Story Cover Created By:
Jojimar Lalusin Abarido
by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
Pagdating talaga sa narration ni Renzell Dave nauubos ang laman ng 2mb kung utak. Ilang beses kong inulit ang chapter na ito hanggang sa masatisfied ako. Dumugo na lahat ng pweding dumugo sa akin sa chapter na ito. HAHAHA
Anonymous and Silent
Readers – Guys sana ay tigilan niyo na ang pagiging anon at silent reader
niyo bago matapos ang kwentong ito gusto ko kasing mapasama kayo sa mga taong
pasasalamatan ko. Medyo matagal-tagal rin akong mawawala o baka nga hindi na
ako muling bumalik pagkatapos nitong Chances kaya gusto ko sanang makilala kayo
bago mag-end of the world. HEHEHE
Sa mga Taclobanun readers
ko naman, damu na salamat han suporta niyo mga paps. Unta mag-pakilala ngin
mag-paabat giyap kamo para naman masaya.
Sana ay magustohan niyo ang kinaya nang utak ko sa chapter
na ito. Abangan niyo rin sana ang tatlong huling chapter ng Chances. Enjoy
Reading nalang guys and keep the comments coming! Iyon lang ang hiling ko sa
inyo. Hehehehe
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Kanina pa
nakalaalis si Sonja sa opisina namin pero hanggang ngayon hindi parin nawawala
ang inis at pagkaasar ko sa kanya. Kung alam ko lang na ang pagmamagandang loob
ko sa kanya ang magiging dahilan para mawala sa akin ang taong pinili kong
mahalin ay hindi na sana ako nagpaka buti pa. Minsan talaga walang naidudulot
na maganda ang pagpapakabait.
Ang buong akala ko ay okey na ang lahat kay Sonja. Nang
sadyain ko ito sa Manila para pormal na makipaghiwalay ay hindi naman ito
tumutol kaya inakala kong okey lang sa kanya ang lahat at tulad ko rin ay wala
naman talaga itong nararamdaman para sa akin. Pero nagkamali ata ako nang
inakala.
Matapos ang isang lingo mula nang pormal kaming mag-hiwalay
ay nakatanggap ako nang tawag mula rito na sa lugar daw namin gaganapin ang photo
shoot ng iniindorso nitong bagong shampoo. Syempre dahil gusto ko namang
makabawi at mag-pasalamat narin dahil sa hindi ako nito pinahirapang ipaliwanag
sa kanya ang tungkol sa bago kong pagibig na natagpuan ay sinamahan ko siya sa pag-stay
niya sa lugar namin.
Hindi ko lang napaghandaan ang pagdating ni Alex, ang akala
ko ay sa lunes pa ito papasok pero laking gulat ko nang makita ko ito sa loob
ng bar. I was caught off guard at handa akong mag-paliwanag sa mga oras na iyon
pero naunahan ako nang matinding galit nang makita ko siyang kausap ang dati
niyang karelasyon.
Inaamin kong binalot ako nang selos sa mga oras na iyon at
nawala sa aking isip na ako man ay may dapat ding ipaliwanag sa kanya. Sadya
nga atang kapag ang isang tao ay naalipin ng isang negatibong pakiramdam
nawawala ang kakayahan nitong mag-isip.
Nakita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata nito nang
marinig nito ang paglalandi sa akin ni Sonja na dahilan ngayon kung bakit abot
langit ang inis ko. Maski sa malayo ay ramdam ko ang mga tingin nito sa amin ni
Sonja pero wala naman akong magawa dahil ayaw ko namang maging bastos sa babae
lalo pa’t bisita ko ito.
“Sir Dave?” Basag sa akin ng sekretarya ni papa.
Kunot noo ko itong tinapulan ng tingin habang nakadungaw ang
ulo nito sa pintuan ng opisina ko.
“Pasensiya na po sa disturbo sir.” Ang tila kinakabahan
nitong wika.
“Ano ang kailangan mo?”
