Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Pagkadating ko sa bahay hindi rin nakawala sa matalas na pariramdam ng aking ina ang kasiyahang nararamdaman ko (ganoon naman talaga iyon ang ating mga ina ang lubos na nakakkakilala sa atin)
Mama: anak baka
gusto mo magkwento kung bakit sobrang masaya ka ngayon kesa dati
Ako: ano po?
(maang kong tanong)
Mama: ang
ibig kung sabihin fugi mas buo ang kasiyahan mo, mukhang maganda ata ang simula
ng college life mo ah!
Ngumiti na lang
ako sa aking ina bilang tugong at biglang may nagsisigaw sa likod ko
Bo bong ko
bo bong ko, ang bati ni angel (“pasalubong ko, pasalubong ko” sabi niya, ganyan
yan mahalaga lang dyan pasalubong pag wala galit pa yan... hahaha)
Agad ko
naman agad ibinigay sa kanya ang tatlong jelly ace na lagi kong pasalubong sa
kanya at pagkaabot ko ay agad naman ako nitong hinalikan ng around the face
nitong trade mark
Inaya naman
ako ni mama na maghapon na ang kaso ay full pa ako sa kinain namin ni ian kaya
dumaretso na ako sa aking silid. Inayos ko muna ang aking sarili at nang naka
magtugas at nakapagpalit na ako ng kasuotan ay inayos ko na si pareng
Scrapbook, syempre may isisilid na uli nakong mga masasayang pangyayari sa araw
na ito, mga alaala na kay sarap alalahanin at balik-balikan, na sa tuwing
babalikan ko iyon ay hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti, ngiting espesyal
Pagkatapos kong pag-ukulan ng pansin si pareng Scrapbook ay bigla
ko na nakita si Giyoy (ang aking acoustic guitar na binili ko din sa Lyric,
kaya ko nakilala si kuya Ely)
Eto po si
GIYOY ang aking Gitara
Mag-i-intermission
nga pala ako sa welcome party, PATAY!, mahina kong sabi
Nawala na
rin kasi sa isip ko at ng makita ko si giyoy bigla ko naalala
Nakakainis
naman kasi si anthony ay ian, pahamak ih! Dagdag na sabi ko ulit
Kinuha ko si
giyoy at tinipa ng tinipa habang nag-iisip ng kakantahin ko sa party na iyon
Ano? Ano?
Anong kakantahin ko, sabi ko sa sarili ko habang hawak ng dalawa kong kamay ang
ulo ko na parang baliw lang
Isip... isip.... isip.... aaahhhhrggggggg, kainis walang
pumapasok sa utak ko hanggang mamataah
ko ulit si pareng Scrapbook
<light
bulb>
Napangiti na
lang ako at biglang may pumasok na mga kanta at sa lahat ng iyon ay nakapili
ako ng dalawang kanta base sa aking nararamdaman (bakit dalawa syempre baka may
humirit ng “more” pag nagustuhan nila ang gagawin ko, mabuti nang handa :])
Agad kong
tinipa ang chords ng unang kantang napili ko at kahit ako ay napapangiti sa
kantang napili ko sobrang light lang kasi ng kantang iyon, ang gaan niyang
kantahin kasi masaya yung kanta at ang bawat titik ng liriko ay akmang akma sa
nais isatinig ng aking puso;]
Na-LSS na
lang ako o Last Song Syndrome sa kantang iyon na kahit hanggang sa paghiga ko
at pagpikit ng mga mata ko patuloy pa rin iyon kinakanta ng isip, puso at diwa
ko kaya naman nakatulog ako ng may ngiti sa aking mga labi:]
Kinabukasan
maaga akong ginising ni mama dahil may pupuntahan daw siya at ako na daw muna
ang magbantay kay angel dahil hindi niya ito maisasama. Kaya agad akong
bumangon (pero dahan dahan lang para iwas orthostatic hypotension,, tanda ninyo
pa ba yon mga pipz? Hehehe), pagkatapos ay nag-unat unat then naghilamos at
naghiso tapos ay bumaba na
Naabutan ko
si angel na nanonood ng dora the explorer sa sala usual tutok na tutok na naman
ito na parang siya at ang TV lang ang buhay sa paligid, may pag sunod pa yan
kay Dora pag magtatanong ito na ituro kung san dadaan at nasaan ang mga
hinahanap nito, natatawa na lang ako dahil sobrang cute niyang panoodin (hehe)
Naghabilin
lang si mama ng kung anu ano tapos ay umalis na ito.
