si Biyoy (ang aking bisekleta, lahat po ng mahahalaga sa akin ay pinapangalanan ko)

(Roll call tayo: Drey (ang aking motor), Piyoy (ang piano ko na hindi ko pa nabibili), Giyoy (si pareng Gitara ko) at ngayon ay si Biyoy (ang bisekleta ko).... si drey lang ang kakaiba ang pangalan diba? Pero walang favoritism sa mga iyan nagkataon lang (hehehe) pero lahat sila ay labis labis kong pinapahalagahan:])

Nang mailabas ko si biyoy ay binalikan ko agad si angel at binuhat na ito tapos ay sinaraduhan na ang gate. Pagkasakay ko kay biyoy ay agad kong inayos ang tayo ni angel (nga pala parati ko na naiiangkas si angel dito kay biyoy, tuwang tuwa pa nga ito sa mga pagkakataong iyo) ng masigurado kong nakahawak na ito maayos ay marahan ko nang pinaandar si biyoy. Nang makarating na kami sa kanto ay hindi naman kami naghintay ni angel, dahil wala pang dalawang minuto ay may tumigil na dyip at iniluwa ang nakangiting si ian na talaga namang napaka-PU-GI (hehehe)

Itutuloy.....

5 comments:

Jaceph Elric said...

More More.

Ang bilis ni anthony pero laging una c ian. Hahaha

nice.

Anonymous said...

ikaw na tlga !! :D hanepp heheheh :D hehe pina kiliga moko buung araw dhil s kkbasa nito! :D avid fan mo na mi!! po

Kl Jan ng Facebook

Anonymous said...

Nice.,next chapter n fugi,pavalentines mu na smin,jejeje...


-daRkaNgeL13

foxriver said...

team Ian!!!! Go go go!

fugi said...

salamat po:]

Post a Comment