“Kasi sir, tumawag si Attorney Dorwin at pinapasabing
tawagan mo raw siya hindi ka raw po niya ma contact.”
Hindi na ako sumagot rito bagkus ay agad kong tinawagan ang
kambal ko.
Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papunta sa bahay ng
kambal ko. Pinapunta ako sa bahay nito dahil gusto ako nitong makausap.
Naisip ko na ring humingi nang tulong sa mga ito patungkol
kay Alex dahil hindi ko na alam kung anu ang gagawin ko sa isang iyon.
Sinubukan ko siyang kausapin matapos ang insedenteng nangyari sa seventh bar
noong nakaraang sabado ngunit lagi ako nitong iniiwasan. Wala akong nagawa kung
hindi ang hintaying maging handa itong makipagusap sa akin sa takot na lalo lamang itong lumayo kung
ipipilit ko ang gusto ko. Kilala ko si Alex at hindi magandang ideya ang
salubungin ang galit nito.
Sa mga emplayado at
kaibigan ko nalang nailalabas ang galit at pagkainis ko sa mga nangyari. Kahit
anong pilit ko kasing mag-paliwanag kay Alex ay hindi ako nito binibigyan ng
pagkakataon.
Saktong alas-syete nang dumating ako sa bahay ng kambal
ko. Seryoso ang mukha ni Red nang
pagbuksan ako nito na bago sa akin. Minsan ko lang nakitang mag-seryoso ang
kumag na ito at iyon ay noong biglang mawala si Dorwin para paghandaan ang
birthday niya.
“Dumeretso kana sa kusina hinihintay ka ni Dorwin doon.”
Wala ako sa mood para pansinin pa ang kung ano mang masamang
hangin na nasinghot nito kaya dumeretso nalang ako sa kusina gaya nang sabi
nito.
“Ano ang paguusapan natin?” Ang bungad ko sa kambal ko na
abalang naghahanda para sa hapunan nila.
“Natapos ko na ang kasong hinahawakan ko.”
“And?”
“I will take the company from you.” Seryoso nitong wika.
“Puro reklamo na ang nakakarating kina Tita Evette patungkol sa pag-terrorize
mo sa mga empleyado natin kaya habang wala pa si papa ako nalang muna ang
hahawak sinabihan ko na si kuya Archie.”
“Iyon lang ba? Sige, alis na ako.” Aktong tatalikod na ako
nang mag-salita ulit ito. Wala sa akin kung siya ang mamahala nang kompanya ang
importante sa akin ay ang makausap ko si Alex.
“Hindi mo dapat sinuntok si Brian, Renzell Dave. Alam nating
lahat kung hanggang saan ang kadaldalan ng isang iyon at sa tingin ko walang
mali sa ginawa niya.”
Lalong nadagdagan ang inis ko sa araw na iyon ng maalala ang
nangyari sa amin ng isa sa mga kaibigan ko. Nasuntok ko si Brian nang malaman
ko mula kay Chuckie na dahil sa kadaldalan nito nasabi niya kay Sonja ang
tungkol sa amin ni Alex na nagpagulo lalo sa sitwasyon.
Alam kong mali ang ginawa kong iyon kay Brian at nagi-guilty
ako dahil una sa lahat alam naming lahat na may kadaldalan ang isang iyon. In
fact kung tutuusin wala talaga siyang kasalanan dahil totoo naman ang sinabi
nito. Kung may taong dapat mang sisihin sa mga nangyari ay ako iyon, dahil
dinala-dala ko pa si Sonja sa bar.
“I will talk to him once matapos ko ang problema ko kay
Alex.” Ang wika ko at muling naglakad.
“Hindi mo makikita si Alex sa bar.” Wika ni Red dahilan para
muli akong mapahinto at mapatingin sa kanya na may pagtataka.
“Napagdesisyunan naming tanggalin si Alex sa seventh bar.” Seryosong
wika nito.