Nanood na
kami ng nanood ni angel ng mga cartoons,
hinayaan ko na siya sa gusto niya para wala na lang gulo (hehe), pareho pa
kaming nakapangtulog ni angel, parehas naka panjama pa ng mapatingin ako sa
orasan ay mag-10am na pala
Ako: gey-gey gusto mo milk
Angel: popo
(sabi nito habang nasa TV parin ito nakaharap, kinuha ko nga ito ng milk niya at
kumuha na rin ako ng makakain ko, pagkabalik ko ay agad kong inabot sa kanya
ang tsupon niya at ako naman ay umupo na ulit sa sofa at kumain din, pagkatapos
kong kumain ay ibinalik ko na sa lababo ang pinagkainan ko at nang pabalik na
ako sa sala ay bigla namang nagring sa telepono
Kring......
kring.............. at sa pangatlong ring tsaka ko sinagot
Ako: yes
hello! Chio’s residence, speaking?
Goodmorning
po! Kaklase po ako ni fugi si anthony po ito, pwede po ba siyang makausap?
Nahihiyang sabi nung nasa kabilang linya
Ako:
anthony! (masigla kong bati sa kanya), o bakit ka na patawag?
Anthony:
Fugi, ah ano kasi,, ahm.... (ang medyo nahihiyang wika niya)
Ako: dami pang
paligoy ligoy ah! (biro ko dito habang natatawa)
Anthony: ano
kasi may may gagawin ka ba ngayon? Gusto sana kita yayain na lumabas
Ako: naku!
Anthony wrong timing, hindi ako pwede ngayon wala kasi si mama ay ako ang
naatasan na mangalaga ng aming tahanan (wow! Masyado bang malalim ang aking
pananalita? Hehe), at nagbabantay din ako ng pamangkin ko ngayon tas
magpapraktis pa ako ng kanta para bukas, kasi kayo ni ian ih! Pahamak
(pagbibigay impormasyon, pagbibiro at may halong manunumbat)
Anthony:
ganoon ba? (malungkot at may halong pagkadismaya)
Naapektuhan
naman ako sa naging tugon nito kaya.....
Ako: gusto
mo sa Saturday na lang pagkalabas natin sa tanghali, half day lang naman tayo
di ba? (nag-aalangan ko namang suhesyon )
Anthony:
Talaga??? (magsigla na uli nitong sagot)
Ako: opo! Ok
na ba yon sa iyo?? (para tuloy ako na ang nagyaya.. hehehe)
Anthony: ok
na ok, nga pala bukas ba dala mo uli yung motor mo?
Ako: hindi
coding ako bukas
Anthony:
daanan kita bukas sa kanto nyo ha! (desidido nitong sabi)
Ako: hindi
ako tatanggi, dala ko rin kasi yung gitara ko, iwas hustle din, salamat
Yes....
bulong naman ni anthony sa kabilang linya
Anthony:
anong oras kita dadaanan?
Ako: ok lang
ba kung mga 7am? Kelangan ko kasing makausap si ma’am pasia para sa gagawin kong
ice breaker
Anthony:
okidoki! Kita na lang tayo bukas, good luck! Galingan mo praktis ha para hindi
ako mapahiya sa pagrecommend sayo (pagbibiro nito)
Ako: at ikaw
pa ang demanding ha! (natatawa ko namang sagot dito), opo boss gagalingan ko,
see you tomorrow! Bye na!
Anthony: bye
bye fugi...... ko (dagdag bulong nito)
---end og
call----
Paalis na
ako sa tapat ng telepono at papunta na sa dati kong pwesto para samahan sa
panonood si angel ng bigla na namang tumunog ang telepono..
Kring....
kring.... kring (si anthony na naman siguro ito) at sa pang-apat na ring
Ako: o
anthony may nakalimutan ka bang sabihin??
Fugi? Si Ian
ito.... sabi nung nasa kabilang linya
Muntikan ko
namang mabitawan ang telepono nung marinig ko ang pagsabi niya na “si ian ito”
at parang umatras ang dila ko
Ian: fugi
nandyan ka pa ba??