“You what?!” Hindi makapaniwalang naisambit ko. “Hindi niyo
magagawa iyon!”
“We just did. Hindi na productive sa bar si Alex kaya wala
kaming choice kung hindi ang tanggalin siya sa trabaho. Ito ang naging pasya
nang ibang meyembro nang seventh bar.” Sabat naman ng kambal ko.
“At iyon rin naman ang gusto ni Alex.” Sigunda ni Red.
Ibayong galit ang naramdaman ko hindi para sa kanila kung
hindi sa sarili ko. Alam kong ako ang may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi ito
mangyayari kung hindi ko sana ginulo ang nanahimik na buhay ni Alex. Ngayon,
hindi ko lang siya nasaktan ako pa ang naging dahilan kong bakit siya nawalan
nang trabaho at malamang ako rin ang sinisisi ni Red base sa ekspresyon ng
mukha nito.
Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka kumplikado ang
lahat na dahil sa akin ay nasira ang lahat ng pinaghirapan ni Alex.
“You should always know your priority Renzell Dave. Hindi mo
alam sa isang bagay na gagawin mo may
tao kang masasaktan. Kahit sabihin pa mang hindi mo sinadya iyon o hindi mo intensyon,
nakasakit ka parin ng tao.” Seryoso’t malalim na wika nang kambal ko.
Hindi na ako sumagot at tuluyan ng iniwan ang mga ito.
Pagkadismaya para sa sarili ko at awa para kay Alex ang nararamdaman ko sa mga
oras na iyon. Sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari dahil kung hindi dahil
sa akin hindi sana matatanggal si Alex sa pinagtratrabahuan nito at hindi sana
ito masasaktan.
Ayaw kong masaktan siya pero ako pa mismo ang naging dahilan
ng pasakit niya at iyon ang hindi ko matanggap. Gusto kong makausap si Alex
pero hindi ko alam kong anu ang pwedi kong sabihin kapag kaharap ko na ito.
Para akong natakot na kapag pinilit ko ang gusto ko ay lalo ko lang mapalala
ang lahat.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam na para
bang wala akong direksyon na mapuntahan. Hindi naman ako pweding pumunta o
humingi nang tulong sa mga kaibigan ko dahil nahihiya ako sa ginawa ko kay
Brian.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang disco bar at
mag-isang umiinum. Sinusubukan kong mahanapan ng sulusyon ang mga problema ko
pero kahit anong gawin ko ay wala akong maisip. Tanging pagsisisi ang umaalipin
sa akin.
Alam kong si Alex ang mahal ko dahil sa kanya ko lang
naramdaman ang kakaibang saya na hindi ko naramdaman sa mga girlfriends ko.
Siya lamang ang tanging taong dahilan ng pagwawala nang puso ko pero ngayon
hindi ko na alam kong anu pa ba ang pwedi kong gawin para lamang maayos kami.
Hindi pa man nagiging kami ay problema na ang sumalubong sa amin anu pa kaya kong
kami na. Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang mga sinabi sa akin ni Dorwin noon.
“Kaya mo bang
pangatawanan iyang nararamdaman mo?” Ang salitang paulit-ulit na tumatakbo
ngayon sa isip ko. Hindi ko na alam kong kaya ko na nga bang pangatawanan ang
nararamdaman ko. Masyado ata akong naging padalus-dalos at hindi inisip na
hindi pala madali itong pinili kong relasyon.
Mahal ko si Alex, walang duda iyon dahil hindi ako
makakaramdam ng ganitong panhihinayang ngayon kung hindi. Ang kaso, sapat ba
ang pagmamahal ko sa kanya. Sapat na bang mahal mo lang ang isang tao para
maging masaya kayo? Sa tingin ko ay hindi, dahil kung sapat na ang pagmamahal
sa isang relasyon bakit umabot kami sa puntong ito?
“Sinuntok mo na nga ako hindi mo pa ako sinabihan na may
inuman pala.” Nagulat ako nang malingunan ko si Brian. “Tinawagan ako nang
kambal mo at sinabi sa akin na kailangan mo raw ako ngayon. Kaya kahit na
sinuntok mo akong kumag ka heto’t narito parin ako.” Wika nito sabay hila nang
upuan sa tabi ko.
Hindi ko nakuhang tumugon dito dahil sa hiya at guilt sa
ginawa ko sa kanya. Si Brian lang ang tanging taong kasundo ko sa barkada namin
ito lamang ang taong nakakatiis sa kabaliwan ko. Ni minsan ay hindi pa kami
nagkasagutan nito dahil sa lagi nitong nasasakyan ang sayad ko.
Um-order ito nang sarili niyang inumin habang ako ay sa
hawak ko lang na bote nakatingin. Hindi ko magawang tumingin sa kanya sa
sobrang hiya sa ginawa ko. Alam kong mali ako sa mga nangyari at aminado ako sa
bagay na iyon ang kaso hindi ko alam kung paano sisimulan ang paghingi nang
tawad sa kanya.
“Sorry pala sa kadaldalan ko.” Wika nito kapag kuwan. Hindi
ko inaasahan na ito pa mismo ang hihingi nang paumanhin sa akin. “Hindi ko
naman kasi alam na hindi pala alam ng chikas na iyon na si Alex ang bago mong
prospect. Wala naman akong intensyong sirain ang kung ano mang meron kayo ni
Alex pare, alam mo naman ang kadaldalan ko minsan nawawala sa lugar.”
“Alam ko naman yon.Masyado lang akong nadala sa inis ko kaya
nasuntok kita.” Tugon ko rito.
“Kamusta naman ang pakikibaka mo sa supladitong Alex na
iyon?”
“Negative pare, ayaw akong kausapin ni ayaw nga akong
tingnan eh. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa isang yon.” May bahid
ng pagsusumbong kong wika dito.
“Talagang tinamaan ka sa isang iyon ah. Sabi na nga bang
birds with the same feather are the same birds eh.” Sabay tawa nito nang
nakakagago. Ito ang gusto ko kay Brian hindi ito marunong mag-kimkim ng galit
lalo na kung alam nitong may kasalanan din siya.
Binato ko ito nang tissue at napatawa narin.
“Hindi ka talaga makausap ng matinong gago ka.” Tatawa-tawa
kong sabi.
“Nga pala pare, ikaw ang mag-babayad ng iinumin ko. Bayad mo
sa damage na ginawa mo sa mukha ko.” Nakangisi nitong wika.
“Anak ka nang ina mo! Kahit kailan talaga kuripot kang gago
ka!” Tinawanan lang ako.
Kahit papaano ay nabawasan ang dinadala ko dahil sa okey na
ulit kami nang best friend kong ulupong. Nagpapasalamat rin ako kay Dorwin sa
ginawa nitong pag-contact kay Brian alam talaga nang kambal ko na kailangan na
kailangan ko ngayon ng taong makakausap.
Pansamantala kong nakalimutan ang problema ko dahil sa
kalokohan ni Brian. Tulad ng lagi naming ginagawa tuwing nagiinuman kami ay
kung anu-anong kalokohan ang napagusapan namin. Hanggang sa muli itong maging
seryoso.
“Ano na ngayon ang balak mo?”
Tulad ko ay bihirang maging seryoso ito.
“Hindi ko na alam pare, masyado ko atang nasaktan si Alex at
sa tingin ko hindi na ako nito mapapatawad pa.”
“Kung talagang mahal ka non mapapatawad ka niya. Ikaw naman
kasi, ano ba kasing pumasok sa kokote mo’t dinala-dala mo pa ang hot na chikas
mo sa bar nang bayaw mo eh alam mo namang doon nagtratrabaho ang prospect mo.
Mag-loloko ka naman lang nagpahuli kapa.”
“Gago! Hiwalay na kami ni Sonja noh, at hindi ako nagloko.