Ako: ah..
eh... i.....ian? (ang nauutal kong naisatinig)
Ian: ako
nga, may iba pa ba? (may himig ng pamimilosopo), bakit si anthony ba ang
ini-expect mo na tatawag sayo? (may kung ano sa tono ng pagsasabi niya na iyon
pero hindi ko na lang pinansin)
Ako: hin..
hindi na..naman, paano kasi katatawag
niya lang ngayon-ngayon lang ay akala ko may nakalimutan siyang sabihin kaya
akala ko si anthony ulit ang napatawag (nahihiya kong pagpapaliwanag sa kanya),
ba... bakit ka pala napatawag? (dagdag
ko na tanong)
Ian: wala
kasi akong magawa ngayon, gusto sana kitang ayain na na lumabas, libre ka ba
ngayon?
Natigilan
naman ako dahil parang nag-hang ang utak ko sa sinabi niya, did he inviting me
to go with him (ang pag interpret ng utak ko, makapag-english lang ang brain ko
ah! Feeling ko dahil sa pag-english niyang iyan malapit na akong atakihin ng
stroke,, hemorrhagic stroke, hahahaha, mga pipz kelangan pa ba ng trivia para
sa term na yan?? Wag na mahirap eexplain hahaha), para lang akong tanga na
nawala sa wisyo dahil sa pagyayaya niya, para tuloy gusto ko nang u-mo-o at
iwan na lang si angel mag-isa dito sa
bahay kaya na naman niya ang sarili niya (hahaha biro lang)
Ian: earth calling
fugi... nandyan ka pa ba?
Ako: ah..
ian hindi kasi ako pwede nga...... (hindi ko pa natatapos ng bigla itong
umimik....)
Ian: niyaya
ka na ba ni anthony? Kaya hindi ka na pwedw ngayon? (parang may kung ano sa mga tanong niyang iyon, pero hindi ko lang
malaman kung ano) (Read it to the tune ng boses ni dora :mga bata tulungan nyo
ako malaman kung anong meron sa kakaibang tono ng pananalita niya,,...
hahahhaha)
Ako: hindi
noh!, maka-conclude ka naman (pabiro kong sabi para maiba ang mood), wala kasi
ngayon si mama ko at iniwan niya ang pamankin ko sa akin kaya taong bahay at
taga alaga ang bata ang role ko ngayon (ang natatawa ko nang pagpapaliwanag sa
kanya), at magpapraktis din po ako ng gagawin ko bukas para sa welcome party,
nakalimutan mo na ba isa ka sa nagkalulo sa akin (may bahid na paninisi kong
dagdag)
Ian:
so...sorry hindi mo agad kasi sinabi
Ako: paano
singit ka kaagad hindi pa ako tapos magsalita (ang para kong batang maktol sa
kanya na naging dahilan para mapatawa kami parehas.. hehehehe)
Ian: fugi
ahm di ba wala kang kasama dyan sa inyo?? (pagkaklaro niya)
Ako: meron
naman, ung pamangkin ko (biro ko uli sa kanya)
Ian: pwede
ba akong pumunta sa inyo?? (nag-aalangan niyang tanong), tinatamad kasi ako
dito sa bahay eh! hindi ka naman pwede umalis sa inyo dahil nga sa utos sayo,
kaya ako na lang pupunta dyan sa inyo para mapanood ko na rin ang pagpaparaktis
mo.. ok lang ba??
Ako: sige
ikaw ang bahala (pero sa loob loob ko ay natutuwa ako na pupunta siya sa
amin:])
Ian: ok ok
(masigla niyang tugon). Tatawag ulit ako pagpaalis na ako ok! Bye (sabay baba
nito ng telepono kahit hindi pa ako nagpapaalam,,, excited??? Hehehe)
Agad ko
namang ibinaba ang telepono, tiningnan ang buong bahay, buti at nasa ayos ang
lahat kami na lang ni angel ang wala pa (hahaha), agad kong hinugot sa saksak
ang TV pati ang bukas na bintilador sabay sabing......
NAKU PO!