Nagmagandang loob lang ako na samahan siya sa araw na iyon dahil sa wala daw
siyang magawa sa hotel na tinutuluyan nila. Kung hindi niyo sana ako kinulit na
mag-punta sa bar hindi sana nangyari ang lahat ng ito.” Paninisi ko sa kanila.
“Kami pa ang sinisi mo. Gusto ka lang naman naming
surpresahin ah.”
“Yeah right! Na surpresa nga ako. Pati si Alex na surpresa
sa mga kagaguhan niyo.”
“Pero mukhang in love pa sayo ang babaeng yon pare. She
asked me kung kilala ko ang taong ipinalit mo sa kanya and I thought na nasabi
mo na sa kanya ang lahat kaya naman walang pagaalinlangan kong sinabi sa kanya
ang totoo.”
“Mukha nga. Kaya nga galit sa akin ngayon si Alex di ba? Dahil
inaakala nitong syota ko pa si Sonja.
Pero seryoso pare, pasensiya na kung nasuntok kita. Sa susunod kasi i-zipper mo
yang bibig mo.”
“Okey na ako basta’t bayaran mo lang ang mga iinumin ko.”
Nakangisi nitong sabi. “Pero the fact na hindi mo sinabi sa chikas na yon ang
tungkol kay Alex, means na ikinahihiya mo ang nararamdaman mo sa half-half na
yon.”
“Hindi noh!” Depensa ko sa sarili ko.
“Ows? Alam mo pare, naiintindihan naman kita eh. Actually
lahat ng problema sa mundo naiintindihan ko magaling ako eh. Ang problema mo
pare ay hindi mo alam kung ano ba talaga sayo si Alex, sabi mo mahal mo siya di
ba?” Napatango naman ako rito.
“Pero hindi mo mapanindigan ang nararamdaman mo. Kung mahal
mo talaga siya bakit hindi mo masabi sa ibang tao na you fell to someone like
him? Tingnan mo si pareng Red, kahit sinong hudyo ipinagyayabang ang relasyon
nila ni Dorwin. Si Niel, na halos masira na ang eardrum kakasakay ng eroplano
papuntang Manila para lang makita ang syota niyang half-half rin. You have to
make some effort pare, kailangan mong iparamdam sa taong mahal mo na secured
ang feelings niya sayo.” Ang mahabang litanya nito.
Nakuha ko ang ibig sabihin ni Brian at sa tingin ko tama
ito. Hindi sapat na mahal ko lang si Alex, kailangan kong maipakita sa kanya
ang pagmamahal na iyon kung gusto kong makuha ko ang tiwala nito. Kailangan
kong ipakita sa kanya na seryoso ako sa nararamdaman ko sa kanya. Iyon ang
bagay na hindi ko nagawa dahil siguro ito ang kauna-unahan kong mag-mahal ng
totoo. Marahil ay ito ang ibig sabihin ni Dorwin, hindi ko alam ang priority ko
na dapat ay si Alex at dahil doon hindi ko namalayan na sa mga simpleng bagay
na ginagawa ko nasasaktan ko siya kahit hindi ko sinasadya.
“Do you think it’s too late for me to make up with him?”
Maya-maya ay wika ko matapos kong mapagtanto ang mga kamalain ko.
“Hmmmm..” Wika nito sabay ubos nang natitirang laman ng
inumin nito. “Balita ko napaalis si Alex sa bar dahil sa konsumisyon sayo eh.
Siguro it’s too late na pare. Iinum mo nalang ang kabiguan mo wag kanang
umasang mapapatawad kapa noon.”
Agad akong tumayo at akmang aalis na nang piligan ako nito.
“Saan ka pupunta? Walkout king kana ngayon?”
“Mag-hahanap ako nang matinong kausap.” Asar kong wika dito
sabay waksi nang nakahawak nitong kamay sa akin.
“Masyado ka naman atang matampuhin ngayon. Iyan na ba ang
epekto sayo ni Alex?” Ngingisi-ngisi nitong sabi halatang nangaasar ang gago
marahil hindi pa nito nakakalimutan ang pagsapak ko sa kanya at gusto nitong
makabawi.
“Hindi ka kasi makausap ng matinong gago ka!” Asik ko dito
at muling umupo.
“Tsk! Bakit kami ang pinagbubuntunan mo nang galit mo? Hindi
ba’t ikaw naman itong gumawa nang problema mo? Kung gusto mo talagang maayos
ang problema kausapin mo siya.”
“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung
paaano hihingi nang tawad sa lahat ng pagkakamali ko sa kanya.”
“Ang dami mong hindi alam! Wala kang mapapala kung matatakot
kang kausapin siya rinig ko pa namang nakikipagbalikan ang dating syota nun.
Kapag naunahan ka noon wala kana. Ibaon mo nalang sa hukay iyang nararamdaman
mo.”
“Saan mo narinig yan?” Nakaramdam ako nang kaba sa narinig.
Iyon ba ang dahilan
kong bakit sila nagusap?
“Magaling ako sa pangungulekta ng impormasyon pare, trabaho
ko yan eh.” Nakangisi nitong wika. “Pero ayon sa trusted source ko hindi pa
muling naguusap ang dalawang iyon mula nang umepal ka sa bar kaya kung ako sayo
aba kumilos kana.”
Walang anu-ano kong tinawagan ang number ni Alex. Isang
lingo ko na rin itong tiniis na hindi tawagan dahil sa gusto kong ma miss ako
nito. Balak ko kasing sa muli naming pagkikita ay mag-tatapat na ako sa kanya ang
kaso naunahan naman kami ng problema.
Padabog kong naibaba ang cellphone ko sa mesa nang hindi ko
ma-contact ang cellphone ni Alex.
“Wala kang load?” Nangaasar na wika ni Brian.
Pinukol ko ito nang masamang tingin.
“Hindi ko ma-contact, nakapatay ata ang cellphone.”
Dismayado kong wika.
“Pa hard to get pala ang isang yon.” Wika nito sabay tayo. “Tara!”
“San tayo pupunta?”
“Susugurin natin sa tinutuluyan niya para matapos na itong
kalbaryo mo.”
Hindi agad ako nakapag-react sa ideya nito paano kung
ipagtabuyan kami ni Alex?
“Wag kanang tumanganga diyan. Pagdating talaga sa taong yon
nawawala ka sa katinuan mo.” Wika nito at nagpatiuna nang lumabas ng disco bar.
Bahala na si Doreamon
sa akin. Wika ko sa sarili ko at sumunod na sa kalugong si Brian. Pasalamat
nalang ako na may katulad nitong handa akong damayan.
Itutuloy:
46 comments:
Ayiiieeee... Go dave magpaliwanag ka... Sira ulo ka din kasi eh.... Dapat tinulak mo na lang sa building niyo si sonja para nabawasan ang mga bitter na katulad niya... Haha
-jemyro
eee bilisan muna Dave! mg explain kana agad kay Alex.
bitin .... but great haha :)
wahhhh bitin dear author..... go go na dave.... malamang maabutan mo sya.... naku patay ka na dave,,,, wala ng work si alex ng dahil sa u...
ramy from qatar
@Rammy From Qatar
Pasensiya na po kung nabitin kayo hehehe hanggang diyan lang ang kinaya ng 2mb kong utak eh.. wahahahaa
bahala na si batman... ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao, kailangan gumawa ka ng effort para maging sa'yo siya. :)
Mahabang pakikibaka ito Dave...Goodluck..
Pero kapag di nakuha sa santong dasalan daanin sa santong paspasan..hahaha
Saya basahin..thanks..
kawawa naman si doraemon!!
try mo si hello kitty!!
:)
like it much!!
- ChuChi -
Sometime's Love just Ain't Enough, maraming kailangang isaalang-alang.