Walang kuryente, sabay sa ulo ko at ang
facial expression na nalulumo (syempre kahit bata si angel kelangan effective
ang acting ko.. hahaha)
(iyon lang
ang pwede kong maging palusot para maliguan ko yang pamangkin ko na yan lalo
pat sponge bob square pants pa ang pinapanood niyan hindi yan papatinag sa
panonood kaya no choice kailangan umarte.. hahahaha)
Nakita kung
paiyak na si angel kaya agad ko itong binuhat (sorry angel, ngayon lang naman,
kasi kasi naman si ian.. hahaha)
Ako: gey-gey
la law (ang sabi ko ay “angel wala ilaw”)
Kahit wala
naman luha ay pumapahid parin ang mga kamay ni angel sa kanyang mga mata (hehe)
Ako: gey-gey
go go na kaw at pos mo go ka may law na ok! (“angel ligo ligo muna ikaw at
pagnatapos mo na maligo baka may ilaw na” ang sabi ko at agad ko na nga siya
dinala sa cr)
Mabilis ko
lang siyang pinaliguan tapos ay binihisan ng mga pambahay niyang damit at
syempre ano pa nga ba ang tatak noon kundi Dra (hahaha)
Psgkatapos
ay agad kung binuksan ang ilaw at nagkunyaring...
Yan may ilaw
na! (ang masigla kong sabi agad namang tumapat si angel sa harap ng TV at ako
naman ay inayok ang pagkakatanggal ng saksak ng TV at Bentilador at sabay
binuksan,,, galing ko no! hahaha)
At nang
maiiyos na ang lahat ay ako naman ang nag-ayos ng sarili ko, hilamos uli at
sipilyo (hindi ako makaligo bawal iwan si angel kahit ba sabihin pa na tutok
yan sa pinapanood niya marirap na) pagkatapos ay nagpalit ng kasuotan, short at
white v-neck shirt (favorite hehe)
Pagkalipas
ng mahigit tatlumpong minuto ay nag ring na ulit ang phone... kring kring....
Ako: hello!
Chio’s residence, speaking?
Ian: pwede
pong makipag PON-PAL?? (natatawang biro nito)
Ako: adik!
(pero palihim namang natutuwa sa sinabi ni ian... ayyiee! Hehe)
Ian: paalis
na ako, saan ba ang sa inyo?
Ako: sabihin
mo sa dyip sa kanto ng San ______ (bawal sabihin hehe) tas doon na kita
iintayin ok ba iyon?
Ian: copy!
Sige ba bye! Ingat ako (natatawa nitong sabi)
Ako: bye!
(sabay baba ng telepono)
Nagpalipas
muna ako ng mga sampong minuto tapos ay inaya ko si angel na bibili ng jelly
ace (pansuhol, hehehe)
Ako: gey-gey
bili tayo jelly ace (at hindi nga ako nagkamali at bigla itong tumayo sa
pagkakaupo nito sabay lapit sa akin,, hahahaha)
Pinatay ko
at inalis sa mga saksak ang TV at bentilador (mahirap na baka masunugan, hehe)
tapos ay kinuha ang mga susi at nilak ang mga pinto. Iniwan ko muna si angel sa
may pintuan at kinuha ko si Biyoy (ang aking bisekleta, lahat po ng mahahalaga
sa akin ay pinapangalanan ko)
(Roll call
tayo: Drey (ang aking motor), Piyoy (ang piano ko na hindi ko pa nabibili), Giyoy
(si pareng Gitara ko) at ngayon ay si Biyoy (ang bisekleta ko).... si drey lang
ang kakaiba ang pangalan diba? Pero walang favoritism sa mga iyan nagkataon
lang (hehehe) pero lahat sila ay labis labis kong pinapahalagahan:])
Nang
mailabas ko si biyoy ay binalikan ko agad si angel at binuhat na ito tapos ay
sinaraduhan na ang gate. Pagkasakay ko kay biyoy ay agad kong inayos ang tayo
ni angel (nga pala parati ko na naiiangkas si angel dito kay biyoy, tuwang tuwa
pa nga ito sa mga pagkakataong iyo) ng masigurado kong nakahawak na ito maayos
ay marahan ko nang pinaandar si biyoy. Nang makarating na kami sa kanto ay
hindi naman kami naghintay ni angel, dahil wala pang dalawang minuto ay may
tumigil na dyip at iniluwa ang nakangiting si ian na talaga namang napaka-PU-GI
(hehehe)
Itutuloy.....
5 comments:
More More.
Ang bilis ni anthony pero laging una c ian. Hahaha
nice.
ikaw na tlga !! :D hanepp heheheh :D hehe pina kiliga moko buung araw dhil s kkbasa nito! :D avid fan mo na mi!! po
Kl Jan ng Facebook
Nice.,next chapter n fugi,pavalentines mu na smin,jejeje...
-daRkaNgeL13
team Ian!!!! Go go go!
salamat po:]
Post a Comment