Beucharist...
zild. next na. next na :) haha
-kokey
wahahahahahaha.. yun lang .... hahahah
makatiboy
hahahhaha. here comes dave. alex magpakipot ka ng konti ha. hehehhehe
taga_cebu
Mahaba-habang ligawan ulit! haaay nakakakilig i-imagine! Titiisin niya ang pagsusuplada ni Alex ngayon. Desperate move kaya? Ang dami kong naiimagine kasi nabitin na naman ako!
Cheers!:)
Ayan na...interesting na ang mangyayari.
Ano kaya ang mangyayari sa pagkikita nila Dave at Alex? Hmmpp..mukhang mahirap kumbinsihin ngayon si Alex. una nasaktan ulit dahil akala niya pinapagpalit na siya at dumagdag pa ngaun na nawalan pa siya ng trabaho.Hay...complicated..
Next na...excited.
kuya..next na nga...heheheh
napa 'Nyek' ako nung mabasa ko yung itutuloy, masyado ako nafocus sa pagbabasa. Haha!
Nice nice nice! Galing parin ng 2mb mong utak zep. Haha! Baka pwede makahiram ng 500kb? Haha!
Ang daming story ang walang update, as in ngayong gabi nagsulputan kayo lahat. Puyat na naman ako. Haha!
--ANDY
go go go renzell dave..kaya mo yan..ipaglaban mo ang nararamdaman mo..mahal ka ni alex..alam mo naman ugali nun at ang pride nun na napakatayog..guluhin mo ulit mundo niya at hatakin sa kung saan..sumusunod naman sayo yun eh..hahahaha..
good job kuya zeke..
-Jay
hindi kaya isa iyon sa mga plano nila Red at Dorwin?parang move nila na tulungan si dave at malaman kung ano talaga ang nararamdaman nya kay alex...
--janaurd
waaaaaaaaaaaaaaaaaa kaganda.... bahala na si doraemon.... lols
KUDOS! Kakilig naman.... pahirapan pa kuno.... :))
ayeeeeeeeeee bitin na naman buwisit na author toh masyadong ginagalingan nambibitin talaga grrrrrrrrrr bahala na si Doraemon ahahahahaha. Dave akin ka na lang? pede ako na lang? ako na lang Dave? wahahahaha desparada ba Mwister Awtor
- ecko
Grabe damang-dama ko iyung paghihirap ni Dave! Ang galing mo talaga sir! Pero bakit ka titigil na sa pagsusulat?
- Tam
Waaahhh. Nakakainis talaga pag 2mb lang ang capacity ng brain madalas mag-hang. Paki upgrade naman kahit 1G. LOL
update naman jan.. :p
fave ko tlaga ung bahala na c doraemon.. :p
anyway, ive been following this for quite some time na, at isa ako sa mga silent readers mo from the right time, after all, 9mornings at ngaun eh chances.. :p
Go dave fight....
ni isa sa mga hula ko (namin) walang tumugma LOL! napabilib mo ako Z! ikaw na!
may pagka DORA CHIKADORA tong si Brian! LOL
bumabawi tong si Brian ah.. tama nga naman ang sinabi nitong "kung mahal ka nun mapapatawad ka niya"..
Just sway to the Rhythm of Love Dave.. wag mawalan ng pag-asa.. sigurado ako mapapatawad ka niya! ksi alam mo't alam namin na Mahal na mahal ka na ni Alex.
Go! Go! Sago! Hindi pa huli ang lahat! baka maunahan ka pa ng Ex niya!
Fantastic Job Z!
hehehehehe galing mo tlga..author...ang bilis pa ng update..at teka anong sabi mo? matagal ka mawawala di pwde yan author...plsssss
cge alex pahirapan mo pa ng todo c dave ...
pra malaman mo kung gano ka tlga nya kamahal
waaahhhh.. bitin but still the best..
reading this completes my day...
cuteness.. kiligness.. sweetness..
God bless.. -- Roan ^^,
Naku! Bitin na naman. Ang galing mo talaga sa art of bitin.
pwede pa request naman. paki upgrade yung 2mb na utak kahit mga 10mb naman para hindi bitin. or better 2gb para masaya. Hehe
ayan dave .. meron kah nman pla totoong kaibigan eh .. loko kah talaga .. hehehe next nah kuya zek .. bilis .. ♥♥♥
xoxo
update naman!! :P
i've been reading your stories for some time now(isa ako sa silent readers.. hehe..)... from your first story "The Right Time", "After All", "9 Mornings" and "Chances"... ang masasabi ko lang... MAGALING KANG GUMAWA NG STORIES... hehehe... pwede ka na ngang gumawa ng sarili mong pocket book series eh...
sana hindi pa ito yung huling kwento na gagawin mo... :P
Keep it up Z!! :P
wahhhhh bitin nanaman ako. gabi gabi ko na lang visit blog mo para sa kasunod je je je . anyways keep up tol i really like it. Just me and only me the guy who always fall in love with the story but never been in love je je je . thanks
.anu ngah klase ngah pgpaabat kuya?lolx hahah.!
taga alangalang
Super sa lahat- kaba, bitin, exitement, ganda, galing ng plot at higit sa lahat super sayad hehe next na poh!
-Philip
hmmm... mukhang adventure in the making ang next chapter.. sana magkaayos na silang dalawa... huwag mo nang pahirapan pa dear author... hehehe
kasi naman e :)
anyway, ramdam ko na na malapit na to matapos hehe :D
hoy renzell dave, kumilos k n! wag kng matakot! mkibaka! hihihi suyuin m n agd c alex!
alm m n ngang kaw ang may ksalanan, ayaw m nmng kumilos! d k lng knausap, d k lng pnansin, wla k nrn gnwa! bwisit kng ulupong k!
hay renzell dave, kung d lng kta luv, pinapatay n kta ke super z! hihihihi
kaya, kay renzell dave ng buhay k, umayos k! love u mwaah mwaah hihihi
love u super z!
akosidrew
bitin kuya Z!!...
hahaha!!...
i Love brian nah!!...
i hope i hve a frend Lyk dat...
one hu wud understand you...
khit ikaw pah ang may kasaLanan...
swerte moh tLga dave dhiL meron kang frend nah kagaya ni brian...
hehehe... :)
- edrich
UGGHHH! KAASAR TLAGA MAMBITINNNNN. . . . GRRRRRR. NEXT! NEXT! NEXT CHAPTERRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR
Matatapos nba ang chances? Huhuhu wag muna extend pa po pls! Anu kya manyari pgpunta n dave s haus ni alex? Hmmm??
hahaha. daming nabitin... isa na ako.
ang gaganda ng mga stories mo.
lahat nabasa ko na. sana WAG KANG TUMIGIL sa pagsulat (nakacapital letters yan para may diin, hehehe).
salamat sa mga katulad mo nagpapasaya't nagaaliw sa amin.
GO DAVE!!! hahaha!!! suyuin mo na sya bago pa mawala!!
galing nyo po talaga! sobrang nakakadala ang mga story nyo!!
maraming maraming maraming maraming maraming maraming maraming salamata po talaga sa email nyo. alam nyo ba pong pag wala akong ginagawa, binabasa ko ng binabasa paulit-ulit ang mga story nyo :) ganun ko kau iniidolo sa pagsulat :) sobrang galing nyo talaga :)
sori po ulit kung ngaun lng ako nakacomment medyo busy nga po kac kaya hindi nakakacomment pero nababasa ko nmn po :) may bago nga po dba? ung bf ko :)) hahaha!!
Go Renzell Dave. :)) love you Z!
hihihi..parang dorwin-red din!:)
nakakatuwa..haha
lagot c dave sa katarayan ni alex malamang sa malamang yan.haha
-monty
Post a Comment